Chapter 009

Hindi lahat ng gusto natin

mapapa sa atin din. Minsan

kung sino pa ang mga taong 

hindi natin ginusto sila pa

ang ibibigay sa atin ng buo. 

Chapter 009
[Get used]

"JUST do all the tasks and assignments that I've assigned to you last meeting.
'Pag nagawa niyo ang lahat ng 'yon, na naayon sa tamang oras ng pagpasa, maganda, malinis at mahusay ang paggawa niyo sa mga ito. Papasa kayo sa klase ko. Malinaw?" striktang pagpapaliwanag ng instructor namin sa aming lahat.

Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni Miss. Napatayo siya sa kaniyang upuan. Inayos niya ang librong kaniyang ginamit sa discussion kanina bago tumingin sa amin.

"Well, that's good then. See you when I see you, Class! You can have your break now."

Kunot lang ang aking noo habang tinataaw si Ma'am paalis sa klase namin. Seryoso siya? See you when I see you talaga? Scarry.

Hindi ako tumayo sa aking upuan. Wala akong planong magrecess o kung ano pa man ang mga 'yan. Gusto kong dito lang ako sa upuan ko hanggang sa matapos ang araw na ito. I feel lazy and unhappy right now. Nilingon ko si Adi sa kaniyang upuan, mas lalo akong nanghina at nalungkot nang maalala ko na absent pala siya. Nasaan ba kasi ang taong 'yon at hindi siya nakapasok ngayon?
Hindi ako sanay ng ganito. Simula no’ng naging close kami ni Adi, siya lagi ang nakakausap at kasama kong magrecess. Pero ngayon, mukhang back to normal muna ako.
Bigla akong napalingon sa aking likod nang may tumapik sa aking balikat. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon sa akin.

"Hi, Talia." she greeted me. "Ayaw mo bang sumama sa amin papuntang canteen?" Mercedes asked.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Anong nangyari? Bakit siya naging mabait sa akin?

Nakita ko rin ang mga kaibigan niya sa kaniyang likuran na nakangiti rin sa akin. Kahit ngiti man lang ay hindi ko nagawa para sa kanila. Ang weird.

Tumawa siya ng kunti sa hindi ko pagtugon sa kaniya. Mas lalo naman akong nanghihinala sa naging asal niya.

"Kung sa tingin mo may balak kaming masama sa ‘yo." she paused. "Hindi 'yon mangyayari. Takot kami kay Jerome at kay Adrian, kung alam mo lang." she chuckled.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. "But it's okay. Choice mo naman kung ayaw mong sumama muna sa amin. There's always be a next time. See you later, Talia." matamis niyang sabi sa akin.

Naiwan akong tulala dahil sa sinabing iyon ni Mercedes. Wala na sila bago nag sink-in lahat sa utak ko ang nangyari. Bumuntong-hininga ako sa labis na pagtataka. Hindi pa naman tapos ang misyon ko kay Jerome, pero bakit parang okay na? Bakit pakitunguhan na nila ako ng mabuti? Kinakausap na rin nila ako at nginitian.
Takot din sila kay Adrian? Wala naman si Adi rito, pero bakit naman nila nasabi sa akin ang mga iyon? I gazed to CK's direction and I caught him staring at me. Nag-iwas ako ng tingin, lalo na't katabi niya si Aivie. Wala si Jerome at Adrian sa klase ngayon. Iyon ang napapansin ko. Nasaan ba kasi ang dalawa?

Napagdesisyunan kong lumabas muna sa silid namin para makapag-isip-isip. Nang makalabas ako, tumungo ako sa may hagdanan. Kung saan madalas kong puntahan kasi walang dumadaan at tumatambay na estudyante doon. Laking gulat ko na lang nang may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Hinahanap mo si Izrael?" malamig niyang tanong sa akin.

Napahinto naman ako and humarap sa kaniya. Iniwan niya ba si Aivie para lang sa tanong na 'yon? I nodded. "Absent kasi, eh,"

"Parang kailan lang, El." tumaas naman ang kilay ko. "Noon, ako 'yong hinahanap mo. Samantalang ngayon, iba na." malungkot niyang sabi sa akin.

I bit my lower lip. "Lahat nagbabago, CK. Hindi lahat ng nakasanayan mo mananatili hanggang sa dulo, minsan nagbabago rin ito."

He nodded. I saw the pain living in his eyes. "Nagbago na rin ba ang laman n’yan, Talia?" ngumuso siya dahilan ng mapatingin ako sa aking dibdib.

