growing red across the blood

Beauty of Colors #2: growing red across the blood.

~*~

"Ano ba 'yan! Yosi ulit?"

Mabilis niyang kinuha 'yung yosi na hawak ko at tinapakan ito para mawala 'yung apoy.

Napairap nalang ako sa ginawa niya. May nakita kasi akong mga nakapula kanina at kakulay ito ng dugo. 'Yung wisyo ko tuloy parang automatic na kumuha ng sigarilyo para mawala 'yung takot na nararamdaman ko. Hindi ko alam, siguro dahil nakasanayan na.

Lumingon ako sa kanya at nakitang may hawak siyang band-aid.

"Hindi mo ako tutulungan?" sambit niya.

Napatingin ako sa kanyang hawak at nakita kong nagdurugo 'yung daliri niya.

"Ano bang nangyari diyan? Alam mo namang ayaw ko sa dugo!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Hindi ako tumingin sa kanya habang nililinis niyang mag-isa 'yung sugat niya. Kumuha nalang ako ng kendi sa bulsa ko dahil panigurado sisitahin niya ulit ako kapag nag-yosi ako sa harapan niya.

"Gurl, ayos na. " Naka-ngiti siyang tumingin sa akin at pinakita 'yung daliri niyang may band-aid. "Maiba lang, kailan ba nagsimula 'yang takot mo sa dugo at kulay pula? If you don't mind, nakakasama kasi sayo 'yung coping mechanism mo. Hindi maganda ang epekto ng yosi sa katawan, baka lalo lang ma-trigger 'yung takot mo," dagdag niya pa.

Mukha siyang malungkot at mahina lang 'yung pagkakabanggit niya para siguro hindi ako ma-offend. Umiwas ako nalang ako ng tingin kanya.

"Lumaki na akong ganito, ang hirap," maikling sabi ko.

Habang naalala ko ang dahilan kung bakit ako naging ganito, hindi ko maiwasang maging malungkot. Simpleng pangyayari ngunit grabe 'yung naging epekto sa akin.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Dahil sa Nanay ko," pagkasabi ko nu'n nakita ko 'yung pagkagulat sa kanya. "Bata palang ako wala na si Mama at alam mo 'yung masakit? Dahil sa akin kaya siya nawala. Nagpupumilit ako na umalis kami para lang bumili nung gustong-gusto kong laruan sa palengke noon. Hindi ko naman inakala na 'yun na pala 'yung araw na mawawala siya. Nasasaksak siya... kitang-kita ko." Napapikit ako nang mariin, parang bumabalik lahat nung mga alaala.

"Gusto niya akong maprotektahan, napalibutan kami ng tatlong lalaki. Walang nagawa 'yung Mama ko, bata palang ako nuon, iyak lang ako nang iyak. Swerte ko nalang at hindi ako ginalaw. Alam mo nagmamakaawa 'yung nanay ko na hindi ako saktan. Nang sumigaw ako, biglang naglabas ng kutsilyo 'yung lalaki at mabilis na sinaksak 'yung Nanay ko. Wala naman kaming ginawang masama." Napatakip ako nang mukha kasi unti-unti nang bumubuhos 'yung mga luha ko.

"Wala akong nagawa... nawala na 'yung mga gamit na dala namin, ako at si Mama lang na duguan 'yung nasa gilid. Sinubukan kong humingi ng tulong, p-pero s-sobrang.. sobrang daming dugo na 'yung nawawala kay Mama.."

Hindi ko na natapos 'yung pagkwento ko sa kanya. Hindi ko na kaya.

"Shh, sorry." Nag-aalalang sabi niya sa akin.

"Ewan ko ba, hindi mo kasalanan no." Sinubukan kong tumawa, baka sakaling hindi na pumatak 'yung luha ko.

"Nung panahon na 'yon, parang nalulunod na sa dugo 'yung mga kamay ko. Wala 'man lang akong magawa.. kundi umiyak lang. Pakiramdam ko kasi kaya nawala si Mama dahil sa akin. Kung hindi lang sana ako nagpumilit na umalis nung araw na 'yon, kung hindi lang ako prinotekhan ng Mama ko. Walang saksakan na magaganap, wala sanang dugo na nawala. Kaya kapag may mga dugo, o mga kulay pula. Tamang yosi nalang, baka sakaling mawala ng usok 'yung takot na nararamdaman ko sa loob. Bigla ko kasing naaalala ko 'yung kalagayan ni Mama."

"You're so brave," mahinang sabi niya sa akin. "Hindi mo kasalanan, kung oras na, oras na. Ginawa 'yun ng Mama mo dahil mahal ka niya, she wants you to be safe."

Tumahimik lang ako, gusto kong pakinggan 'yung sinasabi niya.

"Alam mo, parang God's love. Jesus died on the cross para sa ating mga kasalanan. His blood save us, para hindi na natin maranasan 'yung mga nangyari sa Kanya. If you're finding acceptance, hindi magiging sagot 'yung pagbibisyo. You can find acceptance in the presence of the Lord. Your mother is now safe in the presence of God. Kaya it's not your fault, don't blame yourself. Jesus loves you so much. Okay?"

Hindi ako nakapagsalita.

Blood of Christ?

"The trauma? I know kaya mong i-overcome 'yan. Healing takes time, alam kong hindi madali, and it will never be. But slow progress is still a progress, right? Step by step, kaya 'yan. Let's find happiness in misery."

Nabibigla ako.

"Never magiging sagot ang bisyo sa pinagdaraanan natin, I hope na gets mo ako," hinawakan niya 'yung kamay ako. "Let's pray together? Don't worry, He's listening."

Pinikit ko ang mga mata ko at naririnig ko na pinapanalangin niya ako.

Ngayon, Jesus? Lord? Wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba?

Lord, hindi ko alam ang gagawin. Tulungan mo po ako, lumaki ako nang may takot sa dugo at akala ko 'yung pagkakaroon ng bisyo ang magiging sagot para mawala 'yung takot na nararamdaman ko. Katulad ng sinabi niya, Your blood saved me. Pakiramdam ko tuloy 'yung dugo ni Mama, at 'yung dugo mo kumokonekta sa akin. Sign na rin po ba 'to para hindi ko na sisihin ang sarili ko? Kung hindi pala dahil sa mga dugo na 'yan, hindi ako patuloy na mabubuhay dito. Ayos lang naman si Mama diyan 'di ba? Ang hirap po pakawalan. . . pero kailangan. I pray for the healing and restoration, Lord.

Salamat po sa lahat, makakayanan ko naman hindi po ba? Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung bakit po naging ganito 'yung nararamdaman ko. Basta, magtitiwala ako Sayo.

In Jesus name, Amen.

"Salamat," mahinang sabi ko kanya.

"Thank you rin sa pakikinig," nakangiting sagot nito. "Love is what Jesus Christ did on the cross. Maraming dugo, pero 'yun ang naging simbolo ng pagmamahal Niya sa atin ngayon. You can overcome it! Naniniwala ako sayo, and I am sure proud ang mother mo!"

"Salamat." Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

Kinuha ko 'yung isang kaha ng sigarilyo sa bag ko.

Pinigilan niya sa kamay ko. "Hoy, magsisigarilyo ka ulit?"

"Hindi," maikling sagot ko.

Tinitigan ko 'yung yosi na hawak ko.

Unang hakbang sa pagbabago.

Pumunta ako sa may basurahan at tinapon doon ang mga sigarilyo ko.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sa akin.

Ngumiti naman ako pabalik.

"Salamat."

- FIN -


You can request colors po, gagawan ko ng story hehe thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top