Chapter Twenty-Six

Song: The Last Time (Taylor's Version) - Taylor Swift ft. Gary Lightbody

Dance 

Many things have happened for the past few months. Ilang linggo matapos makabalik ni Brittany ay nabalitaan naming nagvolunteer siya para sa isang medical mission sa Afghanistan. Her parents were very surprised when they heard the news.

Even Benjamin was very surprised, that's why he immediately rushed to their house when he heard the news. May ginagawa akong paper works noon nang nagmamadali siyang lumabas ng bahay namin. Nagtaka ako.

Is there an emergency?

Siguro kung hindi pa ako nakatanggap ng text sakanya ay iisipin kong mayroon ngang emergency. I sighed in relief when I read his message.

Benjamin:

Uuwi lang ako sa bahay namin. Brittany volunteered to go to Afghanistan. Papagalitan ko lang.

Oh, how protective...

I bit my lip. I wasn't expecting that he's going to tell me the reason why he was rushing to go out. I mean... he doesn't need to inform me?

I was quietly listening as they talked about Brittany's departure a while ago. Benjamin's parents invited us over for a dinner after they dropped Brittany off.

Nagulat na nga lang ako kanina nang makasalubong ko si Benjamin sa opisina dahil ang alam ko kasama siya sa pag-hatid kay Brittany. Hindi niya naman ako napansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo ng conference room.

"Emergency meeting, Ma'am..." medyo napatalon pa ako nang marinig kong may nagsalita.

I turned to the person and saw Regina. She smiled at me. Napansin niya siguro na sinundan ko ng tingin si Benjamin.

"Someone withdraw their shares daw po kaya biglang may meeting."

Kumunot naman ang noo ko. Bakit hindi ko alam? I'm part of the board members, why aren't they informing me?

"I didn't know about that."

Nagulat naman siya nang malaman niya iyon.

"Hindi po ba nabanggit sainyo ni Jona?" Umiling ako. "Naku! Hahayaan ko nalang po kayong mag-usap tungkol dyan. Mauna na po ako."

Matapos 'yon ay dumiretso ako patungo sa aking opisina para kausapin si Jona.

"May nag-withdraw daw ng shares at may meeting ngayon? Bakit hindi mo sinasabi?" Bungad ko sakanya.

Napaangat naman siya ng tingin at medyo kinabahan.

"E, kasi bilin ng asawa mo na wag ko nang ipaalam sa'yo. Baka daw mastress ka, lalo na't kakagaling mo lang daw sa sakit."

My mouth parted. He said that?

"Ang sabi niya pa, hayaan mo nalang daw siya na gumawa ng solusyon para don sa problema." Dagdag niya.

Umangat ang kilay ko. Ayokong ipahalatang nagulat ako sa sinabi niya kaya naman ay agad kong binawi ang postura.

"E, sino ba ang boss mo? Bakit mas sinusunod mo siya?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napaiwas naman siya ng tingin.

Halos sa ilang taon kong nakatrabaho si Jona, ngayon ko lang talaga siya natarayan. At dahil pa sa lalaking 'yon! Wow! Iba talaga!

"May punto naman kasi si Sir Benjamin, Kelsey. Mas mabuti pa ngang wag ka munang magpastress ulit."

Bumagsak ang balikat ko. It's not like I'm going to die if I go to that meeting?
"Kung gusto mo... sabihin ko nalang sakanila na gusto mo ring dumalo sa meeting-"

"Ah, hindi na! Okay na. Salamat nalang." Agad kong pinutol ang sinabi niya.

Hindi ko na tatangkain pa baka mag-away lang kami ni Benjamin dahil dito. Ayoko namang mangyari 'yun.

Mapaglarong ngumisi si Jona. Umirap ako at tuluyan nang pumasok ng opisina ko. Inabala ko nalang ang sarili sa pagtapos ng mga naantala kong gawain noong linggo na nagkasakit ako.

I was in the middle of doing all those things when I received a call from Benjamin's mother. Agad ko namang sinagot iyon.

"Kelsey!"

"Hi, Tita."

Though she already asked me to address her as 'Mama', I just don't really get comfortable whenever I address her that. Sa tingin ko naman ay naiintindihan niya iyon.

"Are you free tonight? Gusto sana naming sumama ka sa dinner mamaya. We already asked permission from Benjamin. Ang sabi niya, mas mabuti daw na sa'yo na manggaling ang sagot dahil ayaw niya daw pangunahan ka."

Bumuka ang bibig ko nang dahil doon. Saglit akong hindi nakasagot dahil hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Tita Barbara.

"Uh... p-pwede naman po."

"Really? That's great!" she exclaimed with an extremely happy voice.

Kaya heto kami ngayon. Nakaharap sa hapag kasama ang mga magulang ni Benjamin.

"I can't believe our daughter left again. But this time, it's because of love!" Ani Tito Francisco. Benjamin chuckled beside me.

"You know Brittany, Dad. She'll do anything for love."

