Chapter 6
Chapter 6
"YOU'RE a painter, right?"
Napalingon sa akin si Trace. "Bakit mo natanong?"
"Naalala ko kasi 'yung mga painting sa basement. Meron pa nga akong portrait doon." umayos ako ng pagkakaupo sa itaas ng desk ni Trace. Sinama niya ako ngayon dito office niya para daw hindi ako mabagot. Tapos gusto pa niya na dito sa desk niya ako nakaupo imbes na sa visitor's chair para naman daw lalo siyang ma-inspire sa pagtatrabaho. "Did you paint that too?" tinuro ko ang abstract painting sa dingding banda sa likuran niya.
"Yes. I painted that six years ago. Noong dumating ako dito, 'yan ang unang pinagkaabalahan ko."
"Wow! You're cool. Iyan ang painting na favorite ko sa lahat. It gives hope to someone who see that."
"Really?"
I nod. "Oo naman."
"Thank you."
Umayos ako ng upo. "Gusto kong maging model mo sa next na artwork mo."
"That will be lovely." hinila niya ako kaya nalipat ako sa lap niya. "You'll become my first nude model." his said huskily then bite my earlobe.
Nag-blush ako. I feel something here. "Trace, magtrabaho ka na."
Marahan siyang tumawa at nagpatuloy na magtrabaho habang nakaupo pa rin ako sa lap niya.
Pinapanood ko lang siyang magtrabaho. Nanlaki ang mata ko. Ngayon ko lang nalaman na siya ang CEO ng Formillos corporation! And he is a family member of one of the most powerful and wealthiest clan in the world. Kasabayan ng pamilya niya ang Valdepeña clan! Napalunok ako ng laway. Oh my gosh!
"Are you okay, Belle?"
Tumango na lang ako at humilig sa balikat niya. "I miss my work."
"You're the CEO in your family's company, right?"
Hindi na ako magtataka kung pinaimbestiga na ako ni Trace noon. "Yes and you have name in business world, kaya kinatatakutan ka ng ibang businessman."
"Oh really?"
"Oo nga. Ikaw ang businessman na kahit hindi nagpapakita sa business world ay kinakatakutan kalabanin ng ibang businessman."
"Are you one of them, Belle?"
I looked away. "Oo, ayokong kalabanan ka. Ayokong mag-risk ang company namin dahil kinalaban kita. Maraming umaasa sa akin mga nagtatrabaho sa kompanya namin." I look at him again. "Nag-aalala lang ako sa kung anong nangyayari sa kompanya namin ngayon."
"You're good leader, Belle." he brush my hair using his fingers. "A very lovely leader. Iniisip mo ang kapakanan ng mga empleyado mo. You're really an angel."
Gumuhit ang ngiti sa labi ko bago humilig sa balikat niya. "I miss my Dad, Trace." I really miss my father. I want to see him but I cant.
"I'm sorry, Belle. You know that you cant see him."
Tumango na lang ako.
"But you can call him." binuksan niya 'yung maliit na drawer doon sa desk niya. A cellphone. "Here, call him now."
Lumawak ang ngiti ko at kinuha sa kanya ang cellphone. Tumayo ako at di-na-al ko ang personal number ni Daddy. Napakagat labi ako dahil walang sumasagot sa tawag ko. Nag-dial ulit ako and this time, sinagot na ni Daddy.
"Hello?"
"D-Daddy." I look at Trace. He gave me a smile.
"Arabella? Ikaw ba 'yan, hija?"
"Y-Yes. Its me, Daddy." nag-umpisa na manubig ang mata ko.
"Hija, I'm so worried to you. Hindi ako makapali dahil isang buwan ka nang nawawala. Ang sabi ng mga coast guard na naghahanap sa'yo na baka wala ka na raw. Thank God that you call me. Where are you now? Are you okay?" bakas sa boses ni Daddy ang pag-aalala.
"I-I'm fine. Daddy, I miss you so much."
"Me too, hija. I miss you too."
Tumulo ang luha sa pisngi ko. Si Daddy na lang ang tangi kong pamilya dito sa mundo.
