Chapter Twenty-Three
Song: Tayong Dalawa- Julie Anne San Jose
Lies
"May tao ba sa office niya?" tanong ko sa sekretarya ni Benjamin na si Regina. Medyo nagulat naman siya nang makita ako.
"A-Ah... opo, Mrs. Donovan." aniya.
I pursed my lips because I didn't know what to feel when she addressed me with my new surname. I don't think I will ever get used to being called a Donovan, despite of being married to him for a year now.
"Kanina pa?"
"Medyo po."
Well, I already expected that. Sa isang taon ng pagsasama namin, ilang beses ko nang nakikita na may pumapasok na iba't ibang babae sa opisina niya. Well, some of it were guys, pero madalang ko lang makita 'yon. O baka naman, natyetyempohan ko lang talaga na puro babae iyong mga pumapasok.
Some girls were modest looking, mukhang maganda ang propesyon. Habang ang iba naman ay mukhang kakilala niya lang sa kung saan.
Noong unang beses na may nakita akong parang modelo na babae na papunta sa office niya, ay hindi na iyon ang pang-huli. That continued for a year and I said nothing.
Bakit nga naman ba ako mag-rereact, gayong sa papel lang naman kami kasal? Sa puso't-isip, hindi. Kaya talo ako.
"A-Ah..." 'yun nalang ang natatanggi kong sinabi. I nod my head.
I just finished off reading some papers that needs to be signed by him. Bumitaw na si Daddy sa pwesto niya noong nakaraang buwan kaya si Benjamin na itong tumatayong Chairman ng dalawang kompanya. My father lowered his position to become a Vice President though. Pero mas pinapaubaya niya ang trabaho kay Benjamin.
I can see how Benjamin is still trying to cope up with it. Kitang-kita ko kung gaano siya kabusy kasi minsan nalang siya makauwi. Kung uuwi man, gabing-gabi na.
Noon ko lang rin nalaman na hindi pala siya pumapasok tuwing Sunday. Para bang iyon na 'yung araw ng pahinga niya. Habang ako, kahit Sunday, pumapasok parin.
Sa isang taon rin ng pagsasama namin ay wala paring nagbabago. We rarely talk. Kung mag-uusap man, saglit lang. O di kaya, mag-uusap lang dahil importante. It was such a boring marriage. Obviously arranged.
I was about to return to my office when Regina spoke.
"Pero pupwede naman po kayong pumasok. Ang sabi niya po sa akin kung ikaw naman po ang may kailangan sakanya, hindi ko na daw po kailangang magpaalam."
Bumuka naman ang bibig ko sa gulat nang dahil doon. I wasn't expecting that! Hindi ko alam na may ganong policy pala si Benjamin. I thought everybody who needs something from him needs his approval first before entering.
This is my first time in one year to attempt and enter his office. Noong si Daddy pa naman ang chairman ay sa office niya ako madalas. Pero ngayong napalitan na siya, tingin ko mas dadalas na ako dito kay Benjamin.
"Uh... hindi na. Hihintayin ko nalang na matapos sila noong kausap niya bago ako pumasok."
"Hindi, Ma'am, okay lang po talaga. Tsaka... mukhang importante po 'yan," she eyed the folders that I'm holding.
Napatingin rin naman ako sa mga hawak kong folders. Importante nga ito at kailangan nang mapasa sakanya. Pero kung busy naman siya ay okay lang. Makakapaghintay naman ako hanggang sa matapos sila ng kausap niya.
"It's okay, Regina... I can wait." Ngumiti ako sakanya.
Pero mukhang matigas ata itong empleyado ni Benjamin dahil tinawagan niya pa ito mula sa intercom.
"Sir, nandito po ang asawa niyo at may kailangan pong ibigay sainyo." Regina smiled cutely at me. I glared a little at her.
Hay naku!
"Let her enter." Benjamin answered immediately.
"Okay, sir."
Nag-angat muli ng tingin sa akin si Regina at tsaka ngumiti. "Sabi sa'yo, Ma'am, e. Pwede kayong pumasok anytime!"
Bumagsak ang balikat ko. Kung hindi ako papasok ngayon, baka isipin non na nagsisinungaling si Regina at masesante pa ang makulit na babaeng 'to. Ayoko namang mangyari 'yon. Kung sa bagay, kailangan ko na rin kasi talaga ng pirma niya. Tutal napagmeetingan na rin naman 'to, kaya siguro hindi rin ako magtatagal dito sa opisina niya. Saglit lang talaga ako sa loob dahil ayoko namang makaistorbo.
Bago naman ako pumasok ay nag-salita muli si Regina. "Sorry, Ma'am, ngayon lang po kasi kayo nagawi dito kaya medyo natuwa lang po ako."
Tumayo naman siya upang pag-buksan ako ng pinto. Sinubukan kong ngumiti sa sinabi niyang iyon. Why? Is she expecting me to always come here dahil lang asawa ako? Hindi naman siguro ganon 'yon. Ang iba nga, hindi naman niya asawa pero madalas dito, e.
