Chapter 001
Minsan kailangan nating
buksan ang ating mga mata
para makita ang katotohanan,
na hindi lahat ng taong gusto
natin ay gugustuhin din
tayo pabalik.
Chapter 001
[Collapse]
MABILIS lang namin narating ni CK ang perya na madalas naming puntahan. Ang perya na kung may problema siya o gusto mag-relax ay agad niyang tatakbuhan. For him it feels like home. Lalo na't marami silang alaala rito ng pamilya niya. They used to be there 'pag walang trabaho ang mga magulang niya. Pero simula nang mamatay ang Daddy niya, nagbago ang lahat. Nang mamatay ang papa niya kasabay naman do’n ang pag-alis ni Kuya Kane para mag-aral sa Oxford. While his mom, laging busy sa work.
Napalingon ako sa aking gilid nang may biglang humila sa aking kamay. Alam ko na kung sino siya kaya hindi na ko nagtaka pa.
"Halika, dito tayo," Panghihila niya sa akin.
Bigla siyang huminto sa may batang masayang naglalaro ng yoyo. I gave him a glanced and I saw how happy his eyes while looking to the kid. Seeing him this happy makes my heart beats fast. Minsan ko lang siyang nakitang ganito at ang swerte ko kasi isa ako sa mga nakakita no’n. What am I thinking again? This is crazy.
I bit my lip and sighed. "CK, nakailang balik na tayo rito, eh."
"Hayaan mo na lang," Habang nasa bata pa rin ang kaniyang atensyon. "Here," nakangiti niyang sabi sabay abot sa kaniyang cellphone.
Nakakunot ang aking noo’ng nakatingin sa kaniya dahil sa labis na pagtataka. Kinuha ko naman ito kagaya ng sabi niya.
"Anong gagawin ko rito?"
He smirked. "Picture tayo,"
"Hah?" wala sa sarili kong ani.
Tiningnan ko lang siya nang bigla niya akong hinapit papalapit sa kaniya’t inakbayan. Dahil sa ginawa niyang iyon ay parang nakaramdam ako ng mga paru-paro na nagliliparan sa aking t’yan. Tiningnan ko ang kamay niya na nakaakbay sa akin at nakaramdam ako ng may kuryente doon. Nagbalik lang ako sa realidad nang muli siyang magsalita.
"Sige na. Bilis."
"Oo na, 'eto na." Sabay click sa camera ng phone niya.
"Yan. Okay na 'yan."
Binalik ko agad sa kaniya iyon, ni hindi ko na sinilip kung maganda ba ang pagkuha ko sa picture namin.
"Ang pangit mo," he chuckled.
I sighed and smiled bitterly. "Kasing pangit ng ugali mo," umiling lang siya. Nanatili pa ring nasa picture namin ang kaniyang atensyon. "Uwi na tayo, Ck. Gabi na oh. Hinahanap na tayo sa inyo n'yan."
"Okay," wala sa sarili niyang sagot.
Nagsimula na akong maglakad. Iniwan ko siya sa pwesto niya dahil nakatingin pa rin siya sa picture na kinuha ko. I felt awkward kasi nando’n din ako sa larawan baka kasi ang pangit ko talaga doon. Nakakahiya naman. Nagbuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang aking ginawa nang bigla niya akong kinunan ng larawan.
"Ang pangit mo talaga," natatawa niyang sabi nang makita niya ang aking mukha doon.
"Ck!" I exclaimed. Alam kong ang pangit ko lalo do'n kasi hindi ko lubos akalain na kukunan niya ako ng larawan. Tiningnan ko siya nang masama. "Burahin mo 'yan! Akin na!"
"Kung makuha mo,"
Tumakbo naman siya na parang bata para hindi ko maagaw sa kaniya ang cellphone niya. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi dahil sa pagkainis. Natatawa lang siyang tumitingin sa akin. Para bang tinutukso niya ako. Nagbuga muna ako ng isang malalim na hininga bago muling agawin sa kaniya ang phone niya.
"Akin na sabi, eh!"
Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang likod para mas lalo akong mahirapan sa pagkuha no'n.
He chuckled a bit. "Ayaw-"
Napatigil kami sa aming ginawa nang may tumawag sa aking likuran na siya namang labis kong ikinagulat at ikinakaba ng aking dibdib.
"Clifton?"
"Aivie?!"
