Chapter 4
Chapter 4
I TOOK a deep breath. Dalawang araw na ang nakalipas noong nakasama ko si Trace. Nakatulog ako habang yakap ko siya tapos nagising na lang ako na nasa kwarto na ako. Simula no'n ay hindi ko na siya nakita pa. Tinataguan na naman niya ako.
"Sacred, nasaan amo mo?"
Nilingon lang ako ni Sacred sabay upo. Talagang pinanindigan ng tigreng ito ang trip na bantayan ako. Kahit saan ako pumunta, nakasunod siya sa akin. Gawin ko kayang lifetime bodyguard si Sacred.
I do the Cobra pose. Nasa veranda kami ni Sacred. Siya, prenteng nakaupo sa gilid habang ako ay nagyu-yoga. "Nakita mo ba kung saan pumunta ang amo mo?"
Hikab lang ang sinagot sa akin ni Sacred. Aba't lokong tigre ito ah!
Lumuhod ako at ginawa ko ang Camel pose. "Aaah! Nakaka-relax mag-yoga. Try mo, Sacred." Napasimangot ako nang pumikit si Sacred at mukhang tutulugan ako. Umupo ako. "Nakakainis itong tigreng 'to. Wala naman akong nakakahawang sakit pero makaiwas wagas. Mag-amo talaga kayo." Tumayo ako at kinuha ang isang baso ng tubig. Imbes na ma-relax ako, naii-stress ako sa mag-among ito. Sarap pag-umpugin.
Hindi na ako nag-abalang suotin ang t-shirt ko. Wala namang masamang nakasuot ako ng bra as my tops, suot ko naman ang boxer short na kinuha ko sa cabinet ni Trace. Naningkit ang mata ko nang matanaw ko na may dalawang bangkang papalapit sa pampang.
"Sacred, may mga mangingisda yatang papunta dito. Puntahan natin." naglakad na ako papuntang pampang at nakasunod naman sa akin si Sacred. Napangiti ako dahil sa wakas nakakita na ako ng tao. Lumapit ako sa mga mangingisda nang makarating na sila. Magsasalita na dapat ako nang may biglang nagpatong ng coat sa balikat ko. Pagtingin ko sa taong iyon ay nanlaki ang mata ko. "Trace!"
"Magandang tanghali po, Sir!" bati ng isa sa mga mangingisda. Mukhang ito ang leader nila.
"Magandang tanghali rin, Mang Kanor. Pangatlong beses na ninyong nadayo dito sa isla ko." umakbay sa akin si Trace.
"Sir, malakas po kasi ang alon kaya napilitan kaming pumunta dito. Pasensya na po." napatingin sa akin si Mang Kanor. "Pasensya na po, Madam."
Ngumiti lang ako. Humigpit ang pagkakaakbay sa akin ni Trace kaya napasulyap ako sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at masuyo akong hinalikan sa noo bago bumaling ang atensyon sa mga mangingisda. "Sige po. Hahayaan ko kayong dumito ng ilang araw. Nandoon pa rin naman ang kubong tinuluyan ninyo noon."
"Salamat Sir!"
Tumango lang si Trace at iginiya niya ako pabalik sa bahay nila. "Bakit ganyan ang ayos mo?"
Napatingin ako sa suot ko. "Nag-yoga kasi ako doon sa veranda kaya nakaganito ako."
"Well next time sa loob ka na ng bahay mag-yoga. Masyado kang nakakaakit sa ayos mo." siya ang nagbukas ng pintuan.
Bigla akong namula. Ibig bang sabihin naaakit siya sa akin?
"Wear a long sleeves tshirt and jogging pants."
Napasimangot akong pumasok ng bahay. Hindi ba niya napapansin ang panahon ngayon? Dinaig pa ang summer sa sobrang init.
"Dont do that pouty thing, Arabella. I might kiss you right here, right now."
"Mainit tapos pagsusuotin mo ako ng tshirt na long sleeves at jogging pants. Gusto mo ba akong mag-heatstroke?" may sinabi si Trace na hindi ko narinig. "Anong sabi mo?"
"Wala. Ang sabi ko mag-stay ka na lang sa kwarto ko. Aircon doon kaya hindi ka maiinitan." umiwas siya ng tingin sa akin.
Bigla kong naalaala 'yung pumunta ko sa kwarto niya na nakatapis ako. Bigla akong napailing. Naku naman, Arabella! "H-Hindi mo ba gagamitin ang kwarto mo ngayon?"
