Chapter Twenty-Four

Song: Pagbigyang Muli- Erik Santos & Regine Velasquez

Bail

Today is the day for the said bidding. I was busy looking for a dress inside my closet when someone knocked on the door. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil binuksan na rin naman niya ang pinto nang walang pahintulot ko.

Nilingon ko ito. Benjamin on his dark blue polo, coat and slacks, peeked inside my room. Agad naman niyang nahagip ang mga mata ko. I stared at him coldly.

Hindi na namin pinagusapan pang muli ang nangyari noong nakaraang linggo. Para saan pa di ba? It's not like we're really a married couple who needs to resolve their problems as early as possible. My problems are not his and his problems are not mine.

"I just thought you're already done dressing up. Isasabay na sana kita." Aniya.

I nod my head. Iniwas ko ang tingin sakanya at binalik muli sa aking mga damit.

"Mabilis nalang 'to. Bababa rin agad ako pagkatapos."

Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon niya. Ngunit ramdam kong hindi niya parin sinasara ang pinto ng kwarto ko. Nilingon ko siyang muli at nakitang hindi parin siya umaalis sa dati niyang pwesto.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"

He pressed his lips into a thin line then he shakes his head. "Nothing. I'll wait for you downstairs."

Pagkatapos noon ay tsaka niya lang sinara ang pinto ng kwarto ko. I let out a sigh. Imbes na hayaang bumabagabag pa sa akin iyon ay pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap ng masusuot.

I ended up wearing a ruffle wine red midi dress. I paired it with a black ankle strapped heels and I let my natural wavy hair down. Habang naglalagay ng hikaw ay nagawi ang tingin ko sa isang alahas na hindi ko masyadong nasusuot.

It's our engagement and wedding ring. Ang bato nito sa gitna ay kaakit-akit na kung sino mang magagawi ang mga mata dito ay tiyak na mamamangha.

We will be in front of a lot of people today and I'm sure they know that Benjamin and I are married. Baka magtaka ang mga iyon kung bakit hindi ko suot ang singsing sa kasal namin. I don't know if Benjamin wears his. Hindi ko alam dahil hindi ko naman pinapansin.

After I wore my earrings, kinuha ko na iyong singsing. I stared at it after inserting it on my ring finger. This fits my finger perfectly. I don't know why he chose to give me a beautiful ring like this. Pupwede naman iyong simple lang, dahil hindi naman tunay itong kasal namin.

A ring as beautiful and expensive as this should be given to the woman he truly loves. Ang kagaya kong napilitan lang siyang pakasalan ay dapat simple lang. Hindi na kailangan pang pag-gastosan.

Nang mapansing napatagal na ang titig ko doon ay kinuyom ko nalang ang aking kamao. It feels weird on my finger. Siguro dahil ngayon ko nalang ulit ito nasuot matapos ng mahabang panahon.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan. Naabutan ko si Benjamin na may kausap sa kanyang telepono. He probably heard my footsteps kaya nagawi ang tingin niya sa akin. He stared at me while I'm going down the stairs.

"Are my parents there already?" he asked on the other line. Naglakad ako patungo sakanya at tumigil sa harap niya. Walang emosyon ko siyang tinitigan habang siya ay ganoon parin ang tingin sa akin.

"How about Kelsey's parents?" tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niyang iyon. He nods his head. "Okay, we're on our way now. Thanks for informing me, Regina."

Pagkatapos noon ay binaba na niya ang tawag.

"What was that?" I asked out of curiosity.

"Our parents are already at the venue. Tayo nalang ang hinihintay." Tumango naman ako. Iginiya niya rin naman ako patungo sa kanyang sasakyan matapos iyon.

We had the usual quiet car ride while we were on our way to the venue. Wala sa sarili kong tinitigan ang daliri niya at hinanap kung suot niya ba ang singsing niya. I was a little surprised to see that he's actually wearing it.

Tumikhim ako. Maybe he also decided to wear it because he knows that we will be in front of a lot of people. Hindi ko na ginawa pang big deal iyon at nanahimik nalang.

Agad kaming sinalubong ni Regina nang makarating kami. Nag-umpisa siya sa pagsabi kay Benjamin kung sino-sinong kompanya ang nandidito. Masyado silang mabilis sa paglalakad na medyo napapagiwanan na ako.

Pero hindi na iyon alintala pa sa akin. I know Benjamin is in a hurry. He needs to be there because the bidding will start in less than ten minutes. Ngunit laking gulat ko nang tumigil silang dalawa. Benjamin offered his hand to me. My mouth parted. Tinanggap ko iyon dahil sa tingin ko ay maraming mata ang nakamasid sa amin.

Benjamin held my hand tightly when I accepted his. Agad naman kaming sinalubong ng mga magulang namin nang pumasok kami sa tinutukoy nilang function hall.

Tita Barbara kissed me on my cheek. Niyakap ko naman si Tito Francisco matapos iyon.

