Chapter 010

This is the last chapter of Beautifully Broken and I hope you'll enjoy this story so far. Afterwards, I will post the epilogue... I will give you some good news, Marias. Thank you for being with me in this journey. <3

***

Ang pag-ibig ay kusang

nararamdaman at natutunan

pero kailangan natin itong

paghirapan upang ating

mauunawaan ang tunay

nitong kahulugan.

Chapter 10
[Tatay]

DALI-DALI akong lumabas ng bahay ni Marlot. Agad ko namang hinanap si Jerome. Nakita ko naman siya sa labas na nakatalikod kaharap ang kotse niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan dahilan ng mapalingon siya sa gawi ko. Hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang dahilan kung bakit siya naparito ngayon. Nahanap niya na si Tatay. Makikita ko na ang aking Amang nang-iwan sa akin, ang tumangay sa 75,000 ni CK, at ang nagpahirap sa aking mga kapatid.

"Jerome," simple kong tawag sa kaniya.

He turned his back to face me. "Talia,"

Nilingon-lingon ko naman ang likod niya, nagbabasakaling nakatago si Tatay doon.

"Si Tatay?" diretso kong tanong sa kaniya.

Akala ko kasi kasama niya pero hindi pala. Kanina ko lang din pinagmamasdan ang kotse niya, nagbabasakaling nandoon siya sa loob pero wala.

He looked at me and smiled. "Don't worry Talia, nasa maayos siyang kalagayan. Wala kang dapat ipag-alala para sa Tatay mo."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon. Kahit na galit ako sa aking Ama, nag-aalala pa rin ako para sa kaniya. Ayaw kong may mangyari sa kaniyang masama dahil hindi ko 'yon kakayanin. Ama ko pa rin siya kahit na may malaki siyang atraso sa aming pamilya.

I nodded at him. "Paano mo siya nahanap?"

Napaawang naman ang aking bibig dahil sa labis na pagtataka sa sunod niyang sinabi sa akin.

He smirked a bit. Pinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsang nasa harap ng kaniyang pantalon, saka ako tinugon. "Hindi ko siya hinanap, Talia. Si Adrian ang nagsabi sa akin kung nasaan ang Tatay mo."

"Si Adi? Papaano?" pagtataka kong tanong sa kaniya.

Kaya ba siya absent kanina? Narinig ko naman ang malalim na paghugot ni Jerome ng kaniyang hininga. Lumapit siya sa kotse niya at sumandal doon. Nakaharap lang ako sa kaniya. Para bang normal lang sa amin ang pag-uusap na aming ginawa.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago magsalitang muli. "Nahuli ang Tatay mo sa isang malaking nakawan na nangyari kahapon. Hinuli siya ng mga pulis kaya nasa kulungan siya ngayon." he paused to caught a breath. Nahuli si Tatay? Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Oo, hiniling ko sa Itaas noon na sana makulong siya. Pero hindi ko lubos aakalain na nangyari na ang kagustuhan kong iyon. Alam kong malaki ang kasalanan ni Tatay, pero papaano ko sasabihin kay Beng at Tonton ang sinapit niya. Tiyak kong hindi magugustuhan ng dalawa ang balitang aking narinig. Napamahal sila kay Tatay. Kahit na sinasaktan sila ni tatay, pero nagawa pa rin ng ama ko ang alagaan sila noon. Sa mga panahong hindi pa siya naadik sa sugal at sa kung anu-ano pa na may malaking kinalaman ang pera. Napahinto ako sa aking pag-iisip nang muling magsalita si Jerome. "Nalaman din nila na ang Tatay mo pala ang isa sa mga nangunguna sa nakawan dito sa Maynila. That's why kinulong siya agad ng mga parak. Lalo na't may warrant of arrest din siya dahil sa ginawa niya sa Mama ko." he explained it to me clearly.

I bit my lip and asked him. "Nagnanakaw siya? Bakit naman niya gagawin 'yon?"

Alam ko naman kung bakit siya nagnanakaw. Pero kailangan ko pa ring itanong kay Jerome ang mga iyon para alamin ang buong k'wento.

