Trenta Otso
Ring
Kalabog ng nababasag na mga gamit at lagapak ng pinto ang aking narinig mula sa kusina. Mabilis na mga hakbang ang aking ginawa habang papalapit ako sa kwarto nya.
"Lianna!" Sigaw ni Vince mula sa loob nito.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kanyang kwarto ng bigla iyong bumukas ng marahas dahilan ng aking pag kagulat. Iniluwa nito ang takot na takot na si Vince. Ang pawis na tumatagaktagk sa kanyang pisngi kasabay ng kanya mabilis na pag hinga.
"Baki-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nya akong kinulong sa kanyang mga bisig. Ang bilis ng tibok ng puso nya ay rinig na rinig ko. Takot na takot sya dahil sa akala nyang umalis ako.
"Don't do that again. I'm scared" sabi nya habang mas hinihigpitan pa ang pag yakap saken.
Dahan dahan kong inangat ang mga braso patungo sa kanyang likod at marahan ko iyon hinaplos pababa at pataas para pakalmahin sya.
"I won't okay? I'm here Vince" malambing kong sabi sa kanya.
Unti unti ay lumuluwag na ang kanya pag yakap saken. Hudyat na tuluyan na syang kumalma. Iniharap nya ako at hinawakan sa aking dalawang balikat. Tinitigan nya akong maige at doon ko na pag tanto ang takot na dulot ng ginawa ko.
"I'm sorry" yun lamang ang tangi kong nasabi.
Umiling sya at ngumiti saken bago tuluyang yakapin ulit.
Isang nasusunog na amoy ang kumuha sa atensyon namen. Shit! yung niluluto ko. Agad ko syang itinulak at tinakbo ang direksyon patungo sa kusina.
"Careful Lianna!" Narinig ko ang taranta nya boses pero hindi ko iyon pinansin.
Agad kong pinapatay ang lutuan at hindi ko na inintindi ang init ng kawali kaya naman na paso ang aking kamay.
"Ouch" agad kong hinipan ang namumula kong palad.
"Damn! What happen?!" Agad nyang hinablot ang ang aking kamay at pinag masdan iyon. Marahan nyang hinipan iyon para mawala ang hapdi.
Namilog ang mata ko bigla nya iyong hinalikan ng paulit ulit.
"I told you be careful" may halo pa ring inis sa kanyang boses.
"I'm sorry" sabi ko pag tapos ay kinagat ang aking labi. Feeling ko kasi ay nakagawa na naman ako ng kasalanan.
"Hmm paano na to ngayon? Sunog na yung hotdog" mejo nag aalangan ako sa aking naging tanong.
"Walang kwenta yang hotdog kung nasaktan ka naman" mariin pa rin ang kanyang pag sasalita.
Galit ba sya?
"Kasi sayang naman!" Tumaas ang boses ko ng sinabi ko iyon.
Pinaghirapan ko iyon lutuin tapos sasabihin nya walang kwenta. Anong gusto nya sabihin na hindi ako marunong mag luto.
May kinuha syang ointment sa first aid kit na nalagay sa isang cabinet. Malamig iyon ng dumampi sa aking palad.
"I'll cook" tipid nyang sabi habang busy sa pag gamot sakin.
"Marunong din naman ako ah" pag rereklamo ko sa kanya.
Ngayon ay nasa sink ako nakaupo at sya nasa harapan ko. At naka kunot ang noo titig na titig sa aking palad. Para bang inis na inis sa kanyang nakikita.
"Tapos ano masusugatan ka lang?!" May banta sa kanya boses.
"Hindi sana ako masusugatan kung hindi ka nagwala doon! Inisip lang naman kita!" Pag sagot ko.
"I'm sorry" sabi nya at tumingin saking mga mata. Puno pa rin iyon ng takot sa nangyari kanina.
"Natatakot ako sa tuwing gigising ako at wala ka sa tabi ko" dagdag nya pa.
