Chapter Twenty-Five

Song: Empty Spaces- James Arthur 

Sick

Agad akong napahawak sa aking noo nang maramdaman ko ang pananakit nito. I groaned in pain. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil alam kong ginusto ko 'to.

Bumangon ako sa kama at tsaka nag-hilamos. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang panghihina. I should be going to work today. But how can I do that when I'm not feeling well? Feeling ko kapag pinilit ko ang sarili na pumasok, babagsak nalang ako sa opisina ko mamaya.

Bumaba ako pagkatapos noon at tsaka dumiretso sa kusina upang ipagtimpla ang sarili ng kape.

Agad namang sumagi sa isipan ko iyong nangyari kagabi. Kung dati, nagisinig ako nang walang naaala. Ngayon, nagising ako nang alam ko ang lahat ng nangyari kagabi.

I can still clearly remember everything that I said. All the emotions that I've poured to him. The way he asked me to give up. And the way that I admitted my feelings to him. Lahat ng iyon ay tandang-tanda ko.

Maybe that explains why I feel so tired today kahit wala pa naman akong masyadong ginagawa. Binuhos ko kasi ang lahat kagabi. Wala na ata akong natirang lakas.

Naramdaman ko namang may pumasok sa kusina. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam ko na namang si Benjamin iyon. Hindi ako umimik. Hindi na rin naman siya nagtangka pang mag-salita kaya laking kaginhawaan na rin para sa akin noon.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling kausapin niya ako ngayon. I don't know what I'll say. Baka maging pipi ako sa harap niya kapag nangyari 'yon.

I remember all the things that I've said to him last night. Ngayon kinain ko na naman ang lahat ng sinabi ko sa sarili ko. I wouldn't be able to keep my feelings for him all to myself anymore because I spilled it to him last night.

Now he knows how I feel about us... about him. He knows now that I'm in love with him!

Congratulations, Kelsey! You've fucked up big time!

Siguro pupwede ko namang bawiin iyon. I don't want him to think that just because I'm in love with him doesn't mean he's required to feel the same towards me. Mahal ko siya pero ano naman? People love people. It's part a part of life. Pero minsan ang pagmamahal na iyon ay lumilipas rin. Kaya siguro... ganon nalang ang kahahatnan ng nararamdaman ko para kay Benjamin.

The defeaning silence is slowly making me feel uncomfortable. 'Yung feeling na alam mong may kasama ka pero ni hindi mo magawang makapag-isip man lang ng pag-uusapan.

Dinala ko ang tasa sa aking bibig at tsaka sumimsim ng kape. Nakatinginan kami ng sandali. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin.

I stepped back a little when he went to my place to grab a coffee. Lumunok ako. Hindi ko ata kakayanin ng malapit siya sa akin. Mas lalo ata akong magkakasakit.

After he got some coffee, he prepared food for himself. Habang ako naman ay tinatapos kong inumin ang kape. I took a sip at bahagya siyang tiningnan sa gilid ng aking mga mata.

I saw him putting some jam over his bread. Nagulat naman ako nang lumingon siya sa akin. Buti nalang at mabilis kong naiwas ang tingin at nagkunwari na busy sa pag-inom ng kape.

It's Sunday today and I know he won't go to work. Natural na nandidito lang siya sa bahay dahil hindi naman siya pumapasok tuwing Linggo. Ako lang ata ang ganoon.

Ang pinagtataka ko lang talaga ay kung bakit pa siya nananatili rito sa kusina kung pupwede naman niyang kainin ang tinapay sa may sala. Umiling nalang ako at hindi na gaano pang inisip 'yon.

Pagkatapos kong ubusin ang kape ay nagtungo ako sa may medicine cabinet. Kumuha ako ng gamot at tsaka naman nagtangka na kumuha ng tubig sa refrigerator. And because he positioned himself right in front of the refrigerator, I have to excuse myself just so I can pass and get myself a water.

"Excuse me," I said in a low voice.

Tiningnan niya muna ako bago ako tuluyang bigyan ng daan. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin habang kumukuha ako ng tubig. Hindi ko nalang siya pinansin. I ignored him and placed the jar of water that I got on the counter top. Kumuha ako ng panibagong baso at tsaka ininom na ang gamot.

"Are you not feeling well?" tanong niya. Agad namang kumalabog ang puso ko nang dahil doon.

Tumango ako at hindi na siya pinansin pa ulit. Now we are surrounded by silence again. Pero buti nalang talaga at nag-ring iyong cellphone ko kaya mas napunta ang atensyon ko sa ibang bagay.