Tumango nalang ako bilang tugon at tsaka dahan-dahan niya akong pinagbuksan ng pinto. What welcomed me is a lady in her body hugging royal blue dress. Nakatuko ang kanyang siko sa lamesa ni Benjamin habang nakaupo siya sa silya na katabi nito. While Benjamin is busy with his laptop and is obviously not paying attention to whatever the lady in front of him is saying.
Nang marinig na mag-bukas ang pinto ay napaangat siya ng tingin sa akin. The lady even turned to me when she noticed that Benjamin raised his gaze.
Tiningnan ko iyong babae. In fairness, maganda siya at makinis. Parang beauty queen sa unang tingin. I smiled a little at her. Pagkatapos naman noon ay nilingon ko si Benjamin na nakatayo na ngayon at handa na akong salubungin.
"I-I just need your signatures for these files. Hindi rin ako magtatagal." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa nasabi iyong pang-huli.
"Penelope," he called, hindi pinansin ang sinabi ko. He turns to the woman who's currently looking at me from head to toe. Inalis niya ang tingin sa akin at tsaka binalik muli kay Benjamin, she smiled a little at him.
"Yes?" she asked sweetly. Gusto kong mangdiri nang marinig ko ang tono ng boses niya.
"I'd like you to meet my wife. Kelsey," then he snaked his arm around my waist after he said that. Bumaba ang tingin ko doon.
Wait... I wasn't expecting this kind of scene. Akala ko papasok lang ako at papapirmahan sakanya ang mga papeles at tapos na! Babalik na ako sa opisina ko at hahayaan na silang ipagpatuloy ang kung ano mang ginagawa nila.
The woman's mouth parted. Napatayo siya at agad na inoffer sa akin ang kamay. She cleared her throat.
"O-Oh! I didn't know Benjamin is already married!" natatawa-tawa pa siya nang sinabi niya iyon. Ngumiti nalang ako. "Penelope,"
I shake her hand. "Kelsey."
"Penelope is my friend in college. She's interested in one of our products and she's here to negotiate." Paliwanag ni Benjamin.
Tumango nalang ako at tipid na ngumiti. Hindi naman niya kailangan magpaliwanag.
"Oh... okay..."
Penelope smiled at me before she turns her gaze to Benjamin's hand on my waist. Kung hindi ako nag-salita baka hindi na nawala ang titig niya doon.
"So... the signatures... I need it." Sinabi ko kay Benjamin. Medyo lumuwag naman ang pagkakakapit niya sa baywang ko.
"Do you mind waiting a little? I just need to finish something then I will sign the papers after that."
I shrugged my shoulders. "Baka balikan ko nalang-"
"No," agap niya. "Stay."
Bumuka ang bibig ko nang dahil doon. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala akong nagawa kung hindi ang maupo sa sofa. I don't want to invade their privacy kung sa silya pa sa harap ni Penelope ako uupo.
I played with my bracelet as I wait for Benjamin to finish his work.
"So," Penelope started. "Where did you and Benj meet?"
Benj... she can call her by his nickname while I can't. I don't know, I just can't get myself to address him based on his nickname. Calling him by his nickname means we know each other so well and that we're close. And I know we are very far from that.
I wasn't expecting her to start a conversation with me. Ang balak ko lang talaga dito ay manahimik habang hinahayaan silang gawin ang kung ano man ang gusto nila.
"We met at a business party a few years ago. They're a family friend, so..."
"I see... so what's your profession? Other than handling this business with your husband of course," she chuckled.
Medyo kumunot ang noo ko nang masundan ang tanong niya. Ano ba 'to? Interview? Hindi ako nainform!
"I'm an Architect." Tipid kong sinagot. Nakita ko namang sinulyapan ako ni Benjamin at tsaka binalik muli ang tingin sa ginagawa.
"Really? Where did you study?"
"UST."
"Really?" I nodded. Her eyes widened a little. "That's amazing!"
Tumawa nalang ako. Why is she talking to me? Kausapin niya iyong katransakyon niya! Hindi 'yung ako itong pinagtutuunan niya ng pansin!
"I studied Engineering in Standford. And I gotta say, your husband... is the best in class! No wonder why he's so successful now. He's really great ever since."
"Really? I'm glad to hear that."
"His friends, Bradley and Charles... are also great! They're like the walking handsome nerds in the university and everyone admires them!"
Sumulyap ako kay Benjamin na napakamot nalang ng noo niya. I smirked. Is he shy that I found out that he's a nerd back then? Well that's a good thing! At least alam mong hindi siya nagpapabaya ng pag-aaral! Hindi kagaya ng iba.
"And I happen to be one of those." Dagdag niya. Medyo nahihiya pa siyang natawa nang sinabi niya iyon. Tipid nalang akong ngumiti.
"Did you grew up here?" wala sa sarili kong natanong. Mukha kasing matagal na silang magkakilala.
"Yeah, but I moved to US after I graduated high school."
Tumango ako.
