Chapter 000
'Pag nagmahal tayo
kakayanin natin ang
lahat mapasaya lang sila
kahit ang kapalit no'n ay
ang ating kabiguan.
Chapter 000
[Diary]
"A MAN in his white dress. A man who has an angelic face. A man who has a smile on his face, but with eyes full of sadness." I paused and smiled. "A man with his unique personality. A man that's special to me. Hoping someday you'll notice me. I'm always-"
I stopped reading my diary when someone get it from me. Hindi ko man lang natapos basahin iyon. Kahit hindi pa ako nakatingin sa kumuha nito ay alam ko na kung sino siya. Tiningnan ko siya ng masama kahit nakangiti pa siyang hinawakan ang diary ko. Litseng ngiti na 'yan, d'yan ako nadali, eh.
Tiningnan ko lang siya. Para bang siya lang ang lalaking gusto kong titigan buong maghapon. Napukaw na lang ako sa aking kahibangan nang bigla siyang nagsalita.
"Aha!" natatawa niyang sabi habang tinitingnan ang parteng binasa ko kanina. He gave me gazed before he looked back to my notebook. "I'm always here if you need me." he chuckled like he's teasing me.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niyang iyon. Tawa lang siya nang tawa na para bang binubwesit niya ako. He always do that and I don't know why. But for me I find it sweet.
Nilapitan ko siya para agawin iyon sa kaniya. Pero agad naman siyang umilag kaya nainis na ako.
"Putik ka! Akin na 'yan!"
"Sandaling lang, babasahin ko pa."
Ipinagpatuloy niya lang ang pagbasa niya sa diary ko. Pero hindi ko na ikinatuwa ang ginawa niyang iyon. I have secrets there that I don't want him to find out. Pilit ko pa ring inagaw sa kaniya ang notebook ko. But I can't get it because he is tall. Itinaas niya pa lalo ang kaniyang kamay para hindi ko ito maabot. Nakatoon lang ang atensyon niya doon habang ang aking mga mata ay nasa adam's apple niya. Nakita ko ang marahan niyang paglunok dahilan ng mapatulala ako. Mayamaya lang nang mapansin niya na hindi na ako gumalaw ay agad niya akong tiningnan. Napadali ako sa pag-iwas ng aking tingin dahil nagtagpo ang aming mga mata.
I stood normally and sighed. "Akin na sabi, eh!"
I felt awkward for that. But I calmed myself down before he noticed it. God, Talia! Notebook mo lang ang kukunin mo at hindi kasali do’n ang pagtitig mo sa adam's apple niya.
"A man in his white dress-" I cut him off.
"Clifton Khale Del Franco!" I exclaimed.
Kinagat ko ang ilalim ng aking pisngi dahil nagawa ko na naman siyang tawagin sa kumpleto niyang pangalan. Kabisado talaga, Talia? Binaba niya ang kwaderno ko mula sa kaniyang pagtaas. Tumingin naman siya sa akin ng diretso. Napalunok ako sa ginawa niyang iyon. I saw how perfect he is. Kahit wala pa siyang ginawa, ang g'wapo niya na. His nose, red lips, hazel eyes and his thick brows are perfectly made. I gulped as I calmed myself.
"Yes, Miss Talia Ellaña Escober?"
Inirapan ko siya sabay lahad sa aking kamay. "Ibibigay mo 'yan sa akin o sisipain ko 'yang bay*g mo?!"
Nag-iba bigla ang reaksyon sa kaniyang mukha sa sinabi kong iyon. Nakita ko rin ang pag-awang ng kaniyang labi. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Oh, ‘eto na." he gave it back to me. I quickly put it in my bag. Baka kasi kunin na naman niya. "Tsk. Ang damot ang pangit naman ng sulat kamay." Sabay kamot sa ulo niya.
I arced my brows and I smiled at him. "Hehe, pake ko ba? Umalis ka nga d'yan!"
Nilampasan ko siya para magpatuloy sa aking paglalakad. Pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ay nagawa niya akong pigilan.
"El,"
Nakaharap ako sa kaniya dahil sa pagtawag niyang iyon. The way he calls my name makes me hearing a sweet voice of an angel from heaven. "Bakit?"
"Kung sino man 'yang 'man' mo na 'yan…" he paused to trailed off. "Wag ka nang umasa, malabong mapansin ka niya." he smirked.
Kinuha ko agad ang isang maliit na bato na nasa gilid ko, saka ibinato sa kaniya.