"Nope. I have so many things to do in my office and I'll have a business meeting via skype at two o'clock in the afternoon." he kiss me in my cheeks. "Just do what I say. Change your clothes, you can use my tablet, its inside the cabinet beside my bed. If you want to go outside, say it to me and let Sacred near at you." at nagmadali na siyang pumasok sa office niya.
Ako naman ay napanganga. "Wow! Para naman siyang asawa ko na nagbibigay ng habilin bago pumasok sa trabaho, 'di ba, Sacred?"
Mukhang pag-upo ni Sacred sa tabi ko ang tanging sagot niya sa tanong ko. I'll take it as yes.
------
KUMATOK ako ng dalawang beses bago pumasok sa office ni Trace. May dala akong pagkain para sa kanya. Sa tingin ko kasi hindi pa siya kumakain. Napakunot noo ako. Why he's wearing a mask?
"Yes, I agree about what you say, but there's something that is inaccurate in your proposal, Mr. Barrietos." napatingin sa gawi ko si Trace at bumalik ang tingin sa laptop. "I'll give you a chance to revise your proposal. Yes... At ten in the morning... Of course... Okay... The meeting is ajourn, goodbye." may tinipa siya sa laptop bago iyon isinara. "Bakit ka nandito?" tinanggal niya ang suot na mask.
"Nagdala ako ng food para sa iyo. Hindi ka pa kasi nagla-lunch."
"Thank you. Pakipatong na lang dito sa desk ko." minasahe niya ang kanyang sentido.
Pinatong ko naman sa desk ang tray. Pumunta ako sa likuran niya at nag-umpisang minasahe ang kanyang ulo. "Sobra ka palang busy na tao."
"Well that's me. Kahit nasa isla ako ay ginagampanan ko pa rin ang trabaho ko." he hold my hands. Hinila niya ako kaya napaupo ako sa lap niya.
"Bakit ka naka-mask kanina habang may meeting ka?"
"Alam ko kasing hindi sila makikipag-meeting sa akin kapag nakita nila ang mukha ko. I look horrible, Belle." sinalubong niya ang tingin ko. "Hindi ka ba natatakot sa akin, Arabella?"
I touch his face then I shake my head. "No. I'm not scared at you, Trace. You are the most wonderful person for me."
"But I'm a monster. A beast to be exact."
"No you're not, Trace." I caress his face. "You're not a beast. Stop calling yourself as a beast." I hug him.
"Arabella..." kumalas siya sa pagkakayakap ko. Hinawi niya ang nakatabing na buhok sa mukha ko. "My beautiful, Arabella. From now on, you're mine. No one can touch you because you're mine. Soon, you'll become Formillos. I will mark you soon. A mark screaming on you that you are mine, only mine." Then he claimed my lips. "Remember that, Arabella."
I slowly nod. Tumikhim ako sabay tayo. "Eat this food."
He smiled at me. I just watch him eating the food. Ngayon ko lang nakitang kumain si Trace. Hindi naman kasi kami nagkakasabay kumain. Palaging si Sacred ang kasabay kong kumain. I always prepare raw food for Sacred.
Huminto siyang kumain nang mahalata niya na pinagmamasdan ko siya. "Do you want to eat with me?"
Umiling ako. "Inihanda ko talaga 'yan para sa iyo."
"Thank you."
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang naging goal ko na sa buhay ang mapangiti si Trace. Nakikita ko kasi sa mata niya ang kalungkutan. Gusto ko rin makilala siya. Umupo ako sa visitor's chair. "Uhm, Trace?"
"Yes?"
"Ilang taon ka na?" simple question can start a good conversation. Kung sumagot siya, ibig sabihin ay hinahayaan niya akong manghimasok sa buhay niya.
"I'm thirty-one years old. Ikaw?"
Napangiti ako. This is good! "I'm turning twenty-six next month."
Napahinto siya sa kinakain niya. "This coming August?"
I nod. "August 9."
"A-August 9."
"Bakit? May something ba sa birthday ko?" medyo nababahala ako. Parang may something ang August 9 para sa kanya.
Umiling si Trace. "W-Wala." nagpatuloy na siya sa pagkain. "Masarap itong Menudong niluto mo."
"Talaga?"