"Since when did you get married though? Wala akong balita that's why I'm really surprised when he introduced you!"
"Just last year."
"Omg! How did you celebrate your anniversary?"
Parang nag shut down ng sandali iyong utak ko nang dahil sa tanong niya. How did we celebrate? We did nothing. In short, we did not celebrate. Nagtrabaho lang kaming dalawa na para bang ordinaryong araw lang iyon.
"Uhm..." nangapa ako sa sasabihin. Oh my god! Help me please!
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para mag-sabi ng palusot nang magsalita naman si Benjamin. I sighed in relief. Buti nalang!
"So, Penelope. I'll just send some of the details about the supplies that you are interested on your e-mail. Then I'll let my secretary meet up with you when we already settled everything."
"Oh! So we're not going to meet again are we?" medyo nalulungkot na tanong ni Penelope. Napaiwas ako ng tingin.
"Is there a need to?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa tanong ni Benjamin. Is that... a rejection? Hindi man straight to the point, pero parang ganoon na 'yon! Oh! Well, well, well.
"U-Uh... wala naman. I was just curious." ani Penelope.
Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon ni Benjamin. So, kailan kaya ako makakalabas ng opisinang 'to? Parang isang taon na ako dito ah! Pirma lang naman niya ang kailangan ko pero ang tagal na ng inabot ko dito.
Hindi rin naman nagtagal ay umalis na si Penelope. I was left alone inside the room with Benjamin. Tumayo ako at tsaka nagtungo sakanya.
"Can you sign it now? Cause I'm sure you're already done with your work." medyo iritado kong tinanong. Sa tingin ko ay napansin niya iyon.
Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Hindi naman kasi dapat ako magtatagal dito! Pero dahil pinanatili niya ako, wala akong nagawa! Mabilis akong bumigay, e. Anong magagawa natin dun?
Inangat niya ang tingin sa akin. Isang tingin lang, Kelsey, kumakalabog na agad 'yang dibdib mo! Automatic ata 'yung drum set dyan, e!
Inalis niya lamang ang tingin sa akin nang ibinaling niyang muli ang tingin sa mga folders na iniabot ko sakanya kanina.
"Do you have a lot of things to do next Friday?" he asked while he's signing the papers.
"Why?"
"I'd like you to join me for the bidding."
He returns his gaze back at me again, probably to wait for my answer. Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganyan. It will be my first time if ever I'll agree to join him.
Bago kasi magsimula ang proyekto ng isang kompanya, nagbibid muna sila para sa mga lupa. Of course there are also a lot of companies interested in that certain land at nag-aagawan talaga kaya kailangan ng malaki-laking budget.
"Titingnan ko schedule ko." Sagot ko.
He nods his head. "And you should start creating designs for this project," kumunot ang noo ko at napansin niyang medyo nagulohan ako sa sinabi niya kaya naman ay nagpatuloy siya.
"I'm sure we're going to win the land. That's why I want you and your team to start conceptualizing as early as now."
Tinaasan ko siya ng kilay. Wow! Confident! He sounds really sure that he's going to win. He must be good at biddings huh?
"I'll tell my team about it. Are you done?" tanong ko.
Isang pirma at sinarado na niya ang folder. He handed it back to me.
"What time are you going to finish?" he asked. Tinaasan ko siya ng kilay.
"I don't know. It depends. Why?"
"Isasabay na kitang umuwi."
My mouth parted. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ayoko namang ipakita na nagulat ako dahil baka kung ano pa ang isipin nito. I smiled and shake my head.
"It's okay. I can take the tax-"
"You can't keep on taking taxis, Kelsey. It's not safe."
"Wala pa namang nangyayaring masama sa akin kaya ayos lang."
Lame excuse! Ang sarap mong sampalin, Kelsey!
"Don't wait for that day to come."
"Wala akong sasakyan." I reasoned out.
"Bakit hindi ka bumili?" tinaasan niya ako ng kilay. I pursed my lips at nag-iwas ng tingin.
"Wala akong pera."
Totoo! I still don't have enough money to buy a car. Pero may pera ako para sa sarili ko. The money that I'm currently trying to save for my car is still not enough. Kailangan ko pang mag-ipon.
"Ibibili kita." Walang pag-aalinlangan niyang sinabi.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon. How can he just say that? Wala ba siyang pakialam na gagasta siya ng pera para sa babaeng hindi naman niya gusto? Plus, he doesn't need to! I can afford! Hintayin niya lang talaga akong makaipon!
"You can't do that." I said, trying to stop him from doing his ridiculous idea.
"And you can't keep on taking taxis."
"And you can't do anything about it."
Napasandal siya sa kanyang swivel chair nang dahil doon. I feel like he's losing his patience because I keep on refusing everything that he offers. Hinimas niya ang kanyang baba gamit ang kanyang index finger.
"Now I'm done here. I already got your signature so..." nag-isip ako ng idudugtong. "Bye."
Tumalikod ako sakanya at nagtungo na sa may pinto ng opisina niya. Medyo napatalon ako sa gulat nang mag-salita siya.
