Chapter Six

Song: Always Be Together- Little Mix

Comment

I still can't believe that annoying guy added me on Facebook. Kahapon pa iyong friend request niya pero hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang i-accept man lang 'yon.

I probably look weird sitting alone here in the cafeteria while getting problematic about this friend request.
Hindi ko naman kailangan i-accept iyon di ba? Hindi naman requirement ng life ang maging friends kami sa Facebook.

I groaned. Bakit ba pinapalaki ko pa ang maliit na problema na 'to?

"Mukhang problemado tayo ah?" nagulat naman ako nang biglang bumungad si Jeya sa harap ko. "Ano 'yan?" tinanguan niya ang cellphone ko.

"Ah... Wala-" itatago ko na sana muli ang cellphone ko nang mabilis niyang inagaw sa akin ito. She smirked at me first bago niya tingnan kung anong mayroon doon. "Jeya!"

"Oh my gosh!" hindi niya pinansin ang pag-saway ko sakanya. "He added you!"

"Give that back to me!" sinubukan kong agawin sakanya ang cellphone ko pero mas inilayo niya lang ito sa akin. "Jeya, please! Bigay mo na."

"No!" she shakes her head. "Gosh! How come you didn't accept his friend request right away? Ang hot niya kaya sa profile picture niya!"

Napatigil ako sa pagkuha ng cellphone ko nang dahil sa sinabi niya. Nilakihan ko siya ng mata.

"Jeya... don't tell me you're attracted to him!"

Mabilis niya akong nilingon at tsaka nilakihan rin ng mga mata. "What? No! I have a boyfriend, Kelsey!"

"E, bakit parang gustong-gusto mo 'yang lalaking 'yan? You sound like you're head over heels for him!"

"I am not, Kels! Baka mag-selos ka pa." ngumiwi ako nang dahil doon. Ako magseselos? Bakit sino ba 'yang lalaking 'yan para pagselosan ko?

"I only find him really attractive. 'Yun lang!" Jeya added.

Umirap ako. Sinubukan ko naman ulit kuhanin sakanya iyong cellphone ko. "Give it back to me, Jeys!"

"No. Not until you accept his friend request."

I can't believe she's threatening me to do that! As if! At tsaka ano bang benefit ang makukuha ko kung sakaling i-accept ko nga ang friend request niyan? Yayaman ba kami diyan? Mapapagaling ba niyan ang mga may sakit?

Hindi naman di ba? Kaya bakit ko i-aaccept?

"I will not do that!"

"You should!" pagpupumilit niya.

"No!"

"You should!"

"No!"

"Okay. Kung ayaw mo... edi ako nalang gagawa!" malakas siyang humalakhak dahilan kung bakit nagawi rin ang tingin ng ibang estudyante sa amin. Hinampas ko siya pero mukhang hindi siya naging apektado.

"Jeya, no!" sinubukan kong pigilan siya sa gagawin pero huli na ang lahat. She pressed the accept button!

Mapangasar siyang ngumisi sa akin. "Ayan! Friends na kayo sa Facebook! Bakit kaya hindi na rin kayo maging friends in real life?"

Umirap ako at tuluyan nang kinuha sakanya ang aking cellphone. Nakita kong inaccept niya nga talaga iyong friend request ni Benjamin.

"Why would you do that?!" I hid my cellphone inside my pocket before Jeya could even snatch it away from me again.

"I'm just saving you from another embarrassment, Kels." She said like it was so obvious.

"Embarrassment? How is that another form of embarrassment, Jeya?"

"You know what? He probably sent you a friend request to annoy you. Kaya kung hindi mo iaaccept 'yang friend request niya, iisipin nun na nagpapaapekto ka sa mga asar niya. I'm sure you don't want him to think that his teases affects you so much-"

"It does not affect me at all, Jeys." I said defensively.

"Sounds like the otherwise to me." ngumuso siya. Kumunot naman ang noo ko.

Am I really affected by Benjamin's teases? I mean, natural lang naman pumatol sa mga pang-aasar niya sa akin ah? Hindi ko lang talaga tinotolerate ang pang-bubully niya. Masama iyon.

"Siguro iniisip na nun kung bakit ang tagal mong i-accept ang friend request niya dahil apektado ka masyado. Anong unang pumasok sa isip mo noong inadd ka niya?"

"That... why on earth would he add me? Na baka inaasar niya lang ulit ako?"

"Kita mo! It affects you! So much, Kels, kaya gusto mo laging pumatol! Try mong magpakamanhid at wag pansinin ang pang-aasar niyan, titigil 'yan."

