Chapter Twenty-Two
Song: Oks Lang- Mariah Dela Cruz (cover)
Reason
I woke up early the next day. Balak ko sanang mag-handa ng umagahan dahil sa tingin ko maagang umaalis iyon si Benjamin para sa trabaho.
Kahit ba hindi naman totoo 'tong kasal namin, hindi ko naman hahayaang umalis iyon ng gutom. At tsaka papasok rin naman ako sa trabaho kaya hindi lang siya ang makikinabang sa pag-kain na lulutuin ko ngayon.
Bukas na ipapaalam nila Daddy ang plano nilang pagmemerge ng kompanya nila ni Tito Francisco. May mga speculations na rin na kumakalat na posibleng mag-merge kami ng kompanya gayong kasal na kami ni Benjamin.
'Yon naman talaga ang plano nila Daddy. They want the wedding to happen first before they make their much awaited plan to happen. Ayaw kasi nilang isipin ng iba na nag-pakasal lang kami dahil sa merging of companies na ito.
Nagtataka nga ako kung bakit ayaw nilang ipaalam iyon gayong iyon naman ang totoo?
Five-thirty na ng lumabas ako ng kwarto. Medyo madilim pa ang paligid kaya hindi ko muna pinatay ang mga ilaw. Sarado pa ang kwarto ni Benjamin kaya sa tingin ko ay mahimbing pa ang tulog noon.
Benjamin claimed the room that is adjacent to the other room. I think he's going to make that room his office. Hindi ko alam dahil hindi naman ako nag-libot rito sa buong bahay noong oras na sinama niya akong makipagnegotiate sa broker. Ni hindi ko nga magawang icheck isa-isa 'yung mga kwarto dito, e.
Bumaba ako at agad na dumiretso sa kusina. I opened the refrigerator to see that it's full of foods! Parang pang isang taon na ang supply ng pagkain namin dito. Sa sobrang dami ay hindi pa ako makapagdesisyon kung ano ba ang magandang ihain ngayon.
I decided to go for a simple breakfast. I cooked some fried rice, hotdogs, eggs, and bacon. I don't know how Benjamin wants his coffee. I don't know if he's a barako type of person or a cappuccino type of person like me.
Pero dahil cappuccino ang gusto ko, ganoon ang ginawa ko. Siya na ang mag-adjust!
Inihain ko ang lahat ng niluto ko sa lamesa. Six-thirty na ng matapos ako. Gising na kaya ang isang 'yon? Ayoko namang akyatin siya sa kwarto niya dahil baka kung ano pa ang makita ko doon. Maaamoy niya naman siguro na may pagkain na nakahain kaya siguro bahala na siya sa buhay niya.
I won't wait for him to wake up dahil may trabaho rin ako at kailangan ko pang mag-ayos! Pupunta pa ako sa bahay mamaya para kumuha ng iba pang gamit. I have so much things to do kaya kung hihintayin ko siya, maaubos lang ang oras ko.
Some of the gifts we received from our wedding are still untouched. Nandoon lang mga iyon sa living room at wala ni isa sa amin ang gumagalaw noon.
Ngumuso ako. Siguro ako nalang rin ang magbubukas ng mga iyon. Tutal... mukhang ako lang rin naman ang gagawa ng gawaing bahay dito, e. I didn't want a maid because I want Benjamin to know how it feels to be independent. Hindi 'yung lagi nalang nakaasa sa mga katulong. I wanted him to learn how to move on his own inside the house. Hindi niya ako katulong kaya matuto siyang gumalaw dito.
Independent daw pero pinaghanda ng pagkain. Sinong niloloko mo, Kelsey?
Umiling nalang ako nang dahil sa naisip. Nauna na akong kumain dahil hindi ko na kakayanin pa ang gutom ko kung hihintayin ko pa siya. And I don't think I can fathom the idea that I'll be eating breakfast with him!
Tapos na akong kumain at umiinom nalang ng kape nang maramdaman kong may bumababa sa hagdan. I stood up para sabihan sana siya na may pagkaing nakahanda pero mukhang paalis na ang loko.
He looks like he's in a hurry. Baka siguro nagmamadali para hindi kami mag-kita ngayong araw. Ah... okay... gets ko naman ang gusto niya.
