Chapter Eleven
Song: YOU- 11:11
Plan
Three years came like a blur. On my twenty-fourth birthday, I received the most beautiful compliment I've ever heard in my entire life.
"I'm seeing how significant you are in this company, Kelsey. The projects are non-stop and other companies are very much amazed with our designs. Pati sila ay nagbibigay na ng kanilang shares dito sa kompanya," ani Mr. Tan. Tumango ang ibang board members upang sumangayon sa sinabi niya.
I smiled and bit my lower lip. I never thought I will receive a compliment like this on my birthday! I feel like this is the best birthday ever! Hindi napunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan at pinagpaguran ko!
Ever since I entered our company, iisa lang ang nais kong makamit. That is to get our board members' trust. Dahil noong una ay nangangamba pa sila kung magiging maayos pa ba ang kompanya kung sakaling hindi na si Daddy ang mamamahala. Tapos ngayon makakatanggap ako ng papuring ganito!
This only means one thing... panatag sila na kahit hindi na si Daddy ang nagpapatakbo nito, magiging maayos parin ang lahat. They are now seeing my worth in this company.
"Your designs are amazing! Even the people behind you are working really hard!" dagdag naman ni Mr. Cordova.
I smiled again. "Of course, everyone on the design team are extremely talented. It's really hard to choose the right design lalo na't lahat ng pinapasa nila ay karapatdapat. That's why I really have to double check it or make a design myself na pasok rin sa mga preferences niyo po."
Napangiti silang lahat sa akin. Kahit si Mommy at Daddy ay kitang kita rin ang pagkatuwa para sa akin. I gave a thumbs up to Wilbert and Kate, isa sa mga miyembro ng design team. Magagaling sila at mapapagkatiwalaan. Ngumiti silang dalawa pabalik sa akin.
"Sabi ko sa'yo, Ma'am, e!" Kate mouthed at me at tsaka ako tinuro. I chuckled lightly.
Kahapon pa kasi ako kinakabahan para sa meeting na 'to. Paano ba naman kasi, this is the time the company is going to deliberate. Paano kung mapagtanto nilang wala naman akong magandang naidulot sa kompanya?
Paano kung isipin nila na isa lang akong palamuti dito? Na nandidito lang ako dahil anak ako ng may ari ng kompanyang 'to? Ayoko naman ng ganon. I want them to see me as someone whose worth of their trust. Dahil hindi rin magtatagal ay ako na ang mamamahala nito.
Kaya ngayong naririnig ko na ganito ang sinasabi nila tungkol sa akin ay sobrang natutuwa talaga ako!
"That's great, Kelsey. Mas lalo tuloy akong napanatag na magiging maganda ang kalalabasan ng bagong proyekto!" ngumiti sa akin si Mrs. Dimagiba. "And mind you, this is another high end project. And note that, Kelsey is very good with that."
I swear I couldn't stop smiling. Hindi ko akalain na ganito ang matatanggap kong papuri sa kaarawan ko!
I laughed a little. "Oh! Thank you, Mrs. Dimagiba! I'm really excited with this project and I'm also planning to go to Barcelona to get some inspirations for my design."
Mabilis na napabaling ng tingin sa akin si Mommy at Daddy. Well, I haven't told them about my plan. Kaya ngayong nabanggit ko na, mamaya ko nalang siguro sasabihin sakanila. Kinunotan ako ng noo ni Mommy pero nginitian ko lang siya bilang sagot.
"That's good to hear! Siguro naman kayang sagutin ng kompanya ang trip mo doon lalo na't this is for the project's purposes naman-"
"Uh... hindi na po. I can manage. I can use my own money to pay for my trip po. No need to include my trip on the company's budget." I said and smiled at Mr. Tan.
Napangisi ang ibang board members nang dahil doon.
"Are you sure, Kelsey? Pupwede naman-"
"My daughter doesn't want anyone spending their money on her. Gustohin ko man ang plano mo, Mr. Tan, but I know my daughter too well. She'll refuse kaya wala rin tayong magagawa." Ani Daddy.
"Bernard is right. Kahit pilitin natin itong si Kelsey, tatanggi parin siya. She'll have this excuse na kumikita na naman raw siya kaya hindi na kailangan pang paggastusan siya." Dagdag ni Mommy.
Ngumuso ako. "Bakit? Totoo naman po iyon, diba?"