"Nasaan ka na? Nasa ligtas ka bang lugar."
Napasulyap ako kay Trace at gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Yes, Daddy. I'm safe. Kasama ko ang fiancé ko." lumabas ako ng office ni Trace para naman makapagtrabaho na ito.
"What? Ikakasal ka na? Come back home now, Ara, with that man!"
Napangiwi ako. Kapag si Daddy tinawag ako sa pangalang Ara, dapat na talagang bumalik na ako. Ikaw pa naman isang buwan bago c-in-ontact ang tatay mo tapos sasabihin mo sa kanya na may fiancé ka na, syempre magagalit 'yon. "Daddy, uuwi na ako soon."
"Are you staying at his house?"
Napakagat labi ako. "Yes."
"Arabella!"
"Look, Dad, walang n-nangyari sa amin kaya huwag kang mag-alala."
"Paano kung may gawin siyang masama sa iyo? Lalo akong hindi mapapalagay dito."
Umupo ako sa Cleopatra chair. "Walang masamang gagawin sa akin si Trace. He save me."
"Arabella, come back home and let me talk to that man! I want to know if he is right man for you!"
Napa-eye roll ako ng wala sa oras. Lahat ata ng tatay ganito. Mapapraning kapag nalaman na may iba nang lalaki sa buhay ng anak nila. "Si Daddy. Don't worry, I'm safe. He's so nice and gentleman and I love him, of course I love you first."
Narinig kong bumuntong hininga si Daddy. "Okay, Sweetie, pero bumalik ka na dito as soon as possible."
"Promise, Daddy."
"I love you, my little daughter."
"Dad!"
"What? Ikaw pa rin ang baby ko."
"My gosh, Daddy!" buti na lang wala dito sa sala si Trace at hindi naka-loudspeak ang cellphone na ito. "I love you too, Daddy. Bye!" I ended the call. Napailing ako. Kahit kailan talaga si Daddy, ginagawa pa rin akong baby. Endearment kasi sa akin ni Daddy ang little daughter lalo na kapag naglalambing siya.
"Anong sabi ni D-Daddy mo?"
Bigla akong napatingin sa gawi ng office. Nandoon si Trace nakasandal sa pintuan. "Oh! He want to see you as soon as possible." tumayo ako at lumapit sa kanya.
Hinapit naman niya ako. "Then lets meet him as soon as possible too." at bigla niya akong ninakawan ng halik. "Bigla akong kinabahan."
"Why?"
"Paano kung ayaw sa akin ng ama mo? Look at my face, I look horrible."
I touch his face. "He will like you, Trace. At anong meron sa mukha mo? You are handsome!" I start planting a kiss in his face. "Ayiiie! I love you na talaga!"
He smiled at me. "Thank you."
Tumabingi ang ngiti ko. Thank you? Thank you lang talaga? Walang I love you too?
"Is there something wrong?"
"Ah, wala!" kinalas ko ang mga braso niyang nass baywang ko. Tinalikuran ko siya. "Ang wrong lang naman ay walang I love you too from you." I murmur.
"Anong sinasabi mo?"
Humarap ako sa kanya na may abot tenga na ngiti. "Ang sabi ko ay magluluto na ako ng lunch for us!" at nagmadali na ako pumunta sa kusina. Medyo nasaktan ang puso ko. Its like wala siyang feeling sa akin. Yes, I know he care for me and I feel that he loves me but its more important that he'll say that he loves me. Para naman malaman ko talaga kung totoo itong iniisip kong mahal niya ako.
Bumuntong hininga na lang ako habang kinukuha ko ang ampalaya at itlog. Magluluto ako ng ampalaya omelette. Bitter mode ako eh. Kanya-kanya itong trip ng paglabas ng pagka-bitter sa katawan at saka gusto ko rin kumain nito. Na-inggit ako sa napanood kong movie na ang bida ay kumakain ng ganito. Hiniwa ko ng manipis ang ampalaya para hindi masyadong mapait kapag kinain at para mabilis maluto.
May biglang pumulupot na braso sa baywang ko. "Trace, may ginagawa ko."