Pareho na kami ni CK na nakaharap sa kaniya na may gulat na ekspresyon sa aming mga mukha. Nakita ko ang pagngiti ng babae nang napagtanto niya na si CK nga ito.
"Yeah, ikaw nga." she paused when she noticed my presence. "Talia? Wait magkasama kayo? Akala ko ba hindi kayo-" CK cut her off.
"Ah, hindi. Nakita ko lang din siya rito."
He looked at me. Para bang sinasabi niya sa akin na kailangan kong sumunod sa agos. I gulped and smiled bitterly. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Back normal again like we didn't know each other.
"Ah,"
"Pauwi ka na?"
Binaling ni Aivie ang tingin niya kay CK para sagutin. She slowly nodded while smiling. Nakita ko naman ang pagpapakyut ni Ck sa kaniya. Tsk. Pumorma pa talaga sa harap ko. Inilayo ko ng kunti ang aking sarili sa kanila kasi wala naman akong kasali sa usapan.
"Oo sana,"
"Hatid na kita," alok niya sa dalaga.
Napahinto naman ako sa ginawa ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Paano ako? Don't tell me, iiwan niya ako rito? Sa ganitong oras pa talaga, Del Franco?
"How about her?"
Hinintay ko na makasagot si Ck sa tanong na iyon. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin ng bahagya. Para bang nahihiyang tumingin sa akin.
"Hah, ah- ano. Hindi ko naman siya-" nabubulol niyang sabi. "I mean ang mahalaga safety ka sa pag-uwi mo." he added.
Sa puntong iyon ng sinabi niya ay tuluyan nang nanghihina ang aking mga tuhod. Kung wala lang ang mga 'to sa harapan ko baka kanina pa ako natumba. Mabuti pa si Aivie nagawa niya pa ang alalahanin ang siguridad niya kaysa sa akin na kasama niyang pumunta rito.
Nakita ko ang malaking pagngiti ni Aivie kay Ck. And it kills me inside. "Ah, how sweet naman. Okay.”
"Tara?" masiglang tanong niya sa dalaga.
"Game," she replied sweetly.
Humawak siya sa braso ng binata habang tiningnan ako. Para bang sinasabi niya na siya ang nagwagi sa aming dalawa. "Bye, Talia!"
'Di pa man sila tuluyang nakalayo ay tumulo na ang mga traydor kong luha. Ewan ko ba pero naging emosyonal ako sa tagpo na iyon. Until now he doesn't care about my feelings. Hindi man lang niya ako tinanong kung okay lang ba sa akin na umuwing mag-isa. Sabagay, isang hamak lang naman akong working student sa bahay nila at sa buhay niya. Hindi ako si Aivie para tratuhin niya ng maayos.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng perya para makahanap ng taxi pauwi. Pagkalabas ko ng tuluyan doon ay bigla akong napahinto nang may nag-text sa akin. Kinuha ko agad ang aking cellphone para alamin kung sino iyon.
Del Franco:
Kita na lang tayo sa bahay.
I bit my lip. Binalik ko agad iyon sa bulsa ng aking bag at hindi na nag-reply pa. Ano ba ang itutugon ko? Okay? Tsk. Nang may nakita akong sasakyan na papalapit sa aking pwesto ay agad ko itong pinara. Hindi pa man ito nagawang huminto ay hinalukat ko muna ang aking bag para tingnan kong kakasya pa ba ang aking pera sa aking pamasahe. Napahinto ako sa aking paghahanap nang magsalita ang taxi driver. Nasa harapan ko na pala siya? Hindi ko man lang namalayan.
"Miss, ano na sasakay ka ba?" inis niyang tanong.
"Sandali lang po manong, hah? Hinahanap ko pa pera ko." pagsasabi ko.
Hindi ko talaga mahanap ang wallet ko kahit anong pilit kong halughugin ang aking dalang bag. Nasaan ba 'yon?
"Ang tagal naman, mawawalan ako ng kita n'yan." Galit na siya.
Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko kung nasaan nga ba ang aking hinahanap. Shit. Tanga. "Oh God, nakalimutan ko! Wala pala akong dalang pera, naiwan ko sa k'warto."
"Ano na miss?"
I cleared my throat and sighed. "Sige na po, manong. Sorry po sa abala. Sa susunod na lang po."
Napailing na lang si kuya na para bang desmayado siya. Tangena! Ang tanga ko. Pinaghintay ko pa talaga 'yong driver tapos hindi pala ako sasakay. Nakakahiya. Mukhang mahaba-haba 'tong lalakarin ko ngayon, ah. Masakit man kung isipin, pero kailangan kong maglakad pauwi.
