Chapter 003

Minsan kung sino pa

ang taong ginusto 

natin sila pa ang taong

mananakit sa atin ng sobra.

Chapter 003
[Partner]

"KAMUSTA ang lakad mo kahapon, anak?"
napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga gamit  sa school nang tanungin ako ni Nanay Maria. Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang kalimutan ang sakit na nararamdaman ko mula sa mga pangyayari. Hindi ako nagdalawang-isip pa kahapon at agad umalis sa bahay namin. Umalis ako kasi hindi na naman nila ako kailangan. I need to fight for myself. I need to be okay to hide the scars in my heart.

Bumuntong-hininga ako bago ko nginitian ng mapait si Nanay. Nakita ko rin na naghihintay lang siya sa maisasagot ko sa kaniya.

"Okay lang po, Nay." walang gana kong sabi.

Tumango lang siya sa akin bilang tugon. Magpapatuloy na sana ako sa ginagawa ko nang biglang magtanong si Nanay na siya namang ikinakaba ko ng husto.

"Sumama ba si Clifton sa ‘yo?"

"Ah, ano po," I paused. Nabubulol ako, kasi alam kong kailangan ko na namang maghanap ng dahilan para malinis siya kay Nanay. "May lakad siya kahapon, eh, kaya hindi siya na kasama."

Kunot ang noo niya sa sinabi kong iyon at napahugot siya ng isang malalim na hininga. Lumapit siya ng kunti sa akin dahilan ng makagat ko ang aking pang-ibabang labi sa kabang dulot nito. "Ibig sabihin mag-isa ka lang umuwi sa inyo kahapon? Hindi ba't-"

Hindi ko na siya ginawang patapusin kasi alam kong sesermonan niya na naman ulit ako. I gulped as I calmed myself. "Ano ka ba nay, ayos lang 'yon. Mabuti nga at hindi siya sumama." I smiled sharply.

Hinayaan ko na lang siya na tingnan ako ng puno ng pagtataka. Pinagpatuloy ko naman ang pag-aayos sa aking gamit para makapasok sa school. I'm wearing my uniform today. Pero ang upper dress nito ay jinacket-tan ko kasi medyo maginaw ang panahon. Insaktong na ayos ko na lahat ng kailangang ayusin, akmang aalis na sana ako nang bigla magtanong ulit si Nanay.

"Tapatin mo nga ako, Talia." she stopped and she looked at me with curiosity. "May nangyari bang hindi maganda sa pagdalaw mo sa pamilya mo kahapon?"

Napalunok ako ng madiin sa tanong niyang iyon. "Po?"

Nasa akin ang buo niyang atensyon. Tila ba inaalam niya ang nais kong itago sa kaniya. Ganito talaga si Nanay, lalo na 'pag may nararamdaman siyang mali at kakaiba sa kinikilos ko. I don't know what to say or I don't know how to escape her question.

"Talia?"
I cleared my throat and gulped hard. "Ah, wala po. Pero masaya po ako kasi nakita ko ulit ang mga kapatid ko." Napakamot ako sa aking ulo sa sinabi kong iyon. "Sige po nay, papasok na po ako."

Sana nga gano’n  ang nararamdaman ko, sana nga masaya. Pero alam ko sa sarili ko na hindi. Walang dapat ikatuwa para maging masaya kasi wala naman talaga. Ako na lang mag-isa ngayon kasi ang pamilya ko ay may kaniya-kaniya ng pamilyang itinuturing. At hindi ako kasali do’n.

Tumango naman siya. "Sige anak, mag-iingat ka."

Kahit gusto ko mang sabihin kay Nanay ang totoo, pero hindi ko alam kung papaano. Kaya ko namang dalhin lahat ng sakit. Sa tingin ko, hindi ko na iyon kailangan pang sabihin sa kaniya. Paglayo ko sa kaniya ng kunti ay nilingon ko siya ng bahagya, pero nakatalikod na siya sa akin. Bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang umalis. MAAGA akong nakarating sa school. Napapansin ko ring marami na ang mga estudyanteng naririto.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong nagtaka kung bakit ang mga estudyanteng nadadaanan ko ay nakatingin sa akin. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa sabay tawa ng bahagya. Tapos may binubulong na kung anu-ano. I felt awkward kaya mas binilisan ko pa ang aking kilos. Nang malapit na ako sa silid namin ay may biglang sumigaw na lalaki na kaklase ko rin. What the hell is happening to them? Bakit nila ako pinagtitinginan?
"Guys, nandito na ang yaya ni Clifton!"

Natatawa na sigaw no’ng guy sa mga kaklase namin. Nakatingin na silang lahat sa akin ngayon, para bang inaalam nila ang bawat hakbang na gagawin ko.

"Hi, yaya Talia." natatawang sabi no’ng isa kong kaklase.

