Chapter 006

Puso ko'y nalilito kung

ano nga ba ako para sayo.

Mahal ko ako'y tapatin

mo, minsan mo na bang 

inibig ang isang tulad ko? 


Chapter 006
[The Tasks]

Task no. 1: Go on a date with him.

HINDI ko alam kung gaano kakapal ang mukha ko. Niyaya ko pa talaga si CK sa isang date. Oo, task 'to sa akin ni Adi, pero feeling ko naman ang desperada ko na. Noon pa lang pangarap ko na  makasama siya sa isang date. 'Yong kami lang dalawa. Tungkol lang sa amin ang aming pinag-uusapan. Siguro ito na rin ang tamang panahon para unti-unti kong layuan si CK. At sa paglayo kong ito, wala akong pagsisisihan. Kahit papaano makakasama ko siya bago ako tuluyang mawala sa buhay niya.

Naging baliw ako kay CK simula no’ng nakita ko kung papaano niya ako tinulungan. Dahil sa kaniya nakapasok ako sa isang trabaho. Kahit hindi niya ako masyadong kilala, pinapasok niya ako sa bahay nila bilang katulong slash working student. Hindi ko akalain na dahil lang sa simpleng pagtulong ay mahuhulog ako sa kaniya. Oo, g'wapo siya, mabait din, pero kahit wala siyang alam sa mga gawaing bahay ay nagawa ko pa rin ang mahulog sa kaniya. Papaano kasi, lumaki sa mayamang pamilya. Nasanay na may yaya na palaging gumagawa ng mga bagay na dapat siya ang gumawa.

Nang makarating ako sa isang restaurant na sinabi ko kay CK, nakita ko siya doong nakaupo. Tila ba naghihintay sa akin. Naalala ko na lang biglang kung bakit nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Siguro kung hindi dahil sa mga kaibigan niya at kung hindi ako pumasok sa bahay nila bilang katulong, okay sana kami ngayon. Pero siguro hindi ko rin siya nakilala. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan, kung bakit nagawa niya akong tratuhin ng ganito sa harap ng kaibigan niya at sa maraming tao.

Oo, aaminin ko na hindi ako natuwa sa ginawa niya kagabi, pero nagawa ko siyang intindihin. Ginawa lang siguro niya iyon kasi naipit siya sa sitwasyon. Gusto ko siyang kamuhian at isumpa. Pero mas nangingibabaw sa akin ang layuan siya kaysa gawin iyon.

"El?"

Nagbalik ako sa realidad nang mapukaw ang aking atensyon. Nakita ko ang kaunting ngiti na gumuhit sa kaniyang mga labi.

Bumuntong-hininga ako bago ko siya tuluyang nilapitan. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba nang maalala ko ang nangyari kagabi. Tumikhim muna ako bago nagawa na magsalitang muli.

"Sorry, natagalan ako." mahinang pagpaumanhin ko sa kaniya.

Napatango naman siya sa akin. Ngumiti rin siya na para bang ayos lang sa kaniya. "Okay lang, kakarating ko lang din naman."  Lumapit siya sa kinatatayuan ko at inayos ang aking upuan. Siguro, para makaupo ako ng maayos doon. Nagulat naman ako sa ginawa niya. "Maupo ka muna,"

Tiningnan ko siya na puno ng pagtataka. Unang beses niya iyong ginawa sa akin. Unang beses ko ring naramdaman na pinapahalagahan niya ako. Madalas kasi, kung hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan, hahayaan niya na lang ako. Para bang, kailangang ako mismo ang gumawa sa mga mahihirap na bagay para sa aking sarili.

Hindi ko maalis sa sarili ko na hind mapangiti. Sana noon pa CK ganito ka na. Umupo ako sa upuan na inayos niya para sa akin. Inalalayan naman ako nito ng sobrang ingat.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

Tumango naman siya  bilang tugon. Pagkatapos no’n ay bumalik siya sa kaniyang pwesto. Kagaya ko, naupo rin siya doon. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

"Umorder ka. Sagot ko." nakangiti niyang sabi sa akin.

I sighed. "May pera naman ako, CK. Saka ako ang nagyaya sa ‘yo nito."

"No. Ginusto ko rin naman 'to." I bit my lower lip trying to stop myself from smiling.

Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam sa puso ko sa sinabi niya. Ayaw kong bigyan pa 'yon ng kahulugan, baka kasi aasa na naman ulit ako.

Nagsimula akong maghanap sa menu sa gusto kong orderen na pagkain, gano’n din siya. After no'n ay ibinigay ko ang order ko sa waitress. Kunti lang ang inorder ko kasi nahihiya ako sa kaniya baka malaki ang maaari niyang bayaran.

Tahimik lang ako sa ginawa kong iyon. Hindi ko rin mapigilang hindi mapasulyap kay CK. I want to stop myself from doing these things, but I don't even know how to do it. Hindi ko kayang hindi mapatingin sa kaniya at mapangiti. Ilang araw na lang, lalayuan ko na siya ng tuluyan. Masakit, pero kailangan.