"Hihintayin kita at sabay tayong uuwi." He said. He sounds like he wants me to take that as an order and I should follow it.
Hinarap ko naman siyang muli at nginisian. "Good luck with that."
Good luck talaga! Kasi ngayon palang, uuwi na ako! Mag-aayos ako ng gamit at uuwi na ako para hindi kami mag-sabay! I can do my work at home. Bahala siyang mag-hintay dyan!
Ganoon nga ang ginawa ko pagkatapos kong umalis ng opisina niya. Ramdam ko ang pag-sunod ng tingin sa akin ni Regina. Siguro nagugulohan kung bakit ba ako nagmamadali.
E, 'yan kasing boss mo! Gusto akong isabay pauwi! Ayoko ngang mangyari 'yon!
Pagkapasok ko ng aking opisina ay agad kong inayos ang aking mga gamit. I grab everything that I needed for my work. Susubukan kong gumawa ng design ngayon. He said that I need to start conceptualizing now, right? Sige. Ganoon nalang ang gagawin ko.
I texted Kate and Wilbert to let them know what Benjamin told me a while ago. I need them to design a hotel. 'Yun kasi ang plano nilang gawin ngayon.
Kate:
Got it. Should I tell the others that we're going to have a meeting?
Me:
No meeting for now. Pauwi na kasi ako. Tsaka nalang.
Kate:
Okay.
Kinuha ko ang aking bag at tsaka isinukbit ito sa aking balikat. Pagkalabas ko ay nakita kong may kausap si Jona sa telepono. Inangat niya ang tingin sa akin at nagulat nang makitang mukhang handa na akong umalis.
"Ay, sir! Eto po at mukhang paalis na siya." aniya sa kausap.
My eyes widened. Tinuro ko sakanya ang telepono at tinanong kung sino iyong kausap niya.
"Sino 'yan?" I hissed.
Tinakpan niya ang telopono upang sagutin ang tanong ko.
"Ang asawa mo."
My mouth parted. I panicked. At bakit siya tumatawag kay Jona ha?!
"Ibaba mo 'yan!" utos ko sakanya.
"Uh... Sir," may sasabihin pa sana siya ngunit naunahan kong kuhanin ang telepono sakanya. Ako na mismo ang nagbaba noon.
"Pag siya ang tumawag, wag mong sasagutin."
"P-Pero, Kelsey, siya ang-"
"Wala akong pakialam. Anong sabi niya sa'yo?"
"Tinatanong niya kung umalis ka daw ba. E, sakto at lumabas ka at... mukhang paalis na kaya... sinabi ko."
Bumagsak ang balikat ko. Dismayado kong tiningnan si Jona. Mamaya maya pa ay lumapat ang tingin ko sa opisina ni Benjamin. He just got out from his office and now he's walking towards us! Fuck!
"Pag may nag-hanap sa akin sabihin mo wala ako." nagmamadali kong sinabi at Jona at tsaka sinubukang magmadali.
I tried to get away from him but I did not succeed. Fuck, heels! They're not useful especially when you're on the run to get away from someone!
Paliko na ako nang maramdaman kong may humawak sa palapulsuan ko. Hinila niya ako palapit sakanya at muntikan na akong tumama sa dibdib niya nang lumingon ako. Benjamin immediately raised a brow at me when I raised my gaze to him.
"Diba nga sabi ko sa'yo, sabay tayong uuwi?" aniya.
Lumunok ako. "E, diba nga... sabi ko... ayoko?"
His jaw clenched because of my answer. Medyo nawalan ng buhay ang mukha at mukhang nainis sa sinabi ko. Nilingon niya ang nasa gilid niya. Nagulat ako nang makita ko si Regina na nakatayo doon. She's smiling a little.
"Postpone the meeting. I'm going home."
Agad na tumango si Regina. My jaw dropped. He can't do that!
"You should go to the meeting!" sabi ko sakanya. "Regina, don't follow him!"
Isang tingin lang ni Benjamin sakanya ay agad niyang sinunod ito. Umalis siya sa harap ko upang ipaalam na walang meeting na magaganap ngayon.
I glared at him. "You can't do that!"
"I can. Now let's go home." Sabi niya at tsaka ako hinila patungo sa elevator.
Nakahalukipkip lang ako buong byahe. Bakit ba kasi napakakulit ng isang 'to? Pag sinabing ayaw, ayaw! Napakakulit, e!
"Nagpadala na ako ng pag-kain sa bahay kaya hindi mo na kailangang mag-luto."
Hindi ako sumagot. Bahala siyang kausapin ang sarili niya dyan!
Dumating kami sa bahay ng wala akong imik. Nang ipinasok niya ang sasakyan sa garahe ay nauna akong lumabas. Kinuha ko ang susi sa loob ng aking bag at nagmamadaling pumasok.
I was about to head upstairs nang magsalita siya.
"Hindi ka na kakain?" tanong niya. Nilingon ko siya at nakitang niluluwagan niya ang kanyang necktie.