Nilingon ko ang aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng counter top. Nakita kong si Troy iyong tumatawag. But for some reason, that made me raise my gaze at Benjamin. At dahil rin doon, nakita kong nakatingin na rin siya sa telepono ko habang nakakunot ang noo.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tsaka sinagot ang tawag ni Troy.

"Hello?"

"Kelsey! Why didn't you tell me that Jeya went there last night?" salubong niya sa akin.

"O-Oh! Did Jeya mention that to you?"

"Yeah, because I called her and she told me that she's still not a sober after you drank with her last night."

"Well, it was unplanned. I'm sorry if I didn't tell you."

Umikot ako at tsaka nagpunta sa harap ng lababo. Inipit ko ang cellphone sa aking tainga at balikat habang hinuhugasan ang mga pinaggamitan ko. Napaangat naman ako ng tingin nang maramdaman kong may nakatitig sa akin.

Benjamin, who's currently leaning against the counter, is looking at me with some serious eyes. Nakatuko ang siko sa counter habang may hawak na tinapay. Nag-iwas ako ng tingin.

"Buti nalang at tumawag ako sakanya kung hindi maghihintay pala ako mamaya sa wala!" reklamo niya.

"Huh? Aalis kayo?"

"Nagpapasama ang isang 'yon. Hindi ko lang alam kung saan. Naawa ako kaya pumayag ako."

I chuckled.

"I was about to invite you to join us though. But then... I remember that you go to work even on Sundays." Dagdag niya. Natawa naman ulit ako.

"I'm just using my time wisely, Troy."

This time, he was the one who chuckled on the other line. Napangiti ako.

It's been a while since I last had a conversation like this with him. Simula kasi noong umamin siya sa akin bago ang kasal ko, para bang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. It's like there's a wall build between us and it sucks.

Napaangat naman muli ako ng tingin at nakitang ganoon parin ang pwesto ni Benjamin. Is he listening to our conversation? So chismoso!

"I miss you, Kels..." Troy whispered on the other line.

My mouth parted. I know he doesn't miss me because we don't spend so much time together anymore. But I know he misses me because we aren't the same us anymore.

A sad smile curved on my lips. "I miss you, too..."

Nakita ko namang napaayos ng tayo si Benjamin. He cleared his throat. Kunot noo ko naman muling ibinaling ang tingin sakanya. Now his eyebrows are furrowed at me, his strong jaw clenched.

Iniwas kong muli at tingin at tsaka tinapos na ang ginagawa. Bakit naman ganoon ang reaksyon niya? At bakit ba siya nakikinig ha? Hindi ko naman siya pinakikinggan sa tuwing may kausap siya sa telepono niya ah?!

Lumabas ako ng kusina para hindi na mapakinggan pa ni Benjamin ang usapan namin ni Troy. Dumiretso ako sa may living room.

"When are we going to see each other again?" tanong niya.

"I don't know. I'm still so busy. May bago kasing proyekto at medyo malaki iyon."

"That's sad... Well maybe we can visit you there on some other time." he suggested. Lumaki naman ang ngiti ko nang dahil doon.

"Really? That would be great! I'll try to free my schedule for it."

Hindi ko na napakinggan pa ang sinagot ni Troy dahil nagulat nalang ako nang biglang may sumulpot sa harap ko at nagsalita.

"Hindi ka papasok ngayon?"

Tinaasan ko ng kilay si Benjamin. At ano naman sakanya kung hindi ako papasok diba?

"Hindi." I answered simply. Ngumuso siya at tumango.

Nagulat naman ako nang umupo siya sa sofa malapit sa akin. My forehead creased. And he's seriously staying here, too?! Wala ba siyang ibang mapuntahan ha?

"What is that again, Troy? I'm sorry I didn't hear it."

Napangisi si Benjamin nang dahil doon. Umirap ako.

"Oh... never mind."

"I'm sorry..."

"No, it's fine. I guess you're busy so... I won't disturb you anymore." I was about to protest but then he already said his goodbye. "Bye, Kels. See you soon."

"Bye, Troy. See you soon."

"Kailan kayo magkikita?" tanong ni Benjamin matapos kong ibaba ang tawag.

"That's none of your business." Tumayo ako at iniwan siyang mag-isa doon sa living room.

Napatalon naman ako nang may biglang tumawag na naman sa akin sa telepono. This time it's Jona. Agad kong sinagot ang tawag.

"Jona,"

"Kelsey, I just want to remind you about the meeting that you're having today with the design team."

Napahawak ako sa aking ulo at napapikit nalang nang dahil doon.