Natigil ko ang aking ginawa nang magsalita siyang muli. "El, about yesterday. Gusto ko lang sanang humingi ng sorry sa ‘yo."

Ramdam ko ang sensiridad sa boses niya. Nakita ko rin ang pagsisisi sa kaniyang mata. I smiled sharply. Nangyari na at wala na kaming magagawa pa.

"Kalimutan na lang muna natin 'yon, CK. Kaya kita niyayang makipag-date sa akin kasi gusto kong makasama ka kahit papaano." I simply answered and gulped to calmed myself.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyon. Hindi ko rin akalain na masasabi ko sa kaniya ang mga iyon. Tama naman din ang sinabi ko. Kaya naman talaga kami nandito kasi gusto ko siyang makasama.

He smirked as he replied. "Makakasama mo naman ako lagi, ah. Nasa iisang bahay lang naman tayo, El."

"Oo, kaso bihira naman tayong nag-uusap. Kinakausap mo lang ako 'pag gusto mo."

"El,"

'Yon lang ang salitang lumabas sa kaniyang bibig nang masabi ko iyon sa kaniya. Well, CK, 'yon naman talaga ang totoo. Nakita ko na naiilang siya sa akin ng kunti nang masabi ko ang mga 'yon sa kaniya.

I cleared my throat. "Ano ka ba. Okay lang 'yon. Sanay na naman ako."

He nodded and sighed. Magsasalita pa sana siya kaso may biglang dumating na waitress sa table namin. Nilapag niya ang mga order namin ni CK. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay nginitian niya kami, saka umalis.

The cucumber juice caught my attention. Agad ko itong kinuha at ininom. Hindi pa man ako nakahigop ng marami ay agad ko itong nabuga dahil sa tanong ni CK na siyang labis kong ikinagulat.

"Kayo na ba ni Adrian?" diretso niyang tanong. Naging dahilan ‘yon na mabuga ko ang juice na aking iniinom. "Okay ka lang ba?" pag-aalala niyang tanong sa akin.

Tumango ako sa kaniya. Pinahiran ko naman ang aking bibig. Muntik na ako do’n, ah. Bumuga ako ng isang malalim na hininga bago siya tinugon. "CK naman kasi, sa sobrang dami ng p'wede mong itanong, ‘yon pa talaga?"

He smirked. "I didn't mean it. But you look good to be together."

Nagulat ako sa komento niyang iyon. Napatingin ako sa kaniya ng diretso. Nasaktan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi wala talaga siyang plano na gustuhin ako pabalik. Mas nagawa niya pang sabihin na bagay kami ni Adi, kaysa sabihin na gusto niya rin ako. Sabagay, wala naman talaga siyang feelings for me.

Ngumiti ako ng mapait. "Talaga?"

He nodded and smiled. "Oo, bagay kayo.”

Ewan ko ba kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya. Pero pakiramdam ko nais niya talaga akong itulak kay Adi. Adrian and I are nothing, but we're friends. Kaibigan ko lang talaga si Adi at wala ng hihigit pa do’n.

Imbes na tumahimik na lamang ako sa sinabi niyang iyon, may bigla akong naisip na itanong sa kaniya. Alam kong oo ang isasagot niya sa katanungan kong ito. Gusto ko lang marinig mismo ang mga 'yon galing sa kaniya.

I bit my lower lip. "Paano kayo ni Aivie, mahal mo talaga siya, ano?"

He sighed. "Kailangan ko pa bang sagutin 'yon?"

I know he really love Aivie. Alam ko rin na malaki ang tama niya sa babaeng iyon. Noon pa lang, sinasabi niya na sa akin na gusto niyang mapansin siya ni Aivie, at maging girlfriend siya. Now, nakuha at natupad niya na rin ang kahilingan niyang iyon. Sila na ni Aivie at alam kong magtatagal silang dalawa.

Minsan napaisip ako kung ano ang mayro’n sa kaniya at patay na patay siya sa babaeng 'yon. I mean, maganda siya, oo, pero 'pag ang ugali niya na ang pag-uusapan, wala akong masasabi ni isang salita do'n. Siguro tama nga sila, nakakabulag talaga ang pag-ibig. Kagaya ko na bulag din kay CK.

Napayuko ako ng bahagya. Binasa ko naman ang pang-ibabang labi ko, saka siya tinugon. "Ah, 'wag na lang. Alam ko na naman ang isasagot mo." huminto ako ng ilang segundo para mag-angat ng tingin sa kaniya. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos nito?"

Tinigil niya ang kakakain niya dahil sa tanong kong iyon. "Ikaw, saan mo gusto?"

"Gusto kong gumala sa mall at manood ng sine." masaya kong tugon.

Pangarap ko talaga noon ang makapunta sa mall at manood ng sine. Pero dapat si CK ang kasama ko doon. Feeling ko kasi, pagkasama mo ang taong gusto mo doon ay parang ang romantic lang. Like, gala nang gala, tapos manonood kayo ng movie na pareho niyong gusto. Parang sa mga palabas lang sa telebisyon. Tapos bibilhan ka niya ng maiinom at pagkain. Kung lalamigin ka naman ay ibibigay niya sa ‘yo ang jacket niya.