Tumango siya sa akin. "Nalulong siya sa sugal. Mabuti na nga lang nahuli siya agad kasi kung nagkataon, baka mapatay ang tatay mo ng mga taong pinagkakautangan niya."

Mabuti na nga lang at nahuli siya. Mas nanaisin ko pang makita siyang naghihirap sa kulungan. Habang pinagbabayaran niya ang kasalanang siya ang may gawa kaysa sa na patay siya ng mga galit sa kaniya. Magnanakaw ang Tatay ko at nalaman na rin iyon ni Adrian. Kaya ba siya hindi nagpapakita sa akin? Dahil sa kay Tatay? Takot ba siyang naging malapit siya sa anak ng magnanakaw?

Binasa ko ang aking labi nang maisipan kong magtanong kay Jerome. "Paano naman nasabi sa 'yo ni Adi?"

Nag-ayos siya ng tayo mula sa kaniyang pagkasandal nang tanungin ko iyon sa kaniya. "Tinawagan niya ako kanina kaya pareho kaming absent sa school. Matagal niya ng hinahanap ang Tatay mo, Talia. Kung napapansin mo, noong mga nakaraang araw ay hindi siya masyadong nakipagkita sa 'yo." malamig niyang pagpapaliwanag sa akin. Kaya pala siya laging busy o absent? Kasi ito ang inaasikaso niya? Bakit mo ito ginagawa Adi? Marami ng ginawang kabutihan si Adrian sa akin. Hindi ko lubos akalain na pati ang tungkol sa Tatay ko ay nagawa niya ring gawin. Mas lalo akong natuwa sa binata. Kahit na ang dami kong problema ngayon, nagawa niya pa ring pasayahin ang puso ko kahit papaano. I heard Jerome's gulping. Napabalik naman ang atensyon ko para makinig ulit sa k'wento niya. "Pinakiusapan niya rin ako na tratuhin na kita ng maayos. Lalo na ng mga kaklase natin." he added it with a smile.

Pinakiusapan siya ni Adi? Para tratuhin ako ng maayos ng mga kaklase ko? How can he do those things for me?

I arced my brows. "Kaya pala mabait sila sa akin kanina?" taas kilay kong tanong kay Jerome.

Nasaan ba kasi ang isang 'yon? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin kahit ilang minuto lamang? May inaasikaso na naman ba siya? O may gig? Pagkatapos kong ayusin ang mga gusot ko, pupuntahan ko talaga si Adi.

'Pag tuluyan na akong makaalis kina CK ay pupuntahan ko siya agad. Magpapasalamat ako sa kaniya ng sobra. Siya ang dahilan ng lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon.

He nodded. "Dahil sa 'yo naging okay na rin kahit papaano si Trice, at nakakausap ko na siya. Napagtanto ko rin na hindi mo naman kasalanan ang kasalanan ng Tatay mo sa pamilya ko." narinig ko ang malungkot niyang boses sa pagkasabi niyang iyon. Para bang nagsisisi talaga siya sa ginawa niya sa akin. "Sorry for hurting you, Talia."

Mali naman talaga ang ginawa niyang iyon sa akin. Lalo na sa plano niya sa mga kapatid ko, pero naiintindihan ko siya. Kahit sino naman ang nasa sitwasyon niya, kung puno ka ng galit, iyon din ang gagawin mo.

Tiningnan ko siya pabalik. Nginitian ko si Jerome para hindi siya makaramdam ng guilty sa puso niya. "Naiintindihan kita, Jerome."

"Salamat," he thanked me. "Syanga pala, p'wede mo ng dalawin ang Tatay mo sa Muntinlupa. Naghihintay 'yon sa 'yo. Sana dalawin mo siya para makapag-ayos na rin kayo 'di ba?" masaya niyang pagpapaalam sa akin.

Pero hindi ko alam kung kaya ko bang puntahan si Tatay. Kung ang puntahan siya ang makapagbibigay sa akin ng kasagutan sa mga katanungan ko, bukas na bukas ay ay dadalawin ko siya.

