Chapter 23


Chapter 23



NILAGAY ko sa maleta ang t-shirt ni Trace. Inaayos ko na ang mga gamit na dadalhin niya sa America. Nilalagyan ko rin ng notes ang iba niyang gamit dahil minsan ay makalimutin siya. Two weeks ago pa dapat ang biyahe niya papuntang America kaso nagkaroon bigla ng problema ang kompanya nila kaya hindi siya natuloy. Napahinto akong magtupi nang b-in-ack hug ako ni Trace. "Hon, may ginagawa ako."

"Honey, mamaya na 'yan. Lets have a dinner first." hinalikan niya ang balikat ko. "Don't worry, tutulungan kita mamaya. Dapat kasi sabay tayong ginagawa iyan. Pati rin gamit mo, aayusin pa natin o baka gusto mo, kung willing ka lang naman, ako na ang mag-aayos ng damit na dadalhin mo sa US."

Mariin akong pumikit. "Ako na lang, let me do these thing for you." bilang na lang ang mga oras na magkasama tayong dalawa.

"Para namang ayaw mo akong pagkilusin. Alam mo namang gusto ko na magkasama tayong gagawin ang mga bagay-bagay."

Humarap ako kay Trace at gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Okay! Lets have dinner first. Gutom na rin ako." at hinila ko siya palabas ng kwarto namin. Ako ang nag-asikaso sa kanya. Pinapalo ko ang kamay niya sa tuwing kukunin niya ang pinggang may lamang ulam. Gusto ko kasing ako ang maglalagay sa pinggan niya. I want to serve him in the hours and days that we're together. 

"Honey, subuan mo na lang kaya ako para hindi mo na paluin ang kamay ko." natatawa niyang sabi.

"Gusto mo ba? Sige." inilapit ko sa bibig niya ang hawak kong kutsarang may lamang pagkain. Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Trace at kinuha niya sa akin ang kutsara. "Trace..."
"May problema ka ba?"

Umiwas ako ng tingin. Obvious ba na occupied ang isipan ko? "W-Wala."

"Arabella, alam kong may problema ka. Sabihin mo kung ano iyon?"

Huminga ako ng malalim. "Hindi ako makakasama sa iyo sa araw ng flight mo."

"Ano? Bakit ka naman hindi sasama sa akin? Ayaw mo bang kasama ako?"

Mariin akong umiling. Iyan ang hindi ko mararamdaman kay Trace. Kahit kailan, hindi ko inisip na dumating ang araw na ayaw ko na makasama siya.

"Then what's the problem, Arabella?"

"K-Kailangan ko na ibenta ang kompanya ni Mommy. May bibili na kaso sa Martes pa darating si Mr. Ford kaya kailangan ko na hintayin siyang dumating."

"Bakit hindi mo na lang ipaubaya 'yan sa secretary mo? Pwede mo naman sila makausap thru Skype."

"Hindi pwede. Gusto kong personal na makausap si Mr. Ford. Tungkol ito sa mga staff ng company. Ayoko lang kasi na sa oras na iba na ang nagmamay-ari ng kompanya ay mawawalan na rin sila ng trabaho. Hindi talaga ako makakatulog sa oras na mawalan sila ng trabaho ng dahil sa akin." which is true. Totoong mabebenta na Clared Financial Company at si Mr. Ford iyon. Totoo rin na gusto kong makausap ng personal si Mr. Ford tungkol sa mga staff ng CFC pero hindi naman dahil d'yan ang dahilan kung bakit ayokong sumama kay Trace. Kung bakit hindi ako sasama sa asawa ko because I will set him free. Palalayain ko na siya dahil hindi ako ang nararapat para sa kanya.

Magpapakalayo ako. I asked my father if still I can use Maria Belle San Juan and he says that I can use this name. May mga documents ako under sa pangalang iyon kung sakaling gugustuhin ko balikan ang totoo kong pangalan. Sinabi ko rin sa kanya ang plano ko at in-offer ni Papa na doon na lang ako sa Scotland mag-stay pero tinanggihan ko iyon. Malalaman kaagad ni Trace kung nasaan ako kung sakaling hanapin niya ako.

Bumuntong hininga si Trace. "Okay, maiiwan ka dito pero dapat sumunod kaagad. You know thst you are the source of my energy. You're the one who makes my whole day shine."

And maybe I am the reason why your heart breaks into pieces in these coming days. Pilit akong ngumiti. "Thank you sa unawa mo, Trace."

