Beautiful Mischief
Beautiful Mischief
•••
Jerks. Pranksters. Bad boys.
Sila 'yong mga typical characters sa mga palabas na napapanuod sa pelikula't telebisyon o sa mga nababasang romance novels na madalas kainisan ng mga bidang babae. 'Yung tipong kaaway nila palagi pero kanila din namang nakakatuluyan sa huli. Hindi ko ikakaila na kinikilig din ako sa ganung istorya pero, in real life? Hindi cute at nakakakilig.
I always wonder, is it even possible for something like that to happen in real life too?
But, I guess nothing is impossible.
The fictional character that I thought would never exist in my reality, do exist. Hiding by the name...
"Rogue Angelo, see me in the guidance office, now!"
He stood up lazily from his seat, smiling sheepishly saying, "Gladly, Ma'am."
Napairap nalang ako sa tinuran n'ya habang nagtawanan naman ang iba naming mga kaklase. Ang teacher namin, ayon napailing nalang.
Rogue Angelo.
Isa siya sa may pinakamatunog na pangalan sa loob 'man o labas ng school namin. Kilala kasi ang apelyido ng pamilya nila bilang isa sa mga pinakamayaman at maimpluwensiyang pamilya sa bayan namin.
Sure, he got all the qualities of a male lead kind of guy — rick kid, tall with great physique and good looking, pero kabaliktaran ang ugali n'ya.
Siya lang naman kasi ang number one teacher's enemy, ang number one violator. Nakakabit na nga yata sa pangalan n'ya ang mga katagang, rule-breaker at trouble maker sa dami ng kalokohan at pagpapasaway n'ya. Suko na nga yata ang mga teachers namin sa ugali n'ya.
Simula sa unang taong namin bilang magka-klase, hanggang ngayon wala pa rin s'yang pagbabago. At mukhang sinusulit talaga n'ya ang huling taon namin dito sa school.
Ano na naman kaya ang ginawa n'ya?
Napatingin ako sa kinauupuan n'ya at ganon nalang ang gulat ko nang masalubong ko ang tingin n'ya. Kunot ang noo n'yang nakatingin sa'kin bago s'ya unang bumawi ng tingin at ngumisi. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad s'ya palabas bitbit ang bag n'yang mukhang props lang at hindi ko alam kung may laman o wala.
Posible pala talaga na makaramdam ka ng inis sa isang tao kahit wala siyang ginagawa sayo.
I don't hate him, I just don't like him. He is so annoying like a true epitome of a bad boy!
So, I don't know why did the universe let this happen to me? Why?
Bakit sa dinami-rami ng pagkakataon, ngayon pa 'to nangyari? Bakit sa dami ng estudyante ng school, siya pa ang kasama ko ngayon?
"Disappointed eh?" He stood there, with his usual smirking face, looking at me. Nakatingin siya sa'kin na para 'bang inaasahan n'ya ang pagdating ko.
He looks intimidating. So, I ignored him like I always do, but what he said next caught me off guard.
"Did that bastard told you to meet him here after class?"
Napakunot noo ako. Paano n'ya nalaman? Gusto ko siyang tanungin pero wala akong balak na kausapin siya.
I chose to keep my silence, not to confirm nor deny anything. Bahala siya.
Hanggang sa marinig ko siyang tumawa—'yung tawang nang-aasar. "I can't believe this. Of all people, naniwala ka sa gagong 'yun?"
He's really provoking me but I won't give in. I clenched my fists to calm myself.
"You really like him, don't you?" He suddenly asked.
Isang tanong na hindi ko inaasahang manggagaling sakanya. Hindi ako nakakibo sa gulat.
Tumawa ulit siya. "Of course, you do. You like good guys. Just be careful, though. Not all good to you are true."
Ugh, the audacity! We're not friends, not even close to begin with!
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ibig mong sabihin?"
He shrugged. "Oops! I wasn't supposed to talk."
Mas lalo akong naguluhan at nainis lalo na nang talikuran n'ya ako! Pumunta siya sa may teacher's desk, umupo at inihiga ang ulo n'ya sa lamesa.
Aba't! May balak pa yata s'yang tulugan ako.
"H-hoy..." mahinang tawag ko sakanya. Hindi n'ya ako pinansin kaya naglakad ako palapit sakanya saka ko hinila ang dulo ng manggas niya.
