Chapter 005

Kung ang layuan ka

ang magbibigay sa akin ng 

katahimikan at kapayapaan, 

gagawin ko 'yon kahit maiwan

akong luhaan at sugatan. 

Chapter 005
[Tatlong Kataga]


KAHIT ang sama ng pakiramdam ko ngayon, naisipan kong lumabas muna at mamasyal kahit papaano. Nagpaalam ako kay Nay Maria na aalis ako. Pero hindi ko pinaalam sa kaniya kung saan nga ba ako pupunta. I want to be alone  to think and to enlighten my mind. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ewan ko kung alin doon ang pagtutuunan ko ng pansin.

Gusto ko sanang puntahan si Marlot para kausapin at makipagk'wentuhan. Pero naalala ko na may trabaho pala siya every saturday. Kung may cellphone number lang ako ni Adrian, kanina ko pa siya tinawagan para samahan ako. Oo, gusto kong mapag-isa, pero may parte rin sa akin na gusto ko ng may makakausap.

Bumuntong-hininga ako nang mapansin kong nasa park na pala ako. Ang daming taong namamasyal. Napangiti rin ako ng mapait nang may nakita akong isang pamilya. Masaya silang nagtatawanan at nagkukulitan sa gilid. How I wish na gan'yan din kami ng pamilya ko. Pero malabo na 'yon kasi may kaniya-kaniya na silang pamilya.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Hindi pa man ako nakagawa ng ilang hakbang ay bigla na lang akong napahinto. May nahigilap akong isang batang babae. Alam kong siya iyon at hindi ako namamalikmata. Kahit hindi kami mas'yadong nagkikita, kilalang-kilala ko siya. Nang lumingon siya sa gawi ko ay laking gulat ko, kasi tama nga ako. Anong ginagawa niya rito?

"Beng?" tawag ko sa kaniya nang makalapit ako sa kinatatayuan niya.

Nang mahawakan ko siya sa kaniyang balikat ay napalingon siya sa akin. May gulat siya na ekspresyon sa mukha. Mayamaya pa ang pagkagulat na iyon ay napalitan ng isang malaking ngiti.

"Ate Talia!" masaya niyang tugon.

Niyakap niya ako bigla, kaya lumuhod ako sa harapan niya para yakapin siya pabalik. God, I missed this little girl so much. Bumitaw siya sa pagkayakap niya sa akin. Nakatayo lang siya sa harapan ko, ako naman ay nanatili sa gano’ng posisyon.

Sa kabila ng mga matatamis niyang ngiti ay naagaw pa rin ng suot niya ang aking atensyon. Malungkot ko siyang tiningnan. Pinabayaan ba ni Tatay ang mga kapatid ko? Nakasuot siya ng butas-butas na damit. Ang kaniyang mukha ay marumi kagaya ng kaniyang buhok na nakakalat. Kung hindi ko siya kilala napagkakamalan ko na siyang batang pulubi. Gano’n kasi talaga ang itsura niya.
Nasasaktan ako sa itsura ng kapatid ko. Ako rito sa Maynila kahit katulong lang ako, mayro’n naman akong nakakain. Masasarap na pagkain, gano'n. Tapos nakakasuot ako ng maaayos na damit. Samantalang siya kahit kasama niya si Tatay, para siyang walang magulang na nag-aalaga sa kaniya.
"Anong ginawa mo rito? Teka, sinong kasama mo? Si Tonton nasaan?" mga tanong ko sa kaniya na puno ng pagtataka.

"Nasa bahay po,"

Sa sinabi niyang iyon, may bigla na lang akong naalala na ikinataka ko ng lubusan. Teka,  bakit siya nandito? 'Di ba dapat nagpapagaling siya?

"Di ba nasa hospital ka? Papaano-" hindi niya ako pinatapos sa nais kong sabihin sa kaniya.

Napakamot siya sa kaniyang noo. "Anong pinagsasabi mo, Ate? Hindi po ako na hospital. Dito lang po ako, nanlilimos."

Kaya pala gan'yan ang suot niya kasi nanlilimos siya? Napanganga ako sa sinabi niyang iyon. Napakagat naman ako sa loob ng aking pisngi. Sabi ko na nga ba, eh, nagsisinungaling nga si Tatay sa akin. Tama nga ako, may tinatago nga siya.

"Ano? Nanghingi nga sa akin si Tatay ng pera, eh, kasi may dengue ka raw."

Umiling siya at hinawakan ako sa aking balikat. Para bang pinangaralan niya ako. "Ate, nagpapaniwala ka kay Tatay? Hindi 'yon totoo. Matagal na nga kaming nanlilimos ni Tonton, eh. Sabi niya kasi need niya ng pera."

