Chapter 19



Chapter 19



"WHAT happened to your wife, Adrian?" my mother asked me.

I looked at my wife. She's sitting in the grass. Playing the rose petals I gave to her. She kept singing lullaby song. "She's fine, 'Ma." I wave my hands when Arabella looked at me. She gave me a sweet smile.

"She needs help from the expert."

"No!" mariin kong sabi. "She's not insane." I stand up. I cant accept the fact that my mother think that my wife is crazy.

"Hijo, hindi naman 'yan—"

"Mama, please lets not talk about this. She's fine." naglakad na ako papunta sa asawa ko. "Honey." I sit down beside her.

"I missed our baby."

"Our baby is in the safe place now. Kasama na niya ang Diyos." inakbayan ko siya. "Next week, pupunta tayo sa US. Six months tayong nandoon."

She looked at me with a confusing face. "Why?"

"New environment, new life."

Mariing siyang umiling. "Ayoko, gusto ko dito lang tayo."

"Belle..."

"Kung gusto mong pumunta doon, ikaw na lang. Iwan mo na ako dito. Ayokong iwan ang anak ko dito."

Huminga ako ng malalim. "Wala na dito ang anak natin, Arabella."

"Nararamdaman kong nasa tabi ko lang siya."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Arabella. Gusto ko na siyang bumalik sa dati. "Wala na siya dito, Arabella. Please, let her go. Let her rest in peace."

"Hindi madaling gawin 'yon, Trace. Hindi ko kayang mag-move on." may tumulong luha sa pisngi niya.

"Belle..." nagtangka akong yakapin siya ngunit tinulak niya ako.

"Madali lang sa'yo sabihin na i-let go ang anak natin kasi hindi ikaw ang nagdala sa kanya. Trace, supposed to be four months na siya next week. Ang sakit lang dahil hindi ko man lang siya naprotektahan at hindi man lang niya nakita ang mundo. May magandang future pa dapat siya." paulit-ulit niya akong pinaghahahampas. "Now tell me, how can I move on? How? Sabihin mo!"

"Belle, stop it." pinigilan ko na siya sa gibagawa niya.

"Trace, ang sakit na. Ayoko na."

"Belle, you need to move on. Alam kong masakit pero kailangan nating magpatuloy sa buhay." pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "We need to let go."

"Trace..." yumakap siya sa akin. "I'm sorry, Trace."

"Its okay, Honey." gumanti ako ng yakap sa kanya. Sana'y na-enlighten na si Arabella sa sinabi ko.




-----




I SLOWLY open my eyes and the night dark greet me. Maybe its already one o'clock in the morning. Humarap ako sa tabi ko. Its empty space. Where's Arabella?

Agad akong tumayo. "Belle?" naglakad ako papuntang CR at kumatok ako sa pintuan. "Belle, nandyan ka ba?" walang sumagot kaya pinihit ko ang doorknob. Bumungad sa akin ang asawa kong nakahiga sa sahig at bumubula ang bibig. "Belle!" kinarga ko kaagad siya at nagmadaling kinuha ang susi ng kotse.

Patakbo akong bumaba, karga-karga ang asawa ko. Ipinasok ko siya sa loob ng kotse. Nagmadali naman akong pumunta sa driver's seat. Nang nasa tapat kami ng gate ay ilang beses akong bumusina ngunit walang nagbubukas ng gate.

"Damn it!" lumabas ako ng kotse at nilapitan ang natutulog na guard. I gave him a slap. "You moron! Open the gate!"

"Sir, sorry po."

Hindi ko siya pinansin at sumakay na ulit ako ng kotse. Pinasibas ko ang kotse. I will fire that guard once I get home. Right now, I need to take my wife in the hospital as soon as possible. "Hold on, Belle."

Sa isang private hospital ko dinala si Arabella. Agad namang inasikaso ang asawa ko. Ipinasok kaagad siya sa operating room. Why? Dahil na-overdosed siya sa pag-inom ng sleeping pills. I dont know where the hell she get that medicine! Wala kaming sleeping pills sa kwarto namin.

Pabalik-balik ako ng lakad sa harap ng entrance ng operating room. I even called my parents and their on the way. Bakit ginawa iyon ni Arabella?

"Adrian!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Mama!" I hug my mother, then my tears fall down in my cheeks. My father taps my shoulder.

"Tatagan mo ang loob mo, Adrian."

