Chapter 008
Makikita lang natin na
masaya ang taong minahal
natin ng sobra ay magiging
masaya na lang din tayo
para sa kanila.
Chapter 008
[When I Met You]
PAGOD akong umuwi ng bahay kasi galing ako kina Jerome. Para sa akin ang haba ng araw na ito. I want to take some rest. Iwant to go to bed. Hapon na nang makauwi ako sa mansion. Marami na naman akong kailangan aasikasuhin ngayon, kasi ang dami ng trabaho kong naiwan. Katulong ako rito, pero feeling ko hindi ko na ginagampanan ang pagiging katulong ko. Mabuti na lang at hindi ako pinapagalitan nila ni Tita, lalo na ni CK.
Pagkauwi ko, agad kong tinungo ang mga tambak kong gawain. Habang ginagawa ko ang mga iyon, hindi maalis-alis sa isip ko ang mga nangyayari sa akin ngayon. Siguro kong matapos ko na ang mission ko kay Jerome, magiging okay rin ang lahat. Babalik na ulit sa normal ang buhay ko. Pakikisamahan na ako ng maayos ni CK. Pero sa araw na iyon ay tuluyan na akong nakalayo sa kaniya.
Bigla akong napahinto sa aking palilinis ng plato nang may nagsalita sa gilid ko.
"Anak, hinahanap ka ni Clifton kanina. Nagkita na ba kayo?" pagtatanong sa akin ni Nay Maria.
May kailangan na naman 'yon sa akin panigurado. Ano pa nga ba? Nilingon ko siya at umiling ng bahagya.
"Ah, hindi pa, Nay. Tatapusin ko muna 'to bago ko siya pupuntahan." mahina kong tugon.
"Oh, sige, mabuti pa nga."
I let out a deep breath. "Nay, sa susunod na s'weldo ko na lang po babayaran ang utang ko sa inyo. Gipit po talaga ako ngayon, eh."
Malaki-laki na rin ang utang ko kay Nanay. Lahat ng iyon ay hindi ko pa nababayaran kahit isang daan man lang. Naguguluhan na rin ako kung papaano ko iyon babayaran ng buo at naaayon sa tamang presyo. Alam ko na kahit hindi niya aminin sa akin, kailangan niya na rin ang perang iyon kaya mas lalo akong nahihiya. Papaano ba kasi, kung mahirap na ang daga, mas mahirap naman ako kaysa sa mga ito. Hindi sapat ang kinikita kong s'weldo para matustusan lahat ng mga pangangailangan ko. Lalo na ngayong kasama na sa paggagastusan ko si Beng at Tonton.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung papaano ko hahanapin si Tatay. Kung saan ko siya mahagilap at kung ano ang gagawin ko. Sana makita ko na siya para mapagbayaran niya na ang kaniyang mga kasalanang nagawa. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa sitwasyong ito sa buhay ko ngayon. Minsan silang dalawa ni Nanay ang sinisisi ko. Oo, wala akong karapatan na sumbatan sila, kasi anak lang nila ako at magulang ko sila. Pero kung iisipin ko kung papaano nila ako binaliwala at pinapahirapan, doon ko na nakakalimutan na mga magulang ko sila. Okay lang naman sa akin ang iwan nila ako basta huwag lang nilang idamay ang mga kapatid ko. Yes, I do understand them. But sometimes it's not enough para ipagpilitan ko sa sarili ko na paniwalaan na may rason sila. At kung bakit nila nagawa sa pamilya namin ang ganito.
Nilapitan ako ni Nanay, maingat niyang tinapik ang aking kaliwang balikat. Nakita ko rin ang isang matamis na ngiting binigay niya sa akin.
"Nako, Talia. Kahit hindi mo na bayaran okay lang, parang anak na rin kita." she replied casually.
Palagi niya iyang sinasabi sa akin na para niya na akong anak, at okay lang na 'wag ko ng bayaran ang utang ko. Mabait si Nanay sa akin at ayaw kong abusuhin ang kabaitan niyang iyon. Sa ayaw at sa gusto niya, babayaran ko siya 'pag nakasahod na ako.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan ko siya sa mata. Hinawakan ko rin ang dalawa niyang kamay dahilan ng mapaharap siya sa akin.
"Nay, babayaran ko po 'yon. 'Di ba nasabi niyo sa akin na may anak din po kayong nag-aaral sa kolehiyo?”
"Kahit siya ang pasasabihin anak, gagawin niya rin ang ginagawa ko sa ‘yo."
"Po," kunot noo kong ani.
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko naman kilala ang anak niya, gano’n din siya sa akin. Pero papaanong- bakit niya ito gagawin?
Umiling lang siya, saka ngumiti sa akin bago magsalitang muli. "Wala. Sige na, tapusin mo na 'yan at puntahan mo na agad si Clifton."
Wala na akong masabi pa kaya tumango ako sa kaniya. "Sige po,"
Tinalikuran na agad ako ni Nanay. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa kagaya niya para mapuntahan ko agad si CK. Mga ilang minuto rin ang tinagal ko bago ko iyon natapos ng husto. Agad akong nag madaling hanapin si CK sa loob ng mansion. Bakit niya ako hinahanap? Siguro magpapasama na naman siya sa akin o baka may iuutos na naman.
Mayamaya lang ay nakita ko siya sa pwesto niya noong nakaraan. Kung saan siya umiinom noon at nasabi niya sa akin ang totoo, kung bakit nga ba niya ako tinatrato ng gano’n. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko siya nilapitan. Nakatingin lang siya sa kawalan na para bang hinihintay niya nga ako.