What the hell! Pinapalimos niya ang mga kapatid ko kasi kailangan niya ng pera? Bakit anong ginagawa niya? Bakit hindi siya ang maghanap? Pati si Tonton, dinamay niya? Papaano kung aatakihin 'yon ng hika? Napansin ko rin na pumayat si Beng, kaya mas lalong kumirot ang aking puso.

Kung gano'n pala, anong ginawa niya sa pera na binigay sa kaniya ni CK? Saan niya ginastos 'yon? At kailangan niya pa talagang hanapan ng sakit si Beng para sa pera? "What? Anong ginawa niya  75 thousand?

Bago niya ako sagutin, tinulungan niya muna akong tumayo at pinaupo sa may upuan sa gilid. Para bang doon kami makapag-usap ng maayos. Nang nakaupo na kami do’n ay humarap siya sa akin at ngumiti ng mapait.

"May malaking utang si Tatay sa sugal ate na kailangan niyang bayaran." matamlay niyang sabi sa akin.

"Ano?"

Tumango siya. "Iniwan na siya ng kinakasama niya. May marami kasi siyang utang tapos binubugbog niya pa si auntie."

Napahilot ako sa aking noo sa nagawang paliwanag ni Beng sa akin. May malaking utang si Tatay dahil sa sugal? Kaya pala gano’n na lang siya ka atat na makuha agad ang perang gusto niya. Iniwan na rin siya ng kinakasama niya kasi binugbog niya? Paano ang mga kapatid ko? Sinasaktan niya rin ba?
Dahil sa mga katanungan kong iyon at sa labis na pag-aalala. Ang tanging alam ko lang ngayon ay kailangan kong ilayo sa kaniya ang mga kapatid ko. Kailangan kong hanapin si Tonton, at isama sila ni Beng sa bahay nila ni CK. Kahit alam kong bawal, pero mahahanapan ko naman iyon ng paraan.

"Jusko!” nag-aalala kong sabi. Hinawakan ko siya sa kamay para sumama sa akin. Pero pinigilan niya naman akong gawin ang gusto ko. "Halika ka, puntahan natin si Tonton. Sasama kayo sa akin."

"Ate, 'wag. Mas lalong magagalit si Tatay sa ‘yo n'yan." pagmamakaawa niya.

"Beng, kahit na! Basta sasama kayo sa akin." pakiusap ko.

Hinawakan ko ang braso niya. Laking gulat ko na lang nang bigla siyang napadaing sa sakit. "Ate, masakit."

Tiningnan ko naman ang parteng iyon. Hinawi ko ng kunti ang manggas ng kaniyang damit. Nasaktan ako nang makita ko ang isang pasa na namamaga. Sobrang lutong pa nito, siguro bago pa lang iyon. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat.

"Jusko, anong nangyari d'yan?" impit kong sabi.

Pilit niyang inilayo sa akin ang kaniyang braso. Bahagya niya namang tinatakpan ang parteng iyon. "Nabangga lang ako, Ate."
Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo. Kung nagawa ni Tatay na saktan ang kinakasama niya, magagawa niya rin ito sa mga kapatid ko. Kilala ko si Tatay kaya alam kong may kinalaman siya.

"Beng, sabihin mo sa akin ang totoo. Sinasaktan ba kayo ni Tatay?" imbes na sagutin niya ako ay bigla na lang itong umiyak. Napayakap naman siya sa akin ng sobrang higpit. "God!"

Imbes na umiyak din ako kagaya ni Beng ay hindi ko iyon ginawa. Kailangan niyang makita na kaya ko at hindi ako mahina. Hangga't maaga pa, ilalayo ko sila sa aking ama. Kung kailangan man naming pagdaanan ang hirap, kakayanin ko 'yon basta't magsama kami. Ako ang panganay at kailangan kong gampanan ang tungkulin kong iyon sa kanila.

Ano ng nangyari sa pamilyang akala ko ay matibay? Ano ng nangyari sa mga magulang ko? Pati ba ang mga kapatid ko na walang kaalam-alam ay kailangan ng pagdaanan ang lahat ng 'to?

GINABI na ako ng uwi sa mansion dahil hinanap ko pa si Tonton. Nang mahanap ko siya sa tulong ni Beng ay agad ko silang sinama sa akin. Kagaya ni Beng, pumayat at malaki rin ang pinagbago ni Tonton. Sinabi rin nila sa akin na ilang araw na silang hindi inuuwian ni Tatay, kaya palaboy-laboy at nanlilimos na lang sila doon. Siguro ang tadhana na rin ang hahanap ng paraan para mapadpad ako do’n para sa mga kapatid ko.

