Chapter 002
Kaya tayo hindi pinipili
ng taong mahalaga sa
atin kasi hindi rin natin
magawang piliin ang
ating mga sarili.
Chapter 002
[Leave]
DAYS passed quickly. Naglilinis ako ng mga gamit sa mesa habang hindi maiwasang mapatingin sa kinaroroonan ni CK. He's with his friends and they are enjoying themselves talking about boys staffs. I smiled bitterly when I remember what he said to me earlier. Pinakiusapan niya ako na tratuhin siya bilang amo ko kasi nandito ang mga tropa niya. We need to act like how we treated each other in school. Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon kasi alam ko na kinakahiya niya na naman ako sa harap ng maraming tao. Wala na akong iba pang magawa kundi ang sumunod na lamang sa utos nito.
Nagpatuloy lang ako sa aking paglilinis nang bigla siyang lumingon sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Pero akala ko makakalusot na ako do’n, hindi pa pala. Bigla niya akong tinawag dahilan ng matigil ako sa aking ginagawa.
"El, come here." he commanded.
Agad naman akong lumapit sa gawi nila. Napatingin sa akin ang mga barkada niya dahilan ng mapayuko ako matapos siyang tugunin.
"Yes po?"
He cleared his throat. "Pakidalhan kami rito ng maiinom, saka makakain na rin."
Nakita ko ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Para bang sinuri niya ako sa sout kong pang kasambahay na damit. Bakit? Ito naman ang gusto niya, ah? Napalunok ako sabay iwas ng tingin.
"Okay," I uttered.
As I turned my back to them to do what he wanted me to, I stopped suddenly when one of his friends called me.
"Miss Escober," tawag sa akin ni Jerome. Napalingon ako sa kaniya dahilan ng makita ko ang kaniyang pagngiti. "You look prettier day by day." he smirked.
Nakita ko rin ang reaksyon nang dalawa pa nilang kaibigan. I don't know why, but it makes me gaze to CK's direction. Nakita ko ang malamig na ekspresyon niya sa mukha. Tila ba walang pake sa mundo. I smiled to Jerome a bit.
"I take that as a good compliment, Mr. Aquino."
They are my classmates, but we are not that close in school. Hindi ko sila bati lahat at hindi rin nila ako kinakausap doon. They are one of the reasons why Ck's avoiding me. Maybe they think that I'm not rich and good looking like the other girls. That’s why they treat me like that. Well, I don't care. As long as I'm breathing and kicking life must go on. May kaibigan man o wala, wala akong pake. Hindi man nila ako pansinin, ang mahalaga si CK pinapansin niya ako kahit 'pag kami lang.
"You can go now, El. Don't forget to bring us what I asked for."
When I heard those words from CK, my smile's fade. Bakit ang lamig niya ngayon? Parte ba 'yon sa acting niya? Wala naman akong masagot sa mga katanungan kong iyon kaya tinalikuran ko na sila. Mabilis kong tinungo ang kusina at agad kong ginawa ang utos ni CK sa akin. Nang matapos kong ayusin lahat, at natapos na rin ang niluto ko ay agad kong nilingon si Nanay Maria. I want to ask her if I did everything good. At kung naaayon ba ang mga ito sa utos ni Ck. I don't want to disappoint him and to be mad at me.
I sighed and shrugged. "Nay, ayos na po ba 'to? Baka kasi may kulang pa,"
She looked at the foods and drinks that I prepared then, she tapped my shoulder. "Nako anak, sa katunayan ang dami na nga n'yan. Sige na, dalhin mo na 'yan doon baka pagalitan ka pa ng señorito mo."
I saw her chuckled like she's trying to make me smile and calm. I don't used to call CK as señorito because he don't want me to. No’ng bago pa lang akong nagtatrabaho sa kanila, señorito ang tawag ko sa kaniya at na galit siya sa akin dahil do’n.
