Chapter Nine

Song: Shed A Tear- Kodaline

Like

Marahas akong nilingon ni Daddy nang tuluyan kaming makalabas ng mansion ng mga Donovan. He looks at me angrily.

"What do you think you're doing, Kelsey? Why would you create such scene?" galit niyang tinanong sa akin.

"I'm not the one who started it, Dad! He keeps on bugging me. I'm only giving him what he deserves!" I reasoned out.

"You think hitting him is the right thing to do? That was so unlady like! Goodness!"

I laughed insultingly. Why is he mad at me? Ako na nga itong naagrabyado, ako pa itong papagalitan niya. I tried, okay? I tried to let the evening end without fighting with Benjamin. Pero paano ko naman gagawin iyon kung isang napakalaking dakilang epal ng lalaking 'yon!

"Bakit parang kasalanan ko pa?" tinaasan ako ng kilay ni Daddy. "He spilled the dessert on me purposely, Dad. Sa tingin mo ba tamang gawin 'yon? Hindi di ba?"

"Pero dapat hindi ka parin pumatol!"

"He treated me like a crap! I wouldn't let a person like him do that to me!"

"You should've known better-"

"Bernard, that's enough!" pagputol ni Mommy sa sasabihin ni Daddy. Napabaling kaming dalawa sakanya. Her forehead's creased at my dad. Nang nilingon niya naman ako ay medyo nagbago ang kanyang ekspresyon.

"Kelsey, just get in the car... get in the car..." utos niya sa akin. Medyo nag-aalinlangan pa ako noong una kung susundin ko ba iyon o hindi. Pero nang makita ko ang pagmamakaawa sa kanyang mukha ay nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Come on, Kelsey... get in the car." Pagmamakaawa ulit ni Mommy.

I look back at them bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. I feel like they're only waiting for me to get in the car before they start arguing.

I can't believe that this is happening because of that guy! Ngayon ko lang makikitang mag-away ang magulang ko at dahil ito sa lalaking iyon!

If he only knows how to treat a girl right, wala sanang ganito! We will have such a harmonious evening at hindi sana mag-aaway ang magulang ko ngayon!

I cried in frustration inside the car. Hindi ko na rin tiningnan pa ang mga magulang ko habang nag-sasagutan sila.

We went home that night with an unusual quiet car ride. Hindi naman kami ganito sa tuwing nasa sasakyan kami. Ngayon lang.

I smiled sadly at my mother when she turns to me from the front seat. Tipid siyang ngumiti na para bang pinapahiwatig na ayos lang ang lahat.

Hanggang sa pagpasok ng bahay ay tahimik sila at hindi nag-uusap. I wonder how they'll sleep beside each other after they argued. I'm sure they're still not on good terms.

"Are you okay?" tanong ko kay Mommy bago ako umakyat papunta sa aking kwarto.

Ngumiti siya sa akin at tsaka hinawakan ako sa aking pisngi. "Of course, honey."

I pouted. My mother isn't a good liar. Niyakap ko naman siya. She returned the hug wholeheartedly.

"Okay..." I answered and didn't dare to ask more questions.

Unang pumasok si Daddy sa loob ng kwarto. Hinintay naman ako ni Mommy makaakyat bago siya sumunod kay Daddy.

I went to bed with such a heavy heart. I never thought that seeing your parents argue will hurt like this. Ngayon ko lang talaga silang nakitang mag-away. I mean, I know they argue. Natural na iyon sa mga mag-asawa. But I never see them argue in front of me! Kung mag-aaway man sila, mas pinipili nila iyong hindi ko maririnig o malalaman. Pero ngayon, mukhang hindi sila nakapagpigil.

Especially my dad. He keeps on putting the blame on me kahit na alam naman ng nakararami na hindi ako ang nag-umpisa ng away na iyon. Hindi ko na nga pinapansin si Benjamin tapos bigla siyang eepal sa buhay ko na para bang close kami?!

Sabay ng paghiga ko sa kama ay ang pag-ilaw ng cellphone ko. Tamad kong nilingon iyon at nakita ang isang mensahe galing kay Benjamin. Kumunot ang noo ko at tiningnan kung ano pa ba ang gusto niyang sabihin.