Tanawa ako ng kunti sa layo ng iniisip ko. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ni CK. I gazed at him and he shrugged. "So let's finish our foods first? Tapos manonood tayo ng sine."

Tumango ako na may malaking ngiti sa aking labi sa sinabi niyang iyon. Agad kong sinunggaban ang aking pagkain. AFTER we finished our foods, agad kaming pumunta ni CK sa mall. Mabilis niya lang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Agad kaming nakarating sa mall na gusto kong puntahan namin.

Tuluyan kaming nakapasok sa loob. Nakikita ko ang maraming taong narito ngayon. Medyo masikip ang daan kasi marami ang namimili rito. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at agad naming tinungo ang sinehan ng mall. Sumunod lang ako kay CK.  Bumibili naman siya ng ticket sa gusto niyang panoorin namin.

Siya na lang ang papipiliin ko sa gusto niya. Baka kasi kung ako ang pipili, hindi niya magustuhan. Mayamaya nang mapansin kong nakabili na siya ng ticket ay nilapitan ko siya.
"Anong papanoorin natin?" tanong ko sa kaniya.

He smirked and shrugged. "Alone Together."

Kunot noo akong tumingin sa kaniya. Ewan ko pero hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga ganitong klaseng palabas. Hindi ko pa nakita 'yon. Pero para akong na intrega sa pamagat nito. Alone together?

"Mahilig ka n'yan o nagagandahan ka lang kay Liza?"

He chuckled a bit. "Come on, maganda 'to. Itataya ko pagkatao ko rito."

Wala na akong magagawa pa at sumang-ayon sa kaniya. "Oo na, sige na."

Walang pasabi si CK at agad niya akong pinasok sa loob ng sinehan. Hinawakan niya ang aking kamay. First time ko rito at kagaya ng sabi nila madilim nga ang paligid ng sinehan. Pinanood namin ang movie ni Liza at Enrique na may pamagat na Alone Together. Maganda siya at hindi mo rin maiwasan ang hindi maiyak.

GABI na nang matapos naming panoorin ni CK ang movie na iyon. Gabi na rin kaming nakauwi sa mansion. Nang makalabas na ako sa kotse niya ay hinarap ko siya gamit ang malaking ngiti sa aking labi.

"Thank you, CK. Sobrang saya ko sa araw na ito kahit papaano." I thanked him.

He smiled at me too. "Ako dapat ang magpasalamat sa ‘yo, El. Sa katunayan nga kulang pa 'yon sa mga nagawa kong kasalanan sa ‘yo."

Bumuntong-hininga ako sa sabi niyang iyon. Naalala ko tuloy ang movie na pinanood namin kanina. Saka ko lang napagtanto na ang pamagat pala ay binabasa siya as alone o together. Parang kami lang ni CK, wala kaming idea kung maging kami ba, makakasama pa ba namin ang isa't isa o mauuwi lang din akong mag-isa.

Minsan hindi lahat ng taong gusto natin ay siya na ang makakasama natin habang buhay. Kung sino pa ang taong pinangarap nating abutin, sila pa ang mahirap kunin. Noon pa lang pangarap ko na si CK. Sa palagay ko, hanggang sa katapusan ng mundo mananatili lang din iyong pangarap.

We have our own love story to create, but with the person that destined to us.

I bit my lip. "Okay na 'yon. Sige, matutulog na ako."

Aalis na sana ako kaso bigla akong nagulat nang bigla niya akong hawakan sa aking kamay. Mas nagulat ako nang hinalikan niya ako sa aking labi. Mabilis lang 'yon, pero kakaibang kaba at kilig na ang dulot sa akin. May kung ano namang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan, para akong nakikiliti sa halik niyang iyon.
Pakiramdam ko para akong nakalipad sa langit. Ayaw ko ng magising pa kung panaginip man ito.

"Good night, El." malambing niyang sabi.

Naiwan akong tulala sa ginawa niya. Pinagmasdan ko siyang palayo nang palayo sa aking kinatatayuan. May kung ano sa puso ko ang sumaya at kumirot. Masaya ako sa halik niya. Pero kumirot ang puso ko kasi alam kong wala lang sa kaniya ang halik na iyon.

Mukhang mas lalo akong mahihirapang layuan si CK nito. Mas lalo ‘ata akong nahulog sa kaniya. Ewan ko ba kung tama pa 'tong pagsunod ko sa tasks ni Adi. Para kasing mas lalo akong mahirapang layuan si CK.

Hinawakan ko ang labi kong hinalikan niya kanina. Napangiti ako ng mapait kasi alam kong wala rin naman 'yong kahulugan. Itulog ko lang 'to. Baka bukas magawa ko ng kalimutan ang nangyari sa araw na 'to.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa school. Pero nasa hagdanan muna ako para makapag-isip-isip. Akala ko pa naman, kung magigising ako ay magawa ko ng kalimutan ang lahat, hindi pala. Mas lalo akong nahirapan at mas lalo akong umaasa.