"Syempre mahal kita eh." kinindatan pa niya ako.

Gusto kong maiyak. Susulitin ko ang mga araw na kasama ko ang lalaking mahal ko. Titiyakin kong hindi iyon mawawala sa isipan ko at dadalhin ko sa pagtanda.




----

"SIGURADO ka bang hindi ka sasama sa akin?" tumango kaagad ako kaya napabuntong hininga siya. Hinila niya ako at niyakap ng napakahigpit. "I will miss you so much. Mukhang manghhina ako sa oras na mawala sa tabi ko ang reyna ko. You know this Beast needs his Beauty."

Mapait akong ngumiti at gumanti ako ng yakap. Darating ang araw na may Beauty na talagang magmamahal kay Beast ng tunay at bibigyan siya ng masayang pamilya. "Trace..."

"Yes?"

I looked at him. "Can we have a dance?"

He smiled at me. "Oo naman. Alam mong hindi kita matatanggihan."
Pinatong ko ang mga kamay ko sa balikat ni Trace habang ang kamay niya ay nasa baywang ko. 

Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at nag-umpisa na kaming sumayaw. "Please sing for me, Honey. I want to hear your voice." kahit sa huling pagkakataon marinig ko na kumanta ka.

"I found a love for me. Darling, just dive right in and follow my lead. Well I found a girl, beautiful and sweet..."

Pumikit ako at dinama ang mga oras ngayon na nakakulong ako sa mga bisig ng lalaking mahal ko. Sinusulit ang bawat sandali na kasama ko siya dahil ito na lang panahong makakasama ko siya. Sa oras na makaalis na si Trace ng Pilipinas, iyon na rin ang oras na tuluyan na kaming magkakahiwalay at sigurado akong dala-dala niya ang aking puso.

"Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms. Barefoot on the grass, listening to our favourite song. When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath. But you heard it, Darling, you look perfect tonight."

Hindi ko na napigilang umiyak. That song is our theme song. Sa tuwing hinihiling ko na kumanta siya para sa akin, iyan ang palagi niyang inaawit.

"Hey, why are you crying?" he asked to me then he wiped those tears in my cheeks.

I hug him tight. "I will miss you so much."

"Me too, hon. Kaya sumunod ka na kaagad sa akin pagkatapos ng mga gagawin mo."

Hindi na ako umimik. Magkahawak kamay kaming sumakay ng kotse. Nakahilig lang ako sa balikat ng asawa ko habang siya ay pinaglalaruan lang ang dulo ng buhok ko. Mayamaya ay bumaba na kami dahil kailangan na nandoon na si Trace sa airport dalawang oras bago ang oras ng flight niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya at nakahilig ako sa balikat niya. Minsan ay hinahalikan ako ni Trace sa noo. Nang makarating kami sa tapat ng airport ay inasikaso kaagad ang mga dala niyang maleta.

Asikasong-asikaso siya ng mga staff ng airport. Siguro nagkaroon pa sila ng protocol na dapat maayos ang magiging byahe ni Trace. Sino naman ang mag-aasam na hindi magiging maayos ang byahe ng isa sa miyembro ng isa sa pinakamayamang clan hindi lang dito sa Pililipinas kundi sa ibang bansa?

Baka ikaw, Arabella.

"Let me hug you once again, Honey." hinila ako ni Trace at niyakap ako ng mahigpit. "I love you so much."

Tumulo na namang ang luha ko. Umangat ako ng tingin at hinaplos ko ang mukha niya. "Always remember that I will always love you and you own my heart." at ginawaran ko siya ng halik sa labi. Our last kiss.

When our kiss ended, he wipes my tears. "Sssh, huwag ka na umiyak."

"I will miss you a lot. Take care of yourself."

Marahan siyang tumawa. "Para namang matagal tayong hindi magkikita."

Napilitan akong ngumiti at ginawaran ko siya ng isang halik. "Pumasok ka na sa loob."

He smiled at me then he gave me a last hug before he enter the airport while waving his hand.
I wave my hand too. "Goodbye, Trace." pinunasan ko ang luha sa pisngi ko bago pumasok sa loob ng kotse. "Manong, sa office tayo."

Nakatingin lang ako sa labas habang bumabyahe. Nag-message rin sa akin si Lean. Nandoon na daw sa office si Mr. Ford. Bumuntong hininga ako. Three-thirty pa ang meeting namin pero ang aga nito dumating. Talagang gustong bilhin ni Mr. Ford ang kompanya.
Nang nasa harapan na kami ng company building ay inabutan ko ang driver namin ng isang sobre.