"Paano mo naman nasabi?"

"He's like a typical bully in school. Aasarin ka lalo kapag asar-talo ka, pero titigilan ka pag nakita nilang hindi ka apektado. Ganon ang gawin mo. Accept his friend request and pretend that you give zero fucks about him."

"Where did you get all of these, Jeya?" hindi makapaniwalang tinanong ko sakanya. Hindi ko alam na may itinatago pala siyang ganito. I thought she's only preppy and giggly.

"Because I believe that we should keep our friends close. And our enemies closer," ngumisi siya. "And I, thank you!"

She shouted that like she's in a pageant. Napabaling na naman tuloy ng tingin sa amin iyong ibang estudyante na kumakain dito. I playfully hit her forearm.

"Keep it down!"

Jeya giggled. "I'm sorry! I can't help but feel like I'm in a beauty contest."

Umiling ako at tinawanan siya. Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. I'm expecting a text from Troy. Kasi ano mang oras ngayon, dadating na 'yon. He's on his way now to school. Natraffic lang daw.

Buti nalang talaga at puro practice nalang for graduation ang gagawin namin ngayon. Dahil kung may klase parin kami ngayon, panigurado akong super late na siya. Baka ilang demerits na ang nakuha non sa pagiging sobrang late.

Ngunit ang labis na ikinagulat ko ay hindi text galing kay Troy ang natanggap ko. Walang iba kung hindi dalawang mensahe galing sa napakagaling na si Benjamin Antonio Donovan!

"Oh hell no." I muttered.

"What happened?" nag-aalalang tinanong ni Jeya.

Inangat ko ang tingin sakanya at mabilis na ipinakita iyong notification na natanggap ko mula sa Messenger.

"He messaged you huh? Open and read it!" she encouraged me. Medyo nag-aalinlangan pa ako nung una kung gagawin ko ba iyon o hindi.

Mamaya isipin nung Benjamin na 'yon na gusto ko siyang kausap kaya ko tinitingnan iyong mga message niya!

"Baka isipin niya na ang bilis ko namang i-seen 'yung message niya!"

"Sus! E, ano kamo gusto mong gawin? Natural lang na buksan mo 'yan kasi message 'yan! Gosh!" napahawak siya sa kanyang sentido na para bang sobrang nastress siya doon.

"E, pwede namang wag nalang-"

"Buksan mo!" nilakihan niya ako ng mata. Natigil ako nang dahil doon.

Ginawa ko kung ano ang inuutos sa akin ni Jeya. It's irritating that every time I open my inbox in Messenger, lumalabas iyong pangalan niya at ang profile picture niya.

Pinindot ko ang pangalan niya upang tingnan kung ano ang mensaheng sinend niya sa akin.

Benjamin:

Thanks for accepting my friend request.

I knew it. You really wanted to see my Facebook posts. 😏

Kumunot ang noo ko. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng isang 'to! Akala mo kung sino!

"What did he say?" tanong ni Jeya. Tamad ko namang binigay sakanya ang cellphone ko. I heard her chuckling while she's reading it.

"Tinatawa tawa mo diyan?" iritado kong tinanong sakanya.

"He's cute. He's conceited but he's cute."

Kumunot ang noo ko. Parang kanina lang kung may anu-ano pa siyang pinagsasabi diyan tapos ngayon may papuri pa siyang nalalaman! Ang gulo talaga ng utak nitong si Jeya!

"Akin na nga 'yan!" sabi ko sabay hablot sakanya ng cellphone ko.

"Ano nang gagawin mo?"

"Wala. I-seseen ko lang." ngumisi si Jeya, parang may pinaparating. "Di ba nga sabi mo, wag ko nalang pansinin para tigilan na ako!"

"Gagawin naman talaga..." I heard Jeya mumbled teasingly.

"Alam mo, ewan ko na talaga sa'yo! Napakagulo mo!"

Tumawa si Jeya nang sabihin ko iyon. Mamaya maya pa ay dumating si Troy na hingal na hingal pa ngayon. Did he run?

"Layo ng tinakbo natin ah?" sabi ni Jeya. Tinaas ni Troy ang kanyang kanang kamay upang ipakita na bigyan muna namin siya ng panahon na habulin ang hininga niya. Hinawakan niya naman ang kanyang dibdib.

I reach for my water to give it to him. "Drink, Troy."

Tiningnan niya ang tubig na binigay ko at tsaka inangat ang tingin sa akin. He smiled a little. "Thanks."