Sinimulan ko na ang aking paglalakad. Hindi pa man mahaba ang nilakad ko ay biglang nagbanta ang kalangitan na uulanin ngayon. Here we go again. Kung mamalasin ka nga naman, todong-todo pa talaga. Ilang sandali pa ay nakita kong nagtatakbuhan na ang mga tao sa aking paligid. Ang iba ay ang pag-ayos nila ng kanilang payong kasi nagsimula ng umulan.
I chuckled a bit. "Ayan Talia, karma mo na 'yan sa kakasunod mo sa mga gusto niya."
Lumakas na ang buhos ng ulan. Pero imbis na sumilong at hintayin itong tumila ay ipinagpatuloy ko lang ang aking balak sa paglalakad. Masakit na rin ang paa ko sa kakalakad, pero wala akong pake doon dahil kailangan kong umuwi. Kahit kailan Talia, tanga ka pa rin.
Mahaba-haba na rin ang nilakad ko. Laking pasasalamat ko nang makita ko ang gate ng bahay nila CK. Nagbuntong-hininga muna ako bago tuluyang makapasok dito. Nang marating ko ang maid's quarter ay laking gulat ko nang makita ako ni Nanay. Patay! Papagalitan na naman ako nito!
"Anak, Jusko! Bakit basa ka? Nasaan si Clifton?" natataranta niyang tanong.
Nagkunot noo akong tumingin sa kaniya. Wala pa si CK? "Hindi pa ba nakauwi, Nay?"
Nakataas ang isa niyang kilay na nakatingin sa akin. Pero nakita ko pa rin ang kaniyang pag-aalala.
"Hah? 'Di ba magkasama kayong nagpaalam sa akin kanina?"
"Ah, hindi po. Hiwalay po kami ng pinuntahan." I lied.
Iyan lang ang paraan na alam ko para malinis ang pangalan niya kay Nay Maria. Ayaw ko na isipin niya na pinabayaan ako ni Ck na maulanan at umuwing mag-isa sa ganitong oras ng gabi. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat. Para bang nag-aalala talaga siya sa akin ng sobra. Nasaan kaya sila ni CK? Bakit wala pa siya?
"Nako, Juskong bata ka! At nagpaulan ka pa talaga? Halika sa loob, ipagluluto kita ng sopas." tumango na lang ako bilang tugon.
Agad niya akong pinasok sa loob para ipagluto kagaya no’ng sabi niya. KINABUKASAN hindi ako nakapasok sa klase namin dahil sa sobrang sama at bigat ng aking pakiramdam. Feeling ko pagtatayo ako ay hindi ko kaya dahil para akong nahihilo.
Nakahiga lang ako sa kama habang nagpapagaling. Mabuti na lang at nandito si Nanay para alagaan ako.
"Magaan na ba pakiramdam mo, anak? Hindi ka na ba nahihilo?" pag-aalala na tanong sa akin ni Nanay Maria.
Kasamahan ko siya sa trabaho. Kagaya ko, katulong din siya nila ni CK. Si Nanay ang nagsilbi kong ina rito Maynila. Simula no'ng nagtatrabaho ako rito ay itinuturing niya na ako bilang isang tunay na anak. Tumango ako at ngumiti na rin ako ng kunti.
"Ayos na po ako, Nay." mahina kong tugon.
"Mabuti naman," she paused and tapped my shoulder. "Mawawala rin 'yan basta uminom ka lang nang gamot. Yong binigay ko sa ‘yo."
"Opo. Salamat po."
"Sino ba kasi ang nagsabi sa ‘yo na magpaulan ka?" taka niyang tanong.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Napalunok naman ako sa tanong niyang iyon kasi hindi ko alam kung papaano ko nga ba iyon tutugunin. Nakatingin lang siya sa akin. Tila ba naghihintay siya sa maisasagot ko sa kaniya.
"Wala po kasi ako pera kahapon-"
Hindi ko magawang tapusin ang sinabi kong iyon nang may biglang tumawag sa akin mula sa labas ng aking pintuan sa k'warto. Alam ko na kung ano ang sadya niya, hindi na 'yon bago sa akin.
"El," CK called me out there casually.
"Siya ba ang dahilan?"
