Trente Sais

My... baby

Marahan kong nilapatan ng brush ang aking mukha. Nakatulala ako sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. I really don't know if I am willing to attend Nikko's party.

"Lianna hindi ka pupunta roon para kay Vince. Pupunta ka roon para sa kaibigan mo. Para kay Nikko" pag kumbisi ko sa aking sarili.

Pero wala pa rin iyon naging silbi. Kinakabahan pa rin ako dahil siguro wala akong kasama pag dating ko doon.  Kung hindi lang sana binugbog sarado si Adrian may kasama sana ako. Alam ko naman na andoon si Bella pero kasi sempre bisita nila ang andoon. Mga relatives dahil wala namang ibang mag aasikaso kundi sya dahil busy rin si Nikko.

Biglang tumunog ang phone dahilan upang mawala ako sa mga aking pag aalala.

"Hi Ian where are you?" Bungad saken ni Bella.

"Condo pa Bella" sagot ko.

Ibinaba ko ang brush na kanina ko pang hawak. Inilagay ko ang buhok ko sa likod ng aking balikat. Hinyaan ko nakalugay mahaba at wavey kong buhok.

"Don't tell hindi ka pupunta? Naku Ian magtatampo si kuya sayo" si Bella

"Yeah I know, nakabihis na ko" pagkumpirma ko sa kanya.

"Dapat lang. Oh wait may kakausapin lang ako. See you in a bit Ian" sabi nya bago tuluyang ibaba ang tawag.

Isang plain blue long dress ang suot ko. Pinasadahan ko ng aking palad ang aking tyan. Hindi pa talaga iyon halata sa ganun. Halos wala pang umbok sa parteng iyon. Walang maniniwala saken na buntis ako.

Pag baba ko ay agad Kong tinahak ang aking kotse. Sana naman ay hindi ito magloko ngayon.

"Please lang makisama ka ha. Wag tayong palageng damsel in distress, okay?" Sabi ko habang hinihimas ang manebela.

Alam kong para akong sira dahil sa aking ginagawa pero maige na yung sigurado.

Maganda naman ang naging takbo namen hanggang makarating ako sa venue. Pag dating ko doon ay ilang kislap ng mga camera ang sumalubong saken.

Sempre, the youngest daughter of the biggest hotel chain and the bachelor in furniture industry is about to merge. This is one of the biggest and grandest event of the year.

"Good evening Ms. may I see you invitation?" Bungad saken ng isang babae sa lobby.

"Here" abot ko sa isang royal blue na envelop.

"Ms. Lianna Ordineza" ngumiti sya saken pagkatapos nyang banggitin ang aking pangalan.

"This way po" sabi saken ng isang babae nakasama nya rin.

Iginala ko agad akong mata sa paligid. Sobrang magical ng venue. Parang inlove na inlove si Nikko at Viena. I saw both of them talking to their guest. Nikko arms snake around Viena waist telling me that he is now inlove with Viena and I'm happy for them. I'm happy for Nikko that he finally found someone that can love him back.

"Ian" si Bella ngayon ay papalapit saken.

"Wow, stunning huh!" Puri nya saken.

Naka royal blue din sya na dress. Muka na talaga sya showbiz royalty. Pag balik nya siguro galing new york sikat na sya. Panigurado iyon dahil maganda sya at may talent.

"Ikaw rin naman" sabi ko.

"Thankyou, anyways bukas may despida ako. Wag kang mamawala" si Bella

Aalis na nga pala sya sa isang araw. Iniisip ko kung nakapagusap na kaya sila ni Juan. Lately kasi tahimik lang ang isang yun. Hindi ko rin naman tinatanung si Bella kasi ayoko manghimasok.

"Saan ba? Tingnan ko ha" sagot ko sa kanya.

Naglakad kame patungo sa isang table para makaupo na.

"Sa bar yun sa may pasay. Anong titingnan? Hindi pwedeng wala ka" sabi ni Bella habang ngumingiti sa mga bisita na bumabati samen.

"Oh no, she can't drink" sabi nya sa isang waiter na nag alok saken ng wine.

Natawa naman ako dahil sobrang protective nya saken. Bago ako nakapagsalita ay nahagip ng mata ko si ate Sabrina. She looks fabulous with her flowy light blue maxi dress. Ngumiti sya sa camera na para bang isang VIP guest sa event na ito. Hindi ko maiwasang umirap dahil sa ginawa nya.

"Feelingera talaga! Nakakainis!" Bulong ni Bella sakin.