Bigla naman akong nasaktan sa sinabi niyang iyon. Bakit siya ganito? Bakit pinaparamdam niya sa akin na may pake siya sa nararamdaman ko. Napangiti ako ng mapait sa kaniya.

Bigla ko na lang naalala ang ikalimang task na binanggit sa akin ni Adrian noong nakaraang araw. Simula sa raw na iyon ay hindi na siya nagpapakita sa akin. Nagulat na lang ako, kasi binigay niya sa akin ang tatlong tasks na kailangan kong gawin. Akala ko pa naman isa-isa dapat iyon. Pero laking gulat ko na lang na sinabi niya sa aking ng sabay-sabay ang tatlo. Siguro ito na ang tamang oras para gawin ang task number 5. Confess your feelings to him

NAKARAMDAM ako ng namumuong luha sa aking mata nang marealize ko ang tanong sa akin ni CK kanina.

I looked at him in her eyes. I want to confess my feelings to him. "Alam mo ba na may nararamdaman ako sa ‘yo, Ck?" he sighed and nodded slowly. Shit. Tama nga ako, ginagamit lang ako ng isang 'to. Nakagat ko ang aking labi dahil sa pagtango niyang iyon. "Ginagamit mo lang ba ako?" my voice cracked.

Siguro ito na rin ang tamang oras para masabi ko sa kaniya ang lahat at ang totoo. Matagal-tagal ko na ring bitbit ang mga sakit na ito. Kailangan ko na itong ilabas ngayon. Hindi naman siguro nangangahulugang mahina ako kung iiyak ako mismo sa harapan niya.

I waited for him to answer but he remain silent after all. I shaked my head. Wala ‘ata akong maasahang sagot sa lalaking 'to. Siguro sa susunod na araw ko na lang ipagpapatuloy ang aking mission.

Akmang tatalikuran ko na sana siya kaso bigla siyang nagsalita. "Alam mo naman siguro ‘di ba? Si Aivie ang mahal ko simula pa lang no’ng una." he said casually.
Mas lalong kumirot ang aking dibdib sa sinabi niyang iyon. Alam kong wala siyang gusto sa akin kahit kunti. Pero hindi ko lubos akalain na ganito pala kasakit. Lalo na kung sa kaniya mismo manggagaling ang salitang iyon.

Nilingon ko siya. Hinarap ko siya ng maayos bago nagtanong muli. "Kung hindi mo ako mahal bakit pinaparamdam mo sa akin na mayro’n akong aasahan sa ‘yo?" I paused and cleared my throat. "How about no’ng sinabi mo sa akin na lalayuan ko si Jerome, si Adrian? 'Yong sinabi mo na ayaw mo sila para sa akin na para bang nagseselos ka. Ano 'yon, CK?"

Para akong desperada sa tanong kong iyon. Para bang pinagpilitan ko ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto. Alam naman na wala na, eh. Pero hindi ko mapigilang hindi umasa. Pinaramdam niya sa akin na may aasahan ako kaya ako nagkaganito.

Umiling siya. "I can't love you, Talia. Hindi p'wede,"

Napahawak ako sa aking dibdib nang sabihin niya 'yon sa akin. Parang ang dali lang sa kaniya ang saktan ako. Sa isang iglap lang, para na akong nalunod at nawasak. Minahal ko siya sa loob ng mahabang panahon. Tapos hindi niya ako kayang mahalin?

Napapikit ako sa sinabi niya. Natawa naman ako ng pilit. "Bakit? Kasi hindi ako maganda, sexy, mayaman? At hindi ako kasing kinis ni Aivie? Yon ba ang dahilan, CK?" I asked using my low voice.

He massage his temple. "It's not what you think, Talia." mahina niyang tugon.
"Then what, CK? Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" huminto ako nang biglang tumulo ang isang butil ng luha sa aking kaliwang mata. Putik! Ang traydor! Ngayon pa talaga lalabas? "Pinaramdam mo naman talaga sa akin ang mga bagay na dapat hindi kasi aasa ako." pagpapatuloy ko. "Ginawa ko lahat para sa ‘yo. Kanina lang pinaramdam mo sa akin na natatakot ka na mawala ka sa puso ko. Nagmukha akong tanga para sa ‘yo. Tapos you can't love me back? Why?" I exclaimed.

Napahilot na naman siya sa kaniyang noo sa sigaw kong iyon. "Kasi hindi naman talaga kita gusto!" sigaw niya. Napaawang ang bibig ko dahilan ng aking paghagulgol. "Pinilit ko. Pinilit ko ang sarili ko na mahalin ka, sinabi ko na sana ikaw na lang, pero hindi, eh, hindi kita kayang mahalin." walang emosyon niyang sabi.