He didn't notice my presence kahit na nakasandal lang ako sa may pinto malapit sa kusina habang hawak ang tasa na may lamang kape. Sa pwesto kong ito ay tanaw na tanaw ko siya. He fixed his collar at tsaka naman sinuot ang kanyang suit. Kinuha niya ang kanyang necktie sa loob ng kanyang bulsa. Isusuot na niya sana iyon nang bigla naman siyang mapatigil.
He inserted the necktie back on his pocket again. Maybe he realized that he can't do it so he's just going to ask someone to do it for him.
Oonga pala... Hindi niya kayang ayusin ang sariling tie. How dependent...
Benjamin looks hesitant for a moment. Pero sa huli ay umalis nalang ng bahay nang walang paalam at hindi man lang nagawang kumain kahit na pinaghanda ko siya.
Hindi na niya pala kailangang mag-adjust sa kapeng ginawa ko dahil hindi naman pala siya kakain. I watch him as he closed the door. I bit my lip. Sayang lang rin pala ang pag-gising ko ng maaga kung hindi rin naman pala siya kakain.
Being thoughtful is bad rin pala. Inisip ko lang naman na baka gusto niya munang kumain bago umalis para sa trabaho. Masyado ko sigurong kinareer ang pagiging asawa kaya ayon at naghanda ako ng maraming pagkain. Mali pala ang desisyon kong iyon.
Tumikhim ako at inalis ang sarili sa pagkakasandal sa pinto. Inubos ko ang kape at tahimik na hinugasan ang lahat ng pinaggamitan ko kanina. Ang mga natirang pagkain naman ay ibinaon ko nalang sa trabaho para hindi masayang.
Wala na rin naman kasing ibang kakain non kung hindi ako diba?
I took a taxi to help me get to our company. Well, wala naman akong sasakyan at ayoko namang i-contact pa si Manong Roly para lang magpasundo ako. Malayo ang bahay namin sa biniling bahay ni Benjamin. Kaya ayoko nang makaistorbo pa.
Jona immediately greeted me when I reached my office.
"Good morning, Kelsey! Congratulations nga pala sa kasal mo!"
Tipid akong ngumiti at may kinuha sa loob ng paper bag na dala ko. Inabot ko ang isang Tupperware sakanya. Nagugulohan niya naman akong tiningnan.
"Ano 'to?"
"Breakfast. Sumobra kasi iyong luto ko kanina kaya dinalhan na kita."
Her mouth parted, she's obviously not expecting that. Ako rin naman, e. Hindi ko rin naman inexpect na hindi pala kakain 'yong si Benjamin.
I can't help but feel so bitter because he did not eat the breakfast that I served! O baka naman kasi kikitain niya iyong babae niya para silang dalawa ang magsabay kumain ng breakfast! Baka nga ganoon iyon kaya siya nagmamadaling umalis kanina!
"O-Oh! Thank you..." aniya.
Nag-abot pa ako ng dalawa pang Tupperware sakanya. Nagulat naman siya.
"Bigay mo nalang doon sa iba mong kaibigan."
"Napasobra nga talaga ata ang luto mo."
"Oo. Akala ko kasi isang buong barangay ang kakain sa amin, e. Ako lang pala." I joked. She laughed uncomfortably.
"Hindi kumain si Sir Benjamin?" tinikom ko ang bibig ko nang dahil sa tanong niyang iyon.
I know I'm friends with my secretary but I don't think she needs to know about what's happening with my married life.
"Sige na, Jona. Papasok na ako. Tumawag ka nalang kapag may kailangan sa akin."
Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. Wala na akong ginawa pa noong araw na iyon kung hindi ang magtrabaho. Minsan isinisingit ko ang pag-gawa ng designs pero kadalasan ay binabasa ko lang iyong mga papeles na dinadala ni Jona sa opisina ko.
Nang sumapit ang ala sais ay nagpatawag ako ng taxi sa security guard habang sinasagot ko iyong tawag ni Jeya. The security guard looks at me weirdly before he followed my order.
Bakit? Weird bang makita na nag-tataxi lang ang boss niya? Wala akong magagawa, e. Wala namang naghahatid sundo sa akin.
"Hello?" I said as I answer Jeya's call.
