Chapter 15
Chapter 15
"NAKU, Miss Belle! Talo na naman ako!"
Natawa ako kay Canada. Natalo ko na naman kasi siya sa card game na nilalaro naming dalawa. Mga cards na may numbers simula 0 to 9, then may wildcard, switch, +2, +4 and so on. Ang sabi niya, uno cards daw 'yon. Nakakatuwa nga laruin. "Ano ba? Natsamba ko lang 'yon." pinagsama-sama ko ang mga cards.
"Tsamba pa ba 'yon? Eh parang pro ka na sa paglalaro ng uno. 'Yung totoo po, naglalaro na po kayo ng uno noon pa kaya magaling kayo?"
"Ang sabihin mo, hindi ka talaga swerte sa paglalaro ng uno." ani Spitfire. Ni hindi man lang nito kami tinapunan ng tingin. Nasa laptop lang ang tingin nito.
"Get lost, Spitfire."
"You go first."
Napapailing na lang ako sa inaakto nilang dalawa. They always fighting. Aakalain ninuman na parang walang bukas kung magbangayan ang dalawang. I'm glad that they talk to me like I'm one of their friend. Hindi sila nakaka-awkward kasama. Kahit bodyguard ko sila, kaibigan ang turing ko sa kanila. Sadyang tahimik lang minsan si Spitfire. Busy masyado sa laptop. Techie na tao.
"Sige isa pa, Miss Belle." binalasa niya ang mga cards bago i-dessiminate iyon. Nakisali na rin si Spitfire dahil nagkaroon bigla sila ng pustahan. 7 cards per player. We starts with the color red number 3.
Katulad ng nangyari kanina, ako ang nanalo, sunod si Spitfire at talo naman si Canada.
"Hah! Naniniwala na talaga ako na swerte ang mga buntis. Give my one thousand pesos, Canada. You lose."
"I hate you! Tse!"
"Anong tingin mo? Gusto kita? I hate you rin uy!"
Iniwan ko na lang ang dalawa. Bahala sila d'yan magbangayan. Ayoko namang araw-araw, maririnig ni baby ang away ng dalawang 'yan. Baka stress si baby pagkalabas niya.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay pinatugtog ko ang mga classical music na naka-save sa tablet ko bago humiga. Classical musics makes me calm. Feeling peaceful. Unti-unti akong pumikit dahil dinadala na ako ng pagkaantok.
I found a love for me
Oh darling, just dive right in and follow my lead...
Napadilat ako dahil biglang nag-iba ang tugtog. I saw Trace looking at me. Dahan-dahan akong umupo at madilim na ang kwarto namin. Grabe! Maghapon akong tulog?
"Good evening, Honey!"
"G-Good evening. Kanina ka pa nandito?" napakamot pa ako sa ulo ko. Umiling si Trace. "Sorry, hindi ko namalayan ang oras. Hindi pa ako nakakaluto ng dinner natin." tatayo na dapat ako kaso pinigilan niya ako. "Magluluto ako ng dinner—"
"No need to cook for our dinner, hon. I told you that you dont need to cook food for us. Its our maid's responsibility."
"Pero ayoko naman na iasa sa kanya ang lahat ng trabaho dito sa loob ng bahay."
He tucked my hair. "Just do what I say. Para sa inyo naman ito ng baby natin."
I just gave him a small smile. Inalalayan niya akong tumayo at magkahawak kamay kaming bumaba. Dumeretso kami sa garden at nanlaki ang mata ko. May mga rose petals at kandila sa damuhan. Meron ding mesa doon. Ang romantic ng ambience dito sa garden.
"Do you like it?"
I look at him. "No. I love it!" I hug him. Nakaka-touch dahil nag-effort talaga si Trace. "Pero tingnan mo ang ayos ko, ang gulo ng buhok ko."
"You're beautiful, Belle. You're perfectly beautiful even you have a messy hair." inayos niya ang buhok ko. "I always love you."
Ngumiti ako at pinaghila niya ako ng upuan. Mayamaya ay dumating sina Canada at Spitfire. May dala silang tray at nilagay nila sa mesa ang mga pagkain. A Carbonara. I smiled. Candelit dinner, so sweet and so romantic!
"I hope you'll like the food."
I nod before I start eating my food. I give him a thumbs up. "Sarap!" he gave me smile before he starts eating his food. Ako naman ay nagpatuloy kumain. "You cook this?"
"Yes."