Nilingon ko siya gamit ang blangko kong ekspresyon sa mukha pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Bigla naman akong napalingon sa bandang kanan ko nang may biglang humagit sa aking bag.

"Hi, yaya!" natatawa niyang sabi habang pilit kunin sa akin ang mga gamit ko.

Nag-init bigla ang ulo ko sa pinanggagawa nila kaya hinarap ko sila ng pagalit. "Ano ba! Tumigil nga kayo!" I exclaimed.

Alam kong rinig 'yon ng iba pang estudyante dahil sa sobrang lakas ng pagkasigaw ko. Naagaw ko ang atensyon nila. Pero parang mali ‘ata ako kasi mas lalo pa nila akong pinagtatawanan at pinag-uusapan. May nagawa ba ako? Anong palabas ang mga 'to?

"Tsk. Kung makaasta akala mo gusto siya ni Clifton. Yaya lang pala." sabi no’ng feeling mayaman kong kaklase.

Umiling ako. Kinuha ko naman ang mga gamit ko na nahulog sa sahig dahil sa mga tarantadong umagaw nito sa akin kanina, saka ako nagsimulang maglakad muli. Hindi pa man ako nakagawa ng ilang hakbang napatigil ako sa sunod kong narinig mula sa aking kaliwa.

"Ewan ko ba at siya pa talaga ang napili ni Clifton na maging maid sa bahay nila. Wala naman 'ata 'yang alam sa paglilinis, eh." she chuckled.

"Working student pa nga," sabi no’ng ka usap niya.

I gulped hard as I calmed myself down. I'm trying my best not to pay attention. Sa kabila ng mga pinaggagawa ko para kay Clifton, hindi ko akalain na ito pala ang aabutin kong kahihiyan. Masama na ba ang maging katulong slash working student ngayon? Porket ba mayaman sila, pinagtatawanan na nila ako?

I bit my lower lip before I walked again. Relax Talia, they are just a jealous beast. Tandaan mo si Talia ka. Mabait, maganda at lahat-lahat na, samantalang sila mga inggitera lang.

Wala yata silang balak na tantanan ako. Kahit nasa pintuan na ako ng silid namin ay nagawa pa rin nilang patigilin ako mula sa aking paglalakad. Kahit anu-ano na lang ang naririnig ko mula sa kanilang mga bibig. At kung nakakamatay man ang tingin, siguro kanina pa ako nakahandusay sa sahig.

"Kawawang babae, pinagsisiksikan ang sarili sa taong walang pake sa kaniya."

Napapikit ako ng mariin sabay yukom sa aking mga kamao dahil sa sobrang inis. Alam kong galit sila sa akin dahil kay Clifton, pero bakit ganito? Bakit hindi nila magawang diretsuhin ako? At sabihin sa akin kung bakit sila nagkaganito? Sa pagkakaalam ko galit sila dahil pinagsiksikan ko ang sarili ko kay CK. Pero 'yon lang ba talaga o may higit pa?

Gusto kong alamin ang buong k'wento, pero hindi ko alam kung paano. Tuluyan na akong nakapasok sa silid namin. Nilapitan ko ang isa sa mga kaklase ko para alamin ang mga nangyayari.

"Jessa, anong mayro’n?" takang tanong ko sa kaniya.

Hindi pa man ako lubusang nakalapit sa kaniya ay bahagya siyang napaatras tila ba may kinatatakutan. "Talia, 'wag kang lalapit baka awayin nila ako."

Kunot noo akong napatingin sa kaniya. "Hah?” I paused nang tuluyan niya akong nilayuan. Pinuntahan ko naman ang isa kong kaklase na nakatayo sa may tabi ko. "Bea-"

Hindi ko man lang nagawang tapusin ang nais kong sabihin nang irapan niya ako, saka naupo sa kaniyang upuan. Ang weird nilang lahat. Ano ba kasing mayro'n sa kanila? I roamed around. All my classmates are busy watching videos on their phones. Ano ba ang tinitingnan nila? Napalunok ako nang nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.

Wala na akong balak na pansinin pa sila kaya napagpasyahan kong maupo na lamang sa akin upuan. Wala namang ni isa sa kanila ang may balak na ipaalam sa aking ang mga nangyayari. Nang nakaupo na ako, bigla akong napalingon sa likod ko nang magsalita sila. Narinig ko ang mga marahan nilang pagtawa at bahagyang napatingin sa akin.

"Look oh. She's so kawawa." arteng komento no’ng isa.

I saw the tall girl chuckled a bit then, she looked at me. "Kung ako ang sinigawan at pinagalitan ng gan'yan ni Clifton hindi na talaga ako nagpapakita pa."

"Oh, pumunas pa talaga sa pantalon, hah?!" umiirap na komento ng kaibigan niya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, napatayo ako sa aking upuan para mas lalong makalapit sa kanila. Nakita ko ang pagiging hindi komportable nila sa ginawa ko. Habang ang isa naman ay hindi yata ako napansin kasi nasa video pa rin ang atensyon niya.

