Prologo
Tulalang pinagmamasdan ni Juanito Mabini ang napakagandang at napakalawak na harden na pag mamay-ari ng pamilyang Saito.
Talagang maipagmamalaki niya ang kanyang kakayahan sa pag-aalaga ng mga halaman. Sigurado siyang magugustuhan ng senyorita ang kanyang pagkakaayos sa harden nito. Malalago ang pagtubo ng halaman.
Lalo na ang pulang pula at halatang mga malulusog dahil sa laki ng pagmumukadkad ng mga rosas.
Naalagan niya ng mabuting ang mga rosas— ang paboritong halaman ni Mrs. Saito, ang amo niya. Siniguro niyang maganda ang ayos ng pagkakatanim ng mga rosas.
Sigurado akong malaking bonus ang matatanggap ko.
Iyon ay kung bumalik na ito... kung bumalik man ito ngayong buwan galing sa ibang bansa.
Binisita kasi nito ang dalagang anak na kahit kailan ay hindi niya pa nakilala o nakita man lang sa tagal ng pagtra-trabaho niya sa mga Saito.
Nagtratrabaho siya bilang hardenero sa pamilyang Saito. Ito lang kasi ang trabahong kaya niya dahil high school graduate lang ako. Mabait ang mag-asawang Saito, dahil kahit na wala siyang pinag-aralan ay tinanggap siya nito ng buong puso.
Mga lahing hapones ang mga Saito. Sabi nila strikto at kuripot daw ang mga hapones pero hindi siya naniniwala sa tsimis na iyon. Napatunayan niya na hindi naman lahat ng hapones ay ganun. Maswerte nga at nakilala niya ang kanyang mga amo.
Sakto kasi noon na napadaan si Mrs. Saito sa harapan ng bahay nila. Nakita nito ang halamang rosas na talaga namang pinaghirapan niyang alagaan sa labas ng bahay nila.
Napansin ito ng magandang ginang at talagang tinawag pa siya mula sa loob ng bahay upang tanungin kung tunay daw ba ang mga bulalak na nakatanim sa harap ng maliit na bahay namin.
Tuwang-tuwa ito.
Inalok siya nitong maging hardenero nila. Sa una ay nag-aalinlangan siya dahil hindi niya naman malalaman kung magiging maganda ang trato sa kanya nito noon.
Hindi naman niya ito personal na kakilala. At tsaka kalat kasi noon sa buong baryo na mata-pobre daw ang pamilyang Saito dahil mga mayayaman ito.
Kaya kahit na may pag-aalinlangan pa rin sa isip ko noon ay tinaggap ko kaagad ang kanyang alok na trabaho.
Nangangailangan ako noon ng pera para may pamibili akong gamot para kay Nanay. Hindi naman kasi ako tinatanggap ng mga maliliit na grocery stores dito sa baryo namin dahil hindi nga daw ako nakatuntong ng kolehiyo. Ni pagiging janitor hindi ako tinaganggap.
Ang masakit pa minsan ay nagpakakamalan akong magnanakaw dahil lang sa itsura ko. Katulad na baka daw pagnakawan ko sila at malugi pa dahil lang sa itsura ko.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura ko. Para akong isinumpa sa kapangitan. Baka nga sinumpa ako ng mga engkanto noong pinanganak ako eh. Baka may nagawang kasalanan ang ama ko at sa akin ang parusa. Hindi naman pwede si Nanay dahil sobrang bait nito, mas mabait pa sa anghel yata eh.
Bente sais anyos na ako pero hindi pa nakakatungtong ng kolehiyo. Gustuhin man niya ang hindi niya kaya ang pang bayad ng matrikula. At isa pa, may sakit ang kanyang nanay habang sumakabilang buhay naman na ang kanyang tatay. Tanging ang ina nalang ang natitira niyang pamilya.
Sakto naman ang sweldo niya dito para sa pang araw-araw na pagangailangan nila ng kanyang nanay pati na din ang pambili ng gamot, kaya wala na siyang iba pang hahanapin pa kundi dito nalang.
