Epilogue


Epilogue




"SINO ba ang mas nakakatanda sa ating dalawa?"

"Yabang mo ah. Tatlong Segundo lang naman tanda mo sa akin. Sa ating dalawa, sino ba ang judge at future chief justice ng bansang ito, di ba ako?"

"Still ako pa rin ang panganay sa ating dalawa. Ako pa rin ang masusunod."

Napapailing na lang ako habang nagbabangayan ang kambal ko. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa paglalagay ng barbeque sa grill. We're having a small gathering here in our garden. A simple celebration for Lacey's graduation for masteral degree.

"Let me help you, hon." Kinuha sa akin ni Trace ang pinggan na naglalaman ng mga barbeque at siya na mismo ang nagpatuloy sa paglalagay ng barbeque sa grill. Binaling ko ulit ang tingin ko sa mga anak namin. Race and Jace is busy arguing for I don't know reason.

"For the love of God, please shut up! Nakakarindi na ang ingay ninyong dalawa. Can't you see? Nagbabasa ang tao rito." Lacey raised the book that she's currently reading. It's a Classical novel.

"Ang ingay mo kasi Race. Naabala tuloy ang pagbabasa ng bunso natin." Tumabi si Jace kay Lacey. Ganoon din si Race. Mukhang pagdidiskatahan na naman nila ang kapatid nila.

"You're the one who is noisy. Nakakainis ang boses ni Jace, 'di ba, bunso?"

"Oh, c'mon! Layuan ninyo ako!" naiiritang sabi ni Lacey. Natawa ako dahil inagay ni Race ang libro ni Lacey at kiniliti naman ito ni Jace. "Mommy! Daddy!"

"Children, hayaan ninyo ang kapatid ninyo." Saglit lang tumingin sa kanila si Trace at nagpatuloy na sa ginagawa. "Honey, maupo ka na. Ako na ang bahala rito. Remember, bawal kang mapagod."

Tumango na lang ako at sumunod sa sinabi ni Trace. Pinagmasdan ko ang aking pamilya. It's been twenty-two years nang magkaayos kaming mag-asawa. Maraming nangyari sa buhay namin pero naging dahilan iyon para mas maging matatag ang pagsasama namin. Ang nangyari sa amin noon na misunderstanding, lack of trust, and miscommunication na naging dahilan ng muntikang pagkasira ng pagsasama namin ay naging lesson namin bilang mag-asawa.

Katulad ng huling naming pag-uusap ni Gelu, talagang lumayo na silang mag-ina sa amin. We don't have any communication to her. Sa huling balita ko from our former classmate ay nasa Switzerland na raw sila. I'm hoping na maging masaya siya. Napatawad ko naman na siya sa kasalanang ginawa niya sa aming mag-asawa.

Naging mas maalaga si Trace. Naging careful na rin siya sa mga sasabihin niya, at never nagtago ng lihim sa akin. Ganoon din naman ako sa kanya. Kapag nagkaroon kami ng tampuhan ay kaagad namin iyon pinag-uusapan.

As of now, nasa kanya-kanyang field na ang mga anak namin. Race, and Jace both a lawyer. Pero si Jace ang continuous na nagpapatuloy sa kanyang profession. He had his own law firm. He's already a Judge, and recommended as a Chief Justice of the Supreme Court once the current Chief Justice retire. As far as I remember, he's planning to run for the position of senator. He really wants to be the president of this country. Kilalang-kilala na si Jace sa field niya. Race is the one who handled the Formillos businesses. He's also practicing his profession, but he only accepted pro bono cases. Lacey is a freelance writer in their Uncle Iñigo's publishing house.

Lastly, Nicole. She's still living in Isla Cornelia. Gusto ko na siyang bumalik dito sa Manila pero ayaw ni Trace. Hangga't buhay pa raw si Marky, hindi magiging safe si Nicole because we confirmed that her father is a member of notorious mafia group in Italy. Gusto ko siyang makita pero hindi rin ako pinapayagan ni Trace. I'm still trying to convince him.

"Layuan ninyo ako! Huwag ninyo akong yakapin. Dang it! Nanay, at tatay ko ba kayo para yakapin ako?"

"Lacey, may jowa ka na 'no kaya ayaw mo na magpayakap sa akin?"

"Sinong boyfriend ni Lacey?" Sinamaan ni Trace ng tingin ang tatlo kaya natigilan ang mga ito.

"Daddy, I don't have a boyfriend. Wala pa 'yan sa plan ko. I need to be an international writer before I consider having a boyfriend."

