Chapter Nineteen
Song: Malibu Nights- Lany
Marriage
Nagising nalang ako kinabukasan nang may maramdaman na may mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Binaba ko ang tingin doon at nagulat nang makitang isa itong braso!
What the hell? Bakit ako may katabi?!
Iginala ko ang aking mata sa buong paligid. Ash grey and white walls welcomed my sight. This is such a modern looking room. May pinto sa gilid at sa tingin ko'y iyon ay patungo sa banyo.
Shit! Where am I? The hell am I doing here? Paano ako napadpad sa lugar na 'to?!
Lahat ng iyon ay hindi ko masagot dahil ni isa sa mga nangyari kagabi ay hindi ko maalala.
Inalis ko ang nakayakap na braso sa akin. Pinilit kong tumayo pero agad naman akong sinalubong ng sakit ng ulo at pagkahilo. Kaya naman ay bumagsak muli ang katawan ko sa kama.
The person beside me groaned when I moved. Inayos niya ang kanyang pwesto at tsaka tumalikod sa akin. Now his back is facing me at hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makita ang pagmumukha niya.
His back was bare and I can clearly see those muscles that he probably worked hard for. I gulped. Bigla akong kinabahan nang makitang topless pa itong katabi ko!
There are nail scratches around his back. The fuck? Who did that to him?
Mabilis kong sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga nang makitang may suot parin pala ako kahit papano.
Pilit kong inalala ang lahat ng nangyari kagabi. But all my memory gave me was the time I snatched a drink away from Jeya. Hanggang doon nalang ang lahat ng naalala ko. Ang mga kasunod na pangyayari ay hindi ko na maalala.
Sinubukan ko paring bumangon kahit na alam kong sasalubungin lang ako ng sakit ng ulo at pagkahilo. Inalis ko ang nakabalot na kumot sa akin at tsaka sinubukang tumayo upang magtungo sa banyo.
When I stood up, I felt nauseous. I rushed to open the bathroom door at tsaka ako lumuhod sa tabi ng bowl. Doon ko inilabas ang lahat ng ininom ko kagabi.
Akala ko isang beses lang akong mag-susuka ngayong araw. Pero nagkamali ako. Nag-sunod sunod pa iyon hanggang sa nanghina ako. I lazily flushed the toilet at tsaka isinandal ang ulo sa tiled wall.
Bakit ba naman kasi ako uminom ng pagkarami-rami kagabi? Nang dahil lang sa selos?! Gosh! I didn't know what I was thinking!
Hinilot ko ang aking ulo. Hindi ko naman inasahan na magiging ganito ang kapalit noon. If I only thought that this will be its consequence, edi sana hindi ko na tinuloy ang planong paglalasing!
I sighed heavily. Ano, Kelsey? Nagsisi ka ngayon?
Gustong-gusto kong sampalin ang sarili nang dahil sa ginawang katangahan kagabi. Baka may kung ano pa akong ginawa pero hindi ko lang maalala!
And where the hell is Troy and Jeya? Bakit nila ako hinayaang mapunta sa lugar na 'to? Are they drunk, too?!
I'm sure my parents will be very disappointed with me once they heard about this.
"Are you okay?" Napabalikwas ako nang marinig kong may nag-salita.
Nilingon ko ang taong nakasandal sa may pintuan. This is the moment of truth. Whoever the hell is he, I just hope that he didn't do anything bad to me last night. Baka mag-wala ako at tuluyan nang mabaliw!
My eyes immediately widened with the sight of Benjamin at the door. He's topless and he's only wearing a gray cotton shorts. Siya iyong katabi ko kanina?!
Nang hindi ko makayanan ang nangyayari ay nag-suka akong muli. Hihimatayin ata ako sa mga nangyayari. This is not what I've expected.
"Yeah. That's what happened when you drink too much." he mocked. Nilingon ko siya at tsaka sinamaan ng tingin.
"What are you doing here?" tanong ko at tsaka siya nilingon.
He raised a brow. Ang kaninang nakahalukipkip niyang mga braso ay pinasok niya na ngayon sa bulsa ng kanyang shorts. Nagkibit siya ng balikat.
"Well, this is my condo unit." He said simply.
"What?!" Hindi ko makapaniwalang binanggit. "What am I even doing here?!"
