Chapter Four

Song: Breathin- Ariana Grande

Ruined

Months after that dinner, I received a very good news from our Dean.

"Ms. Sanchez, I am very glad to inform you that you are one of our candidates for Summa Cum Laude!" nagagalak na sinabi sa akin ng Dean. My mouth parted.

"S-Summa... Summa Cum Laude?" hindi ko makapaniwalang inulit sakanya.

Oh my gosh! Is this real? Am I hearing her right?!

"Yes. We've reviewed your grades and we are very impressed by it. You really deserve this." Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon.

"Are you really serious po, Ma'am?"

Tumawa siya ng dahil sa tanong ko. I can't hardly believe it! Kahit na alam ko namang pinagbubutihan ko ng husto ang pag-aaral ko, hindi parin ako makapaniwala sa gantimpalang natamo ko. I'm fine with being a Cum Laude. But God thinks I deserve Summa Cum Laude so that's what He gave me!

Wow! I am so, so amazed!

"You really deserve this, Kelsey. We've seen your hardwork and dedication through this course. That's why we are very glad to know that you are one of the candidates for Summa Cum Laude."

I smiled gratefully at her. This is more than what I've wished for! I'm sure sobrang matutuwa sila Mommy at Daddy kapag nalaman nila 'to! I can't wait to tell them about this!

My graduation is in a month. Konting panahon nalang at lilisanin ko na ang instistusyong ito. Pero hindi ko akalain na bago ako lumisan dito ay bibigyan nila ako ng ganitong klaseng gantimpala!

This is definitely the best year ever!

Lumabas ako ng opisina ng Dean nang hindi parin nawawala ang ngiti sa labi ko. Tuwang-tuwa kong binati ang ibang kakilala sa tuwing nakakasalubong ko sila. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa loob ng aking bag upang itext ang iba naming kaibigan.

I texted Troy first.

Me:

I have a very good news for you. Where are you?

Troy immediately replied not less than a minute.

Troy:

Just about to look for you. Where are you?

Me:

On my way to the cafeteria. Let's meet up there. Call Jeya and the others!

Troy:

Okay. Got ya!

I bit my lip then I insert my phone inside my bag again. Agad akong nakahanap ng pwesto nang pumasok ako sa cafeteria. This is enough for me and my friends. I sat down at one of the chairs at hindi ako mapakali habang hinihintay na dumating ang mga kaibigan ko.

I smiled when I saw some of my friends entering the cafeteria. Unang nakakita sa akin si Deanna. I waved at them. Troy and Jeya smiled when they spot me. Agad silang tumabi sa akin.

"What is the news all about, Kels?" tanong ni Troy. Napangiti akong muli. I seriously can't stop from myself smiling today! They probably think I'm weird for smiling for no reason.

"Sagot ko na ang lunch niyo!" sabi ko. Nagulat naman sila. Ang iba ay agad na napangiti.

"Anong meron, Kelsey?" tanong ni Red, isa sa mga kaibigan namin.

I bit my lip before spilling it out to them. I'm sure ang iba rin sakanila ay candidate rin. I'm surrounded by hardworking people. Sama-sama kaming nag-aaral minsan kahit na magkakaiba ang courses namin.

"I'm a candidate for Summa Cum Laude!" I exclaimed happily. Nilingon ko ang dalawa sa pinakamalapit na tao sa akin. Both of them look happy for me!

"Really, Kels?" si Jeya.

"Wow! That is so amazing! I knew you'd make it!" si Troy.

Sabay silang napayakap sa akin. Narinig ko namang may binulong si Jeya sa akin habang ganoon ang pwesto namin.

"Drinks on you tonight, Kels. Usapan 'yan."

I chuckled. Right! Nangako nga pala ako kapag napasama ako sa mga may Latin Honors this year, ililibre ko sila. Matagal na naming pinaplano na umalis kami ng kaming tatlo lang. Pero dahil sobrang busy na rin, hindi nagtutugma ang mga schedule namin.

This is the best time to celebrate!

"I did not forget, Jeya." I whispered back at her. She giggled.

"Congratulations, Kelsey!" bati sa akin ng mga kaibigan ko nang matapos ang yakapan naming tatlo nila Jeya at Troy.