"It's been a while, hija!" nagagalak na bati sa akin ni Tita Barbara. "Benjamin says you're very busy kaya wala ka nang oras na bumisita sa tuwing nagpupunta siya sa bahay."

Ngumiti naman ako. "Yes, he's right. Medyo busy po kasi sa trabaho kaya hindi na rin po ako makahanap pa ng oras para makabisita."

"Kami na nga lang sana ang pupunta sainyo kaso pinipigilan kami ni Benjamin."

Nagtaas naman ako ng kilay. Why would he do that?!

"Gusto ka kasi atang isolo at ayaw ng istorbo." Dagdag niya. Natawa naman ako nang dahil doon.

"Hindi po! You can visit anytime you want naman po. My parents already visited me once kaso wala po si Benjamin noong oras na 'yon."

"Maybe because he knows that you're occupied and he wanted you all by himself-" hindi na naituloy pa ni Tito Francisco ang kanyang sinasabi dahil tinawag na siya ni Benjamin.

"Dad," lumapit si Tito Francisco sakanya at may kung anong pinag-usapan doon.

"I asked Benjamin to bring you to our house on some other time kaso sabi niya sa araw nalang daw ng pagbalik ni Brittany ka niya dadalhin ulit doon."

"Kailan po ba babalik si Brittany?"

"Hindi kami sigurado, e. Pero tansya namin ay baka next week, that's why we're already planning on having a surprise welcome party for her."

Ngumiti ako. "That's great po. I'm sure Brittany will love it."

I went to my parents after that. Sinabihan na daw nila si Benjamin about sa dinner mamaya. They want us to have dinner with them because it's been a while since we last did that. Wala akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil nakapagdesisyon na pala itong si Benjamin.

Kinuha rin agad ako ni Benjamin pagkatapos noon. He roamed his eyes around the room. He leaned himself down a little to whisper something in my ear.

"Some of our business rivals are here. I'm sure they have a lot to offer for the bidding." Aniya.

"Are you ready?" tanong ko.

Nilingon niya ako at tipid na nginitian. "Of course. I told you we're going to win this one."

And he's so sure of that because I know he has a lot to offer. Kasama namin iyong finance officer at siya ang magsasabi kay Benjamin kung hanggang saan lang ang kaya naming ioffer. But I'm sure Benjamin didn't come here unprepared. Malamang sa malamang malaking budget na ang inilaan niya para dito.

Naupo kami sa aming table kaharap ang iba pang kompanya na kasali sa bidding na ito. Itinabi ako ni Benjamin sakanya. Hindi ko inaasahan ang paghila niya sa akin. Balak ko sanang tumabi nalang sa finance officer dahil siya ang mas kailangan ni Benjamin.

Kumbaga... saling ketket lang naman ako dito. Kaya naman ay nagulat nalang ako na pinatabi niya ako sakanya. I gulped and ran my fingers through my hair.

Damn it, Kelsey! Baka nakakalimutan mo na galit ka parin dyan kaya wag mong hayaan na tumibok ng ganyan 'yang puso mo nang dahil lang sa ginawa niya.

"You're wearing it." He exclaimed. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin na siya sa aking 0daliri kung saan nakasuot ang singsing na ibinigay niya sa akin.

I didn't want to think that there's a little bit of joy in his tone because I know that's impossible.

"Yeah. It's not a big deal." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.

I heard him scoff. Mamaya maya pa ay naramdaman kong kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ito sakanya sa ilalim ng lamesa. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya hinayaan iyon.

"Don't let go." He demanded.

"But I need my hand with me!" I hissed.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga upang may ibulong. "But I need it, too."

Nalaglag ang panga ko nang dahil doon. Nilakihan ko siya ng mata at natawa lang siya nang dahil sa reaksyon ko. Umayos siya ng upo at ipinatong ang magkahawak naming kamay sa kanyang hita.

Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil nag-umpisa na ang bidding. I saw our parents glancing at us while giggling. May kung anong sinabi si Tito Francisco dahilan kung bakit pabiro siyang pinalo ni Tita Barbara sa kanyang braso.

"The companies that are here in front of us are the one's who made the highest bid and has been given the right to participate in this auction. I congratulate and welcome you all." The man in front of us started.

Inilibot ko naman ang paningin ko. I saw the other company glancing at our way at mukhang intimidated kay Benjamin. My husband doesn't seem to care because I think all he cares about right now is the arrogant look on his face. Natawa naman ako doon. That's his trademark huh?

"The sale price of the territory is P300,000,000." My eyes widened a little nang marinig ko ang presyo. Nakakalula! "First I ask the Donovan-Sanchez Realty and Construction, what is your offer?"

Walang pag-aalinlangang itinaas ni Benjamin ang kanyang kanang kamay.

"Three hundred twenty million."

"Estrada Holding?" bumaling ang lalaki sa isa pang kompanya.

"Three hundred thirty million."

Tinanong pa ang ibang kompanya tungkol sa kanilang bid hanggang sa umabot na ito ng P345,000,000. Benjamin turns to the finance officer beside him. May kung anong pinakita ito sakanya at tsaka naman siya ngumisi. He brushed his thumb on my hand. Ngumuso ako.