Kumunot ang noo niya. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay inalis niya lang ang sarili sa pagkakasandal sa may pinto at tsaka nagtungo sa cabinet na malapit sa sink. May kung ano siyang kinuha doon. Mamaya maya pa ay may hinagis siya sa akin. It's a towel. Buti nalang rin at nasalo ko.
"You don't remember anything?" he asked.
Hindi pa ba obvious? Magtatanong ba ako kung alam ko?
I rolled my eyes. "Obviously."
"Tss." Umiling siya. Tinanguan niya naman ang tuwalyang hinagis niya sa akin kanina. "Take a bath. Nagpadala na ako ng damit sa sekretarya ko."
I was about to protest pero naunahan niya ako nang lumabas na siya ng banyo. He closed the door when he left.
The hell is happening?!
Tumayo ako at sinunod na nga ang inutos niya. Baka pag naligo ako, maalala ko na ang mga nangyari kagabi.
When I stripped off my clothes, doon ko lang napagtanto na hindi ko pala damit ang suot ko. Natigilan ako.
Oh shit. Don't tell me... something happened between us?
No, no, no! That can't happen!
Mabilis akong pumasok ng banyo at agad na naligo. Sinusubukan ko talagang alalahanin ang lahat ng nangyari kagabi pero wala talaga!
Gustong-gusto kong malaman kung may nangyari ba sa amin! Dahil kung mayroon, mababaliw ako! Mababaliw ako ng sobra! Baka magpadiretso na ako sa mental hospital!
Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko ang isang paper bag na nakapatong sa kama. Sinilip ko iyon at nakitang may underwear doon at mga damit.
I bit my lip. Hindi na talaga ako maglalasing sa susunod! Hindi na talaga!
I changed into the clothes that he provided me. Hinagilap ko naman ang mga gamit ko sa buong kwarto niya. They are neatly placed on the table near the bed.
Siya ba ang nag-ayos nito?
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tsaka kinuha ang aking cellphone sa bag. When I opened it, agad na sumalubong sa akin ang maraming text galing kay Jeya, Troy at kay Mommy! Nakailang missed call rin sa akin si Troy.
I read my Mom's text first.
Mommy:
Nasaan ka? Hindi ka daw mahanap nila Troy!
Oh, never mind! Benjamin called. I'm glad you're safe.
Nanlaki na naman muli ang mga mata ko. So, does this mean that she knows that I'm with Benjamin since last night? Bakit hindi man lang niya ako sinundo?
Sunod kong binasa ang kay Troy.
Troy:
Where are you? Kukunin kita at ihahatid na kita pauwi sainyo.
Kelsey, please reply. Sabihin mo sa akin kung saan ka dinala ng lalaking 'yon.
I'm calling your mother, Kels. I'm worried.
Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba? Text me if you're at home.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tsaka nagtipa ng mensahe para sakanya.
Me:
I'm with Benjamin. He let me stay in his unit and I don't freaking know how I ended up here.
Mabilis na nagreply si Troy.
Troy:
May masama ba siyang ginawa sa'yo? Saan 'yan? Susunduin kita.
Me:
Wala. Maayos naman ako. Hindi mo na ako kailangan sunduin. Magpapasundo ako kay Manong Roly.
Troy:
Hindi. Susunduin kita.
Me:
Hindi na nga, Troy. Si Manong Roly nalang.
Hindi na siya sumagot matapos kong isend iyon. Kaya naman ay sunod kong binasa ang mensahe ni Jeya.
Jeya:
Enjoy the night with him, Kelsey! Tell me how it goes!
Uy! Masarap ba? Don't forget to use condoms ha!
Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni Jeya! Hindi ko alam kung paano niya nakakayanang sabihin ang mga 'to!
Jeya:
Uy! Ano na? Hindi ka parin nagigising? Malakas ba ang impact sa'yo?
Me:
Anong pinagsasabi mo? And what the hell happened last night, Jeys!?
Jeya:
Malakas ba kasi kako ang impact sa'yo ng mga ininom mo kagabi! Ikaw ha? Ano 'yang iniisip mo?
E, sinama ka lang naman ni Papi Benjamin sakanya nang makita kung paano ka magsayaw kagabi! Dami kayang nakatingin sa'yo non! Nainis siguro sa mga nakatingin kaya ayun at sinosolo ka ngayon!