I nodded with a smile. "Sige po,"
Sana magustuhan nila ito. Ilang sandali pa ay napatigil sila sa kanilang pag-uusap nang makita nila akong papalapit sa kanila. Napaayos naman si CK sa kaniyang pagkaupo at nakita ko rin ang pagkunot niya sa kaniyang noo.
"What took you so long?"
I gulped. "Ahm, sorry po. Niluto ko pa kasi ‘yong iba-"
Hindi ko nagawa na tapusin ang aking paliwanag sa kaniya nang magsalita siya agad. "Just put it there and you can leave."
Nilapag ko sa mesa lahat ng aking inihanda para sa kanila. Nang matapos ko iyon ay nag-ayos ako ng tayo, saka humarap kay Ck.
"Wala na po ba kayong iuutos-" He cut me off.
"Leave," malamig niyang sabi.
Natataranta naman ako sa sinabi niyang iyon. Feeling ko galit na siya. Paalis na sana ako nang biglang matamaan ng tray na dala-dala ko ang tubig sa mesa na malapit kay CK na naging dahilan ng magulat siya.
"What the hell is wrong with you, Talia?!"
He exclaimed. Napatayo siya ng mabilis dahil do’n dahil nabasa ko ang pantalon niya sa may parteng paa. Agad ko naman siyang nilapitan, saka pinunasan siya doon.
"Nako, CK. Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sor-“
"Stop," he paused. Then, moved a little away from me. "Don't touch me.” he pleaded.
Tinigil ko naman ang pagpunas ko sa kaniya. Nakita ko rin ang pagkagulat ng kaibigan niya, maliban kay Jerome. Lagot ako nito. I gulped as a calmed myself a little while he's continue wiping his pants.
"Sorry talaga," my voice cracked.
Biglang nanginig ang katawan ko nang simaan ako ng tingin ni CK. He let out a deep breath. Nakita ko rin ang pag-igting ng kaniyang panga. Is he that mad for what I did?
"P'wede ba umalis ka na lang!" he exclaimed.
I cleared my throat. "CK,"
"I said leave! Hirap ba intindihin yo'n?!"
Napaatras ako ng kunti sa sigaw niyang iyon. Galit nga siya. Nilingon siya ni Jerome dahil sa pagtaas ng boses ni CK sa akin. "Dre, stop shouting her."
I bit my lip. CK looked at him and smirked. He threw the tissue on the table and massaged his temple. "What the fuck, man! Didn’t you see? Nabasa niya ako!"
"She apologized naman ‘di ba? And besides, hindi niya sinasadya na basain ka." pagsasabi ni Jerome sa kaniya. Nagawa niyang magsalita gamit ang mahinahon niyang boses.
"Kahit na! She's too stupid!"
"Clifton Khale!"
Mas lalo akong kinabahan nang mawari ko kung sino ang tumawag sa kaniya. Napatigil kaming lahat at napatingin sa umeksena. Ramdam ko ang mabilis na kaba sa aking dibdib. Para bang may mga kabayong nagtatakbuhan doon.
"Mom?" hindi makapaniwala na tawag niCK sa ina.
She looked at CK with a mad face. "Bakit mo pinagtataasan ng boses si Talia?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi ni tita Cheallou. Narinig ko ang pagtawa ni CK ng bahagya. Para bang hindi siya makapaniwala sa nagawang tanong ng ina.
"Binasa niya ako, Mom!" he replied.
Tita rolled her eyes and closed her arms strictly. "That's nonsense. Go to my room now!"
"Mom,"
"I said now!" she exclaimed. She looked at me and out a deep breath while massaging her forehead. "Talia, sa susunod 'wag mong sundin lahat ng utos ni Clifton sa ‘yo hayaan mo na siya ang gumawa."
Napaawang ang bibig ni CK nang marinig niya iyon mula sa kaniyang ina. Ako rin dahil hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ni Tita. I gulped and nodded slowly as my reply.
"What the-" Tita cut him off.
"Follow me, Del Franco!"