"Thank you!"

"Eto namang si Kira candidate rin for Cum Laude!" ani Deanna. Tumingin kami kay Kira at masaya siyang binati.

"Grabe! Ang gagaling ng frennys ko! I'm so proud!" Jeya exclaimed happily. Tumawa kami.

I pushed them to go grab their lunch dahil sagot ko naman. Ang iba ay nahihiya pa pero sa huli ay napilit ko rin sila.

"Sa tingin ko, mas deserve mong ilibre." Sabi ni Troy.

"Hindi na! Minsan lang naman 'to!"

"You treat us every time you belong to the Dean's Lister. And that happens all the time!" hindi ko maiwasang matawa nang dahil sa sinabi niya.

"I'm just happy and I want to share my happiness with everyone!" I reasoned out.

"Fine, Kels. Pero mamaya ako ang bahala sa'yo!"

Wala akong nagawa kung hindi tumango nang dahil sa sinabi ni Troy. He sounds so sure about that. I cannot stop this man from doing what he wants. Pagkatapos noon ay tsaka siya dumiretso patungo sa mga pagkain. I asked him to choose mine because any food will do naman.

Nagpasundo ako kay Manong Roly. Pagkauwi ko ay naabutan ko ang mga magulang ko na mukhang kakauwi lang rin. I already mentioned to them that I'm going out tonight. Hindi naman sila masyadong mahigpit sa akin lalo na't alam nilang si Troy at Jeya lang ang lagi kong kasama sa tuwing aalis ako.

"Hi, Mommy! Hi, Daddy!" bati ko sakanila nang makapasok ako sa bahay.

"Hello, hija!" bati pabalik sa akin ni Mommy. I hugged them both. Ngumiti muna sa akin si Daddy bago ako hinalikan sa noo.

"I have a very good news for the both of you!"

Nanliit ang mga mata ni Mommy sa akin. Habang si Daddy naman ay hinihintay na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"Medyo kinakabahan ako nang dahil sa itsura mo, anak." Sabi ni Mommy. I scoff. I guess I really look weird with this smile. "Spill it now."

"I'm a candidate for Summa Cum Laude!" I exclaimed happily na pati ang ibang mga katulong ay napabaling sa gawi namin. They smiled at me, I returned the gesture.

"Oh my god, Kelsey Alena! I am so proud of you!" sabi ni Mommy at hindi naiwasang mapayakap muli sa akin.

Malaking ngiti naman ang iginawad sa akin ni Daddy. "You always have something to make us proud of you. I am so glad to have you as my daughter."

Nanlambot ang puso ko nang dahil sa sinabi ni Daddy. I hugged them both so tight again.

"And I am so glad to have you both as my parents! Sainyo lang po ako nag-mana ng sobra sobrang dedication at perseverance!"

"Naku! Nambola pa 'tong anak ko!" si Mommy.

"Is that the reason you're going out with your friends tonight, Kelsey?" tanong ni Daddy.

"Yes, dad. I promised to treat them once I get this kind of news."

"Ganoon ba? Sige, hija. Magtext ka lang kung magpapasundo ka."

"Hindi na po, dad. Baka ihatid nalang ulit ako ni Troy. Ayoko na rin pong makaabala sakanila Manong. Baka late na rin po ako makauwi at baka matutulog na sila non."

"Bernard, hon, I am so proud of us. We've raised such a beautiful woman..." nginitian ako ni Mommy. "I really love how you sound, Kelsey. You are so genuine. I love that so much about you! That's why I am still not ready to give you away when the time comes! Masyado kitang mamimiss!"

"Ano ka ba, Mommy! Matagal pa 'yun. Tsaka na!"

"Time flies so fast, hija. Konting panahon nalang nasa tamang edad ka na para magpakasal!"

"Kasal agad? Wala pa nga akong boyfriend, my!"

My mother was about to answer nang bigla siyang pigilan ni Daddy. "Stop talking about these things in front of me. It's scaring me."

My mom and I laughed because of that. I told you, my father isn't very vocal pero kapag sinabi ang nararamdaman, it's either he's scared or happy. It's only between those two. And I find him funny when he's scared.