My jaw dropped. Oh my god! Paano ko ba naging kaibigan ang isang 'to?
Me:
What the hell is wrong with you?! You should've stopped him from dragging me with him!
Jeya:
Ayoko nga! At tsaka mabuti ngang iniwan niya iyong babaeng kasama niya para sa'yo, e! At least hindi ka na nagseselos ngayon!
Napahilot ako ng sentido dahil hindi ko kinakaya 'tong si Jeya.
Me:
Patay ka sa akin pag nagkita tayo.
Jeya:
Okay. Don't forget to tell me the details about your night with him, too, ha?
I gritted my teeth. Bahala ka nga diyan sa buhay mo, Jeya! Nakakaloka ka!
Lumabas ako ng kwarto at agad ko naman siyang nakita sa may kusina. Isang tingin lang ang iginawad niya sa akin bago ibinaling muli ang tingin sa ginagawa.
His muscled back is facing me. I think he's brewing some coffee since iyon ang naaamoy ko. Lumunok ako at inipit ang takas ng buhok sa likod ng aking tainga.
"Uh... So," I started. Napalingon naman siya sa gawi ko nang dahil doon. He raised a brow at me. "How did I end up here?"
"Isipin mo kung paano." medyo suplado niyang sinabi.
"E, hindi ko nga naaalala!" reklamo ko.
Tuluyan naman siyang humarap sa akin. He's holding two cups of coffee. Umikot siya sa may counter para iabot sa akin ang isa.
"Hindi ko na kasalanan 'yon," aniya habang titig na titig sa aking mga mata. He pushed the coffee a little towards me. Tinanggap ko naman iyon.
"Drink and I'll wait 'till you remember what happened last night." Dagdag niya.
Naupo siya sa may sofa at tsaka sumandal doon. Sumimsim siya sa kanyang kape at tsaka ako binalingan muli ng tingin.
Ngumuso naman ako. "Paano kung hindi ko maalala?"
"Ano ka? May amnesia? Kailangan pa ng matagalang paghihintay para maalala mo lahat?"
"Oo!" agap ko. I rolled my eyes. Umagang umaga badtrip siya! Kainis! "At tsaka malay ko ba! Ngayon lang naman ako nalasing!"
He scoffs and shakes his head. "Tss. Don't even think of getting drunk again. You're a completely different person."
Tumaas ang kilay ko. "Why? Did I do something stupid?"
"Yes. Very stupid that you made my drunk self give in."
Namilog ang mga mata ko. My mouth parted. Ayokong isipin ang bagay na iyon pero... base sa tingin niya sa akin... mukhang tama nga ang hinala ko.
Oh my god! What did I do?
I shrugged my shoulders at tsaka tumalikod sakanya. Nag-isip ako ng pwedeng sabihin pero alam ko na kapag sinabi ko iyon, iisipin niyang ang tanga ko.
"Paano kung hindi ko nga maalala?" tanong ko at tsaka hinarap siyang muli.
"Edi hindi ka uuwi." seryoso niyang sinagot.
Muntikan ko nang maibuga ang kapeng nainom. He isn't serious with that, is he? Hindi niya ako pwedeng hindi pauwiin! My parents are probably worried sick! Kahit ba alam nila na siya naman ang kasama ko... But still! I know they're worried!
"You can't do that."
"I can." He answered confidently. Bumagsak ang balikat ko at tsaka niliitan siya ng mata.
"Kung sabihin mo nalang kaya sa akin ang nangyari para hindi tayo mahirapan?" I suggested.
"I can only remember a glimpse of it since I'm also drunk. But I'm forcing myself to stay awake since you're quite handy."
"Then tell me." hamon ko.
He pursed his lips before he spoke. Kinusot niya ang kanyang mata at tsaka ako seryosong tiningnan muli. He looks tired. I wonder what I made him do last night.
"When was your last memory of what happened last night?"
"Well, when I woke up, I only remember snatching away Jeya's drinks. I drank a lot of it... then..."
"Then?"
"Jeya told me that I danced," sabi ko at tsaka inalala kung ginawa ko nga ba iyon.
Parang may nagflashback naman sa utak ko nang maalalang pinigilan pa ako ni Troy na magpunta ng dancefloor. Pero sinabihan ko siyang hayaan ako.