Dahan-dahan kong hinakbang ang aking mga paa. Pakiramdam ko ay bumigat ang mga ito kaya ang bagal ng kilos na aking nagawa. Tapos ang dibdib ko pa ay nakaramdam ng kung anong kaba doon. Hindi ko mapagtanto ang dahilan, siguro kinakabahan lang ako kasi si CK ang kinakaharap ko ngayon. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Lagi na naman akong ganito 'pag siya na ang pinag-uusapan.
Napalingon siya sa aking kinaroroonan nang kaniyang mapansin na napahinto ako doon. Nang makalingon na siya ng tuluyan sa gawi ko ay nagtagpo ang aming mga mata. Nakaramdam ako ng kunting hiya kaya napayuko ako dahil sa kaniyang tingin. Narinig ko ang kaniyang pagsinghap dahilan ng mapaangat ako ng tingin ng sapilitan.
"CK? Hinahanap mo raw ako sabi ni Nanay?" nabubulol kong tanong.
Tumango siya. "Oo, El. Mabuti na lang at nandito ka na. Maupo ka muna."
Ewan ko, pero nang sabihin niya sa akin ang maupo ako ay agad akong sumunod. Naupo ako sa upuan na kaharap no’ng kaniya. Nag-ayos ako ng upo para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. Ilang saglit lang nang naramdaman kong biglang tumahik ang paligid namin, saka ko pa naisipan ang magsalitang muli.
I cleared my throat. "Bakit mo naman ako hinahanap?"
He gulped as he calmed himself. Then, he looked at me seriously. "Binalita sa akin ni Jerome ang napagkasunduan ninyo." he trailed off. "Bakit ka pumayag, El?"
I bit my lower lip. "Kaya ko naman 'yon, Ck. Saka para na rin 'yon sa ikakabuti namin ng kapatid ko."
Napapikit siya at napahilot sa kaniyang sentido. "El, kahit na,"
Nag-aalala ba siya para sa akin? Sometimes, naguguluhan ako kay CK, sa mga pa concern-concern effect niya tapos ako lang pala 'tong aasa sa dulo. Ayaw ko namang bigyan ang lahat ng mga 'yon ng kahulugan. Pero tao rin ako, babae at marupok.
Iniwasan ko ang kaniyang mga tingin. Mas lalo kasi itong nagparamdam sa aking ng kaba at hindi pagkakomportable.
"CK, okay nga lang. Don't worry I can handle myself. Wala akong hindi kayang gawin para sa mga taong mahal ko." I explained it to him clearly.
Na tahimik siya sa sinabi kong iyon. Kasunod naman nito ang pag-beep ng aking cellphone sa aking bulsa. Napatingin naman ako doon at kinuha ito. Nang magawa ko ng buksan ito ay nakita ko ang text sa akin ni Adi. Napakagat ako sa labi ko nang mabasa ko ito ng buo. Hindi ako nagdadalawang isip at nag reply sa kaniya.
From: Gold
Good morning! Ready ka na sa task no. 4 mo?"
To: Gold
Sige, habang kausap ko pa si CK ngayon.
Pagkatapos kong tugunin ang text na iyon ay bigla namang nagtanong si CK. Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.
"Sino 'yan?" walang emosyon niyang tanong.
I shaked my head. "Ah, wala. Si Adrian lang may tinanong."
Tumango naman siya. Nag beep ulit ang cellphone ko kaya dali-dali kong binasa ang tugon ni Adi. Napalunok ako sa aking nabasa mula sa text niya.
Seryoso ba 'to? Kasali pa talaga 'to sa tasks niya?
From: Gold
Task no. 4: Ask him about his birthday wish and give it to him.
Go, Ulan!
Pasimple kong binalik ang aking cellphone sa aking bulsa. Kasabay ng aking paglunok ng ilang ulit para pakalmahin ang aking sarili.
Sa tanang buhay ko ngayon ko pa lang ito maitatanong sa kaniya. Oo, malaki ang tama ko sa kaniya, pero wala akong lakas ng loob noon para tanungin siya. Mukhang si Adrian pa lang ang makapagpagawa sa akin sa mga ninais at pinangarap kong gawin noon.
This is it, Talia. Relax, I know you can do it well.
I gulped hard. "Anong gagawin mo sa birthday mo, Ck? 'Di ba sa susunod na buwan na 'yon?"
Nakita ko ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha sa sinabi kong iyon. Pero agad naman iyong nawala at napalitan ng isang mahinang tawa.
"Tsk. Ang layo pa no’n, El." he chuckled a bit.
Tama nga naman siya, ang layo pa ng kaarawan niya. Pero kailangan ko pa ring gawin ang task na ito.
"Hoy, mabilis lang kayang matapos ang araw. Baka hindi mo namalayan bukas kaarawan mo na."
Nakita ko ang pagsang-ayon niya sa sinabi kong iyon. "Wala naman akong ibang hiling, kundi ang ipakilala si Aivie kay Mommy." he stopped for awhile. "Matagal niya ng hinihiling sa akin 'yon. Pero hindi ako makahanap ng magandang tyempo. Palaging busy si mommy, eh."
Napawi ang aking ngiti nang marinig ko ang mga iyon sa kaniya. Mabuti pa si Aivie. Ang swerte naman ng babaeng 'yon, sila na nga ni CK, ngayon naman ay may plano pa siyang ipakilala ang jowa niya kay Tita.
