Prologue


DISCLAIMER:


This is a work fiction. names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PS: Sorry for typographical error and wrong grammar. This is unedited version of Beauty and Her Beast



Prologue




"HIJA, are you sure you're in a safe place right now?"


I chuckled. "Daddy, I'm safe. No need to worry." Kahit kailan talaga exaggerated si Daddy. Akala naman niya may mangyayaring masama sa akin dito. I looked at the dark blue sea. "Secured ako rito sa cruise ship, Daddy. They have so many security personnel here. Alam mo namang karamihan ng nandito ay part ng Alta Sociedad." I have a two weeks vacation because of the stress I received these past few months. Lumagpas sa expectation ko ang mga trabaho na ginagawa ng isang CEO. Last year, the board of director agreed that I'm capable to handle the company that's why they vote me as the CEO of Clared Company.


"Hindi mo maiaalis na mag-aalala ako para sa kaligtasan mo. You know that these several days, you received a so many death threats."


I rolled my eyes. "Daddy, hindi naman totoo ang mga death threats na 'yan. Ako lang siguro ang napag-trip-an ng kung sino mang tao na walang magawa sa buhay." Napakagat labi pa ako. Pinapagaan ko lang ang damdamin ni Daddy. Ayoko namang sobrang mag-alala siya sa akin lalo na't hindi okay ang heath niya ngayon. Hindi ko gustong lumala ang sakit ni Daddy nang dahil lang sa akin.


Alam kong hindi na biro ang death threats na natanggap ko nitong mga nakaraang buwan. They want to get rid of me. Lalo na ngayong nakikipagsabayan ako sa mga successful businessman at may mga taong ayaw sa akin sa posisyon ko sa kompanya namin. Talagang natural na makatanggap ako ng death threat. Since I became the CEO of our company, I received so many death threat. Hindi ko sineseryoso noong una pero iba na nitong mga nakaraang araw na natanggap ko. Tinutohanan nga ng kung sinong tao iyon.


Last friday, may naglagay ng lason sa lunch na pina-order ko sa secretary ko. Nalaman ko lang na may lason ang pagkain noong pinakain ko iyon sa stray dog dahil habang kumakain ang aso bigla na lang bumula ang bibig nito at pagkaraan ng ilang minuto ay binawian na ito ng buhay. Yesterday, pina-check ko sa kakilala kong mekaniko ang kotse ko. I was so shock when he said that my car is not in good condition that time. May nanadya raw na sirain ang preno at butasin ang gas ng kotse. Inutusan ko ang IT Department para tingnan ang CCTV footage pero walang nakuhang footage dahil h-in-ack ang system. God knows what will happen to me kung sakaling hindi ko pina-check ang kotse ko. Maybe nasa critical position or patay na ako ngayon.


"Daddy, I need to go now. Take care of yourself."


"Okay, hija. I love you."


"I love you too, Daddy." I ended the call. I close my eyes then I feel the breeze of the ocean wind. Nakaka-relax at nakakawala ng stress sa buhay. I wish I have a very peaceful vacation because that's what I really need right now.


"Arabella!"


Napalingon ako sa tumawag sa akin then I smiled. "Denise!" Nakipagbeso-beso ako sa college friend ko. I'm so glad to know na may kakilala ako rito sa cruise ship. At least hindi na ako mahihirapang maghanap ng makakausap. Like me, Denise was having her vacation here. She's celebrating her birthday too.


"Kanina pa kita hinihintay sa party ko 'yon pala nandito ka."


Sumulyap ako sa dagat. "I'm sorry, Denise. Natuwa lang ako na pagmasdan ang dagat kaya hindi ako nakapunta kaagad sa party mo. I feel calm every time I watch the sea waves."


Denise rolled her eyes. There's disbelief in her eyes. "Are you serious? Anong nakakakalma d'yan? Its too dark like a hole that never end." She hold my hands. "Look. Lets enjoy the night, Arabella. Deserve natin na magpakasaya ngayon."


Matipid akong ngumiti. I don't feel to join the party because I'm tired. Ayoko lang i-voice out dahil baka magtampo naman sa akin si Denise. Bihira na nga lang kami magkita tapos magtatampo pa siya sa akin. "Susunod na lang ako sa iyo, Denise."


"Okay. I will wait you inside the bar." she said then she walk away.


Tumingin ulit ako sa dagat. I wonder kung nasaan na kami ngayon. Nasa Pilipinas pa ba kami or somewhere in Southeast Asia. I didn't bother to ask the crew of the cruise. Nahigit ang paghinga ko nang maramdaman kong may humawak sa baywang ko at parang may nakatutok sa tagiliran ko. Nagrigidon ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. I thought I'm safe here but I was wrong. "W-Who are you?"


"You're nightmare."


Lalong lumala ang kaba ko. Akala ko pa naman magiging peaceful itong bakasyon ko. Dapat sumabay na lang pala ako kay Denise. Bakit naman kasi ako tumambay sa part ng deck na kungsaan walang katao-tao? You need to calm down, Arabella. "I-I can give you a-any amount of m-money you want."


"Hindi ko kailangan ng pera mo." Napaigik ako nang may tinusok sa akin ang lalaki. Its a needle to be exact.


Naramdaman ko ang liquid na unti-unting pumapasok sa katawan ko. I close my eyes. Ayoko pang mamatay! I have so many plans in my life. Bigla kong tinapakan ang paa ng lalaki at diniin ko talaga ang takong ng shoes ko. Humiyaw sa sakit ang lalaki.


Nabitawan ako ng lalaki kaya tumakbo ako pero nahablot kaagad ng lalaki ang buhok ko. "Let me go!" Nagpumiglas ako sa kanya nang yakapin niya ako patalikod. Kailangan kong makatakas sa lalaking ito dahil papatayin niya ako! "Help!"


"Ang ingay mo!"


"Let me go!" Mas lalo akong nagpumiglas sa lalaki hanggang sa napasandal kami sa railings. Nanlaki ang mga mata ko nang tinulak ako nito na naging dahilan para mahulog ako sa nangangalit na dagat. Ni hindi ko na nagawang makakapit sa railings. "Help! Help me!" I screamed. Habol-habol ko ang paghinga ko. No! Hindi ako pwedeng mamatay. "Help me!" Napansin kong umalis na ang naka-mask na lalaki. Nakakainom na rin ako ng tubig dagat. Unti-unti ako nakadama ng pagkahilo at panghihina. No! "H-Help m-me..." Then everything turns black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top