And then...
"I danced," I stated, nakakunot na ang noo ngayon dahil unti-unti ko nang naaalala ang nangyari.
Kaunting push pa, Kelsey. Maaalala mo rin lahat.
"Like a crazy person!" dagdag ko.
Oh my gosh! Nakakahiya ang mga pinag-gagawa kong pagsasayaw kagabi! I can't believe I did that in front of Benjamin's friends!
"At hindi lang 'yon... You were dancing seductively that a lot of guys tried to get near you." naging seryoso ang boses ni Benjamin. Napatikom naman ako ng bibig. "Pero buti nalang at nandoon ako at napigilan ko pa ang mga lalaking 'yon sa mga tinatangka nilang gawin sa'yo..."
Base sa itsura niya ay parang galit pa siya sa akin dahil sa kasalanang ginawa ko kagabi. Bakit? Kung magalit siya diyan akala mo naman siya si Daddy! At tsaka... sino siya para magalit? Boyfriend ko ba siya? Asawa? Hindi naman di ba!
"Well, pupwede namang hayaan mo nalang ako at dun ka na sa babae-"
"You think I will just let that happen huh?"
"Bakit hindi? Nandyan naman si Troy!"
"'Yong patpatin ba na lalaking kasama mo ang tinutukoy mo? E, mukha ngang di ka kayang ipagtanggol nun, e!" mayabang siyang tumawa.
"Hoy! Anong patpatin ka diyan! He goes to gym!" pagtatanggol ko kay Troy. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Makapatpatin naman 'to porque malaki lang katawan." Bulong ko sa aking sarili at tsaka siya inirapan.
"But seriously... What else did I do?" tanong ko. Kunot noo naman niya akong binalingan ng tingin.
"You can't remember anything else after that?"
Napaiwas ako ng tingin sakanya dahil sa paraan ng paninitig niya sa akin. He's staring at me darkly na para bang may sabihin lang akong mali ay malalagot ako sa sakanya.
"Wala na." I said in all honesty.
I heard him sighed heavily. "After I removed you from that dancefloor, I took you here."
"Why?"
"What why? I'm drunk, too, Kelsey! Baka mabangga pa tayo sa kung saan kung magmamaneho pa ako papunta sainyo. If that happens then I'll be at fault. Baka makasuhan pa ako ng dahil doon."
Ngumuso ako. Sabagay. Kung ako rin naman 'yon, hindi na rin ako magmamaneho ng malayo.
"Pagkatapos non?"
He rolled his eyes at me at tsaka umiling. He stood up from the sofa to put the mug on the sink.
"Ikaw na bahala alalahanin ang sumunod doon." Suplado niyang sinabi. Ang selfish!
Tumaas ang isa kong kilay. Bakit ba ang grumpy ng isang 'to? Umagang-umaga, ganito na agad ang mood niya!
Lumingon siya sa akin at tsaka sumandal sa may lababo. Humalukipkip siya at tinaasan rin ako ng kilay.
Bakit ba hindi man lang siya maglagay ng saplot sa katawan? I know that he's confident with his body. He probably worked so hard to achieve that. But I feel awkward every time I'll try to look at him!
Dahil sa halip na sa mga mata niya bumaling ng tingin ang mata ko, napapadpad ito sa katawan niya! Pati tuloy mata ko pinagtataksilan ako!
Saglit kaming nagkatitigan hanggang sa may maalala ako. I don't know if this is real or this is just a dream. But I hope it's the latter.
I remember someone on top of me while... Oh my god! Fucking hell!
Memories from last night came flashing through my mind. Sunod-sunod silang nagbalikan sa utak ko kaya hindi ako makapaniwala na mayroon nga. Mayroon ngang nangyari sa amin ni Benjamin!
"Oh my god!" I almost shouted. Napahawak ako sa aking bibig.
I can't believe it happened. Sana talaga panaginip nalang 'yon!
Kumunot ang noo niya. Halatang nagtataka sa kung anong nangyayari.
"How much did you see?" I demanded for an answer. Tinaasan niya lang ako ng kilay at bahagyang natawa.
"What?"
"I mean... something... something happened between us, right?"
As much as I don't want to mention that, pero mukhang hindi maiiwasan. Ano naman kaya ang pumasok sa isip ko para maisip na gawin ang bagay na 'yon?!