Kahit anong gawin ko, talo ang kagaya ko kung si Aivie na ag pinag-uusapan. She is the girlfriend while I'm just his- maid.
Kahit masakit sa dibdib, nagawa ko pa rin ang ngumiti sa kaniya. Tiningnan ko siya sa kaniyang mata. Ang matang na kaya ko na ngayong tingnan. Kung noon hindi ko kaya ang salubingin ito, pero ngayon nagagawa ko na.
I smiled sweetly to him. "Mangyayari 'yan kahit malayo pa ang birthday mo. Gusto mo bukas agad."
He tsk-ed. "Tsk, malabo 'yon." tugon niya sabay iwas ng tingin sa akin at yumuko.
"Trust me, CK. Walang imposible." mahina kong saad.
Kaya kong tuparin ang hiling mo na iyon CK, kahit masakit. Kahit hindi ako ang babaeng nais mong ipakilala sa iyong ina, magagawa ko pa rin itong gawin para sa iyong ikakasaya. Love is really that blind, hah?
PARANG kailan lang no’ng matulog ako sa aking k’warto. Ngayon nandito na naman ulit ako sa bahay ng taong kailangan kong pagsilbihan. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito. Ang tanging alam ko lang, kailangan kong lumaban para sa kapakanan ng nakararami. Marami na akong napatunayan sa buhay. Marami ng pagsubok na aking nalampasan. Ngayon pa ba ako susuko?
Kahit sino pa ang pasasabihin, kung sila ang nasa sitwasyon ko ngayon, siguro napagod na sila, nawalan na ng pag-asa at piniling bumitaw sa laban ng buhay. Pero hindi ako sila. I can do this because I can.
Binalingan ko ng pansin ang batang kaharap ko ngayon. Kanina pa siya walang kibo. Nasa labas lang ng bintana ang kaniyang atensyon. Kung ang batang 'to ay nagawang matrauma sa nasaksihan niyang pangyayari sa kaniyang pamilya. Papaano na kaya akong nasaksihan ko ang lahat ng karamutan ng mundo. Mula nang ako'y isilang. Minsan hindi ko maiwasang ihambing sa iba ang buhay na aking kinamulatan. Ang buhay na walang ibang alam kundi ang maghirap. Pero kalaunan napagtanto ko rin na kaya siguro tayo lumaking malungkot at puno ng inggit sa mundong ito, kasi hindi tayo marunong makuntento. Hindi rin tayo marunong magpasalamat sa kung ano’ng mayro'n tayo. Oo, mayro’ng bagay ang iba na higit pa sa kung ano ang mayro’n sa atin. Pero lagi nating tatandaan na may kaniya-kaniya rin silang laban na sila lang ang nakakaalam. Kung nahihirapan ka, gano’n din sila. Pinili lang nilang lumaban ng palihim. Kasi kung marami ang nakakaalam, mas lalong gugulo ang sitwasyong kinalalagyan mo. At, 'yan ang ginagawa ko.
I can be happy even if I'm not. I can be okay even if I'm not inside. I can do everything even if it's hard. I can do what he wants me to do even if I don't want it. Of course, I can also love him even if he can't do the same.
Napabalik ako sa realidad nang napansin kong may tumingin sa akin ng matulis. Nang makatingin ako sa kaniya ay saka lang siya umiwas.
I cleared my throat. "Beatrice? Gusto mo ng Ice cream? May dala ako," pag-aalok ko sa kaniya sa Magnolia Ice cream na binili ko kanina bago ako pumunta rito.
Umiling siya. "Si Mama," malungkot niyang sabi sa kawalan.
Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya. Kagaya ko, wala siyang ina sa kaniyang tabi. Pero magkaiba kami ng rason kung bakit wala ang aming ina ngayon. Kung siya iniwan kasi nagpapagaling ang ina niya, ang akin naman ay inawan talaga ako kasi hindi ako pinili. Ang ina niya niloko at sinaktan ng akin ama, ang aking ina ay gano’n din, pero sa ibang paraan. They are not really the same.
Ang ina niya kung sakaling gagaling ay magagawa pa siyang balikan. Pero ang akin, hindi na 'yon babalik kasi pinagtabuyan na ako na para isang laruan. Pagkatapos pagsawaan basta-basta na lang iniwan.
She needs a love of a mother. And I know I can give it to her. Nagawa ko siyang ipaharap sa akin. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Inayos ko ang buhok niyang nagulo dahil sa hangin mula sa labas.
I gave her my widest smile. "Nandito naman ako, eh. Halika, kain tayo."
"Pero hindi ka si Mama,"
"P'wede mo naman akong maging Mama, eh."
Nakita ko ang excitement na namumuo sa kaniyang mukha sa sinabi kong iyon. "Talaga? Kahit hindi ako galing sa ‘yo?"
Ikalawang beses ko na siyang nakitang ganito ka saya. At dahil iyon sa paniwala niyang makikita niya ang kaniyang ina, at maaari akong maging ina niya. Ilang araw na rin akong nakasubaybay sa kaniya. Nakita ko na unti-unti na siyang bumalik sa dati, kagaya sa naik’wento sa akin ni Jerome.