Mabuti na lang at hindi ako pinabayaan ng Panginoon at ang mga kapatid ko. Ang bait-bait Niya pa rin sa akin kahit minsan hindi ako naka pagsisimba dahil sa labis na maraming gawain. Naglabas ako ng isang malalim na hininga bago nagpaalam kay Marlot sa kabilang linya.

"Sige Marlot, maraming salamat."

Sa kaniya ko muna iniwan si Beng at Tonton. Naalala ko kasi na wala pala siyang kasama sa bahay nila. Gustong-gusto niya ng may makakasama roon kaya sa kaniya ko binilin ang mga kapatid ko. Mabuti na lang at pumayag siya. Iniwanan ko naman siya ng pera para sa pagkain at panggastos nila. Habang ako naman ay hahanapin ko si Tatay, para maibalik niya sa akin ang perang kaniyang hiniram kay CK. Baka bukas sisimulan ko na ang paghahanap sa kaniya.

Binilin ko rin kay Marlot na 'wag niyang hahayaang makalapit si Tatay sa mga kapatid ko. Kung mangyari man iyon ay tatawag agad siya ng tulong sa mga pulis. Mabuti na ngang makulong siya kaysa sa magpatuloy siya sa masamang bisyo at gawain. Hindi ako nakapasok sa school kanina, dinalaw ko kasi ang mga kapatid ko at binilhan ko sila ng mga gamit. Bukas ko pa sana silang balak bilhan ng mga kailangan nila. Baka kasi busy ako, kaya kanina ko na lang iyon ginawa. Sa dami ng kailangan kong ihabilin sa kanila naging dahilan 'yon ng gabihin ako ng uwi.

Babalik na sana ako sa loob ng mansion nang makita ko si CK na nakatayo sa aking likuran. Nagulat ako ng makita ko siya. Kanina pa ba siya nakatayo sa likuran ko? Narinig niya ba ang usapan namin ni Marlot? Lalampasan ko na sana siya kaso nagawa niya akong pigilan gamit ang isang tanong.

"Bakit absent ka na naman kanina, Talia?"

I sighed. "May inaasikaso lang ako,"

Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad nang masagot ko na siya. Kailangan ko ng magpahinga. Ayaw kong kausapin siya baka saan na naman iyon mapunta. Mabilis kong tinungo ang aking k'warto. Laking gulat ko na lang nang magtanong siyang muli sa akin. Akala ko pa naman hindi niya ako sinusundan.

"Bakit? May lakad na naman ba kayo ng Adi mo?" he chuckled a bit.

Please, not now. Wala ako sa mood para makipagsumbatan sa ‘yo, Del Franco. I massage my temple. "Anong pinagsasabi mo, CK?"

Hinarap ko siya ng buong-buo. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Kung galit ka, pwes galit din ako.
He shaked his head. "Akala mo hindi ko alam? Kayong dalawa ang absent kanina sa klase natin. Kaya alam kong kayo ang magkasama."

"Hindi ko alam pinagsasabi mo," walang gana kong tugon.

Tatalikuran ko na sana siya para tuluyan ng makapasok sa aking k'warto. Napatigil ako nang bigla niyang hinagit ang aking kamay. Mas lalo akong nainis sa ginawa niyang iyon. Lalo na sa sunod niyang sinabi.

"May utang ka pa sa akin, Tal-" I cut him off.

Kinuha ko naman agad sa bulsa ko ang hiniram kong pera kay Nanay kanina. Tira ‘yon para sa mga gamit ng kapatid ko. Pagalit ko naman itong  itinapon sa kaniyang mukha.

"Yan! Kainin mo 'yang pera na 'yan!" I exclaimed. Nagulat siya sa ginawa kong iyon at natigilan. "10 thousand lang 'yan. Wag kang mag-alala, babayaran ko 'yong kulang!"

"Sorry,"

"Umalis ka na lang, CK."

"Talia," pilit niyang pakikiusap sa akin.

"Umalis ka sabi, eh! Bingi ka ba?!" I saw him gulped. Nagulat din ako sa sinabi kong iyon nang napagtanto ko kung sino 'tong sinisigawan ko ngayon. "Sorry, may iniisip lang ako. Hindi ko 'yon sinasadya."

Tumango naman siya sa sinabi kong iyon. God Talia, nag-iisip ka ba? Amo mo siya at katulong ka lang. Tapos papaalisin mo siya at sinigawan mo pa talaga? Remember, he is CK. Kaya dapat hindi ka magagalit sa kaniya.
"Okay lang. Sorry rin," panghihingi niya ng paumanhin.