Bago sinundan ni Ck ang Mommy niya, nilingon niya muna ako. Galit itong tumingin sa akin kaya natakot ako.
"You'll pay for this." he warned.
Hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon ko sa sinabi niyang iyon. His words hurt me. Para bang galit talaga siya sa akin dahil sa nabasa ko ang pantalon niya. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang tuluyan na itong makaalis. Dapat hindi ako nasasaktan kasi sanay na naman ako na ganito siya lagi sa harap ng mga kaibigan niya. May mali ba sa akin? Why he can do this things to me? Bakit niya ako magawang sigawan at murahin ng basta-basta? I thought we're just acting for them to see that he hate me? Pero hindi ko maiwasan ang hindi masaktan?
GABI na nang maisipan kong lumabas muna sa aking k'warto para magpahangin. Nakaupo ako sa may mesa sa garden nila habang dala-dala ang aking talaarawan. I used to bring it with me when I feel bad and to express my feelings through writing. Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa sobrang lamig. Napalingon ako sa aking kaliwa nang may nahagilap akong tao papalapit sa gawi ko. Inayos ko ang aking jacket nang makalapit na siya sa akin. Inayos ko rin ang aking notebook sa gilid na ni hindi ko man lang nagawang tapusin ang sinulat ko doon. Nagtagpo ang aming mata dahilan ng mapaiwas ako ng tingin.
Tumikhim ito. "Sorry,"
I smiled at him forcely like nothing's happened. "Okay lang, sanay na naman ako."
"I didn't mean what I said earlier. Alam mo naman siguro ‘di ba kung ano ang ibig kong sabihin?” sabi niya nang makaupo siya sa aking harapan.
I nodded and bit my lip. As usual he always tell me that hindi niya sinasadya at alam ko na ang ibig sabihin no’n. Ano pa ba ang magbabago? CK is CK. Kung ano ang nais niyang sabihin sa akin dapat 'yon din ang paniniwalaan ko. Sana ako rin. My mind will always tell me that he is selfish and he just thinking about his own good and his reputation and he doesn't think about mine. Iyong puso ko naman ay iba ang sinasabi sa akin, kailangan ko siyang intindihan kasi si CK siya. Ang lalaking mahal ko.
I cleared my throat and shrugged. "Yeah. Alam ko na ginawa mo lang 'yon dahil nand'yan ang mga kaibigan mo." I stopped. Naalala ko biglang itanong sa kaniya kung pinagalitan ba siya ng ina niya. "Pinagalitan ka ba ng Mommy mo dahil sa ‘kin?"
Wala siyang magawa na tugon sa sinabi kong iyon. Bakit siya malungkot? Bakit hindi siya makasagot? Pinagalitan ba siya ni tita Cheallou? Naisipan ko na lang na ipagpatuloy ang aking ginawa kaya napansin ito ni CK.
"Anong ginagawa mo?" taka niyang tanong.
"Ah, nagsusulat."
"Ano naman ang sinusulat mo d'yan? Patingin,"
Agad kong inilayo sa kaniya ang diary kong iyon. Lalo na't tungkol sa kaniya ang lahat ng mga nakasulat dito.
"Ah- 'wag na. Hindi pa naman tapos."
He chuckled. "Siguro para sa crush mo 'yan 'no kaya ayaw mong ipakita sa akin?"
"Hindi ah,"
He looked at me and nodded. I really love those eyes. Ang sarap sa mata kung titigan ko ang mga ito. Isa rin 'yan sa rason kung bakit mawawala agad ang galit at inis ko. Iyong mata na ang daming gustong sabihin. Pero hindi ko alam kung ano nga ba ang mga iyon. Minsan ang mga mata ni CK ay salungat sa kaniyang mga sinasabi. Kung galit siya, ang kaniyang mga mata ay hindi. It took him a minute to talked again. Napanganga naman ako sa sunod na salitang kaniyang binitawan.
Binasa niya ang pang-ibabang labi niya bago magawang magsalita. "Sa susunod 'wag ka ng lumapit kay Jerome..." he paused and that's trailed me off. “Hindi ko siya gusto para sa ‘yo."