Nanahimik na lang ako. Lalo akong ginanahang kumain. Ewan ko ba. Kapag si Trace ang nagluluto ng pagkain namin, mas ginaganahan akong kumain. Kung pwede nga lang siya na ang magluto ng pagkain namin kaso ayoko namang ganun. Pagod na nga siya sa work tapos paglulutin ko pa siya. Natapos akong kumain at nagsalin naman ng fresh orange juice si Trace. Kung hindi lang ako buntis, sigurado akong red wine ang iniinom naming dalawa.
Tumayo si Trace at lumapit siya sa akin na nakalahad ang kanang kamay. "Can I dance the most beautiful lady in the world?"
Napangiti ako bago tinanggap ang imbitasyon niya. Naglakad kami papalayo ng kaunti sa mesa. Pinatong ni Trace ang mga kamay ko sa balikat niya at dumako naman aa baywang ko ang mga kamay niya. Nag-umpisa kaming sumayaw. "Can you sing it again for me?"
"What song?"
"Perfect."
He smiled then he nod. "I found a love for me, Oh darling, just dive right here and follow my lead. Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me..."
Humilig ako sa balikat ni Trace. Hinapit niya ako papalapit sa kanya.
"'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine..."
Unti-unti akong pumikit at pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng puso ni Trace. Naramdaman ko ang magaang paghalik niya sa ulo ko.
"Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favourite song
When you said you looked a mess
I whispered underneath my breath
But you heard it,
Darling, you look perfect tonight..."
Umangat ako ng tingin at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Masuyo akong ngumiti sa kanya. "Thank you and I love you, Trace."
"I love you too. I thank God that He gave you to me." yumakap siya sa akin. "Siguro, kinukulong ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon sa Isla Cornelia kung hindi ka dumating sa buhay ko."
"Baka wala na ako sa mundo ngayon kung hindi ako napadpad sa isla mo at hindi kita nakilala."
Masuyo siyang ngumiti at unti-unting bumaba ang kanyang ulo hanggang naglapat ang mga labi namin. "I am the luckiest man in the world. Soon, mabubuo na ang pamilya nating dalawa." marahang hinaplos ni Trace ang tiyan ko.
Tumango ako. Magiging sobrang masaya kami ni Trace sa oras na lumabas na ang baby namin. Mas mapupuno ng saya ang loob ng bahay.
Trace:
"I REALLY loved the color of your eyes. Its beautiful."
I smiled. We've just made love a while ago. She touch my face and she gave me a kiss. "You have a beautiful eyes too, Honey."
"Gusto ko sa'yo makuha ng anak natin ang color ng mata niya." she hugs me. "Gusto ko sa'yo siya magmana."
"Mas gugustuhin ko na sa'yo magmana ang anak natin." I tucked her hair.
"Itutuloy mo pa ba?"
"Ang ano?"
"Yung ipapaopera mo ang mukha mo." she looked at me. "Para sa akin, hindi mo naman kailangang gawin 'yan. You're the most handsome man in the world."
"I need, hon. I want to look good. Para sa iyo at sa anak natin. Ayokong marinig na hindi ako nababagay sa inyo."
"Then lets live in your island."
"Paano naman ang anak natin? He needs to study here. We need to give him a good life." humigpit ang yakap ko sa kanya. "Ayokong maranasan niya na lumaking mailap sa mga tao."
"Kung 'yan ang gusto mo, nandito lang ako sa tabi mo."
Gumuhit muli ang ngiti sa labi ko. I kiss her forehead. Umayos naman ng pagkakahiga sa tabi ko si Arabella. Napatingin naman ako sa phone ko nang bigla iyon tumunog. Kinuha ko ang phone ko at binasa ko ang text message.
Spitfire:
Mr. Formillos, can I talk to you? Its about the person you want to know
I take a deep breath. Meron na kaya silang lead kung nasaan si Claire Cesar?
"Sino 'yon?"
"P.I, he wants to talk to me."
She smiled at me. "Kausapin mo na."
I nod. Nagsuot ako ng damit. "Take a rest now, hon." I kiss her forehead before I leave our room. Dumeretso ako sa opisina. Nagulat ako dahil nandoon na sina Spitfire at Canada.
"Good evening, Mr. Formillos." bati sa akin ni Spitfire.
"Good evening." I sit down on my swivel chair. "Do you have a lead to Claire Cesar?"
May inabot sa akin si Canada na brown envelope. "We have, Mr. Formillos?"
"Nasaan siya?" binuksan ko ang envelope.
"Sad to say, Mr. Formillos, Claire Cesar is already dead. She died thirteen years ago because of car accident." Spitfire said.