"Good evening, Mrs. Donovan! How's your first day of having a new surname?"
Umirap ako at hindi na sinakyan pa ang sinabi niya. "What do you need?"
"Grabe! Akala mo ba tumawag lang ako dahil may kailangan ako sa'yo? Ganito na ba ngayon, Kels?"
"Really, Jeya? I'm in a hurry. Bibisita ka ba ngayon?" tanong ko habang pasakay ng taxi. Sinabi ko sa driver kung saan ang punta ko.
"Nag-taxi ka?" medyo hindi niya makapaniwalang tinanong. She probably heard me telling the driver about my destination kaya niya natanong sa akin 'to.
"Yeah. What's wrong?"
"Hindi ka nagpasundo kay Papa B?" kumunot naman ang noo ko nang dahil sa tawag niya kay Benjamin. Hindi ko talaga alam kung mangdidiri ba ako o hindi.
"Bakit naman ako magpapasundo? Kaya ko naman ang sarili ko."
"Wow! Independent si wifey! Pero diba, mas cute parin kung susunduin ka niya sa work! Nakakakilig kaya!"
I couldn't imagine Benjamin doing that kaya imposibleng mangyari 'tong sinasabi ni Jeya. Benjamin will never do that. Itaga ko man sa bato, hindi niya gagawin 'yon.
He already forced himself to marry me. I think that's enough. Kaya bakit niya pa pipilitin ang sarili na gumawa ng bagay na ayaw niya namang gawin?
"That's impossible. Baka sa ibang babae gawin niya. Pero sa akin, syempre hindi."
"Kels, are you still bitter about it?"
Tumaas ang isa kong kilay. "Bitter about what? Na hindi niya ako gusto? Why should I be bitter, e, choice niya naman 'yun!"
"Tss! Do you even hear yourself right now, Kelsey? You sound so bitter and it's really funny!"
"Hay naku, Jeya! Isipin mo na ang dapat mong isipin pero 'yon talaga ang totoo. I'm not bitter!"
"Okay, wifey Kels. Whatever makes you sleep at night." Sandali siyang nanahimik bago niya sundan ang sinabi niya. "Kailan ba kasi kami makakabisita sa mumunting palasyo niyo?"
"Depende kung kailan may tao." I answered simply.
But of course, Jeya being an exaggerated person gasp and sounded so surprised.
"Whaaat? You mean, you don't stay with him?"
"Huh? Of course, I do! You know we're both working kaya malamang madalas na walang tao doon."
"Ah... Akala ko naman, e..."
Umiling nalang ako kahit hindi niya kita. And oh, I almost forgot. Si Jeya nga pala ang number one fan namin ni Benjamin. Kaya ganito nalang siya mag-react nung akala niya hindi kami nakatira ni Benjamin sa iisang bahay.
Akala ko naman ay hanggang doon nalang ang usapan namin at magpapaalam na siya. Pero hindi pa pala. Nakalimutan kong madaldal nga pala siya at sobrang dami laging tanong.
"So, how's your honeymoon ba? Is it fun just like the first time?" there's a glint of mockery on her tone. Alam ko na naman ang gusto niyang iparating... kilalang kilala ko na siya.
"Walang honeymoon, Jeya."
"Ha? Bakit naman?! Ano ba 'yan? Ang corny!" reklamo niya.
"Anong corny ka diyan! E, sa ayaw namin! At tsaka, there's no need for that. It's not like we have plans on starting a family together?"
Nakita ko namang napasulyap iyong driver ng taxi sa akin sa rearview mirror. Ano ba 'yan! Ang awkward tuloy ng naririnig niyang usapan namin! Eto kasing si Jeya, kung ano ano nalang bigla ang sinasabi.
"Sus! Kakainin mo na naman 'yang sinasabi mo! You see, you told me before that you and Benjamin, won't happen. But look at you now! You're married with him!"
"Tss... as if this is my choice. Kung choice ko 'to, syempre hindi parin."
"Pakipot ka talaga kahit kailan! Do you still like him?"
Napairap ako sa kawalan. Kahit kailan talaga... Napakachismosa ng kaibigan kong 'to.
"Stop asking, Jeya."
"Just answer this question lang, e!" pagpupumilit niya. "O baka naman ayaw mo kasi iniiwasan mo 'yung topic kasi meron ka parin talagang pagtingin sakanya! Omg!"
Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya. Buti nalang talaga at dumating na ako sa bahay kaya nag-paalam na ako sakanya.
"Di bale, Kels. Magkita tayo next week. You still have a lot of things to tell me!"
"Whatever, Jeya. Bye!"
Binaba ko ang tawag at tsaka nagbayad na doon sa driver. Nagulantang naman si Mommy nang makita na ako iyong bumaba ng taxi.
"You took a taxi, Kelsey?!" medyo hindi makapaniwala niyang tinanong. Mukhang halos kakarating lang rin nila ngayon.
"Yeah?" I answered like it was no big deal. I kissed her on her cheek habang hindi parin mawala ang hindi makapaniwala niyang reaksyon.
"You should've told us! Saglit lang rin naman iyong meeting at hindi na kami nag-tagal! Sana sumabay ka na sa amin!"
"I didn't want to disturb you kaya nauna na ako."
"Sana kinontak mo si Roly!"
Umirap ako. Ano ba kasing masama sa pag-sakay ng taxi? E, sa ito ang pinakaconvenient way para makauwi ako ng maaga, e? At tsaka, wala namang susundo at maghahatid sa akin kaya eto lang ang choice ko!
"It's really not a big deal! Let it slide, Mom!" sabi ko at tsaka pumasok na ng bahay.
"Hindi mo kasama si Benjamin?"
Gusto ko sanang sumagot ng sarkastikong sagot kaso baka dagukan ako nito ni Mommy. 'Yon? Magtataxi? Parang imposible atang mangyari 'yon!
"Hindi po. Nasa trabaho pa ata."
"Ganoon ba? Dito ka ba magdidinner? Nakahanda na naman iyong mga gamit mo kaya hindi mo na kailangan pang mamoblema sa pag-aayos."
O diba? Sila na ang nag-ayos! Mukhang gusto na talaga nila na umalis ako ng bahay na 'to at sumama na doon sa Benjamin na 'yon, e! I really thought my mother would be sad when I had to leave the house to live with someone else.
Pero iba ang nangyari! The woman is very happy that I'll live with Benjamin na siya pa daw mismo ang nag-ayos ng mga gamit ko!
"Uh... hindi na po. Sa bahay nalang." ang natatangi kong nasabi. "Si Daddy?"
"Nasa office niya at may importanteng tawag." I nod my head.
"Are you ready for tomorrow?" she asks.
Sinundan niya ako paakyat ng kwarto ko. Totoo nga ang sinabi niya na nakahanda na ang lahat ng kailangan ko.
Tiningnan ko ang drawer ko at nakitang wala ni isa siyang tinira doon! At talagang ipamimigay na talaga nila ako sa lalaking 'yun ah?
"There's no reason not to be ready." Tipid siyang napangiti sa akin nang dahil sa sagot ko.
"Kumusta naman ba sa bagong bahay mo? Are you okay with him?"
Paanong okay ba, Mommy? 'Yung tipong nagkakasundo ba kami? 'Yung masaya kami? Ganoon ba? Syempre hindi kami okay kung ganoon!
Pero kung ibang meaning ng okay naman... siguro oo. Kasi mukhang okay naman kami dahil hindi naman kami nag-uusap. Okay naman kami kahit hindi niya kinain iyong umagahan na hinanda ko para sa amin.
Okay naman siguro kami.
"Okay... naman..." ngumiti siyang muli sa akin.
"I'm glad to hear that."
Pilit akong ngumiti sakanya pabalik. Tinulungan niya naman akong ibaba ang mga gamit ko. Naabutan namin si Daddy na mukhang kakalabas lang ng opisina niya.
"Oh, you're here! How are you, darling?" tanong niya sabay hinalikan ako sa pisngi. I hugged him as a sign of greeting.
"I'm fine, Dad."
Tiningnan niya iyong mga dala naming gamit. Tinuro niya ang mga iyon. "Aalis ka na ba ngayon? Hindi ka na kakain dito?"
"Hindi na po. Baka sa bahay nalang. Marami po kasing pagkain doon, masasayang lang kung hindi makakain."
He nodded his head. Mukhang naiintindihan naman. "Gusto mo bang ipahatid kita kay Roly?"