Nagawa kong hawakan muli ang labi kong hinalikan niya kagabi. Napangiti naman ako na parang baliw nang maisip ko ang ginawa niyang iyon.

Bigla naman akong nagulat nang may biglang tumabi sa aking pagkaupo. Napalingon naman ako sa kaniya. Siya ang may kasalanan nito. Kung hindi lang ako sumunod sa tasks niyang iyon, hindi sana ako maguguluhan ng ganito.
"Oh, ulan? Kamusta ang date?" masaya niyang tanong.

I rolled my eyes at him. "Ayon, date pa rin."

Tiningnan niya ako na nakakunot ang kaniyang noo. "Bakit parang nalugi ka pa n'yan? Inaway ka na naman ba?"

"Putik ka, Adi! Mas lalo mo akong pinapahirapan sa tasks mo na 'yan."

Pinaghahampas ko siya nang makita kong tinawanan niya ako. Nainis naman ako ng tuluyan sa kaniya. Pilit niya namang inilagan ang mga hampas kong iyon. Nagawa niya ang tumayo para matigil ako sa aking ginagawa.

"Aray! Madali lang kaya 'yon. Tapos alam kong kaya mo 'yan. Ikaw pa ba," he chuckled like a clown.

I gulped and nodded. "Oo na, sige na. Kakayanin ko talaga para makalayo na ako sa kaniya."

Nilapitan niya ulit ako at naupo. Narinig ko pa rin ang pagtawa niya, sabay akbay niya sa aking balikat. "Asus, napipilitan ka lang, eh."

Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin at inirapan.  "Ewan ko sa ‘yo. Ang pangit mo."

Dahil sa pangkukutya kong iyon ay napatayo ulit siya. Hinarap niya naman ako ng buo. Natawa naman ako sa reaksyon ng mukha niya. Lalo na sa sunod niyang salitang binitawan.

"Hoy?! Ako lang ‘ata ang pangit na kinababaliwan mo!"
Napa "wow" ako na walang salitang lumabas sa aking bibig. Para bang nayayabangan ako sa sinabi niya.

"Ang kapal, grabe! Hindi ko maabot ang sobrang taas ng kumpyansa mo sa sarili mo, Adi!" I rolled my eyes at him.

Natawa siya nang natawa sa sinabi kong iyon. Ganito talaga si Adi. Palagi niya akong pinapasaya at natutuwa ako do’n. Siya ang lagi kong tinatakbuhan at sandalan, simula no’ng makilala ko siya. Pero ni minsan hindi ko siya narinig na mayro’n siyang problema sa buhay pag-ibig.

Nagtataka nga ako sa lalaking 'to. Papaano niya kaya nagawang dalhin ang problema niya na walang taong inaabala? Nahihiya na rin ako sa kaniya. Lagi na lang akong nagsusumbong at humihingi ng tulong, hindi naman siya umaangal.

Tinutulungan niya ako kasi gusto niya raw. Lagi niyang iniisip ang kasiyahan ko. Pero minsan, hindi ko man lang na tanong sa kaniya kung okay  ba siya. Papaano kasi, palagi lang siyang ganito, masaya, nakakatawa at walang iniindang problema.

Tumikhim siya kaya napukaw niya ang aking atensyon. "Tumahimik ka na nga lang. Saka tumayo ka na d'yan, ililibre kita do'n sa canteen."
sumigla ako sa narinig kong iyon. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan. "Talaga?"

Tumango siya at nasilayan ko ang matamis niyang pagngiti. "Oo na, bilis!"

Nauna siya sa paglalakad kaya binilisan ko ang akin. Maraming estudyante ang nasa canteen. Medyo natagalan naman si Adi na makabili ng makakain namin. Mayamaya pa ay dumating na siya daladala ang isang tray na may snacks at drinks.

Umupo siya sa harap ko. Ibnigay niya naman sa akin ang parte ko. Una kong kinuha ang drinks kasi pakiramdam ko nauuhaw ako.

"Bakit mo naman nasabi na pinapahirapan kita sa mga tasks mo?" basag niyang tanong.

I sighed. "Mahirap naman talaga.”

Tumigil siya sa pagkain ng kaniyang snacks. Hinarap niya naman ako ng maayos para magtanong ulit. "Bakit nga?"

I need to tell him the truth. Hindi dapat ako nagsisinungaling sa kaniya. Kailangan ko ring ilabas 'to. Sa gano’n kahit papaano, hindi na ako maguguluhan pa.

I swallowed hard. "He kissed me, Adi." I bit my lower lip.

Napahinto siya sa sinabi kong iyon. Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Nakita ko rin na bahagya niyang niyukom ang kaniyang kamao. Saka kasabay ng pag-igting ng Kaniyang panga. Kinabahan ako sa ginawa niyang iyon. Pero laking gulat ko na lang nang bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan.

