Trenta Tres

Wife

Pagmulat ko ay nasa isang hardin na ko. Ang pag kakaalala ko ay nasa condo pa ako kagabi at hindi naman ako umalis doon. Hindi ko na hinintay umalis sina Juan, dahil antok na antok na ko. Kaya anong ginagawa ko sa gantong lugar?

Ang berdeng paligid at mga bulaklak na may ibat ibang kulay sabayan pa ng mga nagliliparang paru paro at huni ng mga ibon. Ang lagalas ng tubig mula sa hindi kalayuan ilog at lameg ng hanging dumadampi saken, tila ba ako sa nasa isa paraiso.

Ang aking mahaba at kulot na buhok ay sumasayaw sa bawat hampas ng hangin pati na rin ang aking mahabang puting bestida. Dumampot ako ng ilang bulaklak na nag kalat sa lupa ang iba ay hinawakan ko at ang isa ay inilagay ko sa aking tenga.

Ilang hakbang pa ang aking ginawa at isang pinto na may desyenong mga bulaklak at halaman sa paligid nito ang nasa aking harapan. Para bang isang arko patungo sa kung saan. Wala itong pader na kinakapitan. Dahan dahan itong bumukas at tumambad saken ang pamilyar na tunog ng kanta. Ang pamilyar na muka ng mga taong ngayon ay ngumingiti na nung makita ako.

Tumingin ako sa unahan. I saw a pamilyar man standing there. Wearing his tuxedo and pants waiting for his bride. I slowly smile at him. When I started to walk into the aisle, nakita ko ang tuwa sa mga mata ng bisita.

Until someone grab my hand. Tumingin ako sa kanya at nakitang ko si Nikko iyon. Ngumiti sya saken kaya naman ngumiti din ako.

"Nikko sorry pero ikakasal na ako" I said.

"Alam ko Lianna. Pero hindi mo ito kasal kaya tumabi ka" natatawa nyang usad saken.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Paanong hindi sakeng kasal ito. Si Vince ang nasa unahan  at nag hinintay saken. Inilahad ni Nikko ang kamay nya para ituro saken ang direksyon kung saan ako nang galing kanina.

Isang lalaki ang nakasuot rin ng tuxedo at may flower crown na pink at hawak na bouquet ang naglalakad roon. Nasa gilid nya si Jessica at Letty na tila ba ito ang mga magulang na naghahatid sa ikakasal na anak.

"A-adrian?" Punong puno ng pagtataka at gulat ang aking pagkatao ngayon.

Bumaling ako kay Vince at nakita kong nagpupunas na ito ng luha. Si kuya Victor ang best man nya ay tinapik lamang sya sa balikat at ngumiti.

Lumagpas sakeng harapan si Adrian na ngayon ay tinatahak na ang direksyon pa tungo kay Vince. Hindi ko magawang mag salita o kumilos man lang.

Totoo ba ito?

"Wala bang tumututol sa kasal?" Tanong ng pari.

"Wag mong sabihin na tututol ka pa? Ikaw kaya ang dahilan kung bakit sila nagkakilala. Kaya thankful sila sayo" si Nikko ulit.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Ako ang dahil kung bakit sila nagkakilala?

"Vince do you take Adrian as your wife?" tanong ng pari kay Vince.

"I-"

"Wag!" Sigaw ko.

Mabilis ang aking paghinga. Hawak ko ang aking dibdib. Ang bilis ng tibok nito ay tila tambol na nakakabingi.

"L-lianna?" bungad ni Bella pag pasok nya.

"May problema ba?" tanong nito bago tuluyang umupo sa aking tabi.

"Nananginip ako" sabi ko sabay sapo sa aking noo.

Isang masamang panganip. Pero bakit ganun. Sa lahat ng mapapanaginipan ko ay iyon pa? Mariin kong ipinikit ang aking mata ay saka hinilamos ang aking muka. Umiling iling pa ako bago bumaling kay Bella.

"Ano bang napanginipan mo?" tanong nya ulit habang hinahaplos ang aking likod.

"W-wala" sabi ko.

"Sigurado ka? May mga bisita ka. Kanina pa sila sa labas" sabi nito bago tumayo.

"Sino?" Pigil ko sa kanya.

"Yung mga nakilala mo sa Sampaloc" sabi nya bago tuluyang lumabas.

Pinagmasdan ko na lamang sya bago nag pakawala ng malalim na pag hinga. Sa lahat ng araw bakit ngayon pa nila naisip bumisita. Sana ay hindi nila kasama si Adrian. Hindi ko alam kung kaya ko syang harapin matapos ng panaginip na iyon.