Bumagsak ang balikat ni Mommy sa sinabi ko. "But that doesn't mean you should pay for everything. Bilang magulang mo, dapat tumutulong rin kami sa'yo-"
"But I don't want you to spend your money on me anymore. I'm already done with school. Kaya dapat lang na ako ang gumagastos sa-"
"See? She'll always refuse." Sabi ni Daddy. Nagtawanan naman ang iba.
Kung hindi pa sasabihin ni Daddy iyon ay hindi matatapos ang diskusyon namin ni Mommy tungkol doon. Ilang beses na rin kasi naming pinag-aawayan iyon. Natatakot sila na baka nauubusan na ako ng pera dahil lahat ng mga kailangan ko ay ako rin naman ang sumasagot.
They're scared I might ran out of money dahil ang fifty percent ng sweldo ko ay napupunta sa charity. Pero tama naman iyon diba? Napupunta naman iyong pera na pinaghirapan ko sa magandang bagay. At hindi lang iyon, nakakatulong pa ako sa mga bata!
Nang matapos ang meeting ay kinausap ko sila Mommy upang ipaalam na makikipagkita ako kay Jeya at Troy sa isang malapit na restaurant dito sa kompanya.
Jeya just came back from Hawaii at si Troy naman ay kakagaling lang rin sa bakasyon sa Sorsogon. I haven't seen them for weeks. Nag-uusap naman kami lagi pero iba parin kasi iyong nagkikita kayo ng personal.
"Matatagalan ka ba?" my father asks.
"Uh... baka po? Medyo matagal na rin po kasi matapos 'yung huling pagkikita namin kaya..."
"So, should we cancel our plan, Tin?" binaling ni Daddy ang tingin kay Mommy.
"What plan?" nagugulohan kong tinanong sakanila.
"We're planning to have a dinner with you in Taguig since it's your birthday. Kaso mukhang may plano ka kaya pupwede naman naming gawin sa ibang araw iyon."
Nagulat naman ako doon. Hindi ko naman inexpect na may plano silang ganoon! They should've told me earlier!
"Uh... Daddy, hindi na! We'll pursue with your plan! Sasabihan ko nalang po sila Jeya na hindi rin ako magtatagal. I'm sure they'll understand."
"No, dear, it's okay. Matagal na kamo kayong hindi nagkikita di ba? Kaya ayos lang sa amin na kahit sa ibang araw nalang-"
"Hindi na, Mommy. Pupwede naman po kaming magkita sa ibang araw since kakabalik lang rin nila galing bakasyon kaya wala pa silang masyadong gagawin. And you guys are one of the busiest people I know. Baka ito lang po ang oras na mayroon kayo. Kaya ipapaubaya ko na."
Napanguso si Mommy nang dahil sa sinabi ko. "Hindi talaga namin alam ni Bernard kung anong ginawa namin para mabigyan kami ng anak na kagaya mo."
Umiling ako. Si Mommy talaga kung ano ano nalang lagi ang nasasabi. Pag talaga tumatanda na... nagiging emosyonal na. There are times that she'll get sad at me for no apparent reason. Iniisip niya daw kasi 'yung oras na mawawala na ako sakanila para sumama na sa iba.
Well, I have no plans on settling down yet even though I'm at the right age to get married already. Tsaka... I haven't found someone... yet.
"Tss. Sige na, Mommy at Daddy. Hinihintay na po ako nila Jeya at Troy. Magkita nalang po tayo mamaya." Pagpapaalam ko at tsaka sila hinalikan sa pisngi.
"Make sure to text me kapag pabalik ka na." paalala ni Mommy.
"Okay. I will."
Nang makababa ako sa tamang palapag ay maraming kakilala ang bumati sa akin. Some of them even asked if I'm going out by myself dahil hindi ko raw kasama ang magulang ko.
"Uh... yes. I'm going out with some friends." paliwanag ko sa tuwing may magtatanong.
Nang makalabas naman ako sa building ay nilakad ko nalang patungo doon sa restaurant na sinasabi nila Jeya. They already reserved a table for us kaya nang sinabi ko ang pangalan ni Troy ay giniya ako ng waitress patungo doon.
Jeya quickly stood up when she saw me nearing. Troy smiled at me.
"Kelsey!" she squealed then she crashed me into a hug. "Happy Birthday!"
"Thank you!" I said. Sunod naman akong binati ni Troy.