I saw a copy of birth certificate, marriage certificate and death certificate of Claire Cesar. I look at them. "She's Mr. Nikazy's wife?"
Spitfire nod. "Yes, Mr. Formillos. She's your wife's mother."
"Kasama po ni Miss Arabella ang mother niya noong maaksidente siya. Dead on the spot po si Claire Cesar Nikazy."
"Then who is Claire Cesar that Bella thought its her mother?"
"She's Jaime Cesar, Claire Nikazy's twin sister. She pretend that she's Claire Cesar Nikazy. She have a past relationship to your father, Frederick Formillos. Siya ang nag-utos na i-kidnap kayo ng kapatid mo."
"The day you have a car accident with your sister, nakasunod siya sa inyo. Kinuha niya ang kapatid mo at eksakto nang araw na iyon, naaksidente rin ang asawa mo. Same time, same date and same hospital na pinagdalhan sila." pagdudugtong ni Spitfire bago huminga ng malalim.
Napamasahe ako sa sentido ko. Unti-unti nang lumalabas ang katotohanan. "So Jaime Cesar is the reason why our family almost ruined?"
"Sad to say but its yes."
"Nasaan na si Jaime Cesar?"
"She's dead too, Mr. Formillos, two years ago."
Napa-facepalm ako. I cant believe it! The person who ruined our lives is already gone. Paano pa mapapanagutan ng babaeng 'yon ang gulong ginawa niya? "Anak ba ni Jaime Cesar si Maria Bella San Juan?"
"No. Maria Bella San Juan is your wife's twin sister." sagot ni Canada. "She's dead fifteen years ago because of Leukemia." may inabot pa sa aking isang envelope si Canada.
Nang tiningnan ko ang envelope, naglalaman iyon ng birth certificate, mga medical records at death certificate. Its authentic. She even have a picture. Maria Bella San Juan is already dead. She died at the age of eleven. I take a deep breath. Now I know. Maria Bella San Juan who's still living right now is no other than my sister. No need to do the DNA test.
"Paanong naging kakambal siya ni Arabella kung San Juan ang apelyido niya? Look, hindi sila magkamukha."
"Fraternal twins. Lets say Mr. Samuel Nikazy is just Miss Arabella's adopted faher. He adopts Arabella the day he married Claire Cesar. Samantalang si Maria Bella ay lumaki sa yaya dati ni Claire Cesar."
Parang sumakit ang ulo ko sa mga naririnig ko ngayon. Too many revelation for tonight. Binasa ko ang nakasulat sa birth certificate ni Maria Bella, si Arnold San Juan ang tatay nila. "Nasaan na si Arnold San Juan?"
"Nasa Italy na po siya kasama ang legal niyang asawa—"
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng opisina ko nang may kumatok doon. Lumapit si Spitfire at binuksan ang pintuan. Nandoon sa likod ng pintuan ang asawa ko. Nagmadali akong lumapit sa kanya nang makita kong lumuluha siya. "Arabella!"
"T-Trace... I have a twin sister." she looked at me. "S-Si Bella, hindi siya si Maria Bella. My sister is already dead." napaupo siya. "My sister is dead. Paano ko nakalimutan ang kakambal ko? I promised her that I will never forgot her." lumakas ang hagulgol niya.
Lumuhod ako sa tabi niya at niyakap ko siya. Paano maha-handle ni Arabella ang komplikado niyang buhay noon kung sakaling bumalik na ng tuluyan ang alaala niya? "Sssh, dont cry, hon."
"I-I want to meet my mother."
Napalingon ako kina Canada at Spitfire. Paano ko sasabihin ang totoo kay Arabella? "Arabella..."
"B-Bakit siya nagsinungaling kay Bella? Dahil ba kahawig ni Bella ang kakambal ko?"
"C'mon, Arabella, you need to take a rest now. Masama sa baby na overthinking ka." inalalayan kong tumayo si Arabella.
"No! I can't." she looked at Canada and Spitfire. "May alam ba kayong private investigator? I want to know kung nasaan na si Mommy."
Lumapit sa amin si Canada at sinalubong nito ang tingin ni Arabella. "Miss Belle, lets go to my room. I have some calling cards of different P.I." I dont know what happen. Basta bigla na lang humintong umiyak si Arabella nang pumitik si Canada at sumunod sa kanya.
I look at Spitfire. "Anong ginawa niya sa asawa ko?"
"Canada hypnotized her. Dont worry about them. Your wife is safe. Ipagpatuloy na natin ang sinasabi namin sa'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top