"Sana ganon ka rin, Benj!" Tita Barbara joked. Muntikan ko pang maibuga ang juice na iniinom ko nang dahil doon.

Benjamin shifted uncomfortably on his seat. Kunot noo niyang tiningnan si Tita Barbara.

"What do you mean, Mom?"

"I mean... daig ka pa ng kapatid mo. Hindi pakipot."

I saw Benjamin rolled his eyes at his mother.

"Ha-ha!"

Ngumisi naman si Tita Barbara at tsaka ako tiningnan. I shyly tore my eyes away.

"But really... I still can't believe she's involved with the younger Ventura! Inilakad ba siya nila Margaux kay Kiel kaya sila nagkamabutihan?"

Benjamin shrugged his shoulders. "I don't think so. Maharot kasi si Brittany noong kasal ni Margaux at nagustohan agad si Kiel kaya ayun."

Ngumisi si Tito Francisco. He looks really pleased.

"May susunod na naman atang ikakasal sa mga anak ko."

Mula sa pag-alis at pag-balik ni Brittany sa Afghanistan ay iyon lang lagi ang bukam bibig ni Tito Francisco. He's been very vocal about his feelings towards Brittany and her lover. Minsan hindi rin niya maiwasan ang pagiging totoo kaya nagugulat nalang kami sa mga pinagsasabi niya.

"Baka nga kayo na ni Kiel ang makakapagbigay sa amin ng apo! Medyo mabagal kasi itong si Benjamin, e."

"Dad!" pag-suway ni Benjamin sa kanyang ama.

Napainom nalang ako ng tubig nang dahil doon. Nong isang gabi, ganito rin ang sinabi ni Mommy at Daddy noong nagdinner kami sa bahay. Hindi talaga nila matikom ang kanilang bibig tungkol sa pagkakaroon nila ng apo! I mean, dapat alam nila na hindi naman ako required na magpabuntis kay Benjamin dahil lang kasal kami.

Again, this is just an arranged marriage. This does not involve having a family together.

Kiel and Brittany just announced that they're engaged. Ipinakita pa sa amin ni Brittany iyong singsing na binigay ni Kiel sakanya. I smiled a little at tsaka sila tinitigan.

It somehow pained me to see a relationship that I know I'll never have. Brittany's fiancé pulled her closer to him to press a kiss on her head. She beamed at him. Mukhang masayang-masaya.

Sana... ganyan rin kami kasaya noong iannounce na engaged kami ni Benjamin. Sana ganyan rin ako kasaya noon. Ibang-iba kasi ang nararamdaman ko noong oras na iyon, e. Pinaghalong sakit at galit.

I didn't realize that I was already staring too much at them. Napaiwas nalang ako ng tingin nang marinig kong umubo si Benjamin. Napabaling ako ng tingin sakanya.

He raised a brow at me at tsaka ibinaling ang tingin sa fiancé ni Brittany. His forehead creased a little. Hindi ko nalang siya pinansin. What's up with him?

"So, when are you planning to get married, hijo?" Tita Barbara asked.

"As soon as possible, Tita. I'll be leaving for Afghanistan again in a few months. Gusto ko po sanang maikasal na kay Brittany bago ako umalis." He smiled. He seemed really sure of his answer.

Buti pa sila... siguradong gusto nilang pakasalan ang isa't isa. Hindi kagaya namin. Pinilit lang.

Lumunok ako at iniwas na ang tingin sakanila. Baka kung magpapatuloy ako sa pagtitig sakanila, mamatay nalang ako sa inggit.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Mamaya maya pa ay nagulat nalang ako nang maramdaman ko na ipinatong ni Benjamin ang kanyang braso sa likod ng upuan ko. Nilingon ko siya ulit at nagtataka siyang tiningnan.

Sa halip na mag-iwas ng tingin ng maayos ay umirap lang siya sa akin. Wow! Sungit ah?

I noticed that the newly engaged couple are now staring at us. Brittany's fiancé smiled a little at me, I returned the smile. Habang si Brittany naman ay sinusubukang wag mapangiti at mapag-asar nalang na tiningnan ang kapatid.

Naramdaman kong nilingon ako ni Benjamin kaya kuryoso ko ring ibinaling ang tingin sakanya. He's giving me a cold stare and I immediately felt that he's annoyed. Ano na naman ba ang ginawa ko?

The couple immediately planned for their wedding. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Ilang araw palang naeengage pero panay na sa pagasikaso para sakanilang kasal.

As much as I wanted to leave, I need to stay. Benjamin's parents keeps on initiating for us to stay for a while. May gagawin pa sana ako pero siguro mamaya nalang iyon.

Patagilid kong isinandal ang sarili sa glass door habang tinititigan sila Brittany at Kiel kasama sina Tita Barbara at Tito Francisco na nagpaplano na para sakanilang kasal.

Naalala ko noon na ganito rin sila kausisi noong nagpaplano kami ni Benjamin para sa kasal. I know they also have ideas pero hindi nalang nila isinasatinig dahil siguro ayaw na nila kami pilitin pa sa mga bagay na gayaw naman naming gawin.

