Chapter 33



Chapter 33:




"ATE Arabella."

"Bakit Lizel?" Hindi ko na nagawang lingunin pa si Lizel. Sinisiguro ko na ayos na ang lahat ng gamit naming mag-iina. Ngayon ang flight namin pabalik ng Finland. Doon maayos ang magiging buhay namin. Hindi rin ako mahihirapang alagaan ang mga bata dahil tutulungan ako ni Tita Sylvia—asawa ni Papa—pagbalik namin doon. Kapag ayos na ang lahat, saka ko kukunin si Nicole. She still needs to stay in Isla Cornelia.

"Ate, may sulat para sa iyo."

Kinuha ko ang sobre. "Puntahan mo nga ang kambal, ang tahimik nila baka may kung ano nang ginagawa sa baba." binuksan ko ang sobre nang makalabas na si Lizel. Galing sa korte ang sulat. Huminga ako ng malalim bago basahin ang nakasulat. Natigilan ako. Pinagbabawal akong lumabas ng bansa dahil may kinidnap akong mga bata. Nilamukos ko ang papel. Isang tao lang ang alam kong nagpautos nito.

Si Trace.

Nagpupuyos ang dibdib ko. Ang lakas ng loob niyang pigilan kami na makaalis ng bansa. Matapos niyang guluhin ang buhay namin, mas guguluhin niya pa ngayon. Hinaplos ko ang tiyan ko dahil bigla akong nakadama ng kirot. "Baby, huwag mo namang dagdagan ang paghihirap ko. Baka mabaliw ako kapag nawala ka." huminga ako ng malalim para kumalma ang sistema ko. Nang mawala na ang sakit ay bumaba na ako. Sumalubong sa akin ang pagsabay ng kambal sa opening song ng Spongebob Squarepants.

Napangiti ako. Lumapit ako sa kanila.

"Mommy, are we leaving now?"

Umiling ako. "No, Jace. Hindi matutuloy ang flight natin ngayon."

"Why?"

"Dahil hindi daw maganda ang weather kaya hindi natuloy ang flight natin. C'mon change your clothes now. Right now, its time for Filipino Only Policy."

"But were watching Spongebob Squarepants."

"Pwede naman ninyo panoorin 'yan basta bawal magsalita ng English. Nandito kayo sa Pilipinas kaya mag-Filipino kayo."

"But—"

"No buts, Race. FOP starts now. Magsalita ng Filipino. Ang mag-English, walang chocolate chips cookies mamaya."

"Hala!" sabay nilang sabi.

"Seryoso ako." Umupo ako sa tabi nila.

"Pero, Nanay."

Lalo akong napangiti. Natuwa ako sa sinabi ni Race. "Yan ganyan nga pero pwede naman ninyo ako tawaging mommy."

Umayos ng upo si Jace. "Kailan po kami pwede mag-English?"

"Kapag palagi na kayong nagsasalita ng Filipino." tumayo ako nang may kumatok sa pintuan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Dave na inaalalayan si Trace. Napatakip ako ng ilong dahil may naamoy akong alak. "Bakit lasing 'yan?"

"Hindi ko alam, Belle. Buong araw na umiinom ng alak doon sa opisina niya."

Tinaasan ko ito ng kilay. "Bakit dito mo dinala? Pwede namang doon sa bahay niya."

"Hindi niya dala 'yung susi ng bahay niya kaya dito ko na lang siya dinala. Please, Belle, sira-sira na ang gamit niya sa opisina. Kausapin mo naman ito para malaman namin kung ano ang problema niya."

Bumuntong hininga ako bago niluwagan ang pagbukas ng pintuan. "Sige. Akin na—"

"No! Ako na ang mag-aakyat sa kanya. Baka mapaano ka pa." pumasok sa loob si David dala-dala si Trace.

"Follow me." umakyat ako at sumunod naman kaagad si David kahit hirap na hirap na itong dalhin si Trace. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. "Pakihiga na lang si Trace d'yan." sinunod naman ni David ang sinabi ko.

"Mauna na ako. Tawagan mo na lang ako kapag gising na siya."

Tumango ako. Sabay kaming bumaba at nang makita ng kambal si David ay nagsimano sila dito bago ito umalis. "Lizel, pakidalhan mo nga ako sa kwarto ko ng palangganita na may lamang maligamgam na tubig at towel."

"Opo Ate!"