"So, you remember now huh?"
Hindi ako nag-salita. Inalis ni Benjamin ang pagkakahalukipkip ng mga braso at tsaka inalis ang sarili sa pagkakasandal sa lababo.
Napaatras naman ako nang naglakad siya palapit sa akin. He stopped just an inch away from me. Kahit na kakaunti nalang ang distansya ay nagawa niya parin ilapit ang mukha sa akin. Buti nalang at mabilis akong nakaiwas dahil kung hindi...
"Yes, woman. And that's because you fucking seduced me until my drunk self gave in!" he admitted.
Well, at least he's honest.
Namilog ang mga mata ko. Kahit na nakumpirma ko na sa sarili ko kanina ang nangyari ay hindi parin ako makapaniwala kahit na nanggaling na ito mismo sakanya. Maling-mali na uminom ako ng marami kagabi.
Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari edi sana hindi ko na tinuloy iyon!
"What? You look surprised." He said, probably to mock me. Ngumisi siya ng kaunti.
Hindi parin ako makapaniwala na hindi ko man lang nagawang isara ang bibig nang dahil doon.
"You!" tinuro ko siya gamit ang index finger ko. Napaatras siya ng bahagya. "Could've stopped me! Alam mo namang mali iyon!"
Nainsulto siyang tumawa. "Sa tingin mo hindi ko ginawa 'yun ha?"
"But still! Why would you give-"
"You were pushing yourself with me last night! I was drunk, too! And I couldn't hold myself back especially when you were seducing me like that!" reklamo niya. My jaw dropped.
How did I seduce him? Oh my god! You're in the lot of trouble, Kelsey!
"You should've stopped me!" Ulit ko. Sa tingin ko wala na akong ibang mairason pa kung hindi ito.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Nainsulto siyang tumawa at tsaka umiling. Maybe he finds my reason irrelevant.
"O baka naman, hindi mo na nagawa kasi sanay na sanay ka nang may babaeng itinatapon ang sarili nila sa'yo!" bawi ko. Kunot noo niya akong tiningnan.
"Kaya siguro hindi mo na ako pinigilan kasi ineexpect mo nang mangyayari 'yon!" dagdag ko. Benjamin scoffs insultingly.
"And how dare you accuse me with that, woman? Nagmamagandang loob lang ako kagabi. Hindi ko inakala na ganoon ka kapag lasing. And you were also challenging me to kiss you better than the first time if you didn't know!"
Shit. I remember that. Tandang tanda ko rin iyon. Napaamin pa ako ng di oras dahil sinabi ko na gusto kong may humigit pa sa halik niya sa akin noon!
Tinaasan ko siya ng kilay. Umaaktong hindi nagpapaapekto doon. Pero ang totoo talaga, apektado ako! My heart is beating so fast that I chose to set all those aside so I can have a better argument.
"Alam mo namang lasing ako ng oras na 'yon sana inisip mo na hindi naman talaga totoo ang lahat ng mga sinasabi ko-"
"According to studies, people are more honest when they're drunk." he said in all seriousness. And he dares to use his intelligence into this huh?
"Kelsey, lasing rin ako ng mga oras na 'yon at pinipilit ko lang ang sarili ko na wag bumigay sa alak dahil ayoko may magawang alam kong hindi mo magugustohan!"
"But still you gave in and-"
"It's because you were pushing me to!" He almost shouted. My mouth parted.
Umiling ako. "Sabagay kung ibang babae rin naman ang gagawa nun, papayag ka. Sanay na sanay ka naman sa ganon diba? You aren't surprised anymore when I did that kaya hindi ka na nag-dalawang isip na bumigay!"
He laughed mockingly at me. "Okay, then! Judge me all you want I don't freaking care! Kung ganyan ang tingin mo sa akin, ano pa bang magagawa ko di ba?"
Umawang ang bibig ko. Well, a part of me wants to believe that he's that type of guy. Pero mas nananaig parin ang paniniwala kong hindi siya ganoon lalo na sa mga pinakita niyang ugali sa akin nung nasa Barcelona kami.
Nang walang masabi ay inilapag ko ang tasa na may laman pang kape sa lamesa. I grab my things. Sinundan niya naman ako ng tingin.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Uuwi na ako!" sabi ko.