"Whoah!" Mabilis s'yang tumayo palayo sa'kin na siyang ikinagulat naming pareho. "Now what?"
"Anong ibig mong sabihin kanina?" seryosong tanong ko sakanya. "Paano mo nalaman na dito kami magkikita?"
"So, it is true," aniya. Sumeryoso ang tingin niya sa'kin bago siya nagbawi ng tingin at bumalik sa kinauupuan niya. "Just go home. Hindi na 'yon darating."
"How did you know that? Ikaw ba may pakana nito?" Nafru-frustrate na tanong ko sakanya.
He sigh. "Just go home, Serena."
Serena? He knows my name?
We stared at each other's eyes and no one dares to look away.
"You're asking the wrong person," he said.
I heave a sigh and turn my back at him. Tama siya. I should asked Lance. Bakit ko nga ba sinasayang ang oras ko dito?
I was about to go home, when I something unexpected happened...
"It's locked." Muli kong pinihit ang door knob pero hindi ko talaga mabuksan. Sa frustration ko, hindi ko na napansin ang paglapit n'ya.
Napapitlag ako sa gulat.
"Scaredy cat. Do I look scary to you?" He suddenly asked. "Are you scared of me?"
He's the school's bad boy! Who knows what he can do. What if he pulls out a prank on me? Of course, I should be scared!
Matapang kong sinalubong ang tingin niya.
"I'm not afraid of you."
I expect him to taunt me just like what he did earlier, but to my surprise, he didn't. Instead, he gave me a half-smile that caught me off guard.
And with a gentle voice he said, "Good to know."
Napatulala nalang ako sakanya nang naguguluhan.
Okay... what was that?
Si Rogue Angelo... 'the school's bad boy' ba talaga 'tong kaharap ko?
Nakakapanibagong makita na kalmado siya, 'yung ganitong hindi nakakunot ang noo niya, hindi magkasalubong ang mga kilay niya, hindi masama ang tingin niya sa'kin at hindi siya nakangisi.
I don't have to deny it. He looks more charming... calm, and friendly. Kung sana ganito nalang siya lagi, diba?
We both cleared out throat in unison and unexpectedly, laugh together.
"The guard will be here in a minute, you need to go."
"Paano? Naka-lock mula sa labas ang pinto," sabi ko sakanya.
Bumalik naman ang ngisi sa mukha niya kasabay ang pag-click ng pinto. "Easy-peasy."
Nagtataka ko siyang tinignan. "Paano mo---"
Proud n'yang ipinakita sa'kin ang hair clip na ginamit n'ya sa pagbukas ng pinto at iniabot n'ya 'yon sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang hair clip na binigay niya.
This is mine. Pero, paano?
"First year, P.E. class. Naglalaro tayo ng volleyball nang matamaan ka ng bola sa mukha. You fainted."
I remember what happened before I fainted and that was embarrassing. "Please lang, 'wag mo nang ituloy."
He chuckled. Then I gasped when I remembered something else. Paano napunta sakanya ang hair clip ko na 'to? Ibig sabihin?
"Ikaw 'yung—"
Ngumiti siya. All this time, maling tao pala ang pinapasalamatan ko?
"No big deal." Balewala n'ya.
Maaaring hindi 'yon big deal sakanya pero sa'kin, malaking bagay 'yon. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Parang napakasama kong tao dahil mabilis lang para sa'kin na i-judge siya, pero nagkamali pala ako ng pagkakakilala sakanya.
"H-hey... w-why are you crying?" Natatarantang sabi n'ya habang tinatahan ako. Hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko dahil sa kahihiyan at guilt na nararamdaman ko. "Shhh. It's okay, Serena. Don't cry. Baka mahuli tayo ng guard."
Inabutan n'ya ako ng panyo na siya namang tinanggap ko. Muli niya akong tinanong kung ayos na ako, na siya naman ding tinanguan ko.
"You've never been in detention, right?" tanong niya. Umiling ako.
"Well then," tango niya. He offered his right hand and asked, "Will you trust me?"
Napatitig ako sa mukha niya at sa kamay niyang nakalahad sa'kin.
Should I trust him? A bad boy like him?
I heave a sigh. "Ayokong mapatawan ng detention, Rogue Angelo."
"You know my name." Nakangiting sabi niya.
I smiled back at him and...took his hand.
~End~
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top