"Very good. Boys, layuan na ninyo ang kapatid ninyo at sarili ninyong lovelife ang problemahin ninyo."

"I'll hug you, Jace, 'coz our sister is very madamot."

"Me too." The twin hugs each other.

"I'm not madamot." Yumakap si Lacey sa mga kuya niya at mayamaya ay gumanti na rin ng yakap sa kanya ang kambal.

Muli akong ngumiti habang pinapanood silang tatlo. Naramdaman kong yumakap sa akin si Trace. He's also watching them.

"I will regret for the rest of my life kung hinayaan ko kayong makalabas ng bansa. Kung hinayaan kong tuluyan kayong mawala sa buhay ko."

I squeezed his hands gently. "I will regret for the rest of my life if I didn't listen to you."

He smiled genuine and kissed me on the forehead. "I will always love you until my last breath, Belle."

"I will always love you too, Trace."




RACE:


"CRESSA is fine now. She's currently sleeping right now."

"That's good to know bro." I nod before I left the library. Jace is with his longtime best friend. Biglaan kasing tumawag si Cressa at umiiyak sa kabilang telepono. Cressa is Uncle Yohann and Auntie Cassandra's daughter.

"You know Cressa. She's just tired on how her family treats her. Palaging nakikita nila si Cassia. Paano naman ang effort na ginagawa ni Cressa?"

Cassia is Cressa's twin sister. A very highly achiever doctor, same as Cressa. They both finished their Med school at the age of twenty. Finished their residency at the age of twenty-five. Known in their chosen specialization. They are our close friend since preschool days. Naging goal naming apat na dapat nasa peak na kami ng field na napili namin at the age of twenty-eight.

"You need to talk to Cressa seriously, Jace. Hindi pwedeng basta-basta na lang siya tatawag s aiyo just because she's tired on how her family treats her. Paano kung nasa gitna ka ng hearing? Bigl among iiwanan ang hearing para lang puntahan siya?" I know that my brother had a special feeling for Cressa. Kaya siya nagkukumahog puntahan si Cressa sa isang tawag lang nito.

"Hindi naman siya magkakaganoon kung fair ang treatment ni Uncle Yohann kanila. Look how he acknowledged Cassia? Ni hindi man lang niya alam na si Cressa ay member ng World Medical Association dahil ang nakikita lang niya si Cassia."

Napailing na langa ako. Hindi na ako nagsalita pa tungkol sa komento ko sa mga pinaggagawa ni Cressa sa buhay niya. Magagalit lang si Jace. "I'll end the call. I'll talk to our father regarding in our upcoming opening of Le Beau Parfum."

"Okay. Will call to our mother later after I sure that everything here is fine."

Nagpaalam pa ako kay Jace bago ko i-end ang tawag. Dala-dala ko ang isang document ng Le Beau Parfum. I can't believe my father randomly opened a perfume brand. Biglaan na lang sinabi sa akin na naasikaso na lahat ng papeles at mag-o-opening na ito by next month.

Kakatok na sana ako sa pintuan ng kwarto ng parents ko nang biglang narinig kong pag-iyak ni Mommy. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila kaya umiiyak si Mommy.

"How could you do this to me, Trace? Ang tagal mo siyang itinago sa akin."

"I don't want you to hurt once you see her."

"But this? Can't you see I'm already hurt now."

Kumuyom ang kamay ko na naging dahilan ng pagkalukot ng dokumentong hawak-hawak ko. Palagi kong naririnig na umiiyak si Mommy. Now I know the reason why she's crying. All this time, my father is cheating on her. I guess the rumor is right.

"Tapos ngayon malalaman ko na ang io-open mong brand ng pabango ay para sa kanya? So, she's there on that day?"

"N-No."

"Trace, naman!" She kept crying. "Let me see her, Trace. Let me see, Nicole."

Hindi ko na tinapos pakinggan ang pinag-uusapan nila at basta ko lang tinapon sa basurahan ang dokumento tungkol sa Le Beau Parfum. Kaya pala biglaan ang opening nito. Para sa kabit ni Daddy. I despite him! I dialed my assistant's number.

"Yes sir."

"You will be the one will take charge for the opening of Le Beau Parfum. You will directly report to my father regarding this event. I don't want to hear any information about Le Beau Parfum."

"Noted sir."

I ended the call. Hahanapin ko ang babaeng dahilan kung bakit nasasaktan ngayon ang nanay. Sisiguraduhin kong makakaranas ng paghihirap ang babaeng iyon.




The End

COPYRIGHT © 2024 by LightStar_Blue

First version 2018

All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top