black harmonies
Beauty of Colors #4 : black harmonies
~*~
"Ang ganda. . kaso malungkot."
Napalingon ako sa babaeng biglang pumasok dito sa madilim na silid. Paano niya nalaman 'to?
"Alam mo napaka-ganda ng musika mo.." Sinundan ko lang siya ng tingin, 'yung echo ng boses niya rinig na rinig sa apat na sulok ng silid na ito.
Tumabi siya sa akin at ako nama'y binigyan siya ng nakakapag-takang tingin. Hindi ko siya kilala, bakit bigla nalang siya pumunta rito?
"Huy!" Napabalik ako sa wisyo nang binatukan niya ako. "Gandang-ganda ka ba sa akin? Kanina pa ako nagsasalita, hindi mo ako pinapakinggan."
Manigas ka.
Hindi pa ako nagsasalita, bumaling nalang ako sa gitara ko at nagsimulang mag-strum.
Sa bawat kaskas ko sa gitara pakiramdam ko dito ako nagiging malaya. Mga malulungkot na harmonya na yata ang pagpapasaya sa akin. Siguro, dahil ganoon na ang buhay na ginagisnan ko. Puro lungkot, puro dilim, nabubulag na yata ako sa lahat. Hindi ko na makita 'yung liwanag, wala na yatang saya na bumabalot sa katawan ko.
"Ang lungkot ng melody ha! Strum ka lang boy, pasasayahin natin 'yang malungkot mo na instrumental!" Nakita ko lang siyang natutuwa sa ginagawa niya. Hindi ko nalang niya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-strum.
"Watch and learn!" Hinawi niya ang buhok niya at parang ewan na nag-vocalization kuno.
"Masdan mo ang madilim na silid,
Sa apat na sulok ika'y mabibingi
Ganda ng itim. . makikitang malungkot,
Ngunit kung ito'y magnining-ning, daig pa ang liwanag, kung ito'y sisilip.."
Habang ako'y tumutugtog napapatingin ako sa kanya, posible nga ba? Black symbolizes darkness, I can't see the happy color in it.
Nakita ko siyang sunsundan pa ang kanta nang naunahan ko ito.
"Masdan mo ang madilim na silid,
Paanong magliliwanag, kung ito'y walang ningning?
Hindi ko maintindihan, sabihin mo nga?
Ang dilim, ang itim, walang itong saya.."
Tumigil ako at binaba ang aking gitara, "Sino ka?" tanong ko sa babae.
Ngumiti siya sa akin at nilahad ang kanyang kamay. "Ako si Huni.. ikaw?"
"Dark." Simpleng sagot ko.
"Wow dark na dark! Ganda ng name mo, tapos basher ka ng black?"
Nagkibit-balikat lang ako, hindi mo ako kilala. Hindi ka sure.
"Ang sama mo, hindi mo ibabalik sa akin yung compliment? Sabihin mo maganda rin yung name ko.." Tinaas niya ang kamay niya at kunwaring may pinakakita, "Huni" nagtaas baba siya ng kilay at sinabing, "Ganda ng name no? Kasing ganda ko!" Natutuwa niyang sabi. Siya lang natuwa.
Tatayo na sana ako nang bigla niya akong pinigilan. "Kalma, aalis ka na agad? Chikahan muna tayo dali!" Tin-nap niya pa yung sahig senyales na umupo rin ako.
Ngumiti siya nang makita na sumunod ako. Ewan ko ba, mukha naman siyang mabait.
"Ayan, good boy!" Pin-nat niya yung ulo ko. Ano ako aso? Lol.
"Alam mo lagi kong naririnig 'yung musika mo.." panimula niya. Napatingin lang ako sa kanya. . kahit naman naririnig niya wala akong pakialam. Malungkot lahat ng kanta ko, hindi lahat gusto nang ganoon. Ako lang nakaka-appreciate ng sarili kong likha.