Sa Muntinlupa pala siya nakulong. Tiyak akong kailangan niyang mag-ingat doon kasi mga matutulis din ang tao sa loob ng piitan. Pero hindi naman lahat. May mga nakakulong kasi na mabait kaya sila nandoon dahil ipinataw nila ang hustisyang nais nilang makuha sa kanilang mga kamay.

"Salamat, Jerome." napatigil naman ako bigla nang may maaalala akong itanong sa kaniya. "Teka, nasaan si Adrian?"

Hindi ko maitago sa sarili ko ang pag-aalala para sa kaniya. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkita, simula no'ng kinantahan niya ako sa gabing iyon. Kung anu-ano na ang iniisip ko sa bigla niyang hindi pagpapakita sa akin. Akala ko galit siya. O, baka may nasabi akong masama sa kaniya kaya hindi siya nagpapakita. Pero alam kong wala sa mga iyon ang dahilan.

Hinintay ko ang itutugon sa akin ni Jerome, pero nagkibit balikat lang siya kaya nalungkot ako doon. "Hindi ko alam, eh. Pagkatapos naming magkita kanina sa presento. Wala na akong balita sa kaniya. Ang sabi niya lang sa akin na ibalita ko sa 'yo ang lahat ng 'to."

Nasaan ka ba kasi Adi? Bakit mo 'to ginawang mag-isa? P'wede mo naman akong isama sa plano mo.

"Gano'n ba, " walang gana kong tugon.

Na tahimik siya sa sinabi kong iyon. Hindi ko alam, pero nag-aalala talaga ako para kay Adi. Balewala na sa akin ang nangyari sa amin ni CK kanina. Mas nangingibabaw ang pag-aalala ko ngayon para kay Adrian.

Ilang segundo ang lumipas bago napagpasyahan ni Jerome na magpaalam sa akin. "Sige Talia, kailangan ko ng umuwi. Baka kasi naghihintay na rin sa akin si Trice."

Miss ko na si Beatrice. Ang batang nag paalala sa akin kung gaano nga ba kahalaga ang magkaroon ng isang kumpletong pamilya. Pamilya ang isa sa nagpapabuo nating mga tao. Minsan kaya tayo naghahanap ng pagmamahal sa ibang tao, kasi kulang tayo sa pagmamahal mula sa ating pamilya. Kung sino pa ang taong maagang nagkaroon ng kasintahan o buhay pag-ibig, sila pa ang taong hindi naramdaman ang pagmamahal na hinangad nila sa pamilyang kanilang kinabibilangan. Kaya siguro ako gano'n ka desperada kay CK. Hindi ko kasi ni minsan nararamdaman na minahal ako ni Tatay at Nanay.

I really need that love. A genuine. A pure love. Ang pag-ibig na walang halong biro kundi tunay.

Ngumiti ako sa kaniya kasabay ng aking buntong-hininga. "Sige Jerome, salamat ulit. Ikamusta mo na lang ako sa bata. Dadalaw rin ako 'pag okay na ang lahat."

Isang malaking ngiti lang din ang nagawa niyang itugon sa akin, saka ipinaharurot ng takbo ang kaniyang sasakyan. Ang dami ng nangyari sa araw na ito. Mga pangyayaring hindi ko lubos akalain na nangyayari pala. Sabay-sabay rin akong pahirapan. F*ck this life.

KINABUKASAN kagaya no'ng sabi ni Jerome, dinalaw ko si Tatay sa piitan. Pagkapasok ko pa lamang sa loob, nakaramdam na ako ng takot. Mabuti na lang at araw ng dalaw ngayon kaya makikita ko si Tatay. Ilang minuto ko rin siyang hinintay. Hindi pa kasi siya tuluyang nakalabas kung saan man siya nakapaloob.

