Chapter 14
Chapter 14
NAPABUNTONG hininga ako. Bitin ang binabasa kong novel. Hindi ko napansin na book 1 lang pala ang binabasa ko at wala pa ang book 2. "Mamaya tatawagan ko ang babaeng 'yon, magpa-published ng libro tapos wala pa ang book 2, asan hustisya doon?" humiga ako sa sofa.
Mas lalo pa akong na-boring dahil wala si Trace. I want him beside me. I want to smell his natural scent. Busy kasi siya sa work ngayon dahil nagkaroon ng problema sa kompanya nila.
Tumayo ako at lumipat sa higaan. Simula nang lumipat kami ni Trace dito sa bahay namin dito sa Manila, palagi na rin siyang wala. Minsan gabi na kung umuwi. Exhausted, lowbat na. Bumuntong hininga ako. I get my phone and dialed Trace personal number. Wala naman sigurong masama kung kukumustahin ko siya sa trabaho niya. Napakagat labi ako habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko.
"Hello hon?"
"Trace!"
He chuckled. "May problema ba?"
I pout like he's here. "I miss you."
"I miss you too, Honey."
"Anong oras ka uuwi?"
"Honey, its three-thirty in the afternoon. Mamaya pang five pm ang end ng work hours."
Lalo akong napanguso. "Pwede ka naman umuwi na ah. Boss ka naman d'yan."
"I can't, Honey. May board meeting kami ng alas cuatro. Hindi ako pwedeng hindi um-attend."
Napabuntong hininga ako. For sure, aabutin ng gabi 'yang meeting nila. "Dapat sinama mo na lang ako d'yan."
"Alam mong hindi pwede. You need to take a rest."
"But—"
"I need to go now, Honey. Dumating na ang client namin. Text me if you want to eat something. Ipapadala ko kaagad d'yan sa bahay."
Para akong nawalan ng gana. "Okay."
"Bye, hon."
"Bye—" bigla kong binato ang hawak kong cellphone. Paano naman kasi, binabaan kaagad ako. Nakakainis kaya. Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni Trace. "Come in." pumasok ang maid na hi-ni-red ni Trace. "Ano 'yon?"
"Ma'am, may bisita po kayo."
"Sino?"
"Maria Bella Valdepeña daw po."
Para akong nabuhayan. Sa wakas! Binisita din ako dito ni Bella. "Pakisabi bababa na ako. Please, prepare food for her."
"Opo, Ma'am." at lumabas na ito.
Napangiti ako bago nagpalit ng damit. Nagsuot na lang ako ng flats bago lumabas ng kwarto. Dala-dala ko rin ang cellphone ko na mabuti naman at hindi nabasag. Pagbaba ko ay nawala ang ngiti sa labi ko dahil may iba pa palang kasama si Bella.
Iñigo Yllac Valdepeña
Huminga ako ng malalim bago tumili. "Bella!"
Napalingon sa akin si Bella at tumayo siya. "Belle!"
Nagmadali akong lumapit sa kanya at nagyakapan kaming dalawa. "Bella! Na-miss kita!"
"Ako rin!" humiwalay siya sa akin bago ako marahang sinabunutan. "Bakla ka! Anong nabalitaan kong dinugo ka?"
"Selos mode kaya hayun, dinugo ako. Its all my fault. Hindi ako nag-ingat." gumanti ako ng pagsabunot sa akin ni Bella. "Ikaw naman, asan na ang book 2 ng Destined?"
"Sisihin mo asawa ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makapagtrabaho."
Sinamaan ko ng tingin si Iñigo Valdepeña. "Ano bang trip mo sa buhay ah? Alam mo bang binibigyan mo ng dahilan para ma-stress si Bella?"
"What are you talking about?" nakakunot na tanong nito.
Bumaling ang tingin ko kay Bella. "Bilhan na lang kita ng laptop para may karugtong na ang love story ni Warren at Elaine."
"Ay 'yan ang gusto ko sa'yo, Belle. Gimme high five!" nag-high five kaming dalawa.
