pink drops
Beauty of Colors #3: pink drops
~*~
"Nakaka-inis naman, umulan na naman."
"Nakaka-irita, 'yung shoes ko mababasa na naman. It's so expensive pa naman, gosh."
Napa-iwas ako ng tingin sa mga babaeng naiinis dahil umuulan na naman. Muli kong napatingin sa kanila. They look so pretty, mukhang intimidating, looking so expensive.
Sana all.
Masaya akong naglalakad papuntang Ministop ngayon, it's my day. Tuwing umuulan pakiramdam ko dito lang ako nagiging malaya. Free on judgement, free on insecurities, and such. Mas naa-appreciate ko 'yung sarili ko tuwing umuulan. Hindi naman kasi ako maganda e, hindi ako kasing expensive katulad ng iba. . . pero mabait naman ako.
Nakangiti akong pumasok sa Ministop, walang masyadong tao. Agad akong pumunta sa refrigerator at kumuha ng pink Mogu-mogu sinabayan ko na rin ng pagkuha ng mga pink chips. It's my pretty day, kaya dapat pretty pink din mga kinakain ko. Pink is love, love is pink.
Nakangiti akong pumunta sa cashier para bayaran na 'yung mga pinamili ko.
"Ang ganda ng mga ngiti mo."
Napataas ako ng tingin dahil sa sinabi ng Cashier. Lalaki siya, lumingon-lingon pa ako sa paligid ko. Baka mamaya hindi naman pala ako 'yung sinasabihan nag-aasume ako bigla.
"Cute." Umiling-iling siya, pero napapansin ko na napapangiti siya.
Okay? Thanks, char.
Nginitian ko nalang siya at inabot 'yung bayad ko.
Pumwesto na ako doon sa may dulo, malapit sa may aircon. Ramdam na ramdam ko 'yung chill, sana lagi.
Sinimulan ko ng kainin lahat ng pinamili ko, dahil panigurado. . . sa pagtila ng ulan mawawala rin 'yung kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
Pink symbolizes beauty, and rain symbolizes freedom. Maraming tao 'yung kapag umuualan doon lang nila nalalabas 'yung hinanakit nila sa mundo. Doon sila nagiging malaya sa pagbuhos ng mga sakit nila. But for me, kapag umuualan. . dito ako nagiging malaya sa pag-express ng sarili ko. Walang insecurities na bumabalot sa akin, sadyang nakakagaan lang sa puso.
Just me being myself.
"Ang lalim ng iniisip mo, pero nakaka-ganda sayo."
Napataas ako ng tingin sa lalaking bigla-biglang nagsasalita sa harapan ko. Siya 'yung Cashier kanina, pero mukhang nagpalit na ng damit.
"Baliw."
"Oo nga. Kahit maulan ang fresh mo, nakakahawa 'yung vibes." Tinaas niya pa 'yung kamay niya na parang sinusuri 'yung mukha ko.
"Grabe, ako lang 'to," natatawa kong sagot sa kanya.
"Naks."
Hindi ko na pinansin 'yung sinabi niya, hindi ko naman siya kilala pero bakit nakikipag-usap siya sa akin? Sumasagot naman ako lol. Mga lalaki nga naman, char.
"Alam mo ang gaan ng loob ko sa 'yo, who you?" Nilapit niya pa siyang mukha siya sa harap ko.
"Aba, ang kapal mo naman. Hindi rin kita kilala, ikaw 'tong kinakausap ko bigla-bigla." Tinaboy ko 'yung mukha niya, ang feeling huhu.
"Ito naman, nagtatanong lang. Pero alam mo. . nararamdaman kita, hindi ko alam kung bakit. Sabi nila mas maganda raw mag-open sa mga strangers, may problema ka no?" Tuloy-tuloy na sabi niya.
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Feeling close nga.
"Ang dami mong alam no? Ang creepy ng nararamdaman mo ha," pag-iwas ko sa topic niya kanina.
"Sorry to bother you, hindi ko rin alam kung ba't kita kinakausap. I just want to say that I appreciate your beauty. I like your vibe, pakiramdam ko rain or shine 'man. "Yung glow mo kakaiba, I see uniqueness in you, sana ikaw rin. You are beautiful on your own. Please, don't settle for less." He smiled at me. "Nice to meet you? Uwi na ako, tumitila na rin 'yung ulan e. Hope to see you again. ." Nakangiti siyang tumalikod, at lu,abas na ng shop.
Wow, thank you. . .
Inubos ko na 'yung Mogu-mogu ko, unti-unti palag nagsisink- in sa akin 'yung sinabi nung lalaki. Ang lakas ng impact, sobrang thank you. .
Pinagmasdan ko 'yung labas, tumila na ang ulan.
Nakangiti aking tumayo.
Okay self, you are beautiful. Please, don't settle for less, you're more than that.
I sigh deeply.
Kapag lumabas ko sa Ministop na 'to, lalabas na rin ako. . . sa dating ako.
Thanks, Mr. Stranger.
- F I N -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top