"Halika na, may klase pa tayo sa Philippine History." walang gana niyang sabi.

Hindi pa man ako nakatayo ay tuluyan niya na akong tinalikuran. Nauna na siya sa paglalakad. Napapikit ako ng mariin sa ginawa niyang iyon. Shit. Paulit-ulit kong mura sa aking isipan.

Ewan ko kung bakit gano'n ang reaksyon ni Adi. Ewan ko rin kung bakit parang galit siya. Bigla namang kumirot ang aking puso sa ginawa niyang iyon. Galit ba siya? May nasabi ba akong mali sa kaniya?

LINGGO ngayon kaya naisipan kong dalawin muna sila Beng at Tonton kay Marlot. Gusto kong ipas'yal ang dalawa at makapagsimba kami kahit minsan lang. Miss ko na rin sila kahit na nakausap ko ang sila sa telepono.

Until now, hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Tatay sa mga kapatid ko. My siblings doesn't deserve that kind of treatment. And they doesn't deserve my Father as well. Kung p'wede ko lang baguhin ang mundo, hindi ko hahayaan na mapunta sa kanila ang mga kapatid ko. They deserve better. Pero hindi sila nanay at tatay 'yon.

Sometimes, hindi ko mapigilan na sisihin sila sa mga nangyayari sa buhay ko. Sana kung hindi lang nila ipinagkait ang pagmamahal na ninais ko, hindi sana ako naghahabol ng isang tunay na pagmamahal kay CK. Uhaw ako sa pag-ibig kaya ako ganito. They are my parents, but they don't act like that. They are just busy finding their own happiness than their children's sake.

Napawi lahat ng lungkot na aking nararamdaman. Bigla kasing sumalubong sa ‘kin ang isang mahigpit at masarap na yakap ni Tonton.

"Ate!"

Kagaya niya niyakap ko rin siya pabalik, saka hinagod ang kaniyang ulo. "Tonton," kumalas siya sa yakap ko. Nabaling naman ang aking atensyon kay Beng at niyakap ko rin. "Beng, kamusta kayo?" tanong ko nang kumalas siya sa yakap ko.

Gumawa siya ng isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Okay na okay kami, Ate. Inaalagaan kami ng maayos ni Ate Marlot."

Binalingan ko naman ng tingin si Marlot. Nakatayo siya sa likod ng mga bata. Nakita ko naman ang pagpahid niya ng pabiro sa kaniyang mga mata

"Ano ka ba, Beng. Maiiyak naman ako sa sinabi mong 'yan." pag-iinarte niya.

Imbes na matawa ako sa reaksyon niyang iyon ay nagawa ko siyang irapan. "Ang oa mo masyado.”

"Oa na ba 'yon?" natatawa niyang tanong.

"Sobra," I chuckled a bit. "Oh, ‘eto may dala akong mga pagkain. Kumain muna kayo.”

Nilapag ko naman ang mga pagkaing binili ko kanina sa Jollibee. Ginamit ko ang perang hiniram ko kay Nay Maria noong nakaraang araw. Agad naman silang dumulog sa mesa at masayang binuksan ang pagkaing aking dala.

"Wow, jobee," masayang komento ni Tonton.

Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon, gano’n din si Marlot. "Anong jobee, Tonton? Jollibee 'yan,"

Sinaway ko naman siya at pinandilatan ng mata. "Hayaan mo na,"

Kinain nila ang mga dala ko. Napansin ko rin g natahimik sila sa hapagkainan. Nakita ko rin si Beng na niyugyog ang kaniyang ulo. Para bang may tugtog siyang naririnig.

Seeing them happy makes me happy too. Gusto kong maiyak sa tuwa, pero hindi ko ginawa.

Nang mapansin kong naupo si Marlot sa may sala nila ay sinundan ko siya. Insaktong pagkaupo ko doon ay sinalubong niya agad ako sa tanong. Hindi ko rin alam kung paano iyon sagutin.
"Nahanap mo na tatay mo?"
I sighed sharply. "Hindi pa, eh. Ewan ko kung saan ko siya hahananipin, nahihirapan na ako."

Ilang beses ko na ring sinubukang hanapin si Tatay. Pero hindi ko siya mahagilap kung saang lupalop man siya ng mundo naroroon. Siguro pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Noong hindi ko siya hinanap, nagpapakita siya, pero ngayon, hindi na. Kamusta na kaya siya? Naubos na niya kaya ang pera?

"Hayaan mo na 'yon. Magpapakita rin 'yon sa ‘yo."

Siguro kagaya ng sabi ni Marlot, hahayaan ko na lang na si Tatay. Darating din ang araw na siya mismo ang magpapakita sa akin. Alam kong magpapakita rin 'yon 'pag kailangan niya na ulit ng pera o kung anu-ano pa.

I nodded. "Salamat Marlot, hah? Kasi hindi mo pinapabayaan mga kapatid ko."

She crossed her arms. "Ano ka ba, may bayad naman 'yon."