Beatrice is a jolly cute little girl. Palagi raw siyang nakangiti sa mga taong nasa paligid niya at matulungin daw ito. Kaso nawala ng lahat ng iyon, simula nang magkalabuan ang kanilang pamilya. Masakit isipin na may mga tao talagang walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kaligayahan. Wala sa isip nila kung may maapektuhan ba sila, masisirang pamilya at relasyon kung papasok sila sa buhay ng iba. Ang sa kanila lang ay 'yon ang gusto nila.
Kagaya ni Tatay at Nanay, mas pinili nila ang sarili nilang kaligayahan at kapakanan kaysa sa aming mga anak nila. Mas'werte na lang ang mga batang may magulang na sila ang inuuna.
Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong palad. "Oo naman. Hindi naman basihan 'yon para maging Mama mo ako."
"Mama Talia," masayang niyang pagtawag sa akin.
Ang ganda niya lalo dahil sa kaniyang ngiti. I never stop admiring her beauty. Alam ko mismo sa sarili ko na sa paglaki ng batang 'to ay maraming lalaking maghahabol na boys sa kaniya. 'Yon lang kung kaya nilang harapin ang kuya niyang si Jerome. Matigas pa yata 'yon sa bato.
I kissed her forehead. "Ang kyut. Sige na kainin mo na 'yan." Sabay bigay sa kaniya ng Ice cream na aking dala-dala.
Mabilis niya iyong binuksan, saka sinimulang kainin. Habang kinakain niya iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong kausapin siya. Kagaya ng pagtanong sa mga paborito at hilig niya. After niyang ubusin ang Ice cream, kin’wentuhan ko siya ng story. Ang story ni Cinderella. Hindi ko man iyon masyadong kabisado pero nagawa ko iyong ek'wento sa kaniya. Mayamaya ay nakatingin ako sa kaniya nang nahiga siya sa aking tabi. Napangiti na lang ako nang makita kong mahimbing siyang natutulog. Siguro na pagod siya sa kakaisip sa araw na ito. Kinumutan ko si Beatrice, saka naisipang lisanin ang kaniyang silid.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking nagawa nang maisarado ko na ang pintuan ng kaniyang k'warto. Insaktong paglingon ko ay napaigtad ako nang makita ko si Jerome na nakatayo sa aking harapan.
"Jerome?" tawag ko sa pangalan niya.
He looked at me using his cold expression that was drawn on his face. "Kamusta siya?"
Ipinasok ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking tattered jeans sa aking likuran. Ito kasi ang nakasanayan kong suotin. Feeling ko kasi ang astig kong tao. As usual, loose t-shirt at naka bunny tail ang aking buhok kagaya no’ng dati. Nang magawa ko ang posisyon na iyon ay unti-unti akong naglakad, gano’n din si Jerome.
I looked at him back. "Natutulog. Ayos naman siya parang bumabalik na siya sa dati."
"Salamat," he thanked me casually.
Mabait naman si Jerome sa akin simula no’ng magkasundo kami para sa ikabubuti ng kapatid niya. Pero hindi pa rin kami close as in mag bbf talaga. Until now, itinatak ko sa kukuti ko ang pangako niya sa akin. Aasa ako na pag-okay na ang lahat, mamumuhay na kami ng kapatid ko ng tahimik at malayo sa toxic na mga tao.
Sawang-sawa na rin ako sa sitwasyon kong ito kaya kailangan ko ng ibalik si Beatrice sa dati niyang kalagayan. Sa gano’n ay makalayo na ako sa kanila ng tuluyan. Malayo kay Jerome, sa mga kaklase ko at malayo kay CK.
I nodded. "No worries. Sige mauna na ako, pupuntahan ko pa kasi mga kapatid ko, eh."
"Hatid na kita, Talia." malambing niyang paanyaya sa akin.
I shaked my head to decline. "Wag na may naghihintay sa akin sa labas." I tapped his shoulder and smiled at him like we're friends even if we're not. "Sige,"
Tumango siya sa akin kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya. Masaya akong nakalabas sa bahay ni Jerome. Lalo na't nang makita ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa labas. Mas lumawak ang aking ngiti nang makita ko ang lalaking naghihintay sa akin. Kanina pa kaya siya nandidito?
Lumakad ako ng mabilis at lumapit sa kaniya. Nanatili lang siyang nakasandal sa kaniyang kotse at ngitian ako ng matamis. Ang g'wapo naman ng unggoy na 'to. Nang nakahinto na ako sa harapan niya, saka pa lang siya umayos sa kaniyang pagtayo.
"Hi," he greeted normally.
I rolled my eyes at him. "Lakas maka-hi, hah? Akala mo strangers lang." I chuckled.
Tumawa rin siya ng malakas sa sinabi kong iyon. "Sira! Kamusta? Ayos na 'yong bata?"
Tumango ako sa sinabi niya. "Oo, parang ako lang. Lalong gumaganda."
Nakatayo pa rin kaming dalawa sa labas ng kotse niya. Para bang pareho kaming dalawa na walang plano na pumasok para makauwi na. Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang seryoso niyang mukha.
Alam kong nag-aalala si Adi sa akin, lagi naman. Hindi niya lang pinapahalata kasi dinadaan niya lang iyon sa mga biro. Nasanay na ako sa kaniya.
Umiling siya. "Baliw ka talaga, Ulan. Papaano mo nagawang magpatawa kung naiipit ka na sa gan'yang sitwasyon?"
Paano pa nga ba? "Natuto kasi ako sa ‘yo,"
Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. "Sa akin?"