Muli ay natawa ako. Mas bitter pa sya saken.

"Wag mo na pansinin baka maging kamuka pa yan ni baby" sabi ni Bella sabay hawak sa tyan ko.

Tinampal lo ng bahagya ang kamay nya dahilan ng muli nyang pagtawa.

"Hindi ba ay alam naman ni Vince na kay Adrian yan. Wag mo na itago" pilyang ngiti ang binigay nya saken.

Pinanlakihan ko lamang sya ng mata muli ay tumawa sya ng bahagya. Ang isang to, siguro ay may problema tawa sya ng tawa na akala mo ay hindi nalulungkot.

"Oh my, Lianna is that you?"

Nagulat ako sa bigla pag haplos ng kamay saking balikat. Napalingon ako aking liguran.

"Tita Lauren, how are you po?" Sabi ko bago tumayo at nakipagbeso sa kanya.

"I'm great. You look great Lianna, sobrang ganda mo na" si tita Lauren.

Tita sya nina Bella from Canada. Nung namatay ang parents nina Bella sya na ang nag paaral sa kanilang dalawa.

"You too tita" ngumuti ako sa kanya.

"You know what, nung sinabi saken na ikakasal si Nikko akala ko talaga ay sayo. Paano ba naman nung mga bata pa kayo sobra ang pagkagusto nya sa iy-"

"Tita matagal na iyon. Baka may makarinig pa sa inyo" paalala ni Bella sa kanya.

"Oh my bad. I'm sorry Lianna" sabi nya saken.

"It's okay tita" ngumiti akong muli sa kanya.

Nawala lang sya sa paningin ko ng may kumausap na sa kanyang ibang bisita, Some of her acquaintances. Iginala kong muli ang aking mata pero hindi ko sya makita. Wala kahit anino nya.

"Wag mo na hanapin" bulong saken ni Bella.

"W-wala naman akong hinahanap" pag tangi ko.

"Obvious ka!" Natatawa na naman sya.

May kung ano talaga kay Bella na para ang saya saya nya.

"Iwan muna kita ha. Wala yun rito Ian. Maniwala ka saken" sabi nya bago tuluyang tumayo at iniwan ako.

Pag alis nya nakita ko namang papalapit saken si Nikko at Viena.

"Hi ate good evening" si Viena.

Tumayo ako para makipagbeso beso sa kanya.

"Hello congratulations sa iyong dalawa"  sabi ko.

"Thank you Ian, wala kang kasama?" Tanong ni Nikko saken.

"Kaalis lang ni Bella" sabi ko sabay ilangan sa paligid para kunwari ay hinanap sya.

"Si ate Bella ba hinahanap mo o si kuya?" Si Viena

"Huh? Sabi ko kaalis lang ni Bella" pag papaliwanag ko.

Na naging dahilan ng pagtawa nilang dalawa. Anong bang meron na parang pinagtatawanan ako sa bawat kilos ko.

"Ian, doon sa part na yon ng buffet mejo umiwas ka may ketchup doon" sabay kindat nya saken.

Namilog ang mata ko sa sinabi nya. Siguro ay nasabi ni Bella na ayaw ko sa amoy ng ketchup o sa itsura nito. Nakita ko rin ang pag kagulat ni Viena.

"So it is true ate? You are pregnant that's why kuya act like that yesterday" si Viena na bakas pa rin ang gulat.

"Yeah" tipid kong sagot.

"I'm proud of you Ian" pilyong ngiti ang ibinigay saken ni Nikko.

Magkapatid nga sila ni Bella. Ang galing nila mangasar parehas.

"H-hindi kay kuya?" Si Viena ulit.

Naramdaman ko ang pag aalangan sa kanyang boses. Siguro ay hindi pa nasasabi ni Nikko sa kanya ang totoo. Tumingin ako kay Nikko para sa kompirmasyon.

"It is not my story to tell Ian" pinal na sagot ni Nikko saken.

"Actually, sa k-kanya" sumagot ako gamit ang maliit ang boses.

Gusto ko naman na talaga sabihin kahapon kay Vince kasi naawa na ako sa kalagayan nya pero sa mga sinabi nya ay parang hindi nya deserve na malaman.

"Sira ulo kasi ang kuya mo" humalakhak si Nikko pag katapos sabihin iyo.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya. Hindi naman mawala kay Viena ang pagkabigla.

"Seriously ate?" halata pa rin rito ang pag kagulat.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Tumingin si Nikko saken na ngayon ay sinusuri ang aking naging reaksyon.