Sa ngayon, kontento na siya bilang hardinero. Hanggang sa maka-ipon siya para makapag-aral ulit.
"Juan!" Napangiwi siya sa sigaw ni Tatay Estong mula sa likod niya.
Ito ang pangalawang amo niya.
Matagal na itong namamasukan sa pamilya ng mga Saito. May katandaan na ito kaya minsan siya nalang ang gumagawa ng mga gawain nito noon.
Mabait naman si tatang, siya na din ang tumayong tatay ko sa limang taon kong pamamasukan bilang hardenero sa pamilyang Saito.
Nasa edad animnapung anim. Pero kahit may kaedaran na ito ay malakas pa rin itong mamalo ng mahigawa niyang stick kapag nagiging pasaway daw ako.
"Tatang, bakit po?" sigaw ko pabalik.
"Halika dito."
Pinunasan ko ang sandamakmak kong pawis sa noo ko. Napatingin ako sa maitim at malabahibo kong kamay. Umabot ito sa buong dibdib ko hanggang sa kalahati ng mukha ko.
Sabi nila sakit daw ito pero nakalimutan ko na kung anong tawag pero hindi na ako nakapagpacheck-up pa dahil sa kulang ang pera. Masasayang lang, kaya inalaan ko nalang kay nanay.
Napabuntong hininga ako ng malalim at umiling.
Ang pangit ko talaga.
Pero hindi ko na 'to iniisip pa. Tangap ko naman eh. Kahit ano pang tukso sa'kin di na ako naapektuhan. Immune na sa lait kumbaga. Kahit mga bata takot sa'kin, mga piling tao lang ang nakakatiis na makita ang mukha ko.
Dinala ko na ang mga kagamitan na ginamit ko kanina at naglakad sa direksyon kung saan ko narinig ang boses ni Tatang.
Naabutan ko itong nakapamewang habang nakaalalay sa kabila niya ang kanyang tungkod na tinatawag kong magic stick. Nakatingala ito sa isang malalking puno na may katandaan na.
"Tang..." tawag pansin ko dito.
Lumingon ito at kumunot ang noo nang makita ako. "Oh? Hindi ka na naman ba nagpunas ng pawis? Tingnan mo nga, ang dungis mo."
Itinapon nito sa mukha ko ang isang bimpo sa mukha ko. "Punasan mo nga muna iyang mukha mo. Puno ka ng pawis..." iling nito.
Napangisi ako sa kasungitan niya. Nasanay na ako sa kanya. Masungit man ito minsan, nararamdaman ko ang pagiging tatay niya sa akin. Katulad ngayon, hindi lang niya pinaparamdam na concern ito sa akin dahil lalaki daw siya.
Dahil ang lalaki daw ay hindi dapat nagpapakita ng kahit ano mang emosyon. Hindi ka daw tunay na lalaki kapag mahina ka sa emosyon mo.
Napailing nalang ako sa prinsipyo ni Tatang.
"Tumawag si Sir kanina. Kita mo itong puno na 'to? Puputulin na daw ito sabi ni Sir."
Nagulat ako sa sinabi ni Tatang. "Bakit naman po, 'Tang? Sayang naman po. Malaki at mukhang matibay naman ito ah. Baka nga po may engkanto nang nakatira dito tapos baka gantihan kami at mawala sa mundo—aray ko po!"
Napahiyaw ako sa sakit nang bigla akong hampasin ng mahiwagang stick ni Tatang.
"Wag ka na ngang magtanong, Juanito! Sundin nalang natin ang utos ng amo."
Bayolente talaga ni Tatang. Matanda na nga talaga si Tatang.
Kahit na malaki ang katawan ko, wala pa rin akong laban kay Tatang. Sa tangkad kong anim na talampakan at limang pulgada na umabot lang si Tatang hanggang dibdib ko.