"I'll take you home." He offered. Kukunin na niya sana ang tshirt na nakasabit sa silya pero naunahan ko siya nang magsalita ako.
"No!" I decline his offer quickly. Malamig niya naman akong tinitigan. "I'll let... my driver take me home instead."
Naitext ko na naman si Manong Roly kanina kaya alam kong nandito na iyon o hindi kaya papunta na siya.
"Bakit ayaw mong ako ang maghatid sa'yo pabalik?" tanong niya. Napatigil naman ako sa ginagawang pagkuha ng gamit. Tiningnan ko siya.
"It's because I can't spend more time with you, Benjamin. Last night was a mistake and you should know we should forget that." I said with so much emphasis.
Mas lalong lumamig ang tingin niya sa akin. He clenched his jaw. Sandali siyang natigilan. Padarag niyang binagsak muli ang kanyang tshirt sa lamesa.
"Fine. Grab your things and leave." his voice turns ice cold. Umalis siya sa harap ko at tsaka pumasok na sa loob ng kwarto niya.
I did what he asked me to do. Umalis ako ng unit niya at matyaga kong hinintay si Manong Roly hanggang sa matunton na niya ang condominium ni Benjamin.
Habang nasa byahe ay tinext ko si Jeya.
Me:
Come over. Please.
Jeya:
Bakit? May chika ka?
Me:
Meron.
Jeya:
Gustong-gusto ko 'yung mga ganyan, e! Otw na!
I sighed heavily. Sa lahat ng taong kilala ko, siya lang ang alam kong mapapagsabihan ko nito. I trust Troy, too. Sa totoo lang, mas pinagkakatiwalaan ko siya kaysa kay Jeya. Pero kasi, I don't think I can talk about this to him.
He'll be very mad! At ayokong mangyari 'yon! Ayokong mag-away kami nang dahil lang dito.
Jeya seems to understand situations like this easily. Kaya mas komportable ako na sakanya ko sasabihin 'to.
"Ano na, girl? Kanina pa ako dito pero wala parin 'yung chika mo!" Reklamo ni Jeya.
I keep on going back and forth inside my room, nag-iisip kung paano ko ba sasabihin ang nangyari kagabi.
Nang umuwi ako ay wala sila Mommy at Daddy. I felt so relieved since I'm sure they'll ask what I did with Benjamin last night. Masyado silang masaya sa tuwing nagkakasama kaming dalawa!
"Ano? Papanoorin nalang ba kita dito? Kating-kati na ako dito oh!" Jeya complained again.
"Wait, Jeya! Just please shut up for a second." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagpapabalik balik sa loob ng kwarto.
"You know," and Jeya just can't seem to shut her mouth kahit na kakasabi ko lang. "You can say that something happened. I won't judge."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Tiningnan ko siya at bumagsak ang balikat. Mukhang nakuha niya naman agad ang ibig sabihin non. I pouted.
"Oh my god! Meron nga?!"
Dismayado akong tumango at tsaka nahiga sa kama. Ibinaon ko ang mukha sa unan. Jeya quickly sat beside me. I groaned.
"Tell me the details! Was it good? Was he good in bed? Oh my god! I need details, Kels!"
Mabilis akong napaangat ng tingin nang dahil sa sinabi niya. I widen my eyes at her. Gosh! I can't believe her! Paano niya nakakayanan sabihin ang mga bagay na 'to?!
"Jeya!" pag-saway ko sakanya.
"What? I'm just asking!"
"It's a drunk sex. I... I don't know!"
Ngumisi siya. "Hmm... Drunk sex sounds really sexy especially when you do it with him."
"Oh my god! I did not ask you to come over for this!"
"What? Did you enjoy your steamy night with him? Maganda ba ang katawan niya? Masarap ba?"
"Jeya!" Nilakihan ko siya ng mga mata. Umayos ako ng pwesto. Tinulak ko siya paalis ng kama. She chuckled. "Umuwi ka nalang kung puro ganyan lang rin naman pala ang sasabihin mo."
She rolled her eyes. "Why are you acting this way? Hindi naman masama 'yon! It's part of growing up!"
"Growing up!" I exclaimed, medyo hindi makapaniwala sa sinasabi niya. She's unbelievable! "Well, first off, sex is a part of marriage! We aren't supposed to do that especially when we're not even married! Hindi tama 'yon!"