"Four hundred million." Benjamin offered when it was already his turn.

Napaangat ng tingin sa amin ang ibang chairman ng kompanya. They are not probably expecting him to offer that big amount. At dahil competitive ang iba, hindi sila nagpatalo. Mas lalo pang tumaas ang bid and yet Benjamin still looks unbothered.

Sa katunayan, mukhang ineenjoy niya pa ang nangyayari. He's leaning against his chair confidently while he keeps on playing with my hand under the table. Hindi tuloy ako makapag-focus nang dahil sa ginagawa niya. A part of me wants to focus on the bidding but it seems like my body wants to focus more on what Benjamin is doing with my hand.

And now the bid has been raised to P500,000,000. Nang tumuntong ang halaga doon ay nag-back out na ang dalawang kompanya. Tanging ang kompanya nalang namin ang natitira at iyong Estrada Holding.

Nilingon ko sila Mommy na mukhang hindi problemado kung malaking halaga na ang inaabot ng bidding. It seems like they already expected it.

"Five hundred thirty-five million." The chairman of the Estrada Holding offered.

From the corner of my eye, I saw Benjamin smirking. He scoffs. Hindi muna siya nag-salita.

"Donovan-Sanchez Realty and Construction?" the chairman addressed us probably because he thinks we can't offer more to that. But he's wrong.

My husband came here prepared, at mukhang hindi basta basta magpapatalo.

"Five hundred forty million." Ani Benjamin.

Nakita ko namang may kung anong binulong ang finance officer ng kabilang kompanya. The chairman looks uncomfortable now.

"Five hundred forty-five million."

"Mr. Donovan?" the officiator addressed.

Tinanguan ng finance officer si Benjamin. Then he raised his right hand. "Five hundred fifty million."

Natigilan ang chairman ng kabilang kompanya. May binulong na naman muli ang finance officer sakanya. He gulped before he offered more.

Benjamin keeps on staring at them coldly with a teasing smirk on his lips.

"Five hundred fifty-five million."

Benjamin smirked again and scoffs. "Five hundred sixty-five million."

The chairman of the other company glared at him. Tinagilid pa ni Benjamin ang kanyang ulo at mukhang nang-aasar pa. Pinalo ko siya sa kanyang hita. Mabilis siyang napalingon sa akin.

"What?" he hissed.

"Stop teasing him." he chuckled because of my remark.

"I'm enjoying."

And what we're witnessing here today, ladies and gentlemen, is the usual Benjamin Donovan who likes to tease his competitors. The other company offered more at mukhang kinabahan na ang finance officeer nila nang dahil doon.

Hinigitan ni Benjamin ang offer niyang iyon. But still, the Estrada Holding is not backing out. Sa sobrang inip nalang siguro ni Benjamin kaya niya mas nilakihan pa ang offer.

"Six hundred million."

The chairman slowly glared at him. Benjamin leaned himself against his chair at patuloy na pinaglalaruan ang kamay ko. He smirked at the chairman.

"Fine! You won again, Donovan. Congratulations!" the chairman bitterly said before he stood up from his seat and walked out.

"I told you we're going to win. Did you already start conceptualizing?" he leaned in again to ask me that. Inirapan ko siya.

Gusto ko sanang matawa kaso hindi ko magawa. This is the Benjamin Donovan that everyone knows about in the business world. Arrogant, confident, and a tease!

Hinablot ko ang kamay ko sakanya. Ngumisi siya.

"Don't remove that ring on your finger. It suits you."

Kumunot ang noo ko at ngumuso. "And you think I will follow you?"

"I already expected that from you, Kelsey."

"Tss." I rolled my eyes at him again before I made my way towards my parents.

Tumawa at umiling muna si Benjamin bago siya sumunod sa amin. Mapaglaro siyang nakangisi sa akin habang ako ito, nakasimangot at masama ang tingin sa kanya. And now he's teasing me in front of our parents?

Anong trip ng isang 'to?!

"Congratulations on winning the land, hijo!" bati ni Daddy kay Benjamin. Doon niya lang inilubay ang tingin sa akin.

He smiled at my father. "Thank you po."

"I guess this is really something that we should celebrate tonight. How about you join us, Barbara?" tanong ni Mommy. Binalingan naman siya ni Tita Barbara. She frowned.

"I'm sorry, Tin, we have to meet up with someone after this. Maybe we can do that next time! O hindi kaya sumama na rin kayo sa surprise welcome party namin para kay Brittany!"

My mother giggled. "That would be lovely! Of course we will be there!"

Matapos iyon ay nagtungo na kami sa sasakyan para makapunta na doon sa tinutukoy na restaurant nila Mommy. I plan to stay quiet during the whole car ride pero mukhang sinusubukan ako nitong si Benjamin.

"We're still not going to talk about what happened last Sunday, are we?"