Nainis na niya ako ngayong gabi. Panalo na siya. Napagalitan na ako at nag-away pa ang magulang ko, kaya sana masaya na siya dahil panalong panalo na siya!

Ngunit parang nag-iba ang ihip ng hangin nang mabasa ko ang mensahe niya.

Benjamin:

I'm sorry.

Napairap ako sa kawalan. As if that's sincere! Hindi ko nalang pinansin pa ang mensahe niyang iyon at tsaka ipinatong na ang aking cellphone sa bedside table.

I tried to sleep that night kahit na ilang beses na tumutunog ang cellphone ko. I don't care who's calling or kung sino man iyong send ng send ng message. I'm just not in the mood.

So much has happened tonight and I needed a break from it.

Sobrang umasa ako na magiging maganda ang takbo ng gabing ito. I was happy about meeting the Donovan cousins. I'm so happy I've met their family. Pero lahat ng kasiyahang iyon ay nasira nang simulan ako ng Benjamin na iyon.

He really knows how to ruin my mood. It's like he has mastered it already!

Pagkagising ko ay tsaka ko napagdesisyonan na tingnan kung sino ba iyong mga nagmemessage sa akin kagabi. I was surprised to see that every messages all came from Benjamin! Isa isa ko iyong binasa.

Benjamin:

I didn't mean to do that. I'm really sorry.

Come on. I can't sleep knowing that someone's mad at me.

Tumaas ang kilay ko nang dahil doon. Liar. Araw araw akong galit sakanya kaya bakit mukhang hindi naman siya kulang sa tulog?

Wag ako, Benjamin... wag ako!

Benjamin:

I'm serious, Kelsey.

I'm not saying sorry because my mom told me to. I'm saying sorry because I realized how stupid I was a while ago. I should've known better.

It won't happen again. I promise.

Umiling ako. He's unbelievable. Sa tingin niya ba mapapaniwala niya ako nang dahil doon? I'm not an idiot! He shouldn't make a promise kung alam niya namang hindi niya kayang panghawakan iyon.

Kaya siguro niya nasabing hindi na mauulit pa iyon dahil aalis na rin naman sila patungong Amerika kaya imposibleng mainis niya pa ako! Of course, that wouldn't happen again dahil hindi na kami kailan man magkikita!

I hope I'll never cross paths with him. Kung iimbitahan man nila kami muli sa isang family dinner, mas pipiliin ko nalang na wag sumama.

Hindi ko pinansin ang mga mensahe niyang iyon. Masaya naman ako nang makita kong nagkaayos na ang mga magulang ko. They were happily eating breakfast nang bumaba ako.

"I'm glad you two are fine now." sabi ko. Sabay silang napabaling ng tingin sa akin. My mother smiled at me habang si Daddy naman ay umihip sa kanyang kape.

"Oh, Kelsey! Just in time for breakfast! Sit and join us!" masayang binanggit ni Mommy. Tipid naman akong nangiti at tsaka umupo na sa tapat niya.

Ibinaba naman ni Daddy ang tasa at tsaka bumaling sa akin. I innocently look at him.

"I'm sorry about last night, hija. Hindi lang ako nakapagpigil ng galit."

Tipid akong ngumiti sakanya ng dahil doon. "It's okay, Dad. I understand."

Masaya ako na hindi nila pinili na isantabi ang nangyari kagabi. I'm proud that my parents chose to settle down the argument bago pa lumala iyon.

"Your Tita Barbara called. She told us na pinagsabihan na nila si Benjamin. He was apologizing last night pero hindi mo raw pinapansin iyong mga message niya. Nakausap ko siya kanina at nagbabaka sakaling maihatid ko raw sa'yo iyong apology niya."

Umismid ako. Ano naman kaya ang trip ng isang 'yon? Hindi lang pala siya magaling mang-asar. Kung hindi, magaling rin pala siyang umarte!

Hindi ako sumagot. Hindi na naman dinagdagan pa ni Mommy iyon dahil sa tingin ko ay alam na niya ang rason kung bakit mas pinili ko nalang na wag sumagot.

"Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi niyo magawang maging okay sa isa't isa." Sabi ni Daddy.