"Ma'am, hindi pa po—"

"Sorry, Manon Geronimo, hanggang ngayon mo na lang ako ipagda-drive. You see, we dont need driver now dahil pati rin ako ay aalis ng bansa at matatagalan pa bago kami bumalik. Don't worry, dinagdagan ko ang huling sweldo mo. I know you need money. Thank you for serving us."

Nakita ko ang lungkot sa mukha nito pero pinilit pa ring ngumiti. "Thank you din po, Ma'am."
Gumanti ako ng ngiti. "You can go home now. Again, thank you for serving us." sabay kaming lumabas ng kotse at kinamayan ko ito bago pumunta sa driver's seat. "Ingat po." at nag-drive na ako. Mamaya naman ay kakausapin ko ang katulong namin. Lahat, aayusin ko bago ako umalis.




-----



"MA'AM Arabella, mami-miss ko po kayo."

Ngumiti na lang ako. Kinuha ko kay Lean ang box na hawak niya at ipinasok sa loob ng kotse. Ngayon ang huling araw ko bilang CEO ng Clared Financial Company at tinulungan ako ni Lean na ibaba ang natitirang gamit ko. Karamihan ng mga staff ko ay malungkot sa pag-alis ko at isa na roon ang secretary ko or should I say, my former secretary.

Pumayag si Mr. Ford na hindi tanggalin ang mga employee ng Clared Financial Company. He trust my people because he knew that they are efficient and effective in work. Hindi nga lang sila magkasundo ni Lean. Minsan ay pinagdidiskitahan pa ni Mr. Ford si Lean kapag pumupunta siya dito.

"Thank you, Lean. Napakagaling mong secretary. I wish you'll enjoy your days with Mr. Ford." natawa ako nang nalukot ang ilong ni Lean. Talagang ayaw niya kay Mr. Ford. Nag-sign ako kay Lean na sasagutin ko lang ang tawag sa phone ko. Its Trace. Ito na ang huling tawag niya na sasagutin ko. Mamaya na ang alis ko papuntang Finland as Maria Belle at bumili rin ako ng ticket papuntang US as Arabella. "Hello, Honey!"

"I'm excited to see you, hon."

Mapait akong ngumiti. "M-Me too. Ang aga mo naman atang magising." tiningnan ko ang oras sa relo ko. Its four fourty-nine in the afternoon.

"Gusto kasi kitang makausap bago ka umalis ng Pilipinas. Papunta ka na ba ng airport?"
I bite my lips. "Y-Yes. Honey—"

"Wait, honey..." narinig ko na may kinausap siya at mukha si Dave iyon. "Yes... Honey, I need to end the call. See you soon." then he ended the call.

Bumuntong hininga ako at nilingon ko si Lean. "Lets have an early kdinner—" napahawak ako kay Lean nang makadama ako ng pagkahilo dahil sa naamoy kong pabango ng napadaan sa amin na employee ng CFC.

"Ma'am, okay ka lang ba?"

"Ang baho naman ng pabago ng dumaan."

"Ma'am, hindi naman po mabaho ang pabango ni Danielle."

Nalukot ang ilong ko at talagang nahihilo ako. "Mabaho talaga at nahihilo rin ako. Pwede bang ihatid mo ako sa clinic?"

Tumango si Lean at inalalayan niya akong pumasok. Nagsimula nang umikot ang paningin ko bago ako tuluyang mawalan ng balanse sabay ng sigawan ng nasa paligid ko kasama na roon si Lean.



----



I SLOWLY open my eyes. Si Lean at Dra. Amber ang bumungad sa akin. Dahan-dahan akong umupo. "What happen to me?"

"Nawalan ka ng malay kanina. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"I-I'm fine now."

"That's good to hear. According kay Miss Conde, bago ka raw nawalan ng malay ay nakaamoy ka raw ng mabaho. Ano iyon?"

"A perfume. Ang baho talaga sa pang-amoy ko ang perfume kaya lalo akong nahilo." kinuha ko ang bag sa sidetable. "These past few days, medyo masama ang pakiramdam ko. Sa tingin ko stress ako dahil sobra akong busy."

"Siguro dapat na iwasan mo na ang ma-stress dahil sa posibleng kalagayan mo."

Kumunot ang noo ko. "Anong posibleng kalagayan."