Letting us do what we want for the wedding is the least they can do after they forced us to marry each other.

"Gusto mo 'yon?" a cold baritone voice asked behind me. Nilingon ko ito.

Bumungad si Benjamin na naglalakad na patungo sa tabi ko. He's holding a glass of water. Uminom siya doon habang tinitigan ang mga tao sa may garden. I watch as his adam's apple went up and down as he drank his water. Sandali akong natigilan.

Napaayos nalang ako ng tayo nang tinaasan ako ni Benjamin ng kilay. Kumunot ang noo ko.

"Ang alin?" nagtataka kong tinanong.

"Si Kiel. Gusto mo?" he asked bitterly. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko.

Seriously? What's up with him?

"Oo naman!" I answered like it was the obvious. Tuluyan akong nilingon ni Benjamin at tsaka ako niliitan ng mata habang nakakunot ang noo.

"Para kay Brittany..." Pag-bawi ko.

Nagbago naman ang ekpresyon niya nang sinabi ko iyon. He nodded pleasingly.

"Gwapo ba?"

Gusto kong matawa nang dahil sa tanong niyang iyon. I don't really know why he's suddenly asking me these questions. Sa tingin niya ba may pagtingin ako kay Kiel dahil lang nahuli niya akong nakatitig sakanya kanina?

Oh, please!

I chuckled lightly before I answered his non-sense question. Kahit naman sabihin ko na gwapo nga, sa tingin ko wala paring papantay sakanya.

"Pwede na."

Napansin ko namang pinilit ni Benjamin na magtago ng ngiti. Lumunok siya at ang kunwaring seryoso ulit.

"Hindi sobrang gwapo para sa'yo?"

Hindi ko na naiwasan pang mapangiti na nang tuluyan sa tanong niya. Bakit ba sobrang kuryoso siya sa kung ano ang tingin ko kay Kiel? Ano bang meron?

"Paulit-ulit?" I asked teasingly. He only shrugged his shoulders. "Bakit ba?"

"Nagseselos ka?" gusto ko sanang iduktong kaso ayoko namang isipin niya na feelingera ako kaya nanahimik nalang ako at hinintay ang kanyang sagot.

"Wala naman. Curious lang."

I can't help but laugh at his stupid answer. Seryoso ba siya? He's so weird.

Nang dahil sa sobrang pagtawa ay hindi ko na napansin pang natitig na pala sa amin iyong mga tao sa labas. Tita Barbara smiled sweetly at us, she seems happy. Ganoon rin si Tito Francisco. Habang ang dalawa naman ay mapaglarong nakangisi sa amin. Lalo na si Brittany.

"Uyy!" pang-asar niya.

Napansin kong natawa naman si Kiel doon kaya naman ay inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ni Brittany upang may ibulong dito. Brittany bit her lip and chuckled.

Hindi ata nagustohan ni Benjamin iyong pag-aasar sakanya ng kapatid kaya bumalik na naman siya sa pagiging suplado. He childishly strides towards the group at iniwan ako doon.

May kung anong sinabi si Brittany kay Benjamin. Sa tingin ko inaasar na naman siya.

"Come on, hija! Join us!" pag-aya ni Tita Barbara. Umiling ako.

"Hindi na po, Tita. Okay lang po." Sagot ko.

Tumawag naman sa akin sila Mommy pagkatapos noon kaya may pinagkabalahan pa ako. I told them about Brittany's engagement at sinabi nila sa akin na ako na mismo ang mag-abot ng pag-bati nila para sakanila.

My parents asked how I was. Ipinaalam rin nila sa akin na may balak silang mag out of the country next month. Maybe to unwind. Naiintindihan ko na naman. Matanda na sila at alam kong gusto nilang magkaroon pa lalo ng oras para sa isa't isa.

They asked me to join them but I declined. Wala kasing sasalo ng trabaho ko. At bukod pa don, hindi ko rin naman kayang iwan. Ayokong iasa sa ibang tao ang mga bagay na kailangan ako ang gagawa. Naintindihan naman nila iyon.

Hindi na rin ako nagulat pa nang ipinalaam nila sa akin na baka isang buwan silang magbabakasyon. Mukhang sinusulit, e.

"Siguro pagkatapos nalang ng birthday ng lolo mo at ng kasal ni Brittany kami aalis ng Daddy mo. We want to attend that wedding! I'm sure it's going to be spectacular!" my mother exclaimed happily on the other line.

"Saan niyo po ba balak magpunta?"

"Some parts of Europe. Your dad and I wanted to explore more about the European culture. Matagal na rin kasi naming iyong pinaplano. Bago pa kita ipanganak, plano na talaga namin ng Daddy mo iyon."

I smiled. Akalain mo nga naman at tanda pa nila ang mga plano nila kasama ang isa't isa! And I'm really happy because they're finally doing that plan after years of waiting.

"Ganoon po ba? Gusto niyo po sagot ko nalang-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin pero agad naman akong kinontra ni Mommy.

