Tres
Baby
Ang kulay kahel na kalangitan ay bumabalot sa paligid. Ang kalmadong dagat at ang malamig na hangin ay nagpapakalma sa akin.
Andito ako muli sa ilalim ng lamesa kaharap ang baso. Dala ko ito kahit saan ako magpunta.
Gusto kong mas maintindihan pa ang gustong iparating saken ng buhay gamit ang basong ito.
Kung tutuusin pangalawang buhay ko na ito. Kaya dapat lang na matuto ako mula rito. Nakapagdesisyon na ako sa bagay na dapat ay matagal ko ng ginawa.
"Andito ka lang pala"
Umupo sya sa tapat ko.
Kung titingnan mabuti may itsura ring itong si Juan. Matangos ang ilong nya may malalim na mga mata at ang pilikmata nyang kay haba. Mapula run ang kanyang mga labi at depina ang istraktura ng kanyang katawan. Bagay rin sa kanya ng morenong kulay. Papasa itong artista pag dinala mo sa maynila.
"Maganda ba ang Maynila?"
Laki sya rito sa isla. Bata pa lang mang sya andito na sya. Alam ko makapag aral naman sya kahit paano.
"Mas maganda rito Juan"
Bumaling sya saken. At parang sinusuri ang aking naging sagot.
"Tingin ko nga ay mas maganda rito" hinaplos nya ng daliri ang kanyang baba. Tilay sigurado sa kanyang sinasabi.
"Puno ng kalungkutan ang iyong mata. Samantalang rito sa isla ay puro ngiti ang aking nakikita. Marahil ay maganda rin sa Maynila marami daw ang oportunidad doon. Pero kung magiging kasing lungkot ng mga mata mo ang mata ko pag dating ko roon ay wag nalang"
Isang ngiti ang iginawad nya saken. Tama sya wala pa kong nakita sa isla na ito na malungkot.
"Juan.. nakapag aral ka ba?"
Nakita ko ang gulat sa ekspresyon ng kanyang muka ngunit napalitan din agad ito ng ngiti.
"Aba oo naman. Ayaw ko lang iwanan si inay rito pero isa akong arkitekto. Sa ngayon ay puro freelanced lang muna ang kinukuha ko. Madaming gustong kumuha saken na kompanya ngunit tinatangihan ko muna. Matanda na si inay atska sa nakikita ko sayo mas lalo akong nakumbinsi na panget nga talaga sa Maynila"
Bahagya akong natawa sa kanya. Halata na offend ko sya sa aking tanong pero mayabang nya akong sinagot.
Isa pala sya arkitekto. Big time!
"Bakit hindi mo nalang dalhin si manang sa Maynila?"
"Mahal nya ang lugar na ito. Masaya sya rito. Maiksi nalang ang panahon nya"
Mahal ni manang? Bakit? Oo dito na siguro sya tumanda pero pwede na iwan ang isang lugar para sumubok ng iba.
"Ikaw... hindi ko ba nanghihinayang sa panahon? Andito ka sa isla, nangingisda at walang permaneteng kompanya"
"Muka ba akong nanghihinayang? Tingin mo ba kung hindi ako masaya ay mag titigil ako rito? Liana... choose to be happy and you will understand"
Tumayo na sya at aamba na sa pag alis.
"Explore the island. Wag mo ikulong ang sarili mo sa lugar na hindi ka naman masaya. It is okay to isolate yourself in a place where you find happiness"
Isang makahulugan ngiti ang iginawad nya saken bago sya tuluyang nawala sa aking paningin.
Maganda ang Maynila pero hindi ako masaya roon. Ilang taon kong ikulong ang sarili ko at nagpanggap na hindi ako dahil lang walang kasiguraduhan na pag tanggap.
Unti unti ng bumukas ang mga ilaw sa paligid ng dalampasigan. Mas maganda ito kumpara kagabi o dahil hindi ko lang na appreciate ang tanawin kagabi.
Malinis nag kalangitan dahil upang mas maaninang ang napakaraming bituin. Sa gantong lugar ba talaga nahahanap ang kapayapayan?
"Liana luto na ang hapunan. Halika na rito may bisita tayo" narinig ko ang sigaw ni manang.
Bisita?
Sino naman kaya ang bisita namen?
Nang nakarating ako sa habang kainan isang matipunong lalaki ang nakapuno roon.
Nakikipagtawanan sya kay Juan. Nakasuot sya ng kulay dark grey na tshirt at isang kacki short at isang brown na sandals. Matangkad sya ng konti kay Juan at mejo maputi ang kulay nya kumpara sa kulay ni Juan na Moreno talaga. Mas depina ang mga muscles ng kanya katawan kita ito dahil mejo hapis ang suot nya t-shirt.