I nod. I need to be strong for my wife. Inalalayan nila akong umupo. They tap my back to comfort me and gave a little advise. Halos dalawa't kalahating oras ang hinintay namin bago may lumabas ng doktor. Agad akong tumayo.

"How's my wife?"

"Mr. Formillos, your wife is safe now. Idadala na siya sa private room niya mayamaya."

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Thank you, God!"





Arabella:



"MOMMY!"

Binigyan ko ng isang ngiti ang anak ko. Ginagawan ko siya ng isang tiara na gawa sa tinuhog-tuhog na santan. Nasa isang parang garden kami. "Here's your crown, my princess." inilagay ko sa uluhan niya ang tiara. She looks seven years old with a curly hair and rosy cheeks. Kamukha niya ang Daddy niya. "Perfect! Ang ganda mo, anak."

"Thank you, Mommy!" then she gave me a warm hug. "I love you po."

"I love you too, baby."

"Mommy, you can go now."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa anak ko. "What are you talking about, baby?" I tucked her hair.

"Okay na po ako, Mommy. 'Wag na po kayo mag-worry. Happy na po ako ngayon."

"Baby..."

She touch my cheeks. "Mommy, Daddy needs you. He's crying because he missed you a lot."

Unti-unti akong ngumiti. Seeing her happy right now makes me happy. My daughter is right. I need to go home. Naghihintay pa sa akin si Trace. He needs me and I know he really love me. Marahan akong tumango. "Okay, baby. I will go back home. Just let me hug you for one last chance." my daughter nod that's why I hug her tight then I slowly close my eyes.


Bigla akong nagising. Puting kisame ang bumungad sa akin. Nasaan ako? Nilibot ko ang paningin ko hanggang bumaba iyon sa tabi ko. Nakita ko si Trace na nakaupong natutulog sa gilid ng hospital bed na hinihigaan.

Napalunok ako ng laway. Para kasing nanunuyo ang lalamunan ko. Dahan-dahan siyang ginising. "T-Trace..."

Biglang tumuwid ng upo si Trace. Nanlaki ang mata niya kaya napatayo siya. "Belle! Kumusta ang pakiramdam mo?"

"I-I want water." medyo paos kong sabi. Talagang nanunuyo ang lalamunan ko ngayon. Agad na binigyan ako ni Trace ng isang basong tubig. Ininom ko ang tubig na parang walang bukas. May natatapon pa nga. "Pahingi pa." sinalinan niya ako ng tubig sa baso.

"Hey, hey! Slowly. Hindi ka mauubusan ng tubig." at katulad ng sinabi ni Trace, dahan-dahan na akong uminom ng tubig hanggang maubos ko na. "You want more?"

Umiling ako. Para akong na-refresh.

May kung anong pinindot sa bandang itaas ng headboard ng hospital bed. "Please call Doctor Javier, my wife just woke up minutes ago."

Pinanood ko lang si Trace sa ginagawa niya. He opened the curtain that makes the whole room lighten up. Hininaan din niya ng kaunti ang aircon. Mayamaya ay dumating na ang doctor na pinatawag ni Trace.

"What do you feel, Mrs. Formillos?"

"I'm fine."

Tumango ito at inumpisahan akong suriin. "We will have some test to know if I will allow you to discharge. Right now, you need to take a rest." marahan itong tumango sa akin pati na rin kay Trace.

Nang makalabas na ang doctor ay umupo sa tabi ko si Trace.

I looked at him. Sobrang seryoso ng mukha niya na para bang sisigawan ka niya sa oras na magbiro ka. "Trace..." paos kong tawag sa kanya.

Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. "Why?" puno ng lungkot at sakit ang nakikita ko sa mata niya.

Guilt. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong nasaktan ko si Trace dahil sa tangka kong mag-suicide. May tumulong luha sa pisngi ko. "I'm sorry."

"Arabella naman. Palagi na lang sorry. Bakit mo ba ginawa 'yon? Gusto mo na bang umalis sa tabi ko? Akala ko ba habangbuhay tayong magkasama?"

"I'm so sorry. I'm overthinking of what happen to our baby. Kung bakit nawala siya sa atin. Feeling ko, tinanggalan ako ng karapatan para maging nanay." napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Trace. "I-I thought that I'm worthless that's why that night I decided to end my life. I'm so sorry. Hindi ko man lang naisip na nasasaktan ka rin at mas lalong masasaktan sa oras na iwanan din kita."

Niyakap niya ako kaya lalo akong napahagulgol.

