Chapter 2
Chapter 2
BUONG maghapong hindi ko nakita ang lalaking iyon. Para bang iniwan niya ako dito sa isla at nakakatakot iyon. Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung tinotoo niya ang sinabi niya kanina na habangbuhay na akong titira dito sa isla na ang ibig niya palang sabihin ay mag-isa akong titira dito? Oh my gosh! That's not a good idea.
Dahil nagutom na ako ay pinakialaman ko na ang kusina niya. Nagluto ako ng adobong manok dahil manok na lang naman ang stock na meron sa refrigirator niya. Electric stove ang gamit pangluto so ibig sabihin ay may kuryente dito sa isla. Maybe its solar power.
Magdidilim na nang matapos na akong magluto. Tanging ilaw dito sa kusina ang binuksan ko. Natapos na akong kumain at lahat-lahat ay wala pa rin siya. Nag-stay na lang ako sa sala. Hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw. Ayoko namang magsayang ng energy.
Humiga na lang ako sa cleopatra chair at napatingin sa kalangitan. Kinakalma ng tunog ng alon sa dagat ang sistema ko. Ngayon lang ulit ako nakadama ng kapayapaan. Sana ganito palagi. "Kumusta na kaya si Daddy?" niyakap ko ang throw pillow.
"Oh shit!"
Biglang bumukas ang ilaw kaya napabalikwas ako ng bangon at nilingon ang nagmura. 'Yung lalaking nagligtas sa akin. May dala siyang mga paperbag.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang ibang mga dala niya. "Saan ka galing?"
"Its none of your business."
Napasimangot ako. Ang sungit naman ng lalaking ito. Tiningnan ko ang laman ng paperbag na dala ko. Mga pagkain na ready to cook. Dumiretso ako sa kusina at nakasunod siya sa akin. "Pinakialaman ko na ang kusina mo. Nagluto na ako ng pagkain kung gusto mo na mag-dinner ipaghahain na kita ng pagkain."
"I'm not hungry." cold niyang sabi. Pinatong niya sa mesa ang ibang dala niya na paperbag at inabot naman sa akin ang tatlong paperbag. "Mga personal needs mo. Follow me." nauna na siyang lumabas ng kusina. Sumunod ako sa kanya at umakyat kami sa second floor. Binuksan niya ang katabing pintuan ng kwartong ginamit ko. "Ito ang magiging kwarto mo. I hope its okay to you."
Napatingin ako sa loob ng kwarto. Maliit lang siya pero comfortable tingnan. "Okay lang sa akin."
"You can use my bathroom or the bathroom at the kitchen. Papahiramin kita ng damit ko dahil nakalimutan kong bilhan ka ng damit. Maybe next month, magpapabili ako ng damit para sa iyo." pinasok niya sa bulsa ang kanyang kamay. "This is my household rules. You need to help me to do the household chores. You can do whatever you want to do. You can go inside my room and my office. Except sa kwartong may blue na pintuan doon sa baba. Do you understand?"
Napakunotnoo ako. "Bakit hindi ako pwedeng pumasok doon?"
"Its none of your business. Just follow what I say and you'll be safe." tinalikuran na niya ako.
"Wait!" lumingon siya sa akin. Inilahad ko ang kanang kamay ko. "I'm Arabella, anong pangalan mo?"
"Hindi mo na kailangan pang malaman. You can call me beast if you like it." at pumasok na siya sa kwarto niya.
Napanganga naman ako. "Grabe siya sa sarili niya. Pwede ko daw siya tawaging beast. Adik ba siya?" pumasok ako sa loob ng kwarto ko.
Tiningnan ko ang laman ng paperbag. Limang pack ng sanitary napkin, soaps at shampoo. Namula ang buong mukha ko nang makita ko ang laman ng pangatlong paperbag. Underwears and bras. Eksakto sa akin ang mga size. Binilhan niya ako ng ganitong bagay pero damit ay hindi.
"Nakakaloka siya!"
-------
MAHINA akong kumatok sa pintuan ng kwarto ng lalaking iyon. Manghihiram lang ako ng damit dahil wala akong maisusuot na damit. Hindi ko naman pwedeng suotin ulit 'yung tshirt na sinuot ko kahapon. Hindi rin naman pwedeng nakatapis lang ako buong araw. Kumatok ulit ako. This time, malakas na
Walang sumagot kaya pinihit ko ang doorknob. Bumukas iyon.
Pumasok ako sa loob. "Hello?" nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. "Uhm, manghihiram lang ako ng damit mo." lumapit kaagad ako sa cabinet at kinalkal ko ang damit niya doon.
"What are you doing here?"