"Hindi na! Kaya namin ng Daddy mo!"
Hindi na ako sumagot pa. Alam ko namang hindi rin ako mananalo sakanila pagdating dito, e. Binabawian siguro ako matapos ang ilang beses kong pagtanggi sa mga offer nila.

"Okay, Mom..." sabi ko at tuluyan nang bumigay sa gusto niyang mangyari.

"Hija, wag mong kakalimutan ang birthday ng lolo mo ha? It's only two days from now. Imbitahan mo rin sila lalo na si Benjamin."

Napahilot ako ng sentido nang dahil doon. Knowing my family... they'll definitely get curious if Benjamin is not with me on my grandfather's birthday.

"Yes, Mom. I'll tell them about it."

"It's just a simple brunch. Ayaw na rin kasing bonggahan ng lolo mo."

I nod my head. My grandfather is definitely not a big fan of parties, but his children are. Wari ko, sila na rin ang nagpumulit kay Lolo na magkaroon pa ng handa para sa birthday niya.

Natapos ang usapan namin nang may kinailangan nang ayusin si Mommy. Napansin ko namang tapos na rin sa pag-uusap ang pamilya ni Benjamin kaya kinuha ko na itong oportunidad para sabihin sakanila ang tungkol sa pag-imbita sakanila ni Mommy sa birthday ni Lolo.

Tita Barbara turned to me and smiled when she saw me heading towards them. Agad niya akong hinila palapit sakanya.

"Uhm..." I started. Ngumiti ako sakanila.

Nakita ko namang itinuon na rin ni Benjamin ang pansin sa akin matapos niyang makausap ang dalawang bagong engaged.

"My... grandfather is turning eighty two days from now. He's having a simple party at his home and my Mom would like to see you all there."

"We're definitely going!" ani Brittany, pinangunahan na sa pagdedesisyon ang mga magulang. Kiel chuckled.

Natawa rin si Tita Barbara at agad namang sinaangayunan ang sinabi ng anak. "We'll be there, hija. Don't worry."

I nod my head. "Siguro, sumabay nalang po kayo sa amin para mas madali?"

"Naku! Tanungin muna natin 'tong asawa mo!" Si Tito Francisco.

Lahat naman kami ay bumaling ng tingin kay Benjamin. I softly look at him while he looks at me with a cold expression. Bumaling siya kay Tito Francisco at tsaka tinaasan siya ng kilay.

"What?"

"Okay lang ba sa'yo na sumabay kami sainyo?"

"Bakit naman po hindi-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil naunahan na ako ni Benjamin.

"As long as it's fine with her, then it's okay with me."

"'Yon naman pala, e!" Brittany laughed. She teasingly turn to her brother while Benjamin looks at her with a bored expression. Hindi na pinatulan pa ang kapatid.

It was an awkward car ride when we were going towards my grandfather's birthday celebration. I felt like everyone's eyes on the back seat are on us, silently watching Benjamin drive while I silently sit on the shotgun.

What made it more awkward is that I noticed that they're anticipating for something to happen every time I try to shift from my seat. Parang aayos lang sa pag-upo may mangyayari na?

"He's so boring." I heard Brittany whispered. Tumaas ang kilay ko. Patagilid ko namang tiningnan si Benjamin at nakitang umirap siya.

"I heard that, dumbass."

"Whatever!"

Nakahinga nalang ako ng maluwag nang dumating na kami sa paggaganapan ng birthday ni Lolo. Agad kaming sinalubong ng ibang kamaganak at nagagalak silang makita ang pamilya ng asawa ko.

Agad akong dumiretso papunta sa pwesto ng Lolo at Lola ko. Patungo palang ako sakanila ay nakangiti na agad sila sa akin.

I hugged them both tight. Ang huling kita ko sakanila ay noong kasal ko pa. We rarely had a chance to visit them since we are all so busy.

My grandfather giggled. "Oh... hija!"

"Happy Birthday, Lolo." I smiled at him at tsaka hinalikan ang kanyang pisngi. I hugged him again.

Sunod ko namang sinalubong ang Lola ko. Nang umalis ako sa pagkakayakap ay agad niya akong tinanong kung nasaan ang asawa ko.

"Uh..." hahanapin ko na sana siya sa dagat ng tao nang magulat ako na katabi ko na pala siya. Ngumiti siya kay Lola.

"Good afternoon po!" bati niya at tsaka nagmano kay Lola. Umatras ako upang bigyan siya ng espasyo para batiin ang Lolo't Lola ko.

Humalik sakanya si Lola at tsaka siya nginitian nito.

"I'm really glad to see you again." Anito. Benjamin smiled.

For some reason, that made me smile, too. I can't help but admire the scene in front of me. My family really admires him. Gustong-gusto nilang makita si Benjamin lagi sa tuwing bumibisita kami.

Sometimes they'll ask about Benjamin first before they ask about me. Bumaling naman siya kay Lolo at tsaka nagmano.

"Happy birthday, po!"

"Maraming salamat, hijo!" Nagagalak na ngumiti si Lolo sakanya.