"I'm so sorry, Trace."

"Please don't do that again. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na mawala ka. Para akong mababaliw nang makita kita sa loob ng CR na walang malay at b-bumubula ang bibig. Parang gugunaw ang mundo ko noon." humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko na basa na ang balikat ko at ang pag-alog ng balikat niya. He's crying because of me.

Yumakap na rin ako sa kanya. Ilang minuto ang nagdaan bago si Trace na ang nagkusang kumalas sa yakapan naming dalawa. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Let's start a new life."

Tumango at ngumiti siya. "We will, hon." then he kissed my forehead. Inihiga niya ako at patagilid siyang humiga sa tabi ko.

Tumagilid rin ako para magkaroon siya ng space. Baka kasi mahulog siya sa sahig. Yumakap ako sa kanya. "Napanaginipan ko ang anak natin."

"T-Then what happen? How is she? Anong mukha niya?"

"She looks exactly you. Female version mo. She says that she's happy and she's fine so we dont need to worry." humigpit ang yakap ko sa kanya. "Trace..."

"Yes?"

"Sa tingin ko, kailangan kong magpa-consult sa Psychiatrist. To have a session and to totally get rid of this feelings I feel."

"Kung 'yan ang gusto mo. Gagawin natin 'yan."

Napangiti ako at unti-unting pumikit. Gagawin ko ang lahat para makabalik.





------





"GOOD morning, Arabella!" nakangiting bati sa akin ni Doctor Angelique Florence Valdepeña. I wonder kung bakit sa kanya ako dinala ni Trace. She's a Valdepeña. The princess of their clan.

I smiled. "Good morning."

"We will having a session na hindi naman mukhang session. Magkukwentuhan lang tayo," again she gave me a smile. "As a friend."

Tumango ako. Nakaka-relax siya kausap. Napakalambing niya magsalita at ang aliwalas ng mukha niya.

"So, mag-umpisa na tayo. Pwede ka bang humiga doon habang tayo'y nagkukwentuhan para naman maging relax ka." tinuro ni Doctor Angelique ang isang cleopatra sofa. Ngumiti ako bago humiga sa sofa. Umupo naman siya sa one seater sofa. She's holding a notepad and ballpen. "Arabella, take a deep breath and close your eyes then relax."

Sinunod ko ang sinabi ni Doctor Angelique. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pumikit.

"Now tell your story about what happen to you on the day they kidnapped you."

"Umuwi ako galing hospital kasama ang dalawa kong bodyguard."

"Sino ang bodyguard mo?"

"Sina Canada at Spitfire."

"They have a beautiful name."

I nod. "They are."

"Ituloy mo lang ang pagkwento."

"Nang makauwi kami, I called my husband dahil trip ko lang." I chuckled. "Pagkatapos ko siyang tawagan after few minutes, tumawag si D-Daddy. Gusto niya na mag-dinner kaming dalawa. Pumayag ako na mag-dinner kami. I take a bath first before we leave the house. I texted my husband that me and D-Daddy will have a dinner."

"Go on."

"Habang nasa byahe kami, may narinig akong putok ng baril." parang naririnig ko ang putok ng baril nang araw na iyon. "G-Ginawa nina Canada at Spitfire ang lahat para ma-protektahan ako kaso sobrang dami ng sumusunod sa amin. N-Nakuha ako ng mga sumusunod sa amin at may pinaamoy sila sa akin."

"Anong sunod na nangyari?"

"Nagising ako na nasa loob ng isang maduming kwarto." huminga ako ng malalim. "T-Tapos pumasok ang nagpakidnap sa akin."

"Sino siya?"

"M-My father."

"Your father?"

"Y-Yes. He's my adoptive father."

"Anong sinabi niya sa'yo?"

"Gusto niya akong mamatay." nanginginig na ang buong katawan ko. Parang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa akin noon.

"Gusto mo bang ituloy ang pagkukwento mo?"

I nod. Huminga ako ng malalim. "Inutusan niya ang mga tauhan niya na p-pahirapan ako bago ako patayin." naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Pinahirapan nila ako. K-Kitang-kita ko ang d-dugo sa hita ko. I'm so scared for my b-baby." tumulo ang luha sa pisngi ko.

"Ssssh. Take a deep breath." huminga ako ng malalim. "When I snap my finger, makakatulog ka ng mahimbing."

When I heard a snap of finger, I slowly fall to sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top