Walang ni isa sa amin ni nanay ang tumugon sa kaniya dahil ako naman ang nagawa niyang tanungin. Napabuntong-hininga ako sa tanong niyang iyon at hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong sabihin. Magsasalita na sana ako kaso tinawag na naman ulit ako ni CK.
"El, nand'yan ka ba?" Mas malakas na ang pagtawag niya sa akin ngayon kaysa kanina.
Nasa akin pa rin ang tingin ni Nanay kaya napahawak ako sa kaniyang kamay. "Nay,"
Umiling siya. "Sinasabi ko na nga ba,"
"El,"
"Nay, sabihin niyo natutulog ako."
Tumango naman siya sa sinabi kong iyon kaya napangiti ako ng kunti. Agad naman siyang tumayo, saka tinungo ang pintuan para pagbuksan si CK. Ano na naman kaya ang sadya niya?
"Sandali lang, iho!"
"Nay, si El po?"
Tanong niya nang tuluyan siyang mabuksan ni nanay ng pintuan. Hindi niya ako nakita kasi nasa kama ako, medyo may kalayuan sa pintuan ng aking k'warto. Nakikinig lang ako sa kanila’t tinuon kay nanay ang aking atensyon.
"Natutulog, bakit?"
"Gusto ko po sana siyang makausap. Hindi siya nakapasok kanina kaya-" Nanay cut him off.
"Mamaya mo na lang kausapin, ijo. Natutulog, eh."
"Gano'n po ba?" matamlay niyang tanong.
Ewan ko ba, pero nang marinig ko ang boses niyang iyon may nag-udyok sa aking paa na tumayo para kausapin siya. Kahit mabigat ang aking pakiramdam ay nagawa ko pa rin ang tumayo.
"Oo kasi ano-"
"Ako na po ang bahala rito, Nay." pagputol kong sabi.
Nagulat naman siya sa ginawa kong iyon at sinamaan ako ng tingin. "Jusko Talia! Bakit ka bumangon? 'Di ba masakit pa ang ulo mo?"
I sighed as I calmed her down. "Nay, sige na po. Kaya ko na po 'to."
Napakamot na lang si nanay sa kaniyang ulo dahil sa aking sinabi. "Hayst. Ang kukulit niyo talaga mga kabataan."
Nang makaalis na si Nanay nang tuluyan sa aking k'warto ay nakita ko ang pagtingin sa akin ni CK. Nginitian ko rin siya ng bahagya.
"Pasok ka,"
"Bakit absent ka kanina?" agaran niyang tanong.
Bumalik ako sa aking kama pero nakaupo lang ako dahil nandito siya. Tumabi rin siya ng upo sa akin.
"Ah, may inasikaso lang ako. Bakit mo na tanong?" I lied to him.
He cleared his throat. "Wala. Sayang kasi wala ka..." he paused to trailed off. Na-miss niya ba ako? "Nabagsak tuloy ako sa quiz."
"Iyan lang problema mo? Ang babaw naman,"
"Sayang kaya ang 20 points."
Nakita ko ang panghihinayang sa kaniyang mata. Mabuti pa ang quiz nagawa niyang alalahanin kaysa sa akin. Anong oras kaya siya nakauwi kagabi?
"Ano pala sadya mo?"
"Busy ka ba?"
"Bakit?" matamlay kong ani.
Nakita ko ang pag-iba nang kaniyang ekspresyon sa mukha. Alam ko na kung ano na naman ang sadya niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya kasi feeling ko sumasakit na naman ang aking ulo. Iba talaga ang tama ng ulan sa akin kahapon, mabuti na lang hindi ako inubo’t sipon lang ang mayro’n ako.
"Magpapasama sana ako sa ‘yo."
"Ah, ano kasi,"
Nag-isip ako ng dahilan para tanggihan siya pero wala akong maisip. Umatras ako ng kunti sa kaniya baka kasi mahawa siya sa akin. Baka siya na naman ang lagnatin kung nagkataon. Nakita ko ang pagtingin niya sa bimpo at sopas na dala ni nanay para sa akin kanina. Hindi niya pala ito nadala pabalik. Nako!
"Masama ba pakiramdam mo? Bakit ka may sopas at bimpo rito?"
"Ah, kay Nanay 'yan." pagpapalusot ko.
Bigla naman siyang tumango sa sinabi ko. Para bang nakumbinsi ko siyang paniwalaan ito. Bulag ka ba Ck o nagbubulag-bulagan ka lang? It took him a minute to talk again.