"Ano 'yan?" taka kong tanong.

Napatigil 'yong isa dahil sa tanong kong iyon. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Napaawang ang kaniyang bibig nang maaninag niya ako.

She smirked a bit. "Oh, yaya girl. You're here na pala." Hindi ba obvious? Tsk, arte.

I cleared my throat. "Ano 'yang tinitingnan niyo? Ako ba 'yan?"
"Gusto mo makita? Wait," she paused to trailed off. Tumayo siya sa upuan niya, saka may kinuha siya sa loob ng bag niya. Napatigil naman ako sa kinatatayuan ko at napakagat sa loob ng aking pisngi dahil sa kaniyang ginawa. "Yan! Maligo ka muna para mahimasmasan ka!"

Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala pero hindi ko alam kung papaano. Sinamaan ko siya ng tingin nang binato niya sa akin ang plastic bottle ng tubig na ibinuhos sa akin kanina.

She crossed her arms and rolled her eyes like a bitch. "Hindi magiging sa ‘yo si Clifton, Miss Escober! Kaya kung ako sa ‘yo, 'wag mong ipagsiksikan pa ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto!"

Napatawa naman ang mga kaklase ko sa sinabi niyang iyon tila ba pinagkakaisahan ako ng lahat. Nag-iinit na ang mata ko, ramdam ko na mayamaya ay tutulo na ang aking mga luha, pero pinigilan ko ito. Inayos ko ang nabasa kong mukha. Napansin ko rin na nabasa rin pala ang aking jacket. Napatingin ako sa kanila na puno ng galit at inis. Pero hindi ‘ata umepekto 'yon kasi mas lalo nila akong pinagtawanan.

"Talia!" pagtawag sa akin ng isang babae sa aking likuran. Napalingon naman ako sa kaniya.

"What the-" napatigil ako sa kawalan nang binato niya ako ng eraser na puno ng chalked. Insaktong tumama ito sa aking noo kaya may marka ng eraser doon. "Ano bang problema niyo, hah?!" I exclaimed.
I feel pity to myself. Bakit ko 'to pinagdadaanan lahat? Dahil lang ba talaga kay CK? Tiningnan ko siya gamit ang nag-aalab kong mga mata. Napatigil naman ako nang makita ko si Jerome sa may likuran niya at galit na tumingin sa akin. I saw him raised his middle finger on me kaya nag-iwas ako ng tingin. Pati ba naman siya? Bakit parang may mali?

Nagbalik ako sa realidad nang lumapit si Mercedes sa akin. Isa sa mga honor student sa klase. Bigla niya akong pinitikan gamit ang kamay niya sa may bandang noo ko. Hindi ako nakaramdam ng sakit sa ginawa niya, pero mas nasaktan ako sa salitang kaniyang binitawan.

"Bitch," she whispered in horror.

Sisigaw na sana ulit ako nang may biglang tumawag sa kaniya na sobrang galit mula sa aking likuran.

"Mercedes!"

"Clifton?" natatakot niyang tugon.

Nagulat ako nang makita ko si CK na papalapit sa gawi namin ni Mercedes. Mas lalo akong kinabahan kasi masama rin ang tingin niya sa akin. Pagagalitan niya na naman ba ulit ako? Huminto siya sa gitna namin ni Mercedes. Nakita ko rin ang pagbalik ng iba kong kaklase sa kanilang mga upuan at ang pananahimik nila. He gave me a gazed before he looked to Mercedes.

"What do you think you're doing?"

"Ginawa ko lang naman 'yon kasi-"

"Leave," putol na galit niyang sabi.

She cleared her throat while her hands are trembling. "Clifton-"

"Sabi ko, alis!" he exclaimed.

Dahil sa sigaw niyang iyon, may biglang isang lalaki na lumapit sa amin. I looked at him. Para bang ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. Sino siya? Transferee ba siya rito?

"Dre, ano 'yan?" tanong niya kay CK. Magkaibigan ba sila? Pero bakit ngayon ko lang siya nakita? "Anong nangyayari?" pag-aalala niyang tanong.

"Nothing," he sighed. Nakatoon lang ang tingin ko sa guy na iyon nang bigla akong binalingan ni CK ng pansin. "You,"

Nakaramdam ako ng kaba sa aking puso at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "CK, hindi ko alam kung bakit-" he cut me off.

He cleared his throat. "Stop flirting with me para hindi ka nila pag-initan." he stopped. He looked at me and I feel the tension between us. "Hindi kita gusto."

Alam ko naman 'yon pero hindi ko akalain na sa harap pa ng mga kaklase ko niya ito sasabihin. I heard my classmates laughs and gossips kaya mas lalo akong naaawa sa aking sarili.

"CK,"

Balewala lang sa akin ang mga 'yon. Pero mas lalo akong nasaktan at napatigil sa salitang nagpakirot sa puso ko ng sobra.