I wonder who did that for him. Hindi siya magaling mag-ayos ng necktie niya diba? Was it Penelope? The thought made my blood boil. Medyo gumaan nga 'yung loob ko nang tinanong niya ako. Pero agad rin napalitan ang naramdaman nang dahil sa naisip ko.
"Mauna ka na. May gagawin pa ako." sabi ko at tsaka umakyat na sa kwarto ko.
The days went by quickly. On Friday night, my parents went here to visit me. Dismayado pa sila dahil hindi nila mahihintay ang pag-uwi ni Benjamin. My mother brought cupcakes that she baked for us.
They visit the company once in a while. They join the meeting sometimes pero madalas ay nasa socialite parties sila. Buti nga at nakahanap sila ng oras para bisitahin ako.
The day after my parents visited me, I went home early again. Eto kasing sila Jeya gustong pumunta sa bahay. Pinaunlakan ko naman dahil hindi ko na sila gaanong nakikita.
Agad akong sinalubong ni Jeya nang makita akong palabas na ng kompanya. I smiled when she crashed me into a hug.
"I missed you!" she exclaimed.
"I missed you, too!"
Ibinaling ko naman ang tingin kay Troy na nakasandal lang sa kanyang sasakyan habang nakahalukipkip at tinitingnan kami. He smiled a little.
Hindi na namin pinag-usapan pa ang sinabi niya sa akin bago siya umalis papuntang Europe. I don't want to bring that topic up because I don't want things to get awkward between us. Lumapit ako sakanya. Inalis niya naman ang sarili sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan upang salubungin ako.
"It's been a while, Kels." He smiled and opened his arms to hug me.
Mahigpit ko siyang niyakap. Oh, damn! I miss them so much! Work has hindered us so much to spend time with each other.
Agad kaming dumiretso sa bahay pagkatapos noon. Jeya can't stop on babbling about how good our house looks. Ngayon palang kasi sila makakapunta dito. Ngayon lang rin kasi 'yung araw na alam kong late uuwi si Benjamin kaya sinamantala ko na.
Oonga pala. Hindi na pinabayaran pa sa akin ni Benjamin ang bahay na ito. He shouldered all the expenses at naaalala ko pa ang hiya ko ng araw na iyon dahil wala man lang akong naimbag!
"Mala palasyo talaga ang kinuha ha? Princess Kelsey na Princess Kelsey ang datingan!" pang-aasar ni Jeya sa akin. Inirapan ko siya.
Pagkapasok palang ay hindi na matigil ang bunganga niya sa papuri sa bahay namin. She even said that she wishes to have a filthy rich husband like Benjamin! I toured them around a little and when I mentioned that Benjamin and I aren't on the same room, she got disappointed and even told me that we're the corniest couple!
After I toured them, doon na kaming nag-simulang mag catch up. Masaya kaming nag-uusap nang magulat kami nang biglang nagbukas ang pinto. We were surprised to see Benjamin home already. Akala ko naman mamaya pa siya uuwi!
Nilingon niya ang gawi namin bago niya isara ang pinto. Kahit siya ay mukhang nagulat rin nang makita na may bisita ako.
"Uh... Hi." Nahihiyang bati ni Jeya sakanya.
Tinanguan lang siya ni Benjamin bilang tugon. Sandali namang bumaling ang tingin niya sa akin at sa katabi kong si Troy. Naramdaman kong tinanguan siya ni Troy pero wala man lang ginawa si Benjamin para batiin siya pabalik.
Hindi siya nagsalita at nagdirediretso nalang sa pagkaayat papunta sa kanyang kwarto. Hindi na alintala pa sa akin iyong ginawa niya dahil normal na naman na hindi kami nagbabatian sa tuwing uuwi siya galing trabaho.
"Ang suplado naman ng asawa mo!" reklamo ni Jeya nang makaakyat na ng tuluyan si Benjamin.
Bahagya akong natawa at hindi na nagsalita pa. Pinagpatuloy namin ang usapan. Nang magreklamo naman si Jeya na nagugutom na siya ay agad akong tumayo.
"Ano bang gusto mo?" tanong ko. Sumandal siya sa sofa at sandaling nag-isip.
"Kahit ano. Basta masarap."
Nakita kong napailing nalang si Troy nang dahil sa sinabi ng kaibigan. I chuckled a little. Nagkibit ng balikat at tsaka tumango.
"Let me help," Troy offered.
"Hindi na, Troy. Ayos lang." I smiled reassuringly at him.
He nods his head. Dumiretso naman ako patungo sa kusina upang humanap ng pupwedeng ipakain dito kay Jeya. But then I remember my Mom brought us a cupcake yesterday.
Jeya is very fond of my mother's baking, kaya siguro ayos na iyon nalang ang ipakain ko sa gutoming si Jeya. Pinainit ko ang cupcake sa oven. Habang naghihintay namang matapos iyon ay nagtimpla ako ng juice para sakanilang dalawa.