He moved closer to me to also crash me into a hug. He lifted me up a little which causes me to squeal.
"Happy Birthday!" he smiled widely at me.
"Thank you!" sabi ko at tsaka nginitian rin siya pabalik.
"Woo! Naku! Si Troy tuwang-tuwa na naman!" pag-singit ni Jeya. Sinamaan siya ng tingin nito.
"Tss. It's because I haven't seen her in a while!" Troy replied defensively.
"Oh? Bakit ka nagagalit? Masyadong mainitin ang ulo!" Jeya rolled her eyes on him.
"Tss..." Troy whispered under his breath.
Umirap ako at umiling. "Don't tell me kanina pa kayo nagbabangayan habang hinihintay ako?"
"Naku! Pinaplastic ko na nga lang 'tong si Troy, e!" pang-aasar ni Jeya. Troy mocked her kaya natawa nalang siya.
I sighed heavily. Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to!
"Uy, Kelsey! Pansinin mo naman daw si Troy!" ani Jeya at medyo tinulak ako palapit kay Troy. Kumunot ang noo ko.
"Huh? Bakit? Pinapansin ko naman siya ah?" sabi ko at tsaka tiningnan si Troy. Umiling sa akin si Troy na para bang sinasabi na wag ko nalang pansinin itong si Jeya.
"Hindi! I mean, wala ka daw bang napapansin na bago sakanya?"
"Bakit? Ano bang bago?" I examined Troy's appearance. Parang wala naman?
"Ay grabe siya oh! Tingnan mo kaya mabuti!" I examined Troy again. Supladong nag-iwas ng tingin si Troy at tsaka pinalingon muli ako kay Jeya gamit ang kanyang kamay. Hindi ko naman siya hinayaang gawin 'yon.
"Ano ba kasing bago?!" I asked impatiently.
"Ay ang sad naman! Troy wouldn't spend three hours inside the gym para lang hindi mo mapansin 'yung pagbabago sa physical appearance niya!"
"Tss... Jeya!" pagsuway ni Troy sakanya.
Nanlaki ang mga mata ko kaya tiningnan ko muli si Troy. I tried examining his body instead of his face. My jaw dropped.
"Wow! You've gotten... bigger! You became more masculine!" sabi ko.
"Oh! Ayan na, Troy, ha? Napansin na ni Kelsey! Sana happy ka na!"
"Ugh! Jeya, can you just please shut your mouth? Even for just a little while?"
"Sus! Kunwari pa 'to, e! Pero sa loob loob niyan, sobrang happy siya! Wag ako, Troy!" umiling iling si Jeya.
Nakakafrustrate naman 'tong dalawang 'to! Parang mga ewan!
"Since when did you start going to gym?" I asked Troy.
"Since the day he realized that Benj-"
"Three years ago." Pagputol ni Troy sa sasabihin ni Jeya.
Hindi ko naman masyadong napansin iyong sinabi ni Troy dahil nagulohan ako nang muntikan nang mapasama si Benjamin sa usapan na 'to. Ano naman ang kinalaman ng lalaking 'yon sa pagpunta ni Troy sa gym? I'm confused.
"Oh..." I nod my head. "What's with the sudden decision? May pinopormahan ka siguro noh?" pang-aasar ko. I poked Troy on his side to tease him.
I saw Jeya opened her mouth. Nang mapansin naman iyon ni Troy ay agad siyang nag-salita para hindi na maituloy ni Jeya ang sasabihin niya.
"Tss... what makes you think that? I have no time for that."
"Sus! Ang sabihin mo, nahihiya ka lang!" dagdag ni Jeya. Troy clenched his jaw.
"Can you please-"
"Alam niyo, kung mag-aaway lang kayong dalawa, mabuti pang sa susunod ko nalang kayo kitain. 'Yung magkahiwalay kayo para walang away!" reklamo ko. Ngumuso naman si Jeya nang dahil doon.
"Grabe naman 'yon! Okay, sige. Hindi na. Mananahimik na ako!" Jeya raised her right hand to show me that she's keeping a promise.
"Dapat lang!" bulong ni Troy. Inirapan naman siya ni Jeya.
Matapos iyon ay nag-order na kami. I can't believe that they didn't order yet while they're waiting for me. They spent their time by teasing each other. Kung sana ginamit lang nila iyong oras na iyon edi sana kumakain na kami ngayon! Hindi na sana kami maghihintay ng fifteen minutes bago maserve iyong pagkain!