Pumatong ang ulo niya sa balikat ko. "There's something wrong."
"Saan?" cr-in-ack ko ang mga itlog na kinuha ko. Five eggs to be exact.
"You. May problema ba?"
"Wala naman." hinalo ko na sa itlog ang hiniwa kong ampalaya. Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Trace kaya kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. "Magluluto na ako." I on the switch of electric stove then put the frying pan. Napasimangot ako nang pinindot ni Trace ang off ng stove. "Trace, magluluto na ako. Huwag kang mangulit." naiinis kong sita sa kanya. Hindi ko naman sasabihin sa kanya ang gusto ko. Baka kung ano pang masabi niya.
Iniharap niya ako sa kanya. "C'mon say it, Belle. I know there's a problem."
"Wala nga. Gutom na ako kaya gusto ko na kumain kaya huwag mo akong guluhin muna at baka ikaw ang kainin ko."
"You want to eat me?"
Namula ang pisngi ko at bigla kong pinalo ang bibig niya. Lokong lalaki ito! "Greenminded ka!"
"Bakit ako naging greenminded? Iniisip ko na baka may lahi kang cannibal kaya gusto mo ako kainin. Ikaw ata 'yung greenminded eh."
"Nakakainis ka!" inirapan ko siya. Maniwalang 'yun ang iniisip niya.
"Huwag ka na magalit sa akin."
"Hindi ako galit sa iyo."
"Then prove it, kiss me."
Inirapan ko ulit siya. Kiss niya mukha niya.
"See? Galit ka pa rin sa akin."
"Hindi nga ako galit sa iyo, kulit mo rin 'no?"
Hinawakan niya ako sa batok at naglapat ang mga labi namin. He deepen our kiss. Kusa namang pumulupot sa leeg niya ang mga braso ko at parang nawala na parang bula ang inis ko sa kanya. "Pinapatawad mo na ako?"
Marahan akong tumango.
Napangiti naman siya. "Great!" hinawakan niya ako sa baywang at iniupo sa kitchen island. "Let me cook our lunch. Huwag na itong ampalaya."
Nanlaki ang mata ko dahil parang may plano si Trace na itapon ang itlog na may ampalaya. "Stop!"
Kunot noong lumingon sa akin si Trace. "Bakit?"
"I want to eat that! Iluto mo 'yan. Gusto kong kumain ng ampalaya omelette."
"Bakit mo naman gustong kumain ng ampalaya omelette?"
"Kasi nagki-crave ako d'yan kaya gusto kong kumain ng ampalaya omelette." biglang nanlaki ang mga mata ni Trace kaya napakunot noo ako. "Anong nangyari sa'yo?"
"Are you pregnant? I cant believe it! Totoo pala ang sinasabi ng mga matatanda na nakakabuntis ang paghalik. I'm gonna be a dad!"
Tinampal ko siya sa noo. Ano 'yon? "Halikan lang, buntis na kaagad? OA mo ah." nakakaloka 'to. Nag-crave lang ako sa ampalaya omelette, buntis na kaagad. Grabe siya oh.
"Pero—"
"Hindi ako buntis. Naku magluto ka na nga d'yan. Doon lang muna ako sa kwarto ko para makapagluto ka." bumaba ako at patakbong umalis ng kusina. Bahala siya d'yan magluto. Tutulugan ko siya.
------
"WAKE up, my angel."
Unti-unti akong dumilat at bumungad sa akin ang nakangiting si Trace. Napangiti ako. "Hi!" paos kong bati sa kanya sabay dahan-dahang umupo. "What's time is it?"
"Its already five o'clock in the afternoon, Belle."
Nanlaki ang mata ko. Sobrang haba pala ang naging tulog ko. "Sigurado ka?"
"Yes. So, my angel, get up, take a shower, and wear this dress."
Napatingin ako sa gawi ng tinuro niya. "Wow!" napatayo ako lumapit sa dress na nakasampay doon. A simple off-shoulder above the knee white dress.
B-in-ack hug ako ni Trace. He put his head on my shoulder. "Today is a very special day for us because its our wedding day."