"Ang sama mo satanas!"
That man is you. Malabo mo nga akong mapansin, Del Franco.
"G'wapo naman," he chuckled. "Bye! Sana hindi ka makapasok sa klase natin kasi nagsasawa na ako sa mukha mo!"
Siya naman ngayon ang nilampasan ako. I want to shout at him and be angry, but I can't. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga magawa ang magalit sa kaniya kasi para niya akong kontrolado. Napangiwi naman ako sa sinabi niyang iyon. At isang buntong-hininga lamang ang aking nagawa bago siya tugunin.
"Sana bumagsak ka sa quiz ni Miss mamaya para pagtawanan ka ulit ng lahat!"
He stopped for a while and he looked at me for a second. "Alam kong matalino ka kaya safe ako!" he smiled and winked.
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Tinatanaw ko lang siya mula kaniyang likuran na unti-unting papalayo sa akin. Why I'm still into you all of these years kahit alam kong malabo ang maging tayo?
As I entered our room, I saw people looking in my direction and chatting with their seatmates. Hindi na bago sa akin ang mga pagan’yan-gan’yan nila kasi nasanay na ako. Simula no’ng nalaman nila na nasa iisang bubong pala kami ni Clifton, nag-iba na ang pakikitungo nila sa akin. Walang ni isa sa kanila ang may balak na kaibigan ako o kahit kausapin man lang. Pinagpipilitan ko raw kasi ang aking sarili sa idolo nila.
Sapo-sapo ko ang aking mga dalang aklat papunta sa aking upuan. Bigla akong napayuko nang makita ko si Clifton na tumingin sa akin na may malamig na pustora sa kaniyang mukha. Gan'yan siya lagi sa akin 'pag nasa harap kami ng maraming tao. Kinikibuan niya lang ako 'pag may kailangan siya or something important. Kahit nasa iisang bubong lang kami, pakiramdam ko naman hindi kami magkakilala 'pag kami ay nasa publiko.
He don't want me to get closer to him in public because he hates gossips. Ayaw niya ng tsismis at ayaw niya na masali sa usapan ang pangalan niya dahil sa akin. He wants his name clean. Wala siyang pake kung ang akin ay hindi. How selfish right? But I do understand what he wanted me to. Kung ano ang mayro’n at kung gaano kami ka sa close sa bahay nila dapat manatili lang iyon doon. Ayaw niya na gano’n pa rin kami sa isa't isa 'pag may mga taong nakakilala sa amin. Lalo na sa harap ng mga kaibigan niya.
Working student ako sa bahay nila since nag-college ako. He hired me to work in their house to support my needs and even for the financial support of my studies. Magkaklase kami ni Clifton since high school and luckily until now. Mabilis kong tinungo ang aking upuan na katabi sa kaniya at tahimik na umupo rito. I didn't give him even a little glance kasi ayaw niya iyon. Lalo na 'pag may makakita sa akin na tumitingin sa kaniya. And it hurts me a lot.
I gulped to calmed myself and focus my attention on my book. Habang wala pa ang instructor namin ito talaga ang palagi kong ginagawa kasi wala naman akong makakausap dito. As I opened the 37th page of the book I noticed someone tapping my shoulder. Napalingon naman ako at nakita ko si Clifton na nakatingin sa akin. Itinaas ko ang aking isang kilay dahil sa pagtataka.
I saw him writing something on his paper and he showed it to me. Nang makita ko ang sinulat niya doon ay napakunot ako sa aking noo.
Look at your phone.
Iyon ang nakasulat doon. Agad ko naman itong kinuha sa bulsa ng aking uniporme kaya nakita ko ang text niya. Sinulyapan ko siya, pero hindi na siya nakatingin sa akin. Binaling ko ang toon ko sa text niya. Kaya pala hindi nag-vibrate o tumunog ito kasi naka-silent pala. Pinalitan ko muna ito ng vibration mode para ma-notify ako if may mag-text ulit sa akin. Nang mabuksan ko ang text niya doon ay napahilot ako sa aking ulo.
From: Del Franco
May assignment ka sa Contemporary World? Hehe
Agad naman akong nag-typa sa aking reply.
To: Del Franco
Nag-aaral ka pa n'yan?