Ilang sandali pa ay tumayo siya, saka may kinuha sa ref niya. Pagkabalik niya ay may dala na siyang juice. Nilagyan niya ang isang baso, saka binigay sa akin.

"Hah, ano?" takang tanong ko nang makabalik siya sa kaniyang pagkaupo.

Nakita ko ang pagngiti niya ng bahagya. Para bang may kalokohan siyang naiisip. "Yong gwapings na dinala mo rito no'ng nakaraan. Pa arbor naman."

I chuckled. "Sira. Tumigil ka nga. Isusumbong kita sa Asukal De Fafa mo."

Minsan ko na kasing nadala si Adi rito. Nakilala na rin siya ng mga kapatid ko. Sinama ko kasi siya matapos no’ng nangyari sa party. Ang sabi niya kasi, gusto niyang pagaanin ang loob ko. Kaya naisipan kong isagot sa kaniya na dalhin niya ako sa mga kapatid ko.

Nagulat din siya sa nagawa kong pag-amin sa kaniya. Sa mga nangyari sa pamilya ko at sa ginawa ni Tatay. Gusto niya nga na siya na lang ang magbayad sa 75 thousand. Yong hiniram ng ama ko kay CK. Pero hindi ako pumayag. Problema ko 'to kaya dapat ako ang hahanap ng solusyon.

Ayaw ko siyang ipasok sa problemang mayro’n ako. Alam kong kagaya ko, may problema rin siyang tinatago sa akin.

I snapped from reality when Marlot caught my attention. "Tsk. Ang damot. Baka mahulog ka do’n, hah? Feeling ko pa naman may tama 'yon sa ‘yo."

"Marlot," pagtitigil ko sa kaniya.

Ayaw kong paniwalaan ang sinabi niya. Wala naman talagang gusto sa akin si Adi. May mahal siyang iba at hindi ako 'yon. Kung ano ang mayro’n kami, 'yon ay ang pagkakaibigan namin na ayaw kong masira.

I saw her rolled her eyes at me. "Jusko, Talia! Sa lahat ng bulag na kilala ko, ikaw ang pinaka tanga. Habol ka nang habol kay Clifton. Eh, nand'yan naman si Izrael." she paused to trailed off. "Tapos boto pa ang mga kapatid mo sa kaniya."

Nilapag ko ang baso na hawak-hawak ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka nga! Marinig ka pa ng mga bata, eh."

Ewan ko sa babaeng 'to. Bakit siya nagsasabi ng mga gano'n? Hindi ko alam kung ano ang nais niyang puntuhin. Pero wala akong balak alamin iyon.

Binalingan ko ng tingin ang aking mga kapatid sa likuran ni Marlot. Busy pa rin sila sa kakakain ng mga pagkaing dala ko para sa kanila.

Uminom siya ng kunti sa juice niya at bumuntong-hininga. "Kung ako sa ‘yo, girl. Kay Adrian ka na lang, kasi do’n safe ka."

I know that I am safe with him. Pero hindi naman kailangan na ibigin ko siya. Si Clifton naman talaga ang mahal ko. Besides, may iba-iba rin kaming gusto ni Adi kaya malabong mangyari ang nais ni Marlot.

NAGISING na lang ako kinaumagahan na kinakabahan at natatakot. Ngayon na ang schedule ng reporting namin ni Adi kaya ako nakaramdam ng kaba. 'Pag matapos na 'tong nagrereport kong kaklase sa gitna ay kami na ang susunod na tatawagin.

Natatakot din ako. Baka kasi hindi namin maipahatid sa mga kaklase namin ang dapat nilang naunawaan. Oo, mahaba ang panahon na ginugol namin para sa report na ito. Pero feeling ko hindi pa 'yon sapat.

Nagawa kong napalingon kay Adi. Bigla namang nagsalita si Miss Capistrano ng malakas. Tapos na ang reporting ng naunang partner.
"Thank you, Miss Marquez and Mr. Arason!" masigla at nakangiti niyang pasasalamat sa mga kaklase ko. "Next will be, Mr. Izrael and Miss Escober!"

Dahil sa nagawang pagtawag ni Miss sa amin ni Adi, mas lalo akong kinabahan ng sobra. Palagay ko para akong hihimatayin sa sobrang kaba. Naramdaman ko rin na nanginginig ang aking kamay. Pero parang nawala iyon nang bigla itong hawakan ni Adi.

"Break a leg, Ulan. Kaya natin 'to!" he cheered me up.

Inalalalayan niya rin ako sa aking pagtayo. Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay tinugon ko siya. "Laban!”

Pagkarating namin sa gitna, nakita ko ang mga kaklase kong masamang tumingin sa akin. Nakita ko naman ang iba na tila nahihiyang tingnan ako. Sila 'yong mga kaklase kong dinuro ko sa party. Lalo na si Mercedes, naiilang siya sa akin. Napalingon naman ako kay CK na ngayon ay malamig na nakatingin sa akin. Habang si Aivie naman ay inirapan lang ako.