Bigla akong napalingon at nanlaki ang mata ko. Tanging towel lang sa bandang lower part ng katawan niya ang saplot niya sa katawan. Obvious namang bagong ligo lang siya. "A-Ano—"
"Are you trying to seduce me?" at ang bilis niyang pumunta sa harapan ko.
"H-Hindi ah!"
"Bakit ka nakatapis na pumasok dito?"
"Kasi wala akong—" nagulat ako nang bigla niya akong hinagis papunta sa kama niya at kinubabawan niya ako. "Ano ba?" pinipilit kong kumawala sa kanya.
"Hindi mo ba naisip na lalaki ang kasama mo dito sa bahay kaya malakas ang loob mong pumasok dito na nakatapis lang?"
"Its not my fault! I dont have clothes to wear. Ang sabi mo pwede akong manghiram ng damit mo." nainis ako sa sarili ko dahil imbes na matakot ako sa susunod niyang pwedeng gawin sa akin ay para akong naaakit sa kanya.
Lumapit ang mukha niya sa akin. "Pwede ka namang manghiram ng damit bago maligo."
"N-Nakalimutan ko!"
Marahan siyang umiling. "No. You want to seduce me, Arabella." husky ang boses niya na lalong naging dahilan kung bakit ako naaakit sa kanya ngayon. He claimed my lips and slowly kiss me until it turns to passionate.
I want to curse myself. Gumanti lang naman ako sa halik niya. Nababaliw na ako! Naramdaman ko na kumikilos na ang kamay niya. Tinatanggal niya ang pagkabuhol ng towel sa katawan ko. His hands starts roaming in my body. I moaned.
Biglang nanlaki ang mata niya at nagmadaling lumayo sa akin. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Kumuha ka na ng mga gusto mong suotin then leave my room as soon as possible." nagmadali siyang pumasok sa bathroom.
Ako naman ay natulala. Muntik ko nang maibigay ang sarili ko sa kanya. Napasabunot ako sa sarili ko at nagmadaling kumuha ng pwede kong isuot sa mga damit niya. Tatlong tshirt, dalawang long sleeves at tatlong boxer shorts. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig.
Umalis na ako ng kwarto niya bago pa siya lumabas. Baka kung saan pa kami mapunta. Imi-mental note ko na hindi ko hahayaang magkasama kaming dalawa sa isang kwartong may kama. Ni hindi ko nga siya kilala kaya dapat rendahan ko ang sarili ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan. Ilang beses akong nag-inhale exhale para makalma ang sarili ko. Sinuot ko ang isang long sleeve na color red checkered. Nagmistulang dress ko ang damit na ito. Napatingin ako sa salamin. Bagay sa akin ang damit ng lalaking 'yon.
Mariin akong pumikit. Please lang, Arabella. Huwag mo munang isipin ang lalaking iyon. Huminga ako ng malalim. Hindi na akong nag-abala na magsuot ng boxer short dahil mainit naman at baka mamaya ay maisip kong mag-swimming sa dapat. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nagmadali akong bumaba at dumeretso ako sa kusina. Tiningnan ko kung ano ang mga binili ng lalaking iyon. I smiled. Kompleto ang stocks and I'm sure for more than one month ang mga stock dito.
Kumuha ako ng mga ingredients. Magluluto ako ng pasta para sa lunch namin. Sana lang magustuhan niya ito. Habang nagluluto ako ay nagha-humming ako. Nakasanayan ko na ito. I live in my condo since I became CEO of our company. Gusto ko kasing maranasan na mabuhay na hindi umaasa sa katulong. I want to cook my food and do the household chores. Kaya naman hindi ako mahihirapang maglinis ng bahay na ito.
Nang matapos na akong magluto ay naglagay ako ng pasta sa pinggan. Doon ako sa veranda kakain. Pagkabukas ko ng main door ay nabitawan ko ang hawak kong pinggan. "Aaaaaah!" bigla kong sinara ang pintuan. There's a little tiger outside the house! Bakit may tigre doon?
"What happen?"
Paglingon ko ay tumakbo ako papunta sa lalaki at yumakap ako sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. "I-I saw a tiger o-outside your house."
Narinig kong bumuntong hininga siya. "Don't worry, she's my pet."
Nanlaki ang mata ko. "Are you serious? Wild animal 'yon."
He smiled at me. "Well she's my pet. No, she's my daughter. I treat her as my daughter." kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Napailing pa siya nang makita ang nabasag kong pinggan. "Sacred!" sigaw niya sabay bukas ng pintuan.
"H-Hey!" namutla ako nang makita kong pumasok sa loob ng bahay ang maliit na tigre at mukhang gusto nito lumapit sa akin. "H-Huwag mong papalapitin sa akin 'yan. Baka kagatin niya ako."