".. Maganda siya, alam mo 'yon.. dama mo 'yung lungkot. Nagtataka lang ako bakit dito lang? Bakit dito lang sa apat na sulok mo pinaparinig? Kung lalabas ka naman puro puno, walang tao. . you know. Deserve ng music mo na ma-discover!"
"Alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong ko.
"Oo naman! Tambay na talaga ako dito, pero sa labas ang ganda kasi ng puno. Daming huni ng mga ibon, like my name! Anyway, sorry ang daldal ko madami pa akong kwento hehe." Napailing nalang ako sa kanya, buti naman alam niya.
"Bakit malungkot ang tingin mo sa black? Akala ko pa naman nung una kasiyahan mo 'yon kaya palaging malungkot. 'Yun pala malungkot talaga. ."
Tumango lang ako, "Oo. . kasi malungkot naman talaga siya. Hindi ko alam, siguro dahil na rin sa mga pinagdaanan ko at sa pamilyang kinagisnan ko. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakagawa ako ng malulungkot na musika, siguro dahil pakiramdam ko nababawasan 'yung lungkot."
"Naiintindihan kita. ." ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam, kakaiba 'yung ngiti niya. Parang tumagos..
"Siguro, embrace the darkness in you. Malay mo 'yung lungkot at sakit na nararamdaman mo maging tulay para mas maging malakas ka. Para makita mo 'yung liwanag. Kasi sa nakikita ko, hindi ka basta bastang nalulunod sa dilim.."
Nakikinig lang ako sa sinasabi niya.
".. Hindi naman lahat ng dilim sa buhay natin nakakapagpa-sira ng lubos. Be thankful kasi ang dami mo na sigurong baon na lesson. Ang dami mo pang kanta, at isa na 'yon sa mga rason para magpatuloy ka pa. Reason na 'yan para maging masaya ka na. Naiintindihan mo ba ako?"
Sa mga sinabi niya, parang bumabalik sa akin lahat. Sa bawat lungkot, kailan ba nung huling beses na sumuko ako? Kailan ba 'yung araw na pakiramdam ko walang wala ako?
Musika.
Musika ang naging kasama ko.
Musika ang naging karamay ko sa dilim.
Sa bawat musika sa ginagawa ko, ngayon ko lang na-realize.
'Yun pala ang dahilan kung bakit hindi ako sumuko? 'Yun ba ang naging dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nalugmok?
Hindi naman pala masama.
.. bigla akong nakaramdam ng saya.
"Tama ka.. siguro nga nababalot lang ako ng black na aura kaya hindi ko napapansin na masaya pa ako. Salamat."
"Hindi ko inexpect!" hinampas niya 'yung braso ko kaya natawa ako.
"Goods 'yan, find happiness in misery! Kilala mo si Lord?" sabi niya at tumango lang ako. "Mahal ka niya at super na-appreciate ka niya. Padayon ha, marami ang kailangang makarinig ng musika mo." Ngumiti siya at kinindatan ako.
"Salamat.."
Kinuha niya yung gitara ko at nag-strum siya. Pinagmasdan ko lang 'yung ginagawa niya.
"Sa bawat dilim..
Iyong makikita ang ganda ng tanawin,
Ito'y magbibigay ng lakas,
Magbibigay ng aral. .
Upang tayo'y maging matatag at magpatuloy.
Kapit, Kapatid.
Ika'y manatili..
Ika'y magbibigay ng liwanag, sa bawat dilim.."
She stopped and look at me.
"Naniniwala ako sayo, Dark. Maybe black is kinda sad color, but I know it's your happy color. Keep going."
Ngumiti lang ako sa kanya.
".. Una na ako, nice meeting you. Huwag mo akong kakalimutan kapag sikat ka na ha."
Tumawa lang ako at nagpaalam na rin sa kanya.
Sa huni ng musika ko.
Isa siya sa Huni, na nakapagbigay ng pag-asa sa buhay ko.
- F I N -
You can request colors po, gagawan ko ng story hehe thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top