"So..." Jeya started. "How's things ba?"
I smiled when she asked that. Sumandal ako sa aking upuan. "You have no idea how happy I am today."
"Why?" kunot noong tinanong ni Troy.
Kwinento ko sakanila iyong nangyari kanina sa meeting. Parehas silang natutuwa para sa akin. I smiled genuinely at them. Mamaya maya pa ay dumating na rin naman ang pagkain namin. Troy put some foods on my plate habang kausap ko si Jeya. Habang si Jeya naman ay mapaglarong nakangisi sa akin at kay Troy.
Pero wala na akong oras pa pagtuunan ng pansin iyon dahil mas busy ako sa pagkukwento sakanila tungkol doon sa nangyari kanina.
"Pero... teka lang," sabi ni Jeya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba't nakwento mo noon na nanghingi ka ng tulong kay Benjamin and the guy willingly helped you?"
"Oh..." I stated. I almost forgot about that.
Isa rin pala siya sa rason kung bakit ako nakatanggap ng papuring ganoon. Kung hindi rin dahil sakanya, baka kung ano na ang narinig ko kanina mula sa ibang board members. If I didn't ask help from him, I'm still clueless as hell!
"Yeah. He told me his tactics and I kind of used them?"
"Well that's great! That only means that Benjamin is an effective leader in their company! Kaya kung magpapatuloy kang manghingi ng tulong sakanya, baka maging katulad mo siya!" masayang sinabi ni Jeya. I turned to Troy who's currently sipping on his water. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Pero... dalawang beses lang ata ako nanghingi ng tulong sakanya. Tapos hindi na nasundan iyon."
Jeya's eyes widened a little. "You mean... hindi na kayo nag-uusap ulit?"
"Yes." agaran kong sinagot. I saw Troy nodding his head.
"Hindi na rin kayo nagkikita?"
"Hindi na." I answered like it was nothing to me.
It's been three years since I last saw that guy. Naging maayos naman ang pag-uusap namin sa tuwing hihingi ako ng tulong sakanya. Pero hanggang doon nalang 'yon. After I asked help from him, we suddenly just lost connection. Hindi na rin naman siya nangulit matapos iyon.
Maybe he realized that he's too old to bully or tease someone. That's not what grown ups do. O baka naman nadaanan na siya ng adolescent period kaya baka nagmature na siya?
We both moved on with our own lives. Medyo kinalimutan ko na rin iyong pang-aasar niya noon sa akin. It's been a long time! At isa pa, wala na naman na kami kailangan pang pag-usapan. Hindi naman kami close!
Sometimes I'll see some of his posts on Facebook. It seems like he's busy enjoying his life since madalas siya sa mga parties at madalas rin siyang mag-out of the country. Pero kahit na ganoon, I heard that their company is doing great under his leadership. Kaya nakakagulat na kaya niyang ibalance ang kanyang social life at ang kanyang trabaho.
"Bakit naman!?" dismayadong tinanong ni Jeya.
"Dahil wala na naman kaming kailangang pag-usapan? Benjamin and I are not friends, Jeya. That's why I lost connection with him."
"You should've kept in touch!"
Umirap ako. "I don't think there's a need to."
"Hindi na ba kayo nagkikita ng pamilya niya?"
"I see some of their relatives. Pero sila hindi na. They're still in America, I suppose?"
"E, kailan daw sila babalik?"
Kumunot ang noo ko at nagugulohang tiningnan si Jeya. "I don't know! Why are you asking? Mukha ba akong updated sa everyday life nila?"
I heard Troy chuckling. Inirapan naman siya ni Jeya.
"Don't tell me, Jeya... you like... Benjamin?" medyo hindi makapaniwala kong tinanong sakanya. Troy burst out of laughter because of that.
"What? No! Goodness, Kelsey! Anong pumasok sa isip mo para masabi mo 'yan!?"
"It's because you seem interested with his life! You sound like you have a crush on him!"
"Ugh! Gosh! I don't." ngumiwi siya matapos niyang sabihin iyon. "E, 'yung isa nga dyan nagseselos noong-"
"Sino?" tanong ko.
"Don't mind her, Kelsey." Si Troy.