Nag-isip pa ako ng ilang sandali bago pumayag. My father called Manong Roly to drive me back to my new house. Hindi rin ako nagtagal sa bahay namin. Agad akong nagpaalam sakanila at tsaka nila ako pinaalalahanan sa mangyayari bukas.
Syempre excited sila doon. Matagal na nilang plano iyon, e.
"Text me when you get home, Kelsey." My mother reminded. Tumango naman ako.
Mabilis naman ang naging byahe pabalik ng bahay namin ni Benjamin. Bukas na ang mga ilaw nang dumating ako doon. Mukhang nakauwi na siya dahil nakita kong nakapark na iyong sasakyan niya sa garage.
Manong Roly helped me unload my bags. Tutulungan niya pa sana akong ipasok ang lahat ng iyon nang pinigilan ko siya.
"Sige po, Manong. Ako nalang po. Salamat po!"
"Ganon ba, hija? Sige, maiwan na kita. Ikumusta mo nalang ako sa asawa mo."
It's weird to hear everyone addressing Benjamin as my husband. Hindi ako sanay!
"Sige po... sasabihin ko sakanya." Tumango si Manong Roly hanggang sa tuluyan na niyang lisanin ang bahay namin.
I opened the front door at isa-isang ipinasok ang mga bags na inuwi ko. I saw Benjamin on the living room probably watching a basketball game.
Sinulyapan niya ako at tsaka naman bumaling ang tingin niya sa mga bagaheng dala ko. Matapos iyon ay binalik na niya ang tingin sa pinapanood.
So ganon nalang 'yon? Hindi niya ako tutulungan? Well, hindi ko naman kailangan ang tulong niya! I'm an independent woman!
Walang imik akong pumasok ng bahay. I glanced at him once at nakitang seryoso parin siya sa panonood ng TV.
I wonder if he ate already? Wala kasi akong naaamoy na pagkain, e. O baka naman kumain na 'to sa labas kasama 'yong babae niya?
Aakyat na sana ako para ilagay na ang mga gamit ko sa kwarto nang hindi ko napigilan ang sarili na mag-tanong sakanya.
"Kumain ka na?"
Tangina! Pakialam ko naman diba kung kumain na siya?! Pero dahil nga hindi ko napigilan ang sarili, ayan at natanong ko pa 'yang walang kwentang tanong na 'yan!
He turns his head to look at me at nanatili na iyon sa mga mata ko.
"Hindi pa." he answered simply.
Hindi pa pala, e. Bakit hindi niya nagawang magluto ng pagkain niya? Is he waiting for someone to cook for him? Ano siya? Hari dito? Ako lahat ang kikilos, e, hindi niya naman ako katulong?! I'm his wife for goodness sake!
"Ah..." gusto ko sanang mag-rant pero syempre keep quiet nalang ako.
"Hindi kasi ako marunong mag-luto." Habol niya. Natigilan naman ako doon.
Oh ano, Kelsey? Rant pa?
"Ganon ba?" wala akong ibang nasabi kung hindi iyon. Tumango ako at tsaka nag-iwas na ng tingin sakanya.
I brought my things up to my room at tsaka bumaba ulit para maghanda ng pagkain. At syempre ang hari, nandoon parin at nanonood! Sana man lang magvolunteer siyang tumulong sa paghahanda ng pagkain namin!
Sa sobrang inis ko ay sinadya kong bigatan ang bawat hakbang ko patungo ng kusina. I think that caught his attention.
I purposely made him hear that I'm trying to prepare our food now at sana, kung may konting hiya siya, tumulong naman siya dito. Pero mukhang makapal talaga ang mukha ng isang 'yon kaya hindi talaga nakakaramdam at hindi talaga tumutulong.
"Naku talaga! Pag eto hindi nag-hugas ng mga pinggan mamaya, hihiwalayan ko 'to!" I whispered to myself.
I cut the vegetables with an angry look on my face. Bahala na kung mahiwa ako dito nang dahil sa sobrang inis.
I decided to cook menudo kasi iyon nalang ang pinakamadaling lutuin na naisip ko. Pumasok siya ng kusina nang hindi pa ako tapos sa pagluluto.