"I will not allow you to buy laptop for my wife—"
"Nagpabili ako ng chocolate chips cookies kanina kay Trace, sa pastry shop ni Cassandra ko pinabili. Ano? Gusto mo?"
"No—"
"Oo naman. Hindi ako tatanggi sa grasya lalo na't gawa 'yan ni Cassandra."
Kapitbisig kami ni Bella na pumunta sa kusina. Nakasunod naman sa amin ang asawa niya na obviously, naiinis na sa aming dalawa. Ako na mismo ang nag-prepare ng pagkain. Maternal milk ang drinks naming dalawa at orange juice naman para kay Iñigo.
"Kumusta?"
"Kumushta shaan?"
Napangiti ako dahil puno pa ang bibig ni Bella nang sinagot niya ang tanong ko. "Di ba sabi mo bumubalik na ang alaala mo? Kumusta? Naaalala mo na ba kung ano ang meron sa past mo?"
"Oh." biglang naging malungkot ang mukha ni Bella. "Oo, naaalala ko na ang ibang part sa past ko and sad to say, hindi ko pala tunay na magulang ang tinuring kong magulang."
"I-I'm sorry." nakadama ako ng lungkot para sa kanya. "B-But hey, your lucky because slowly, you remember your memories from the past. Ako nga hindi ko maaalala kung ano ang past ko eh."
Nanlaki ang mata ni Bella. "Hala! May amnesia ka rin?" I nod. "Hala ka! Mamaya hindi pala sa iyo ang suot mong kuwintas."
Bigla akong napahawak sa suot kong kuwintas. Paano nga kung hindi kay Mommy ang kuwintas na ito? "P-Paano mo naman nasabi?"
"Familiar talaga kasi sa akin ang suot mong kuwintas."
"C'mon Bella, you're not Formillos."
"C'mon Iñigo, I'm not Maria Bella San Juan for heaven sake! I dont know who I am! Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang tinuring kong magulang."
Napangiwi ako. "Ano bang pangalan ng tinuring mong parents?"
"Claire Cesar and Arnold San Juan. Baka nakita mo sila, inform mo naman ako." may pinindot sa cellphone si Bella sabay pakita sa akin. "Sila 'yan."
Napapikit ako. Biglang sumakit ang ulo ko. Parang may inaarok ang isipan ko na lalong nagpasakit ng ulo ko. Bakit parang kilala ko si Claire Cesar? Napahawak ako sa sentido ko.
"Okay ka lang, Belle?"
"Y-Yes." pilit akong ngumiti pero nawala din kaagad dahil biglang nag-flash sa isipan ko ang nakangiting Claire Cesar, na parang nakasama ko talaga ito sa way ng pagngiti nito. "I'm just having headache."
"Drink some water." nagsalin ng tubig si Bella bago niya inabot sa akin ang baso.
"Thank you." ininom ko kaagad ang tubig.
"Gusto mo bang idala ka namin sa hospital?" nag-aalalang tanong sa akin ni Iñigo.
Umiling ako. "Hindi na kailangan. Simpleng sakit ng ulo lang ito."
"Are you—"
"Honey!"
"Oh great! Trace Adrian Formillos."
Nginitian ko lang si Iñigo. Siniko naman ni Bella ang asawa niya.
"Arabella—Cornelia? Cornelia!" biglang sinugod ni Trace ng yakap si Bella.
Napakunot ang noo ko. Tinawag ni Trace kay Bella ang pangalan ni Cornelia.
"Thanks God, nakita na rin kita."
"Layuan mo ang asawa ko!" hinila ni Iñigo si Trace palayo kay Bella.
Nilapitan ko kaagad ang asawa ko. "Trace..."
"Asawa mo? C'mon, she's a Formillos. She's my sister!"
"Well she's my wife. She's not your sister. Her name is Maria Bella San Juan Valdepeña, not Cornelia Formillos!"
"Believe me, she's my sister."
"I don't believe in you, Formillos."
Pinigilan ko si Trace nang tangka niyang sugurin si Iñigo. "Trace, kumalma ka."