A moment after, napatayo ako bigla nang makita ko ang aking Ama. Nakita ko ang pag-iba ng kaniyang pustura. Ibang-iba na siya sa Amang nakilala ko noon. May sugat sa kaniyang pisngi. Parang sugat mula sa isang kutsilyo. O, anumang matutulis na bagay ang may gawa no'n. Nakita ko rin ang lubusan niyang pagpayat, hindi tulad sa huli naming pagkikita. Ang kaniyang buhok ay mahaba parang walang gupit kaya mas lalo akong naibahan sa mukha niya.

Nang makalapit siya sa upuan ko, nginitian niya ako ng matamis. Nagmano ako sa kaniya bilang paggalang.

"Tay," I greeted him.

Kagaya ng palagi niyang ginawa sa akin sa tuwing magmamano ako sa kaniya, nagawa niyang haplusin ang aking medyo kulot na buhok. "Talia, anak. Anak ko, Talia."

Narinig ko ang pagkabasag ng boses niya, medyo ako naiiyak doon. Pero agad kong pinigilan ang aking sarili na 'wag maiyak.

Naupo ako pabalik sa aking upuan kagaya niya. Iniwan kami ng police na naghatid sa kaniya sa pwesto ko. Nang naramdaman kong pareho na kaming natahimik, ginawa kong basagin ito.

I looked at him, gano'n din siya. "Bakit niyo po ginawa 'yon, Tay?" walang emosyon kong tanong.

Nilagay niya ang kamay niya sa mesa na nakaposas. Napalunok naman ako nang makita ko iyon. Noon kung hawak-hawak niya ay bulo para sa pagsasaka sa bukid namin, ngayon ay hindi na.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin para tugunin ako. "Naadik sa sugal, eh, nagkabisyo, nalulong sa mga masasamang gawain." natawa siya ng mapait.

Sugal. Dahil sa pisteng pagsusugal na 'yan marami siyang nasaktan na tao. Maraming siyang nasirang buhay at pamilya. Papaano na lang ang buhay ng mga taong pinagnakawan niya? Papaano kung kailangan nila ang perang ninakaw niya? Hindi niya man lang ba 'yon naiisip?

Hinilamos ko ang aking mga malalamig na palad sa aking mukha. "Marami kang nasaktang tao, Tay. Hindi lang si Nanay, ako, si Beng, si Tonton, si Allan kundi pati na rin ang pamilya ng babaeng binugbog niyo noon. Ang Ina ni Aquino." emosyonal kong sabi sa kaniya.

Napayuko siya sa sinabi ko na parang nahihiya sa akin. "Kaya nga ako nandito, anak. Pinagbabayaran ko na ang aking mga kasalanan." huminto siya at nag-angat muli siya sa akin ng tingin. "Alam kong may malaki akong pagkukulang sa inyo ng mga kapatid mo, pati na rin sa Nanay mo, Talia. Pero pangako, babawi ako." nabubulol niyang sabi sa akin.

Huli na ang lahat, nagawa niya na. Kahit ano pang pilit niya, hindi niya na kayang bawiin ang mga kasalanang 'yon.

Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang nakaposas na kamay. Para bang pilit akong abutin ni tatay. Nilayo ko ang mga kamay ko sa kaniya ng hindi siya tiningnan.

Umiling ako sa sinabi niyang iyon. Imposible. "Pagbabayaran mo na lang ang lahat ng 'yon Tay, sa harap ng batas at sa harap ng Diyos. Kung magagawa mo 'yon, do'n bayad ka na sa amin." madiin kong sabi habang nakatingin sa kawalan.

Pagbabayaran niya ang lahat. Ang Panginoon na rin mismo ang hahataw sa parusang nararapat sa kaniya. Mabuti na rin na hindi ko dinala sila Beng at Tonton dito. Ayaw kong makita nila kung ano ang nasaksihan ko sa mga oras na ito.