"Stay away from me. Simula ngayon, ayaw ko ng lumalapit ka sa akin. Lalo na't kami na ni Aivie."

Sila na? Kailan pa? Tiningnan ko siya sa mata, pero nag-iwas siya ng tingin sa akin. Napatingin ako sa aking braso nang may humawak sa akin doon.

"Dre, that's enough." pakiusap no’ng lalaki kanina na ngayon ay hawak-hawak na ang aking braso.

"Magbihis ka. Wag mong hintayin na tutulungan pa kita kasi hindi ko 'yon gagawin." after that, he turned his back at me.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya habang papalayo sa akin. Sila na? Papaano ako? Sa araw na ito, ang tanging alam ko lang na kahit anong gawin ko para ipanalo siya ay nauuwi pa rin ako sa kabiguan. CK and I are not meant for each other. He has Aivie now while me, waiting for him to notice and see my existence.

I heard someone asking me a piece of question that makes me stop from thinking too much.

"Are you okay, Miss?" pag-aalala niyang tanong.

I nodded with my fake smile. "Yeah, thank you."

Ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkahawak niya sa braso ko kaya napatingin ako doon. Imbes na tanggalin niya ang pagkahawak niya doon ay nagawa niyang magsalitang  muli.

"Halika, samahan mo ako. I will buy you clothes. Para makapagbihis ka."

Aangal pa sana ako sa sinabi niya kaso bigla niya kong hilain ng mabilis palabas ng silid namin. Nakita ko ang pagkagulat ng iba kong kaklase, lalo na ni CK. Pero huli na ang lahat ng mga 'yon nang tuluyan na akong makalayo sa kanila. Hindi ko siya kilala at dapat hindi ko siya hinayaan na isama ako sa kaniya. Ngunit ang  tanging alam ko lang ay kailangan ko ito para takasan ang mga panghuhusga ng mga kaklase ko, kahit panandalian lamang.

"Are you done?" mahinang tanong niya sa akin nang makalabas ako mula sa dressing room.

Napatayo siya mula sa kaniyang pagkaupo at nilapitan niya ako. All I know is I need to thank him for saving me and for buying me these pieces of clothes that I'm wearing right now. He bought me a colored peach t-shirt and pants. Siya ang namili no’n kasi maganda raw ako tingnan gamit ang mga damit na iyon. Ewan ko, but I feel comfortable and safe when I'm with him.

Hindi sana ako papayag na siya ang magbayad sa mga 'yon, pero ang sabi niya may pera naman daw siya at   pinilit niya  akong magbihis kaya sa kaniya ang perang ibabayad. I looked at him and smiled. With this stranger besides me, I feel special and worth it.

"Hm, thank you, Mr.-" he cut me off.

"Adrian Crisanto Izrael," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. "That's my complete name. If you want, you can call me Adi. Para hindi masyadong mahaba bigkasin." he smiled.

Umiling ako sa kaniya. "Adi,"

Maganda ang name niya. Ang unique. Bagay na bagay sa katauhan niya. So, he is Adrian Crisanto Izrael?

He smirked. "It sounds good when you whisper my name, ulan."

"Ulan?" taka kong tanong sa kaniya sa tawag niya sa akin.

Nakita ko ang marahan niyang pagtawa at pagtango. Mas lalo naman akong nagtaka sa sumunod na mga salitang kaniyang binitawan.

"Yeah, I know you before. Matagal na kitang nakikita rito. Kilala ko rin ikaw at ang buo mong pangalan."

"Hah, paano?"

Kilala niya ako? Papaano at kailan? Ngayon ko pa nga siya nakita tapos kilala niya na ako?

"Magkaklase tayo pero if you want to know more…” he paused.  “Malalaman mo rin balang araw, Miss Talia Ellaña Escober." pagpapaliwanag niya. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. What? Magkaklase kami? Bakit hindi ko alam? Nakatingin lang ako sa kaniya na puno ng pagtataka. All of my classmates out there, may nakakakilala at nakakakita pala na nag-eexist ako? At si Adrian 'yon. "I google your name. And I found out that Talia means rain. Ulan." he added.

"You did that?"

Halos lumuwa na ang mata ko sa laki dahil sa sinabi niyang iyon. He did what? Searching my name on google? Really? Why? I know the real meaning of my name because my parents used to tell me that one. Talia means rain from heaven. Pero hindi akalain na inalam niya rin ang meaning ng pangalan ko. 

Mas lalo akong nagtaka kay Adrian. Para bang gusto kong alamin ang mga bagay na dapat niyang sabihin sa akin. Sino ka ba Adi? Bakit mo ako kilala ng lubusan?

He smirked. "Yeah," he stopped for a second. "By the way, kailangan na nating pumasok baka mahuli pa tayo."

Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon para  pumasok sa aming klase. KINABUKASAN ay sobrang gulo ng mga kaklase ko sa loob ng silid namin. They are busy finding their partners for our task. Parang nakalimutan na nga nila ang nangyari kahapon. Para sa kanila, hindi pa rin nila ako nakikita.

Nagbuntong-hininga ako at tinuon na lang ang aking sarili sa aking libro. Ano naman ang gagawin ko? Makisawsaw sa mga taong ayaw sa akin? Nilingon ko si CK sa kinauupuan niya. He's smiling genuinely while me is hurting inside. Ang saya niya. Nagagawa niyang maging masaya ng wala ako. Sana kagaya mo rin ako CK. Sana kaya ko rin ang maging masaya kahit hindi ikaw ang dahilan.

Siguro pinagpapaniwala ko lang ang sarili ko na magiging tayo rin balang-araw, kahit malabo naman ang lahat. I bit my lower lip when he caught me looking at him. Nag-iwas naman ako ng tingin kasabay nang muling pagsasalita ng instructor namin.

Tinoon ko ang aking atensyon sa pisara, tila walang pake sa mga nangyayari sa aking paligid. I smiled forcely nang mapagtanto ko ang aking sarili sa loob ng silid na ito. Kaklase ko ba talaga sila o ako lang itong nagpapaniwala na nag-eexist ako sa mga taong nasa paligid ko?

"Okay na ba ang lahat? May mga partner na ba kayo for reporting?" tanong ni Miss sa amin.

"Yes, Miss!" masaya at sabay na sagot ng mga kaklase ko.

How about me? Marami naman kami, ah? Bakit ayaw nila akong makasama? Tsk. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila. Kulang na lang na ipagtulakan nila akong lumipat ng school para mawala ako ng tuluyan dito.

"Good," she replied. "Lahat na ba talaga ay may partner na or-"
"Miss," I cut her off.

"Yes, Miss Escober?"

Nakita ko ang pag-iinarte ng mga kaklase ko sa ginawa kong pagtawag sa guro namin. Nakatingin lang siya sa akin. Para bang naghihintay siya sa aking sasabihin. Napayuko naman ako ng bahagya dahil sa kahihiyan na aking naramdaman bigla.

Kahit pa siguro magmakaawa at lumuha ako ng dugo sa harapan nila, wala pa rin talaga silang pake sa akin. Basta ang tanging alam ko lang, mag-isa ako. At ang aking sarili lamang ang kakampi ko sa oras na ito. Kahit si CK, pinaparamdam niya rin sa akin na wala akong maaasahan sa kaniya kagaya ng mga kaklase ko.

Ako si Talia, ang babaeng inaayawan ng lahat kahit ng pamilya ko. Masakit, pero 'yon ang totoo.

"Wala po akong partner," mahina kong tugon.

Nagulat siya sa sinabi kong iyon. Napuno siya ng pagtataka na tumingin sa mga kaklase ko. "Oh, paano 'to? Sinong may gustong makasama si Miss Escober sa reporting?"

Napangiti ako ng mapait kasi ni isa sa kanila ay walang sumagot. Nilingon ko si CK, nagbabasakaling siya ang sumagot, pero nag blangkong ekspresyon lang siyang nakatingin sa akin. Siguro may partner na siya. Si Aivie.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang may biglang sumigaw sa may pintuan namin. Napabaling kaming lahat ng atensyon sa kaniya dahil sa gulat. Kahit ako ay nagulat din sa ginawa niyang iyon.

"Ako, Miss!"

"Oh, Mr. Izrael? Mabuti naman at naisipan mo pang pumasok."

Napakamot siya sa kaniya ulo sa sinabi ni Miss, at bahagyang natawa. Maski ako natawa rin sa reaksyon niyang iyon, pero hindi ko iyon pinakita sa lahat.

"Sorry Miss, nasira kasi kotse ko kaya natagalan akong makapasok." pagpapaumanhin niya.

Inirapan naman siya ni Miss. "Okay. Whatever. You may take your sit."

Sumunod naman siya, saka naupo sa aking tabi. Akala ko ay sa kaniyang upuan siya uupo, pero laking gulat ko na lang nang tumabi siya sa akin. Ngayon ko lang naalala na magkaklase pala talaga kami. Hindi ko alam kung saan siya nakaupo noon kasi hindi ko talaga siya napapansin.

Mabuti na lang narito siya at may partner na ako sa reporting namin. Nang nararamdaman kong maayos na siya mula sa pagkaupo niya ay nilingon ko siya ng kunti. Napatingin din siya sa akin sa ginawa kong iyon.

"Adi," 'yan lang ang nagawa kong salita.

"Sabi ko na nga ba at may swerte ako ngayon, eh. Akalain mo naging partner ko sa reporting ang pinakamatalino at pinakamagandang babae sa classroom na 'to." masaya niyang komento.