"Sapat na birthday gift mo na sa akin na bigyam ng anak 'tong apo ko." Dagdag niya at tsaka tumawa.

Agad namang namilog ang mga mata ko nang dahil doon. Why do they keep on pressuring us about his matter?!

"Lo, naman!" I nervously laugh. Nilingon ko naman si Benjamin at nakitang mukha namang hindi alintala sakanya iyong sinabi ni Lolo.

"Biro lang. Alam niyo, makakapaghintay pa naman 'yan, e. Mabuti pang bigay niyo muna ang oras niyo sa isa't isa bago kayo tuluyang magdesisyon na bumuo na ng pamilya."

Lumunok ako. E, wala nga kaming oras para sa isa't isa dahil puro lang kami trabaho. At tsaka wala naman kaming napapagusapan na tungkol doon.

I don't think we both even have plans on our future together. Baka kasi hindi rin tumagal kaya... baka masayang lang 'yung plano.

Sinalubong naman kami ng ilang kamaganak. Nagkaroon ng kaunting pag-uusap hanggang sa inihain na ang lahat ng hinanda para sa kaarawan ni Lolo.

Iginiya siya ni Tito Robert patungo sa gitna ng hapag. Si Lola naman ay pumwesto sa tabi niya.

"I am very grateful to everyone who came to celebrate my birthday with me. It's good to see that my family is complete. My grandchildren are alsp here and I am very glad. Thank you so much!" Ani Lolo.

Ngumiti ako. Pumalakpak naman kami at tsaka umupo na sa kani-kaniyang pwesto. Tumabi sa akin si Benjamin at Brittany. Habang ang katapat ko naman ay si Mommy, Daddy at sila Tita Barbara.

My mother and Tita Barbara are talking to each other non-stop. Habang si Daddy at Tito Francisco naman ay nakikipagusap sa iba pa naming kamaganak.

Sa sobrang pagpasada ng tingin sa buong hapag ay hindi ko na napansin pa na nilagyan na pala ako ni Benjamin ng pagkain sa plato ko. Nagulat ako.

He's been acting really weird since the last few days. Up until now, I still don't know what's up with him. Tumigil siya sa pag-lagay at tsaka ako sinulyapan.

"Tama na ba 'yan?" tanong niya.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay bumaba lang ang tingin ko sa mapupula niyang labi. I gulped.

Anong tinitingin-tingin mo dyan, Kelsey, ha?

I blinked so many times when I realized where I was staring.

"Uh... O-Oo." Nag-iwas ako ng tingin. I heard someone chuckling beside me.

Nilingon ko ito at nakitang nakatingin na sa amin si Kiel at Brittany. Kiel has a ghost smile on his lips while Brittany keeps on chuckling.

"I'm sorry. I can't help it. But you guys look really cute!" Brittany exclaimed.

Ngumiti ako at umiling nalang. Pabibo siguro 'tong Kuya mo at nagpapakitang gilas sa harap ng pamilya ko.

That thought made me smile. Paano kaya kung totoo? Oh, I couldn't imagine what's on his mind.

Tahimik akong nagsimula sa pagkain. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Brittany upang may ibulong sa aking tainga.

"I knew my brother tends to be clingy at times." She whispered.

Ibinaling ko naman ang tingin sakanya at tsaka siya tinaasan ng kilay. "Huh?"

"My brother... I've seen him with so many girls. And I gotta say, he tends to be really clingy. At nakakadiri 'yon para sa akin. But it looks like girls fall more in love with him when he does that."

Bumuka ang bibig ko at naghanap ng pwedeng sabihin pero mukhang naputulan ata ako ng dila.

"Kaya ingat ka... baka ma-in love ka kung ipagpapatuloy niya 'yan." Mapang-asar siyang ngumisi sa akin.

"Brittany, I..." didipensahan ko sana ang sarili na imposibleng mangyari 'yon pero hindi ko nagawa.

In love na kasi, e. Bakit pa magiging defensive? Aminado rin naman ako na malaki nga ang epekto sa akin nung ginawa ni Benjamin. At kung ipagpapatuloy niya pa 'yon... baka magaya rin ako sa mga babaeng nahumaling sakanya.

I shrugged the thought off. Hindi ko hahayaan ang sarili na magaya sa mga babae ni Benjamin. Iyong tipong hindi makaget over sakanya. Kagaya ni Candice, Sandra, Penelope at marami pang iba!

Lahat na ata ng mga babaeng hindi parin siya magawang kalimutan ay nakilala ko na! Personally to be exact! Ipinakilala na ata ako ni Benjamin sa mga kacosa ko in the future.

Pagkatapos kumain ay nagkaroon ng kaunting kasiyahan. My grandfather is a big fan of dancing. Gustong-gusto niya iyong may isinasayaw siya sa paborito niyang kanta.

Una niyang inaya sa pag-sasayaw si Lola. I can't help but smile as I watch them dance with each other. It's good to see a love that will never get old. Iyong tipong siguradong sila na talaga ang magkasama habang buhay.