Kinuha niya ito at tsaka uminom. Nang maupo sa tabi ko ay hinahapo parin siya. Gaano ba kasi kalayo iyong tinakbo nito para hingalin siya ng ganito!

"What's up?" aniya nang makabawi na ng hininga. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Jeya. "What did I miss?"

"Well, first off you missed the part where Kelsey's mortal enemy sent her a friend request. Second, you missed the part where I was the one who accepted the request-"

"Why would you-"

"And third, he sent her a message a while ago." Tuloy-tuloy na sinabi ni Jeya, hindi nagpatinag kahit na muntikan nang putulin ni Troy iyong sinasabi niya.

"Is that real, Kels?" bumaling si Troy sa akin at tsaka tinanong. Jeya laughed insultingly.

"Ouch! Ang sakit ha? Parang pinalabas mong nagsisinungaling lang ako." Reklamo niya.

Troy waved his hand to Jeya like he's dismissing her. I chuckled. Nilingon ko naman si Troy at tamad na tumango.

"Why did you accept?"

Pinaliwanag ko sakanya iyong sinabi ni Jeya kanina. Keep your friends close and your enemies closer nga daw. Troy looks really concerned while I was telling him the root cause of why Benjamin and I are now friends on Facebook.

"You shouldn't let her-"

"Oh, boo you, Troy! Stop being so overprotective! It's not like you're his boyfriend." Maarteng umirap si Jeya sa amin. She crossed her arms over her chest.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Natahimik naman si Troy nang dahil doon.

"Well, she's my best friend. I have the right to get overprotective of her!" Troy reasoned out. Jeya waved her hand off to Troy, gaya nung ginawa nito sakanya kanina.

I sighed. "Tama na nga 'yan! Mamaya mag-away pa kayong dalawa ng dahil dito. At tsaka, wala na rin naman tayong magagawa, na-accept na."

"You can still unfriend him!" si Troy.

"That would be so obvious! Gosh!" si Jeya.

"Tama na nga sabi, e." sabi ko. Natahimik naman silang dalawa. "Mabuti pang pumunta na lang tayo sa practice para sa graduation. Kaysa mag-away pa kayo dito."

Hinila ko silang dalawa paalis doon. Kahit na nag-lalakad na kami patungo doon ay hindi parin natigil ang dalawa sa pagsasagutan. Umiling ako. Mamaya maya pa ay naramdaman kong nagvibrate na naman ang cellphone ko sa aking bulsa.

Kinuha ko ito at tsaka tiningnan kung ano iyon. It's a damn message from him again. Seriously? When will he stop on bothering me?

Benjamin:

Ouch. I didn't know you were a "seener", princess.

"Tss..." I mumbled to myself. I rolled my eyes at tsaka nilagay ulit iyon sa bulsa ko.

I hope he gets now that I don't want to talk to him kaya he can stop on bothering me na. At tsaka... ang dami niya namang time mang-asar ano? Wala ba siyang ginagawa para makapaglaan pa siya ng oras para lang asarin ako?

Tss. Such an annoying human being.

The days went by quickly and the day for my graduation came. Nakangiti si Mommy sa akin habang inaayos ang toga ko.

"This is the most beautiful outfit you've ever worn, sweetie. I am so proud of you." sabi niya. Ngumiti naman ako.

"This is all for you and Dad. This is to make you both proud."

"Oh, we are more than proud of you. Masaya ako na unti-unti mo nang nakakamit ang pangarap mo."

I smiled again at her for the last time before we get in the car. Si Daddy ang magmamaneho sa amin papunta sa venue ng graduation.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sa amin ni Mommy. Graduation just ended and I still can't believe that I finished college with a Latin Honor! Niyakap kong muli si Mommy na masayang masaya na nagsabit ng medalya sa akin kanina. Then, I proceed to hug my Dad.

"I'm so proud of you, Kelsey."

I smiled. "Anything to make you proud, Dad."

Nahiwalay lang ako kay Mommy at Daddy nang ayain ako ng mga kaibigan ko para sa isang litrato. We all smiled at the camera.

"I will miss you so much, Kels!" Jeya pouted then she crashed me into a hug. "When are you free?"

"Anytime!"

"Sus! Talaga ba! You'll start working in your company na, e. Mawawalan ka na niyan ng oras!" ngumuso siya at niyakap akong muli. "I'll miss you talaga!"