Bigla namang lumambot at gumaan ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung papaano ka tiisin CK. Isang ganiyan mo lang, ayan nawala na ako sa aking sarili. Isang sorry mo lang, okay na ako. Isang ngiti mo lang kahit pilit, masaya na naman ulit ako.

"Ano pala ang kailangan mo? Bakit ka nandito?" mahina kong tanong sa kaniya. Hindi naman kasi siya basta-bastang susunod sa akin kung wala siyang kailangan. May inabot siya sa 'king kulay blue na Invitation card. Kumunot ang noo kong humarap sa kaniya. "Ano 'to?"

He smirked. "Party 'yan ng isa sa mga kaibigan ko. Sana makapunta ka,"

"Hah? Aong gagawin ko do’n?"

Iba naman ang sinabi niya sa sagot na inaasahan kong itugon niya sa akin. He shrugged and looked at me. "Sabay naman tayong pupunta do’n. Kaya 'wag kang mag-alala." he paused for a second. "Kung tungkol naman sa kung ano ang isusuot mo, ako na ang bahala do’n."

"Okay,"

Hindi ko alam pero iyon lang ang salitang nagawa kong sabihin. Isang salita lang 'yon, pero nakataya na doon ang buo kong responsibilidad. Kailangan kong pumunta sa party kagaya ng sabi niya.

Nakita ko ang paglaki ng ngiti niya sa kaniyang mga labi. "Goodnight. See you tomorrow at exactly 5:00 pm." tinapik niya muna ang aking balikat, saka tuluyang umalis.

Ang tanga mo, Talia. Salitang nasabi ko sa aking isipan nang tuluyang makaalis si CK. Kahit sa kabila ng mga problemang kailangan kong hanapan ng solusyon, nagawa ko pa talaga ang umuo sa sinabi ni CK. Kung nasasalo man ang katangahan sa mundo noon, mukhang ako yata ang nakasalo sa lahat ng 'yon. Walang kulang, pero labis-labis.

Napangiwi akong nakatingin sa kulay blue na invitation card na ibinigay ni CK. Ano kaya ang mayro’n? Bakit niya naisipang isama ako do’n? Nand'yan naman si Aivie, ah? Bakit ako pa?

KINABUKASAN kagaya ng sabi sa akin ni CK, binilhan niya nga ako ng damit. Ito ang isusuot ko sa party. Pero hindi maalis sa isip ko habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin kung tama ba ang dapit na ipinapasuot niya sa akin. Kanina pa ako nakatingin sa aking sarili. Pakiramdam ko na ayaw kong lumabas kasi para akong tanga sa suot kong ito.

Mayamaya pa ay may biglang kumatok sa aking pinto at alam ko na kung sino siya. Bago pa man ako lumabas ay bumuntong-hininga muna ako. Insaktong paglabas ko ay nakita ko si CK. Sobrang g'wapo niya sa tuxedo na kaniyang suot. Napakunot naman ako ng noo nang may mapagtanto ako. Sobrang formal ng suot niya, samantalang ang akin ay pang halloween costume.
Nakasuot ako ng kagaya ng mga witch, nakaitim. Sabi niya gamitin ko rin daw ang itim na lipstick na binili niya rin para sa akin. Nahihiya ako sa suot ko, pakiramdam ko kasi, para niya akong pinaglalaruan.

"Bakit pormal ang suot mo? Bakit ako nakaganito? 'Di ba party ang pupuntahan natin? Bakit kailangan kong magsuot nito?" mga katanungan na kanina pa gustong lumabas sa aking bibig.

Napatawa naman siya ng bahagya sa mga tanong kong iyon. "Sabi kasi ng kaibigan ko, gan'yan daw ang isuot ng mga babae. Sa mga boys naman ay ganito."

Ang weird naman ng kaibigan niya. Ano 'yon, favoritism? Kaming mga babae magmumukhang ewan, tapos sila, ang puporma nila? Gustuhin ko mang umangal, pero hindi ko na ginawa.

Tumango na lang ako. "Gano’n ba?"

"Hm," inayos niya ang ilang hibla ng aking buhok.  Kumalat kasi ito sa aking mukha, saka bago magsalitang muli. "Tara na, baka mahuli pa tayo." mahina niyang paanyaya sa akin.