"Sasamahan mo ba ako?"
I sighed. "Saan na naman ba tayo n'yan? Sa perya na naman ba?"
"Sa Dangwa,"
Dangwa? Pamilihan ng mga bulaklak? Anong gagawin namin doon?
"Hah? Anong gagawin natin sa Dagwa? Ang layo kaya do'n."
"Samahan mo na lang ako, please?"
"CK,"
Napasimangot siya sa sinabi kong iyon. Para bang magtatampo na naman siya sa akin. "Sige na, El. Please?"
I looked at him as I nodded. "Sige na nga,"
Heto na naman ako. Bakit ba ang hirap tanggihan ng lalaking 'to? Gano'n ba talaga kalaki ang tama ko sa kaniya? Bakit gano’n Ck? Ako kaya kong gawin lahat para sa ‘yo, pero ikaw hindi? kahit ang pansinin man lang ako sa harap ng iba. Kahit masakit ang ulo ko, mabigat ang aking pakiramdam, may sipon at lagnat, para sa ‘yo balewala ang lahat ng 'yon.
ILANG oras din ang aming binyahe bago namin marating ang Dangwa. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kaniyang sasakyan kahit gustuhin ko man ang kausapin siya, pero hindi ko magawa. Ang sakit talaga ng ulo ko. Feeling ko kung magsasalita ako ay para akong nahihilo.
Agad siyang bumaba ng kotse niya ng hindi man lang ako naisipang pagbuksan ng pinto. Siguro nakalimutan niya na may kasama siya kasi excited siyang bumili ng bulaklak. Ewan ko kung para kanino 'yon. Siguro special siya kasi napasugod pa talaga kami sa Dangwa ng ganitong oras.
Maingat kong ibinaba ang aking sarili sa kaniyang sasakyan. Para kasi akong mawawalan ng balanse kung mag padalos-dalos lang ako sa aking gagawing kilos. Hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko, feeling ko mas lalong tumaas ang aking lagnat. Lalo na't sobrang init dito sa Dangwa. Nang makalabas ako ng tuluyan sa kaniyang sasakyan ay agad ko siyang nilapitan na busy sa kakapili ng bulaklak.
Napalingon siya sa akin nang mapansin niya ang presensya ko. "Maganda ang sunflower ‘di ba?"
"Oo, bet ko. Tapos maganda sa mata ang kulay." walang gana kong tugon.
Ngumiti siya sa akin, pero nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Bibilhin ko na 'to,"
Tumango ako kahit hindi ko naman talaga gusto iyon para matapos na kami at makapagpahinga na ako. Hinawakan ko ng bahagya ang aking leeg, sobrang init ko na. Pakiramdam ko naman ay hihimatayin ako kahit sa anumang oras.
Tinungo niya agad ang may-ari ng tindahan na binilhan namin habang nakangiting inamoy-amoy ang mga ito. Ang swerte naman nang bibigyan niya ng mga iyon. Sana ako na lang, CK.
"Miss, ‘eto sa akin," Sabay abot nito sa tindera.
Humakbang ako palapit sa kaniya habang naghihintay na ibigay sa kaniya ang kaniyang sukli.
I cleared my throat. "Para kanino ba kasi 'yan?"
"Nililigawan ko si Aivie," nakangiti niyang sabi sa akin. Pero nawalan na ako ng balanse kaya napahawak ako sa kaniya ng mahigpit at biglaan.
"What the- El," natataranta niyang tawag sa akin. Bago ko pa man naipikit ang aking mata ay nagawa ko pang marinig ang sunod niyang sinabi. "Shit! Ang init mo!"
I open my eyes slowly and I feel weary doing it. Agad kong nakita ang kulay puti na kisame sa aking paligid. Napalingon naman ako sa gilid ko nang may nagsalita na siyang aking ikinagulat.
"Hay, sa wakas gaga! Gising ka na!"
"Marlot?"
I looked at her and wonder. Paano siya na punta rito? 'Di ba dapat nasa trabaho siya? Lumapit siya sa akin, saka naupo sa tabi nang aking kama.
She sighed and rolled her eyes. "Sino pa ba? Wala ka namang ibang kaibigan na maganda!"