Pinikit ko nalang ang aking mga mata nang dahil sa tanong niya. Hinilot ko ang sentido ko at pinilit ang sarili na wag nang sagutin pa ang tanong niya.

"Kelsey," he called. I bit my lower lip.

Talagang hindi niya ako tatantanan hangga't hindi namin napag-uusapan ang tungkol doon ano? Bakit niya ba ako pinipilit na pag-usapan iyon kahit na may karapatan naman siyang gawin iyon? Hinahayaan ko na nga siya, e! Ayaw niya pa ba nun?

"Why? Is there a need to?"

Natawa siya nang dahil doon. He probably laughed not because he thinks I'm funny but because he thinks I'm being ridiculous.

"We need to talk about it so it won't bother you anymore."

Kinunotan ko siya ng noo. Nagkukunwaring hindi totoo iyong sinabi niya. Masyado ka kasi sigurong halata, Kelsey! You're not a convincing actress!

"I was bothered? Where did you get that idea?" pag-mamaangmaangan ko. Umiling siya na para bang hindi makapaniwala sa nangyayari.

Ayoko ngang pag-usapan kasi! Bakit ba pinagpipilitan niya?

If we're going to talk about it, he'll probably think of me as a jealous wife! Selosa! Ganon!

At ayokong maging ganon ang tingin niya sa akin! I want him to still see me as someone who doesn't give a damn about this fake marriage! Baka kasi sa oras na malaman niya na nag-seselos ako, baka kung ano pa ang isipin niya! Baka mabuking pa ko sa totoong nararamdaman ko para sakanya.

I want to keep that undesired feeling all to myself. Lilipas rin naman 'to diba? Ganon naman 'yun...

"Kelsey, you can't keep on shrugging this topic off. If we have a problem, we should-"

"Matagal na tayong may problema kaya ano ang pinagkaiba nito at kailangan pang pag-usapan?"

Benjamin turned silent because of that. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.

"Can't you see I'm trying, Kelsey?"

"I did not ask for you to try, Benjamin." kalmado kong sinabi. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to, e. Lalo na kung napipilitan ka lang."

His jaw clenched. Nanahimik nalang siya pagkatapos noon at hindi na nag-salita. Buti nalang at dumating na kami sa restaurant. Hindi ko na ata kayang mag-tagal kasama si Benjamin sa maliit na espasyo ng sasakyan niya. Nasasakal ako. Hindi ako makahinga ng maayos.

I tried to put a smile on my face before facing my parents again. Naupo ako sa tabi ni Mommy. Buong magdamag ata nilang pinag-usapan ang tungkol sa nangyari kanina. My Dad keeps on saying how amazed he was with Benjamin, and also how honored he was to witness it.

Ngayon naiintindihan ko kung bakit gustong-gusto nilang ipilit sa akin si Benjamin. His capability in business is what my father is looking for. He wants Benjamin to share it with us kaya eto at pinilit nila akong pakasalan siya.

Habang hinihintay na matapos si Benjamin at si Daddy sa pag-uusap ay niyakap ako ni Mommy.

"Please visit us more often, honey. We missed you so much! We know you're busy pero kaya mo naman sigurong isingit ang pag-bisita mo sa amin hindi ba?"

I smiled sadly at her. "I'm sorry, Mom. Masyado lang po talagang maraming ginagawa sa kompanya kaya wala na rin po ako masyadong oras."

"I hope you're still not angry with us for forcing you to marry Benjamin." nilingon ni Mommy ang pwesto nila at malungkot akong nginitian.

Natahimik ako ng sandali. I forced myself to give her a smile.

"Matagal na 'yun, Mommy. Kalimutan na natin." I whispered.

"I just hope you're happy now. Sana hindi mo pinagsisisihan na pumayag sa naging desisyon namin para sa'yo."

Hindi ako sumagot. Ni minsan di ko naisip na nag-sisi ako sa desisyon na 'to. This may not be the marriage that I dreamed of, pero hindi ko naman pinagsisihan ito, e. I was placed in this position because there is something planned for me. Wala akong magagawa kung hindi ang sundin nalang.

Ngumiti nalang ako sakanya kaysa sa sumagot. She smiled back at me. She gently rubs her hand on my back at tsaka ako iginiya patungo kay Daddy at Benjamin. My father smiled and hugged me tight before saying goodbye.

"Mag-iingat kayo ni Kelsey." Paalala ni Daddy. Tumango naman si Benjamin at tsaka ipinulupot ang kanyang kamay sa aking baywang. Hindi na ako nagreact pa.

I find the first year of living away from my parents a bit hard. It took me time to finally cope up with it. Syempre nasanay ako na sila lagi ang kasama ko. Tapos ngayon, may kasama nga ako pero hindi naman gaanong nag-papansinan.

Buti nalang at hindi na sinubukan pa ni Benjamin na pag-usapan ulit namin iyong tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo. I just hope that he feels it's unimportant and that we should shrug it off.

The days went back to normal after that. We eventually had a meeting after we won the land. Agad kaming inatasan na gumawa na ng designs kaya naman ay sobrang busy ko nitong nagdaang araw.