I was busy mixing the juice when someone entered the kitchen. Nilingon ko ang bukana ng kusina para tingnan kung sino ang pumasok.
Saglit kaming nagkatinginan ni Benjamin bago siya dumiretso sa refrigerator. Naglabas siya ng isang pitchel ng tubig at tsaka kumuha ng baso sa cabinet sa likod ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago magsalita.
"Uh... sorry hindi ko nasabi na bibisita sila Jeya at Troy." Humarap ako sakanya. Nakita ko namang nilingon niya ako sa gilid ng kanyang mata.
Pinanood ko siya habang nagsasalin siya ng tubig sa kanyang baso. Agad akong nag-iwas ng tingin nang tuluyan na niyang itinuon ang pansin sa akin habang umiinom siya ng tubig. Humarap akong muli sa juice na tinitimpla.
Inubos niya muna ang tubig bago siya nagsalita.
"It's okay. You can bring people as much as you want." Sagot niya.
Ngumuso ako. Sinundan ko naman siya ng tingin nang magtungo siya sa lababo. The sink is just right in front of me. I pursed my lips before speaking again.
"Kumain ka na?" I asked curiously.
Maaga kasi siyang umuwi kaya hindi ko alam. Inangat niya ang tingin sa akin at tsaka nagkuyom ng bagang.
"Hindi pa." he answered coldly. My mouth parted.
"Gusto mo ipaghain na kita? May pagkain naman dyan-"
"It's alright. I can manage."
Dahan-dahan akong napatayo nang sinabi niya iyon. Okay, Kelsey. Stop trying so hard again, okay? Ayaw nung tao na may ginagawa ka para sakanya!
Kasabay naman noon ay ang pagtunog ng oven. Iniwan ko muna ng sandali ang tinitimplang juice para daluhan iyong cupcakes na ininit ko. Nilapag ko ito sa counter. Nakita ko namang tinitingnan ni Benjamin iyon.
"Kanino galing 'yan?" he asked, slightly irritated.
"Uh... galing kay Mommy. Dinala niya 'to dito kahapon."
Bumuka ang bibig niya at tsaka dahan-dahang tumango. I bet my mother already mentioned to him that they went to visit kaya siguro hindi na siya nagulat sa sinabi ko.
"Gusto mo ba?" tanong ko. Agad naman siyang umiling.
"Hindi na. Sa mga kaibigan mo nalang 'yan. Mauna na ako." aniya sabay lumabas na ng kusina.
Kinagabihan, habang gumagawa ako ng design para sa project ay nakita ko siyang bumaba. He's wearing a casual attire at mukhang aalis. He turns to me.
"I'm going out with Bradley and Charles. Isasama sana kita kaso mukhang abala ka dyan."
I licked my lips. He thought about bringing me? Why is that so surprising?
Tumango ako at ngumiti.
"Ingat ka," bahagya siyang nagulat sa sinabi ko kaya naman agad akong bumawi.
"Sa pagmamaneho." Habol ko.
He nods his head then he went on his way after that. I already expected that he's going to come home late today. Of course, he's in a night out with his friends. I'm sure they have a lot of catching up to do. Habang ako naman ay abala ako sa ginagawa kong trabaho.
I've been tasked to create a business proposal at kasabay naman noon ay ang pagcoconceptualize namin para sa project. I'm trying to come up with a design that hasn't been done before. I wanted this project to be unique. I also need to think of some materials that this project will need. And... maybe I'll just let Benjamin check if the materials that I chose are correct.
It's already dawn and Benjamin still hasn't come home. I don't have his friends' number that's why I cannot ask them. Tinext ko na rin naman si Benjamin kanina kaso hindi naman siya sumasagot.
I cannot sleep knowing that he's still not coming home. Dati naman nagagawa ko iyon pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko iyon magawa ngayon. I can't help but get worried.
It's already three o'clock in the morning and I'm still not done with my work! Kailangan ko na 'tong matapos ngayon. My father has to check it tomorrow. Kahit ba bumaba na siya sa kanyang pwesto ay sinisigurado niya paring alam niya ang nangyayari sa kompanya.
Kahit na Sunday bukas ay kailangan ko paring tapusin ito. I go to work even on Sundays, right? Kaya hindi ko pwedeng isabukas 'tong trabahong 'to. I need to finish this! Pero paano ko naman magagawa 'yun kung may bumabagabag sa akin?
I checked my phone for the hundredth time to see if Benjamin left a message but there's nothing! Baka kung ano na ang nangyari sa isang 'yun ah!?
At dahil hindi mapakali... napagdesisyonan kong itext si Tita Barbara.
Me:
Hi, tita! Sorry for disturbing you but I just want to ask kung umuwi po ba dyan si Benjamin? Kanina pa po kasi siya umalis at hindi parin nakakauwi ngayon. I'm just a little worried. Let me know if he's there. Thank you!
Nang masend ko naman iyon ay tsaka ko lang napagtanto na madaling araw na nga pala at imposibleng makakuha ako ng reply galing kay Tita Barbara ngayon. Maybe she's still sleeping.