From: Del Franco
Picture-an mo na lang pls. Nakalimutan ko kasi na ngayon pala deadline no’n. Send mo sa akin. Promise, sagot ko load mo mamaya. :)
Napabuntong-hininga ako sa text niyang iyon. He always gave me that reason every time na wala siyang assignment. Nilagay ko ang aking cellphone pabalik sa aking bulsa. Nakita kong napatingin siya sa akin, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
Kinuha ko ang aking assignment sa loob ng aking bag. Kaso napatigil ako nang nag-vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha at nainis ako sa sunod niyang text sa akin.
From: Del Franco
Waiting…
Padabog kong kinuha ang assignment ko dahil saka niya lang ako maalala 'pag may kailangan siya. Nang makuha ko na ito, I looked at his direction. Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Hindi ko naman ito ma-send sa kaniya dahil nag deactivate ako sa Facebook. Nagulat siya sa sunod kong ginawa. Napatingin sa gawi ko ang mga kaklase namin nang padabog kong ibinigay sa kaniya ang aking takdang aralin.
"What the-" I cut him off directly.
"Here's what you need, KAMAHALAN!"
He looked at me surprisely. But I rolled my eyes at him and sit back on my chair like nothing happens. Wag ako Del Franco, minsan lang akong magalit sa ‘yo kaya lubos-lubusin ko na. NATAPOS ang klase namin sa buong araw na puro diskusyon lang ang ginawa ng mga instructor namin.
Agad akong napabalik sa realidad nang marinig kong tumunog ang rice cooker ng aking sinaing na kanin. Tinanggal ko ang pagkasaksak nito. Agad naman akong kumuha ng pinggan at kutsara para makakain na. Insaktong nakakuha na ako ng kanin ay tinungo ko agad ang ulam na ibinigay sa akin ni aling Maria. Tira niya raw ito kanina kasi hindi raw niya kayang ubusin. Kakainin ko na sana ang pagkain na nilagay ko sa aking kutsara nang may biglang tumawag sa akin.
"El?”
Alam ko na kung sino siya kasi siya lang naman ang tumatawag sa akin sa pangalan kong ‘yon. Hindi ko na siya tinugon. Alam ko naman na alam niya kong nasaan ako sa ganitong oras. Nang makita niya na ako ay nakita ko ang pagngiti niya. Tinuon ko lang ang aking pansin sa kanin ko’t nagpatuloy sa pagkain.
"Sama ka? Pasyal muna tayo saglit."
Napahinto naman ako sa sinabi niya. Sana lagi na lang kaming nasa bahay para lagi siyang ganito sa akin. "Tutulungan ko pa si Nanay Maria sa paglinis ng pool. Hindi ako p'wede,"
"Ipagpapaalam kita sa kaniya." he said casually.
Matagal akong nakasagot sa kaniya. Naupo muna siya sa harap ko na may nakapagitnaang mesa. Hinintay niya lang ang aking tugon habang nakangiti pa rin sa akin.
I cleared my throat. "Saan naman tayo n'yan?"
Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa labi sabay pakita sa akin ng larawang nasa cellphone niya. Ang perya na madalas nilang puntahan ng pamilya niya no’ng buhay pa ang daddy niya.
"Do'n na naman? Hindi ka ba nagsasawa do’n?"
"Hindi nga ako nagsasawa sa mukha mo eh, kahit laging kitang nakikita mula sa school hanggang dito sa bahay." he chuckled.
Napakuha ako sa isang saging na nasa lamesa at itinapon sa kaniya. Sinalo niya naman ito agad, saka binalatan. "Lokohin mo lolo mo CK, 'wag ako."
I used to call him CK, as an acronym of his name. And I'm the only one who calls him by that. Pumayag naman siya na 'yon ang itawag ko sa kaniya kaya nakasanayan ko na.
"Sige na please. Saglit lang naman, eh, tapos uwi na tayo agad." he pouted like a child and that makes me rolled my eyes.
I have no choice but to obey him. 'Eto na naman ako kahit hindi ko naman gusto, kailangang gawin dahil napipilitan. I shaked my head to say yes.
"Oo na, tatapusin ko lang 'to,"
"Sige, tutulungan na kita." masigla niyang tugon.
I can do everything for you, Del Franco. Even its hard just for you to feel better. Napatayo naman siya agad at nilapitan ako sabay kuha sa aking ginamit na kutsara at kumain na rin. How I wish he will always treat me this way kahit nasa harap kami nang maraming tao. Thinking of those things kills me inside. I know it's hard to make my wish come true, but nothings wrong in hoping.
Oneday, magagawa mo rin ang ipagsigawan ako Clifton Khale, at pakisamahan nang maayos sa harap ng maraming tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top