Ngumuso ako. "I don't know, Dad. Sinubukan ko naman po pero mukhang hindi lang po talaga compatible iyong ugali ko sakanya."

"Benjamin is a happy go lucky type of person kasi, Bernard. Malayong malayo kasi sa ugali ni Kelsey." Sabi naman ni Mommy. Sumangayon naman si Daddy doon.

Benjamin is happy go lucky, while I am not. He's an extrovert, while I'm an introvert. He likes to be surrounded by many people, while I chose to be surrounded by people that matters.

Magkaibang magkaiba kami kaya siguro hindi kami magkasundo.

I went to work together with my parents. Agad akong sinalubong ng aking sekretarya upang ipaalam ang mga gagawin ko sa araw na iyon. Today, I'll have a meeting with some of the Architects from our company. Pag-uusapan na rin namin iyong proposed design para sa club house noong tinatayo naming subdivision.

Kasabay naman noon ay ang pag-aaral sa pagmamanage ng kompanya. My father said that I shouldn't ask help from him. Dapat raw ay magkaroon ako ng sariling stratehiya dahil baka iyon daw ang maging dahilan para mas lalong umangat ang kompanya.

Nachallenge tuloy ako nang dahil doon. Kanino naman kaya ako hihingi ng tulong? Some of the board members refuses to help me, too, since they agreed with what my father believes. Hinahayaan nila akong gawin ang gusto kong gawin.

Kay Troy kaya? But he has a little knowledge about running a company! Ang kuya niya ang namamahala sa kompanya nila ngayon kaya imposibleng mapasa agad sakanya ang responsibilidad. Matagal pa siguro bago mangyari iyon.

Kay Jeya? But she doesn't give a damn about their business! May pinagkakabusyhan pang ibang bagay ang babaeng iyon.

Napahawak nalang ako sa aking ulo nang mapagtanto na wala akong magpaghihingan ng tulong sa oras na kailangan na kailangan ko iyon.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at hindi na muna inisip pa ang bagay na iyon. Marami pa naman akong oras para matuto. It will take time kaya siguro maiintindihan naman nila kung sakaling makikita nila akong magstruggle tuwing meeting.

Nang matapos ang meeting ko kasama ang ibang Architects ay nakareceive ako ng text mula kay Troy. Agad kong binasa iyon.

Troy:

Are you busy? I'm on my way to Makati. Can we meet up?

I checked the time. I still have a lot of time to spare bago magstart iyong pangalawang meeting na dadaluhan ko kasama ang ibang board members. Nagawa ko na rin naman ang lahat ng mga dapat kong gawin kanina kaya siguro hindi na masama kung sakaling makikipagkita ako kay Troy ngayon.

"Uhm... Jona, I'll leave for a while. Babalik rin naman ako ilang oras bago mag-start iyong meeting. Pakisabi nalang sakanila Mommy kung sakanilang magtanong sila." Sabi ko sa sekretarya ko habang nagtitipa ng mensahe para kay Troy.

Me:

Sure. I'll be at the coffee shop near our company. I'll see you there.

Troy:

Got it.

"Ano pong sasabihin ko kung sakaling tanungin kung saan po kayo pupunta?" tanong niya sa akin. Inangat ko ang tingin sakanya.

"Just tell them that I'll meet up with a friend."

Tumango si Jona at tsaka nagtungo na sakanyang pwesto. Habang ako naman ay nagtungo na sa elevator para makalabas na ng kompanya.

Nang makarating ako sa coffee shop na tinutukoy ko ay nakita kong nakapwesto na si Troy sa isa sa mga lamesa doon. His eyes are glued to his phone kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko. I smiled.

"Ang bilis mo naman atang makarating." Sabi ko at tsaka umupo na sa tapat niya. Inangat niya ang tingin sa akin at tsaka ngumiti.

"Kelsey!" bati niya at tsaka ako niyakap ng mahigpit. I returned the hug.

"I missed you!" sabi ko at tsaka ngumuso. Tumawa naman si Troy.

"I missed you, too! It's been a while since we've seen each other! I knew you're going to be busy once you start working in your company."

Ngumuso ulit ako dahil totoo iyong sinabi niya. It's sad that work is trying to hinder us from spending more time with each other. Di gaya dati na oras oras na ata kaming magkasama. Adulting sucks!