Pupuntahan ko sana ang ibang architects nang may makasalubong na naman akong babae na patungo sa opisina ni Benjamin. Hindi ko naiwasang hindi siya sundan ng tingin. She looks familiar.

Kumunot ang noo ko. What is that girl doing here now huh? Noong una, sa bahay namin. Ngayon, sa opisina niya naman!

Ngumuso ako. Ayoko nang mag-isip pa ng masama sakanilang dalawa. Tutal, alam na naman nung Sandra na may asawa si Benjamin. Makonsensya nalang siya kung sakaling may balak parin siyang landiin ang asawa ko.

Di ba nga isang taon na kaming nagsasama pero wala naman akong ginagawa sa tuwing nakikita kong may babaeng nagpupunta sa opisina niya? Ganon naman kasi dapat...

I keep on getting bothered about Sandra's arrival kaya hindi ako masyadong makapagfocus sa pinag-uusapan namin ng team ko ngayon. Nakatulala lang ako habang may sinasabi ang isa sa mga arkitekto sa harap.

"Ma'am!" doon lang ako nabuhayan muli. Kanina pa pala ako tinatawag.

"H-Huh?"

"The designs, Ma'am. Paano po ba?"

"Uh... according to them, the land is big, e. Just make sure that we provide enough facilities so we can easily gain the client's attention."

Tumango ang kausap kong architect. "Okay, Ma'am. Got it."

May idagdag pa sana ako tungkol sa mga facilities na gusto kong idagdag sa hotel na itatayo namin kaso nawalan na ako ng gana. Itatayo kasi iyong hotel malapit sa airport kaya sigurado ako na baka marami ang maging interesado dahil malapit di lang sa airport, pati na rin sa syudad. That's why we really have to offer the best facilities.

Nang matapos sa meeting ay umuwi na rin naman agad ako. Hindi ko ata kakayanin na nasa opisina lang ako at walang humpay sa kakaisip sa kung anong ginagawa ni Benjamin at Sandra sa opisina niya ngayon. Mababaliw ako.

Buti nalang rin at mag-gagabi na ng oras na iyon kaya may rason ako para umuwi na agad. Pagkauwing pagkauwi ko naman ay agad kong tinext si Jeya.

Me:

Come over.

She replied immediately.

Jeya:

Why? Got some chika?

Me:

Wala. Just come over.

Jeya:

Tss. Sige na nga. Tutal I'm also bored. Okay! Otw!

Habang hinihintay siyang dumating ay naghanap ako ng pupwede naming mainom mamaya. I just want all of these things that keeps on bothering me fade for a little while. Kahit saglit lang. Basta makalimutan ko lang.

Ang hirap kasi na umakto na hindi ka nababahala dahil alam mong wala ka namang karapatan.

I keep on telling myself that I'm just his wife in papers and I have no right to own him. I have no right to hinder him from things that I didn't want him to do.

If I'm only entitled to do such thing, matagal ko na sanang ginawa.

I saw an untouched wine and it quickly caught my attention since I remember that Jeya keeps on mentioning these wines to us. Masarap daw kasi.

Mukhang mapapadami ang inom ko ngayon ah? Sabayan pa ng problema ko, mukhang mapaparami talaga.

Naglabas ako ng dalawang wine glass para sa amin at agad kong inilagay iyon, kasama ang wine, sa center table sa living room. I sat on the sofa as I patiently wait for Jeya's arrival.

Napabalikwas ako ng tayo nang may biglang bumosina sa labas ng bahay. I immediately knew it was her. Kaya naman ay agad ko siyang sinalubong. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan at tsaka nagtungo sa akin.

"What's up? What's with your sudden decision of asking me to come over?" she asked after she kissed both of my cheeks.

"Wala lang. Gusto ko lang ng may kasama."

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto. Ngunit sa halip na pumasok na siya ay kinunotan niya muna ako ng noo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ha? E, sanay ka namang mag-isa dito diba? Anong pinagkaiba ngayon?"

Hindi ko siya sinagot pa at nag-tungo nalang sa may living room na kung saan nakapwesto ang mga hinanda ko kanina. Hinayaan kong si Jeya na ang mag-sara ng pinto habang inabala ko naman ang sarili at pagbukas at pagsalin ng wine sa aming mga baso.

Her eyes immediately widened when she saw what I was doing.

"Iinom tayo?"

Tumango ako. "Oo. Kaya kita inaya dahil ang awkward kung ako lang mag-isa ang maglalasing."

Pumwesto si Jeya sa harap ko. "Uy! Wag mo kong idamay dyan sa plano mo ha?

Wag daw idamay pero nauna na siyang uminom. Nang malasahan niya ang wine ay agad niyang hinablot sa akin ang bote upang tingnan ang tatak nito.

"Is this the one I told you about before?" she asked. I nod my head. "No wonder why this tastes familiar."

Nagsimula akong uminom. Hinablot ko kay Jeya ang bote nang maubos ko ang akin. Kumunot ang noo niya nang makita ang ginawa ko.

