Chapter 9



Chapter 9






"SHE'S not my sister, she's my wife! Stop saying nonsense to me!"

Napahinto ako sa pagbukas ng pintuan. Anong pinagsasabi ng asawa ko? Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin at doon ay nakita ko si Trace na pabalik-balik sa paglalakad.

"Damn it! Huwag ninyo idadamay ang asawa ko sa katamaran ninyong maghanap sa kapatid ko." napalingon sa gawi ko si Trace. Malamang naramdaman na niya ang presensya ko. "Do your work!" ngumiti siya sa akin bago isinuksok sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone na hawak at naglakad siya papalapit sa akin.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Mukha kasing mainit talaga ang ulo niya kanina.

"Wala naman." he kissed me in my forehead. "Are you ready now?"

I nod. "Ikaw? Ready ka na bang makita si Daddy?"

"I'm kinda nervous. What if he didn't like me for you to be your husband?"

Inayos ko ang kwelyo ni Trace. I know Daddy will like him, lalo na't mahal ako ng asawa ko. "Huwag kang kabahan."

"Paano kung sabihin niya na layuan kita. I can't do that, you are my life."

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "He will like you, trust me." hinawakan ko ang kamay niya. "Kalma ka lang."

"Hindi ko magawang kumalma ngayon, Arabella."

"What can I do for you to lessen your incoming nervous breakdown?" pabiro kong sabi para naman mabawasan talaga ang kaba niya.

"Give me a remove that nervous kiss."

Pinagbigyan ko ang gusto niya. Binigyan ko siya ng isang halik na lalo naman niyang pinalalim. Napaungol ako dahil nag-uumpisa na maglakbay sa katawan ko ang kamay niya. Marahan ko siyang tinulak. "Trace!"

"I want you, Arabella."

"No, you cant. Gusto mo bang paghintayin si Daddy?"

"Sabi ko nga pupunta na tayo sa inyo." hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila palabas ng penthouse. Nakasunod sa amin ang mga bodyguard ko.

Nang makasakay na kami sa kotse ay umakbay sa akin si Trace. Medyo napapansin ko na naglulumikot ang kamay niya. "Trace." may babalang sita ko sa kanya.

"What? Wala naman akong ginagawang masama ah." pasimpleng dumako ang kamay niya sa hita ko.

Napatingin ako sa driver namin. Nakatutok ang atensyon nito sa daan. Tinanggal ko ang kamay ni Trace pero bumalik lang iyon ulit sa hita ko. Paangat ng paangat ang kamay niya. "Trace!"

"I love you." he whispered then he nibble my earlobe.

Pinigilan ko ang sarili ko na mapaungol nang hinimas niya ang dibdib ko. "Stop it!" sigaw ko.

Bigla namang napahinto ang kotse na sinasakyan namin kaya muntik na akong mapasubsob.

"Damn it!" sigaw ni Trace. "Bakit ka huminto?"

"S-Sir, utos po kasi ni Ma'am Arabella."

Biglang namula ang mukha ko. Malakas kong pinalo sa braso si Trace. Kasalanan niya ito! "Mag-drive na po ulit kayo." nahihiya kong sabi. Marahan namang tumawa si Trace kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis siya! Nag-drive na ulit si Manong. Tumingin naman ako sa bintana. Sana lang tumigil na si Trace sa mga kalokohang ginagawa niya ngayon dito.

"May baby na kaya dito?" tanong niya at dumako ang kamay niya sa tiyan ko.

Kumibit balikat lang ako. "I don't know."

"Nagsusuka ka ba tuwing umaga?"

Umiling ako. "No."

"Nagki-crave ka ba sa pagkain o drinks ngayon?"

"Oo."

Nanlaki ang mata niya sabay hawak sa kamay ko. "Anong gusto mong kainin? Hilaw na mangga?"

"No."

"What do you want to eat?"

"Gusto ko uminom ng coke float. Nauuhaw na ako eh."

Natawa ako nang eksaherado siyang sumimangot. "I'm serious, Arabella."

"Wala, hindi ako nagki-crave."

"Nahihilo ka ba?"

"No."

"Kailangan natin pag-igihan na gumawa ng baby para may anak na tayo." he kissed me in my neck.