Ugh! Damn it, Kelsey! You should've thought about that beforehand!
Nang hindi makayanan ay nagsend muli ako ng mensahe kay Benjamin. This is my tenth text to him! Kapag hindi pa siya nagreply, mag-iisip na talaga ako ng masama!
Me:
Where are you? Hindi naman mahirap sabihin kung nasaan ka na diba?
Aren't you going to come home? Sabihin mo lang! Para hindi ako nag-aalala dito!
I frustratingly put my phone down. Nasaan na kaya ang asawa ko ngayon? Hindi kaya naaksidente na 'yun?! E, ang sabi ko naman sakanya kanina ay mag-ingat siya sa pagmamaneho diba! Baka lasing na 'yon!
O di kaya... nasa motel at kumakalantaryo ng ibang babae ngayon! Tapos habang ako dito... nag-aalala at naghihintay para sa pag-uwi niya kahit na alas tres na ng umaga!
How stupid can you be, Kelsey? Bakit ka nag-iisip ng ganyan!
But that's possible, right? Posible siyang maghanap ng ibang babae siguro dahil nabobore na siya sa akin! He can no longer handle this marriage that's why he's looking for someone who can give him a lifetime pleasure that I couldn't give him.
Nakatulugan ko na ang business proposal na ginagawa ko habang hinihintay si Benjamin na umuwi. Nagising na lamang ako nang bumukas ang pinto. Agad akong nag-angat ng tingin upang tingnan kung sino ang pumasok.
Disappointment immediately went through me when I saw Benjamin entered the house with a woman. My mouth parted at the sight. Umagang umaga, Benjamin, at ito ang isasalubong mo sa akin!?
They were both laughing when they entered. Nakita kong napabaling ng tingin sa akin si Benjamin at nagulat nang makita ako. Nalipat naman ang tingin niya sa mga gamit na nasa harap ko. He looks hesitant when he brought his gaze back to the woman he went home with.
"This will only be for a while, Sandra. I still have some things to do." he said. Tumango iyong babae na hindi parin ako napapansin hanggang ngayon.
I pressed my lips into a thin line. How foolish was I to wait for him 'till dawn? Kung ganito rin pala ang sasalubong sa akin ay sana pala natulog nalang ako ng mahimbing at hindi na nag-aalala pa ng husto!
Baka naman nakakalimutan mo, Kelsey, he married you for business and not because he loves you. Kaya siguro ang nasa isip niya ay malaya siyang gawin ang gusto niya dahil sa papel lang naman kayo kasal diba?
Tsaka nalang ako napansin nung babaeng kasama niya nang biglang tumunog ang cellphone ko. She looks surprised to see that they have a company. Ineexpect niya sigurong masosolo niya si Benjamin ngayon.
Agad kong hinablot ang aking cellphone upang tingnan kung sino iyong tumatawag. Jona, my secretary, is calling me. At sa tingin ko alam ko na kung ano ang dahilan.
"Kelsey, your father wants to know if you already finished the business proposal? Hindi ka raw kasi sumasagot sa tawag niya kaya sa akin na ipinaabot ang mensahe."
"Uh..." nangapa ako sa sasabihin. Hindi ko pa iyon tapos! "Pakisabi nalang na malapit na. Hindi ko lang natapos kagabi dahil nakatulog ako."
"Hmm... sige. Sasabihin ko nalang kay Sir. Papasok ka ba ngayon?"
Ngumuso ako. I don't think I can go to work lalo na't wala pa akong maayos na tulog. Hinintay ko kasing makauwi 'tong si Benjamin tapos eto lang pala ang sasalubong sa akin. I checked the time on the wall clock. It's only six o'clock in the morning.
At tingnan mo nga naman 'tong hayop na 'to... ang aga-agang mag-uwi ng ababe!
"Titingnan ko pa, Jona. Sasabihan nalang kita agad kung papasok pa ako o hindi."
"Okay, sige. Salamat!"
Binaba ko rin naman agad ang tawag. Nilingon ko ang pinto at nakitang wala na sila sa dati nilang pwesto. I guess they're already in his room at ginagawa na ang bagay na dapat mag-asawa lang ang gumagawa.
Umiling nalang ako at tumayo na upang maghanda ng umagahan para sa aming tatlo. Napakabait ko talagang asawa noh? Kahit 'yung kabit ng asawa ko, pinaghahanda ko pa ng pagkain!
I prepared a breakfast for three. I even made coffee for Benjamin dahil napapansin ko na hindi niya kayang hindi uminom ng kape sa umaga. At least we have something in common.
I waited for them to finish what they're doing. Ininom ko muna ang kape ko habang nag-hihintay.
I was in the middle of finishing my coffee when I heard them going down the stairs. Binaling ko ang tingin sakanila. Nagulat naman si Benjamin nang makitang may nakahanda nang pagkain para sa amin sa lamesa.
Yes, I cooked breakfast for us because that's what wives are supposed to do, right?
"Kain na kayo..." aya ko sakanila.
