Chapter Three

Song: Talk- Why Don't We

Hope

Finals week came and we all became so busy. Hindi na kami nakakapagsabay pa kumain ng lunch nila Jeya at Troy dahil na rin sa sobrang rami naming ginagawa.

I did not meet up with any of our friends for the whole week dahil sa sobrang pagrereview! I badly want to graduate with a latin honor. 'Yun na ang pinaka magandang kapalit na maibibigay ko sa mga magulang ko pagkatapos nilang magsakripisyo sa trabaho para lang maibigay sa akin ang lahat ng gusto ko. At syempre para na rin makapag-aral ako sa isang napakagandang eskwelahan.

I stayed in my room the whole time. Minsan pinapadala ko nalang kay Manang ang pagkain ko sa kwarto. I don't even have the time to get up from my seat. I'm afraid that once I stood up, mawawala lahat ng nireview ko sa isip ko.

Yes, I'm a grade conscious. And it's weird to have a mentality like this! Ilang beses ko nang sinubukan na makuntento sa isa o dalawang mali, pero hindi ko magawa! I always want to strive for perfection. Pero hindi naman mali iyon di ba?

I was busy reciting some terms in my head when I heard a knock on my door. Medyo napabalikwas ako dahil sa pagkabigla.

"Kelsey?" Manang gently called outside. She knocked again.

"Manang, pasok po!" sigaw ko at tsaka binalik muli ang mga mata sa nirereview.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako lumingon at mas pinagtuunan parin ng pansin ang mga papel sa harap ko.

"Sabi ng Mommy mo, dalhan raw kita ng merienda rito sa kwarto mo. Pinapatanong niya kung tapos ka na daw bang mag-review." Ani Manang. Doon lang ako napalingon muli sakanya.

"Ahh... hindi pa po, e. Marami pa po akong kailangang aralin kaya baka matagalan pa po ako dito." Paliwanag ko.

"Ganon ba? Sige, sabihin ko kay Mommy mo. Nag-aalala kasi at hindi mapakali dahil hindi ka lumalabas ng kwarto mo. Kanina pa tawag ng tawag."

"Ay! Ganoon po ba? Pasyensya na po. Ang dami ko lang po talagang inaaral kaya hindi ko na rin po nacheck kung tumatawag po siya. Pakisabi nalang po na ayos lang ako dito." I smiled at her. "Salamat po sa merienda, Manang."

Bahagyang tumawa ni Manang at tsaka hinawakan ako sa balikat. "Napakasipag mong mag-aral, anak. Sigurado akong sobrang proud sa'yo ng mga magulang mo dahil hindi nasasayang iyong sakripisyo nila para sa'yo."

Hindi ko naiwasang mapangiti nang dahil sa sinabi niyang iyon. That's what I'm trying to do, actually. I'm working this hard for my parents. They're the reason why I'm at school. Sila ang nagbibigay sa akin ng mga kailangan ko sa pang-araw araw. They also serve as my inspiration.

Ang natatangging kapalit na maibibigay ko sakanila ay ang pagbubuti ko sa pag-aaral ko.

Nagpaalam rin agad si Manang nang matapos kaming mag-usap ng sandali. I continued studying. Ala una na ng madaling araw nang matapos ako sa pag-aaral. Thank God my first exam starts at ten! Dahil kung seven o'clock iyon, baka bangag ako at hindi pa makapagsagot ng maayos sa exam.

I went to school and I patiently waited for my exams to start. Isa-isa nang ibinibigay ang test papers sa amin. The proctor smiled at me.

"Good luck," she said. Ngumiti rin ako sakanya pabalik at tsaka kinuha sa kamay niya ang test paper.

"Thank you po."

Tiningnan ko ang content ng exam ko. I smiled to myself. Thank God I studied my ass off for this exam. Kaya naman nang sinabi ng proctor na pupwede na kaming mag-sagot, mabilis kong sinulat ang aking mga sagot.

Marami pa akong naging exam noong araw na iyon. I smiled to myself when they're all done! Hindi ko maiwasang matuwa dahil tapos na ang isa sa mga pinakamahirap na subject na meron ako ngayon.