Kinurot ko sa tagiliran si Trace. "Pasaway! Inaantok ako, manahimik ka!" umayos ako sa pagkakasandal.

"Inaantok ka?"

"Oo, pinuyat mo ako. Sinong hindi aantukin nun?"

"Magpa-checkup kaya tayo sa OB gyne?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba ang excited nito magkaanak? "Ewan ko sa'yo. Manahimik ka." humilig ako sa balikat niya. Nalukot ang mukha ko nang maamoy ko ang pabango ni Trace. "Ang baho ng pabango mo, Trace! Lumayo ka sa akin!" tinulak ko siya papalayo sa akin.

Inamoy naman niya ang sarili. "Hindi naman ako mabaho. Gusto mo nga ang perfume ko."

Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Ang baho nga ng pabango niya. Ang kulit lang. Sa isa't kalahating buwan na mag-asawa kaming dalawa, ngayon lang siya naging mabaho ng ganyan. "Huwag mo akong lalapitan. Nabubwisit ako sa iyo!" inirapan ko siya.

"Arabella—"

"Ang kulit mo! D'yan ka lang." umayos ako ng sandal at pinikit ko ang aking mga mata. Tutulugan ko ang makulit na lalaking ito. Bahala siya d'yan.




------




"MY ANGEL, wake up."

Huminga ako ng malalim. Ang bango naman ni Trace. Nagsumiksik ako sa kanya. Ang bango-bango naman ng asawa ko.

"Belle, we're here."

Huminto ako sa ginagawa ko. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. Umayos ako ng upo. Lumabas naman ng kotse si Trace at pinagbukas niya ako ng pintuan. Tiningnan ko lang siya.

"Belle? Lumabas ka na ng kotse."

Patuloy ko lang siyang pinagmasdan. "Tinatamad akong lumabas."

Bumuntong hininga si Trace at kinarga niya ako palabas ng kotse. Nagsumiksik naman ako sa leeg niya. Ang bango niya talaga.

"Stop it, Arabella." pinindot niya ang doorbell.

"Trace..."

"Hmn?"

"Ang bango mo."

He chuckled. "Kanina lang ayaw mo ng amoy ko, ngayon gustong-gusto mo na." binaba na niya ako.

Bumukas ang gate at niluwa ang pinagkakatiwalaan naming katulong. Si Manang Flor. Nanlaki ang mata nito nang makita niya kami. "Arabella?"

Nginitian ko ito. "Kumusta po?"

"Ikaw nga!" niyakap ako ni Manang Flor.

Marahan naman akong tumawa bago humiwalay sa pagkakayakap dito. "Si Daddy?"

"Naku, hija, nasa loob ng opisina ninyo. Pumasok na tayo sa loob." nauna na si Manang Flor.

Nilingon ko si Trace ate hinawakan ko siya aa kamay bago hinila papasok sa loob ng bahay. Dumeretso kaagad kami papunta sa office namin ni Daddy. Nang nasa harap na kami ng pintuan ay mahina akong kumatok.

"Come in." boses iyon ni Daddy.

"Kinakabahan ako, Arabella."

"Relax, hindi ka sasaktan ni Daddy." dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nakita ko kaagad si Daddy na busy sa pagbabasa ng mga dokumento. "Daddy?"

Napahinto si Daddy sa pagbabasa at unti-unting lumingon sa gawi namin ni Trace. Nanlaki ang mata nito. "Arabella!" nagmadali itong tumayo at lumapit sa amin. Niyakap ako ni Daddy ng mahigpit. "I thought you are gone forever. Sobra ang pag-aalala ko sa iyo."

"Daddy, I miss you."

"Me too, hija." humiwalay ng yakap sa akin si Daddy. Hinaplos nito ang pisngi ko. "Are you okay? May mga sugat ka ba? Pasa?"

Ngumiti ako sabay iling. "I'm totally safe. Hindi ako pinabayaan ng asawa ko."

Kumunot ang noo ni Daddy. "Asawa?"

Tumango ako at marahang hinila si Trace. "Daddy, my husband, Trace Adrian Formillos."

"Good afternoon, Mr. Nikazy!" naglahad ng kamay si Trace.

"Trace F-Formillos? The CEO of Formillos Empire?"

Tumango si Trace. "Yes, Sir."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ito. Parang tinakasan ng kulay si Daddy.

"D-Dad?"

