Chapter 30
Chapter 30
HINALIKAN ko sa noo ang mga bata na mahimbing na natutulog. Ito ang first night nila na matutulog dito sa bahay ni Trace. Binuksan ko ang lamp shade at nang humarap ako sa gawi ng pintuan, muntik na akong sumigaw dahil nakasandal sa frame ng pintuan si Trace. "Ginulat mo naman ako." lumapit ako sa kanya at pinatay ko na ang ilaw.
"Yes. Pinapanood ko kayo hanggang sa makatulog sila. Its like I will start practicing the art of story telling."
Ngumiti na lang ako bago lumabas at dahan-dahang sinara ang pintuan. "Sige matutulog na rin ako." nilagpasan ko siya.
"We need to talk about that kid."
Nilingon ko si Trace. "Si Nicole?" tumango siya. Sinundan ko siya nang maglakad siya papunta sa office niya. "Anong pag-uusapan natin tungkol sa kanya?" tanong ko pagkapasok namin sa loob.
Humarap si Trace sa akin. "Hindi pwedeng tumira dito ang batang 'yon."
"Hindi pwede 'yon. Kailangan ako ng anak ko!"
"She's not your daughter. Anak siya ng kaibigan mo sa Finland na ang pangalan ay Carol Perico."
Napahakbang ako patalikod. "P-Paano mo nalaman?"
"Like what I always say to you before, I have my source, Honey." lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko. "Bakit ba hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Nasampal tuloy kita noon."
Umiwas ako ng tingin. "Alam mo naman ang totoo, bakit kailangang ilayo mo sa akin ang bata?"
"Her father thinks that his daughter are already dead. Sa tingin mo anong gagawin niya sa oras na malaman niya na buhay pa ang bata? He will do his best to get her daughter. He threaten you and our sons life. Hindi ko hahayaang malagay sa peligro ang buhay ninyo."
"Pero pwede namang sabihin natin na anak natin si Nicole." I hold his hands. "Huwag mong ilayo sa akin si Nicole. I promised Carol that I will take care her daughter like my real daughter."
"Sa tingin mo maniniwala 'yung tao sa oras na makita niya si Nicole? Nicole is the carbon copy of her mother."
Napaupo ako ng wala sa oras. Tama si Trace. Hindi maniniwala si Marky na anak namin ni Trace si Nicole sa oras na makita nito ang bata. "Anong gagawin mo kay Nicole? Hindi naman ako makakapayag na malayo sa akin 'yung bata at mas hindi ako papayag na ipapaampon mo ang bata."
"Hindi ko naman gagawin 'yon lalo na't nakikita kong mahal na mahal ng mga anak ko si Nicole pero hindi naman ako papayag na lalaki ang bata kasama ang kambal. Race wants Nicole to be his wife. You didn't know that he promised Nicole's mother that he will marry her. Sinabi ni Carol sa anak mo na gusto niyang ikasal si Nicole kay Race kaya nangako ang bata sa kanya. Naka-mindset iyo sa kanya kaya kung lalaki sila na magkasama, expect them to have their own family in unexpected time." he bend his knees. "Hindi ko ilalayo si Nicole at hindi ko siya ipapaampon. Idadala ko lang siya sa Isla Cornelia. Doon, hindi makikita ni Marky ang bata. Doon, ligtas siya at kapag nandoon siya, makakalimutan ni Race ang tungkol sa pangako niya kay Carol."
Napayuko ako. Pinag-aaralan ko ang sinabi ni Trace. Hindi na kahit kailan makikita ni Marky si Nicole sa oras na dalhin namin ang bata sa Isla Cornelia. Umangat ako ng tingin. "Pumapayag ako."
He smiled at me. "Huwag ka mag-alala. Aalagaan siya doon ni Manang Lorna ng mabuti. Twice or thrice a month mo pwedeng dalawin si Nicole. By tomorrow, ihahatid na natin siya doon."
Marahan akong tumango. Kahit labag sa loob ko na hindi lalaki na kasama ko ang bata, mas mabuti na ang ganito. Para ito sa kaligtasan ni Nicole.
-----
"MAGPALIT ka ng damit."
Napalingon ako kay Trace. Inaayos ko ang gamit ni Nicole dahil ihahatid na namin ngayong hapon si Nicole sa Isla Cornelia. Napatingin tuloy ako sa suot kong damit. Maong shorts at t-shirt na maluwag ng kaunti sa akin. "Pangit ba ang suot ko?"
"Whatever dress you wear, you're always be beautiful, Arabella."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Hindi naman niya kailangang sabihin 'yon sa akin.