Binalikan ko si Trace. Tinanggal ko ang suot niyang sapatos. Sinisimulan ko na i-unbutton ang sleeves niya nang dumating si Lizel dala-dala ang mga sinabi ko at agad rin naman ako iniwan. Sinimulan ko nang pumasan ang mukha ni Trace. Ang laki na ng eyebags niya at tumutubo na ang stubbles niya. Halatang pinapabayaan niya ang sarili niya.

"Arabella."

Tinanggal ko ang suot ni Trace na polo. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Arabella, nandito ka pala." umupo siya at hinila ako at niyakap. "Arabella."

"Trace, ano ba?" pinipilit kong kumalas sa pagkakayakap niya.

"Arabella, please 'wag mo akong iwan. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin." naramdaman ko na basa na ang balikat ko. "Ikaw lang ang mahal ko. Wala nang iba pa. Maniwala ka naman sa akin." nakayukong lumayo siya sa akin. "Mahal na mahal kita, Arabella."

"T-Trace."

"Mahal na mahal kita." he pull my nape and kissed my lips. Mayamaya ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Tulog na ulit siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi. Bumuntong hininga na lang ako at binilisan ko na lang ang paglinis sa kanya.

"Mommy."

Napalingon ako sa gawi ng pintuan. "Yes, Race?"

"Iiwan po ba natin si Daddy?"

I looked at Trace. "Yes hijo. Bakit mo natanong?"

"Kasi kuwawa po si Daddy. Look—Tingnan mo po siya. Ang sad po ng face niya at ang laki po ng eyebags niya."

Tumayo ako at lumapit Race. "Minsan kailangang iwan natin ang isang tao para maging maayos ang lahat. Sige na bumaba ka na at nang makapag-dinner na tayo." bumaba naman kaagad si Race. Umisang tingin pa ako kay Trace bago tuluyang lumabas ng kwarto.




-----




NILAGAY ko sa isang push cart ang isang pack ng biscuit. Kasama ko ngayon si Lizel sa grocery at nasa school naman ang kambal. Kaninang umaga ay hindi man lang nagpaalam sa akin si Trace. Habang bumibili ako ng pandesal sa bakery, doon naman siya umalis kaagad. Wala man lang text.

"Ate Ara, nakapanood ka ng inaabangan nating teleserye?"

Umiling ako. "Hindi eh." buong magdamag akong nakabantay Trace. Baka kasi magwala siya, masira pa ang mga gamit ko. Nakatulog pa nga ako doon. Naglagay naman ako ng dalawang box ng powdered milk pati na rin cereal foods.

"Ay sayang naman."

Ngumiti na ako. "Abangan mo na lang sa internet. Siguradong mamaya, mayroon na sa internet nun."

"Ay tama ka, Ate. Pa-connect sa WiFi mo ah."

"Oo naman syempre."

"Arabella."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Gelu. "Lets go, Lizel." bigla akong pinigilan ni Gelu. "What's your problem, bitch?"

"Can we talk?"

"Can we talk? Sa tingin mo magkakaroon ako ng ganang kausapin ka?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Dahil mahalaga ito. After this, hindi ko na kayo guguluhin pa."

Bumilang ako ng hanggang sampu bago tumango. "Lizel, ikaw na bahala dito." binigyan ko ng isang libo si Lizel. Tahimik naman kaming lumabas ng grocery. Si Gelu ang nag-lead ng pupuntahan namin hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko kaagad pagkaupong-pagkaupo namin.

Bumuntong hininga si Gelu. "I just want to say sorry to you. I'm sorry on what I've done to you."

"Hindi na mababago ng sorry mo ang mga nangyayari ngayon. Nag-file ako ng annulment, nahihirapan ang mga anak kong umalis dito and my family are totally ruined. Are you happy now?"

"H-Hindi ko naman ginustong mangyari ito."

"Ginusto mo. Nilandi mo nga ang asawa ko, 'di ba? You're a home wrecker, Gelu. Huwag kang mag-alala dahil magiging legal na ang pamilya ninyo." umiwas ako ng tingin. "Just take care of him. Love him like he's the only one can complete your life. I know he'll be a good father to your son." pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. "Higitan mo ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. I'll go now—"

"No! Please let me tell you the truth."

Naguluhan ako sa sinabi ni Gelu. "Truth?"

"I-I lied. Noong nagpa-checkup ka sa akin, alam kong buntis ka na. Gumawa ako ng fake test result dahil ayoko namang mapaano ang dinadala mo. I just take you a blood example that's it."