"I know! Kabi-kabilang meetings na ata iyong dinadaluhan ko. Wala pa akong isang buwan sa kompanya pero pagod na agad ako." reklamo ko. Troy chuckled lightly.

"I know you'll do well. You're tough." Aniya upang pagaanin ang loob ko. I hit him playfully on his arm.

"May time ka pa talagang mambola!"

Tiningnan ko naman ang ayos niya ngayon. He looks very prim and proper. He's wearing a blue polo and slacks. He looks like a known bachelor in this country.

"It's weird to see you wearing a polo!" napatingin rin siya sa suot niya nang dahil sa sinabi ko.

"I know. But I have to get used to it. My brother is making me wear clothes like this every time I go and visit our company. It sucks!" he groaned in annoyance.

The Troy I know loves to wear a tshirt and jeans. Hindi iyong ganito. Kaya hindi ko na rin naiwasang matawa nang makita ang itsura niya habang tinitingnan ang kanyang suot.

"But you look good though. It suits you." I smiled. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Really?" he asked. Unti-unti namang umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Yeah. I mean... you look really professional."

Tumango si Troy at tsaka ngumisi. "I'm afraid I have to buy more polo and remove all my tshirts inside my closet from now on."

"Baliw. Syempre, depende parin sa'yo 'yan! If you're not comfortable wearing clothes like this, bakit mo pa isusuot diba?"

"But you said I look good in polo kaya..." umirap ako at tumawa. Ngumisi siya sa akin at mataman akong tiningnan.

I just realized that we haven't ordered a drink yet. Masyado ata kami naging masaya sa muli naming pagkikita para makalimutan naming umorder ng maiinom.

When we managed to order and get our drinks ay bumalik na kami sa aming table at nagpatuloy sa pagkukwentohan. I even told him what happened last night!

"Baka nagpapapansin lang ang isang 'yon sa'yo." he said which I find unbelievable. Kumunot naman ang noo ko.

"Imposible! Kulang lang talaga sa pansin ang lalaking 'yon!"

Nagpatuloy pa ang pagkukwentuhan namin tungkol sa nangyari kagabi hanggang sa natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng coffee shop.

"What's the matter?" Troy asked when I stopped speaking.

"Speaking of the devil..." sabi ko at tsaka tamad na tiningnan si Benjamin na nakatingin ngayon sa menu.

"Oh..." 'yun lang ang natatanging sinabi ni Troy nang makita niya kung sino ang tinitignan ko.

Benjamin is just wearing a gray sweatshirt and a jeans. He's also wearing a snapback. That is such a lazy outfit. I wonder kung ngayon na ba ang alis nila pabalik ng America.

Kung ngayon man, then thank goodness! Simula na ng masisiyang araw ko!

Naramdaman niya sigurong may nakatitig sakanya kaya siya napabaling ng tingin sa amin. Mabilis kong iniwas ang tingin at tsaka inaya na si Troy na umalis dito.

"The meeting is about to start in twenty minutes. I have to go back now," sabi ko habang inaayos ang aking gamit. Troy offered some help. Siya na ang kumuha noong mga folders na dala ko kanina. "It was nice seeing you again, Troy."

"Anytime. Just tell me when you're not busy at hindi ako magdadalawang isip na magpunta dito."

Ngumiti ako nang dahil sa sinabi niya. "I'll take note of that."

Agad na nagbago ang mood ko nang makitang nakatingin parin sa gawi namin si Benjamin. He looks surprised to see me here. Tiningnan niya naman ang kasama ko at tsaka binalik muli ang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko at tsaka inalis ang tingin sakanya.

We were about to pass him by nang biglang pumwesto sa gilid ko sa Troy, para bang hinaharangan ako mula kay Benjamin. I smirked.

"Kelsey..." I heard Benjamin called.

Pero sa halip na pansinin siya ay nagpatuloy lang kami sa paglabas. Troy immediately made me turn to him once we got out of the coffee shop.

"The guy likes you, Kels." He said, mukhang seryosong-seryoso. Agad akong umiling.

"He doesn't. Stop daydreaming." Sabi ko sabay kuha ko ng mga folders na dala ko kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top