Minsan ko lang kasi siyang nakikita sa klase. Busy kasi siya sa pageant at modeling career niya. Nagbigay ako ng pilit na ngiti. Narinig ko naman si Adi na magsalita sa harap ng buong klase.

"Good morning, Everyone! So the topic that was assigned to us by Miss Capistrano is all about Commitment."

Kahit ako nagulat nang malaman ko na 'yon ang binigay sa amin ni Miss Capistrano na topic . Ewan ko ba kung bakit gano'n ang topic na binigay niya. Yong iba ang topic nila is about love, pain at iba pa na may connection sa pag-ibig. Kaya nga no’ng nalaman ko ang topic naming ‘yon napatanong ako sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong gawin iyon. Ang sagot niya lang, malapit na ang February, buwan ng mga puso. Gusto niya na marinig kaming mag-sha-share ng sari-sarili naming opinyon about love. Creepy.

Pareho kami ni Adi. Wala kaming masyadong alam for commitment. Nahihirapan kaming maghanap ng source about dito.

Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Adi. Para bang sinenyasan niya ako na ako na ang susunod na magsasalita.

Tumikhim muna ako ng bahagya. "Alam nating lahat na mahirap ang magcommit kasi may malaki tayong parteng gagampanan about it." I paused and looked to my classmates direction. "Kagaya natin, kaya tayo narito sa paaralan ngayon kasi nangako tayo sa ating mga pamilya na magtatapos tayo sa ating pag-aaral. Because commitment is a promise.” 
Commitment is really a promise. Pangakong kailangan mong tuparin at gawin. Pangakong dapat hindi mo magawang sirain. But in my case parang nahihirapan akong tuparin ang pangako kong nagawa ko noon.

I gazed at Adi's direction when he talked again. "A promise that you need to do, to fulfil or give something to that person. O kahit hindi sa tao, maaari ring sa career mo. Kagaya ni Miss,” he paused. Tiningnan niya si Miss na nakikinig lang sa kaniya. “Hindi lang siya guro, kasi ‘yon ang pinili niyang trabaho. Tinatawag siyang guro dahil may misyon siya o commitment na kailangan gampanan. Kaya siya nandito kasi she committed herself to teach us. To fulfill her lifelong responsibility to us.” he added with a smile. “That’s why, commitment is a promise to be loyal to someone or something."

Ramdam ko ang emosyong namumuo sa boses niya. Like me, Miss Capistrano, may pangako rin si Adi na kailangan niyang tuparin. Tayo naman siguro lahat ay nangako. Pero may malaking problema lang talaga tayo sa commitment.

This topic that was assigned to us makes me realized something. Kagaya ng huwag kang mangako, kung hindi mo kayang tuparin. 'Wag kang mag commit sa isang tao, kung duwag ka. 'Wag kang sumugal, kung hindi mo naman talaga kaya at kung natatakot kang masaktan. At, isa ako sa mga duwag na iyon. Hindi sa takot ako sa kung anong sakit ang maaari kong makuha, kundi sadyang napagod lang talaga ako. And I think nothing's wrong with it.

Nang tumigil na si Adi sa kaniyang nais sabihin sa lahat, kinabahan naman ako sa nagawang eksina ni Miss Capistrano.

"I have a question to you, Miss Escober." I gulped because of nervous that I felt inside. "Since you've mentioned earlier that commitment is a promise. May nagawa ka na rin bang pangako na kailangan mong tuparin?"

Ibang kaba ang dulot sa akin ng tanong niyang iyon. Napatingin ako kay Adi. Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin. Para bang pinapagaan niya ang aking loob.

"Yes, Miss," my voice cracked and my hands were trembling.

She smiled at my reply. "If you don't mind, can you share it with us?"

I cleared my throat. "Nangako ako noon sa sarili ko na hanggang kaya ko siyang mahalin, ipaglaban at sundin ang lahat ng gusto niya ay gagawin ko." I paused and gazed to CK's direction. Nakita ko ang pag-iwas niya sa aking tingin. Nagpatuloy naman ako sa aking pagsasalita. "Pero nagbago ang lahat ng 'yon. Napagtanto ko rin na hindi pala gano’n kadali ang mangako. Madali lang sabihin, pero mahirap gawin. Lalo na't ang taong pinangakuan mo ay siya mismo ang humanap ng paraa para itigil ang mga pangakong iyon."
I used to end my words with pain in it. Puno ng sakit at panghihinayang ang sinabi kong iyon. Tama na, Talia. Pahinga muna.

Marami na rin akong nagawa para kay CK. Pero balewala lang sa kaniya ang lahat ng 'yon.

Napatayo si Miss sa sinabi kong iyon. Pumagitna siya sa amin ni Adi. Nagawa niya akong ngitian. Kagaya niya nginitian ko rin siya, pero pilit. Napapansin ko rin ang tingin na ginayad sa akin ng mga kaklase ko. Para bang pati sila ramdam ang kabiguan kong iyon.