Isa na din sa nagpapatakot sa mga tao sa tuwing nakakasalubong nila ako ay iyong malaki kong katawan na para daw akong sasali sa body builder— eh hindi ko naman alam kung ano iyon kaya binaliwala ko na lang ang sinasabi nila.
"Nagtatanong lang naman ako, Tatang eh." kinamot ko ang ulo ko.
Nakatanggap lang ulit ako ng palo.
"Bukas ay maaga kang pumunta dito. Papapuntahin ko din dito sila Lito at Arnaldo para tulungan ka. Kaya niyo naman siguro ninyong tatlo." Tinutukoy niya ang mga anak niya.
"Ang laki naman po niyan, paano namin makakaya 'yan?"
Nakatikim ulit ako ng palo.
"Napareklamador mo! Sa laki ng katawan mong 'yan? Kaya mo ngang kargahin ang isang truck. Ang tunay na lalaki, hindi nagrereklamo! Kaya ko lang papapuntahin sila Lito at Arnaldo dito ay sila ang magpuputol ng puno, habang ikaw-" napangiwi ako nang itusok niya sa dibdib ko ang magic stick niya.
"Ikaw ang magbubuhat ng mga naputol na kahoy palabas!"
Napakamot ulit ako ng ulo habang hinahaplos ang dibdib ko kung saan niya tinusok ang magic stick niya.
"Tang naman... inaabuso niyo na ako eh."
"Hep! Hep! Ang tunay na lalaki, walang inaatrasan na pagsubok na siyang magpapatunay na tunay siyang lalaki. Tsaka wag kang mag-alala, may bonus ka namang matatanggap bukas." pagsusungit nito.
Talaga naman si Tatang oh. Matandang binata din 'to eh.
"Oo na po, Tang. Uwi na po tayo, high blood na naman kayo eh."
"Aba't--" akmang hahampasin na naman niya ako ng magic stick ay umilag na ako.
Natatawa kong nilingon si Tatang at tumakbo na paalis. "Mauna na po akong umuwi, Tang! Ingat po kayo!" kaway ko.
Sinusundo naman siya ng kanyang anak dahil hindi na nito kayang maglakad ng malayo. Pupunta lang siya dito para gabayan ako sa mga dapat na gawin. Siya na din ang mentor ko sa pagha-harden.
Kahit masungit si Tatang...pusong mamon pa rin ito pagdating sa akin. Yun lang eh, hindi niya pinapakita sa akin.
Nagpupunas lang ako ng pawis habang binabaktas ang daan papapalabas sa mansyon ng mga Saito. Napakalawak ng lupain nila. Kaya yatang magtayo dito ng mega mall, eh o di kaya mga isang libong mga bahay. O di kaya'y isang village.
Sana isang araw, magkaroon din ako ng ganitong kalawak na lupain kasama si Inay...at sana...ang magiging asawa't anak ko.
Pero malabo yatang magkahanap ako ng babae na hindi natatakot na tumingin sa mukha ko. Lahat yata ng tao dito sa lugar ng San Pedro ay takot sa akin dahil lang sa itsura ko.
Mukha daw akong halimaw na isinumpa— gaya ng mga naririnig ko sa mga taong nakakasalubong ko.
Masakit man nung una, pero tinaggap ko nalang na, totoo naman... na halimaw ako dahil sa itsura ko, sa laki kong tao, sa maitim kong balat, sa katawan kong tadtad ng balbon. Para akong si Beast ng kwentong Beauty and the Beast.
Maswerte nga si Beast dahil may babaeng nagmahal sa kanya sa kabila ng kanyang anyo.
Pero sa mga kwento lang nangyayari 'yun. Puro kathang isip lang.
Sa tulad ko... hindi na siguro ako makakahanap ng babaeng magmamahal sa akin. Matagal ko na ding tanggap ang katotohang 'yun.
Napailing nalang ako.
Pero kahit papaano may isang pursyento pa rin sa'kin ang umaasa na dadating ang babaeng magmamahal sa'kin ng tunay.