I nodded and I crossed my arms. "Oo, ‘di ba ikaw nga, kahit alam kong may tinatago kang problema nagawa mo pa rin akong pasayahin."
Sa kaniya naman talaga ako natuto. Lagi niya lang akong binibiro 'pag may problema siya. Nagawa niya akong patawanin kahit alam kong may mga laban siyang kailangang ipanalo. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sasabihin 'yon sa akin ni Adi. Kasama na doon ang aminin niya sa akin kung sino ang babaeng hinahabol niya. Matagal na.
He bit his lips and smirked. "Sus. G'wapo lang talaga ako."
Nang mapansin niya na nakatingin ako sa pintuan ng kotse niya ay napakilos siya ng mabilis at tinungo ang pinto. Binuksan niya ang kaniyang kotse para makapasok ako sa loob. Pumasok naman ako nang mabuksan niya na iyon. Pero bago pa siya makapasok dito ay nagawa ko pa siyang tugunin.
I rolled my eyes. "Yabang, ah!"
"Sa ‘yo lang naman," he replied and winked.
"Oh, tara na! Baka hindi tayo makauwi n'yan." pagsasabi ko sa kaniya. Sinarado niya ang pintuan ko, saka tinungo ang driver's seat.
Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan, nagtataka ako kung bakit hindi pa niya ito pinaandar. Nilingon ko si Adi na nakataas ang aking kilay. May problema ba? Umiling siya at napatawa.
Nagulat naman ako nang bigla siyang napalapit sa akin dahilan ng napaigtad ako. Nakaramdam ako ng ibang kuryente sa aking katawan. Naramdaman ko rin ang kaniyang hininga sa aking leeg.
Ilang sandili pa sa pananatili naman sa ganoong posisyon. Maingat niyang inilagay sa akin ang seatbelt. He gazed at me and rubbed my hair like a kid.
"Seatbelt muna kasi." he shaked his head. Parang palagi ko na lamang nakalimutan na gawin iyon. "Laging nakakalimutan, eh."
"Thank you," I thanked him awkwardly.
Agad niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan kaya mabilis lang kaming nakarating sa aming patutunguhan. MAAGA pa akong nahatid ni Adi sa mansion. Nang mapagtanto niya na kailangan niya ng umalis kasi safety niya naman akong naihatid. Nagpaalam na siya agad para makauwi. May kailangan daw siyang habulin kaya kailangan niyang makauwi agad.
Hating gabi na nang makauwi si Tita Cheallou mula sa trabaho niya. Inaantok na ako pero pinili ko pa rin ang hintayan si Tita kasi may naisip ako para kay CK.
Nang mapansin kong may humintong sasakyan sa grahe ay agad akong naging masigla. Pagkapasok niya sa loob ng mansion, agad ko siyang sinalubong.
"Tita," I greeted her.
Huminto siya sa kaniyang paglalakad sa ginawa kong pagbati sa kaniya. She looked at me with full of curiosity.
"Oh, Talia? Bakit gising ka pa? Anong oras na?" taka niyang tanong.
I cleared my throat. "Hinihintay po kasi kita,"
Kung wala lang sa plano ko ang nais kong sabihin kay Tita ngayon ay kanina pa sana ako tulog. Pero kailangan ko talaga 'to, sobra.
"Hah, why?" she asked again.
I gulped to prepare myself for what I am planning. "I wanted to talk to you po."
"Tungkol saan?"
Papaano ko nga ba 'to sasabihin kay Tita? Akala ko ba handa na ako? Pero bakit ngayon nasa harapan ko na siya ay hindi ako makapagsalita. Para akong na pipi.
Tiningnan ko siya sa mata kahit kabado ako ay nagawa ko pa rin iyon.
I know I can do this.
I bit my lower lip. "Malapit na po ang kaarawan ni CK, Tita."
Napangiti siya ng bahagya sa sinabi kong iyon. Umiling siya sabay hilot ng marahan sa kaniyang noo. Ilang saglit lang ay bumalik siya ng tingin sa akin.
"Sa susunod na buwan pa naman 'yon, Talia." nakangiti at hindi makapaniwala niyang tugon.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi ni Tita. Alam ko naman na sa susunod na buwan pa iyon. Pero kailangan ko 'to dahil kasali 'to sa aking tasks. Baka rin kasi hindi na ako makaabot pa sa mismong kaarawan ni CK. Kaya hangga't kaya ko pang gawin at may oras pa ako, gagawin ko ito.
Parang hindi rin naman yata busy si Tita sa mga susunod na araw. Ito na siguro ang tamang pagkakataon para mangyari iyon.
Kailangan kong lakasan ang loob ko. Isipin mo Talia para ‘to kay CK. Para sumaya siya kahit papaano.
I gulped. "May wish po kasi siyang sinabi niya sa akin. Sana po mapagbigyan niyo si CK."
"Malakas talaga ang tama mo sa anak kong 'yon, ano?" umiling-iling siya, saka natawa.
Nagpatuloy lang si Tita sa kaniyang paglalakad kaya napasunod ako sa kaniya.
"Hindi naman po," mahinang kong tugon.
Bigla akong napahinto sa kakasunod kay tita. Huminto kasi siya malapit sa hagdanan ng k'warto niya.
"Oh, ano naman 'yon?"
Nilaru-laro ko ang aking mga daliri. Kinakabahan talaga ako sa nagawang pagtingin ni Tita sa akin. "Gusto niya pong ipakilala sa ‘yo ang girlfriend niya, Tita. Sana bigyan niyo po kahit kunting oras."