Wala akong magawang isagot sa sinabi niyang iyon. Pero isa lang ang alam ko, I think he's jealous from what Jerome said to me earlier. He don't want him for me? Its okay, I only want you for myself naman.
KINABUKASAN nakipagkita ako kay Marlot, mabuti na lang at day off niya. I want to tell her everything about what happened yesterday. Siya lang kasi ang mapagsasabihan ko kasi wala naman akong ibang kaibigan.
"So ayon, nanghingi lang ng sorry pinatawad mo naman agad?"
Magkaharap kami ngayong dalawa habang nag-mi-milk tea. Siya kasi nagyaya sa akin na rito kami magkita para man lang daw makatikim ako ng mamahaling pagkain at inumin kahit papaano. Wala kasi akong pera dahil nag-iipon din ako para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Tinigil ko ang aking pag-inom at inirapan ko siya bago sagutin.
"S'yempre, alangan naman magpapasuyo pa ako?" I asked.
She chuckled a bit and she rolled her eyes like a shrew. "Alam mo Talia, marupok ka talaga."
"Maganda naman," natatawa kong tugon.
Napainom ulit ako sa aking milk tea kasi wala naman akong dapat pang sabihin. Nasabi ko na naman lahat sa kaniya kanina. I heard her letting out a deep breath then, she looked at me with concern.
"Pero girl, seryoso. Hindi pa rin ba nawawala ang feelings mo kay Clifton?" she paused for a second. "Kasi ‘di ba? Ang pangit naman ng pakikitungo niya sa ‘yo, pero nagawa mo pa rin siyang tratuhin ng maayos."
Napabitaw ako ng marahan sa hawak kong inumin. I gulped as I calmed myself down. Bakit nga ba? Maski ako naguguluhan ako kung bakit nga ba gano'n si Clifton sa akin. Kung ang mga kaibigan niya lang ba talaga ang dahilan kung bakit niya ako tratuhin ng gano'n sa harap nila o may mas higit pa. I know he's hiding something. I mean, if he wanted to talk and treat me good in public, he can do that. Walang pipigil sa kaniya. Kahit mga kaibigan niya pa kung nanaisin niya lang. He is the one who can control everything that he wanted to do. He has a freedom, but he didn't use it. I know he has a secret.
I shrugged and smiled sharply. "Ewan ko ba, Marlot. Even me, I don't know. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ng 'yon, siya pa rin."
"How about? Layuan mo muna siya sa loob ng isang linggo. Tiningnan lang natin kung ano ang magiging reaksyon niya 'pag nilayuan mo siya." she explained.
I chuckled. "Aba s'yempre, mas lalong matutuwa 'yon. Akalain mo hindi niya pa birthday, pero may maaga na siyang regalo." I stopped when I felt my heart aches. "Kahit na isang taon ko pa siyang layuan o hindi magpapakita sa kaniya, wala pa rin siyang pake." I bit my lip before I continued. "Maliban na lang kung wala siyang maisasagot sa mga assignments niya."
Masakit man tanggapin, pero iyon ang totoo. Noon lagi kong pinagdarasal na sana lagi kaming may assignments sa school para lagi niya akong maalala. Hindi ko alam, pero may mga bagay talaga na akala natin ikakatuwa natin habang buhay, hindi pala. I need to make myself remember that kahit ano pang gawin ko o pagbalik-baliktarin ko man ang mundo, hindi ako makikita ni CK bilang ako. Bilang higit pa sa kaibigan, bilang kasintahan at bilang tao. Maalala niya lang ako 'pag wala na ang mga bagay na tanging ako lang ang makapagbigay no’n sa kaniya.
Napangiwi sa akin si Marlot bago bitawan ang salitang nagpasakit sa akin ng sobra. She looked at me and gulped. "Sa madaling salita…" she trailed off. "Laruan ka lang niya, pampalipas oras at saka lang naalala 'pag kailangan na."