Akmang aalis na sana ako kaso bigla niya akong pigilan gamit ang pagtawag niya sa akin. "Talia," nilingon ko siyang muli. Nakita ko rin ang paglapit sa amin ng pulis. Tila ba nagbabanta na tapos na ang visiting hour ko. Tiningnan niya ako gamit ang malungkot niyang mata. Nasaktan na naman ako sa tingin niyang iyon. Oo, miss ko na siya, ang dating siya. Tatay ko 'yan, eh. Pero kailangan kong gawin 'to para sa ikabubuti niya. "Nasa Quezon. Nasa Quezon ang Nanay mo. Matagal niya na kayong hinahanap sa akin. Pero hindi ko magawang sabihin sa inyo dahil natatakot akong malaman niyo ang totoo." pag-amin niya sa akin.

Napaharap ako ng maayos sa kaniya. Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niyang iyon. "Anong totoo, Tay? Hindi kita maintindihan."

Nasa Quezon si Nanay? Tapos kung pupunta ako do'n ay may malalaman akong totoo? Ano naman 'yon?

Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya, gano'n din sa akin. Tumango siya at lumunok. "Isama mo sila Beng at Tonton sa 'yo. 'Pag nagkita na kayo ng Nanay mo, siya na ang bahalang magsabi sa inyo ng totoo." malungkot niyang tugon.

Nang matapos siya sa sinabi niya ay agad na siyang ibinalik ng parak sa kaniyang lungga. Naguguluhan pa rin ako kay Tatay. Bakit niya alam kung nasaan si Nanay? Nagkita ba sila? May kailangan ba talaga akong malaman- kaming malaman?

I FELT my heart heavy because of the decision that I made. Ito na ang araw na lalayo ako ng tuluyan kay CK. Napagdesisyunan kong 'wag na lang tapusin ang tasks na binigay sa akin ni Adi. Ako na kasi mismo ang magkukusang layuan siya.

This is it, I will set him free. Ang tunay na nagmamahal, nagpapalaya, nag papaubaya. At ito ang ginagawa ko ngayon.

"Anak kailangan ba talagang aabot sa ganito?" pag-aalala na may halong lungkot na tanong sa akin ni Nanay Maria.

Hindi siya sang-ayon sa aking desisyon. Ayaw niya na umalis ako sa mansion. Ayaw niya rin na iiwan ko na lang siyang mag-isa sa mga Del Franco. Pero kailangan kong gawin 'to.

Sinabi ko sa kaniya lahat ang nangyari at naawa siya sa sinapit kong iyon. Pero hindi niya pa rin lubos maintindihan kung bakit kailangan ko pa talagang layuan si CK.

I looked at her with my sad emotion. "Nay, I need to do this for my peace- for CK."

Nilapitan niya ako. Inaayos ko ang aking mga gamit papasok sa aking maleta. Sigurado na ako sa desisyon kong ito, hindi na ako mapipigilan pa ng kahit na sino.

Napahinto ako sa 'king ginagawa nang hawakan niya ang aking mga kamay. Pinaharap niya ako sa kaniya. Nakita ko ang malungkot na mukha niya. Lalo na nang may namumuong tubig sa kaniyang mga mata. Alam kong nasasaktan ko siya pero kailangan ko talaga ang umalis.

She gulped. "Maaayos pa naman 'yang hindi niyo pag-uunawaan, anak. 'Wag kang magpadalos-dalos sa iyong desisyon. Lalo na kung pagsisihan mo rin lang naman ito sa huli." pag-aalala niyang parangal sa akin.

Ngumiti ako ng mapait, saka naghugot ng isang malalim na hinihinga. "Nay, buo na po ang aking desisyon. Masakit din para sa akin na iwan ang bahay na ito, pero kailangan ko 'to." huminto ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago magpatuloy. "I need to be with my siblings. Kailangan ko naman din ang trabahong ito, pero mas kailangan nila ako."

Isa rin ang mga kapatid ko sa dahilan kung bakit ko lilisanin ang masion na ito. Hindi lang si CK ang nagtulak sa akin para makaalis.

Tumango naman si Nanay sa akin. "Talia, naiintindihan kita anak. Pero kausapin mo muna si Clifton bago ka umalis."

