Chapter 34
Chapter 34
Arabella:
"RACE, Jace, finish your food. Bilisan ninyo, mali-late na tayo sa flight!" lumabas ako ng kusina at wala sa dining area ang kambal. "Race, Jace!" naglakad ako papunta sa sala.
"Yes, we will. Is that serious? Yes!" its Race who's talking.
"Give me the phone, Race."
"Here."
"D—"
"Sssh!"
"Oh, hey! Cassia, are you serious about that? You will never hurt us?... Really?"
Nag-cross arm ako. "Kids, kumakain kayo, hindi ba? Gimme the phone."
"Oh, goodbye! See you soon!" at bigla na lang binaba ni Jace ang telepono na para bang ayaw nilang ipaalam sa akin kung sino ang kausap nila.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Sino 'yung tumawag?"
"Secret!" sabay nilang sabi.
"Sinong nagsabing mag-english kayo?"
"Its okay if we dont have a chocolate chips cookies for tonight as long as were here beside you, Mommy."
"Race is right, Mommy. We love you so much! Its like a world!"
Na-touch ako sa sinabi ni Race at Jace. "Aw, give your mommy a warm hug." agad na lumapit sa akin ang kambal at niyakap ako. "Pero hindi ko pa rin kayo ina-allow na mag-english."
Napakamot ng ulo si Jace. "Akala po namin kasi tagos iyon."
"Jace its, makakalusot. Not tagos. Hindi naman tayo tubig."
Napangiti ako. "C'mon, bumalik na kayo sa mesa at kailangan na ninyong ubusin ang breakfast ninyo baka ma-late tayo sa flight."
"Opo, Mommy." nagmadaling bumalik sa dining area ang kambal.
Napapailing na lang ako at umupo ako sa sofa. Its been two weeks since the last time I saw Trace. Binigyan na rin ako ng karapatan na makalabas ng bansa. Makakaalis na rin kaming mag-iina pero heto ako, malungkot sa gagawin naming pag-alis. Umaasa kasi ako na pupuntahan ako ni Trace dito para kausapin pero hindi man lang siya nagparamdam. Na kahit sa huling pagkakataon, maayos namin ni Trace ang pamilya namin pero siya talaga 'tong hindi nagparamdam.
Bumuntong hininga ako. Siguro ay sumuko na si Trace at hahayaan na akong lumaya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit lalo akong nasasaktan imbes na maging masaya? I admit it, I really missed him so much. I cant sleep every night because I'm longing in his warm hug.
"Ate Arabella, nandyan na po 'yung taxi driver."
"Pakilagay na sa loob ng taxi ang mga maleta. Pupuntahan ko lang ang kambal."
"Ate, hindi ko po talaga kayo ihahatid sa airport?"
Ngumiti ako. "Hindi na, Lizel. Iiyak lang 'yung kambal kapag hinatid mo pa kami." at iniwan ko na sa sala si Lizel para puntahan ang kambal. Eksakto namang katatapos lang nila kumain. "Okay, pumunta na kayo sa taxi." kinuha ko ang mga pinaglagyan ng pagkain ng kambal at tinapon sa basurahan. Pinatay ko na ang main switch ng bahay. Paglabas ko ng bahay ay hinihintay na ako ni Lizel sa gilid ng taxi. Ni-lock ko ang pintuan at lumapit kay Lizel. "So, goodbye na?"
"Ate!" niyakap niya ako habang umiiyak. "Mami-miss ko kayo."
"Kami rin." marahan kong tinapik sa balikat si Lizel. "Bueno, aalis na kami."
"Ingat kayo sa byahe."
Tumango ako bago sumakay ng taxi. Kumaway ang kambal kay Lizel bago tuluyang umalis ang taxi na sinasakyan namin.
"Mommy, are you sure we'll gonna leave this country?" asked Race.
"Yes, hijo."
"How about Daddy? He will be sad."
"Or maybe not. Maybe he's happy because he's setting us free." hinaplos ko ang buhok ni Race.
"I think he's sad."
I just smiled at him. "Kuya, pakibilisan po. Mali-late na po kasi kami sa flight namin."
"Opo, Ma'am."
Tinanguhan ko ang driver at tumingin ako sa labas ng bintana.
"What will happen now?"
"I dont know."