Bago ako tuluyang niyakap muli. Ang kanyang baba ay nakabaon sa aking balikat ang dalawa yang kamay ay pagkasilop sa aking likuran.
"I love you" bigla kong sabi.
Pakiramdam ko ay kaylangan ko syang bigyan ng assurance na hindi na ako aalis. Hindi ko na sya iiwanan o hindi na ako pupunta sa kung saan para lumayo sa kanya.
Umangat ang kanyang ulo at nakita ko ang pamimilog ng kanyang mata.
"Say it again" bakas ang pagkamangha sa kanyang boses.
"I love you Vince. I can't wait to be Mrs. Vincente Villabroza" sabi ko bago sya binigyan ng isang ngiti.
Nagulat ako ng bigla nya akong bitbitin mula sa aking puwitan dahilan ng bigla kong pag tili.
"Vince baka mahulog ako" natatawa kong sabi.
"I won't let that happen" direkta nyang sabi.
At umupo sya muli sa sofa katulad ng kagabi. Nakaupo ako sa kanyang kandungan kaya sinamaan ko sya ng tingin.
He chuckle "Wag mo akong titigan ng ganyan".
"Kasi naman ano yung kagabi kasi" hindi ko alam kung saan ako kukuha ng loob para ituloy ang aking mga sasabihin.
Mas lalo syang natawa sa aking sinabi.
"Baby, your mommy thinking about last night. She's naughty right? Gusto mo ba dalawa kayo jan? Para kasing gusto ni mommy na dalaw-"
Hinampas ko sya kanyang balikat dahil sa mga sinasabi nya. Nasa tyan ko pa lang yung bata ay tinuturuan nya na ng mga kalokohan.
"Aray ko naman" pagrereklamo nya habang hindi natatanggala ng ngiti sa kanyang labi.
"Tumigil ka nga Vince" inirapan ko sya habang sinasabi yon.
Kung hindi nya pa kasi titigilan ay mababaliw na ko dahil sa mga ginagawa nya.
God knows how I missed this guy. Pakiramdam ko ay nakauwe ako sa matagal na pag kakawala.
"I changed my scent. Nagtanong ako kay Juan" he said while pouting.
Pinisil ko ang kanyang ilong. Nagtanong na pala sya kay Juan ano pang problema nya.
"Buti pa si Juan alam lahat. Bawat detalye ay kaya nyang sagutin" his twisted.
Kaya nilapatan ko iyon ng isang mabilis na halik dahilan upang namilog muli ang kanyang mata.
"From now on, ikaw na po ang makakaalam ng lahat" mahinahong sabi ko sa kanya.
Muli ay niyakap nya ako at ibinaon ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg at dibdib. Nararamdam ko ang kanyang hininga.
"I love you Lianna" mahina iyon pero tama lang para marinig ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti. I will fight for us, that's for sure!
Hindi ako gagawa ng kahit anong hakbang para masaktan pa sya ulit. Gusto kong ako naman ang maging lakas nya na hindi nya sya matatakot na aalis ako.
Naramdaman kong may kinakapa sya sa kanyang bulsa. Isang maliit at bilog na bagay ang hawak hawak nya ngayon. Simple lang iyon ngunit may maliit na batong kumikislap na nag patingkad ng kagandahan nito.
Hinawakan nya aking kamay ko at dahan dahan nya inilagay ang singsing sa aking daliri.
"Oh my God! This is so pretty Vince" mangiyak ngiyak ako habang pinag mamasdan aking daliri suot suot ang singsing na iyon.
"Pakasal na tayo bukas" bulaslas nya
Dahilan kung bakit hinampas ko syang muli. Uunahan nya pa ang kapatid nya, kaannounce lang ng kasal nina Viena at Nikko tapos gusto nya bukas agad kame. Hindi kaya mabaliw ang mama nya pag nagkataon.
"Ayaw mo ba?" Tanong nya.
"Sempre gusto pero hindi naman agad bukas" pag papaliwanag ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi gamit ang likod ng aking palad.
"Edi ngayon nalang. Tara na" seryoso ang kanyang boses maging ang kanyang mata habang sinasabi iyon.