Nanlaki ang kaniyang mata sa sinabi kong iyon. Para bang hindi siya makapaniwala. "May girlfriend si CK? Sino? Akala ko ba gusto mo-" I cut her off.
Alam ni Tita na gusto ko si CK. Siya ang unang nakakaalam no’n bukod kay Nanay Maria. Sa katunayan nga pinagsabihan niya ako no’ng una. Wala raw kasi akong makukuha kay CK. Tama nga naman pero mahal ko, eh. Wala na akong magagawa para do’n.
I bowed my head when I felt shy. "Hindi niya po ako gusto, Tita. Kaibigan lang ang turing niya sa akin."
I felt her hands tapping my shoulder. Like she felt sorry for my pain. "Sorry for that, Talia. Gusto pa naman kita for CK. Pero don't worry gagawin ko 'yang hiling mo.” pilit na ngiti niyang sabi.
Ako nga ang gusto ng ina. Pero hindi naman ako ang gusto ng anak.
I held her hands from hearing those words from her. I feel the excitement for it to happen. "Talaga, Tita?" she nodded. Mas lalong lumaki ang aking ngiti kaya napayakap ako sa kaniya. "Nako, salamat po. Matutuwa po si CK nito."
She hugged me back. I felt her hand rubbing my back gently. "Malakas ka sa akin, eh."
Para akong nanalo sa luto nang makabalik ako sa k’warto ko. Napapayag ko si Tita. Sigurado akong matutuwa si CK nito. Mukhang masarap yata ang tulog ko ngayong gabi. Hindi man ako ang ipapakilala niya sa magulang niya, at least ako ang naging rason kung bakit siya sasaya.
AS USUAL nang magkita kami ni Marlot ay nagawa ko namang ek'wento sa kaniya ang mga pangyayari. Kung ano nga ba ang katangahang ginawa ko para kay CK. Tinawanan niya lang ako. Alam na naman kasi niya kung gaano ako kabaliw sa kaniyang anak.
Dinalaw ko rin siya para kamustahin ang mga kapatid ko. Sabi niya nasa eskwela raw at mamaya niya pa kunin. Yes, bumalik na sa pag-aaral si Beng at Tonton. Laking pasasalamat ko kasi unti-unti na ring bumalik ang buhay namin sa normal.
Tiningnan niya ako ng maigi nang makabalik siya sa upuan niya kanina. Kumuha kasi siya ng makakain namin sa kaniyang ref.
"Hoy gaga! Pati 'yon nagawa mo para kay Del Franco?" hindi niya makapaniwala na tanong.
Ang unli niya. Nak’wento ko na nga sa kaniya, magtatanong pa talaga? "Oo, kinausap ko lang naman mommy niya."
She rolled her eyes. Then, she looked at me directly. "Jusko, Talia! Ang lakas ng fighting spirit mo. Bakit hindi ka tumakbong Mayor dito sa lugar natin?"
Natawa ako sa sinabi niya. Nilapitan ko naman siya, saka binatukan. "Baliw,"
Kumuha ako ng tubig sa lamesa. Kung saan iyon nakalagay, saka bumalik sa pagkaupo. Habang siya naman ay talak lang ng talak.
"Totoo naman, ah? Ikaw na 'tong na friendzone. Ikaw pa 'tong may ganang tulungan sila ng jowa niya. Ano pa ang kaya mo? 'Wag mong sabihin na isang araw aamin ka na rin kay Clifton?"
Napahinto ako sa sinabi niyang iyon. Bumuntong-hininga ako bago bumalik sa aking pagkaupo.
Friendzone. That's how I describe our status right now. Hindi niya kayang suklian ang feelings ko kasi mahal niya si Aivie. At kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pero ito akong si tanga, pinakiusapan pa talaga si Tita para sa ikabubuti nila. Tsk. Kasali naman 'yon sa tasks ko kaya pareho kaming may pakinabang.
"Nahahalata niya naman siguro na gusto ko siya." walang gana kong sabi.
I know CK have an idea about it. Hindi naman yata siya bulag at manhid para hindi iyon maramdaman. Kahit sabihin man niya o hindi, alam kong alam niya na may gusto ako sa kaniya. Mahahalata niya naman 'yon panigurado. Hindi ko naman gagawin ang mga gusto niya kung wala akong feelings para sa kaniya.
I snapped to reality when I caught Marlot's eyes on me. "Nako, girl. Mukhang hindi pa 'yan kaya sabihin mo na agad." she paused. She gulped before she continued talking. "Pag nagawa mo, ipapatarpulin ko talaga 'yang mukha mo. Tapos isasabit ko d'yan sa daan. Para makita ng buong taga Santa Ines kung gaano ka lakas ang powers mo." may paaksyon-aksyon pa siyang nalalaman habang sinasabi ang mga iyon.
Natawa at nainis ako sa pinagsasabi niyang iyon kaya napakuha ako ng mansanas sa mesa. Tumayo ako mula sa aking pagkaupo. Inayos ko muna ang aking bag saka lumapit sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin na nakakunot ang noo. Mayamaya lang ay ginawa ko sa kaniya ang katarantaduhang naisip ko.
"Yan, daming satsat." gigil kong sabi. Isinubo ko kasi sa kaniya ang mansanas na hawak ko.
Nagulat at napaubo siya sa ginawa kong iyon. Tawa lang ako nang tawa habang palabas sa bahay nila. Natawa ako sa nagawa niyang pagsigaw pero hindi ko na siya nilingon.
