Trenta Dose
Egg waffle
Uminat ako sobrang haba ng aking tulog mula sa biyahe namen kahapon. Sobrang saket na naman ng ulo ko. Para nanamang pinipiga.
Pumasok ako sa banyo para maligo pero ng maamoy ko ang body wash ko ay bigla akong nagsuka.
Ang baho noon at parang panis ang amoy para saken. Sobrang baho na parang bumabaliktad ang sikmura ko.
"Lianna? May narinig akong tunog. Ano yun?" Pumasok si Bella sa kwarto ko.
Bumaling ito sa direksyon ng banyo at nakitang hawak hawak ko ang aking leeg habang nakatingin sa kanya.
"Shit! Anong nangyare? Juan si Lianna bilis!" Tarantang taranta sya.
"Okay lang ako Bella" sabi ko.
Inalalayan nya ko sa para maayos ang aking tindig.
"Mejo hindi ko lang gusto ang amoy nung body wash" sabi ko sa kanya.
Binuksan nya iyon at agad na inaamoy. Ilang sandali pa humarap na ulit ako sa lalabo at nagsuka dahil naamoy ko na naman.
"Bakit?!" Eto pa ang isang taranta rin.
Inihagis ni Bella ang body wash kay Juan.
"Ayaw nya yan. Bili mo nga ng walang scent kahit jan lang sa baba muna. Maliligo ata sya" utos nito kay Juan.
Bumaling saken si Juan "wala ka ibang gusto?" Tanong nya.
"Hmmm wala naman, ayy ano pala yung itlog na pula. Yung maalat" sabi ko sa kanya.
"Okay, ano pa?" Paninigurado nya.
"Tatawag nalang kame pag may naisip sya" sabi ni Bella kaya umalis na si Juan.
Dali dali sya pumunta sa drawer ko parang may kung ano roon na hinahanap nya.
Isa isa nya inispray ang mga bango. Bawat spray ay tumitingin sya saken.
"Okay lang sayo ang scent pag pang girl" tumango tango pa sya at luminga pa ulit na hagip ng mata ang kulay itim na bote ng pabango.
"Kay Vince to?" Tanong nya.
Tumango ako bilang sagot.
"Aba may gamit ang mokong dito. Matry nga"
Muli ay inispray nya iyon at doon ay muling bumabaliktad ang aking bituka. Tumakbo ako sa lalabo at muli nagsuka.
"Allergic sa pabango ng lalaki, check! Allergic kay Vince, check!" Narinig ko ang tawa nya.
Tila ba inaasar ako.
"Lika na nga muna sa labas naghanda kame ni Juan ng pagkaen" sabi nya.
Kaya sumunod ako palabas sa kanya.
May ilang piritong ham, hotdog, eggs and bacon lahat ata ng klase andoon na. May tinapay at sinagag kanin.
Umupo na si Bella sa silya malapit sa akin at naglagay ng kanin at ilang piraso hotdog don, kinuha nya ang ketchup at inilagay din sa kanyang plato.
Nagmakita ko ito ay para na naman akong masusuka. Tila ayaw kong ng itsura non o kahit ang amoy man lang. Tinakpan ko ang aking bibig para sa nagbabayadyang pag suka.
"Ketchup, check!" Si bella at agad nya inilayo ang ketchup saken.
"Kawawa naman ikaw ang selan mo magbuntis" sabi nya.
"Hindi naman ako ganto sa isla e" sagot ko.
"Bakit ano bang body wash gamit mo doon?" Pagtatanong nya
"Wala sabon lang" nagkibit balikat ako.
"See, oh mya mga pabango ba doon tulad ng kay Vince? It seems like my specific ka lang na amoy na ayaw" Saad nito.
"Wala din" ngumuso ako sa kanya mga sinasabi.
"Oh may nagamit ba ng ketchup doon?" Nataas na ang kilay nito saken ngayon.
"Kina inang Salve, wala never pa ko nakaranas ng ketchup" sagot ko ulit.
"See, sumasaket ang ulo mo dahil sa morning sickness hindi dahil sa hang over hindi mo lang feel doon kasi walang nag titrigger ng pag vomit mo" sabi ni Bella
Tumango tango ako sa sinabi nya my point sya doon.
"So ano balak mo? Pwede ko pa naman handle muna yung Summer ends, if you want para hindi ka mastress"
Humikab ako habang nag sasalita sya. Kinusot ko ang aking mata. Inaantok na nanaman ko kaya pala sa isla kung kaylan ko nalang magustuhang gumising.