"Of course yes."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Hindi ko tuloy malaman kung anong sasabihin ko. Tumayo na ako nang matapos na siyang kumain at ako na ang kusang nagligpit ng pinagkainan niya. "S-Sige lalabas na ako para makapagtrabaho ka na." naglakad na ako palabas ng office ni Trace. Pagkasara ko sa pintuan ay napasandal ako sa pintuan. "A-Ano ba itong nararamdaman ko?" napasapo ako sa dibdib ko. Parang eratic ang tibok ng puso ko. Napasulyap ako sa tigreng nasa harapan ko ngayon at nakatingin sa akin. "Ano?" tinalikuran lang ako ni Sacred at naglakad papalayo sa akin. "Aba't lokong tigre talaga 'yon!"
-------
NILINGON ko ang katabi ko na busy sa pinapanood naming movie. Isang action movie to be exact. Hindi ko gusto ang ganitong genre ng movie kaso wala akong choice dahil ito ang pinili ng may-ari ng bahay. Pasimple akong humilig sa balikat niya at nag-umpisang pagdiskitahan ang buhok niyang hanggang balikat ang haba.
"Stop it, Arabella."
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pangpa-power trip sa buhok niya.
"Arabella." may warning na sa tono ng boses ni Trace.
Inumpisahan ko nang tirintasin ang buhok niya. Napabuntong hininga na lang siya. Sign na suko na siya sa kakulitan ko.
"I'm not a doll, Arabella." hinuli niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa lap niya. "Itigil mo na ang pagtitirintas sa buhok ko."
Nag-pout ako. "Wala akong ginagawang masama ah."
"Arabella."
Lalo akong nag-pout at pinagpatuloy ang pagtirintas sa kanya kahit na nakaharang ako sa pinapanood niya. Nabu-bored kasi ako kaya mabuting pagdiskitahan ko na lang ang buhok niya.
"Arabella, stop it!" iniharap niya ako sa TV. Naramdaman ko na lang na hawak niya ang buhok ko at tinitirintas iyon. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya sa buhok ko.
Umayos ako ng pagkakaupo sa lap niya at narinig kong nag-groan si Trace. "Bakit?"
"N-Nothing." tinali na niya ang dulo ng buhok ko. "That's it." inilipat na niya ako ng pwesto.
Pinindot ko ang switch off ng remote. "Nakaka-bored naman mag-movie marathon. Lets try something. Mag-swimming na lang tayo!" tumayo ako at hinila ko siya papalabas ng bahay. Nang nasa pampang na kami ay nagmadali akong hinubad ang long sleeves polo at lumusong kaagad ako sa tubig. Paglingon ko kay Trace ay nandoon lang siya sa pampang. "Trace, mag-swimming ka na rin!"
He smile. "Okay na ako dito."
Sinimangutan ko siya at nagpatuloy na lang mag-swimming. Bahala siya dyan. Medyo malayo na ako sa pampang at pagtingin ko doon ay wala na si Trace. "Aba't iniwan—aaaaah!" biglang may humila sa akin palubog. Halos mawalan ako nang hininga. Nanlaki ang mata ko nang nasa harapan ko na si Trace at bigla akong hinalikan. Parang binigyan niya ako ng hangin sa pamamagitan ng paghalik. Siya na rin ang humila sa akin paahon ng dagat. Bigla ko siyang pinalo. "Gusto mo ba ako patayin?"
He chuckled. "I just want to kiss you under the sea."
Bigla akong namula. Anong klaseng rason 'yan? "Adik ka talaga! Gusto mo lang akong patayin. Loko ka! Kailangan talaga hilahin mo ako? Nakaka—"
Bigla niya akong kinabig at naglapat ang aming mga labi. Halos habol ko ang paghinga ko nang naghiwalay na ang aming mga labi. "They say that the best way to stop a superfluous words is to kiss that person. Well I'm agree about that."
Napanganga ako sa sinabi ni Trace. Winisikan ko na lang siya ng tubig at nag-swim palayo sa kanya. Sumunod naman siya sa akin at na-realized ko na lang na nag-uunahan na lang kaming dalawa mag-swimming.
Nang mapagod kami ay sabay kaming umahon. Nang nasa pampang na kami ay hinila niya ako at niyakap. "Lets go home, Belle." tumango naman ako at bigla niya akong pinangko.
Feeling ko buong katawan ko ay namumula dahil sa sweet gesture ni Trace. Nang makarating na kami sa bahay ay dineretso niya ako sa CR.
"Take a bath now." iniupo niya ako sa nakasarang toilet bowl. "Dont worry, I'll prepare your clothes." at iniwan niya ako sa loob ng CR.
Ako naman ay nakatulala lang. "Trace, huwag mo naman akong sanayin sa mga kinikilos mo."