"Sige na, Kelsey. Mag-gayak ka na habang gising pa itong sila Roly. Mag-text o tumawag ka kapag pauwi ka na, okay?" My dad reminded me. I nod my head.

"Opo, daddy."

Umakyat ako sa aking kwarto upang maghanap ng susuotin. I decided to wear casual clothes. This is just a simple celebration lang naman. Tsaka as if, we're going in a club! As far as I know, sa restobar lang kami ngayon.

I received a message from Jeya when I was putting my make up on.

Jeya:

Sumabay ako kay Troy. Gusto mo sumabay na rin?

Binaba ko ang hawak na mascara at tsaka nagtipa ng sagot sa kanyang text.

Me:

Sure. Nasaan na ba kayo?

Jeya:

Malapit na sa bahay niyo.

Para akong praning na nagmamadali sa pag-aayos nang mabasa ko iyon. They did not even bother to wait for my confirmation! Basta nalang talaga sila dumiresto dito. At tsaka, nagtanong pa talaga si Jeya kung dito rin naman pala ang tungo nila!

I look at myself in the mirror for the last time. Sakto naman at narinig ko ang pagbusina ng kotse ni Troy.

"Kelsey, your friends are here!" sigaw ni Mommy mula sa baba.

"I'm coming!" sabi ko at tsaka lumabas na ng kwarto. Dali-dali akong nagtungo sa labas upang salubungin ang mga kaibigan ko.

Bago naman ako sumakay sa kotse ni Troy ay nagpaalam muna ako sa kanila Mommy at Daddy.

"Mag-iingat kayo." Daddy reminded us. Sumaludo naman sakanya si Troy upang ipahiwatig na siya ang bahala sa amin ni Jeya.

Nang makasakay ako ng kotse ay agad akong nilingon ni Jeya mula sa front seat. She smiled cheekily at me. Pinaaandar na ni Troy ang sasakyan at tsaka umalis na sa tapat ng bahay namin.

"Guess where we are heading?" she asked. My forehead creased.

"In a restobar in Taguig, right?" umirap siya sa naging sagot ko.

"Oh, you bore! Of course not! But we're going in Taguig."

"E, saan?"

"Valkyrie!" she said excitingly. My jaw dropped. Hindi ko naman alam na doon pala ang punta namin. I thought we're only going to have some casual drinks!

"I'm not in the mood to party!" sabi ko.

"Well, we are." Ani Troy. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "It's not like we'll leave you behind, Kels. At tsaka hindi naman tayo masyadong mag wawalwal."

"You should've told me we're heading at Valkyrie!"

"Kanina lang namin napagkasunduan ni Troy!" ani Jeya.

"At di niyo man lang sinabi sa akin?" I pouted.

"Sorry! We're just excited. Minsan nalang ulit tayo nakapag-ganito. Kaya sinusulit na namin." I sigh at Jeya's explanation.

She's right. Hindi naman kami madalas sa mga ganito. Kaya ang minsanang punta namin dito ay sinusulit na namin. At isa pa, wala na rin naman akong magagawa. Everything's settled already. And it seems like my friends really want to head to Valkyrie. I don't have a choice but to go with the flow.

Mabilis lang ang naging byahe. The venue is quite packed today. Medyo pahirapan pa kami sa paghahanap ng parking.

"I should've worn a much nicer clothes." Sabi ko sabay napatingin sa suot kong damit.

"You look fine, Kels. Don't worry." Sabi ni Troy. I heard Jeya coughed. Siniko niya naman siya ni Troy nang dahil sa pang-aasar niya. Troy shakes his head. "Let's go."

Sabay sabay kaming lumabas ng sasakyan. I looked around to see people entering the club happily. Most of them looks like they've been looking forward to this day. Well, it's Friday. Bukas walang pasok ang iba kaya naman ngayon nagpupunta dito. That's why it's no surprise that the club is quite packed today.

We managed to get a table kahit na marami ang tao ngayon. Masaya kaming hinila ni Jeya papasok ng club. The loud music immediately enveloped my ears. Medyo madilim pa noong una pero nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay nagkaroon naman kahit papano ng ilaw.