"Hindi pa po luto ang pag-kain, Sir." Ibubulong ko lang sana kaso narinig niya pala. Kumunot ang noo niya.
"I'm just going to prepare the table? Masama ba?" tanong niya. Bumuka naman ang bibig ko at nangapa pa si gaga sa sasabihin!
"Hindi naman... sige, gawin mo na 'yun." Binalik ko nalang ang tingin sa niluluto to save face.
Pagkahanda ni Benjamin ng lamesa ay pinatay ko na rin ang niluluto ko. Kumuha ako ng mangkok para doon ilagay ang ulam na niluto ko.
Pumunta ako ng dining area para ilapag na iyon sa lamesa at nakita kong nakapwesto na si Benjamin sa hapag. Sinundan niya ako ng tingin. Napansin ko naman na masyadong malapit sa pwesto niya ang pinggan na nakalaan para sa akin. Ayoko ngang malapit kami sa isa't isa habang kumain!
Kaya naman ang ginawa ko ay hinila ko palayo ang placemat habang tanggay ang pinggan at iba pang kubyertos. His forehead creased. Hindi siya nag-salita at tamad lang akong tiningnan.
"Kumain ka na." I demanded.
Nang makakuha na ng sapat na pagkain para sa akin ay pumwesto na ako sa malayong upuan. I started eating quietly. Pero sa sobrang tahimik, hindi ko na kinaya.
I'm not used to this kind of dinner! See, this is why it's awkward if we'll eat together!
"Hindi ka ba kumakain bago umalis para sa trabaho?"
I know I shouldn't brought this topic up pero hindi ako makamove on! Naiinis parin ako!
"Kumakain." Sagot niya. Mas nainis ako lalo.
Oh? Kumakain naman pala, e! Bakit hindi niya nagawang kumain kanina gayong may nakahanda na naman para sakanya!
"Bakit hindi ka kumain kanina?"
"Naghanda ka?" tanong niya, medyo gulat pa.
"Oo." I said bitterly. His forehead creased a little because of my tone. Pero syempre babawi ako! "But it doesn't matter. Inubos ko na rin naman 'yon."
Tumango siya at hindi na nag-salita pa. Mabuti naman at nakaramdam rin siya ng konting hiya dahil siya na mismo ang nag-volunteer na maghugas ng pinggan. I'm glad he knows how to do atleast one household chores.
Ganoon ang sitwasyon namin lagi. Kung hindi nag-uusap, nag-iiwasan naman sa loob ng bahay. Tuwing umaga ay naghahanda parin ako ng umagahan para sa aming dalawa pero hindi talaga siya kumakain!
Well, he drinks some coffee tapos 'yun na! Nasasayang na naman ang niluluto ko kaya si Jona at ang mga kaibigan na naman niya ang taga salo ng mga sobra kong breakfast.
Kaya sa mga sumunod na araw ay nagluto nalang ako ng umagahan para sa sarili ko. Hindi na ako nagluto pa para sakanya dahil hindi rin naman siya kumakain at nasasayang lang. Simula rin ng araw na iyon ay mas nauuna na akong umalis kaysa sakanya.
Sa gabi naman, madalas ako ang nauunang umuwi. Minsan kapag nauuna siya, hindi naman niya ako papansinin. Sometimes he'll immediately go upstairs. He keeps on ignoring me. Maybe because he's done pretending in front of everyone.
Oonga pala. Peke lang ang lahat ng ito kaya bakit niya susubukang maging asawa sa akin diba?
Now he's clearly showing me that he has nothing to do with me.
It was foolish of me to act like his wife'! 'Yung tipong pinagluluto pa siya... 'Yung tipong nag-aalala kapag hindi pa siya nakakauwi. Sana hindi nalang ganoon para patas kami.
I was busy painting something on the canvass when I heard the doorbell rang. Kahit na may dumi pa sa mukha at damit ay nagtungo ako sa may pintuan upang tingnan kung sino iyon.
My eyes widened a little when I saw Benjamin, Aiden and Ana with their first born. Kumunot ang noo ni Benjamin nang makita ang itsura ko.
"Oh..." 'Yun lang ang natatangi kong nasabi. Binati ko sila.