He chuckled. "I want to see you wearing maternity dress. I know its suits to you."
"Hindi ba talaga natin isasama ang kambal."
"Mas mabuti na hindi sila isama, Arabella." then he leave the room.
Bumuntong hininga ako. Malulungkot ang kambal kapag umuwi sila na wala na dito si Nicole. Sinara ko na ang maleta. Ipapababa ko na lang ito kay Trace. Pumunta ako sa kwarto namin. Napangiti ako nang makita ko ang isang kulay light pink na maternity dress. Kinuha ko iyon at kaagad kong pinalitan ang damit ko. Pumasok si Trace na niri-ribbon ko ang tali ng maternity at medyo nahihirapan din akong itali iyon.
"Let me do that for you."
Nakatingin lang ako sa full length mirror habang tinatali na niya ang tali ng suot ko. "Wala si Lizel. Sino ang magsusundo sa kambal?" humarap ako kay Trace. "Nasaan pala si Nicole?"
Inayos niya ang buhok ko. "Nasa baba na."
Tumango na lang ako at iniwan si Trace. Ginagawa ko ang lahat para maiwasan siya. Iniiwasan ko lang naman na mahulog lalo sa kanya dahil alam kong sa huli, ako rin naman ang masasaktan. Minsan pakiramdam ko second family lang kami ni Trace kahit na kami ng anak ko ang legal family dahil kasal siya sa akin. Feeling ko, isa akong mistress. Minsan naiisip ko kung ano ang nagaganap sa buhay ni Trace kapag kasama niya si Gelu at ang anak nila. Sa pagkakatanda ko, isang buwan lang ata ang tanda ng kambal sa anak ni Trace sa babaeng 'yon.
Nang makababa na ako ay pumunta kaagad ako ng sala dahil siguradong nandoon si Nicole pero ibang tao ang nakita ko doon. "B-Bella?"
Napalingon ito at tama nga ako. Si Bella nga! "Hi Arabella! Draco, mag-bless ka kay Auntie Arabella mo."
May lumapit sa akin na isang batang lalaki at nag-bless ito. "Kamukha ni Iñigo." tumakbo na ito pabalik kay Bella.
"Sad to say, yes. Wala man lang nakuhang features sa akin."
I looked at her. "Kumusta, Bella?"
"Cornelia. Call me, Cornelia. That's my real name. Ayoko naman gamitin ang pangalan ng kakambal mo. Para naman wala akong respeto sa namayapang tao."
Napangiti ako. "Cornelia." lumapit ako kay Bella—Cornelia at tumabi sa kanya. "Kumusta ka na?"
"Well I'm fine. Pina-process na ang papers ko. I will use my real name. I want to be me. The real me." hinawakan ni Cornelia ang kamay ko. "Pinuntahan ko ang puntod ni Bella at nag-sorry ako sa paggamit ko sa pangalan niya."
"Wala ka namang kasalanan, Be—Cornelia. Its my auntie's fault. I'm sorry on what she've done in your family."
"Wala iyon."
"Nagkita na pala kayong dalawa." lumapit sa amin si Trace. Dala-dala niya ang maleta ni Nicole. "Nandoon na sa loob ng kotse si Nicole. Cornelia, doon muna sa unit mo ang kambal para naman may kalaro na si Draco."
"Noted, Kuya."
Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Nang makaalis na si Cornelia at anak niya, tsaka lang ako pumasok sa loob ng kotse. Nasa passenger seat ako nakaupo at sa backseat naman nakaupo si Nicole. Tahimik lang kami habang bumabyahe papunta sa building ng kompanya nila Trace. Huminto pa kami sa isang branch ng Jollibee para bilhin ang pagkaing gusto kainin ni Nicole. Nang makarating na kami sa building ay kaagad kaming pumunta sa rooftop kung saan naghihintay ang helicopter na maghahatid sa amin papuntang Isla Cornelia.
"Mommy, Daddy Trace, we'll gonna ride there?"
Tumango ako. Kinarga naman ni Trace si Nicole para makasakay ito ng helicopter. Inalalayan naman niya ako para makapasok sa loob. Si Trace na rin ang nagsuot ng seatbelt at headphone kay Nicole.
"Were ready." anunsyo ni Trace.
"Mommy, I feel nervous right now." bulong ni Nicole.
"Dont, Sweetie. Its like you're riding an airplane." ngumiti ako nang tumango si Nicole.
Mayamaya ay umangat na ang helicopter. Nakatingin lang si Nicole sa labas ng bintana. "Its so beautiful! Were in the sky!"