Sumunod naman ako sa kaniya at tuluyang sumakay sa kotse niya. Tahimik lang kami sa kaniyang sasakyan. Hindi ko rin maiwasang hindi mapaisip ng kung anu-ano. Feeling ko, may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Kung tama man ang hinala ko, mukhang doon na talaga ako magalit kay CK ng husto. Kung may kinalaman din siya sa maaaring mangyari ngayon.
Alam kung nasabi ko na lalayuan ko na siya, pero mukhang malabo 'yon. Sa tuwing gustuhin ko siyang layuan, siya naman ang pagsunod niya sa akin. Para kaming pinaglalaruan ng tadhana, para kaming inuuto nito. Kung kailan buo na ang aking desisyon, saka niya pa pinaparamdam sa akin na kailangang hindi ko siya layuan.

Nang marating kami sa lugar kung saan gaganapin ang party, agad siyang lumabas sa kaniyang sasakyan, iniwan niya ako sa loob. Nakagat ko ang labi ko sa ginawa niyang iyon. Akala ko pa naman pagbubuksan niya ako ng pinto. Bumaba ako agad at sinundan siya. Nang napantayan ko na siya, laking gulat ko nang makita ko ang ibang kababaihan sa paligid.

Ang ilan sa kanila ay mga kaklase ko at ang iba hindi ko kilala. Pero ang gaganda ng mga suot nila, hindi kagaya no’ng sa akin. Napatingin ako kay CK na puno ng pagtataka.

"CK, bakit sila hindi nakasuot  kagaya ng suot ko?" taka kong tanong.

He sighed. "Stop asking. Sumunod ka na lang sa akin."

Nagtaka naman ako sa pag-iba ng ugaling pinakita niya. Oo nga pala, nasa harap kami ng maraming tao. Pero kung iyon ang problema niya, bakit niya pa ako isinama rito? Napatigil ako sa aking pag-iisip nang may biglang sumigaw na lalaki. Nakatayo siya sa may ‘di kalayuan namin.

"Oh, nandito na si Clifton! And guess what?" masigla at natatawa niyang pagpapaalam sa mga ibang naririto sa party. "Kasama niya ang yaya niya!"

Doon na ako makaramdam ng kaba at kung anu-anong pagkabahala sa aking dibdib. Alam kong may mali talaga.

"CK?" mahinang tawag ko.

Naramdaman ko ang bigla niyang paglayo sa akin. Kasunod naman no’n ay ang paglapit ng maraming taong kasing edad ko sa aking kinaroroonan. Nanginginig na ako sa kaba dahil sa pinangagawa nila. May isang babaeng lumapit sa akin at kilala ko kung sino siya. Si Mercedes.

"Woah, Talia Ellaña Escober,” she chuckled. "Matalino, pero madaling mauto!"

Narinig ko ang pagtatawanan ng lahat. Para bang ako ang magiging pulutan nila ngayong gabi. Kaya ba isinama ako ni CK dito para ipahiya? Kung gano’n, bakit pa ako sumama? Nilapitan ako ng dalawang lalaki at hinawakan ang magkabila kong braso. Nakaramdam ako ng sakit sa ginawa nilang iyon kaya nagpupumilit naman akong makawala sa kanila.

"Ano ba! Tigilan niyo nga ako!" I exclaimed. Binalingan ko ng tingin si CK, na ngayon ay tahimik lang siyang umiinom ng beer sa tabi ng mesa. What the fuck, Del Franco! "CK, ano 'to?!"
Imbes na ang sagot niya ang inaasahan kong marinig, nagulat na lang ako nang may biglang isang babaeng humawi sa aking buhok.

"Hi," she greeted like a villain.

I swallowed hard. "Aivie?"

She smirked and rolled her eyes. "Yeah, its me. Girlfriend ng lalaking kinababaliwan mo."

Alam kong may higit pang mangyayari ngayon at hindi ako ligtas dito. Lalo na't walang pake sa akin ang taong pinagkatiwalaan ko.

"Kailangan ko ng umalis," Akmang aalis na sana ako kaso bigla niyang hinapit ang aking braso.

Pinaharap niya ako sa kaniya at sinamaan ako ng tingin. "Wait. Hindi pa nga ako tapos, aalis ka na?"

Mas lalo niyang diniinan ang pagkahawak niya sa braso. Galit na galit na ako sa mga nangyayari. Mga hayop! Mapapatay talaga kita, Clifton. Niloko mo ako! Pilit kong inagaw sa kaniya ang braso ko. Parang wala naman akong lakas na gawin iyon dahil nanghihina ako.  Mas lalo niya pa itong diniinan at hinatak niya rin ako papalapit sa kaniya.

"Aivie, bitawan mo nga ako!"

Tumawa naman siya sa sinabi kong iyon at inirapan ako. "Ang tanga mo, Talia!" she pointed her finger on my forehead. Bahagya niya rin iyong diniinan. "Hanggang dito ba naman sinusundan mo pa rin si Clifton?!" she exclaimed.