Wala akong ni kunting plano na magpaalam kay CK. Mabuti ng umalis ako na ako lang ang nakakaalam. Kung malaman niya baka maantala na naman ang pag-alis ko. Marupok ako kaya ayaw kong mangyari iyon.

Binasa ko ang aking labi. "Nag-usap na kami, Nay. Ayos na 'yon," matamlay kong tugon.

Binalikan ko ang pagliligpit ko sa aking mga gamit. Agad ko naman itong natapos agad. Hindi naman kasi gano'n karami ang mga damit kong dinala rito.

Pinagmamasdan lang ako ni Nanay sa aking ginagawa dahil parang wala na talaga siyang magagawa para pigilan ako.

Bumuntong-hininga siya bago magsalitang muli. "Basta anak, tatawag ka, hah? Sabihin mo sa akin lahat ng problema mo. Tapos dalawin mo ako rito minsan, okay?"
Tumungo ako sa kaniya. "Opo, Nay. Mamimiss ko po kayo." mapait kong ngiting sabi.

Nilapitan ko ulit si nanay, saka niyakap ko siya ng mahigpit. Isa si Nanay sa mamimiss ko sa mansion na ito. Marami akong aalala rito at unti-unti ko na iyong kakalimutan. Lalo na ang alaalang nagawa namin ni CK dito na sabay naming binuo.

Naramdaman ko rin ang pagyakap ni Nanay sa akin ng mahigpit. "Ako rin, Anak-"

Hindi niya natapos ang sinabi niyang iyon nang may biglang tumawag sa akin sa labas ng k'warto ko. Mas lalo akong kinabahan at nabahala. Hindi ko alam ang gagawin ko at ano ang dapat kong sasabihin dito.

"Talia!" she called me out there.

Napalingon kami ni Nanay pareho sa isa't isa. Parehas kaming may gulat na ekspresyon sa aming mga mukha. Napatingin naman kami sa pintuan nang makapasok siya sa loob ng k'warto ko.

Nakita ko ang blangkong ekspresyong nakaguhit sa kaniyang mga mukha. Para bang galit siya sa akin. Napalunok ako sa kaba. Ramdam ko naman ang panghihina ng aking tuhod.

"Tita," nabubulol at nanginginig kong tawag.

Humakbang siya malapit sa akin. Nakita niya naman ang maleta kong nakahanda na para sa aking pag-alis. Kunot ang noo niyang hinarap ako. Pero nakita ko pa rin ang angking ganda niya.

"Ano 'to? Saan ka pupunta? May ginawa na naman bang kagaguhan si Clifton sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

I bit my lower lip because of the nervous that I felt inside. "Tita, wala po. Kailangan ko po talagang umalis. Kailangan po ako ng mga kapatid ko, Tita."

Hindi siya naniniwala sa sinabi kong iyon kasi nakita ko ang pag-iling niya. Mas lalo akong kinabahan sa kaniya. Hindi ko na alam kung papaano ko siya tatakasan.

She looked at me directly and she smirked. "Talia, alam kong may higit ka pang dahilan kaysa d'yan. Dalhin mo ang mga kapatid mo rito kung gusto mo, wag ka lang umalis. Hindi ako papayag!" she exclaimed.

Alam kong isa siya sa hindi makapapayag sa gagawin kong ito. Naging close na kasi kami ni Tita. Mas lalo akong nahirapan sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko lubos akalain na kailangan pa talaga 'tong aabot sa ganito. Bakit hindi ko man lang naisip na mangyayari 'to?

Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya. Kung kailangan kong magmakaawa at lumuhod para makaalis ako, gagawin ko.

Ramdam ko ang mainit na luhang lumabas sa aking mata. Gusto ko iyong pigilan pero hindi ko na nagawa. "Tita please, I really need to do this. Nasaktan na ako masyado sa anak niyo. Hindi ko kaya ang ganitong set up." pagmamakaawa ko.

Napapikit siya sa ginawa kong pag-iyak. Nalaman niya na rin ang dahilan kung bakit nga ba ako aalis sa mansion. "Right, si CK nga ang dahilan."