Tumatawa si Lola habang iniikot siya ni Lolo. Lolo grabbed her by the waist again at tsaka siya hinalikan sa pisngi. Naghiyawan sila Tito. I smiled.

I hope someday... we'll learn how to be like those people in front of us. Iyong tipong hindi sila nahihiya na ipagsigawan na mahal nila ang isa't isa. It may take time; it might take years, months, or centuries. But if it's meant to be, it will find a way.

But if we won't... then I'll be okay with it. Siguro hindi lang talaga kami nakatadhana para sa isa't isa kung ganoon. Hindi na namin kasalan 'yon. Maybe destiny doesn't work on us.

Pagkatapos niyang isayaw si Lola, hinanap niya naman si Mommy. Nagsunod-sunod pa iyon hanggang sa ako na ang inaya ni Lolo. I gladly accept his hand.

"My beautiful granddaughter..." he whispered. Ngumiti ako at tsaka siya niyakap.

We started moving to the rhythm. I closed my eyes to feel this special moment with my grandfather.

"Sana masaya ka..."

I bit my lip. "Masaya naman po ako, Lolo, e."

"Inaalagaan ka naman ba niya?"

Tumahimik ako ng sandali at inalala ang lahat ng pag-aalaga na ginawa sa akin ni Benjamin. He may not always show that he cares for me but I know he does. Secretely. Lalo na noong nagkasakit ako.

I remember falling asleep with no blankes on, pero kinabukasan nagising ako nalang ako nang may nakabalot na sa aking kumot.

I remember falling asleep on the couch, pero nagising ako nasa kama ko na ako. Naalala ko noong oras na lumiban siya sa trabaho para lang masiguro na maayos ang kalagayan ko. Naalala ko rin iyong isinugod niya ako sa ospital at kung paano siya magalit sa nurse noon dahil walang dumadating na doktor.

Kung wala talaga siyang pakialam sa akin, hindi niya gagawin ang lahat ng 'yon. At para sa akin... sapat na 'yon. Hindi na ako hihiling ng mas higit pa. Tatanggapin ko kung ano lang ang kayang ibigay sa akin ni Benjamin.

"Oo naman po."

"Masaya ako kung ganoon."

I smiled again. Pinabago ni Lolo iyong kanta sa mas masaya. Inalis ko ang sarili sa pagkakayakap kay Lolo. My grandfather showed me his moves which made me laugh. He offered his hand to me again at tinanggap ko naman muli iyon.

The entire time I was dancing with my grandfather all I could feel is so much happiness. I'm happy that I get to have this moment with him.

Inikot niya ako at hinila muli palapit sakanya. I hugged him again.

And the day ended beautifully.

Brittany and Kiel managed to prepare for their wedding for two months. Dalawang buwan nilang pinaghandaan pero mukhang isang taon dahil sa napakaganda na ayos na ginawa ng wedding coordinator nila.

We are just patiently waiting for Brittany to arrive now. Marami silang inimbitahan. Balita ko ang iba dito ay mga kaibigan pa nila mula sa Amerika.

Tiningnan ko si Kiel na mukhang kabado. His older brother keeps on teasing him habang ang nanay naman nila ay patuloy silang sinasaway. Natigil lang nang narinig ko nang tumugtog ang wedding song nila.

Lahat ng atensyon ay napabaling sa bukana ng simbahan. Katabi ko si Felicity at kitang kita sakanya ang pagkaexcited.

"Oh my god! I can't wait to see her!" she exclaimed. Sumangayon ako.

"Me, too."

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng simbahan. And there... the breathtaking Brittany Donovan welcomed our sight. Ngumiti agad siya sa mapapangasawa.

Hindi ko magawang ngumiti lalo na't bumalik ang lahat ng alaala ko noong kasal namin ni Benjamin. I don't remember feeling like this.

I was sad, broken, and devastated. Ni hindi ko magawang ngumiti ng totoo ng mga oras na iyon. I remember Benjamin's expression while he was watching me walk down the aisle. Malayong-malayo iyon sa itsura ni Kiel ngayon.

Kiel's looking at his bride with so much adoration. He looks really sure that he really wants to marry her. He even teared up while watching her.

Ganoon ang iniimagine kong itsura ng mapapangasawa ko sa kasal namin. Pero iba ang binigay sa akin.

Napabaling ang tingin ko sa gawi kung nasaan si Benjamin. He's just watching his sister happily. A small smile curved on his lips as his sister reached out for her soon-to-be husband's hand.

I wonder if the sight in front of him made him remember our wedding day? I bet not. May oras pa ba siyang isipin iyon? Sa tingin ko mas iniisip niya ang kasiyahang nararamdaman para sa kapatid.

Inalis ko ang tingin sakanya at mas ibinaling nalang ito sa dalawang ikakasal na ngayon.

"Let me just catch my breath for a while. It's still hard to believe this is real. I am marrying my true love, my heart's desire, and my life." Kiel started his vow. Ngumiti ako. "Brittany, when you walked into my life... love... walked in, too. You are the hope that I keep on looking for during the years that I was lost. Because of you, I believed in love again."