Agad kong ginawa ang anong man ginagawa ko tuwing umaga. Naligo at nagbihis bago tuluyang lumabas.

Paglabas ko ay tama ang hinala ko. Andito ang kinakaktakutan ko. Kasama nila si Adrian na ngayon ay nakaupo sa sofa. Suot ang isang puting t-shirt, naalala ko na naman puti ang kulay ng mga suot doon.

Umiling ako dahil sa aking sariling pagiisip.

Fix your thoughts Lianna. Panaginip iyon at hindi mo dapat na iisipin pa. Hindi magpapakasal si Vince kay Adrian. Bakit naman nila iyon gagawin?

"Lianna, nagdala kame ng mga prutas. Padala ito nina mang Delfin" salubong saken ni Jessica.

Yumakap ito ng mahigpit saken at ganun rin ang iba pero nung si Adrian na ang yayakap saken, pakiramdam ko ay naiinis ako sa kanya.

Para kasing totoo na ikakasal sila at ako ang dahilan kung bakit sila nag kakakilala. I can't even imagine Vince doing romantic acts to Adrian, or even doing what we used to do.

Muli ay nasapo ko ang aking noo. Vince and Adrian having sex parang gusto kong masuka.

"May masaket ba sayo Lianna?"

Napalundag ako sa biglang paghawak ni Adrian sa aking balikat. Muli ay huminga ako ng malalim at ipinikit ng mariin ang aking mata.

"Okay ka lang?" Lahat sila ay nagtatanong na saken yan.

"Bakit anong problema?" Sabat naman ni Juan na siguro ay busy sa pagluluto sa kusina.

"Okay lang ako" sagot ko sabay ngiti.

"Are you sure?" Si Adrian

"Y-yeah" sagot ko at tinapunan sya ng isang pilit na ngiti.

Ang tingin ko na talaga sa kanya ay karibal ko at dapat ay naiinis ako sa kanya at hindi ko sya kinakausap.

Paano kung hindi ko iyon pananginip?paano kung talaga, nagkagustuhan sila ni Vince at binalak na nila magpakasal?

"Upo ikaw" alok saken ni Dean.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa upuan nya, gusto kong iwasan si Adrian. Ayaw kong maging tulay sa kanila ni Vince.

"Makapag alok Dean, bahay mo?" Sabi ni Jessica.

"To parang sira" puna ni Letty.

Nagkwento sila tungkol sa mga nangyare sa isla simula nung umalis ako. Na kinakamusta raw ako ng mga tao roon lalo na si Loli.

May pinadala pa nga sya sakeng drawing. May babae sa drawing na siguro ay ako at isang bata na kahawig naman nya.

"Pakisabi kay Loli, salamat ang ganda ng drawing nya" sabi ko at ngumiti.

Muli ay nagtagpo ang mata namen ni Adrian. Alam kong wala syang kasalanan. Hindi naman talaga nangyari yun pero hindi ko maiwasan makaramdam ng inis.

"Naku matutuwa yun at nagustuhan mo" sabi ni Letty.

Natapos ang aming pag kaen at mahabang kwentuhan. Hindi sila pwede magtagal hanggang bukas kaya bago maghapon ay umalis na rin sila para makabalik sa Zambales.

"Bakit mukha kang babadtrip doon sa Adrian. Mabaet naman ah" si Bella.

Sinabi nya iyon habang nag pupunas ng plato bago itaob sa lalagayan.

"Hindi, ikaw kung ano anong napapansin mo. Crush mo no?" tukso ko para kahit paano ay mawala sya sa pagiisip kung bakit ganun ako.

"H-hindi ah" pagmamaktol nya.

Naging maayos naman ang araw na ito para saken. Tama ang hinala ko, simula ng gabi sa isla ay hindi na nya ako ginulo pa. Wala akong ibang balita na nagpunta sya sa cafe o kahit umaaligid rito sa condo.

Sa internet ko lamang sya palageng nakikita, seryoso at susuot ang madilim nya mga mata at ang aurang tila ba nakakatakot. Yun palage ang nakikita kong ekspresyon nya sa mga picture at interviews. Palage nasa tabi nya si ate.

Sa tuwing makikita ko sya o sila na magkasama hindi ko maiwasang  mainis, parating naka lagay ang kamay ni ate sa kanyang braso. Parang ahas nakapalupot. Pero sino ba ako, wala naman akong karapatan. Ginusto ko iyon at tingin ko ay tama naman ang naging desisyon ko. Maayos ang kompanya nila, at maayos naman siguro sya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top