My heart cried by hearing those words from Marlot, but not my eyes. NAGLAKAD ako sa hallway mag-isa ng mapayapa dahil wala pa namang masyadong estudyante ngayon. Bigla naman akong nagulat nang may biglang umakbay sa akin.
"Hi," he greeted me.
"Ck?" gulat kong tawag.
Napabitaw siya mula sa kaniyang pagkaakbay sa akin. Nagkunot naman ang kaniyang noo. "Why? Are you expecting someone?"
"Hindi. Akala ko kasi kung sino." nabubulol kong tugon. I gave him a gazed. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapahanga sa taglay niyang kag'wpuhan. I bit my lip. "Oh, bakit ka pa nandito? I mean, baka may makakita sa ‘yo na kasama mo ako."
Napamasid siya sa paligid kagaya ko. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa nang uniporme niya. "Wala pa namang masyadong estudyante, eh."
"Kahit na, CK." pagrereklamo ko sa kaniya.
He stopped walking and looked at me directly. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil nahihiya ako sa kaniya. I can't stand looking at him while he looked at me that way.
"Bakit ayaw mo ba akong kasama?"
I cleared my throat. "Hindi naman sa gano’n. I'm just worried about your names. I don't want it to be dirty because of me."
Nag-iba ang reaksyon ng kaniyang mukha nang marinig niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya, pero nagawa ko na. I don't want to make him feel uneasy, but I think I was wrong. Siguro mali ang paraan nang pagkasabi ko kaya siya naging hindi komportable. Later on, when he realized what I've said to him, he let out a deep breath and shrugged.
"Ses, ang drama natin ngayon, ah? May dalaw ka?" pagbibiro niya.
I rolled my eyes at him. "Wala naman ako sa kulungan para may dalaw."
That was a joke. But he didn't laugh. Siguro mais. I decided to continue walking, but he talked again that makes me stop from doing what I wanted to do.
"Tsk. Halika sa rooftop muna tayo."
"Hah," wala sa sarili kong sabi.
He smirked. "Bilis."
"CK-"
Hindi ko magawang tapusin ang nais kong sabihin kaniya nang hilahin niya ako ng mabilis at napatakbo kagaya niya. Naupo kami sa may upuan nang makarating kami sa rooftop. I saw him looking at the sky. Ang guwapo niya pa rin. Kahit anong angulo CK, walang makakapantay sa angking mong kapogian. Sana kasing pogi rin nang mukha mo ang ugaling pinakita mo sa akin.
The color of the sky makes my heart happy and calm. Sana ganito rin kakulay ang buhay ko. Hindi man ako pinagpala sa mga materyal na bagay, pinagpala naman ako sa kabaitang pinapakita sa akin ng Diyos. I know everything happens for a reason. Hindi man niya ako nagawang tratuhin ng maayos ngayon sa harap ng iba, baka bukas magagawa niya na.
Binasa ko muli ang labi ko bago siya kausapin. "Now tell me?"
"About what?" taka niyang tanong.
I smiled. "Bakit mo ako dinala rito?”
He gave me a gaze and it made me look at him. I waited for a second for him to answer my question. "What if I tell you that I want to be with you. Maniniwala ka ba?"
Alam kong nagbibiro lang siya at hindi niya sinadyang sabihin 'yon, pero kakaibang kaba ang hatid no’n sa akin. Nakagat ko ng madiin ang pang-ibaba kong labi sa sinabi niya. I saw him chuckled and because of what he did, I realized that he's really teasing me.
"Hindi," I lied.
He shrugged. "Then, I don't have something to tell you."
Sana totoo nga 'yong sinabi niya. Kung totoo man 'yon, ang swerte ko naman yata. Nang bumalot sa amin ang katahimikan, doon ko pa naisipan na manghingi ng tulong sa kaniya, nagbabasakaling papayag siya.
Tumikhim muna ako bago magsalitang muli. "Ck, p'wede mo ba akong samahan bukas?"