Napakagat naman ako sa labi ko sa sinabi niya kasi nahihiya ako. Pero dahil do'n may kung anong saya ang dulot ng mga salitang 'yon sa puso ko. Ngayon ko lang narinig mula sa isang tao na hindi ko kilala na matalino at maganda pala ako. Si Adi pa lang ang nakapagsabi no'n sa akin.

Sa kabila ng mga panlalait at mga tsismis na masasamang narinig ko mula sa ibang tao, may isang tao pala ang nakakita ng halaga ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niyang 'yon o nagbibiro lang siya. Pero ang mahalaga narinig ko na may halaga pala ako sa mundong ito.

Matagal na ako sa paaralang ito. Ngayon parang mayro’n na akong taong kakampi at matatakbuhan. Hindi pa man kami masyadong close, pero doon din 'yon papunta.

Napansin ko na para bang may matulis na matang nakatingin sa akin kaya napalingon ako.  I saw CK's eyes na para bang galit na galit siya sa akin. Napalunok muna ako bago bumaling ulit kay Adrian. Galit na naman ba siya? Palagi na lang ba?

"Adi, ang lakas ng boses mo, nakakahiya." pagsaway ko.

He chuckled and winked. "I got ya', babe!"

Inirapan ko lang siya. Hindi ko na magawang tugunin siya nang magsalita ulit si Miss.  "Ngayon na okay na ang lahat. Mamaya ay ipapaskil ko sa labas kung ano ang ere-report ninyo sa klase at kung kailan niyo gagawin. So for now, you can have your break. Goodbye, class!"

Tumayo naman agad kaming lahat sa kaniya-kaniya naming upuan bago tugunin.  "Goodbye, Miss Capistrano!"

Kagaya ng sabi ni Miss, lumabas na kami para makapag-break. Kasama ko si Adi na lumabas sa silid namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi nakasunod lang ako sa kaniya. Ewan ko ba, pero hinayaan ko na lang ang sarili ko sa kasusunod sa kaniya.

"Salamat Adi, hah? Kung hindi ka dumating baka wala talaga akong makasama sa reporting." basag ko sa katahimikan na namumuo sa pagitan naming dalawa.

He smirked and gaze at me. "Ulan, ano ka ba. Ako nga dapat ang magpasalamat, eh, kasi pumayag ka na maging partner mo ako."

Nakita ko ang masayang ekspresyong nakaguhit sa mukha niya. May naisip naman akong itugon para matawa siya lalo.

"May choice ba ako?"

Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Para bang umaakto na nasasaktan siya sa sinabi kong iyon. "Woah. Sakit naman no’n, Miss Ulan!"

Tumawa lang ako sa ginawa niyang 'yon. Ang cute niya kasing inisin. Para siyang artista na nawalan ng raket sa showbiz. Iinisin ko pa sana siya nang may biglang nagpahinto sa akin.

"Totoo naman- CK?" gulat kong sabi nang makita ko siya.

I saw the cold reaction on his face. Kinabahan naman ako sa presensya niya dahilan ng mapatingin ako kay Adi, na nakatingin din kay CK.

"Follow me," malamig niyang utos.

"Dre?" pagtawag ni Adrian sa kaniya.

Hindi niya man lang pinansin o binalingan ng tingin kasi nasa akin ang buo niyang atensyon. Ano na naman ba ang kailangan niya? May ipapagawa na naman ba siya para kay Aivie? Sila na naman, ah? Ano pa ang gagawin ko?

Bigla namang kumirot ang dibdib ko nang maalala ko ang sinabi niya sa akin. Kailangan ko na siyang layuan, lalo na't sila na ni Aivie. Gustuhin ko man, pero hindi ko yata kaya kasi mahal ko siya.

"Sumunod ka lang sa akin, Talia. Kailangan kitang makausap." malamig niyang sabi, saka tumalikod.

I know he's mad at me because he used to call me El not Talia. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagtulak ni Adrian sa akin. Tila ba nais niya akong pinapasunod kay CK.
He smirked. "Go, I will see you in the class later."

Tumango lang ako sa kaniya’t ngumiti ng kunti bago sumunod kay CK. Napahinto naman ako sa may hagdanan nang huminto rin si CK doon. Hinarap niya ako gamit ang blangko niyang ekspresyon sa mukha, dahilan ng nakakunot ang noo kong napatingin sa kaniya.

"CK? Anong mayro’n? Bakit mo ako pinapasunod sa ‘yo-" hindi ko nagawang tapusin ang sinabi ko. May inabot siya sa akin na isang maliit na kapirasong papel. "Ano 'to?"

Nakita ko naman na may nakasulat na lugar sa papel na iyon. Ano na naman ba ang gagawin ko rito? May iuutos na naman ba siya sa akin?

"Pumunta ka d'yan mamaya,"

"Hah, anong gagawin ko do’n?"

"Basta. Pumunta ka lang do’n. Don't worry, hihintayin kita do’n. Hindi ka mag-isa sa place na 'yan kasi nandoon din ako."