Nakakalungkot lang. Hindi na siguro ako makakahanap ng babaeng magmamahal sa akin pwera lang sa nanay ko. Lagi kong pinagdadasal sa diyos na sana may dumating na babae para sa akin— iyong tanggap ako bilang ako.
Pero, hanggang panalangin nalang siguro iyon.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Ala-siete kasi ang pagpunta ko sa mansyon ng mga Saito tapos hanggang alas-kuatro ang tapos ko. Minsan, umuuwi ako ng maaga kapag minsan walang masyadong aayusin sa hardin.
Naligo na ako at pagkatapos ay nagsuot lang ng itim na t-shirt at maong na short na kupas. Itinali ko lang ang mahaba at buhaghag kong buhok.
Paglabas ko ay naabutan ko si nanay na naglalapag ng pinggan. Agad na nagtaman ang mata namin at binigyan niya ako ng matamis na ngiti na siyang nagiging inspirasyon ko araw-araw para maging magana sa bawat araw.
Si nanay lang ang rason kung bakit nakakaya ko ang lahat ng sakit at hirap na binabato sa akin lalo na ang mga lait at insulto ng mga tao ng San Pedro.
Mabibilang lang yata ang mga pumapansin sa'kin, tulad ng mga matatanda na tinutulungan ko paminsan-minsan.
Napakaswerte ko pa rin dahil meron akong mabait na nanay. Kaya kakayanin ko, para lang mapagamot si Nanay. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung mawawala siya sa akin.
"Oh, Juan kumain ka muna bago ka pumasok. Nagluto ako ng sinangag at pritong itlog." malumay nitong sinabi.
Paglapit ko ay hinalikan ko siya sa noo.
"Salamat, 'nay. Dapat hindi na kayo nag-abala pa, dapat nagpahinga nalang kayo baka mapano po kayo niyan."
Pinalo niya ng mahina ang braso ko at tumawa ng mahina. "Ano ka ba, anak. Wag ka ngang mag-alala ng masyado hindi pa naman ako mamatay."
"Naynay naman..." ungot ko na parang bata. Ayaw ko pinag-uusapan ang kamatayan. Pag nagsasabi siya ng ganun ay natatakot ako.
Halakhak lang ang naging tugon niya.
Pagpasok ko palang sa mansyon ay ang maingay na tunog ng machine ang naririnig ko. Pinuputol na 'ata nila ang puno. Bumuntong hininga ako habang nakatutok sa pagputol nila sa bawat sangga ng puno.
Sayang naman yung kahoy. Kung hingin ko kaya kay Sir? Hindi kaya nila gamitin? Maganda sanang gawing upuan sa bahay. Mukhang matibay ang kahoy eh.
"Tabi, tabi..." sigaw ni Lito mula sa taas ng puno.
Bumagsak ng malakas ang sangga kaya agad akong lumapit para buhatin ang kahoy. Mabilis ko naman itong nabuhat dahil payat ito kaya magaan lang.
Inilagay ko ito sa gilid. Nagpagpag ako ng kamay at muling tumingala ulit sa pag-akyat ni Lito sa puno. Maingay ang paligid sa pinagsamang sigaw ni Arnaldo at ang machine cutter na gamit ni Lito.
Naging matiwasay ang trabaho naming tatlo at matagumpay na naputol ang puno. Puno ako ng pawis at sugat sa mga palad dahil sa mga maliliit na mga kahoy na tumutusok sa palad ko.
Paglapag ko ng panghuling parte ng puno ay tumingala ako at bumuga ng malalim na hininga dahil sa pagod. Hingal ako at nauuhaw na. Kanina ko pa nilulunok ang laway ko maibsan lang ang uhaw.
"Okay ka lang, pare?" hingal na tanong sa'kin ni Arnaldo.