"Looks like she aced the exam again." I heard someone said. Lumingon ako at nakita sila Troy at ang iba pa naming kaibigan sa labas ng classroom.

"Hey!" bati ko.

"How's your exam, Kels?" tanong ni Troy sabay ipinulupot ang kanyang braso sa aking balikat. Nag-simula kaming mag-lakad patungo sa labas ng school.

"It was fine."

Nilingon niya ako at niliitan ng mata. "You know... you can say that the exams are easy."

"It's not!" agap ko. "Mahirap sila. Lalo na kung hindi ka nag-aral."

"I'm sure you studied a lot last night kaya hindi na naging mahirap sa'yo ang exam." I scoff. Ngumisi ako at napailing nalang nang dahil sa sinabi niya. "Ikaw pa ba? You are one of the most hardworking people I know."

I beamed at my best friend. "Ikaw naman ang pinakabolero sa lahat ng kakilala ko."

"Ha! I'm not even joking when I said that you were hardworking! Totoo lang ang sinasabi ko. Can't you just thank me for the compliment? Geez!"

I laughed. I hit him playfully on his chest. Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Jeya na naghihintay na para sa amin sa labas ng school. She's with her boyfriend.

"Landian to the max na naman 'to." Bulong sa akin ni Troy, clearly referring to Jeya and her boyfriend.

"Stop it!" I said in between my laughs.

Binati namin si Jeya. Ngumiti sa amin ang boyfriend niya at tsaka nakipagman bump kay Troy. Pagkatapos naman noon ay tumabi siyang muli sa akin.

"Lance is a great guy. But when they try to become flirty and stuff with each other, it annoys me." Troy hissed at me.

"Sus! Inggit ka lang, e." pang-aasar ko.

"I'm not! I can look for girls and flirt with them. But... unfortunately, I've got eyes on someone else. So no thanks." He smirked at me.

Umiling ako at pabiro siyang inirapan. I ate dinner with them at a restaurant near our school. Pagkatapos naman noon ay hinatid ako ni Troy pauwi sa amin.

"I'm going to text you when I get home." Aniya bago ako makababa ng kotse niya. Nilingon ko siyang muli.

"Okay."

"But don't reply. I know you're busy reviewing and I don't want to disturb you, but I just want to let you know."

I smiled. "It's fine though. As long as you get home safe."

Troy smiled back at me. Hinintay ko munang makaalis ang kotse niya sa harap ng bahay namin bago ako tuluyang pumasok sa loob. I only have one exam left for tomorrow. Hindi naman ganoon kahirap ang subject kaya siguro mabilis lang akong matatapos sa pagrereview ko.

I greeted my parents with a kiss on their cheek. My parents just got home from work. At nang sinabi ko na hindi naman ganoon kahirap ang naging exam ko kanina, nakita ko ang tuwa sa kanilang mga mukha.

"I am so happy that you've grown up to be such a hardworking person. I am proud of you, darling." Sabi ni Mommy. Ngumiti ako. Ganoon rin naman si Daddy.

My father isn't really vocal about his feelings. Pero kapag tinitigan mo siya, alam mo kung anong nararamdaman niya. And right now, he looks happy just like my mother.

I spent the entire night studying for my last exam. Maaga akong natulog at maaga rin naman akong nagising kinabukasan. When I went to school, agad akong dumiretso sa classroom at matyagang nag-hintay bago mag-simula ang pinakahuli ko nang exam sa school year na ito.

I bit my lip as I look into my test paper. This is the last exam I'm going to take in this instistution. I'm going to miss this. With a ghost smile on my lips, I started answering my paper.

Inaya muli ako nila Jeya kumain sa labas pagkatapos ng exam, but I declined their offer because I have something else planned. My parents and I are going to have a dinner in Taguig. Sabi nila celebratory dinner na raw iyon dahil tapos na ang final exams ko.

Pinasundo nila ako kay Manong Roly at tsaka ako diniretso patungo doon sa restaurant kung nasaan sila Mommy at Daddy ngayon.

"Thank you, Manong!" sabi ko bago bumaba ng kotse. I grab my bag and I sling it over my shoulder.