Nilingon ko ang kambal. "Anong pinag-uusapan ninyo?"
"N-Nothing, Mommy. He-he!" napakamot ng ulo si Jace.
Nawiwirduhan ako sa mga anak ko. Iba kasi ang kinikilos nila ngayon. Hindi ko na lang iyon papansinin. Ganyan naman kasi ang mga bata kapag aalis sila sa isang lugar na sobra silang na-attach.
Nang makarating kami sa harap ng airport ay agad kaming nilapitan ng isang courier at tinulungan ang taxi driver na ilabas ang mga maleta namin. Binayaran ko kaagad ang driver. Good thing na lang talaga at sinasamahan kami ng courier na ito. 'Yung iba kasi iniiwanan na lang ang mga pasahero. Kung ako lang mag-isa, mahihirapan akong dalhin ang mga gamit naming mag-iina.
Huminto ako sa waiting area. "Dito na lang muna kami. Thank you." tinanguhan ako nito bago kami iwan. Pinaupo ko ang kambal. Nasa tabi naman ako ni Jace. Hindi talaga mapaghihiwalay ang dalawang 'to. Habang silang dalawa ay nagkukwentuhan ay nagbasa naman ako ng dala kong libro. Naglagay talaga ako sa handbag ko ng pocketbook para may mapaglibangan ako. Napahinto akong magbasa nang may kumalabit sa akin. Pag-angat ko ng tingin, sumalubong sa akin ang tatlong airport police. "Yes, Sir?"
"Maaari po ba namin kayong makausap?"
Bigla akong nakadama ng kaba. "May problema po ba?" hinawakan ko ang kambal.
"May mga katanungan po na kailangan naming itanong sa iyo. Kung maaari lang ay sumama kayo sa amin. Huwag kang mag-alala, walang mangyayari sa mga gamit ninyo."
"M-Mommy."
Nginitian ko ang kambal. "Sasama kami." tumayo ako at hinawakan ko ang anak ko. Sumunod kami sa tatlong airport police hanggang sa makarating kami sa office nila. Pinaupo ako sa isang monoblock chair. "Sirs, bakit ninyo kami pinapunta dito."
May inabot sa akin na isang brown envelope. "Ma'am, pinagbabawal ka pong lumabas ng bansa."
Naguluhan ako at tiningnan ang laman ng brown envelope. Sulat galing sa korte na pinagbabawal akong lumabas ng bansa dahil may kinidnap akong bata. "Wala akong kinikidnap na bata. Actually kakabigay lang sa akin noong isang araw ng sulat galing sa kanila na pwede na akong lumabas ng bansa tapos ngayon sasabihin ninyo na hindi pwede. Hindi naman ako papayag na pagbabawalan ninyo ako. Kailangan naming mag-iina na bumalik sa Finland."
"Sorry po, Ma'am, pero hindi po talaga namin kayo papayagang bumyahe. Ang sabi po sa amin, ang dalawang bata na kasama mo po ay pilit ninyong kinuha sa tatay nila at sa kanya daw po ang kostudiya ng mga bata."
"What?!" nahampas ko ang mesa ng wala sa oras. Walanghiya talaga ang tatay ng mga anak ko. "Hindi ko kinidnap ang mga anak ko. I have a right to take away my children to their father. Nasa akin pa rin ang custody ng mga anak namin—"
"Kukunin po namin ang anak ninyo at dadalhin naman po namin kayo sa presinto."
"No!" bago ko pa makuha ang mga anak ko ay nailayo na nila sa akin ang kambal. Sinuotan ako ng handcuff ng isang airport police.
"Mommy!"
"No! Mommy! Mommy!"
"Take back my children!" hinihila ng mga airport police palabas ng opisina ang mga anak ko. "Idedemanda ko kayo! Let me go!" bigla nila ako piniringan. "Ano ba?"
"Kailangan naming piringan ka."
Nagpupumiglas ako habang hinihila nila ako palabas ng opisina. "Let me go!"
"Mommy!"
"Race? Jace? Bitawan ninyo ako! Ibalik ninyo sa akin ang mga anak ko!" hinihila pa rin ako ng dalawang airport police kahit nagpupumiglas na ako. "Cant you see? I'm pregnant! Kapag may nangyaring masama sa pinagbubuntis ko at sa kambal, I will make sure you all will rot in hell."