"Tss... ayoko na ngang magsalita. I don't want to spill someone else's beans. Hahayaan ko nalang na magkacourage siyang sabihin iyong totoo!" maarteng umirap si Jeya.
My forehead creased. I don't know what they're talking about. Mukha namang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan doon. I didn't ask any more questions since it seems like Troy wants the topic out of our conversation.
Nag-usap pa kami tungkol sa maraming bagay hanggang sa nag-paalam na ako.
"I'm sorry for the short catch up. Mag dinner pa kasi kami nila Mommy at Daddy. This is the only time they're not busy with work kaya I needed to be there."
"We understand how much you value your family kaya ayos lang, Kels. Marami pa namang oras. Tsaka I'm sure this guy," tinuro ni Jeya si Troy. "Is willing to leave his work behind basta lang makita ka."
Ngumiti ako. "He's always been like that naman ever since. Ano pa bang bago?"
"Tss... it's because you're my best friend and I'm willing to spend my time with you." Troy said like he's stating the obvious.
"Weh? Best friend nga ba?"
Sabay namin binalingan ng tingin si Jeya. Ngumuso ako habang si Troy naman ay tinaasan siya ng kilay.
"Hay nako! Ang stressful niyo! Tara na nga, Troy! Baka kung ano pa ang masabi ko at magalit ka pa sa akin!" aniya sabay hila kay Troy. Kumaway siya sa akin.
Troy raised both of his brows at me at tsaka nagpadala na ng tuluyan sa paghila ni Jeya. I sighed and left the restaurant. Nang makabalik naman ako sa building ng kompanya ay nakita kong hinihintay na ako nila Mommy sa kotse.
"Just in time, Kels. Did you have fun?" tanong ni Mommy.
"Of course," I answered.
Nilingon naman kami ni Daddy mula sa unahan. He smiled a little at me. "Let's go?"
Tumango kaming dalawa ni Mommy. Tsaka naman nilingon ni Daddy si Manong Roly at sinabi sakanya kung saan ang destinasyon namin.
We reached the restaurant in less than an hour. Buti nalang at hindi ganoong traffic kaya medyo mabilis lang ang naging byahe. The waitress smiled at us when we asked for a table. A soothing classical song plays in the background. I roamed my eyes around the restaurant. I haven't been here before.
"How did you know this place?" tanong ko kay Mommy.
"Oh, your Dad had a business meeting here before. He told me that the food is great! I can't wait to try it!" my Mom said excitingly.
Nang marating namin ang aking pwesto ay agad kaming umupo doon. My mother smiled at the waitress as she reached us the menu. Hindi na ako nagulat pa sa presyo ng pagkain dito. I've expected it.
"Don't even think about spending your own money here, Kelsey..." my mother warned while she's looking at her menu.
Tumawa naman ako. Wala pa naman akong sinasabi?
"Okay..." sabi ko which made her nod her head. Binalik niyang muli ang tingin sa menu.
Matapos makapagorder ay nagpakuha ng wine si Daddy. He poured a drink on my bottle. He did the same with Mom.
Nang matapos ay tsaka niya itinaas ang kanyang baso. "Happy Birthday, Kelsey."
My Mom and I did the same. I smiled.
"Thanks, Dad." Pinagtatama namin ang aming mga baso sa isa't isa. I sipped on my drink.
"I can't believe you just turned twenty-four today, Kels. Time flies so fast!" ngumuso si Mommy.
"Pupwede na ngang magpakasal sa edad na iyan!" my father said, I know that was meant as a joke but my eyes widened a little.
"Dad!"
"Your father is right, Kels. You're at the right age already. Kaya don't hesitate to tell us if you want to settle down-"
"Oh my god! Mom! Stop!"
"Mas mabuti nang napapaalalahanan ka ng maaga! Baka mamaya gulatin mo nalang kami bigla, e!"
"I will never do that!" I said defensively.
I can't believe this topic started to rise again! I mean, every year nalang ata napapasok ang usapan na 'to?
"Okay lang naman sa amin, anak. Alam namin na the time will come wherein you'll decide-"
"Oh! The food is here!" pagputol ko sa sinasabi ni Mommy.
Thank God the food arrived! Dahil kung hindi, hindi na naman matitigil 'tong si Mommy sa kakasabi ng kung ano-ano tungkol sa kasal. Wala pa akong plano!