"Teka nga, Kelsey... Bakit ba may ganito? At bakit hindi mo sinama si Troy?"

I sighed. The reason why I didn't ask Troy to come here is because I don't want him to know that the reason why I want to get drunk today is because of Benjamin. Baka kung ano pa ang isipin at gawin nun. Ayoko ng gulo.

Hindi ako nagsalita.

"May problema ba, Kels?"

"Wala..." agad kong sinagot. Inubos ko ang pangalawang baso ng wine at tsaka nagsalin muli ng panibago.

"Come on, Kelsey. You can tell me."

"Wala nga..." pagpupumilit ko. But Jeya doesn't seem like she's convinced. Ngumuso siya.

Mukhang kailangan ko pa atang galingan ang acting ko ah?

Nagsunod-sunod ang pagsalin ko ng wine sa aking baso habang si Jeya ay nasa pangalawang baso parin. Seems like the tables have turned huh?

"Is it because of Benjamin?" Natahimik ako. Siya lang naman ang lagi kong problema, e. Jeya sighed. "O diba? What happened this time?"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Wala na rin naman akong takas kung sakaling idedeny ko pa. Kaya dapat lang namin 'tong pag-usapan ni Jeya. I know she's very talkative pero alam ko namang itatago niya ang isang 'to bilang sikreto. Plus, she's a great listener.

I started telling her everything that keeps on bothering me. Sinimulan ko ang kwento noong araw na may nakita akong babae na papunta sa opisina niya sa kauna-unahang pagkakataon. Pagkatapos ay 'yong nangyari nung linggo at 'yung nakita ko kanina.

"Why didn't you let him explain? Gusto naman ata magpaliwanag nung tao, e."

"Bakit pa? Hindi naman siya required na magpaliwanag sa akin, e."

"Why not? Tingnan mo nga ngayon... If you only allowed him to explain, edi sana hindi ka nababahala ng ganyan ngayon! Ang gulo mo!"

Well maybe that's what love do. They make people confused. They make people question themselves if they're good enough or not. They cause people to go out of their minds. That's basically what love is doing to me right now.

Hindi ko na napapanindigan ang mga desisyon ko. Patuloy kong nilalabanan ang sarili ko. I want to take back everything that I said. Gusto kong bawiin ang sinabi ko na malaya siyang gawin ang gusto niya.

This marriage is becoming more and more real to me each and every time I give a damn! This isn't fake or arranged anymore.

Kasi kung wala naman talaga akong pakialam, hindi ako magkakaganito ngayon, e. Hindi sana ako nag-ooverthink. Kung sana hindi ko lang hinayaan ang sarili ko na mahulog pa lalo sakanya, edi sana hindi ganito.

"Sana kasi hinayaan mong magpaliwanag para hindi ka nababahala ng ganyan ngayon!" ani Jeya.

Sana nga ganon kadali...

Kinuha ko ang wine bottle na kakaonti nalang ang laman ngayon. Inubos ko na ang laman at tsaka sinalin iyon sa baso ko. I finished my wine in one go. Buti nalang at marami akong nilabas na wine kaya hindi ako mabibitin ngayon.

"Ano? Para malaman ko na naghahanap na siya ng ibang babae na ipapalit sa akin dahil nabobore na siya sa kung anong meron kami?"

Umiling si Jeya at nag-salin ng wine sa kanyang baso.

"O di kaya... naghahanap na 'yun ng babae na kayang-kaya na magbigay ng kung anong gusto niya."

Jeya rolled her eyes. "I didn't know that you're like this when heartbroken, Kels. Or maybe... this is only because of the wine."

Ako naman ang umirap ngayon. This probably because of wine.

"Hindi naman ganon 'yon, Kelsey. Kung 'yun naman pala ang gusto niyang mangyari, sana matagal na niyang ginawa! Wala na sana siya dito ngayon at sumama na don sa sinasabi mo. Hindi naman niya patatagalin 'tong relasyon niyo kung gusto niya rin naman palang maghanap ng iba."

Iniwas ko ang tingin sakanya. Sa halip na sagutin ko siya ay nag-salin lang ako ng nag-salin ng wine sa aking baso hanggang sa pigilan na niya ako.

"I thought this is just an arranged marriage? Why are you reacting this way?" bumuka naman ang bibig ko nang dahil doon.

That's what everyone thought. 'Yun rin naman ang akala ko noong una. I thought I agreed because of our business. Pero nang magtagal, narealize ko na pumayag ako dahil sa ibang dahilan.

I agreed not because of business, but because I already love him. Kasabay ng pagpayag ko ang galit ko sakanya dahil nasaktan ako sa sinabi niyang hindi niya ako gusto at ayaw niya akong makasama.

Gusto ko siyang gantihan. Gusto kong ipakita na patas lang kami. Kaya iyon ang ginawa ko sa isang taon ng pagsasama namin.

Pero ang hirap pala...