Humarap ako sa kanya. "Wedding?"
"Yes, our wedding."
Napanganga ako. Wedding agad. Ngayon mismo. Ang bilis! Wala pang isang linggo noong mag-propose siya tapos wedding na kaagad. "But—"
"C'mon, take a bath now, and we will wait for you at the veranda," he kissed me on the forehead before he left my room.
Kinurot at sinabunutan ko ang sarili ko para masiguro na nananaginip lang ako pero hindi. Its not a dream. Its real! Huminga ako ng malalim at kinuha ko ang dress. Meron din isang box at nang tingnan ko, may white shoes. Siguro three inches ito. Kinuha ko rin iyon. Dumeretso ako sa kwarto ni Trace.
Dito na lang ako maliligo. Pagkapasok ko sa CR, may lamang tubig na ang bathtub at may rose petals iyon. Napangiti ako bago maghubad ng damit. Napapikit ako nang makalusong na ako sa bathtub. "Aaah, relaxing naman ito."
Kalahating oras din akong nagbabad sa bathtub bago magbanlaw. Feeling ko super soft ng skin ko. Nakangiti pa akong lumabas ng CR.
Nagulat ako nang may makita akong babae na nakatayo sa gitna ng kwaryo ni Trace. "Aaaaah! Sino ka?" kinuha ko kaagad ang baseball bat na nasa gilid ng bookshelves. Walanghiyang babae ito! Baka nakita rin ito ni Trace sa pampang. No way! Hindi pwede ang love triangle sa aming tatlo. Para sa akin si Trace. "Who are you, bitch?"
"M-Ma'am, ako po 'yung mag-aayos sa'yo."
"S-Sigurado ka?" tinutok ko sa babae ang baseball bat. May pinakitang ID sa akin ang babae. ID galing sa favorite kong salon. "Oh, I'm sorry. Bago ka sa Lovely Salon?"
Tumango ang babae na obvious na takot sa akin. "Opo, Ma'am. Doon na lang po tayo sa kwarto ninyo."
"Oh, sorry. Lets go." nauna na akong lumabas ng kwarto ni Trace at pumasok naman sa kwarto ko. Nakasunod sa akin ang makeup artist ko na dala ang isang malaking bag. Umupo kaagad ako.
Nag-ayos na ng gamit kaagad ang babae. Siya rin pala ang mag-aayos ng buhok ko. "Ma'am simple lang po ang imi-makeup ko sa iyo kasi sobrang ganda mo na po."
Nag-blush ako. "H-Hindi naman."
Nginitian lang ako ng babae bago mag-umpisang ayusan ako. Katulad ng sabi nito, light makeup lang ang nilagay niya sa mukha ko na naging dahilan kung bakit na-enhance ang angkin ko raw na kagandahan. Kinulot niya ang buhok ko. May nilagay siyang tiara sa ulo ko na may belo.
"Uhm, baka masira ko ang tiara." tatanggalin ko na dapat ang tiara kaso pinigilan ako ng makeup artist.
"Ma'am pinapasuot po sa iyo 'yan ni Sir Formillos."
Pilit na lang akong ngumiti. Ang bigat sa ulo ang tiara na ito. Napatingin ako sa vanity mirror. Napaawang ang bibig ko. Parang hindi ako ang nasa harap ng salamin. I look like a princess. "Ako ba talaga ito?"
"Yes, Ma'am. Natural na po kayong maganda. Para po kayong prinsesa sa mga live action Disney movies." may inabot siya sa aking bouquet ng white roses. Napangiti ako. White roses represents of unconditional love. "Ma'am, bumaba na daw po kayo kaagad kapag tapos ka na pong ayusan."
Tumango ako bago lumabas ng kwarto ko. Nasa gitna na ako ng hagdanan nang makadama ako ng sobrang kaba. Parang nanginginig at nanlalambot ang mga binti ko. Parang ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko na ikakasal na ako kay Trace. Ikakasal na ako ngayon so it means that any moment, I will become Mrs. Trace Formillos. "Shemay! Ikakasal na ako!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top