"Oh, fuck..." I whispered under my breath. "Post pone it, Jona. Hindi ako makakapunta. Masama ang pakiramdam ko. Pakisabi nalang na isend nila sa e-mail ko ang mga natapos nila and then just send me everything that I need to do. I'll do it at home."

"Ah... ganoon ba? Sige. Magpagaling ka. Isesend ko agad sa'yo lahat."

I thanked her after that. Nang binaba ko ang tawag ay nagulat naman akong muli nang tumambad sa gilid ko si Benjamin. Seriously!? What's up with him?

Magsasalita na sana ako nang magulat ako nang bigla niyang hinawakan ang noo ko. Clearly checking if my temperature's normal. Marahas kong inalis ang kamay niya sa noo ko.

"Ano ba?!" reklamo ko.

"Magbihis ka at ipapacheck up kita kay Margaux."

"Wala akong sakit!"

"Pero masama ang pakiramdam mo. Kailangan nang agapan 'yan."

"At anong alam mo sa larangan ng medisina ha? This is just a stupid headache! I don't need a doctor!"

He scoffs. Umiling siya at hinimas ang baba gamit ang kanyang index finger.

"And you're still going to do some work huh? Kahit na masakit na ang ulo mo? Paano ka gagaling niyan?"

"At ano naman sa'yo diba? Ako naman ang makakaramdam ng sakit ng ulo at hindi ikaw!"

Aakyat na sana ako sa kwarto ko upang simulan na ang trabaho nang pigilan niya ako. Mahigpit niya akong hinawakan sa aking palapulsuan.

"Brittany's returning from America today. If you can't come, just tell me."

"I will go, okay? This is just a stupid headache. Mawawala rin 'to mamaya." Umirap ako at inalis na ang pagkakahawak niya sa akin.

Doon nalang ako nakapagpawala ng malalim na hininga nang makapasok na ako sa kwarto ko. I sighed heavily. Hinawakan ko ang aking dibdib na kung saan sobra sobra ang pagtibok ng puso ko.

Umiling nalang ako at hindi na ginawa pang big deal iyong tagpo kanina.

"That's nothing... right, Kels?" I whispered to myself.

Patuloy ko namang pinapagaan ang sarili ko at tsaka sinimulan na ang trabaho. I checked some of the on-going designs of our architects for the hotel's amenities. I can't wait to see them done. I'm sure they are all exceptional.

Kaya ko lang naman pinapasa ang mga proposed designs nila ngayon kahit hindi pa tapos ay para makita ko ang progress. At para narin masiguro ko na lahat ay kumikilos. I don't want lazy workers. Kung tatamad-tamad, mas mabuti nang wag nalang siyang magtrabaho.

Mag-gagabi na nang kumatok si Benjamin sa kwarto ko.

"Are you ready?" he said outside my door.

Buti nalang rin at nakapaghanda na ako. Baka magalit pa 'to sa akin kapag nalaman niyang hindi pa. At buti nalang rin ay maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Though, I still feel a little weak... kaya ko pa naman.

Hindi ako sumagot. Inayos ko ang mga gamit ko at tsaka lumabas na ng kwarto ko.

"Kels-"

"I'm ready." Hindi na naituloy pa ni Benjamin ang pagtawag sa akin dahil tumambad na ako sa harap niya.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. I'm wearing a simple maroon sleeveless top and a black pants. Binalik niya ang tingin sa akin at tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

He cleared his throat. "Let's go."

Bumaba kami at agad na dumiretso sa sasakyan niya. I bet this is going to be another quiet and uncomfortable ride. My parents are going to be there, too. Halos marami atang inimbita si Tita Barbara kaya sigurado ako na marami silang kamaganak doon.

And we have to act like a married couple again! Yey!

Mabilis ang naging byahe patungo sakanila. Nang makarating naman kami doon ay agad akong sinalubong ng magulang niya. Tita Barbara hugged me and kissed both of my cheeks.

"How you been, Kelsey?" nakangiti niyang tinanong sa akin. Tipid ko siyang nginitian pabalik.

"I'm doing great po."

"I'm glad to hear that! Buti nga at madalas nang dyan umuuwi si Benjamin, e. Hindi katulad dati na dito parin umuuwi kahit na may sarili nang bahay."

I pursed my lips. Napansin ko rin. Noong mga unang buwan ng kasal namin ay minsan ko lang siyang nakikitang umuuwi sa bahay namin. Hindi ko alam kung saan ba siya nagpupunta. It's somehow a relief for me to know that he comes home to their house at hindi sa bahay ng ibang babae.