"Bakit mo ginawa iyon?"

Sinalubong ni Gelu ang mata ko. "I fell in love to him. Unang kita ko pa lang kay Trace, na-in love na ako sa kanya. Its just that—ginawa ko iyon para maghiwalay na kayo. I do my best to seduced him, pero doctor lang talaga ang tingin niya sa akin. One time, pinapunta ko siya sa clinic ko. I gave him a wine that have a sleeping pills. Pinagmukha kong may nangyari sa amin. Buntis na talaga ako ng mga oras na 'yon, one month na ang tiyan ko. Noong malaman kong pumunta si Trace sa US na hindi ka kasama, sumunod ako sa kanya. Sinabi kong siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. Hindi siya naniwala noong una at pina-DNA ang anak ko. Pineke ko rin ang DNA result para lang maniwala siya sa akin.

"He accepted my child as his son but he didn't allowed my son to use his surname. Maganda ang pakikitungo niya kay Calvin pero alam kong napipilitan lang siya. Gumawa rin ako ng paraan para mahalin niya ako. Pinakita ko rin sa kanya ang picture na may kasama kang ibang lalaki pero hindi ko man lang nagawang makapasok sa puso niya. Ikaw at ikaw lang ang mahal niya. I'm so sorry for ruining your relationship."

"Katulad ng sinabi ko kanina, wala nang magagawa ang sorry mo." hindi pa rin maaalis ni Gelu ang galit ko para sa kanya. Tahimik ang buhay na mayroon kami ni Trace pero ginulo lang niya.

She hold my hands. "Please, Arabella, bumalik ka na kay Trace. He loves you a lot. I promise you that you'll never see me and my son again. Magpapakalayo na kami basta balikan mo si Trace."

Binawi ko ang kamay ko. "I'll go now." at nagmadali akong lumabas ng coffee shop. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung kaya ko pang bumalik kay Trace.




Trace:



"TANGINA naman, Trace! Magpahinga ka naman. Ilang araw na tayong walang uwian. Hinahanap na ako ng pamilya ko."

"Buti ka pa may pamilyang sasalubong sa iyo. Ako, wala." I continue reading the reports from financial department.

"May pamilya ka. Hindi mo lang pinupuntahan."

"I dont. My wife's hate me a lot and I know she will not allow me to see our children."

"Galing pala kay Gelu." may pinatong na isang brown envelope si David. "Alam mo, isa kang gago. Try mo kayang kausapin asawa mo. Sigurado namang mapapatawad ka nun basta suyuin mo lang."

I looked at David. "Can't you see? She wants an annulment. Kung hindi ko pa pina-hold ang departure nila."

"Trace, hayan na. Iyan na 'yung chance mo para maayos ang pamilya mo. Bakit hindi mo pa i-grab?"

"Hindi na namin maaayos ang pamilya namin." tiningnan ko ang laman ng envelope. Its a DNA result. Dumating ang result kung kailan huli na ang lahat. Mapait akong ngumiti at inabot ko iyon kay David.

"Negative. See? Ito na, Trace. Wala na ang dahilan ng problema ninyo. Ayusin mo na 'yan."

"I cant. I'm setting her free. 'Yun ang gusto niya, David." tumayo ako at kinuha ang brandy at nagsalin sa dalawang wineglass. "Lets celebrate because I'm brokenhearted. Celebration for me for being stupid." nang lingunin ko si David ay kamao niya ang sumalubong sa akin kaya sumalampak ako sa sahig. Parang naalog ang utak ko. I wiped the blood came from my lips. "What the fuck, David! Bakit mo ako sinuntok?"

"Para gisingin ka dahil isa kang gago!"

Then I recieved another punch from him making me realized that he's right. That I have a chance to fix this problem. That I need to be strong to win back my wife and my children. Makakatanggap pa sana ako ng isang suntok mula kay David kung hindi lang ako umiwas. "Damn it, David! Stop!"

"Ano? Gising ka na bang gago ka?"

"I remind you that I'm still your boss, David."

"And I remind you that I'm still your best friend, Trace. I will do my best to help you for having a happy ending."

Napapalatak ako. "Damn it man! Hindi bagay sa'yo."

Tumabi sa akin si David. "Oo na, oo na. Dapat talaga hindi ko sinasamahang manood ng Fairytale ang asawa ko." marahan niyang tinapik ang likod ko. "Ano? Natauhan ka na ba?"

"Yes and I have a plan to win back my family."

"That's my man!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top