Tumawa ako. Nagsunod-sunod pa ang pagyakap sa akin ng iba pang mga kaibigan. The last person I went to was Troy. Ngumiti siya sa akin nang makitang papunta na ako sakanya, mas binilisan ko ang paglalakad. He spread his arms wider apart to welcome me into a hug.

Mahigpit ko siyang niyakap nang tuluyan na akong makalapit sakanya.

"Please promise that we'll always see each other even if we already graduated from college." Malungkot kong sinabi sakanya. I can feel that my eyes are starting to water because of sadness.

"Of course, Kels. I will never forget."

"You promised me that!" inalis ko ang sarili sa pagkakayakap sakanya at tsaka ngumuso. I used my index finger to point at him. "If ever you're planning of going abroad, please tell me..."

He laughed a little. "I will tell you everything, Kelsey. You don't need to worry."

May pumatak namang luha sa aking mata at mabilis iyong pinalis ni Troy. "Don't cry. It's not like this is the end. I told you we'll always try and see each other, right? You know me as someone who doesn't break their promises."

Tumango ako dahil totoo iyong sinasabi niya. He promised me a lot of things at lahat ng iyon ay sinunod niya. Wala siyang pinangako sa akin na napako.

"I'll miss you so much, Troy. You are the greatest friend that I've ever had and I love you so much for that." Malungkot akong ngumiti sakanya.

Troy pursed his lips bago ngumiti sa akin muli. "I'll miss you, too, so much. Don't forget to text and call me, okay? I still want to keep in touch!"

Pinalo ko siya. "What do you think of me?" I playfully rolled my eyes at him.

Natapos lang kami sa pagtatawanan nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito. A guy from one of my classes reached out a paper to me.

"This is for you," sabi niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"O-Oh!" medyo nabigla kong sinambit. "What is this?" dahan-dahan kong binuksan iyong papel.

"I decided to draw you during our class. I find you really pretty ever since and I just had the courage of giving you one of my many drawings of you today." He chuckled. Nanlaki naman ang mga mata ko.

So, hindi lang pala isang beses niya akong drinawing! Kung hindi, maraming beses na! I'm surprised!

Nilingon ko si Troy na mukhang nagpipigil ng tawa ngayon. Siniko ko siya.

"D-Do you want to s-see them? I-"

"No... this is fine." Tiningnan ko ang drawing niya. "You are really good! This is amazing!"

Nakita kong namula ang kanyang pisngi nang dahil sa sinabi ko. Kinagat niya ang kanyang labi at tsaka nag-iwas ng tingin. "T-Thanks."

Si Troy naman ay hindi na napigilan ang sarili. He laughed quietly at tumalikod pa siya sa amin para lang hindi namin makita ang pagtawa niya.

"Troy!" I hissed.

"I'm sorry!" he mouthed. I rolled my eyes. Nilingon ko naman muli iyong lalaki.

"I-I should really get going. S-See you around, Kelsey!" sabi niya. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagpaalam pa sakanya pabalik dahil mabilis na siyang tumakbo palayo sa amin.

Troy bursted out of laughter after that.

Nang makauwi naman kami ay napagdesisyonan kong magpost ng picture ko kanina sa graduation. I rarely post online but since I am so happy about what I have achieved today, I feel like sharing it to the world.

I wrote my gratitude towards my parents, my friends, and the school I've been to in my caption. I smiled as I type the last part of my caption.

Kelsey Alena G. Sanchez
Bachelor of Science in Architecture
Summa Cum Laude

Wala pang ilang minuto matapos kong ipost iyon ay marami na agad ang bumati sa akin ng congratulations. Lahat ng iyon ay sinubukan kong replyan.

Tita Barbara and some of my parent's friends congratulated me. Some of my relatives in abroad congratulated me, too.

Papatayin ko na sana ang aking laptop dahil sa pagod sa pagsagot sa lahat ng bumabati sa akin nang may dalawang notification na bumungad sa akin.

Benjamin Antonio Donovan reacted to your post.

Benjamin Antonio Donovan commented on your post.

I raised a brow at tsaka tiningnan iyon. Gusto kong matawa nang nag-sad react siya sa picture ko. Baliw. Tiningnan ko naman iyong comment niya.

Benjamin Antonio Donovan: Congratulations on your achievement, Princess Kelsey.

I smirked and rolled my eyes on his comment. And he dares to add 'princess' on my name! Ibang klase talaga!

Umiling ako at tsaka nag-tipa na ng isasagot.

Kelsey Alena Sanchez: Thanks, annoying beast.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top