"Walang anuman, hija. Congrats nga pala at tapos ka na sa exam mo." Ngumiti akong muli kay Manong. I giggled.

"Thank you po ulit!"

"Sige na. Itext niyo nalang ako kapag may kailangan kayo."

"Sige po!" sabi ko at tsaka tuluyang lumabas na ng kotse.

Binati ako ng isang receptionist nang pumasok ako sa restaurant na tinutukoy nila Mommy. They asked if I have a reservation here at nang sinabi ko naman ang pangalan ni Daddy ay agad nila akong iginiya patungo sa table nila.

I ran my eyes throughout the restaurant. This is such a nice place. I wonder how did they find this?

Mukha ring masasarap ang mga sineserve na pagkain. The place overall is very serene. I like it here now.

Inikot ko naman ang mga mata ko para hanapin sila Mommy at Daddy but  I immediately stopped in my tracks when I saw who they are talking to. My parents are laughing with Tita Barbara and Benjamin! What a nice way to greet my evening!

Mukhang hindi pa nila napapansin ang prisensya ko dahil masyado silang busy sa pakikipagtawa. Why are they laughing by the way? And why are they here? Are they going to join us for dinner?

Oh hell no!

"This way po, Ma'am." aniya ng babae na nag-gigiya sa akin. Napansin niya sigurong hindi ako sumunod sakanya kaya siya napalingon muli sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang dahil doon. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa babae. Tipid siyang ngumiti sa akin at tsaka nagpatuloy sa pag-giya sa akin patungo sa table nila Mommy at Daddy.

Tiningnan ko ang suot ko. I'm still wearing my uniform for goodness sake! Kung alam ko lang sana na nandidito sila, edi sana nag-suot naman ako ng medyo presentable!

Kumunot ang noo ko nang dahil sa naisip. I immediately shrug the idea off after a minute.

Why would I even try to make myself presentable? Maayos naman ang uniform namin! Kung si Tita Barbara lang ang nandidito, maiintindihan ko pa kung bakit gusto kong mag-ayos aki. Pero dahil kasama niya si Benjamin... siguro wag nalang. Who is he though? I don't think there's a need to impress him with the way I dress.

Kung ano ang suot ko, he should deal with it!

Teka nga... bakit ba galit na galit agad ako? E, hindi pa nga nila napapansin na nandidito na ako, e. Napairap nalang ako sa kawalan nang dahil doon.

"Dito po, Ma'am..." sabi sa akin nung babae nang marating namin ang table nila Daddy.

Her eyes quickly lingered towards Benjamin na nakatingin naman sa akin ngayon. And there's that annoying smirk on his lips again!

I rolled my eyes. Binaling ko muli ang tingin doon sa babae at nakitang nahihiya siyang nag-iwas ng tingin kay Benjamin nang lumapit ang tingin nito sakanya. His smirk grew bigger.

Nag-paalam mg tahimik ang babae at tsaka dumiretso na sa dati niyang pwesto.

"Oh, hija! Narito ka na pala!" sabi ni Daddy.

"Such a nice timing, dear. We bumped into your Tita Barbara and Benjamin. They're just about to head home nang makita namin sila!" nagagalak na sinabi ni Mommy.

I sighed in relief and they immediately find that weird. Hindi ko lang maiwasang makaramdam ng labis na kaginhawaan nang malaman ko na hindi sila makakasama sa dinner namin ngayon. Okay lang sa akin kung si Tita Barbara lang, pero kung kasama si Benjamin... I don't think I'll last the night without getting annoyed with him.

"What's the sigh for?" tanong ni Benjamin. Based on his tone, I know he's mocking me. I rolled my eyes again at him.

Hindi ko siya sinagot dahil wala naman akong pakialam sakanya. I turn my gaze at Tita Barbara na nakangiti sa akin ngayon.

"Hello po. Good evening." Bati ko sabay nakipagbeso sakanya. I heard Benjamin coughed.

"Where's my greeting, princess?" tanong niya. Mapaglaro siyang ngumiti sa akin.

"Stop calling me princess." Simple kong sinabi sakanya.

Hinawakan ako ni Mommy sa aking braso. "Naku! Tumigil na kayo bago pa kayo mag-away ulit."