Kahit ilang beses kong pigilan, hindi ko magawa. I cannot deny the fact that there's still love even on the silence that we share. Hindi man kami nagpapansinan minsan, kahit na nag-iiwasan kami, iisa parin ang tinitibok ng puso ko.

"Tell me... Do you love him?" Jeya asked softly.

Agad na tumulo ang luha na namuo sa mata ko. Mabilis kong pinalis iyon. Maybe this is what wines are for. They make people an emotional wreck. Wines are definitely a must when you're heartbroken.

Tunawa ako sa halip na sagutin iyong tanong niya. Jeya's eyes softens more when she sees that I'm crying now. I sighed.

"He's the kind of person I hate. Except, I'm in love with him. Even when I wasn't supposed to." I whispered.

Jeya frowned. Ramdam siguro iyong sakit sa bawat salita ko.

"Sometimes I can almost feel him. But it will eventually go away. It's like it's telling me that I don't deserve to feel him." I added.

Jeya held my hand. She gave me a reassuring smile.

"It's okay, Kels." she said. I pressed my lips into a thin line. Tumango ako. "Sige. Tara at iinom nalang natin 'yang nararamdaman mo."

What she did is just enough for me to laugh. 'Yun ang ginawa namin hanggang sa maramdaman ko na ang antok dahil sa dami na rin ng nainom.

The next thing I know is she's calling someone while trying to lay me down on the sofa. Hindi ko na narinig pa sa kung sino ang kausap niya. Hindi naman siya umalis sa tabi ko hanggang sa may dumating.

She stood up and went to that person. May kung ano silang pinag-usapan hanggang sa narinig kong nagpaalam na siya. Hindi na bumalik pa si Jeya sa tabi ko.

I opened my eyes at tsaka sinilip kung sino iyong kausap niya kanina. Bahagya akong nagulat nang makita ko si Benjamin na nililigpit na ang mga kalat namin ngayon. Umayos ako ng upo at sinubukang tumayo.

"Ako na..." I volunteered in a slightly slurred voice.

"Just stay there. Wag ka nang kumilos." he said coldly.

I let out an exaggerated sigh. Bumagsak ang balikat ko at ngumuso.

"Bakit ka pa umuwi? Di ka nalang sumama dun sa babae mo?" Medyo nagulat rin ako nang biglang lumabas 'yun sa bibig ko.

Nakita kong nag-angat siya ng tingin sa akin. He gave me those cold and almost glaring look.

"I thought you're not bothered about it huh?" tinaasan niya ako ng kilay.

Tumayo siya at dumiretso sa kusina. Sinundan ko siya kahit na medyo hilo ako kung maglakad. Pero hanggang sa hagdan lang ang inabot ko dahil napaupo na ako doon. Benjamin found me in that position so he squatted in front of me just so our eyes would level.

"Hmm?"

"Syempre! Kunwari lang 'yun! Ayoko ngang isipin mo na nagseselos ako! Wala naman akong karapatan di ba?"

And here goes the drunk Kelsey... getting more and more honest.

Kumunot ang noo niya nang dahil sa sinabi ko. Umirap naman ako.

"Ano? Dun ka na! Mas gusto mo naman dun, e!"

Nag-iwas siya ng tingin at tsaka nagkuyom ng bagang. He turns to me again but his stare this time is colder and dangerous. Hindi siya nag-salita. Tinitigan niya lang ako na para bang tinatansya ako.

"Diba gawain mo naman 'yun? Maghanap ng iba't ibang babae. Kaya ayan na oh! Hinahayaan kita na gawin ang gusto mo! Kaya bakit nandito ka pa?"

"Ganyan ba ang tingin mo sakin?"

"Bakit? Hindi ba? Iba't ibang babae na nga ang nakikita kong pumapasok sa opisina mo, e!" I tried to laugh despite the pain that I felt when I said that.

"They're just clients, Kelsey."

Umirap ako. Dumb excuse! Clients siya dyan!

"Baka nga client mo tapos may gagawin naman kayo pagkatapos noon. Kaya siguro ang tagal niyo sa opisina mo dahil may ginagawa pa kayo doon na ayaw kong makita noh?" I said harshly. Tiningnan ko siya ng masama.

"Sabihin mo lang kung nagsasawa ka na sakin para hindi na ako nag-aaksaya ng panahon dito!" my voice almost broke.

Just by the thought of him getting tired of this relationship is already breaking my heart. Ano bang ginawa ko para mapagod siya? Ano pa bang kulang? May dapat pa ba akong gawin para hindi na siya maghanap ng iba? Hindi pa ba ako sapat?

Why would he make me question such things? Love isn't supposed to break people, right? They're supposed to complete people-to provide them happiness. Pero bakit iba ang nararamdaman ko?

Benjamin sighed heavily at tsaka sinubukan akong patayuin.

"Come on, Kelsey. You're drunk. Let's go upstairs..." He said gently. Marahas ko namang inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Hindi! Sagutin mo muna ang tanong ko! Kaya ba naghahanap ka na ng iba dahil nag-sasawa ka na sakin? Is it because I couldn't provide you the satisfaction that you need-"

"Shut it, Kelsey!" he warned.