"We'll just doing our job, lady!"
Kumunot ang noo ko. Bakit parang fluent mag-english ang isang 'to? "Ano ba?!" pilit nila akong isinakay sa isang sasakyan na sa tingin ko ay van. Tumulo ang luha ko. Sobra na akong nag-aalala sa kambal. "Please, ibalik ninyo sa akin ang mga anak ko. Hayaan na ninyo kami."
"Huwag ka namang umiyak. Makakasama 'yan sa pinagbubuntis mo."
"Paano ako titigil umiyak kung inilayo ninyo sa akin ang anak ko? Kahit sinong ina iiyak kapag nilayo sa kanila ang anak nila."
"Heck!"
Lalo akong naiyak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama sa kambal. Halos kalahating oras rin akong umiiyak at hindi talaga nila magawang maawa sa akin.
Mayamaya ay huminto ang sinasakyan namin at inalalayan akong lumabas ng kotse. Sobrang tahimik ng paligid.
"Humakbang ka, mayroong hagdanan d'yan."
Sinunod ko ang sinabi ng lalaki. "Nasaan na ako?" lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Naglakad na kami papasok sa loob at may narinig pa akong may bumukas ng pintuan at bumungad ang mabangong amoy at isang classical music.
"Mabuti naman at nadala ninyo siya ng maaga."
"Ssssh!"
"Lumabas na nga kayo!"
"Heto aalis na nga."
"A-Anong mayroon?" wala man lang sumagot sa tanong ko. May umalalay sa aking umupo at tinanggal na ang piring sa mata ko. Nakaupo ako sa tapat ng isang vanity mirror. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa loob ako ng isang opisina at sigurado akong opisina ito ng hepe ng isang police station. Wala nga lang bintana. Pero bakit may vanity mirror dito sa loob? "A-Anong gagawin ninyo sa akin?"
Tinaggal ng babae ang handcuff ko. "Miss, kailangang ayusan ka namin bago kuhaan ng litrato. Kailangan kasi 'yon para maganda ka sa camera." sabi ng babaeng nakasuot nakasuot ng police uniform.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito pero bago pa ako makapagsalita ay inumpisahan na niya akong ayusan. Inuna nito ang aking buhok. Kinulot nito ang bandang dulo ng buhok ko. Medyo naiilang pa ako dahil parang unusual namang ayusan ang isang suspect bago kuhaan ng picture.
Nag-umpisa nang makeup-an ng babae ang mukha ko at simple lang ang pag-makeup sa akin. "Good thing your pretty. Hindi man lang ako nahirapang ayusan ka. Okay, palitan natin ang damit mo. Use this dress." may inabot sa akin na off-shoulder white dress na hanggang tuhod ang haba.
"B-Bakit?"
"Para mas maganda ka sa camera. Dito ka na magbihis para matulungan kita." in-unzip kaagad nito ang maternity dress ko. Ito na rin ang umalalay sa akin na suotin ang dress. Eksakto sa akin ang damit na para bang sinadya ang damit para sa akin. "Okay, you need to use this." may pinakitang blindfold na may design pang stars.
"B-Bakit?" naguguluhan na talaga ako sa nangyayari ngayon. "Bakit kailangan pa akong i-blindfold?"
"Kasi sa ibang lugar ka kukuhaan ng picture at hindi mo pwedeng makita ang madadaanan mo." sinuot ulit sa akin ang handcuff. "Lets go?"
"N-Nasaan ang mga anak ko?"
"Nasa safe place sila, dont worry." isinuot na sa akin ng babae ang blindfold at siya na rin ang umalalay sa akin na lumabas ng police station. Iba na ang umalalay sa akin nang sumakay ako ng kotse. This time, hindi na van ang sinasakyan ko.
"Can someone tell me, were are we going?" tanong ko nang umandar na ang kotse. Katulad kanina noong naka-blindfold ako, walang sumagot sa tanong ko. Bumuntong hininga ako sabay haplos sa tiyan ko. Baby, please help me na makaalis tayo dito.
"Malapit na tayo— Pucha! Bakit nandito 'yan?"
"Aba! Ewan ko. Hindi na siguro makapaghintay."
"Gago talaga, hindi man lang makatiis eh magkikita rin naman sila ng asawa niya."