Nasapo ko ang aking noo at pumikit ng mariin. Mababaliw talaga ako sa isang to. Hindi ako pumayag sa gusto nyang bukas, tapos ipipilit nya na ngayon nalang.
Vince bakit ka ba ganyan?!
"Plaese Lianna ngayon nalang kung ayaw mo bukas?" Pangungulit nya.
"Vince pwede naman kaso wag naman ngayon agad hindi naman tayo nagmamadali" sagot kong muli.
"Hmm mamaya mga 5:00 ng hapon. Para sunset maganda yun" masigla nyang sabi.
"Vince nam-"
"Hindi iyon ngayon. Mamaya pa iyong hapon Lianna. Hindi na ko nag mamadali kasi mamaya pa talaga iyon. May oras pa tayo maghanda" nakangiti sya habang sinasabi saken iyon.
Nababaliw na ang isang to! At ako mababaliw na rin!
"Vince ganun pa rin iyon. Kahit pa mamayang hapon o bukas nagmamadali pa rin tayo" paliwanag kong muli sa kanya.
"Sa isang araw Lianna, sa gabi tayo mag pakasal. Madaming oras na iyon, hindi na iyon pag mamadali" ngayon ay mas lalong naging seryoso ang kanyang boses.
Pakiramdam ko ay hindi na sya nag bibiro pa. Seryoso sya mga binibitiwan nyang salita.
"Vince, gusto ko rin magpakasal sayo kaso magugulat sila. Biglaan to at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mama mo o ni daddy. Hindi nya nga alam na buntis ako" paliwanag ko ulit, tila kaylangan nya maintindihan ang lahat.
"Sasabihin naten, tawagan ko ang daddy mo?" Tanong nya saken.
Huminga ako ng malalim dahil sa mga sinasabi nya. He's hopeless. Alam ko naman kung bakit sya ganyan, natatakot syang iwanan ko sya kaya naman gusto nya talaga makasal na kame.
"Vince, saka naten pag usapan okay? Hindi na kita iiwan promise. Atska... nagugutom na ko" sabi ko upang mag iba ang aming usapan.
Konting pilit nya pa ay bibigay na ko sa gusto nyang mangyari.
"Okay... anong gusto mong kainin?" Malungkot ang boses nya habang tinatanung ako.
Kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit at binigyan ng mabilis na halik.
"Anything na may itlog" sabi ko.
"Baka maging itlog yang baby naten. Sabi ni Juan obsesses ka nga daw sa itlog" mejo natatawa sya sa kanyang sinabi
Sinamaan ko syang tingin at tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kanyang hita. Agad ko syang tinalikuran at sumilay saking labi ang isang ngiti.
Sana ganto nalang kame palage. Masaya kahit nagaaway sa mga simpleng bagay.
"Huli ka" sabi nya habang nakayakap sakin mula sa likod.
"Hindi naman ako natakbo Vince" tinapik ko ang kanyang braso na nakapalupot saken.
"Incase lang" mejo natatawa sya tapos ay hinalikan ako sa leeg.
"Magpadeliver ka ng pagkaen. Gutom na ko" awat ko sa kanya.
Muka kasing ibang pagkaen na naman ang naiisip nya. Kaya dapat ay pigilan ko na iyon.
"Sabi ko nga" sabi nya.
Umupo ako sa high chair habang pinag mamasdan syang umupo sa isa pang high chair. Kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan siguro ang mga pagkaen na pwede nyang orderin.
Ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanya. Mahal na mahal ko ang lalaking nasa aking harapan ngayon.
Bumaling sya saken at pinakita ang screen ng kanyang phone. Tumango ako ng makita ang ilang piraso ng pagkaen na nasa picture na ipinakita nya. Muli ay ngumiti sya saken bago pinindot ang screen ng phone nya. Hindi mo maiwasang mapangiti rin habang nakatitig sa kanya. Humalumbaba ako at ninamnam ang bawat oras na kasama sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top