"Hm. It makes me want to know more about that promise you made to that person." she smirked and gazed at Adrian. "But this time, I want Mr. Izrael to answer the same question I've asked to Miss Escober."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Adi dahil sa sabi ni Miss. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, saka umiwas ng tingin.

He smirked. "Naranasan ko rin 'yon, Miss. Pero hindi kagaya kay Talia." sabi niya sabay tingin sa aking mga mata. Nakunot ko ang aking noo at tumingin sa kaniya. "kasi ako, kahit hindi ako magawang pansinin ng babaeng mahal ko kaya ko pa ring tuparin ang pangakong iyon sa kaniya. Kahit na mahirap. Pangakong siya lang at hindi ako mapapagod do’n. I am willing to commit myself to make her happy even in a little way. Kahit palihim lamang."
Hindi ko alam, pero pakiramdam ko na gui-guilty ako sa narinig kong iyon. Para bang ako ang sinabihan ni Adi ng kaniyang naibahagi sa klase.

Sinulyapan ko siya. Nasalubong ko naman ang kaniyang matang puno ng pighati. I want to hug him and cheer him up. Pero hindi ko kaya at hindi ko alam kung papaano. Wala akong lakas ng loob na gawin iyon.

Natanggal ang atensyon ko sa kaniya nang masigla at masayang pumalakpak si Miss Capistrano. "Woah, I love it. Class, give this two a big round of applause!"

Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon. Narinig ko ang palakpakan ng aking mga kaklase. Nagulat ako sa ginawa ni Adi kasi bigla niya akong  niyakap ng mahigpit. Tinugon ko siya sa yakap niyang iyon at ngumiti.

Napabitaw naman ako sa ginawa ko nang biglang may umiksina. "What happened to Mr. Del Franco? Bakit umalis, ayaw niya ba sa commitment?" gulat na tanong ni Miss.

Paglingon ko sa gawi ni CK ay wala na siya sa kaniyang upuan. Nakalabas na siya ng tuluyan sa silid namin. Nakita ko si Aivie na inis na inis na tumingin sa akin at inirapan ako.
Anong nangyari do'n? Napaangat naman ako ng tingin kay Adi. Mayro’n din siyang ibinulong sa tainga ko. "Puntahan mo na. Tapos dalhin mo sa lugar na gusto mo para sa second tasks mo. Ako ng bahala rito.”

"Adi?”

Hinawakan niya ang aking likod at bahagya akong tinulak. "Go, I know you can do it."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay wala akong pasabing lumabas sa classroom. Hindi ko pinansin ang mga bulong-bulungan ng iba. I need to do this.

Pagkalabas ko sa room ay agad kong nilibot ng tingin ang paligid. Natuwa naman ako nang makita ko si CK sa may hagdanan. Nakaupo lang siya doon tila may malalim na iniisip.

Nilapitan ko si Del Franco. Napaangat siya ng tingin nang maramdaman niya ang aking presensya.

"CK?" mahina kong pagtawag sa kaniya

He looked at me using his cold look. "What are you doing here?"

I bit my lip. "Bakit ka umalis do’n kanina?"

He shrugged and sighed. "Wala. Gusto ko lang makapag-isa."

Gusto ko siyang tabihan ng upo, pero may pumipigil sa akin na 'wag gawin iyon. Ilang ulit kong nakagat ang aking labi. Hindi ko rin alam kung papaano ko gagawin ang sinabi ni Adi kanina.

"Goodluck pala sa report niyo ni Aivie, bukas."
napapikit naman ako sa sinabi kong iyon. 'Yon pa talaga, Talia? Sa dami ng p'wedeng lumabas na salita  d'yan sa bibig mo, 'yon pa talaga?

Hinintay ko lang siya na tugunin ako. Nakita ko naman ang malungkot niyang pagmumukha. Okay ka lang ba, Ck?

"I don't know if I can make it." malungkot niyang tugon.

I tapped his shoulder. Napaangat siya ng tingin sa akin sa ginawang iyon. "Of course, you can! I believe in you!"

"Talaga?" masigla niyang tanong.

This is it, Talia. Ito na ang tamang oras para isingit mo ang plano mo nang hindi niya mahahalata.

Ewan ko ba kung kaya ko pa ang mga tasks sa akin ni Adi. Habang papalapit nang papalit na akong matapos sa tasks niyang ‘yon, parang mas lalo yata akong nahulog kay Clifton.

I nodded with a smile. "Halika, come with me!"

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Pero laking gulat ko na lang nang tinanggal niya iyon. Nagawa niya kasing siya ang humawak sa akin, saka ngumiti ng matamis.

Pakiramdam ko, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo sa mga sandaling 'yon. Tila ba si CK lang at ako ang taong naririto.
Parang mali ‘ata 'tong pinasok ko. Parang ako yata ang magiging kawawa at dehado nito sa dulo.

Task no. 2: Bring him to your favourite place.

Malalaman niya na rin sa wakas, ang lugar na kung saan naging mahalagang parte ng buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top