Trace? Nasa paligid lang namin si Trace. That jerk! "Let me talk to that man! I will kill him for causing a headache to me!" wala man lang pumansin sa akin at patuloy lang ang pag-andar ng kotse. If I have a chance to kick a police officer, pipiliin ko tadyakan ang police officer na kasama ko ngayon.
Pagkaraan ng limang minuto ay huminto na ang sinasakyan namin. May naririnig din akong mga commotion. Media ba itong mga nagkakagulong ito? No! Hindi pwedeng masira ang pangalan ko dahil sa kalokohan ng tatay ng mga anak ko.
Bumukas ang pintuan sa gawi ko at inalalayan akong lumabas ng kotse. Ilang minuto rin kaming naglakad bago ako iniwan ng dalawang airport police. Mayamaya ay may nagtanggal ng handcuff ko. Ako na mismo ang nagtanggal sa blindfold ko. Bumungad sa akin si Trace na nakaluhod. Nagmadali akong lumabas ng kotse "You jerk!" malakas ko siyang sinampal sa mukha. "Bakit mo sinabi na kinidnap ko ang anak natin?"
He looked at me. "Dahil desperado na ako. Gustong-gusto kitang makausap at hindi ko alam kung paano kita makakausap kaya nag-file ako sa korte na kinidnap mo ang anak natin."
"Trace, may two weeks na nasayang para kausapin ako. Bakit hindi mo man lang 'yon nagawa?"
"Nahiya ako. I want to talk to you but my mind kept saying that I need to set you free because you're happy to me." tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. "Magpa-file na dapat ako ng annulment pero mabuti na lang at sinuntok ako ni David. He made me realized that I need to win your heart again. That I need to fix the problems I have. I do my best para matapos na ang problema. Nang masigurado kong okay na ang lahat, nalaman kong aalis kayong mag-iina at pipayagan ka na nang korte na umalis, nakipagkuntsaba ako kina Ciro, Yohann, Siege at ang asawa niyang si Carlisle para lang magkunwaring mga pulis, paniwalaan ka kaninang h-in-old ang departure ninyo at kunwaring ihahatid ka sa presinto para lang madala ka dito."
"Trace."
"Hindi ko na kayang mawala ka pa ulit sa akin, Arabella. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para patunayan iyon. Kung makaalis ka man ng Pilipinas, I will do my best to find you. Kahit pa nasa kailalim ka ng mundo, mahahanap at mahahanap kita. Arabella, tama na ang limang taon na nawalay ka sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa oras na mawala ka ulit sa tabi ko. Please come back home to me, my angel."
Natunaw lahat ng galit dito sa puso ko. Parang nalulunod ako sa sobrang sayang nararamdaman ko. I still love this man. He prove that he really love me. Kitang-kita ko iyong sa kulay green niyang mata. Hinaplos ko ang mukha niya at sunud-sunod ang pagtango ko. "Hindi na ako aalis ulit, Trace. Uuwi na ako sa tabi mo. Lets forget those bad memories we have and starts a new precious memories with our family.""
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ni Trace. Inabot naman niya ang kamay ko at masuyong hinalikan ang kamay ko. "Thank you, Arabella. I always love you, my beauty."
Gumuhit ang ngiti sa labi ko. "I always love you too, my beast."
Gumanti siya ng ngiti sa akin. Hinila ako papalapit sa kanya at masuyo akong hinalikan sa labi na taos pusong tinugunan ko. Isang halik na simbolo ng panibagong buhay. Mayamaya ay may narinig akong nagpapalakpakan. Marahan akong lumayo at nakita ko ang kambal, ang tatlong airport police na nagtanggal ng disguise at ang babaeng nag-ayos sa akin.
I mouthed thank you to them at bago pa ako makalapit sa kanila ay muli akong hinalikan ni Trace sa labi. We'll I will cherished this moment right now. Ang tagal rin naman noong huling nalasap ko ang ganitong halik. Lets say our lovestory is not that oh-so-Beauty-and-the-Beast-lovestory. Maraming nangyari pero heto kami ngayon, nagkaayos at siguradong hindi na ulit bibitiw dahil ang pag-iibigan namin ang magiging sandigan namin para sa isa't isa. Later, I will thank God for making my life completed again.
COPYRIGHT © 2018 by LightStar_Blue
All Rights Reserved
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top