"Saan?" kunot noo niyang tanong.
Binaling niya sa akin ang buo niyang atensyon, naghihintay sa tugon niya. Naisipan kong mag-iwas ng tingin sa kaniya para komportable ko siyang tutugunin.
"Uuwi sana ako sa amin. Wala kasi akong pera pamasahe. 'Yong s'weldo ko naman nabayad ko sa school tapos sa mga kailangan kong gamit-" he cut my explanation.
"Bakit ka uuwi? Are you ready to face them again?" he asked casually.
Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang kunting pag-aalala sa mukha niya. Ilang buwan ko na ring hindi nakita ang pamilya ko kaya naisipan kong ito na ang tamang oras para kitain silang muli. Hindi ko siya magawang sagutin sa kaniyang katanungan kaya pekeng ngiti lamang ang nabigay ko. MAAGA akong nagising kinabukasan dahil sa napagkasunduan namin ni CK. Maaga kasi kaming aalis para maaga rin kaming makabalik. Nang matapos ko ng ayusin ang sarili ko ay agad akong lumabas sa aking k'warto. Insaktong hahanapin ko na sana siya nang biglang may nag-text sa akin.
Napabuntong-hininga naman ako nang mabasa ko ang text niya. He prioritize her again than me.
From: Del Franco
Sorry El, I forgot. I have plan with Aivie today. Napag-usapan pala namin na manood ng sine ngayon. Sorry, hindi kita maihahatid sa inyo.
Nasaktan ako sa text niyang iyon pero nagawa ko pa rin ang mag reply. He made a promise to me, but he broke it. Akala ko ba sasamahan niya talaga ako? Pero bakit inuuna niya pa si Aivie? Kahit kailan wala ka talagang pake sa akin, Del Franco.
To: Del Franco
It's okay, Ck. Enjoy your day with her. :)
Nang masend ko ang text na iyon sa kaniya ay agad siyang nag-reply sa akin.
From: Del Franco
I will. Do approach me if you're already there. Keep safe.
I bit my lip after reading it. I don't know why, but it makes me happy. Hindi niya man ako magawa na samahan pero alam ko na gusto niya talaga. Bakit feeling ko may concern sa akin si CK?
To: Del Franco
Okay.
Pinasok ko ang aking cellphone sa aking bulsa para makaalis na. Mabuti na lang may ipon pa ako, ito na lang muna ang gagamitin ko. Nasa labas pa lang ako ng bahay namin, narinig ko na ang bangayan ng aking mga magulang sa loob. This is one of the reasons why I don't want to be home. Lagi na lang silang ganito, away, sagutan at bangayan. Even little things that may have a solution they always end up fighting. Tama nga si CK, mukhang kailangan ko nga talaga ang maghanda.
I walked slowly while entering the door of our house. Hindi naman malaki ang bahay namin, insakto lang na magkasya kaming lahat dito. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa loob ay bigla akong natigil sa paglalakad.
"Ano ba, Enis?! Bakit sa akin mo sinisisi ang lahat ng 'to? Ikaw ang nanlalaki at hindi ako!" my Father's exclaimed.
"Oo ako nga! Pero may babae ka rin naman, ah?! Dinala mo pa talaga rito sa bahay! Ang kapal mo, Lito!" galit na tugon ng aking ina.
Parang sinaksak at piniga ang puso ko ng marinig ko ang mga iyon. They are fighting because of their malfeasances. Pinag-aawayan nila ang parehong bagay na sila naman ang may mali talaga. Parehas nilang niloko ang isa't isa, pero magawa pa rin nila ang pakipag-away. How could them do this to our family? Sila ang mga magulang na nagsilbing ilaw at haligi ng bahay na ito, pero sila pa ang humanap ng gusot para masira ang pamilyang kanilang binuo?
I heard my siblings crying and that makes me angry. Lalo na nang madamay na naman ulit ang pangalan ko sa sagutan nila.
