03

August 21, 2021
5:00 PM...

Nagsimula ng dumating ang mga pinsan sa kabilang kalye at bisita ni Angel sa kanyang ika-15 na kaarawan. Bilang isang compound lamang sila, ay hindi na bago ang natural na dami sa bahay nila.

Walo silang magpipinsan at nag-iisang anak sya nila Dianne at Richard. Ang dalawa sa pito nyang pinsan ay sa kabilang kalye lang nakatira pero ang lima ay sa kabilang bahay lang na iilang hakbang lang ang layo.

Katulad ng nakagawian, sa garahe nila idinaos ang kaarawan niya kagaya ng bawat miyembro ng malaking pamilya nila. Dumating na rin ang kanyang mga kaibigang sila Feather dala ang kanilang mga regalo para sa kanya.

"Ganda. Asan na daw si Adam?" Pang-iinis pa ni Feather kay Dawn na panay lingon sa paligid.

"Baliw ka, balahibo!" Dawn hissed and kicked her shin under the table.

Feather just giggled and twirled the spaghetti on her fork before putting it inside her mouth. Angel shook her head and smiled.

"Yown naman! Sakit besh!" Selene acted dramatically and discretely pointed Adam across them using her lips.

Kumunot ang noo ni Angel ng makita na tinotoo nga ng Kuya Adam nya ang pagyaya sa mga kaibigan nito pati na rin si Lilac, ang girlfriend nito.

Nagtama ang mga mata nila ni Brix at nginitian sya nito. Nilapitan siya at inabot ang maliit na regalo.

"Haberdey, Anghel!" Pagbati pa ni Brix na siya namang pinasalamatan nya.

"Salamat, Kuya Brix! Hindi ka naman sana nag-abala. Pero thank you dito!" Angel grinned.

"Regalo ng grupo namin yan. Nakakahiya namang makikikain kami ng walang regalo sa iyo. Atsaka hindi ka na iba sa tropa namin. " Brix said and winked at her.

"Aww! Bola ka pa! Ayan, maraming pagkain dyan! Kuha lang kayo!" Angel laughed and stood up to led him to the food table.

Nakipaghalubilo pa sya sa table nila Adam at nakilala niya ang bago nilang kaibigan na si Charles. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na sya sa mga kaibigan nya.

Nagkwentuhan sila muli at maya-maya ay nagsimula na sila magvideoke. Kanya-kanyang birit sila at hindi naman maipagkakaila na kaakibat ng magandang mga mukha nila ay may magandang boses din ang mga ito.

Sa katunayan ay mga miyembro sila ng Glee Club sa paaralan nila. Madalas silang ipanlaban sa contests at masaya sila sa gawaing iyon.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagpaalam na din ang mga kaibigan dahil kinabukasan ay may lakad ang mga ito.

Ang tanging natira na lang ay mga pinsan niya at kaibigan ni Adam na nag-iinuman. Nagkakantahan din ang mga ito at kahit hindi kagandahan ang boses ay bigay-todo. Tawanan ang pumailanlang sa ere.

Nagpaalam na din sya at inaantok na sya. Mahimbing na siyang natutulog sa kama at sa hindi alam na dahilan ay parang nananaginip sya na hinaharana sya ng isang gwapong binata at ang boses ay napakaganda.

"I opened the radio
And heard our song.

I started to smile
And the pain has returned.." the deep husky voice sang.

Frowning while in deep sleep, Angel thought why the singer chose the song. As if galing ito sa heartbreak. Hindi rin pamilyar sya sa kanta. Own composition nya kaya ito?

"You made me the happiest,
Yet you chose to go away." The manly voice continued to sing and even from Angel's bedroom, she can hear the melodious voice from downstairs.

She was about to sat up when sleepiness took over.

------

Author's Note:

Yung kanta sa taas ay original composition ko na Theme Songs. You can read it on my poetry compilation entitled Lacher Prise in my main account na happysnowfeet. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top