Umiling ako. Mas lalong lumakas ang aking pag-iyak dahil sa pagkabanggit niya kay CK. "Pagod na ako, Tita. 'Pag magtatagal ako rito sa ganitong sitwasyon, mababaliw ako, hindi ko kaya."

Kailangan ko talaga ang umalis at kailangan ko siyang layuan. Ayaw ko ng ganito. Para akong mababaliw kung mananatili ako sa mansion. Nandito si CK, ayaw kong palagi kaming magkikita rito. Okay lang naman sa school kasi magagawa ko ang iwasan siya, kagaya noon.

I felt Tita's hand wiping my tears from falling. "Talia I'm sorry, dahil sa kay CK nagkaganito ka. Sorry, anak. Alam mo naman 'di ba? Na gustong-gusto kita noon pa. Napamahal ka na sa akin kaya nasasaktan ako na iiwan mo na kami."

Ramdam ko ang kalungkutan sa boses ni Tita. Kagaya niya, napamahal na rin ako sa kaniya. Minahal niya ako ng buo kahit na ganito lang ako. Kung si Tita nagawa niya iyon, kabaliktaran naman iyon sa pinaparamdam sa akin ni CK.

Tiningnan ko si Tita ng nakangiti. Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin pabalik. Habang si Nanay naman ay nakatayo lang sa likod ko at nakikinig.

I nodded at her. "Dadalaw rin naman po ako rito, Tita. Pangako po, dadalawin ko po kayo."

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. She gulped as he calmed herself a little down. "Masaya ako para d'yan, Talia. Pero kung kailangan mo talagang gawin 'to para maging okay ka. Kahit masakit sa kalooban ko, papayagan kita." nakangiting pagpapaintindi niya sa akin.

Dahil sa sinabi niyang iyon, agad akong napayakap sa kaniya ng mahigpit. Tinugon niya rin ang yakap ko ng mainit. "Thank you po," I thanked her emotionally.

Ilang segundo rin kaming nagyakapan bago kami kumalas sa ginawa naming iyon. Hinarap niya ako ng nakangiti. Pinunasan niya ulit ang aking mga luha na nakakalat sa aking mukha gamit ang kaniyang mga kamay.

"Be happy okay? Hihintayin kita sa pagbabalik mo rito." emotional na pagsasabi niya sa akin.

Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti sabay tango. Ito na 'yon, Talia. Talagang makakaalis ka na. Lalayuan mo na talaga ang lalaking ginamit ka lang.

MATAPOS ang madamdaming tagpo namin nila Nanay at Tita kanina. Agad na akong nagpaalam sa kanila para makaalis na. Tahimik akong lumabas sa mansion. Bago pa man ako tuluyang umalis ay nilingon ko muna ito.

Maraming mga nangyayari sa bahay na ito. May maganda, mayro'n ding hindi. Pero ang mahalaga ay kung papaano ako napasaya nito kahit panandalian lamang.

Once I get rid of this place, there's no turning back.

Dahan-dahan kong hinakbang ang aking mabibigat na paa. Para bang nagdadalawang isip ang mga ito sa nais kong gawin. Bumuntong-hininga ako nang ako na mismo ang nagpupumilit na lisanin ito.

I know you can do it, Talia. You need to set yourself free. Go and never look back.

Mabilis akong napakilos para sa aking paglalakad. Bitbit ang maleta kong saksi sa aking paghihirap para tuluyang makaalis sa mansion mga Del Franco. Naramdaman ko ang paggaan ng aking dibdib dahil sa aking ginawang desisyon.

After this I will live my life at peace. No Ck. No pain. Malayo sa sakit, malayo sa panggagamit. Higit sa lahat, malayo sa mga alaalang gusto ko na lang kalimutan bigla.

Bigla akong napahinto sa may gate ng mansion. May isang pamilyar na boses kasi ang biglang tumawag sa akin. Isang sigaw na siyang naging dahilan ng aking pagkahinto.

"Talia Ellaña Escober!" he exclaimed and it made my world stop for a moment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top