"Siya ang nagsabi sa akin-" she cut me off.

"Stop!" Ramdam ko ang tensyon sa paligid at sa pagitan naming dalawa. "Ang landi mo! Nanahimik lang ako, pero alam ko na palihim mong inaahas sa akin ang boyfriend ko!"

Natahimik ang lahat ng tao sa paligid. Napalingon naman ako kay CK, na ngayon ay nakatingin lang sa akin ng malamig. Wala yata siyang planong tulungan ako. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito at kung ano ang gagawin ko. Mas lalo akong kinabahan sa nangyayari. Sa kabilang banda nasasaktan din ako dahil sa nagawa akong traydor-in ni CK ng palihim.

Pilit kong nilayo ang aking sarili kay Aivie. Nasasaktan na ako sa pagkahawak niya sa braso ko. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Aivie."

"Stop acting na para bang ikaw ang biktima! P'wede ba, tanggapin mo na lang na kahit kailan hinding-hindi mapapasa’yo si Clifton!"

"Aivie, ano ba nasasaktan ako!"

"Pwes, masasaktan ka talaga!"

Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa nang bigla niya akong hatakin papalapit kay CK. Gusto kung maiyak, pero hindi ko gagawin 'yon kasi matapang ako. Ang kamay ni Aivie kanina na nakahawak sa kamay ko, ngayon ay nasa buhok ko na. Mas masakit ang pagkahawak niyang iyon kaysa kanina.

Tiningnan ko si CK sa kaniyang mga matang nagmamakaawa at nagbabakasakali na tutulungan niya ako. Pero wala rin 'yong silbi kasi hindi niya ako pinansin.

"CK, tulungan mo ako!" pagmamakaawa ko. "Aray!" daing ko nang mas hinigpitan ni Aivie ang pagkahawak niya sa aking buhok.

Nawala sa akin ang sakit na dulot ng pagkahawak niya sa buhok ko. Narinig ko kasi ang nais niyang ipagawa kay CK. "Ngayon babe, sabihin mo sa kaniya kung ano ang tingin mo sa babaeng 'to!"

"Aivie?" walang ganang tawang niya sa kasintahan.

"Del Franco!" sigaw mula sa aking likuran.

Napalunok naman ako nang makita ko ang taong tumawag kay CK. "Jerome?”

"Go on, Clifton. Tell her!" Aivie exclaimed.

Para nilang utusan si CK. Tila para bang sila ang nagdedesisyon kung ano dapat ang gagawin niya.  Para siyang natatakot kay Jerome at Aivie. Mapipilitan talaga siyang gawin ang mga bagay na gusto ng dalawa.

Clifton please, 'wag ngayon. Kung ano man ang gusto mong sabihin, 'wag mo ng ituloy, hindi ko kakayaning marinig. Umayos siya sa kaniyang pagtayo at walang ganang tumingin sa akin.

Bigla naman akong na nanghina sa tatlong katagang kaniyang binitawan. "Hindi kita mahal,"

"Yon lang?" natatawang tanong ni Aivie.

He clenched his fist and looked at me angrily. "Hindi kita gusto! Hindi kita mahal! Naiinis ako sa ‘yo, at kahit kailan hinding-hindi ako iibig sa babaeng kagaya mo!"

Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay nagawa kong makawala sa pagkahawak sa akin ni Aivie. Sinampal  ko siya ng sobrang lakas. Sampal ala Angel Locsin.

"How dare you!" galit kong sabi sa kaniya matapos ko siyang sampalin.

"Oh my God," arteng gulat na sabi ni Aivie.

Nagulat ang lahat ng tao sa paligid sa ginawa kong iyon. Okay lang naman sa akin na ipahiya niya ako, eh. Pero 'yong sabihin niya sa akin ang mga 'yon? Yon ang hindi okay. Sa kabila ng ginawa ko sa kaniya, mga sakripisyo at kakasunod ko sa mga walang kwentang utos niya. Sasabihan niya ako ng gano’n? Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Sa pagkakaalam ko lang naman ay minahal ko lang naman siya at wala ng iba!

Ngayon CK, binigyan mo na rin ako ng sign para layuan ka ng tuluyan. Kung noon hindi ko kaya, ngayon ipapakita ko sa ‘yo na kaya ko. Kung wala kang pake sa nararamdaman ko, mawawalan din ako ng pake sa ‘yo. Kung nakaya mo ang nakikita akong nasasaktan at nahihirapan, kaya ko rin 'yon kahit triple pa.