Nagulat nalang ako nito nang mapansin na madalas na siyang umuuwi sa bahay. Minsan kahit hatinggabi na ay naabutan ko pa siyang kakauwi lang galing sa trabaho. Hindi katulad dati na hindi niya magawang umuwi sa amin kahit hatinggabi.

Wala akong naisip na isasagot doon. Buti nalang rin at dumating si Benjamin.

"Pupunta na po ako sa airport para sunduin si Brittany," pagpapaalam niya. Tumango naman si Tita Barbara. "And also, Margaux and her friends are going to arrive soon."

"Ganoon ba? Sige. Ako na ang bahala sakanila. Just make sure na hindi makakahalata si Brittany na may surpresa tayo sakanya ha?"

"Of course." Naramdaman ko namang napabaling ang tingin ni Benjamin sa akin. Hindi ko siya tiningnan. Mas itinuon ko ang pansin sa mga kamaganak nilang kadarating lang ngayon.

"Mauna na ako." aniya.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil umalis na rin naman siya agad pagkatapos. Isinama naman ako ni Tita Barbara upang salubungin ang iba nilang kamaganak. Sila Daddy ay pupunta na rin may tinatapos lang raw na trabaho.

"Hija! You look beautiful as ever!" salubong sa akin ni Tita Cecilia habang hawak ang aking pisngi. I chuckled lightly.

"Hi, Tita! It's been a while."

"How's your married life? Nagkakadevelopan na ba kayo? Medyo hindi na kami updated dahil ang dami ring ganap sa pamilya namin!"

"Uh..."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit 'yan nalang lagi ang tanong nila sa akin. Instead of asking me how I am, here they are asking me about my marriage!

"Hindi po." Medyo nahihiya ko pang sinagot.

At sinong niloloko mo, Kelsey?

"Ano ba 'yan! Hanggang ngayon ba seryoso parin talaga kayo sa arranged marriage na 'yan? Hindi ba't magkasama na kayo sa iisang bahay kaya imposible na hindi!"

I bit my lip. Ang alam lang nila ay magkasama kami sa iisang bahay. But little do they know, we sleep on separate rooms and we rarely see each other around the house!

"Uh... we rarely see each other po. We spent most of our time working."

Bumagsak ang balikat ni Tita Cecilia nang dahil doon.

"Naku! Hindi naman pala matinik itong si Benjamin sa babae gaya ng sabi ng mga pinsan niya! Tingnan mo nga at hindi parin nakukuha ang loob mo hanggang ngayon!"

My mouth parted. Hindi niyo lang alam...

Hindi na namin naituloy pa ang usapan dahil nagsidatingan na ang ibang bisita. Margaux and her friends arrived, too. Mukhang kakagaling lang ng hospital. Sinalubong ako ni Margaux at niyakap. Pinakilala niya naman ako sa mga kaibigan niya.

Mamaya maya pa ay sinenyasan kami ni Tita Barbara at Tito Francisco na manahimik na. Paparating na raw kasi sila Brittany. Ipinapatay na rin nila ang ilaw sa buong bahay kaya nagdilim na ang paligid. The only source of light that we have is the moon.

Pumwesto ako sa likod. Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng cellphone ko kaya agad kong kinuha iyon. I received a message from my mother. Buti nalang rin at mababa ang brightness ng cellphone ko kaya hindi agaw pansin.

Mommy:

Anak, pakisabi kay Barbara na hindi kami makakapunta ngayon. Marami kaming inaasikaso ng Daddy mo, e. Pasensya na kamo. Babawi nalang kami.

I sighed. Kahit talaga nagbitaw na sila sa pwesto, hindi talaga nila mapigilan ang sarili na magtrabaho parin. They're just very hardworking. Hindi na ako magkakataka pa kung saan ako nagmana.

Me:

Okay. Sasabihin ko po. Mag-iingat po kayo pauwi. I'll see you soon.

Mommy:

Love you, Kels!

Me:

Love you, too, Mom!

Pagkatapos ko namang isend iyon ay nagulat nalang ako nang biglang magsigawan ang lahat. Binuksan na rin nila ang ilaw at nakita ko si Brittany na nakahawak na sa kanyang dibdib at mukhang hindi inaasahan ang surpresa para sakanya ngayon.

Nagulat nalang rin kami nang biglang sumigaw si Benjamin. Dahilan kung bakit natahimik ang lahat.

"Such a bad idea! I told you she's going to get scared again!"

Wala sa sarili akong natawa nang dahil sa sinabi niya. He looks very concerned about his younger sister. Kung hindi pa siya hahampasin ni Brittany ay talagang hindi na mawawala sa itsura niya ang pagseseryoso.