Parang natauhan si Daddy at nakipag-shakehands siya kay Trace. "Its nice to meet you, Trace."

Napangiti si Trace. "Me too, Sir."

"Pumunta tayo sa sala para naman makapagkwentuhan tayo. Lalo na sa iyo, Trace." nauna nang maglakad si Daddy.

Marahan naman akong hinila ni Trace. Habang naglalakad kami ay napahinto ako. Medyo nakadama ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa sentido ko.

"Are you okay, Belle?" medyo nag-aalalang tanong ni Trace.

"Yes—" umikot ang paligid ko at bago pa ako matumba ay nasalo na ako ni Trace sabay ng pagkawala ng malay ko.




-------



"IS SHE okay?"

Nag-aalalang boses ni Trace ang nagpagising sa diwa ko. Pagdilat ko ng mata ay nakatingin sa akin ang asawa ko.

"Are you okay?"

Dahan-dahan akong umupo. Nakahiga pala ako sa sofa at nakapatong ang ulo ko sa hita ni Trace. "What happen?"

"Nawalan ka ng malay kanina, hija." seryosong sagot ni Daddy.

Tumango na lang ako. "Medyo nanghihina pa nga ako at nahihilo."

"Ano bang ginagawa mo sa anak ko at nagkaganyan 'yan?" may halong galit ang boses ni Daddy.

"Dad." saway ko naman sa kanya. Pakiramdam ko kasing pagagalitan nito si Trace.

"Hindi ka naman biglang mawawalan ng malay kung hindi ka sobrang pagod."

Napahawak sa kamay ko si Trace. "Sir, hindi ko po pinapabayaan si Arabella. I treat her like a queen because I really love her."

Napangiti ako sa sinabi ni Trace. "Dad, tama po si Trace. Actually, wala nga akong ginagawa sa unit namin kaya paano ako mapapagod."

Bumuntong hininga na lang si Daddy. "Siguraduhin mong totoo ang sinasabi ninyo, Ara, dahil sa oras na malaman kong sinasaktan ka ng lalaking ito, mapapatay ko ito." tinuro pa ni Daddy si Trace.

"I will protect her, Sir. Hindi ko papabayaan ang anak ninyo po. I will give everything for her."

Tumango si Daddy sabay tayo. "I need to go now, may pupuntahan akong meeting. Hija, I'm sorry pero kailangan kong puntahan ang meeting na iyon."

"Its okay, Daddy."

"Goodbye, hija." hinalikan ako ni Daddy sa noo. "Alagaan mo ang anak ko, hijo."

Napangiti si Trace. "Yes, Sir."

"Good. I'll go now." naglakad na si Daddy palabas ng bahay.

Sobrang late na siguro si Daddy kaya ganoon siyang nagmamadaling umalis.

"Lets go, Arabella."

"H-Ha? Bakit?"

"Pupunta tayo sa drugstore." tumayo siya at bigla niya akong kinarga kaya napatili ako sa gulat.

"Ibaba mo ako! Ano namang gagawin natin doon? May sakit ka ba?"

"Wala akong sakit, Belle." naglakad na siya papalabas ng bahay na karga ako.

"Ano naman ang bibilhin natin doon?"

"Basta." isinakay niya ako sa kotse. "Sa pinakamalapit na drugstore."

Nakatingin lang ako kay Trace habang bumabyahe kami. Para kasi siyang excited sa bibilhin niya sa drugstore. Hindi rin mapakali dahil panay ang tingin niya sa labas. Natawa ako sa inaakto niya.

"What's funny?"

Umiling ako. "Nothing." pinipigilan kong tumawa. Iba kasing Trace ang nakikita ko ngayon. Other side niya na siguradong bihira lang makita.

Huminto ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang sikat na drugstore. Inalalayan niya akong bumaba ng kotse na parang isang babasaging dyamante. Medyo nawiwirduhan na talaga ako kay Trace. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng drugstore. Napapatingin sa amin ang ibang costumer at parang wala lang iyon kay Trace. Basta masaya siya, iyon ang nakikita ko ngayon sa kanya. Lumapit kami sa counter.

"Good afternoon, we will buy five different brand of pregnancy test kit."

Nanlaki ang mata ko. Pregnancy test! Aanhin namin ang pregnancy test kit?