Wow! That was just beautiful. I wonder how it felt to hear those from the person you love.

"Brittany, the years will come and go. But I promise that I will never forget to show you how much I love and cherish you. You are my guide to love. My every wish, and the person I want to grow old with. I promise I won't take you for granted. I promise that you will laugh a lot with me. I promise to love you.

"To be your hearth, to keep a flame alive for you in my heart. I promise you my unconditional love, tenderness, and undying devotion, to not ask you to be more than you are, and to love you for being you. I love you with all my heart, Brittany, and I hope we'll grow older and wiser together."

Hindi ko magawang mapangiti muli nang dahil doon. I didn't feel any happiness for them. But instead, I felt envious.

Envy because they get to experience the wedding that I've been dreaming of. Envy because they didn't have to force themselves to say this. Lahat ng iyon galing sa puso nila.

A tear streamed down my face. Kung ang iba naiiyak rin dahil masaya para sakanila, ako naiiyak nang dahil sa sarili ko.

I didn't have to get envious of this, right? May kanya kanya kasi tayong tadhana, e. Swerte sila at iyong gusto nilang mangyari ay natupad. 'Yong akin kasi hindi.

Acceptance. That's the answer, they said. Pero ang hirap gawin kung hindi mo mapigilan ang sarili na ikompara ang relasyon na meron ako kay Benjamin sa relasyon ng iba.

"Kiel, together you and I, will make one, one world, one universe of love, ever growing, ever expandin―perpetually and inexorably," Brittany started her vows. "Love is to give and take. You gave me all your heart and now it's my turn to give you mine."

Yumuko ako. I took a deep breath and took all the courage to stop myself from feeling so envious of this. It's stupid. Nakamamatay ang inggit.

"But most importantly, I love that you are so close that even when I'm at my worst, you have never made me feel like you want anything but to be close to me. Now, I'm giving you this vow to promise and love you as you love me. Through all the hardship, darkness, and pain to reach for our joys, our hopes, and always with honesty and faith."

Nang oras na iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili na mapabaling ang tingin kay Benjamin. He's got the same expression as me. The happiness he has a while ago is gone now. He's watching the two share their vows seriously.

Ang katabi niyang si Dominic at Aiden ay nakangiti habang pinakikinggan ang dalawa na magpalitan ng pangako para sa isa't isa.

Nagulat nalang ako nang bumaling na rin ang tingin niya sa akin. My mouth parted. Hindi agad ako nakapagiwas ng tingin sakanya. His jaw clenched.

I wonder what he's thinking while he's watching the scene in front of him. I closed my mouth and looked away.

I was surprised to see Mr. Soliven at the reception. Nakangiti niya kaming sinalubong ni Benjamin. He introduced me to some of the people around Mr. Soliven. Sumali naman sila Tita Barbara.

"Barb, did you know that up until now, I still can't believe that Benjamin and Kelsey are already married!" ani Mr. Soliven.

"Why is that, Fabian? Do you think it's still early for Benjamin to get married?"

Mr. Soliven held up his hand defensively. "Of course not! He's at the right age. It's time! But I just can't believe that their relationship will lead to this! Oh, I remember your son introducing this girl to us as his girlfriend! It still feels like yesterday but look at them now! Happily married!"

My jaw dropped. Hindi inaasahan na ilalaglag kami ni Mr. Soliven sa harap ng magulang ni Benjamin. Tita Barbara smiled.

"He did?!" mapangasar niya kaming binalingan ng tingin.

"Mom..." Benjamin warned in a low voice. But Tita Barbara couldn't hide her excitement. Ginatungan pa iyon ni Tito Francisco.

"Tingnan mo nga naman 'tong anak ko!"

Plastic nalang akong ngumiti nang tiningnan ako ni Tita Barbara. Nahihiya kong ibinaling nalang sa iba ang tingin ko. Buti nalang rin at inilayo na ako ni Benjamin doon. Hindi ko na ata kakayanin ang lahat ng rebelasyon ni Mr. Soliven.

Nilalaglag niya kami! He keeps on telling them what happened that night in Barcelona when Benjamin introduced me as his girlfriend! They really thought it was real!

"I'm sorry about that." Ani Benjamin nang naupo na kami sa aming lamesa.

"It's fine." I replied.

Naupo naman kami sa sariling lamesa. Sumali sa amin sila Tita Barbara at nagsimula na naman ang pang-aasar nila nang dahil sa sinabi ni Mr. Soliven.

"Naku, Tin! May rebelasyon kaming sasabihin sainyo!" nagagalak na sinabi ni Tita Barbara.

My mother's forehead creased. "Tungkol naman saan?"

"Mom, please." Benjamin warned.

"Aba! Bakit pa? Kayo ha? May tinatago kayo sa amin!"

Nang dahil doon mas lalo tuloy kumunot ang noo ni Mommy. She turns to me.

"Ano iyon, Kelsey?"

"Mom, it's not really important. It's... nothing."