Napaatras ako sa sinabi niya. Hindi niya ako kayang mahalin kahit pinilit niya? Ano bang mali sa akin? Bakit hindi nila ako mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kanila? Mabait naman ako, ah. Ginagawa ko naman lahat ng magpapasaya sa kanila. Pero bakit ganito? Bakit ako pa rin ang talo hanggang sa huli? Sa buong buhay ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ang mga taong dapat mahalin. Ang iparamdam sa kanila na mahalaga sila sa buhay ko, pero ako ang naging kawawa.

Minahal ko si Clifton, pero hindi niya ako kayang mahalin kahit pinilit niya pa. Pinilit na nga, ayaw pa talaga? Naawa ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko, hindi ako karapat-dapat mahalin. Hindi ako dapat ibigin. Siguro, hindi para sa akin ang pag-ibig na 'yan. Nagmahal lang naman ako pero ako pa 'tong dehado.

Nilapitan niya ako sa pag-atras kong iyon, pero pinahinto ko siya. "Kung hindi mo ako kayang mahalin, bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad, CK?!"

Galit na ako. Hindi niya ako mahal. Ayaw ko, gusto ko mahalin niya ako. Gusto ko ako na lang. Natatakot ako na mawala siya. Akala ko handa na akong layuan siya, pero hindi ko pala kaya. Oo, pumayag ako sa tasks ni Adi, pero parang pinagsisihan ko na 'to ngayon. Ayaw kong malayo kay CK, hindi ko kaya.

He clenched his jaw. Natakot ako sa ginawa niyang iyon, lalo na sa pag-igting ng kaniyang panga. "Sinabi ko! Sinabi ko sa ‘yo, Talia!" he exclaimed. Galit na siya. Galit na si CK sa akin. "Sa perya, naalala mo? No’ng dinala mo ako do’n, ‘yon na 'yon. Hindi kita gusto, hindi kita mahal-"

"Pero ginamit mo ako!" pagputol kong sigaw sa kaniya. I bit my lip. I pointed my index finger to him. "Ginawa mo akong tanga. Nagawa kong sundin lahat ng utos mo kahit may sakit ako. Nagawa kong gawin ang mga bagay na nais mo kahit nasasaktan ako. Nagawa kong isakripisyo ang kasiyahan ko para sa ‘yo!" galit na pagpapatuloy ko. Napaiyak ako ng sobra nang naalala ko ang mga araw na iyon. Ang mga araw na nagpakabaliw ako sa kaniya. Nasasaktan ako kasi hindi niya naman talaga ako mahal. Yon naman talaga ang aasahan ko, eh, pero bakit pa ako nasasaktan? Bakit pa ako aasa na mamahalin niya rin ako pabalik? Kung hindi naman talaga mangyayari 'yon. Hindi ko alam kung saan ako galit, sa kaniya ba o sa sarili kong tatanga-tanga. Napahilamos ako sa aking mukha nang maalala ko kung gaano ako ka desperada pagdating sa kaniya. I smirked a bit and continue talking. "Tapos alam mo ba kung ano pa ang nakakatawa? Nagawa ko pa rin ang piliin ka kahit gan'yan ka lang! Kahit paulit-ulit mo akong saktan! Wala, eh, bobo, marupok."

Baliw ka, Talia! Baliw ka! Kung sana hindi ka umasa at nagpauto, hindi ka sana masasaktan ng ganito ngayon. Ang tanga-tanga ko. Sa dami ng walang alam sa buhay si CK pa talaga? Siya pa talaga? Wala siyang ibang alam kundi ang paluhain at saktan ka ng ganito. Kung alam mo lang! So please tama na. Itigil mo na ‘to, Talia.

I snapped to reality when he wanted to reach my hand, but I avoided him. "Talia,"

I laughed like I'm gone crazy in love because of him. "Isang El mo lang, wala na naging bobo na ako. Isang El, samahan mo naman ako, ayon sinusunod ko naman agad. Isang El, samahan mo naman ako rito, ginawa ko. Tapos ginamit lang pala ako ng lalaking hindi naman pala ako kayang mahalin!" I can't stop myself but to cry even more.

"El, I'm sorry. Hindi ko gusto ang saktan ka."

I nodded. "Okay lang. Sanay na naman na ako." I gulped. I wiped my tears from falling. "I get used by a man who can't love- that's you." I continued. I walked near to him and pointed to his heart angrily. "You just used me instead of telling me the truth before." my hands were trembling like how my voice cracked.