"I'm not scared, dumbass! I'm surprised!" ani Brittany. Ngumiti siya sa lahat ng bisita at mukhang masayang-masaya na nakabalik na siya.

Her parents went to her. Medyo naging emosyonal pa si Tita Barbara nang dahil sa pagbalik niya. Oh, how I miss my parents. Ang hirap nang nawawalay sakanila lalo na't nasanay ka na halos buong buhay mo silang kasama sa bahay.

Iniwas ko ang tingin sakanila at tsaka pumwesto nalang sa isang bakanteng lamesa sa may dulong bahagi ng back garden nila. A waiter handed me a glass of wine which I gladly accepted.

Hmm... wine. Parang kagabi lang, Kelsey, ilang bote ang naubos mo ha? Ngayon, may round two ka?

I thanked him at tsaka naupo na. I sat there alone while I was watching everyone having fun. Ang mga kaibigan naman ni Margaux ay naghihintay na salubungin sila ni Brittany. Some of their relatives are having their own conversations now.

Ang mga pinsan naman niya ay nandoon sa gilid at mukhang sila na ang susunod na sasalubong kay Brittany. Habang ako... nandidito... mag-isa at walang kausap.

Pero hindi na iyon big deal pa sa akin. Sanay na naman ako. Napabaling naman ako kay Benjamin na papunta na sa pwesto ko ngayon. He stares back at me coldly at tsaka bumaba ang tingin sa wine na iniinom ko.

Iniwas ko ang tingin sakanya at itinuon muli sa ibang bagay ang atensyon. I was surprised when he sat on the seat beside me. Kunot noo ko siyang nilingon. Hindi naman siya nagsalita at seryoso lang na pinapanood ang mga bisita.

Paminsan-minsan ay may mga lumalapit sa amin upang mangamusta. Ang iba ay hindi pamilyar sa akin. Ang iba naman ay mukhang business partners nila na ni minsan ay hindi ko pa nakikita sa kahit ano mang business party.

"I'd like you to meet my wife," binalingan ako ng tingin ni Benjamin at tsaka ipinakilala sa kausap. Bahagya naman akong nagulat kaya tumayo ako upang ipakilala ang sarili.

"Kelsey," I said simply and I stretched my arm towards the old man.

"Oh, I heard! But I haven't seen you in any meetings! Masyado ka raw busy sa designs!" ngumiti siya sa akin.

"Yes po. Ever since I've been tasked to handle the design team, sobrang naging hands on na po ako. Pasensya na po at hindi ako masyadong nakakaattend ng meetings-"

"No worries, hija! Nandyan naman ang team mo to back you up! I'm impressed that they're all responsible. Halatang magaling ang leader dahil lahat ay kumikilos."

I smiled at his simple but meaningful compliment.

"Thank you so much about that, Sir."

"And also, your husband never fails to mention everything that you do for the company. So, we don't really mind if you can't attend. Panatag naman kami sa kakayahan niyong mag-asawa." Ngumiti siya sa akin. Ganoon rin ang ginawa ko.

"That's... really nice to hear."

"Mabuti nga at naisipan ng mga magulang niyo na mag-merge! Mas lalo tuloy lumago ang kompanya ninyo! Tingnan niyo nga at maganda ang kinalabasan ng merging na iyon. Hindi na kayo naubusan ng project!"

Napangiti nalang si Benjamin sa nagagalak na sinabi ng kausap. Kahit papano... may maganda paring naidulot ang arranged marriage na 'to para sa kompanya. Hindi man para sa amin ni Benjamin, pero masaya ako na maganda ang nagiging takbo ng kompanya nang dahil dito.

Maybe our parents forced us to marry each other because they know it's going to work well for both our companies. I smiled a little at the thought.

Mamaya maya pa ay sinalubong ko na si Brittany. Malaki ang ngiti na iginawad niya sa akin habang patungo ako sa pwesto niya.

"Welcome back, Brittany!" ngumiti ako.

Nang tuluyan siyang makalapit ay niyakap niya ako ng mahigpit. I chuckled. Hindi ko inaasahan na sasalubungin niya ako ng ganito.

"Kelsey!" aniya sabay hinarap ako sakanya. "Oh my god! I missed you! I'm sorry I wasn't able to attend your wedding. Alam mo naman..."

"It's okay, Brittany. I understand. What matters now is you're okay."

Ngumisi siya sa akin. "How's living with my brother though? Is he fine? Is he... fun? Boring? Anything? Update me, come on!"

"Well... he's... fine."

"'Yun lang?!"

Kumunot ang noo ko. May dapat pa ba akong idagdag doon?