"No, it's not!" agap ni Tita Barbara! "Alam mo ba, Tin? Ipinakilala pala nitong si Benjamin bilang girlfriend niya itong si Kelsey noon!"

My mom's eyes widened. "Omg! Is that true?"

I opened my mouth to defend and explain myself pero inunahan na ako ni Tita Barbara.

"Of course! She was there! Nangyari 'yon nung nandoon sila sa Barcelona! Tingnan mo nga! Europe is really a place for love!"

I coughed. Gosh! Why is Tita Barbara like this?!

Ngumiti si Mommy at mapangasar akong siniko. Niliitan niya ako ng mata.

"Ikaw ha?"

Umirap ako. No wonder why they're childhood best friends.

Buti nalang rin at nag-umpisa na ang programa kaya napabaling na ang atensyon nila sa iba. Hindi ko na talaga kakayanin ang araw na 'to kung magpapatuloy pa sila sa pang-aasar sa amin.

Brittany and Tito Francisco shared an emotional dance. Marami rin ang naiyak nang dahil doon. While Benjamin's dance with his sister made everyone's mood light up. Napangiti rin ako.

Benjamin may be a bully brother at times but it's obvious that he loves his sister so much. He tends to get overprotective of her.

He gives her everything she wants. Kaya ngayon na meron nang magbibigay noon sakanya, I wonder how he feels.

Nagkaayaan naman sa pagsayaw ang mga mag-aasawa. Brittany encouraged everyone to join them. Unang tumayo sila Jaxon at Margaux. Sunod naman sila Aiden at Ana. May mga ibang bisita na rin na nagsitayuan upang sumayaw kasama ang bagong kasal.

Pinanood ko lang ang lahat. Tumayo naman si Benjamin sa kanyang kinauupuan. Noong una ay akala ko aalis siya upang kumuha na naman ng panibagong whiskey pero nagkamali ako. I was surprised to see him offering his hand to me for a dance.

Inangat ko ang tingin sakanya. Bumaba naman muli ang tingin ko sa mga palad niya. Napansin ko namang sinesenyasan ako ni Brittany na tanggapin iyong kamay ni Benjamin.

I gulped and raised my gaze at Benjamin again. He raised a brow at me at tsaka tiningnan rin ang palad niya, it's like he's asking me to accept it. Which I gladly did.

Tumayo ako at nagpadala na sa hila niya patungo sa harap. He used his left hand to hold my hand while he used the other to hold my waist. There's a distance between us. We slow danced to the music.

I stare at him while he did the same. I saw his jaw clenched kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin. He pulled me closer to him, clearly closing the distance between us.

He lowered his head a little to whisper something against my ear.

"I'm sorry for everything I did to upset you."

My heart skipped a beat. Hindi ko inaasahan iyon. Napapikit ako. A tear immediately streamed down my face.
Napakasimple lang ng sinabi niya pero naging dahilan na agad iyon para maluha ako.

"It's okay..." I said, my voice slightly breaking. Suminghap ako.

"It's not," bawi niya. "Look at you... you're crying."

I bit my lip. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Inilipat niya naman ang magkahawak naming kamay sa kanyang dibdib. Ibinaon niya ang mukha sa buhok ko. Unti-unti namang bumuhos ang luha sa mukha ko.

"No... it's just my emotions are-" I said to try and save face.

"I don't want you to keep on crying because of me."

We continued on swaying. I closed my eyes and I wasn't able to stop myself from crying. To feel his warmth against mine is already enough to take all the pain away that this marriage gave me. Lahat ng iyon nawala. Sa simpleng salita, hawak at lapit niya sa akin, naglaho lahat.

Inalis niya ang pagkakayakap ko sakanya upang tingnan ako ng mabuti. I stared back at him.

Ngayon nalang ulit ako naging ganito kalapit sakanya matapos ang ilang taon naming pagsasama. Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin.

He stopped when he's only an inch away from me. The anticipation for his kiss is intense.

I closed my eyes and wait until I can finally feel his lips against mine. He pulled me closer, para bang hindi parin sapat para sakanya iyong distansya namin.

I felt my heart explode when I felt his soft lips against mine. Hindi mapusok iyong halik niya kompara noon. He kissed me slowly and sweetly.

Sa paraan ng paghalik niya, ipinapakita niya na siya lang. Siya lang ang pupwedeng humalik sa labi ko.

I held onto his neck until my hands went to his jaw to pull him closer. The music stopped but we didn't. I know this isn't our wedding but I felt like this is our moment. The moment that I've been wishing for.

The kiss only broke when we heard someone spoke. Sabay kaming napabaling doon.

"So, sino ba talaga ang may kasal? Kayo o kami?" Pang-aasar ni Brittany. She smirked at us.

Natawa ako bahagya at nahihiyang ngumiti sakanya. Nakita kong umiling si Benjamin.

"What a way to ruin the moment, baby." Kiel said to his wife. Brittany shrugged her shoulders like she's so proud of what she did.

Inangat ko naman ang tingin kay Benjamin. He lowered his gaze at me and smiled. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top