"Putik ka, Talia! Bumalik ka rito!" she exclaimed.
Ayan kasi ang dami pang sinasabi. Pagkaalis ko kina Marlot ay namasyal muna ako sa dibisorya. Para makabili ng mga murang gamit ko sa school at para na rin sa mga kapatid ko. GABI na nang matapos ako sa aking pamimili, binuksan ko kasi ipon ko dahil kailangan na. Nagtaxi ako pauwi sa mansion. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay ang boses na malamig ni CK ang agad na siyang sumalubong sa akin.
Humakbang muna ako papalapit sa kaniya. Nginitian ko siya bilang pagbati. "El, bakit ginabi ka na naman?"
"CK-" putol kong sabi. Nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng nasa tabi niya na hawak-hawak ang kaniyang matitigas na braso. "Aivie?" gulat kong tanong.
She smiled at me. Akala niya suguro na nakalimutan ko na ang atrasong ginawa sa akin. Hindi ko kakalimutan kung papaano niya ako ipahiya sa lintik na party-ng iyon. Kapal.
"Hi, Talia. Thank you pala, hah?" mabait niyang sabi.
Kunot ang aking noong napatingin sa kaniya. "Para saan?"
Mas lalo akong nagulat nang kunin niya ang aking kamay. Maingat niya iyong hinawakan. Nanatili pa rin ang mga ngiting ginawad niya sa akin kanina. I gazed to CK's direction. Kagaya ng jowa niya, nakangiti rin siya sa akin.
"Dahil sa ‘yo, ipapakilala na ako ni CK sa mommy niya ngayon." pagpapaliwanag niya.
Naalala ko na lang bigla ang ginawa kong iyon. Kung hindi lang dahil sa tasks ko, hindi ko 'yon gagawin para sa kanila. Gusto ko si CK. Kasali sa task ko ang gawin at tuparin ang hiling niyang ito.
I nodded and smiled bitterly. "Ah, 'yon ba? Nako, wala 'yon." I paused. I get my hands back from her. Ayaw ko sa plastikan, Aivie. "Sige, pasok muna ako sa k'warto ko. Enjoy kayo."
Akmang aalis na sana ako kaso napahinto ako sa nagawang pagpapasalamat sa akin ni CK.
"Salamat, El." he paused. "I owe you this one."
Task no. 4: Ask him about his birthday wish and give it to him.
Status: Mission Accomplished.
Tumango na lang ako kasi hindi ko alam kung papaano iyon tugunin. Nang tuluyan na akong makalayo sa kanila, agad akong tumungo sa kusina. Nagawa naman akong patigilin ni Nanay nang makapasok ako doon.
"Masakit?" pag-aalala niyang tanong sa akin.
Napahawak ako sa aking sentido at napangiwi. "Nay,"
Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan ng nararamdaman kong nanunubig ang aking mga mata. Ayaw kong umiyak. Pinigilan ko naman siya mula sa kanilang pagbanta sa pagtulo.
"Bakit mo pa kasi ginawa?"
I swallowed hard. "Nais ko lang pong maging masaya si CK, Nay."
"Pero ikaw naman 'tong nasasaktan? Talia, minsan kailangan mong isipin ang sarili mo bago ang ibang tao."
Mas gugustuhin ko pang ako na lang kaysa sa kaniya. Sanay na naman ako sa ganito. Pero si CK, hindi. Ako kaya ko. Kaya kong magpanggap, pagpaka-okay, kahit hindi naman. Pero siya, malabo 'yon.
Kung si Nanay ang humawak sa kamay ko kanina ngayon ay ako naman. "Sanay na ako, Nay. Hindi na bago sa akin 'yon."
Tinanggal niya ang isa niyang kamay mula sa pagkahawak ko. Hinawakan niya ako sa aking pisngi gamit iyon. Pakiramdam ko ay mayro’n akong masasandalan at kakampi ngayon. Kahit papaano gumaan ang aking pakiramdam.
Tiningnan niya ko na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Masaya ka ba talaga o napipilitan ka lang kasi si Clifton na naman ang pinag-uusapan?"
I cleared my throat. "Ang alam ko lang nay, ito ang tama at ang nakakabuti."
Iyon naman dapat talaga ang iniisip ko simula pa dapat no’ng una. Kahit saang dako pagmasdan, dapat ito ang gagawin ko. May jowa siya dapat maging professional ako, saka unawain iyon. Talo ang number two sa number one. Pero hindi naman ako number two kasi walang kami.
Tinanggal ni Nanay ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin. Tinalikuran niya ako ng kunti bago magsalita na siyang ikinangiti ko ng mapakla.
"Hindi mo ba minsan naiisip, Talia? Parang ginagamit ka lang ni Clifton." she said normally.
Alam ko 'yon- noon pa man. Hindi ko man sinasabi pero alam ko 'yon. Tinanaw ko si Nanay, sa puntong ito ay nakita ko siyang nakatingin sa akin. "Alam ko po 'yon nay, matagal na." tugon ko sabay yuko.
Mabuti na 'tong ganito kasi alam kong ginawa ko ang tama. Kaysa sa patuloy ko siyang pangarapin habang ginagawa ko ang mali. You're doing what is right, Talia. You should be happy for that.