Habang patungo kami sa table namin ay marami naman kaming nakakasalubong na mukhang kakilala ni Troy. Every time we passed by some people, lahat sila binabati si Troy.

"Palagi ka ba dito?" tanong ko sakanya. Agad siyang lumingon sa akin pagkatapos batiin ang isang kakilala.

"Hindi ah!" agap niya.

"E, bakit mukhang napakarami mong kakilala dito?"

"Some are my cousins' friends. Madalas ang mga pinsan ko dito."

I nod my head. Ngumuso ako at tsaka sinundan na si Jeya.

"Here!" turo niya sa table na nakuha namin. It was a rounded table enough for five or more people. Hindi ko alam kung bakit ito ang kinuha nila. "What do you guys want for a drink?"

"Anything will do." Sagot ni Troy. Niliitan naman siya ng mata ni Jeya. Base sa tingin niya, I know she's going to order a hard drink.

"You already know mine." Sabi ko. Napairap naman si Jeya nang dahil doon.

I am not a hard drinker. I only drink on casual events. At tsaka kung iinom man ako ngayon, kaunti lang at hindi iyong malakas ang tama.

Jeya went to get our drinks. Si Troy naman ay pumwesto sa harap ko. Nag-usap kami sandali habang hinihintay si Jeya na makarating. Wala pang limang minuto ay dumating siya kasama ang isang waiter na may dala-dalang iba't ibang klase ng drinks.

My eyes widened. Jeya bought a lot of drinks! Kakaunti lang ata ang nakita kong mukhang pamilyar sa akin. Jeya smiled cheekily again. She offered one drink to me and Troy.

"That tastes good! Trust me!" aniya. Naupo naman siya sa gitna namin ni Troy at tsaka kumuha na ng isang bote ng beer. Dire-diretso niya itong nilagok.

"Damn!" she said when she finishes her drink.

Naka-isang bote na siya habang kami ni Troy hindi pa magawang bawasan ang ibinigay niya sa aming beer. Napansin niya sigurong nakatitig lang kami sakanya kaya niya kami hinikayat na uminom.

"Come on, guys! Drink! Ang KJ naman ng mga kasama ko!"

She pushed us again to drink the beer. Wala kaming choice kung hindi ang gawin iyon. I brought the glass in front of my mouth. Nang inumin ko ito, agad na dumaloy ang mainit sa likido sa aking lalamunan. I stopped drinking.

"This tastes bad!" reklamo ko.

"Bad?!" hindi makapaniwalang tono ang iginawad sa akin ni Jeya. "Ang sarap kaya!"

Ngumiwi ako. Ito na ata ang pinaka nakakasuklam na lasa ng beer na natikman ko. Kampon ata ng demonyo ang gumawa nito. Parang pinaso ang lalamunan ko nang inumin ko iyon ah!

Nilingon ko si Troy na mukhang hindi alintala sakanya ang lasa ng beer. Ngumiwi siya ng bahagya at tsaka niligon kaming dalawa. Nakatingin na sakanya si Jeya ngayon.

"Okay ba?" tanong nito sakanya.

"Okay naman."

Lumingon sa akin si Jeya at tsaka tinuro si Troy. "See? Even Troy likes it!"

Ngumuso ako at tiningnan si Troy. Umiling siya sa akin at ipinakita na hindi niya nagustohan ang ininom. I chuckled.

"Oo na! Sige na!" sabi ko para lang matigil si Jeya sa pagrereklamo.

Mas lalong lumakas ang music. Hindi na kami masyadong magkaintindihan tatlo habang nagkukwentuhan. We were laughing at one of Jeya's kwento when I felt someone sat beside me.

"Hey," anito. Hindi agad ako nakalingon. I was frozen in place. Naramdaman kong lumapat ang kanyang kamay sa aking balikat, like he's asking me to turn to him.

Nilakihan ko ng mata si Jeya upang itanong kung kilala ba nila itong tumabi sa akin. Pero mukhang napako ang tingin nito sa lalaking nasa tabi ko. She smirked before she turns her gaze back to me.

"Ang gwapo!" she mouthed. My eyes widened.