"Eto naman! Loosen up, Kels! Masyado kang mabait! And it's not your fault that it happened. It's the alcohol's fault."
I sighed heavily. Umirap ako.
"And aren't you glad you gave up your virginity to him?" hinampas ko siya. She groaned in pain. "You probably had your first kiss with him!"
"Actually, it's not the first time." Pag-amin ko. Nanlaki naman agad ang mga mata niya.
"Ano?! May nangyari na sainyo before? How could-"
"Of course not! But we kissed already! When we're in... Barcelona."
Jeya's jaw dropped. She squealed in excitement. Hinampas ko siya ng unan.
"Oh my god! Don't tell me, lasing ka rin non!"
"That's the problem! I wasn't drunk when he kissed me and yet I did not even try to stop him from doing that!"
"E, baka kasi inenjoy mo!"
Hindi agad ako nakasagot dahil sa totoo lang... Oo ang sagot ko doon at inaamin ko.
Nagpatuloy pa ang pagsasabi ko sakanya ng detalye tungkol sa nangyari hanggang sa nagtanong siya na agad ako natigilan.
"Do you like him, Kelsey?" Jeya turned serious this time.
I licked my lower lip at nag-iwas ng tingin. Matagal ko nang napagtanto ang nararamdaman ko kay Benjamin pero bakit ngayon, nahihirapan akong aminin?
Nang hindi ako makasagot ay hinila niya ako palapit sakanya. "Oh, Kelsey! It's okay... It's okay to like someone. Hindi mo dapat 'yon pinagsisisihan!"
"But I am not supposed to like him!"
"You can't do anything about it anymore. Puso na ang nagdikta."
Inirapan ko siya. Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga makukuha ang gusto kong sagot galing kay Jeya.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Jeya nang may bigla namang kumatok sa pinto. Bumungad doon si Mommy na medyo nabigla nang makita si Jeya dito.
"Jeya! Nandidito ka pala!"
"Hi, Tita!" anito sabay nakipagbeso kayMommy. My mom giggled.
"Hindi ko alam na may bisita ka, hija." Sabi niya sabay bumaling sa akin.
"Ah... Hindi ko na rin po nasabi. May importante lang po kaming pinag-usapan."
Nilingon ako ni Jeya at tsaka nginisian. Patago ko siyang pinalo.
"Ganoon ba? Well, I'm just here to tell you that someone's coming over. You're needed there, darling, and it's very important."
Umawang ang labi ko. Minsan lang may magpunta sa amin. Maybe it's one of Dad's business partners. Baka nga sobrang importante nito na kailangan pa dito sa amin magkita.
"Oh... Okay." Sabi ko at hindi na nagtanong pa tungkol sa bisita.
My Mom nods her head at tsaka sinara na ang pinto ng kwarto ko. Pinanood namin siya ni Jeya habang ginagawa niya iyon. Then Jeya turns to me with pouted lips.
"It's goodbye, I guess?" aniya. Bumagsak naman ang balikat ko.
"Help me choose my dress before you head home."
Jeya obediently followed. Siya ang namili ng susuotin ko habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng aking sarili.
Jeya chose a blush pink floral wrap dress. I decided to tie my hair in a ponytail. Tiningnan naman ako ni Jeya. She nods her head pleasingly.
"Baka nandyan na ang bisita niyo. Uuwi na ako at may aasikasuhin pa ako. Don't forget to tell me more okay? I want to know everything!" She giggled. She looks like a kid who looks very excited to get her candy.
"Tss," umirap ako. "Hanggang doon nalang ang kwento ko."
"Damot!"
Sabay kaming bumaba ng hagdan. Nasa huling baitang na kami nang marinig naming tumunog ang doorbell.
"That must be them." Sabi ni Jeya. May lalapit na sanang katulong nang bigla naman akong nagsalita.
"Ate, ako na po." Walang nagawa ang katulong kung hindi ang sumunod.
Jeya turns to me when we were nearing at the front door. "I'll see you again soon! Mwa!"
Kasabay noon ay ang pagbukas ko ng pinto at ang pagbungad ng mga mukha ni Tito Francisco, Tita Barbara at Benjamin. Malamig na nag-angat ng tingin si Benjamin sa akin habang ako ay nanatiling nakaawang ang bibig.