"Cornelia, do you remember me? I'm your Kuya Trace."
Napalingon ako kay Bella na mukhang naguguluhan sa nangyayari. Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ni Bella. Nanlaki ang mata ko. Kamukha niya ang picture ni Cornelia noong teenager pa ito.
Inalis ni Trace ang kamay ko sa braso niya at lumapit siya kay Bella. Inabot niya ang mga kamay ng kaibigan ko. "Cornelia, our parents missed you so much. Do you remember Mama Celine and Papa Frederick? Sila ang magulang natin."
"H-Hindi kita kilala. Si Claire Cesar at Arnold San Juan ang magulang ko. Wala akong kilalang Celine at Frederick. Please lang, layuan mo ako."
Claire Cesar...
Napahawak ako sa sentido ko. Sumasakit ng sobra-sobra ang ulo ko. "T-Trace..."
"Cornelia—"
"I'm not Cornelia. Bella ang pangalan ko. Iñigo, umuwi na tayo."
"Lets go, Sweetheart."
Pinigilan ko si Trace na sundin ang mag-asawa. Alam kong medyo naguguluhan si Bella sa nangyayari dahil may possibility na siya nga si Cornelia.
"Susundan ko sila."
"Trace, hayaan mo muna si Bella." dumiin ang pagkakahawak ko sa braso niya. Mariin akong pumikit. "I-I n-need you right now." huminga ako ng malalim para makalma ko ang sarili ko.
"W-What happen to you?" hinawakan niya ang balikat ko. "May stomach cramps ka?"
Umiling ako at pilit na ngumiti. "S-Safe si baby. May migraine lang ako." ayokong mag-alala ng sobra sa akin si Trace. Kailangan ko lang siya sa tabi ko at para hindi na rin niya sundan si Bella. Baka mapaano siya kung sakaling pumunta siya sa mga Valdepeña.
"You need to take a rest now." kinarga niya ako at umakyat papunta sa kwarto namin.
Humigpit ang kapit ko kay Trace. Nang makapasok na kami sa loob ng kwarto ay marahan niya akong hiniga sa kama. "I thought you have a meeting."
"I cancelled the meeting. Naintindihan naman iyon ni Papa dahil kailangan mo ako ngayon. Mabuti na rin at ginawa ko iyon, nakita ko rin ang kapatid ko."
I smiled and I hold his hand. "Sana siya na nga."
"I know she's my sister. Her face, kamukha niya si Mama." humiga siya sa tabi ko.
Yumakap ako sa kanya. Kahit papaano ay nabawasan na ang sakit ng ulo ko. Niluwagan ko ang necktie ni Trace. "Honey..."
"Hmn?" he starts playing my hair.
"Sa tingin ko connected ako kay Bella. I dont know kung sino si Claire Cesar sa buhay ko pero kanina noong wala ka pa, nabanggit niya ang pangalan na 'yan tapos biglang may mga scenario na pilit na pumapasok sa isipan ko." humigpit ang yakap ko kay Trace.
Tumigil siya sa ginagawa niya sa buhok ko. "Ipapahanap natin ang taong 'yan. She's the only one who can help us to know what happen to you before your accident and what happen to my sister after our accident."
Trace:
I give my wife a kiss on the forehead before I leave our room. Dumeretso ako sa office ko. Hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa sinabi sa akin ni Arabella at tungkol kay Bella. I feel that Bella is my sister.
Umupo ako sa swivel chair at kinuha ko ang papel na pinadala sa akin ng former P.I ko. "Dark Angel Elite." sa tingin ko, isang security agency 'to. Walang nakasulat na contact number. Email address lang. I turn on my laptop then I type the email address. Biglang nag-blackout ang laptop ko. Panay ang pindot ko ng power button pero hindi na nag-open ang laptop. "Shit!" biglang may lumabas na message box sa screen ng laptop ko.
DAE: Welcome to our agency, Mr. Formillos. What can we help for you?
Shit! I didn't use my personal email account. How come they know who I am?
DAE: Its a secret Mr. Formillos
Lalo akong napamura. Ano ba talaga ang Dark Angel Elite? A secret agency?