"Vince andito na si Liana. Ito yung sinasabi ko sayo may ari. Buti nalang at pinaunlakan mo ang pag anyaya ko sayo"
Unti unti sya humarap saken.
Vince?
"Naku pasensya ka na talaga sa nangyare nung isang araw. Ang laking istorbo noon sayo"
"Wala ho iyon manang. Pumunta rin ako rito ngayon para imbitahan kayo na punta sa resort sa darating na biyernes"
Dahan dahan akong umupo sa harap nya. Sya ang lalaking pakielamero.
"Ay sige hijo pupunta kame" bumaling saken si manang. Nahalata siguro ang aking pag katulala "kaen na anak"
Ginawaran ko lang ng ngiti si manang. Ramdam ko ang tingin nya saken ngayon.
Nagkwentuhan pa sila sa kung ano anong bagay. Tingin ko ay tungkol ito sa isang hotel ay gusto nya ipa gawa kay Juan.
Pinagmasdan ko si Juan nagsasalita mukang alam na alam nya ang kanyang ginagawa.
Ganyan ba ang itsura ng taong masaya sa kanyang desisyon at mahal ang sarili?
Itong si Vince naman ay malalim din ang ekspresyon ng mga mata ngunit halata mong kaya na nyang kontrolin kung ano mang lungkot ang meron sya.
Natapos ang hapunan. Iniligpit na ni manang ang mga pinagkainan.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa Vince na ito. Alam kong kilala sya at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakasama ko na sya noon ng mas matagal pa.
Bumibilis ang tibok ng puso ko kunti hindi tulad dati ay hindi na naninikip at hindi na rin mahirap sa pag hinga.
Pero hindi ko ito kontrolado ngayon. Mabilis iyon at sadyang hindi pamilyar saken.
Bakit ganto?
Ano bang nangyayari saken?
Kilala ba kita? Vince?
Lumapit saken si manang. Dala nya ang susi ng gate sa labas.
"Liana ihatid mo sya at magpasalamat ka" bulong saken ni manang.
Nagpaalam na pala syang aalis na. Bakit sya aalis na? Ayaw nya ba rito?
Lumapit ako sa kanya.
"Halika na. Hahatid na kita sa labasan"
Nilingon nya ko. Kunot ang kanyang noo. Marahil nagtataka sya kung bakit ako ang maghahatid o bakit kaylangan pa ng maghahatid?
"Hindi na po kaylangan manang. Hayaan na po naten sya magpahinga"
Inunahan ko sya mag lakad!
Ang lokong to. Hindi man lamang ako pinansin!
Dalas dalas ang aking paglalakad. Naramdaman ko ang pag sunod nya saken.
Sinabayan nito ang bilis ko ng mga hakbang ngunit ang mumunti Kong mga hakbang ay kayang kaya nya tapat ng walang kapagod pagod.
"Vince" nilahad nya ang kamay sakin.
Tinitigan ko lamang Iyon. Dahil kung bakit ako tumingil. Tingin ko ay ang Pula ng aking muka dahil sa inis.
"Hindi kasi ako nakapagpakilala ng ayos kanina"
Talaga ba? O dahil iniignora mo ako?
Hindi ko matago ang pag kainis. Parang may kung ano saken na iniiwasan nya.
Dahan dahan nyang ibinaba ang kanyang kamay. Resulta ng hindi ko pag tangap dito.
"Liana" muli ay itinuloy ang mabilis na pag lakad. May kung ano saken ang hindi ko talaga maintindihan.
Katulad kanina ay sumunod pa rin sya saken.
"Hmm Im sorry for what happened last time we met and of course... thankyou for uh saving my life?"
Sinabi ko Yun dahil tingin ko kaya hindi nya ko pinapasin ay dahil sa nangyari.
Sana hindi sya nangialam! Ugh!
"Your welcome" aba mas lalo lang ata nadagdagan ang yabang ng isang to.
Hindi ako lumingon sa kanya pero ramdam ko ang mapanglinlang nyang ngiti.
Nakaka kulo ng dugo.
Binuksan ko ang gate ay at inilahad ito para makaalis na sya. Kating kati kong mawala sya sa pangin ko.
Isang magarang sasakyan nakaparada sa labas ng gate. Kulay itim na kotse ang tumbad saken.
"See you... Liana"
What was that? Bakit iba ang pakiramdam ko nung tinawag nya ang pangalan ko.
"See you?" I eco his words.
"No more good byes for you... baby"
Baby? What? Oh my gee.
Agad nyang pinaharurot paalis ang kotse nya.
Naiwan akong tulala pinaproseso pa rin ang mga nangyari.
"Ba... by?" I wishepred
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top