May kung ano sa akin na para bang sinasabi na 'wag ko siyang sundin kasi parang may mali. Pero iba naman ang sinasabi ng puso ko, si CK siya kaya dapat sundin ko siya. Dapat lahat ng gusto niya ay gugustuhin ko rin.

"Bakit naman ako pupunta sa lugar na 'to?" hindi ko mapigilang hindi mapatanong dahil sa labis na pagtataka.

He cleared his throat and gulped heavily. "Just do it and you'll know."

"CK-"

Tinalikuran niya na ako. Hindi niya man lang ako hinayaan na tapusin ang nais kong sabihin sa kaniya. Kunting tiis pa Talia, mapapansin ka rin niya. Balang-araw makikita rin ni CK ang halaga mo. KAGAYA ng napag-usapan namin ni CK, pagsapit ng gabi ay agad akong pumunta sa lugar na sinabi niya.

Sobrang lamig dito kaya napayakap ako sa sarili ko. Kanina ko pa ni linga-linga ang paligid pero wala akong ni anino ni CK na nakikita. Pinaglalaruan niya ba ako? Napahilot ako sa sentido ko nang basahin muli ang nakasulat sa papel na ibinigay niya. Tama naman ang nakasulat. At 'eto nga ang pinuntahan ko, pero nasaan siya?

Sobrang ganda ng lugar, maraming halaman na magaganda. Maraming lamesa ang nasa paligid na puno ng mga couples na tila ba nagkakaroon ng baby time. Napaisip naman ako kung bakit nga ba ako nandito. Lumakad ako ng bahagya at lumapit sa may malapit sa fountain.

"Nasaan na ba 'yon? Tama ba talaga 'tong pinuntahan ko?" tanong ko sa kawalan.

Nang may nakita akong babae na papalapit sa akin ay sinalubong ko siya para makapagtanong. "Ah, excuse me?"

"Yes?"
Pinakita ko sa kaniya ang papel na ibigay sa akin ni CK. "Tama naman ako ng pinuntahan ‘di ba? Ito ba ang lugar na 'to?"

She smiled as she replied. "Yeah, ito nga."

"Okay po. Salamat."

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ko sa kaniya hanggang sa naisipan ko ang tawagan siya. Ilang ulit kong sinubukan na kontakin siya, pero ayaw talaga. "CK, nasaan ka na ba? Bakit hindi ka ma-contact?"

Nag-aalala na ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa kaniya. Baka kasi may mangyaring masama sa lalaking 'yon kaya wala pa rito. Nangangawit na ang paa ko sa kakatayo at sa kakalalad. Marami pa naman akong assignments ngayon ni hindi ko man lang nagawang sagutan ang mga iyon dahil nandito ako.

I decided to search him again. Gano’n na lang kalaki ang ngiting nagawa ko nang makita ko siyang nakatayo sa may malapit na mesa. Para bang may hinihintay.

"Si CK ba 'yon?" masaya kong tanong sa sarili ko. Naghihintay ba siya sa akin? Akmang lalapitan ko sana siya nang bigla akong na semento sa aking kinatatayuan. Nagawa ko pa ang magsalita, pero nasaktan na naman ako. "Siya nga! CK-"

"Babe," tawag sa kaniya ni Aivie, sabay halik sa labi niya.

Napakagat ako ng madiin sa aking pang-ibabang labi. Ang tanga-tanga ko. Bakit hindi ko man lang naisip 'to? Hayop ka CK, alam na alam mo talaga kung papaano ako paglaruan!

Parang sinaksak ang puso ko, ngunit hindi ko magawang umiyak kasi alam ko may rason kung bakit ito nangyari. Si CK siya kaya hindi dapat ako magalit sa kaniya at kailangan ko siyang intindihin. Baka kaya niya ako pinapunta rito para bilhan ng gifts si Aivie or something para sa kaniya. Tsk. Ayan Talia, binibigyan pa kasi ng meaning, eh.

Matapos ang halik na iyon ay gulat siyang napatingin kay Aivie. Pero hindi ko magawang marinig ang lahat ng sinabi niya nang may biglang humila sa akin.

"Aivie, what are you-"

Napasigaw naman ako dahil sa panghihilang iyon. "Sandali lang! Sino ka ba- Adrian?"

Nang binitawan niya ako, nagulat ako ng makita ko si Adrian na malamig na tumingin sa akin. Nakunot ko naman ang aking noo sa pagtataka. Paano siya nakarating dito?

"Halika na, wala kang mapapala sa lalaking 'yan." sabi niya habang pilit akong kaladkarin paalis.

Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa akin. Napuno ako ng pagtatakang tumingin sa kaniya. Sinusundan niya ba ako?  "Paano mo nalaman na nandito ako?"

He sighed. "I will explain it to you later. Kailangan mo muna ang umalis dito. Hindi 'to makakabuti sa ‘yo."