"Is that all, Sir?"

"Trace—"

"Yes. Please hurry up, my wife need to use it so we know the result as soon as possible."

"Yes, Sir." umalis sa counter ang babae.

"Trace, anong trip mo sa buhay?" pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Iniisip mo ba na buntis ako?"

"Gusto ko lang mag-try. Mas magandang subukan natin."

Hindi na lang ako umimik. Medyo nakadama ako ng kaba. Paano kung hindi ako buntis? Sigurado akong mapu-frustrate si Trace. Mayamaya ay bumalik na ang babae at binayaran kaagad ni Trace ang pregnancy test kit. Nang nasa kotse na ulit kami pabalik sa penthouse, tahimik ko na lang pinapagmasdan si Trace habang binabasa niya ang nakasulat sa pregnancy test.

"Trace."

Napalingon siya sa akin. "Yes?"

"Bakit excited ka na magka-baby tayo?"

Para siyang natigilan sa tanong ko. Kita ko ang pagkalito sa mata niya pero nawala kaagad iyon at sumilay ang ngiti sa labi niya. "Para hindi mo maisipang makipaghiwalay sa akin."

Natawa naman ako sa sagot niya. "Bakit naman ako makikipaghiwalay sa iyo?"

Kumibit balikat si Trace. "I dont know. Maybe in some issue that we dont know."

Napailing na lang ako at humilig ako sa balikat ni Trace. Nagpatuloy naman siya sa pagbabasa na para bang siya ang gagamit ng pregnancy test.

After twenty minutes, nakarating na kami sa parking lot ng hotel. Mabuti na lang at hindi traffic. Todo alalay naman sa akin si Trace. Hay, para siyang baliw. Kulang na lang, kargahin niya ako papunta sa penthouse.

"Use it now." binigay niya kaagad sa akin ang supot na naglalaman ng pregnancy test kit at marahan akong tinulak papunta sa CR.

Binasa ko ang nakasulat sa karton at sinunod ko ang direction. Lahat iyon ay ginamit ko. It says na five to ten minutes daw ang hihintayin ko bago lumabas ang result. Bigla tuloy ako nakadama ng excitement sa magiging resulta.

"Belle?"

B-in-ack hug ako ni Trace. He put his head on my shoulder while looking at the pregnancy test.

"Ang tagal naman."

"Five to ten minutes pa daw."

Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "I love you." he whispered.

Humarap ako sa kanya na nakangiti. "I love you too." I gave him a warm kiss then I hug him. Naamoy ko na naman ang pabango ni Trace na nahaluan ng natural scent niya. Nagsumiksik ako sa kanya. "Ang bango mo!"

He chuckled. "Kanina ayaw mo sa amoy ko, ngayon naman gusto mo ng amoy ko. Minsan hindi kita ma-gets."

Hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa limang pregnancy test na nakapatong sa lababo. Para akong nawalan ng energy nang makita ko ang lumabas na result sa isa mga pregnancy test. "Its negative."

"Dont worry, may apat pa."

Lalo akong nawalan ng pag-asa nang lumabas ang result ng isa pa. Again, its negative.

Humigpit ang yakap sa akin ni Trace at marahan ang pagtapik niya sa likod ko. Naramdaman niya siguro ang nararamdaman kong frustration ngayon. "Its okay, my angel. Pagtatrabauhan natin 'yan, araw-araw."

Umiwas na ako ng tingin sa lababo kung saan nakapatong ang limang pregnancy test. "Bumalik na tayo sa—"

"Belle, look."

Napatingin ako sa lababo at nanlaki ang mata ko. Ang tatlong natirang pregnancy test ay lumabas na ang result and its—

"Positive! You're pregnant!" bigla akong binuhat ni Trace at nagpaikot-ikot kami. "Magkakaanak na tayo!"

Napaluha ako dahil sa good news na natanggap namin ngayon. I'm gonna be a mom.

"Magkakapamilya na tayo!" hinalikan ako ni Trace sa labi. Lumuhod siya sa harapan ko at hinalikan ang tiyan ko. "I love you, my child!"

Lalo akong naluha. Makitang ganito kasaya si Trace, parang nalulunod ang puso ko sa sobrang kagalakan.

Tumayo siya at hinalikan niya ako sa labi. "I love you, Arabella Formillos."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top