Pagkatapos nang madamdamin naming pag-uusap ni Nanay ay agad akong naligo. Madali ko lang tinapos iyon kasi marami pa akong assignments at proyektong kailangan tapusin. Pagpasok ko sa aking k'warto habang punas-punas ko ang basa kong buhok ay biglang tumunog ang aking messenger. Hindi na kasi ako nag deactivate. Sabi ni Adi kailangan ko raw mag-active na para may ka call siya 'pag boring ang araw niya. Akalain mo 'yon ginawa lang din akong libangan.
Humugot ako ng isang malalim na hinginga. Nag-ayos ako ng upo sa aking kama kasi alam ko na kung sino ang tumatawag. Agad ko itong sinagot. Inirapan ko naman siya agad nang masagot ko na ang tawag niya.
"Oh, ano na namang palabas 'to Adrian? At may pa video call ka pa talagang nalalaman, hah?" pagtataray ko sa kaniya.
I saw him chuckled on the other line. "Gusto ko lang makita ang paborito kong unggoy." he laughed.
Nakagat ko ang panloob sa aking pisngi sa pagbibiro niyang iyon. "Wow, hah? Nakakahiya naman sa ‘yo." I stopped suddenly when I noticed the background in his place. "Nasaan ka ba? Bakit may mga banda sa likod mo?" taka kong tanong.
Marami kasi akong nakitang instrumento sa likuran niya. Ang ilan sa mga kalalakihan na man ay hawak ang mga iyon. Napansin ko rin na medyo maingay ang kaniyang paligid. Ang iba ay nakikipicture sa mga kasamahan niyang nasa likod.
Inayos niya ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nililipad ng hangin. Napakagat siya sa kaniyang pang-ibabang labi bago ako tinugon. "Ah, ano nasa gig ako," malamig niyang sabi.
Bigla akong nagulat sa sinabi niya. Napaayos naman ako ng upo sa aking kama. "Hah, tumutugtog ka?"
He shrugged. "Oo, pero hindi ako kasing galing ng inakala mo."
"So, marunong kang kumanta?"
He smirked. "Paos ako ngayon, eh."
Iba naman ang tanong ko, pero iba rin ang sagot niya. Kumakanta kaya siya? Kung gano’n madalas siya sa gig niya? Kaya pala minsan nagmamadali siyang umuwi kasi may kailangan daw siyang habulin o raket na pupuntahan. Ito kaya 'yon?
I arced my brows. "Ang sabihin mo ay sentunado ka talaga. May pa paos ka pang nalalaman d'yan."
"Kung gano’n, mukha ako yata ang nag-iisang sentunado na nanaisin mong mapakinggan." natatawa niya pa ring sabi.
I bit my lip. Kinuha niya ang gitara na nakasandal sa gilid niya. Napalunok ako nang marahan niya itong tinugtog. Para akong nanlamig at kinalabutan sa ginawa niyang iyon. Ilang sandali pa ay tumawa siya. Inayos niya ng lagay ang kaniyang cellphone para makita ko siya ng buo.
"Sample nga," sabi ko nang maayos niya na ang kaniyang cellphone sa kinalalagyan nito.
He shaked her head. "Ayaw ko baka mahulog ka pa sa akin n'yan, eh."
Ang yabang ng taong 'to. Pero tingin ko naman marunong talaga siyang kumanta, hindi nga lang halata.
I rolled my eyes. "Asa ka," kinagat ko ang aking hintuturo nang tugtugin niya ulit ang kaniyang gitara.
Para akong nahinto nang marinig ko ang paborito kong kanta sa nagawa niyang tugtog. Nagkataon lang ba 'to? O, sadyang pareho naming hilig dalawa ang Apo Hiking Society?
Kinanta niya ang unang stanza ng Kantang 'When I Met You' ng isa sa sikat na banda sa Pilipinas, ang ‘Apo Hiking Society'.
Pagsimula niya, parang huminto ng bahagya ang aking mundo. Lalo na nang marinig ko ang malamig niyang tinig. Kumakanta nga siya. Ang ganda ng boses ni Adi. The way he sings it makes my heart happy.
He smirked and looked to his guitar. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagkanta. Habang ako naman ay nakatingin lang sa kaniya.
I bit my lower lip when he looked at me in my eyes. I saw a big smile that was drawn on his face. Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang sumunod na lyrics ng kaniyang kanta at nakatingin pa talaga siya sa akin.
Huminto siya bigla nang matapos niyang kantahin iyon. Tumingin siya sa ‘kin. I felt my heart trembling and I found myself looking at him. Hindi man lang ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nakatingin lang ako sa mata niya na para bang kami lang ang tao sa mundo.
Tumingin siyang muli sa kaniyang gitara at pinapatugtog ulit iyon. Kinanta niya na ngayon ang kuros ng Kantang 'When I Met You' ng ‘Apo Hiking Society'.
Sa oras na iyon biglang pumasok si CK sa isip ko. Napangiti ako ng mapait. Kahit si Adi ang kaharap ko at ang kumakanta ngayon si CK pa rin ang laman ng isip ko. Pero mayamaya pa ay biglang kumirot ang aking dibdib sa sunod na kantang nagawa ni Adrian.
Biglang nawala sa isip ko si CK nang maunawaan ko ang kahulugan ng kanta. I know that the man who's sings for me right now, is one of the reason why I realized that I really exist and who gave meaning to my life- si Adi.
Simula nang makilala ko siya, binago niya ang tingin ko sa sarili ko. Nagawa niya ring ipaalala sa akin ang tunay kong halaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top