What are they doing here? Sila 'yung mga bisita?!
"Oh my god, sis! This just keeps on getting better and better!" Jeya whispered habang manghang nakatingin sa pamilyang nasa harap namin. "Don't forget to tell me the details, okay? Bye!"
Kumaway si Jeya sa akin. Nang dumaan siya sa gilid ng mga magulang ni Benjamin ay binati niya ito. His parents returned the greeting. Nakita ko namang kumaway siya kay Benjamin bago siya tuluyang lumayo.
She winked at me before she enter her car. Tinuro niya si Benjamin. "Ang gwapo talaga!" She mouthed.
Hindi na ako nagpakita pa ng kung anong emosyon. Ibinaling kong muli ang tingin sa pamilyang nasa harap ko.
Where's Brittany though?
"Hi, Kelsey! It's nice seeing you again." Bati ni Tita Barbara sabay yumakap sa akin.
"Uh, good evening po. Pasok po kayo."
Naunang pumasok ang mag-asawa at sumunod naman si Benjamin. I saw him look at me at the corner of his eye. Walang emosyon niyang iniwas ang tingin at tsaka sinundan ang mga magulang niya.
"Uhm... Tawagin ko lang po sila Mommy. Maupo na po muna kayo."
Tumango ang mag-asawa at agad na inokupa ng sofa. Benjamin remained standing behind them.
Pumasok ako ng kitchen at doon ko nakita sila Daddy at Mommy na abala sa paghahanda ng pagkain ngayon.
"Uh... Nandyan na po 'yung bisita?"
Nabigla si Mommy sa sinabi ko kaya agad niyang inalis ang kanyang apron para salubungin ang bisita na nasa sala. Habang si Daddy naman ay may kung anong inutos sa mga katulong at tsaka naman sumunod sa kay Mommy.
"Do you mind helping the maids arrange the dining table?" Daddy asked. Umiling ako at tipid na ngumiti.
"No problem, Dad."
Habang abala sa pag-aayos ng hapag ay pumasok na sila Mommy at Daddy kasama ang pamilya ni Benjamin sa dining area. Nagkatinginan kami ni Benjamin pero ako ang naunang mag-iwas ng tingin nang may iniabot sa aking pagkain ang katulong. Inilapag ko ito sa lamesa.
"Nasaan nga pala si Brittany?" Tanong ni Mommy. Pumwesto naman si Daddy sa may kabisera.
"Kuya Ferdinand's hospital is currently having a medical mission in Marawi. Brittany is one of the volunteers."
Tumango ang mga magulang ko. Nang matapos iabot ng mga katulong ang mga pagkain sa akin ay naupo na ako sa tabi ni Mommy.
Sa tapat naman ni Mommy ay si Tito Francisco, habang ang katapat ko naman ay si Tita Barbara. Beside her is Benjamin who's unbelievably quiet today. I pursed my lips at tsaka tahimik na nakinig sa usapan nila.
Nag-simula kaming kumain. Tahimik lang ako at magsasalita lang sa tuwing may itatanong sa akin. Nakita ko namang nagsenyasan si Tito Francisco at Daddy.
My father chuckled a little. He wiped his mouth using the napkin.
"So," my father started. "Why don't we break the ice and tell our children the real reason why we're gathered here today?"
Kumunot ang noo ko at tsaka tumingin kay Daddy. Tito Francisco chuckled lightly.
"Since my son is already the one managing our business, and soon Kelsey will handle your company, Bernard. Hindi na masama itong pinaplano natin." Ani Tito Francisco. Mas lalo akong nagulohan.
Anong meron?
I saw my Mon trying to hide her smile. Si Tita Barbara naman ay may kaunting ngiti sa labi habang hinihintay na ituloy nila ang sasahihin.
While Benjamin... he looks confused, just like me.
"We plan on merging our companies. This will be a very great idea since this is for the betterment of both our companies," Tito Francisco added.
"But before we achieve that, Benjamin and Kelsey, we have a plan for the both of you."
Mukhang naging alerto si Benjamin nang dahil sa sinabi ni Tito Francisco na iyon.
"What plan?" He asked.
Natahimik ng sandali ang paligid hanggang sa binasag ito ni Tita Barbara.
"We want you to marry each other for business. Arranged marriage, Benjamin, to be exact."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top