Sa buong byahe namin papuntang Isla Cornelia, nakatingin lang ako kay Nicole. I will miss her so much. Sigurado akong malulungkot talaga ang kambal nito. Nang makarating na kami sa Isla Cornelia, nauna akong inalalayan ni Trace na bumaba ng helicopter. Nilibot ko ang paningin ko. Its still the same. The beautiful island of Cornelia.
"Wow!"
"Isn't beautiful, Nicole?"
"Its beautiful, Daddy Trace!"
Naglakad na kaming tatlo papunta sa bahay kung saan saksi sa lahat ng nangyari sa amin ni Trace hanggang umalis kami dito. Sinalubong kami ng isang kasing edad ni Mrs. Formillos na babae.
"Mabuti't dumating na kayo. Eksakto't kaluluto ko lang ng merienda."
"Manang Lorna, si Nicole pala. Nicole, meet Manang Lorna. She'll be your nanny while you're staying here."
Umiwas ako ng tingin nang lingunin ako ni Nicole. "Does Race and Jace will be staying here too, Daddy Trace?"
"Nope, Nicole. Your the only one who's staying here."
"But why?"
"Its because—"
"I dont want to stay here." nagsimula na humikbi si Nicole.
Nasasaktan akong marinig ang anak-anakan kong umiiyak pero kailangan talaga namin ito gawin sa kanya. I bend my knees. "Sweetie, dont cry. You want to a Rapunzel, right?" tumango si Nicole. "So from now on, you'll be my Rapunzel. I will be your very good mother Gothel who always thinks for your safety. You need to live here because there's a bad men who want you to take away from us and you dont want that happen, right?" tumango ulit si Nicole. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Very good. Now, you need to be a good girl so that I will not get mad at you. Always remember that mother's know best that why I need to do this to you. Do you understand me?"
"Yes, Mommy."
"That's my girl." I hug her tight. Pinipigilan kong umiyak. Ayokong makita ni Nicole na sobra akong nalulungkot na malalayo siya sa akin.
"We need to go, Arabella." tumango ako at hinalikan ko sa noo si Nicole. "Manang Lorna, ikaw na ang bahala kay Nicole. Babalik kami kaagad, 'nak." bago pa ako makapagsalita ay hinila na ako ni Trace papalayo kina Nicole at Manang Lorna. Tinatawag ako ni Nicole pero hindi ko siya nililingon hanggang sa makasakay na kami ni Trace sa helicopter. Napatingin ako kay Trace nang hawakan niya ang kamay ko. "Magiging okay rin ang lahat."
Napilitan na lang akong ngumit bago humuling sulyap sa Isla Cornelia.
-----
"MOMMY, WHEN—"
"Race, Filipino Only Policy tayo ngayon. Magsalita ka ng wikang Filipino." sita ko kay Race habang naghihiwa ako ng gulay.
"I'm sorry. Mommy, kailan uuwi si Nicole?"
I looked at Trace, seeking help to him. Sinabi kasi namin ni Trace sa kambal na kinuha na ng Lola ni Nicole ang bata. This is the best way to tell them where's Nicole right now. Tinago rin namin ang mga bagay na magpapaalala sa bata.
"Race, sinabi ko sa iyo na hindi na uuwi si Nicole. Bumalik na siya sa Finland kasama ang Lola Jenny niya."
"But you promised—"
"Race, huwag na natin pag-usapan si Nicole. Forget about her. She's not with us anymore."
"Si Mommy nag-English! Bawal mag-eEnglish, Mommy!" sita ni Jace sa akin.
"Hindi naman sinasadya ng Mommy ninyo na mag-English. Okay, kunin ninyo ang chocolate chips cookies d'yan sa ref. Reward ko dahil hindi kayo masyadong nag-i-English."
Parang nawala ng parang bula ang gusto pang itanong sa akin ni Race at nagmadali siyang sumama kay Jace para kainin ang chocolate chips cookies.
Kinuha sa akin ni Trace ang hiniwa kong carrots at nilagay niya iyon sa kaldero. "Sa tingin ko kailangan nating dalhin kay Angelique ang mga bata para mag-conduct ng hypnotism. Hindi ka titigilan ni Race na tanungin ang tungkol kay Nicole."
"Pero—"
"That is the best way, Arabella. Let them forget about her. Mas mabuti iyon."
"Paano kung gusto ni Nicole na makita ang kambal?"
"Through pictures or videos. I decided. Ipapa-hypnotize natin kay Angelique ang mga bata para makalimutan si Nicole. Kung gusto mo pati rin ikaw."
"No!"
"Then its final. Let the children grow up without thinking when they will see Nicole again."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top