Hindi na ako nakapagsalita pang muli nang bigla niya akong kaladkarin paalis sa lugar na iyon. Dinala niya ako sa may malapit na Mcdo sa pinuntahan namin kanina. Mabilis lang namin itong narating dahil may kotse siya. Tahimik lang kami sa loob ng kaniyang sasakyan kasi ni isa sa amin ay walang gustong magsalita.

"Eat," malamig niyang utos nang makarating na ang order namin sa mesa.

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang katanungang nagawa kong itanong sa kaniya.

"Adi, bakit ka pala nandoon?"

Imbes na sagutin ako sa katanungan kong iyon ay nag-iba siya ng usapan. Mas lalo akong nagtaka sa sumunod niyang sinabi sa akin. "Kumain ka muna, Talia. Alam kong hindi ka pa kumakain."

"Hah, paano mo nalaman-" he cut me off.

Umiling siya at nakita ko rin na nagkibit siya ng balikat. "Just eat. Sinadya kong umorder ng marami para mabusog ka."

Marami naman talaga kasi ang inorder niya. Hindi ko alam kung paano ko uubusin ang mga ito. Tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon. Kumain akong mag-isa kasi wala yata siyang balak na sabayan ako sa pagkain. Ewan ko, pero hindi ako nahihiya na kumain ng marami sa harap niya. Kung si CK pa siya baka nagpapakyut na ako sa mga pagkaing sinusubo ko.

Napahinto ako sa pagkain ko nang muli siyang magsalita. "Bakit ka sumunod sa sinabi niya?"

I bit my lower lip. "Sabi niya kasi pumunta raw ako roon."

He tsk-ed. "Sumunod ka naman? Talia, hindi ka niya utusan para gawin 'yon."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niyang iyon. He has a point, but he doesn't know why I'm doing those things for CK.

Gano’n na rin ang tingin niya sa akin, malamig at nakakapagtaka. Napangiti ako sa kaniya sabay inom ng drinks na binili niya para sa akin. "Yaya slash working student ako sa bahay nila, Adrian."

He clenched his fist. Nagulat naman ako do’n. Para kasi siyang nanggigil sa sinabi kong iyon. Bakit ka ganito, Adrian? May alam ka ba o galit ka  kay CK?

"Pero hindi kasama do’n ang gaguhin ka niya ng palihim." diin niyang sabi. "Know your worth. Hindi ka niya deserve."

Napapikit ako ng bahagya sa sinabi niya. "Mahal ko si Clifton, Adrian."

Napahilot ako sa aking noo sa sinabi kong iyon. Napamura naman ako ng paulit-ulit sa aking isipan. Bakit ko ba sinabi 'yon?

He chuckled a bit. "That's not a good reason para magpauto ka. You can love him anytime if you want. But making yourself a fool? Yon ang hindi p'wede."

"Hindi mo ako naiintindihan, Adrian."

Mahina ko 'yong sinabi sa kaniya para depensahan ang sarili ko. Pero mas nagulat ako sa pag-amin na kaniyang ginawa.

"No. I do understand you." he paused and swallowed hard. "Gaya mo, naging bulag at tanga na rin ako sa pag-ibig na 'yan kahit hindi ako magawang pansinin ng babaeng mahal ko, matagal na."

"Adi,"

Para akong nahiya sa salitang nasabi ko sa kaniya kanina. Sana hindi ko na lang pala sinabi iyon. I saw him with the pain living in his eyes. Pero nakita ko pa rin ang kag’wapuhan sa kaniyang mukha. Hindi ko akalain na may papantay pa pala sa taglay na kapogian ni CK. Kung g'wapo si CK, mas kakaiba naman ang dating at kag'wapuhan ng isang 'to. Ngayon ko lang napansin.

Alam ko sa likod ng mga makukulay na mata niyang iyon ay may nakatago na sakit. Sakit na nais niyang sabihin pero nahihirapan siyang gawin. Hindi ko lubos akalain na kagaya ko, hindi rin pala siya magawang pansinin ng babaeng mahal niya. Sino kaya ang maswerteng dilag na iyon? Kilala ko kaya siya?

Kung ipakikilala siya ni Adrian sa akin, I will help him to chase the girl that she loves the most. Gusto ko na mapansin din siya ng babaeng 'yon. Para hindi siya maging isang kawawang tulad ko na nag-aasam na baka mamahalin din pabalik ng taong iba ang gusto.

He smirked and looked on my eyes straight. "kagaya mo, hindi niya rin nakikita na nag-eexist pala ako sa mundong ito.  Busy kasi siya sa kakahabol sa lalakin hindi naman siya ang gusto."

Ramdam ko ang sakit na mayro’n siya sa boses niya. Hindi pala ako nag-iisa. Like me, pati pala si Adrian ay nakaranas din ng one-sided love. How funny, right?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top