Sinamaan ko sila ng tingin at dinuro-duro. "Kayong lahat, pagbabayaran niyo 'to! Lalong lalo ka na, Del Franco! Darating din ang araw na kakainin mo 'yang mga pinagsasabi mo!"

Umiwas siya ng tingin sa akin. Si Aivie naman ay nanatili sa tabi niya. Para bang pinapagaan niya ang nararamdaman ng jowa niyang ugok.

"Bitch," mahina niyang sabi sa akin na hindi pinapalampas ng aking tainga.

Dahil sa ginawa niyang iyon nabaling sa kaniya ang aking atensyon. Nilapitan ko siya ng bahagya dahilan g mapalunok siya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa para mas lalo siyang makaramdam ng hindi pagkakomportable.

I smirked a bit. "Ikaw! Sa ‘yo na 'yang jowa mong walang ibang alam kundi ang magpapogi!" nang masabi ko iyon ay biglang napatingin sa akin si CK ng deretso. Ewan ko, pero 'yon ang lumabas na salita sa aking bibig. Tinawanan ko siya at inirapan. Nilinga-linga ko ang aking paningin at nahagilap ko si Jerome sa may tabi. "Ikaw Jerome! Akala mo hindi ko napapansin?! Kung galit ka sa akin, harapin mo ako! Hindi 'yong palihim mo akong sinasaktan!" I exclaimed. Napayuko naman siya sa ginawa kong 'yon. Pwes, mahiya kayong lahat. "Ang sasama nin’yo! Mga hayop! Kasing baho ng isang dumi ang mga pag-uugali ninyo. Pwe!" galit kong sabi sabay dura sa kanila. Para bang pinandidirihan ko silang lahat.

Kung sa tingin niyo kaya niyo akong tapak tapakan, pwes nagkakamali kayo ng binangga. Bago ko sila tinalikuran ay inisa-isa ko muna silang tiningnan ng masama lalo na si CK.

"El?" tawag niya ng makaalis na ako ng tuluyan.

El pala, hah? Ngayon nagawa mo na akong tawagin sa nakasanayan mong itawag sa akin. Pero sorry CK, wala na akong pake do’n.
Ewan ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon at saan ako pupunta. Gusto kong umiiyak, pero hindi ko alam kung papaano. Para akong baliw na nakalabas sa isang mental hospital. Nalilito na ako, naguguluhan at ang tanging alam ko lang ay gusto kong mawala na parang bula.

Hindi ko lubos akalain na magagawa akong saktan ni CK ng ganito. Alam kung wala siyang gusto sa akin at hindi niya ako magawang mahalin pabalik. Pero ang lokohin at gawin akong tanga sa harap ng mga kaibigan niya, 'yong ang hindi ko naiintindihan.

Pagod na ako sa kakahabol at kakaintindi ko sa kaniya. Lahat kaya kong gawin. Lahat ng gusto niya ginawa ko. Lahat ng utos niya sinunod ko. Pero ginawa niya lang pala akong tanga.

Uupo na sana ako sa aking kinatatayuan, para kasi akong nanghihina, kaso may biglang tumawag sa akin.

"Ulan?!" tagtataka niyang tawag nang makita niya ako.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap ng sobrang higpit.

"Adi," Dahil sa pagtawag ko sa pangalan niyang iyon, doon na lumabas ang aking mga luha na kanina pa gustong tumulo.

Kumalas siya mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinarap niya ako na puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha. "What happened? Napaano ka?"

Hinawakan ko ang kamay niya na para bang nakikiusap at nagmamakaawa ako sa kaniya. "Adi, please? Ilayo mo ako rito. Itakas mo ako rito."

Pinunasan niya ang mga luhang nakakalat sa aking mukha. Pilit  niya akong pinapatahan mula sa aking kakaiyak. Kinuha niya ang isa kong kamay at hinawakan ito ng mahigpit. "Halika, ilalayo kita rito. Sabay nating takasan ang ang mapang-aping mundo."

Hinayaan ko na lang si Adrian. Gusto kong dlhin niya ako kung saan niya gusto, matakasan ko lang ang mga pangyayari. BIGLANG tumigil ang kaniyang sasakyan sa may malapit na dagat. Nauna siyang bumaba sa kotse niya, saka ako pinagbuksan ng pinto. Inalok niya sa akin ang kamay kaya humawak ako doon. Para bang inaalalayan niya ako palabas ng kaniyang kotse.

Tumigil siya sa may buhangin at naupo. Kagaya niya umupo na rin ako sa buhangin. Hindi na ako umiiyak ngayon dahil napatahan na ako ni Adi kanina. Naik’wento ko na rin sa kaniya ang nangyari kanina. Nakita ang kung anong galit ang namumuo sa kaniyang mga mata. Mabuti pa si Adi nand'yan siya lagi kung may problema ako.