"Bakit ayaw mong sabihin ko?! Kasi totoo? Ano, Benjamin?! Sabihin mo! Dahil napapagod na ako! Pagod na akong tanungin ang sarili ko ng mga bagay na alam ko namang ikaw lang ang may kakayahang sumagot!" a tear streamed down my face. I breathed hard.

If I only knew that wine would give me this kind of courage before, sana talaga isang case na ang ininom ko.

"Diba marami ka nang naging babae bago pa tayo ikasal? Sabihin mo... sino ba doon ang gusto mo? Hahayaan ko kayong dalawa na mag-sama kung 'yun ang gusto mo."

"Kelsey, you're being impossible right now. Let's go upstairs."

"Don't shrug this thing off! The more you try and do that, the more that I confirm that my speculations are true! Kung iiwan mo ko, sabihan mo na ako ngayon para handa ako-"

"Stop these non-sense things! Are you even hearing yourself?!" medyo pasigaw niyang sinabi. Napaatras ako ng kaunti sakanya.

"Bakit ka pa naghahanap ng iba kung nandito naman ako?" I almost whispered. Pinalis ko ang luha na lumandas sa mata ko. "Hindi pa ba ako sapat? May ayaw ka pa ba sa akin? Is this why you're returning to your old habit of looking for girls-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tumayo na siya. Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong umiling siya at tsaka pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok. He was about to leave me just so we won't argue pero hindi ko siya hinayaan.

"Ano? Hindi mo talaga sasagutin ang tanong ko? Hahayaan mo lang akong mapagod kakatanong sa sarili ko ha? Ganon ba?"

"I seriously have no time for this-"

"Malapit na akong mapagod. Alam mo 'yon? Malapit na. Pero pinipilit ko ang sarili ko na wag dahil ayokong sukuan ka."

He sighed heavily. Seryoso niya akong tiningnan.

"If you're tired, Kelsey, you can go! I'm not forcing you anymore into this! Kung ayaw mo na, sumuko ka na. Wag mo nang pilitin pa ang sarili mo na gawin ang bagay na ayaw mo naman!"

Kumunot ang noo ko. Tumayo ako para mapantayan ko ang mga mata niya. Ganon nalang 'yon? Wala na siyang sasabihin? Basta nalang niya ako hahayaan na sumuko na? Did this really mean nothing to him?

Did our time together means nothing to him?

I'm not saying these for pity. I'm saying these because I want him to fight for this. Like I do. Every. Single. Time.

Nung naging madalas ang pagpunta ng iba't ibang babae sa opisina niya, pupwede ko na siyang sukuan nun, e. Pero ano? Hindi ko ginawa diba? Nandito parin ako at patuloy na umaasa na pwede pa.

"Sana nga ganon kadali... sana nga kapag sinabi mong pwede na akong sumuko, kaya kong gawin. Kaso ang hirap, Benjamin, e. Ang hirap sumuko sa bagay na alam mong ayaw mo namang bitawan!"

Kumunot naman ang noo niya ngayon.

"What are you talking about? Hindi ba't hindi mo naman ginusto 'to? Kaya kayang-kaya mo akong iwan!"

Umiling ako. Is he seriously asking me to bail on us huh? Ngayon pa talaga...

"'Yun ang akala mo!" I exclaimed. "Yes, our parents wanted this. Pero hindi ako susugal sa bagay na hindi ko naman gusto! It took me time to realize why I agreed to this marriage! Alam kong masasaktan ako, pero pinagpatuloy ko kasi mahal kita, Benjamin! Mahal na mahal kita na kahit ang sakit sakit na, hindi ko parin magawang iwan ka!

His mouth parted. He moved back a little.

"I was alone and I have no idea what I was doing! You left me hanging here and I had to do everything myself even though we are supposed to be in this together!"

Suminghap ako at pinalis ang luhang lumandas sa aking mukha.

"If you only knew the sacrifices that I have made; the things that I have given up! The times where I have to stop myself from barging into your office because I couldn't stand the fact that there's another girl inside. Hindi mo alam kung anong klaseng sakripisyo ang ginawa ko para lang pigilan ang sarili ko. I have given a part of me... to you... and you treat me this way? And you had the guts to ask me to bail on us?!"

Benjamin's mouth parted. Halata sa itsura niya na hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig. Umiling ako. I gulped before I continued.

"Sana nga ang daling iwan ka. Sana nga dati ko pa 'yun ginawa... nung mga oras na kaya ko pa. Pero iba na kasi ngayon, e." I let out a sigh. Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa aking mukha. "I never thought that our relationship would be this toxic."

Benjamin continued on staring at me. Bakas parin sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa narinig kanina. Suminghap ako at umiling.

"It was wrong that I expected so much from this marriage." Sabi ko sabay umakyat na sa kwarto ko. Iniwan ko siya nang ganoon parin ang itsura niya.

And on that night... I cried myself to sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top