"Hey, Kelsey! I'm sorry for barging in ha? Louis wanted to spend time with his tito Benjamin that's why we brought him here. He keeps on initiating kasi. We just wanted to give him what he wants." paliwanag ni Ana.
"Oh, it's fine! It's totally fine. Come in..." gumilid ako para papasukin sila.
"Naku! Hindi na kami magtatagal. Ihahatid lang sana namin 'tong si Louis. He'll stay over here for a few days at susunduin rin namin sa Friday."
Tumango ako sa sinabi ni Ana. It's good to have someone else here. Atleast hindi awkward at hindi tahimik ang bahay.
I watch as Ana squatted in front of his son to say something to him.
"Please behave, okay? Don't give your Tita Kelsey and Tito Benjamin a headache. Be a good boy!"
"Yes, Mommy! Louis is already a good boy!" Ngumiti iyong bata sakanya. Napansin ko ring napangiti si Benjamin nang dahil doon.
Ibinaling naman ni Louis ang tingin sa kanyang tito.
"Let's go, big guy?" Benjamin asks as he reach his hand to his nephew. Louis nodded his head at tsaka tinanggap ang kamay nito.
Louis giggled when his uncle carried him in his arms.
"You have toys here, Tito?"
"Unfortunately, we don't." nilingon ako ni Benjamin. "But your Tita Kelsey can teach you how to paint. Right, Kelsey?"
Bumuka ang bibig ko dahil hindi ko inaasahan ang pag-acknowledge niya sa akin.
"Yeah. Of course! I have lots of colors you can play with."
"Really, Tita?" I nod my head. "Let's get inside now! I want to paint!"
Benjamin chuckled and pinched his nephew's cheek. I can't help but admire him with kids.
"Okay, big boy. We'll get inside now. Say bye to your parents!"
"Bye, Mommy! Bye, Daddy!"
Sabay na kumaway ang mga magulang niya sakanya. Pumasok na naman na ang dalawa sa loob ng bahay at walang pag-aalinlangang dumiretso sa area kung saan ako nagpipinta.
Naiwan ako sa may pinto kasama sila Ana at Aiden.
"We'll go ahead now, Kelsey. Thanks for letting our son stay. Sabihin niyo lang kung magkukulit at susunduin namin agad."
Tumawa ako sa sinabi ni Aiden.
"I can handle kids so it's really fine."
I've been working with kids since I was eighteen. Simula nang sumali ako sa charity kung saan tumutulog sa mga bata, mas natuto akong makihalubilo sakanila kahit gaano pa sila kakulit.
Nagpaalam na rin naman sila pagkatapos doon. Sinara ko ang pinto at tiningnan ang mag-tito na busy sa pag-titingin ng mga painting ko.
"Tita Kelsey, did you paint everything?" Tanong ni Louis sa akin.
I smiled and nod my head. "Yes, Louis. It's Tita's pass time and she enjoys painting so much. Do you want to paint now?"
Louis nodded his head excitedly. "Yes! Yes! I want to! I want to!"
I chuckled lightly at tsaka nag-tungo na sa pwesto nila.
"Tita will just get a blank canvass, okay? After that, we'll start."
Nagtungo ako kung saan ko nilagay ang mga canvass na hindi ko pa nagagamit. I grab the smallest size.
Lumuhod ako sa tabi ni Louis at binigay sakanya ang canvass na kinuha. Louis smiled and started playing with the colors.
"Be careful, okay? Don't get so messy!" Paalala ni Benjamin.
Inangat ko ang tingin sakanya. I pressed my lips into a thin line when he raised his gaze at me.
"Uh... may nakahanda nang pagkain dyan... kung hindi ka pa... kumakain. Ako na ang bahala kay Louis." sabi ko.
He stared at me lazily then he nodded his head. "Okay..."
Nawala lang ang tingin ko sakanya nang may itanong sa akin si Louis. I immediately acknowledge his concern. Bago naman mag-tungo si Benjamin sa kusina ay hinalikan niya muna si Louis sa ulo. I was a little surprised with his gesture.
Louis ended up doing an abstract painting. Kung saan saan niya kasi pinapupunta ang brush kaya ayun ang nangyari.
"Wow! You're so good!" puri ko sa gawa niya. He smiled cutely at me.
"Thanks." he replied shyly. I pinched his cheek.