Ramdam ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking katawan. Ang ingay rin ng mga alon sa karagatan. Suot ko pa rin ang damit na binigay sa akin ni CK kanina. Pero natakpan na ito ng jacket na pinapasuot sa akin ni Adi bago kami makarating dito.

"Anong plano mo ngayon?" basag niyang tanong sa aming katahimikan.

I sighed. "Lalayuan ko na si CK, Adi."

Gulat siyang nakatingin sa akin. Matamlay ang boses ko habang sinabi ko iyon. Pero buo na ang aking desisyon na layuan siya.

"Talia, 'wag mong pilitin kong hindi mo kaya."

"Kaya ko-" hindi ko magawang tapusin ang nais kong sabihin. Napatingin ako sa biglang tumunog kong cellphone.

Napalunok ako nang makita ko ang pangalan niya sa screen. Hindi ko ito pinansin at binalik ang aking tingin kay Adi.

"Sagutin mo na, Talia. Kailangan mo rin siyang makausap."

Umiling ako. "Ayaw ko na, Adi. Pagod na ako. Naaawa na ako sa sarili ko."

Kung may dapat man akong kaawaan sa mga nangyayari ngayon, ang sarili ko iyon. Masyado ko na siyang pinahiya at kinawawa. Siguro ito na ng tamang oras para piliin ko muna siya.

"Basta nandito lang ako, Ulan. Hindi kita iiwan," nakangiting niyang paalala.

Ngumiti ako ng mapait sa kaniya. "I know. Sobrang swerte ko nga kasi nand'yan ka palagi pag minamalas ako." I chuckled.

"Talaga bang lalayuan mo na siya?"

Tumango ako sa kaniya. "Oo, gamit ang 7 tasks mo na 'yon."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko tila ba hindi siya makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang 7 tasks niyang iyon. Pero ang tanging alam ko lang ay matutulungan ako nito para tuluyang layuan si CK.
"Naalala mo pa 'yon?" taka niyang tanong.

"Opo, kaya dali na. Akin na ang unang task para masimulan ko na."

Bumuntong-hininga siya. "Talia, 'wag mong pilitin kung hindi mo naman gusto."

Gusto ko, gustong-gusto. Lalayuan ko si CK. Kailangan ko 'yon para tuluyan ko na siyang kalimutan. 'Pag nagawa ko na 'yon, alam kong maging maayos ulit ako. Babalik ulit ako sa dati, kagaya no’ng hindi ko pa siya nakilala. 'Pag nagawa ko ang tasks na sabi ni Adi, aalis na ako sa bahay nila. Doon muna ako kina Marlot maninirahan kasama ang aking mga kapatid.

Sila muna ang pinagtutuunan ko ng pansin sa ngayon, hindi na si CK. Wala kasi siyang ibang alam kundi ang saktan ako. Alam kong kaya ko 'to. Ako si Talia, na kayang gawin lahat ng walang palya.

Ngumiti ako kay Adrian. Para bang hindi ako nagsisisi sa mga nais kong mangyari. "Gusto ko, Adi. Lalayuan ko na siya."

Tumango naman siya. "Ask him to go on a date with you."

"Hah?" gulat kong tanong. "Akala ko ba lalayuan ko siya, eh, bakit kailangan may date?"

Tumawa siya sa reaksyon kong iyon. Kunot lang ang noo ko sa kaniya. Baliw ba siya? "Tsk. Relax. Unang task pa lang 'yan. Trust me, you'll enjoy this one."

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa ‘yo,"

Tinawanan niya lang ako nang may biglang nag-text  sa akin. Napatigil kaming pareho at napatingin sa phone ko. Kinuha ko ito at nakita ko ang text ni CK doon.

From: Del Franco
I will do everything. Kausapin mo lang ako. I need to tell you something.

I bit my lower lip. Nang matapos kong basahin ang text niyang iyon ay agad ko itong pinabasa kay Adrian.

He shrugged. "Sakto! Reply-an mo na. Yayain mo ng date,"

I gulped as a calmed myself down. This is it, Talia. Kaya mo 'to. Nanginginig ang kamay ko nang magtypa ako sa itutugon ko sa text niyang iyon. Nang masulat ko na iyon sa inbox ko ay agad ko itong senend sa kaniya.

To: Del Franco
Go on a date with me tomorrow.

Nilingon ko si Adi na ngayon ay nakatingin na sa kalangitan. Sana nga tama ang desisyon kong layuan si CK. Sana hindi ko ito pagsisisihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top