Naghagikhikan sila ni Tita Barbara. Umiling ako. Ngumisi naman muli si Benjamin sa akin.

I swear, if he doesn't stop smirking, baka ako na mismo ang mag-aalis ng labi niya sa kanyang mukha dahil sa sobrang inis ko sa ngisi niya!

I saw Benjamin checking out my uniform. Tinaasan ko siya ng kilay. He scoffs when he saw me already looking at him while checking my uniform out. He bit his lower lip to stop him from chuckling out loud.

Here he is again... he's annoying me!

"O siya! Mauna na kami Clementine. Hinihintay na rin kami nila Brittany sa bahay. They're bound to go back in States in two months. Kaya sinusulit ko na rin ang panahon na kasama ko sila rito."

"Ganoon ba? Susunod parin ba kayo doon, Barbara?" tanong ni Mommy.

"Maybe. I just couldn't leave my children behind. May aasikasuhin lang kami ni Francisco rito at babalik na rin kami doon. Mauuna lang sila."

I can't help but feel so happy. At last! I will not see Benjamin around anymore! Doon na siya sa States! Doon naman siya nababagay!

"Mag-iingat kayo roon, hijo. Wala na ba kayong balak bumalik ulit?" tanong ni Daddy.

Oh please! Why would he ask that?! Paano kung meron? Edi... ugh! Why, Daddy!?

"We do have plans, Tito. Baka pagkatapos po ni Brittany sa med school, bumalik na kami dito for good. She has plans on working at my cousin's hospital while I have a lot of plans for our company and I'd like to do all those plans here."

Bumagsak ang balikat ko nang dahil sa narinig. So, magtatagpo at magtatagpo parin pala ang landas namin noh? He's a family friend and my parents loves to catch up with family friends! They're that social!

"That's good, Benjamin!" my father smiled. Tita Barbara did, too. "I'm sure your father is very glad that you're very hands on and dedicated with your company."

"I know, Tito. He's been telling that to me since then. Malapit na rin naman pong makapagtapos si Brittany sa med school kaya baka saglit lang rin po kaming manatili doon." he smiled at my father then he turns his gaze to me. "What about you?"

Kumunot ang noo ko. Why is he asking about me all of a sudden?

"What?" medyo wala kong ganang sinagot.

"What are your plans after you graduate?" medyo nagulat ako nang dahil sa tanong niya. Should I tell him everything? Marami kasi akong plano at baka hindi kasya ang isang gabi para sabihin ang lahat ng plano ko pagkatapos kong grumaduate.

"To make it simple, I'll work in our company after I graduate. So, when the time comes where my father can no longer handle it, then I'll take over." Unti-unting lumapad ang ngisi niya. I silently groaned.

"I can't help but admire your daughter while she's saying that, Clementine and Bernard! Your daughter has a really good heart. Any man that would have her would be so lucky!"

Binaling ko ang tingin kay Tita Barbara. I smiled at her.

I just hope that the man I'll be with in the future, would also be glad to have me. My imagination ran wild when I thought about my future with someone.

Bata palang ako, ang dami ko nang naiisip tungkol dito. I know It was weird to think about that at such a young age. But I always like to fantasize about weddings because of the books I've read. Someday, I'll also have my happily ever after.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko nang dahil sa naiisip. I probably look weird right now. Wala sa sarili akong napabaling ng tingin kay Benjamin. He was smiling at my parents. I hope that someday, when he meets the one that's right for him, he'll change.

Siguro ngayon hindi pa siya nagseseryoso dahil mukhang bata pa siya, pero sana kalaunan, magbago siya. He cannot play games anymore when he's all tied up. He needs to be serious.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sakanya kaya napabaling siya ng tingin sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin sakanya at nagkunwaring hindi siya tinititigan.

Tuluyan na nga silang nag-paalam sa amin matapos ng kaunti pang pag-uusap. Patago kong tiningnan muli si Benjamin matapos kong yumakap kay Tita Barbara. He's already looking at me when I did.

"Bye, princess." He mouthed at me. Umiling nalang ako at hindi na nag-paalam pa sakanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top