May kinuha sa cabinet si Dra. Amber. "Use this, Ma'am Arabella."

Kinuha ko ang hawak nito. "Pregnancy test?" nilingon ko si Dra. Amber. "Bakit ako gagamit nito?"

"Maybe you're pregnant, Ma'am Ara."

Nilingon ko si Lean at umiling ako bago bumaling kay Dra. Amber. "Its impossible, Doctor. I can't bear child anymore, kaya imposibleng buntis ako."

"Minsan ang diagnosis ng doctor ay mali kaya mabuting i-try mo muna 'yan."

"Pero—"

"Ma'am Arabella, magandang balita kay Mr. Formillos kapag dumating ka sa US kung sakaling buntis ka."

Bumuntong hininga na lang ako at pumasok sa loob ng CR. Alam ko namang negative ang result nito pero gagawin ko lang ito para matahimik sina Dra. Amber at Lean. Sinunod ko ang procedure na nakasulat sa kahon ng Pregnancy Test. Umayos ako ng tayo habang nakatingin sa PT.

Nanlaki ang mata ko nang magkaroon na ito ng guhit. "P-Positive." kinuha ko ang PT at nagmadali akong lumabas. Kaagad kong binigay kay Dra. Amber ang PT. "Doktora, imposible talaga—"

"Sasamahan ka naming pumunta sa clinic ng kaibigan ko para malaman natin talaga kung buntis ka ba talaga o hindi. Nasa Claire Hospital 'yung clinic niya. Malapit lang 'yon dito."

Bumuntong hininga ako bago tumango. May parte sa isipan ko na totoo ang result ng pregnancy test pero ayokong umasa. Inalalayan ako ni Lean hanggang makalabas na kami ng company building at nagpaalam rin kaagad dahil gusto daw siya makausap ni Mr. Ford. Si Dra. Amber na rin ang nag-drive ng kotse. Wala pang kinse minuto ay dumating kami sa Claire Hospital. Sa pagkakaalam ko, si Yohann Valdepeña ang nagmamay-ari ng ospital na ito kaya posibleng malaman kaagad ni Trace ang result ng checkup na ito.

Nasa first floor lang ang clinic ng kaibigan ni Dra. Amber. His name is Doctor Isaac Morales. May mga tinanong sa akin si Dr. Morales bago niya sinagawa sa akin ang ultrasound.

"Congratulation, Mrs Formillos, you're two months pregnant!" masayang sabi ni Dr. Morales.

"And you have a twins. How lucky you are. I told you, minsan mali ang diagnosis ng ibang doctor." nilingon ni Dra. Amber si Dr. Morales.

"And you have a baby bump, hindi mo pa ba nahalata na buntis ka?"

"A-Akala ko kasi bilbil lang ito." pagak akong tumawa. "Ibig sabihin buntis na ako noong sinabi na hindi ako pwedeng magbuntis?"

"Well yes, Mrs. Formillos. Obviously, they fake the result." ani Dr. Morales.

Tumango ako. I dont know why Gelu lied to me. I thought she's my friend but I'm wrong. Huminga ako ng malalim. "I'll go home now, Dr. Morales and Dra. Amber. May flight pa kasi ako mamaya kaya kailangan ko na umuwi."

"Isi-send ko na lang sa email account mo ang ultrasound result."

I nod at Dra. Amber before I leave the clinic. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Trace. Habang hinihintay ko na sagutin niya ang tawag ko ay huminto ako malapit sa nurse station kung saan may ibang pasyente o kasama ng pasyente na nakikinood sa LCD TV. They watch a news about Formillos Empire. I smiled when I saw Trace's face.

"Hot news tungkol kay Trace Adrian Formillos. Ang nasabing CEO ng Formillos Empire ay magkakaroon na ng tagapagmana. According sa isang source, six weeks pregnant na ang half Pilipino doctor na si Doctor Gelu Kim..."

"Hello, Honey?"

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone sabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko. My husband cheated on me. Ang masakit pa, kaibigan ko pa ang kabit niya. Bakit nila ginawa ito? Akala ko, ako ang magsu-surprise kay Trace. 'Yun pala siya ang sumorpresa sa akin. Inapakan ko ang cellphone ko hanggang sa masira na ito ng tuluyan. Wala nang sense na kausapin ko ang taong nagtaksil sa akin.

He cheated on me, so he doesn't have a right to see our children too. Talagang puputulin ko na ang ugnayan naming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top