"Can I?" Tanong nya saken kaya muli akong tumango.

Feeling ko kasi ay maiiyak ako pag ako ang nagsabi. Ang isipin na ganun ang tingin saken ni Vince ay masaket para saken.

"Yung kuya mo kasi, kung ano ano sinabi. Nung nakita nya nagsuka si Ian. Ayun pinagbintangan si Adrian ang ama. Edi sabi ni Ian si Adrian ang ama. Your brother is a bastard baby kaya hayaan mo nalang sya. Parusa nya yun" pag papaliwanag ni Nikko.

"Baliw talaga ang isang yon. Tama ang desisyon mo ate. Hindi ko rin sasabihin sa kanya!" Mejo natatawang sabi ni Viena.

Ang dalawang tong pwede talaga magsama. Pareho sila magisip. Naging dahilan tuloy yun ng pagtawanan namen ng sabay sabay.

Ilang minuto pa ang lumipas nagpaalam na sila na kaylangan na nilang umalis kasi maguumpisa na ang program na hinanda para sa kanila.

Mejo na inip ako habang nasa kalagitnaan na ng program kaya nag pasya akong lumabas sa beranda. Sa loob ng venue ay may open space kung saan kita ang lawak ng langit.

Umupo ako sa isang stone chair na andoon at tumingal sa langit. Mejo iba ang dampi ng hangin dito sa labas. Mas malamig iyon.

"Feeling family member kung makipagusap sa mga bisita"

Napabaling ako sa pananggalingan ng boses. Tumayo ako at akma ng aalis dahil ayaw ko syang makita o makausap man lang. Nagiba ata bigla ang hampas ng hangin dito sa labas.

"Excuse me" sabi ko bago humakbang pero hinawakan nya ako sa aking siko at muling hinarap sa kanya.

"Kinakausap pa kita Lianna" matigas na boses ang gamit ni ate Sabrina.

"Ano bang kaylangan mo saken" tanong ko sa kanya.

Nakita ko kung paano nya ko tingnan puno pa rin iyon ng pagkamunghi. Katulad pa rin ng dati sa tuwing magiging hadlang ako para sa mga plano nya.

"Wala! Ang gusto ko mawala ka sa buhay ko at lalo na sa buhay ni Vince!" si ate Sabby.

"Hindi mo na kaylangan ipaalala saken" agaran kong sagot sa kanya.

"Kung ganun bakit andito ka pa rin?!" Sabi nya.

Ramdam ko ang galit sa kanyang boses. Ano ba talaga ang ginawa ko sa kanya. Tumitig ako sa kanyang mata nakita ko parang natatakot sya saken na hindi ko maintindihan.

"Si Nikko ang pinunta ko rito" sagot ko.

"Oh please don't use that lame excuse on me Lianna!" Halos sumigaw na sya.

Nakukuha na nya ang atensyon ng ibang bisita na andito rin sa labas at nag papahangin. Mejo napapalingon na rin yung iba nasa loob na malapit lang.

"Nikko is my childhood friend and his sister is my bestfriend. Now tell me, why would I use that as an excuse? And you, Why are you here?! Are you even friends with them or even Viena. I bet Viena didn't know you" pilit kong kinakalma ang sarili.

"I am Vince girlfriend!" Matapang nyang sagot saken

"Oh really?" sagot ko bago sya tuluyang nilagpasan.

Pero hindi pa ako nakakalayo ng hinigit nya ang braso ko.

"Sabi ko wag mo ako tatalikuran" mahina ang ginamit nya boses pero nakakatakot iyon.

"We'er done talking... ate" pinal ko rin sabi.

Marahas kong tinangal ang pagkakahawak nya saken bago sya tuluyang tinalikuran.

Hindi ko na pinasin ang mga taong nakatingin saken. Bagkos ay dirediretso  kong tinahak ang daan palabas.

Nag sa wakas ay makalabas ako ay may humigit na naman saken. Kinulong nya ako sa kanyang mga bisig. Amoy na amoy ko ang pinaghalong mint at alak. Hindi ito ang pabango na parati nyang gamit.

"Baby what's wrong?" he said it using his husky voice.

Mabilis akong kumalas sa kanya at itinulak sya at agad ko syang tinalikuran para umalis sana.

"Hindi mo na ko maloloko Lianna" sabi nya at muli akong hinigit upang mayakap ako.

Naririnig ko ang pintig nya kanyang puso. Sobrang bilis noon.

"Game over Lianna. I want my baby back. I want you and my... baby" pinal nya sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top