DAE: Do you want us to find a person? Be a secret bodyguard of your wife? To know some information? And so on
Napa-facepalm ako. They know my information. Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sa kanila o hindi.
DAE: We cant serve you if you don't trust us
I take a deep breath. Nag-umpisa na akong tumipa sa laptop ko.
*I want you to find a certain person who's name is Claire Cesar
DAE: Full information?
*Yes
DAE: We will give Claire Cesar's information tomorrow night. Is that all Mr. Formillos?
Napahinto ako sa pagtipa sa laptop ko nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko. "Sino 'yan?"
"Its me, Honey."
DAE: We will wait your respond Mr. Formillos. We will send the contract tomorrow morning thru the email you used. Have a good evening!
Bumalik ang dating ayos ang screen ng laptop ko. Napapailing na lang ako. Kakaiba ang agency na ito.
"Honey?"
"Come in, Hon!" pinindot ko ang isa sa mga unread message.
Arabella enter my office. Lumapit siya sa akin at umupo sa hita ko. "Trace."
"Yes, my wife?" I tucked her hair. She's still beautiful even she have a messy hair. It makes her more hotter. More seductive.
"May gustong kainin si baby." hinimas niya ang tiyan na.
Oh boy! Here we go again, her weird appetite. Does all pregnant woman have a weird appetite? I give her a smile. "Anong gusto mong kainin?"
"I don't know."
Kumunot ang noo ko. "You don't know? Paanong hindi mo alam?"
"Hindi ko alam eh. Pumunta na lang tayo convinience store."
"But its already midnight, Honey." we cant go outside. Its dangerous.
She pout her lips. "Pero gutom na talaga kami ni baby! Hindi ko alam kung anong gusto kong kainin. Malalaman ko lang 'yon kapag nandoon na tayo."
Oh boy! Huminga ako ng malalim. "Okay, pupunta tayo sa pinakamalapit na convinience store. Change your clothes now."
She gave me a sweet smile and a smack kiss before she leaves the office. I shake my head. Hindi ko kayang hindi pagbigyan si Arabella sa mga gusto niya. I type Dark Angel Elite's email address. Katulad kanina, nag-blackout ang screen ng laptop ko.
DAE: Welcome Mr. Formillos!
*I need your help
DAE: What is it Mr. Formillos?
*I need someone who can protect my wife
DAE: Personal bodyguard or a secret bodyguard?
*Personal
Tumingin ako sa pintuan ng office ko. Simula nang dito na kami sa bahay tumira ni Arabella, inalis ko na ang mga personal bodyguard niya dahil hindi na siya lumalabas ng bahay.
*I want atleast two bodyguard
DAE: Expect them tomorrow morning
*No. I need them now for my wife's security
DAE: We understand Mr. Formillos. Expect them in ten minutes
*Thank you
Nagbalik na sa ayos ang screen ng laptop ko. I hope they can protect my wife.
"Trace?"
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko. Suot pa rin niya ang pajama niya at suot rin niya ang jacket ko. "Bakit ganyan ang suot mo?"
"Tinatamad na akong magpalit ng damit." binato niya sa akin ang isa pang jacket ko na dala niya. "Suotin mo na lang 'yan. Huwag ka na magpalit."
Napapailing na lang ako bago suotin ang jacket ko.
"Honey..."
"Yes, Honey?"
"Wala lang."
I chuckled. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan na nihila siya palabas ng opisina sabay ng pagtunog ng doorbell. I looked at my wristwatch. "Stay here." nagmadali akong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang na-three piece suit na babae't lalaki.
"Good evening, Mr. Formillos. I am Spitfire Foreister."
"And I am Canada Lavigne. We are the personal bodyguard you hired from DAE. Here's our identification card." may pinakitang dalawang ID si Canada.
I nod. "Pupunta kami ng asawa ko sa pinakamalapit na convinience store, sundan ninyo kaming dalawa. Then lets talk about the contract later. My wife's craving for something I dont know. I hope you'll understand."
"Yes, Mr. Formillos."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top