Sabagay, wala na naman akong ibang kaibigan maliban sa kaniya. She is my childhood friend. At noon pa man, lagi na siya sa tabi ko kahit ano pa man ang mangyari. Nakita ko ang pagkuha niya ng prutas sa tabi nang aking kama sa may maliit na lamesa. Nagtaka naman ako doon kung papaano nagkaroon ng mga prutas ang k'warto ko? At papaano siya nakapasok dito?
"Ang sarap ng tulog ko," wala sa sarili kong sabi habang humihikab.
I heard her chuckled. "Talagang masarap kasi nasa hospital ka lang naman!"
"Ano?"
Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya. What? Nasa hospital ako? Paano? Kaya pala kulay puti ang kisame na nakita ko kanina at may prutas siyang dala. Kunot noo akong napatingin sa kaniya habang pasimple siyang kumakain ng mansanas. Tiningnan niya ako pabalik at nakita ko ang pag-irap niya sa akin.
"Oo, bruha! Dinala ka ng Fafa mong si Clifton dito kasi na collapse ka lang naman."
Ngayon ko lang naalala ang nangyari nang masabi niya iyon. Nahimatay pala ako kanina sa Dangwa dahil sa sobrang sama ng aking pakiramdam. Sa pagkakaalam ko si CK ang kasama ko doon, pero paanong si Marlot ang nandito?
Nabaling ang aking atensyon sa aking itsura habang nakahiga sa hospital bed. Nakita ko rin ang dextrose na nakasabit sa kamay ko. It is my first time to be here and that's because I can't resist him even I feel not okay. Binalik ko ang aking atensyon kay Marlot, at nagbuga ng isang malalim na hininga.
I cleared my throat. "Nasaan si CK?"
Nilagay niya ang kinakain niyang mansanas pabalik sa lamesa bago tumigin sa akin ng nakakaloka. Alam ko na ang tingin niyang iyon. Hinihintay ko lang na sasabihin niya sa akin para marinig ko mismo gamit ang aking mga tainga.
"Ay, kakagising pa lang hinahanap agad ang taong hirap maabot?" she paused for a while. "Ayon, iniwan ka sa akin. Tinawagan pa talaga ako para mabantayan ka rito kasi kailangan niya raw ibigay ang bulaklak kay Aivie The Lucky Girl." she added.
Sa puntong ito, alam ko na kahit anuman ang mangyari sa akin ay wala pa rin siyang pakiaalam. Siguro kong siya ang nasa sitwasyon ko, hindi ako aalis sa tabi niya dahil ayaw ko siyang iwanan mag-isa. Pero hindi, eh, iba si CK, saka niya lang ako maalala 'pag may kailangan siya. Dapat hindi na ako masasaktan kasi sanay na naman ako, pero hindi pa rin 'yon maalis-alis sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin kay Marlot, at tumingin sa kisame. Hinawakan ko ang aking noo gamit ang aking kamay na walang dextrose at hinilot ito ng marahan.
"Iniwan niya ako," walang gana ko na sabi.
She chuckled a bit. "Ano pa ba ang aasahan mo? Tutulungan ka niya? Bantayan ka rito? Gurl, 'di ka nga magawang pansinin sa harap ng maraming tao, iyon pa kaya?"
"Marlot,"
Hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa sinabi niyang iyon, pero tama nga naman siya. I'm not Aivie to be his top priority. Masakit man isipin pero 'yon ang totoo.
I looked at Marlot wearing my unhappy face. I gulped as I calmed myself a little bit. She just looked at me straight like she wanted me to listen to her carefully. I heard her outing a deep breath before saying something.
"Alam mo, Talia. Minsan kailangan mong piliin ang sarili mo. Tandaan mo, ang pagsunod sa mga bagay na kontra sa 'yong kalooban ay para mo na ring pinakain ang iyong sarili sa buwaya."
Simula pa no’ng una, alam ko na mali 'tong mga ginagawa ko. Pero 'pag si CK na ang pinag-uusapan, nakakalimutan ko na ang sarili ko. I will give him anything so, he may feel that I exist.
I bit my lower lip and smiled sharply. "Alam ko naman 'yon, eh, pero si CK siya."
"Yon na nga ‘yon? Si CK siya, at ang hirap niyang abutin kasi para sa kaniya parang hindi ka nag-eexist. Option ka lang, gano’n." Marlot explained it to me clearly.
She's right. Ang hirap niyang abutin. His name itself made me realize that it is impossible that he will bow his head just to see my existence. He is Clifton, a skyscraper, and whatever I do, his hard to be reached by me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top