"Mas makapal ka! Kung hindi ka lang sana lumandi! Ede sana nandito si Talia ngayon!" pagtatanggol ni tatay sa kaniyang sarili. Pero nagawa niya akong idamay para makalusot siya sa kasalanang ginawa niya rin.
"So ako pa ang may kasalanan? Bakit ikaw? Ano ang ginawa mo? 'Di ba sinaktan mo rin si Talia?!"
"Ikaw ang nagdulot no’n sa anak mo-"
I don't let my father finish his words. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya padabog kong tinulak ang pinto, saka pareho silang hinarap ng sobrang galit.
"Tama na! Ano ba! Ano gusto niyong magpatayan? Sige," I paused angrily. Kinuha ko ang kutsilyo at sundang sa mesa at binigay iyon sa kanila peraho. "Oh 'yan! Magpatayan na kayo!"
"Ate Talia!" sabay-sabay na iyak at tawag sa akin ng mga kapatid ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila kasi parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit sa mga itsura nila. Naupo sila sa isang upuan habang umiiyak dahil nakikita nilang nag-aaway ang kanilang mga magulang. How selfish my parents are? Sa harap pa talaga ng mga kapatid ko?
Sinamaan ko ng tingin si Mama, bago ko rin sinamaan ng tingin si Papa. Nagulat sila nang mapagtanto nila na ako nga ito. I bit my lip and sighed.
"Anak, nandito ka?" my Mother asked surprisely.
"Kung wala pala ako rito, ganito kayo? Paano ang mga kapatid ko? Hahayaan niyo na lang na pakikinggan ang mga away nin’yo? Iyang mga sigawan ninyo, pagkamuhi sa isa't isa at kung anu-ano pa?!" I exclaimed.
Wala akong pake kung may makarinig man sa mga kapitbahay namin sa sigaw kong iyon. Mas lalong lumakas ang iyakan ng mga kapatid ko dahilan ng naiyak ako ng tuluyan. Pesteng buhay 'to.
"Anak hindi," pagpapakalma sa akin ni Papa.
"Akala ko ba ayos na ang lahat? Bakit ito ang naabutan ko?" mahinahon kong tanong.
Hinintay ko silang makasagot sa aking tanong, pero iba ang bumulabog na salita sa akin. Nanghina ang tuhod ko nang marinig ko iyon dahilan ng pagkaupo ako sa tabi ng aking mga kapatid.
"Aalis na ako rito, Talia. May bago na akong pamilya. Isasama ko si Tonton at Beng." pagpapaliwanag sa akin ni Papa.
Mama let out a deep breath before she talked. "Sa akin sasama si Alan."
Napaawang ang aking bibig dahil sa hindi ako makapaniwala sa nagawang sabihin nila sa akin. May kaniya-kaniya na silang pamilya? Paano ako? Napatayo ako mula sa aking pagkaupo at napahilot sa aking sentido.
I chuckled. "Wow! So paano ako? Mag-isa? Walang ni isa sa inyo ang pipili sa akin?"
"May tinitirhan ka naman sa Maynila, Talia. Kaya mo ng buhayin ang sarili mo."
All my life, I didn't imagine that my father used to tell me that one. Kaya ko ng buhayin ang sarili ko? Kaya hindi nila ako pinili? My tears fell on my chicks and I wiped it before they'll noticed it from falling.
"Sana pala hindi na lang ako umuwi. Sayang, nais ko pa naman sanang sabihin sa inyo na ako na ang bahala sa pagpapaaral ng mga kapatid ko."
How unlucky I am for living in this world. Lahat na lang ba sila, hindi nila magawang makita ang aking halaga?
Akmang lalapitan sana ako ni Mama, pero umatras ako para hindi niya ako mahawakan.
"Anak,"
Now I know why does the person that I like the most doesn't like me back. This is the reason why. And it hurts me a lot.
I smirked. "Kaya pala hindi ako magawang piliin ng iba kasi mismo kong mga magulang... 'di rin ako magawang piliin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top