Tango ang naging sagot ko sa kanya dahil tuyo na ang lalamunan ko. Sa susunod magdadala nalang akong sarili kong baon na tubig. Nakakapagod. Ang bibigat pa ng ibang parte dahil malaki ang puno.
Nagpahinga kami sa tabi ng mga pinutol na parte ng kahoy. Mahapdi na sa balat ang sinag ng araw kaya nasa gilid lang kami para makasilong.
Napatingin ako sa mansyon ng Saito nang bumukas ang pintuan nila. Sabay-sabay kaming napatayo nila Lito nang lumabas doon si Sir Saito...
Napalunok ako ng laway. Pakiramdam ko mas lalong natuyo ang lalamunan ko nang makita ang kasama ni Sir Saito.
Isang babaeng diyos.
Nakasuot ito ng bestida na umabot sa gitna ng hita ang haba kaya lantad ang mapuputi nitong hita. Bumagay ang maiksi nitong buhok sa maliit at maganda niyang mukha. Bakat din ang hugis ng kanyang katawan sa suot nito.
Ang ganda naman niya. Ngumiti ako sa kanya nang tumingin siya sa akin. Nanlaki ang mapupungay niyang mata.
"Boys, thank you for your hardwork today. Kumain muna kayo." sabay halakhak ni Sir Saito at inilahad ang kamay sa tray na hawak ng diyosa.
"Salamat, Sir..." rinig kong sagot nitong si Lito at kinuha ang dalawang baso sa tray.
Bumaling si Lito sa'kin.
"Kunin mo yung sayo, Juan, Wag kang tumunganga diyan. Pagalitan ka ni Sir." bulong nito sa'kin at nilahad ang isang baso kay Arnaldo.
Nagising ako sa panaginip ko at mabilis na lalapit na sana sa diyosa para kunin ang juice ko. Pero parang nahulog ang puso ko nang umatras ang diyosa sa paglapit ko.
Tinaas ko ang tingin ko sa mga mata niya na kulay tsokolate. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko mapaliwanang kung ano 'to. Kinakabahan ba ako? Siguro nga. Baka siguro ngayon ko lang siya nakita, at ang ganda niya pa. Parang akong nakakita ng manika na buhay.
Masaya ako nang nagtama ang mga tingin naman pero napalitan agad ito ng lungkot nang makita ko ang takot at pandidiri na nakalatay sa mukha niya.
"Ew, no, ikaw na, Dad..." iling nito at mabilis na ibinigay kay Sir Saito ang tray. Sumulyap siya sa'kin ng mabilis at tumakbo papaloob ng mansyon nila.
Narinig ko ang halakhak nila Lito sa likod ko. Tinapik ako nito sa likod.
"Tinakot mo yata, Juan, eh." nilingon ko sila na may ngisi sa mga mukha nila.
Gusto kong mapaupo sa lupa. Nanghihina bigla ang mga tuhod ko. Malakas pa naman ako kanina, ah. Para ring hinihiwa ang isang parte ng dibdib ko.
Siguro ay nandiri siya sa itsura ko. O baka tama nga sila Lito, natakot siya sa kapangitan ko. Ang sakit naman. Akala ko sanay na ako sa lait, akala ko hindi na ako maapektuhan, yun pala... masakit pa din.
Hindi ko na pinatulan ang biro nila. Kung biro man 'yun para sa kanila. May anong mabigat na bato ang dumagan sa'kin dahil sa sinabi nila.
"I'm sorry about my daughter, Juan. Pagsasabihan ko 'yan mamaya." mahinhin na paumanhin ni Sir Saito at inilahad ang baso na may lamang juice at inialok din ang sandwhich sa'kin.
Tinapik niya ako sa balikat ang inalayan ng tipid na ngiti.
Nakita ko pa ang mga sandwhich na paborito ko sa tray. Pero nawalan ako ng ganang kumuha nun. Tipid ko lang ininom ang juice at tumango kay Sir Saito.
"Okay lang, Sir." ngumiti ako ng peke.
Okay lang.
***
iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top