Trace:
I LOOKED outside the window, and then I saw the most beautiful lady in the world. She's playing with Sacred. Sometimes I thank those people who want her to die. Kung hindi dahil sa kanila, wala dito sa isla ko si Arabella.
Mayamaya ay pumasok na sila Arabella kaya umalis na ako sa tabi ng bintana. I get my phone and start dialing the number of a private investigator.
"Hello, Sir?"
"Do you have any lead about Cornelia?"
"Sir, wala pa po."
I cursed. "Pagpursigihin ninyo ang paghahanap sa kanya!" I yelled before I ended the call. I want to see my sister. I know she's still alive. I feel it. Napatingin ako sa pintuan dahil parang may kumakaskas sa pintuan ng opisina ko. Kumunot ang noo ko dahil parang si Sacred ang gumagawa nun. Tumayo ako at binuksan kaagad ang pintuan. Nanlaki ang mata ko dahil duguan si Sacred. "What happened to you?" pinilit nitong tumayo. Nakadama ako ng takot dahil wala si Arabella dito. "Where's Arabella?"
Bumaling ang ulo ni Sacred banda sa main door.
Nagmadali akong lumabas then I saw Arabella's slippers. Damn it! Nagmadali akong tumakbo papunta sa kubong nagiging pansamantalang tahanan ng mga nadadayo ditong mangingisda.
Damn it! Hindi ko dapat hinayaang mag-isa sa labas si Arabella habang nandito pa sa isla ko ang mga mangingisda na iyon. The way they look at her, I know they want her. Those malicious eyes. I want to kill them!
Pabalang kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Mang Kanor na puno ng pasa ang mukha. Lumapit kaagad ako sa kanya. "Mang Kanor?"
"S-Sir si Ma—"
"Where's Arabella?"
"H-Hindi ko po alam."
Napa-face palm ako at nagmadaling lumabas ng kubo. Pumasok ako sa kakahuyan. "Where the hell are they?"
"Traaaaace—"
"Damn it!" sinundan ko ang pinanggalingan ng boses ni Arabella. It they do something to her, I will really kill them!
"H-Help!"
Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Napunta ako sa kalagitnaan ng gubat. Doon nakita ko si Arabella na wala nang malay at sira na ang pangtaas na damit. May isang lalaki nang nakapatong sa kanya. Starting to kiss her. They are two. Agad akong lumapit sa lalaking hinahawakan ang pagmamay-ari ko. Binigyan ko ito ng isang suntok. "How dare you touch my lady?" Muli ko itong sinuntok at tinadyakan sa tiyan. "Damn you bastard!"
"S-Sir, ibahagi mo naman ang—"
Sinipa ko ang nasa likuran ko kanina. "How dare you say that to me?" hinablot ko ang kwelyo nito. "She's mine and no one allowed to touch her!" para akong sinapian ng demonyo at pinagsusuntok ko ito. Nang wala na itong malay, ang kasama naman nito ang pinagbuntungan ko ng galit. I dont care if I kill them. Those scumbag!
"T-Trace..."
Napahinto ako sa ginagawa ko at nilingon si Arabella. "Belle!" agad ko siyang nilapitan. Hinubad ko ang suot kong tshirt at isinuot ko sa kanya. Nanginginig ang buong katawan niya. I hug her. "You're safe now." humiwalay ako sa kanya. Lumapit ako sa dalawang lalaking walang malay ngayon. Sinira ko ang suot na kamiseta ng isa at itinali iyon sa kanilang dalawa. Pagkatapos ko ay lumapit ako kay Arabella. She's crying. I know she's scared because on what happened to her.
Kinarga ko siya. Pumulupot sa leeg ko ang kamay niya. I keep saying that she's safe now.
Nang makarating kami sa harap ng bahay ko ay nagmadaling bumaba si Arabella at tumakbo papasok sa loob. "Sacred!"
Nanlaki ang mata ko at nagmadaling pumasok sa loob. Right there, I saw my favorite pet lying in the front of my office. Lumapit ako sa kanila. "S-Sacred?" mabagal na ang paghinga nito. "S-Sweetie, dont do this to me." narinig ko na lumakas ang paghikbi ni Arabella. "Sacred..." tumingin sa akin si Sacred. I know that she wants to rest now. Forever. "Sacred, you can sleep now." mayamaya ay huminto na ang paghinga nito. I hug my favorite pet.
"She's still baby." naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Arabella at napahagulgol ito.
Dahan-dahan ko binaba si Sacred. "I know, Belle, I know."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top