"Yeah?" medyo nagugulohan ko pang sinagot sakanya.

"Tss..." umirap siya at bumagsak ang balikat. Ngumisi nalang ako at bahagyang natawa. "When are you planning to have a baby though? Make sure to make me your OB-Gyne-"

"Brittany, you know that this is just an arranged marriage. I don't think we have plans about-"

"Oh, that's bullshit!" maarte siyang humalukipkip. "You've been living together for a year now! I'm sure one of you is already in love with the other kaya it's normal to plan for your future together!"

I bit my lower lip. Ngumiti nalang ako at umiling.

"I don't think that's happening." I said.

Brittany pouted. Hinawakan niya naman ako sa braso. She smiled reassuringly at me.

"But I'm sure there will be a time were you'll both plan on how many kids you want to have."

Hindi ako sumagot at tipid nalang siyang nginitian. Hindi ako aasang mangyayari pa iyon. That's like... the most impossible thing to happen.

Nagdaan ang ilang araw at mas lalo akong naging abala sa trabaho. I've been keeping myself busy with the hotel's design. I want this to be the place where people go for leisure. I don't want this hotel to be something that people stays in for a night.

Maraming gamit ang nasa harap ko dahil abala ako sa pagtapos ng design para sa bar area ng hotel. Inipit ko ang isang paint brush sa likod ng aking tainga at pagkatapos ay blinend ko ang kulay gamit ang daliri ko.

Sa living room ko ginagawa ang lahat. Natatakot kasi ako na baka madumihan ang carpet ko kung sa kwarto ako gagawa. Dagdag trabaho pa iyon kung sakali.

Hindi ko na napansin pa na bumukas na pala ang pinto dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa. I focused on adding details around the room. Inayos at inalis ko rin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi appropriate sa design ko.

"Why are you still not sleeping?" bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ko si Benjamin na magsalita.

Kumunot ang noo ko. "Why? What time is it?"

He checked the time on his wrist watch. "It's two o'clock in the morning."

Namilog ang mga mata ko nang dahil doon. Hindi ko na napansin pa ang oras dahil masyado akong focused dito sa ginagawa. Pagmemeetingan na rin kasi ang tungkol sa progress nitong project kaya gusto kong may maipapakita ako sakanila.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" I asked out of curiosity. Napansin ko namang hindi niya inaasahan na itanong ko iyon. His mouth parted a little.

"Marami lang akong tinapos na trabaho."

For some reason, I believed that. Hindi ko magawang manghinala sakanya dahil ramdam ko na totoo iyong sinasabi niya. Tumango ako at ibinaling muli ang tingin sa ginagawa.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya.

"Mamaya na. Tatapusin ko lang 'to." sabi ko habang hindi siya tinitingnan.

But I know it's impossible to finish this today. Wala pa sa kalahati ang natatapos ko.

"But it's already dawn. Maaga kang pumapasok sa trabaho diba?"

Napalingon ako sakanya. He notices that? Umawang ng kaunti ang bibig ko at tsaka nag-iwas muli ng tingin sakanya. I let out an exaggerated sigh.

"Sige," I stated. "Matutulog na rin ako mamaya."

Naramdaman kong tumango siya matapos kong sabihin iyon. Tinupad ko naman ang sinabi ko na matutulog na ako. Nang umakyat siya sa kwarto niya, nag-umpisa na rin akong magligpit ng gamit at tsaka natulog na.

Ganoon lang lagi ang naging sitwasyon namin pagkatapos ng ilang araw. I keep on staying up late just to finish some of the designs. Minsan magugulat nalang ako at sa sofa na pala ako nakatulong. I don't remember myself falling asleep on the couch though. Minsan nga nakakagulat nalang dahil nakakumot na rin ako.

I craned neck to the side when I felt myself getting exhausted because of doing so much work. Medyo nahihilo na rin ako pero pinipilit ko lang ang sarili na magising. Sanay na naman ako sa ganito. I've been in the same situation when I was still in college.

Naaalala ko pa noon na sobrang pressured ako sa pagpasa ng plates dahil sa tingin ko hindi parin ako satisfied kahit na marami na ang nagsasabi na maganda naman daw ang ginawa ko.

Tumayo ako at dumiretso ng kusina. Pinilit ko parin ang sarili na hugasan ang mga pinggan na ginamit ko kanina kahit ramdam ko na ang pagkahilo. Hinilot ko ang aking sentido at tsaka huminga ng malalim.

Bumalik ako sa living room upang subukan na ipagpatuloy ang ginagawa. I don't know what I did to feel this sick. Marami lang naman akong ginagawa nitong nagdaang araw. Hindi ko naman alam na ganito ang magiging kapalit.