Hinayaan niya lang akong diru-diruin siya. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan ng mapahinto ako sa aking ginawa. Tiningnan niya ako. Nakita ko naman ang namumuong lungkot sa kaniyang mga mata.

Umiling siya. Pilit niyang itago sa akin ang lungkot na iyon. "Kung ako lang ang papipiliin El, ikaw ang pipiliin ko."

I smirked and I used to get my hands off of him from holding it. "Pero hindi mo ako pinili 'di ba?" napayuko siya parang nahihiya sa tanong kong iyon. "Hindi kasi ako si Aivie, kaya hindi mo ako mahal." halo-halong emosyon na sabi ko sa kaniya.

"Sorry," he apologised.

Nagawa niya na akong tingnan sa aking mga mata nang manghingi siya ng tawad sa akin. He will remain as my CK. Ang taong minahal ko. Ang taong kinababaliwan ko. Pero siya lang din pala ang taong sasaktan ako ng buong-buo.

Inilabas ko ang lahat ng luha ko bago ko ito pinunasan. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis dahilan ng nakakunot ang kaniyang noo. Kahit masakit kailangan kong tanggapin. "Sana kung sinabi mo ng mas maaga na wala akong maasahan sa ‘yo, hindi sana ako aabot sa ganito."

Pagkatapos ng sinabi kong iyon, agad ko na siyang tinalikuran. This will be the last, CK. Bukas na bukas lalayuan na kita ng tuluyan. Aalis na ako sa buhay mo, aalis ka na rin sa puso ko. Thank you for this tasks, Adi. Dahil sa tulong mo natutunan kong hindi lahat ng gusto mo mapapasa’yo. TINUNGO ko agad ang bahay nila ni Marlot pagkatapos no’n.

Wala akong pake kung absent man ako sa klase ko. Magagawan ko naman iyon ng paraan. Kailangan kong umiyak ngayon, kailangan ko ng karamay at kailangan ko ng makakausap. Wala si Adrian, hindi ko alam kung nasaan siya kaya wala akong kakampi sa araw na ito. Mabuti na lang at wala sa bahay ang mga bata. Makakaiyak ako ng husto hanggang sa maubos 'tong mga luha ko.

"Ayan kasi Talia, eh. Sinabihan na kita na 'wag na 'wag kang aasa sa lalaking 'yon. Ayan tuloy iyak ka nang iyak, hindi ka kasi nakikinig, eh!" galit na pagpaparangal sa akin ni Marlot.

Imbes na damayan niya ako, mas lalo lang akong pinagalitan nito. Ewan ko ba kung kaibigan ko ba talaga ang babaeng 'to o hindi. Sinamaan ko siya ng tingin. Ininom ko ang tubig niyang kanina niya pa inaabot sa akin. Pagkatapos kong inumin iyon inilapag ko ito sa mesa sa harapan ko. Siya naman ay nag-ayos ng kaniyang upo. Pinagmasdan lang ako sa kadramahan ko.

Pinunasan ko ang aking basang pisngi gamit ang tissueng binigay sa akin ni Marlot. "Ang sakit, Marlot. Hindi ko kaya."

Iyak pa rin ako nang iyak dahil sa nangyari. Hindi ko akalain na ito ang pinaka worst na iyak na aking nagawa sa buong buhay ko. At dahil ito kay CK. Mahal ko talaga 'yong tao, eh, kaya ako nasasaktan ng ganito.

She rolled her eyes. Later on, she also cossed her arms para bang normal lang sa kaniya ang nakita akong ganito. "Pwes kayanin mo. Ikaw ang may gawa ng katangahan na iyan. At ikaw rin ang maghahanap ng solusyon para labanan mo 'yan!"

Oo, wala talagang ibang tawag sa nangyari sa akin ngayon kundi isang katangahan. Nagpakatanga ako kaya ako nabaliw ng ganito. Putik! Sa dami ng lalaki sa mundo si CK pa talaga. Ang hirap mag move on. Lalo na't nasa iisang bahay lang kami. Siguro kailangan ko na talagang lumayo. Ito na ang tamang oras para gawin ko 'yon.

Umiling ako. "Ewan ko Marlot, parang hindi ko kaya ang kalimutan siya. Ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Ayaw kong ganito kami." pag-aalala kong sabi.