Ngumiti ang babae sa akin at tsaka hinila na ang asawa ko pababa ng hagdan kasama siya. Benjamin did not tore his eyes away from me. Mangha parin siyang nakatingin sa akin. Ako na ang naunang mag-iwas ng tingin at pinanood nalang ang babae na maupo sa harap ko.
Alam kaya ng babaeng 'to na ang asawa ng lalaking 'to ang nasa harap niya? I bet not. Hindi naman ako tinuturing na asawa ng lalaking 'to kaya siguro hindi.
"Hi! I'm Sandra! You are?" tanong sa akin ng babae.
"Kelsey," I said simply.
Tumango siya at ibinaling niya ang tingin kay Benjamin na kakaupo lang sa hapag ngayon.
"Kaano-ano mo siya?" tanong nito.
Kita mo! Hindi niya alam!
Napaayos ako ng upo sa tanong niyang iyon. Ayokong ako ang sumagot niyan. Sinulyapan ko si Benjamin sa gilid ng aking mga mata at nakita ko ang paglunok niya bago tinangkang sagutin ang tanong ni Sandra.
Pero pinutol ko iyon bago pa siya makapagsalita.
"Excuse me..." I said at tsaka pumasok na ng kusina.
Doon ako naglabas ng malalim na hininga. Ang sakit diba, Kelsey? Bakit ka kasi nagmamahal ng lalaking hindi ka naman gusto? 'Yan tuloy ang napala mo!
Inubos ko ang kape at nagsalin ng panibago. I don't think I can go to work with three hours of sleep. Hindi ko kakayanin dahil sobrang nanghihina ang katawan ko.
Pagkabaling ko sa dining area ay wala na iyong babae. Nagulat naman ako doon. Did he kick her out? Ang natatanging natitira nalang doon ay si Benjamin na nakatingin na sa akin ngayon.
Lumapit ako sa lamesa at nilapag ang bago kong salin na kape.
"Nasaan na iyong babae?" tanong ko.
"Are you okay?" tanong niya at binalewala ang tanong ko. He moved closer to examine me.
Hindi ako sumagot at pinaglaruan lang ang tasa sa harap ko. Kung sasagutin ko iyan, hindi ako okay. Physically at mentally, pagod ako.
"Kelsey..." he called. Doon ko siya nilingon. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nasaan na kako 'yung babae?" medyo mataray ko nang tinanong ngayon. Isinandal niya ang sarili sa upuan. Alam niya sigurong hindi ko siya tatantanan hangga't hindi niya sinasagot ang tanong ko.
I laughed mockingly. "Or maybe... I should rephrase that question. Nasaan na iyong babae mo?"
His jaw clenched because I emphasized that question so much. "Kelsey, she's not-"
"Ano? Nasaan na nga?"
"Pinauwi ko na."
"Bakit? Okay lang naman sa akin na nandito siya ah?!"
"Pero sa akin hindi. I will not let her stay here."
Tinaasan ko siyang muli ng kilay. "Bakit? Ayaw mong nakikita ko kung sino ang babae mo?"
Bumagsak ang balikat niya. He tried to reach for my hand pero agad kong iniwas iyon. My heart is hurting from all the pain that I felt today by seeing him come home with another girl.
Ano, Kelsey? Mahal mo parin?
"Hindi ko siya babae at wala kaming ginawa na kahit ano kanina. We are just in my office-"
"Wala akong pakialam kung may ginawa kayo o wala. You don't need to explain." Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Huhugasan ko na iyong mga ginamit ko kanina bago ko ipagpatuloy ang pag-tapos sa naalintala kong pag-gawa ng business proposal.
Hindi ko naman namalayan na sinundan niya pala ako papasok doon.
"I saw her at a coffee shop while I was on my way home. She's interested with our product at dinala ko rito sa opisina ko para mapag-usapan namin ng maa-"
"I said you don't need to explain!" I almost shouted. He looks taken a back. Pero hindi siya natinag. Pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.
"We didn't do anything inside my office, Kelsey. We just talked. I told her that you're my wife and that she needs to leave. Nagmamadali akong umuwi dito dahil alam kong nag-aalala ka-"
Binagsak ko ang kawaling hawak ko nang dahil sa inis. I turned to him angrily.
"Wala na akong pakialam, Benjamin. May ginawa man kayo o wala, wala akong pakialam!"
"Come on, Kelsey. I'm trying to make this work." he begged.
"You don't have to! You know we don't work!" his mouth parted. "So stop trying to make an effort to make this work because it won't."
Natahimik siya ng dahil doon.
Lies, Kelsey, lies! You know how much you want for this marriage to work out kaya bakit ka nagsisinungaling ngayon?
I bit my lower lip at tsaka nagpakawala ng malalim na hininga. Tinapos ko ang ginagawa at tsaka hinugasan na ang kamay. Pagkatapos noon ay nilagpasan ko siya at kinuha na ang mga gamit ko sa living room. Umakyat ako sa kwarto ko at doon ko na tinapos ang trabaho ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top