"Don't worry. She's harmful and I think she likes you." masuyong hinaplos niya ang tigre.
Para akong hihimatayin nang tuluyan nang lumapit sa akin ang tigre at naglakad papalibot sa akin. "H-Help me." I want to cry right now. Gusto ba akong ipapatay ng lalaking ito sa tigre?
"Sacred." umupo siya sa sahig kaya lumapit ang tigre sa kanya at parang pusa na umupo sa binti niya.
"She can kill you."
He look at me. "No she cant. Ako ang nag-alaga sa kanya kaya hindi niya iyon magagawa. She lives here. C'mon come here."
Umiling ako. Baka kagatin ako ng tigreng 'yan.
"Huwag kang matakot. Lumapit ka na dito." sinalubong niya ang tingin ko.
Para naman akong na-hypnotized kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanila at umupo ako sa tabi niya.
"Touch her."
Ginawa ko naman ang sinabi niya at lumipat sa akin ang tigre. Walang nangyaring masama sa akin. Unti-unti akong ngumiti.
"See? She likes you."
I look at him. "Bakit ka nag-alaga ng tigre?"
"Because she needs me and I love tigers. Hindi naman siya harmful. Sweet siyang tigre." umiwas siya ng tingin sabay tayo. "Clean this mess." malamig niyang sabi. Nakapamulsa siyang umakyat at sumunod sa kanya ang tigreng pinangalanan niyang Sacred.
Sinundan ko na lang siya ng tingin. Kakaibang tao siya.
------
TAIMTIM akong sa dagat. Ang ganda pagmasdan. Para akong niyayaya na maligo sa dagat. Ilang araw na rin akong nandito sa isla. Ilang araw na ring hindi nagpapakita sa akin 'yung lalaki. Hindi ko alam kung nandito ba siya sa isla o talagang iniiwasan niya lang ako.
I take a deep breathe before I start to unbotton my polo. Wala namang masama kung magsu-swimming ako tutal parang ako lang naman ang tao dito sa isla at parang wala namang nagagawi dito. Lumusong kaagad ako sa tubig. Napapikit ako. "Aaah, this is life! Malayo sa mundo kong magulo." nag-floating ako. Hindi ako pumupunta sa malalim dahil hindi ako ganoon kagaling lumangoy.
Napahinto ako sa ginagawa kong paglangoy nang may marinig akong tunog ng makina ng isang bangka. Napalingon ako sa gawi kung saan galing ang bangkang iyon at nakita kong nakasakay doon ang lalaking hinayaan akong tumira dito. Wala siyang suot pang-itaas kaya nakikita ko ngayon ang mala-Greek God na katawan niya. Sumasabay sa hangin ang kanyang buhok. Even though he have a scars in his face, it makes him more attractive.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makababa siya ng bangka. I wonder kung saan siya galing. Bigla akong napangiwi nang makaramdam ako ng sakit sa binti ko. Pinulikat ako! Now, I cant swim. Para akong hinihila pababa. Nakakainom rin ako ng tubig dagat.
"H-Help!" pinipilit kong maikilos ang paa ko pero hindi ko magawa. Naramdaman ko na may kamay na pumulupot sa baywang ko at inihaon ako. Tiningnan ko ang nagligtas sa akin. Its him.
"Well hello! You're a real life damsel in distress, Beauty." kinarga niya ako at umahon kaagad kami. Dumeretso siya sa bahay habang karga-karga ako. Iniupo niya ako sa upuang kahoy na nandoon sa veranda. "Bakit ka lumangoy na hindi ka naman sure kung may kasama ka o hindi? Paano kung wala ako ngayon? Baka kanina ka pa patay."
Umiwas ako ng tingin. "Nabagot kasi ako tapos ang ganda pa ng dagat kaya nag-swimming ako."
Bumuntong hininga siya. "Dont do that again, Belle."
Napatingin ako sa kulay green niyang mata. Unti-unting umangat ang kamay ko at hinaplos ko ang mukha niya.
Agad siyang umiwas sa akin. "Okay na ba ang binti mo?"
Agad akong tumango. His eyes, there's something in his eyes. Sad. "What's your real name?"
"You dont need to know who I am, Beauty."
"Bakit?"
"Because I'm not your oh-so-prince-charming. I am the beast." he look at me from head to toe. "Go inside." tumayo siya at naglakad papalayo sa akin.
Naiinis ako sa kanya. Bakit kailangang sabihin niya na isa siyang beast? He's too cold and I want to know the reason why I always see sad in his eyes. Why he keep his distance to me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top