My mother sighed heavily. Ngumuso siya at tsaka ngumiti sa waiter nang inilagay nito ang pagkain niya sa harap niya.
"Tin, just talk about it on some other time." narinig kong binulong ni Daddy kay Mommy. My mother sighed heavily again.
"Okay..."
"So, Kelsey... about your plans of going to Barcelona..." my father started. Inangat niya ang tingin sa akin at tsaka ngumiti.
"Oh... about that... well..." I gulped. Medyo nangangapa pa sa sasabihin. "I have plans on telling you about it. Pero hindi lang po ako makahanap ng tamang tyempo since we are all so busy." I bit my lip after I explained.
My father nodded his head. "Pupwede mo namang sabihin anytime. Hindi iyong nagugulat nalang kami sa plano mo."
"I'm really sorry. I just thought the other day that maybe going to Barcelona might help me get some inspirations for my designs. So..."
"We'll let you do that. We know how dedicated you are with work. How long do you plan on staying there?" My mother asked.
"For about a month." I said like I was so sure of it.
"A month..." medyo hindi makapaniwala na sinabi ni Mommy. "Isn't that such a long time?"
"Mom, Barcelona is quite... big. I need to see the whole place! And also, I want to meet some of the most prominent Architects there, if I'm given a chance."
Ngumiti si Daddy at tumango. "Just let her, Tin. She's already grown up. She knows how to take care of herself. Wala namang mangyayaring masama sakanya doon."
Tumango ako upang sangayunan ang sinabi ni Daddy. My Mom tends to get really worried of every time I'll tell them that I want to have a vacation somewhere. Minsan nga iniisip ko na baka ayaw niya lang ako payagan, e. But then every time my Dad reminds her that I'm already a grown up, wala siyang nagagawa.
"I know, Bernard. Pero-"
"Mom, I'm already twenty-four! No need to get so worried!" I laughed.
"I can't help it, Kels. Every time you say that you're leaving, feeling ko aalis ka na ng tuluyan sa bahay." She said sadly.
"Mom, it's not like I'll get married! Aalis po ako para sa trabaho. 'Yun lang!" ngumuso si Mommy nang dahil sa sinabi ko.
My father scoffs. "Masyado lang talaga nagiging maaalalahanin itong Mommy mo lalo na't nag-iisang anak ka. But for me, I'll let you do whatever you want and support you."
Lumaki ang ngiti ko nang dahil sa sinabi niya.
"Naku! Ayoko na ngang mag-isip pa! Baka magkawrinkles pa ako!" reklamo ni Mommy at tsaka nanahimik na. We continued on eating our food.
"Barbara mentioned that you asked help from Benjamin. What is it about?" my father asked after a minute of silence.
Medyo nagulat naman ako nang bigla na namang mapasok ang lalaking iyon sa usapan.
"Oh, I asked him something about business. He gave me tips and... that's it. Paano niyo po nalaman?"
"Really?" medyo natutuwang tinanong ni Mommy. "Nabanggit daw sakanila ni Benjamin noong nakaraan and I'm really glad to hear it from you! Edi... ibig sabihin... everything that you know now about business, all came from Benjamin?"
"Yeah. Some came from researches, too."
"That's great! That's really nice!" my mother can't stop from smiling. Napabaling pa siya ng tingin kay Daddy.
"It seems like you're okay with him now." ngumisi si Daddy sa akin. Tumawa ako at tsaka kumunot ang noo.
"Actually, that was the last conversation we had. We never talked again after that." Bumagsak ang balikat nilang dalawa nang sinabi ko iyon.
"Why?"
"I don't know. We just suddenly lost connection so..."
"Oh, maybe because Benjamin's really busy with work. Sabi ni Francisco, sobrang hands on daw non sa kompanya nila. Halatang gustong may mapatunayan!" si Daddy.
"Then the plan isn't bad at all, Bernard! Since sakanya rin naman pala nanghingi ng tulong itong si Kelsey, I feel like they're going to be a great tandem!"
Kumunot ang noo ko. "Huh? What plan?"
"Don't worry about it. It's only about business. I'm glad that you're fine with Benj now."
Kumunot ang noo ko at tsaka tumango. Nagngitian sila Mommy at Daddy. Based on their expressions, I know something is up. Pilit kong hinuhulaan iyon pero hindi ko parin talaga makuha kung ano.
Whatever the hell they're planning now, I hope it's not that bad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top