"We'll let this dry okay? And when you get home, you have to show this to your siblings!"
"Yes, Tita! I'll ask Mommy to paste it on my wall, too!"
"That would be great!"
Kahit na gabi na ay hindi pari nauubusan ng energy ang bata. Humiling pa siya na manood ng movie sa kanyang Tito. Benjamin obliged with that at sinamahan siyang manood. Habang ako naman, inaayos ko ang mga pinaggamitan namin kanina.
I was about to walk pass them when Louis called me.
"Tita Kelsey, join us!"
Nilingon ko sila at nakitang nakahiga sila sa may sofa. Inayos ni Benjamin ang kanyang pwesto. Tumikhim ako at tumango. I quietly sat on the sofa next to them. Nakita kong napailing si Louis.
"No. Come sit here, Tita. I'll seat between you two." He pats the seat next to him, probably to show me that I should be seated there.
Napalingon naman si Benjamin sakanya. He rests his arm on the sofa. Louis smiked at me. Tipid akong ngumiti at walang nagawa kung hindi sundin ang bata.
Habang paupo naman ay medyo inilayo ni Benjamin ang kanyang kamay.
As if I'll do anything with that? Feeler!
"Let's hold hands because I use to do this with my Mommy and Daddy when we're watching a movie!" He said excitedly.
Bumuka naman ang bibig ko nang dahil doon. What is this kid trying to do?
Napalingon kami ni Benjamin sa isa't isa. Nauna akong mag-iwas ng tingin. Hindi na hinintay pa ni Louis ang sagot namin dahil siya na mismo ang kumuha ng mga kamay namin at hinawakan ito.
I felt Benjamin's fingers brush mine. My heart skips a beat.
"There! I'll enjoy watching the movie now!" Louis said.
Hindi ko na namalayan pang nakatulog na pala ako habang nanonood ng movie. Louis slept, too. Kung hindi pa ako ginising ni Benjamin, malamang sa sofa ako matutulog ngayong gabi.
Buhat na niya si Louis nang ginising niya ako.
"Sa kwarto ko na siya papatulugin. You should probably go to your room now and sleep. Maaga ka pa bukas diba? Liliban muna ako sa trabaho para samahan 'tong si Louis."
I tried to nod my head despite the sleepiness that I'm feeling. He pats my head before he went upstairs with his nephew. Nagulat ako sa ginawa niya.
Louis will come and visit once in a while. Sometimes he becomes the reason why Benjamin and I have to talk. Tuwing wala kasi si Louis, hindi talaga kami nag-uusap ni Benjamin.
Nang mga sumunod na buwan ay napapadalas na ang pag-uwi niya ng late. O di kaya minsan ay hindi na talaga umuuwi at hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Hindi naman niya sinasabi sa akin because I know there's no need to update me kasi wala namang kami.
Baka siguro narealize niya na sa papel lang naman may saysay ang kasal namin kaya pupwede siyang magloko. Siguro nandoon 'yon sa bar at naghahanap ng makakalantaryong babae.
Even when our companies are already merged, madalang ko lang siyang makita sa kompanya. Nandoon lang daw lagi sa opisina niya at hindi ganoong lumalabas.
Hindi ko na ginawa pang big deal iyon dahil mas kailangan kong magfocus sa trabaho. A much bigger responsibility is now ahead of me lalo na't nagmerge na ang mga kompanya namin. Kaya hindi ako pupwedeng basta pachill-chill lang.
I just came out of my office nang may nakita akong magandang babae na patungo sa opisina ni Benjamin. Sinundan ko siya ng tingin. She's got a slim body and a long legs. Mahaba ang buhok at mukha pang model sa palagay ko.
She's currently talking to Benjamin's secretary, probably asking her to let her in. I clenched my jaw. At talagang nag-dala pa siya ng babae dito ha? Hindi na nahiya!
Nang matawagan si Benjamin sa intercom ay agad niyang pinapasok ang babae. I tried not to let the thought that he's letting someone inside his office bother me. Pero mukhang imposible ata.
I know shouldn't make this a big deal. Wala naman ako sa lugar para makaramdam ng ganitong sakit dahil wala namang saysay itong kasal namin ni Benjamin. Everything is just for business, right?
Unless... I agreed because of other reason.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top