Why would a guy like him sit beside me though? Nilingon ko naman si Troy na nakatingin ng diretso sa kamay ng lalaki na nakakapit sa akin. Inalis niya ang tingin doon at tsaka binalik muli ang tingin sa lalaki.

Tiningnan kong muli si Jeya. Nakangisi parin siya hanggang ngayon.

"Ang gwapo talaga!" she mouthed again.

I gulped. "Talaga?" I mouthed back at her.

"Hey," sabi ulit ng tumabi sa akin.

Lumunok akong muli bago ko siya tuluyang lingunin. I plastered a smile on my face to look friendly. But the smile immediately vanishes when I saw who it was. My eyes widened and so did his.

"You?!" we both said while pointing at each other.

Agad kong inalis ang kamay niyang nakakapit sa akin nang makita kong si Benjamin lang pala ito. His eyes widened at me. Umalis siya sa pwesto niya at napatayo nalang nang dahil sa gulat.

"What the hell? I didn't know it was you!" he reasoned out.

I laughed insultingly. "Talagang kahit saan hindi mo mapigilan 'yang kati mo sa katawan noh?"

Mukha namang naalarma si Jeya at Troy sa biglaang nangyari dahilan kung bakit sila napatayo ngayon.

"You know each other?" Jeya asked. Hindi ko siya pinansin. Tinaasan ko naman ng kilay si Benjamin.

"What are you doing here at our table? Bumalik ka nga dun sa inyo! Sinisira mo gabi ko!" sabi ko.

"Well, first off, I'm only trying to make some friends-"

"Make some friends? Pero kung makahawak ka sa balikat mo akala mo close na close tayo! Kadiri ka! Nilagyan mo pa ng germs 'to!" I pretend to wipe something off of my shoulder.

"If I only knew you were that person we were looking at, then I wouldn't even bother coming here! Akala mo naman ginusto ko 'yon! Geez!"

Tatampalin ko na sana siya nang pigilan naman ako ni Troy.

"Kels..." he whispered. "You're creating an audience. Stop. Wag ka nang pumatol pa."

I clenched my jaw and glared at Benjamin. Ngumisi lang siya sa akin at mukhang hindi natatakot sa tingin na ibinibigay ko sakanya. It's true when Troy said that we're creating an audience.

Ang ibang malapit sa table namin ay nagsisibulungan. Ang iba naman ay may nakahanda na ang cellphone at handa nang magrecord ng video kung sakaling sugurin ko si Benjamin ngayon. My parents wouldn't like that kung sakaling gawin ko iyon.

Bumagsak ang balikat ko. Mamaya maya pa ay may dumalong dalawang lalaki kay Benjamin.

"What's happening, bro?" tanong ng isa sabay binaling ang tingin sa akin.

"What did you do?" tanong ng isa niya pang kasama nang mapansin ang masama kong tingin na ibinibigay sa kaibigan nila.

"Just bumped into someone I know." Narinig kong sinabi ni Benjamin sa kanyang mga kaibigan. Nakita ko namang may binulong ang nagtanong kung anong nangyayari sakanya. Benjamin smirked even more.

"I know..." aniya.

"Let's go, Jeya." Aya ni Troy. "Kelsey..." aniya sabay hawak sa braso ko. Walang pag-aalinlangan namang lumapit si Jeya sa amin at handa na akong hilahin palayo.

"What was that?" Jeya whispered at me.

"That's the guy I was telling you about before!"

"Really?!" She smiled dreamingly at me. "Dang! He's so hot!"

Ngumiwi ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. She's unbelievable! At talagang may oras pa siyang pagpantasyahan si Benjamin ha?!

Hinila naman kami ni Troy palayo doon. Ngunit bago ako tuluyang makalayo sa isang 'yon ay sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Thanks for ruining my night, asshole!" sabi ko. Nabigla ang dalawa niyang kaibigan sa sinabi ko at hindi naiwasang matawa. Ang isa ay napakapit pa kay Benjamin habang natatawa.

Benjamin don't really look offended but his smirk grew bigger. "Anytime, princess."

Gustong-gusto ko na talaga siyang sugurin kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Troy ulit, e. "Enough, Kelsey... let's go home." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top