When I somehow finished my work, I tried walking towards the stairs para makapanik na ng kwarto ko at makapagpahinga na. But my dizziness is slowly overtaking me until I can slowly feel myself passing out.

Bago naman ako tuluyang bumagsak sa sahig ay nakita ko pa ang pagpasok ni Benjamin ng bahay. He quickly rushed to me when he saw my state. After that, I see nothing but pitch black.

Unti-unti kong sinubukang buksan ang mga mata ko. I feel like I've passed out for a long time already. Sinalubong naman ang mga mata ko ng isang maliwanag na ilaw. I heard people hissing. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong silid at napagtantong nasa ospital pala ako.

Lumapat naman ang mga mata ko sa likod ng isang lalaki na may kausap na nurse ngayon. Based on his stance, I knew he's Benjamin. He's a little tensed based on the way he talks to the nurse.

"I need to know what happened and why she passed out! Kailan ba balak dumating ni Dr. Ventura ha? O hindi kaya... ni Dr. Donovan?! I'm her brother! Tell her that she should prioritize me!"

"But, Sir, we have a strict policy about relatives-"

"Well, I don't care! I need someone to look for my wife! I need to know what happened and why she passed out!"

"Sir, marami po kasing pasyente-"

"Bakit? Hindi rin ba pasyente ang asawa ko?! Pinsan ko ang may ari ng ospital na 'to. Baka gusto mong-"

Hindi na naituloy pa ni Benjamin ang kanyang sasabihin dahil dumating na si Margaux at Brittany kasama ang isang lalaking doctor.

"Benjamin!" Brittany gave her brother a warning look.

"Eto na po ang mga doctor, Sir! Tatlo na po sila kaya marami-rami na po ang makakasagot ng tanong niyo." The nurse then excused herself after that.

"What happened, Benj?" Margaux asked.

"Kelsey passed out and she's still not opening her eyes ever since I brought her here-"

"Well she's awake now." Ani ng lalaking kasama nila Margaux at Brittany.

Mabilis na lumingon si Benjamin sa gawi ko. His eyes widened a little.

"Kanina ka pa gising?" tanong niya at medyo nababahala pa ang itsura.

Why? Is he afraid to know that I heard everything? Nahihiya pa siyang malaman ko kung gaano na siya kalapit magwala kanina?

Sinubukan kong tumango. Lumapit iyong lalaki sa akin at tsaka sinubukan akong iexamine. Pero hindi niya pa tuluyang nagagawa ang trabaho ay nagsalita na si Benjamin.

"Wait!" kumunot ang noo niya habang tinititigan ang lalaking kasama nila Margaux at Brittany. Nilingon niya ang dalawa. "I asked for either of you. Why is he the one examining Kelsey? I didn't ask for him."

Natawa naman si Margaux nang dahil sa sinabi ni Benjamin habang si Brittany ay napairap nalang.

"First of all, dumbass... we're not allowed cure a family member. That's why we asked Ethan to do it. Kelsey's basically a family now so..."

"It's a protocol, Benj, I'm sorry." Si Margaux. Benjamin sigh at tsaka binalingan muli ng tingin iyong Ethan.

"Continue your work." utos ni Benjamin sakanya.

Tamad namang nag-taas ng kilay iyong Ethan at tsaka tinuloy na ang trabaho. He asked me a lot of questions involving what I feel or what I did for the past few days. He came up with a diagnosis after that.

"Your wife experienced an overfatigue. I bet she's been working a lot for the past few days and she doesn't get enough rest so that explains why she passed out. The best thing to do is to let her take a rest and to make sure that she gets enough sleep. Since she doesn't have any medical history, you have nothing to worry about, Sir."

Benjamin nods his head. Sinubukan ko namang bumangon at mabilis akong tinulungan nila Margaux at Brittany.

"Thanks," I mumbled.

"Napakasipag mo naman kasi... ayan tuloy!" ani Brittany. Bahagya nalang akong tumawa.

"At ikaw..." nilingon niya si Benjamin. "Aalagaan mo kasi! Parang tangang asawa 'to, e! Walang kwenta!" umirap siya at nang nilingonin muli ako ay ngumiti siya sa akin.

Margaux bursted out of laughter because of that. Umiling nalang ito at hindi na sumali pa sa bangayan ng magkapatid.

Inalalayan naman ako ni Benjamin hanggang sa makauwi na kami muli sa bahay.

"D-Do you need a-anything?" tanong niya sa akin matapos niyang isara ang pinto ng bahay.