Hindi ako sanay sa ganito. Ayaw kong dahil lang sa nararamdaman ko sa kaniya masisira na ang sanahan namin. Ilang taon din akong nanilbihan kina CK. Sa loob ng mahabang panahon na iyon ay kasama na doon ang aming pagkakaibigan.

She sighed. "Sige Talia, utuhin mo lang 'yang sarili mo. Alam mo, girl? Kaya ka nasasaktan, eh, kasi masyado kang feeling." she teased me. Hayop talaga 'tong Marlot na 'to. Sa baliw pa talaga ako nagpapayo? Umiling siya at sinamaan niya rin ako ng tingin. "Sinabihan ka lang ng sweet words, akala mo naman mahal ka na agad? Yong iba nga inanakan na, iniwan pa!" she rolled her eyes.

I gulped as I calmed myself down baka kasi mabato ko ng baso ‘to ng wala sa oras. Mali ‘ata na nagpunta ako sa bahay ng babaeng 'to. "P'wede ba, Marlot! Kahit ngayong lang, damayan mo naman ako."

Natatawa siya sa sinabi kong iyon. "Anong gusto mo? Tayong dalawa ang iiyak? Haler? Hindi nga ako pumapasok sa pag-ibig na 'yan kasi hindi pa ako ready sa sakit. Dahil ikaw nagawa mo naman, kahit wala kayong label, ede, go, magpakatanga ka lang." mahaba niyang paliwanag.

Naiinis na ako sa kaniya kaya napatayo ako mula sa aking pagkaupo. "Marlot naman, eh! Seryoso ako!”

Tumayo ako sa harapan niya para makita niya na seryoso talaga ako. Hindi niya ba nakikita na halos mawasak na ang puso ko? Dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon. O baliw lang talaga 'tong kaibigan ko?

She cleared her throat. "Basta ang masasabi ko lang, Talia. Hanggang maaga pa layuan mo na. Umalis ka kung saan mo gusto. Magtravel ka kahit wala kang pera. Kalimutan mo lang ang Del Franco na 'yan!" she stopped to reached my hands. Nang nakaupo na ako sa tabi niya inayos niya ang buhok kong nakakalat sa aking mukha. "Sayang ganda mo girl, kung iiyak ka lang sa loko na 'yon." she added.

Hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay pabalik nang matapos siya sa ginawa niyang pag-ayos sa aking buhok at tumingin ako sa kaniya. "Aalis na ako sa kanila, Marlot. Dito muna ako sa inyo hanggang sa hindi pa ako nakahanap ng matutuluyan namin ng mga bata." paliwanag ko.

Sigurado na ako sa desisyon ko. Bukas na bukas, aalis na ako kina CK. Kay tita lang ako magpapaalam at kay Nanay Maria. Wala akong balak ipaalam kay CK ang aking pag-alis, baka kasi magbago na naman ang aking desisyon.

She nodded and shrugged. "Kung gusto mo ngayon na, sige rito ka na. Girl, okay lang naman din sa akin na sama-sama tayo rito, para ka namang just now."

Napabitaw si Marlot sa pagkahawak ko sa kaniya. Tumayo naman siya sa may malapit sa pintaun. Para bang may tinitingnan siya doon. Tumayo na rin ako para sundan siya. Nilingon niya naman ako dahil sa pagsunod kong iyon at ngumiti siya sa akin, gano’n din ako sa kaniya.

"Salamat Marlot, hah." I thanked her with all my heart.

She rolled her eyes like she restrained her emotions so, I can't notice it. "Ano ka ba? Basta layuan mo na 'yon, okay?" she tapped my shoulders to continued. "Hindi ka niya deserve. Ang ganda mo kaya. Ang swerte niya masyado kasi iniyakan mo pa."

Tumango ako at ngumiti ako ng mapait. "Last na 'to. Promise,"

Ininis niya lang ako gamit ang kaniyang tingin. Nagulat naman ako sa sumunod na salitang kaniyang nagawang sabihin sa akin. "Asus. Tumigil ka na sa drama mo kanina pa naghihintay sa ‘yo si Jerome sa labas."

I pucker my forehead while I'm staring at her. "Hah, bakit naman?" taka kong tanong sa kaniya.

Ano naman ang gagawin ni Jerome rito? Teka may nangyari ba kay Beatrice? Kaya siya wala sa klase kanina? Kinabahan naman ako sa iniisip kong iyon. Pero agad iyong nawala nang bigla akong tugunin ni Marlot.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang isasagot ko sa kaniya. Narinig ko na rin ang mga salitang kay tagal ko ng hinintay.

"Nakita niya na Tatay mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top