"Just water." Tipid kong sinabi. Tumango siya at dumiretso na sa kusina.

Habang ako naman ay dumiretso sa may living room at sinubukang ligpitin na ang mga gamit na naiwan ko kanina. Wala pa akong nadadampot ay bigla namang sumulpot si Benjamin.

"Kelsey, ako na diyan!" medyo iritado niya pang sinabi. "Kakagaling mo lang ng ospital. Baka gusto mong bumalik ulit doon."

Inirapan ko siya. Inabot niya sa akin ang baso ng tubig. He started cleaning up my mess. Pinanood ko naman siya habang ginagawa iyon.

"Wag ka nang pumasok bukas. Dito ka lang at magpahinga. Magpapadala rin ako ng pagkain dito para hindi ka na mag-abala pa. I already informed your parents about what happened. Pupunta raw sila dito bukas-"

"Wag na!" pagpigil ko. Nilingon niya ako habang nakakunot ang noo.

"Bakit?"

"Malayo 'tong bahay sa amin. Ayoko nang bumyahe pa sila ng malayo."

"Nakakotse naman-"

"Kahit na. Wag na, Benjamin. Tatawag nalang ako sakanila."

Sa huli ay wala siyang nagawa. Kinabukasan naman ay kabaligtaran ang nangyari. Sa halip na ako ang tumawag sakanila ay sila pa ang tumawag sa akin.

"Honey, make sure you'll drink lots of water and take a rest! It is important to take a break sometimes!"

I smiled a little even though my Mom can't see it. "Yes, Mom. I will."

"Nandyan ba si Benjamin?"

"Wala po. Pumasok na po ata sa trabaho."

Pagkagising ko kanina ay may nakahanda nang pagkain dito sa lamesa. Ito ata iyong sinasabi niyang ipadadala niya kagabi. At tsaka maaga iyon lagi sa trabaho. Late na ako nagising kaya imposibleng nandidito pa iyon.

"Ganoon ba? Naku! Sino naman ang magaasikaso sa'yo diyan? Baka hindi mo kayang gumawa ng kahit ano. Gusto mo ba at ipadala ko diyan ang isa sa mga katulong para may kasama ka dyan?"

"Hindi na po, My. Kaya ko naman po."

"Sigurado ka?"

"Opo. Wag po kayong mag-alala."

I heard her sigh on the other line. "Sige. Basta wag mong kakalimutang tumawag kapag may kailangan ka, okay?"

"Opo, Mommy." Bahagya akong tumawa bago kami tuluyang magpaalam sa isa't isa.

She's very caring. Hindi naman malala iyong nangyari sa akin kagabi pero kung mag-alala siya ay akala mo naconfine ako.

Nang walang mahanap na gagawin ay napagdesisyonan ko nalang na manood ng movie. I ended up watching an action film. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang napili ko.

Abala ako sa panonood nang magulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto. Akala ko noong una ay kung sino na ngunit nang makita ko si Benjamin ay guminhawa naman ang pakiramdam ko. Sandali siyang tumitig sa akin bago magtungo sa sabitan ng mga susi.

"Maaga ka ata." Sabi ko. Bumaba naman ang tingin ko sa supot na hawak niya. It came from a drug store.

"May nakalimutan lang." tumango ako. Itinuon ko naman muli ang tingin sa pinanonood. "Bumili na rin pala ako ng gamot. Baka... kailanganin mong inumin kung sakaling may hindi maganda kang maramdaman."

Nilingon ko siya at nakitang ipinatong niya ang gamot sa may counter sa kusina.

"Sige. Salamat."

Sinundan ko siya ng tingin. Sa halip na dumiretso na siya ng kwarto niya upang kuhanin na ang kung ano man ang nakalimutan niya at dumiretso siya dito sa living room at umupo sa katabing sofa. Ipinatong niya ang kanyang siko sa ulo ng sofa.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi ka ba papasok ulit?" tanong ko.

He turns to me. "Hindi na."

"Hindi ba't... may nakalimutan ka?"

His forehead creased at tsaka siya ngumuso. "May nakalimutan ako?"

Hala! Nababaliw na ata ang isang 'to. Parang kakasabi niya lang noon kanina ah?

"Sabi mo!"

He stopped for a while. Nang marealize kung ano ang ibig kong sabihin ay nag-iwas siya ng tingin. Tumingin siya sa pinanonood ko.

"Ah... 'yon!" napakamot siya ng ulo. "Ipapadala ko nalang 'yon kay Regina pabalik."

Nakita kong nilingon niya ako sa gilid ng kanyang mata. I shrugged my shoulders. Okay... if he said so. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top