"O-okay" tipid kong sagot.
"Hindi mo sasabihin?" Tanong nya.
"What for, I saw sa internet na mukang okay na sila ni ate" Saad ko.
"Yang sabrina yan hindi ko alam kung saan na kuha ng lakas ng loob" pailing iling pa ito habang sinasabi iyon.
Nagkibit balikat nalamang ako sa kanya. Hindi rin alam ang isasagot e.
"So anong plano mo?" Tanong nya
"Back to Normal" sagot ko.
"Paanong back to normal? You mean papasok ka? Paano kung lumaki na ang tyan mo?" Gulatang ang kanyang boses.
"Sempre malalaman ko naman kung malaki o hindi. I mean back to normal, ipapakita ko sa kanya na hindi na ko tatakas pero hindi na rin ako babalik" muli ay sumagot ako.
"Delikado iyang gusto mo Ian. Marape ka lang noon ay bibigay ka panigurado!" Nakasimangot lamang nya sabi saken.
"Bella there is not point to escape lage nya rin naman akong nahahanap. So ngayon, kung alam nya na anjan lang ako. Titigil na iyon" purisigodo akong makumbinsi sya.
"Sana nga!" Tipid ang naging sagot nya saken.
"Tama ba ito mga binili ko?" Tanong ni Juan.
Sabay lapag sa isang paper bag na may lamang kung ano ano. May nakabukod na plastic na nagpasya saken.
"Rice Ian?" Alok saken ni Bella pero umiling ako. Mas gusto kong na pinapak iyon kaysa iulam.
Sinabi ni Bella ang plano kay Juan. Nakita ko kung pano kumunot ang kanyang noo bago bumaling saken.
"No Lianna!" Pagtutol nya.
"Juan, please" magmamakaawa ko.
In the end ay pumayag na rin sya pero sinabi nya kaylangan ay lage akong mag uupdate sa kanila.
Kaya ayun nag kasunod kame sa ibang bagay. May oras lang ako na dapat sundin.
"Nag appointment na rin ako sa OB sabi saken kung gusto raw naten ng private OB Gynae pwede naman sya kaso mag seset tayo ng schedule depende sa free time nya" sabi ni Bella.
Maswerte talaga ako na anjan sila para saken. Inaalala nilang yung mga kaylangan ko kahit hindi ko sabihin.
"Hmmm Juan" may gusto akong sabihin pero nahihiya ako.
"Ano yun?" Ngayon ay napabaling na silang parehas saken.
"Egg waffle" para kasing nahihilig talaga ako sa itlog "kulay blue" dagdag ko pa.
Nagkatinginan silang dalawa at para bang hindi nila alam pareho kung anong sinasabi ko.
"Wait tawagan ko si kuya" sabi ni Bella
Agad nitong tinipa ang kanyang phone. Ilang ring pa ng numero ni Nikko ay sumagot na ito.
"Where are you?" Bungad nya sa kapatid.
Sumenyas ito samen na ilolouad speaker nya para marinig namen.
"School" yun ang unang kong narinig.
"Anong ginagawa mo jan?" Tanung ni Bella
"May hinatid ako" paliwanag nya.
"Tang ina mo Nikko, wag ka manarget ng mga bata" natatawang sabi ni Juan.
Sabay namen syang sinamaan ng tingin.
"Gago! Hoy nakaloudspeak ba ako?" Iritado ang boses nito.
"Wait kuya, bili mo nga ako ng egg waffle kulay blue" pigil ni Bella sa kuya. Iniisip siguro nito na baka pag babaan kame ng tawag.
"Egg... what egg waffle? Ano yun?" Halata po ang pagtataka sa kanyang boses.
"Basta bumili ka kuya. Wag kang pupunta rito ng wala kang dala! Yare ka saken. Damihan mo! Egg waffle kulay blue!" Sabi nya sa kapatid.
Walang boses kong sinabi ang pipino kay Bella. Kumunot ang noo nito nung bahagya hindi ako maintindihan pero nung nakuha nya ay tumango tango ito saken.
"Atska pipino!" Dagdag pa muli nito.
"Buntis ka ba Bella, egg waffle at pipino? Putcha ano ba yun?!" Mejo hestirikal na ang boses nito.
"Baliw ka! Wala naman akong boyfriend!" Agaran nyang sabi sa kapatid.
Nakita ko ang pag iba ng ekspresyon nu Juan. Tumalikod ito at saka uminom ng tubig.
"Ano ba yung egg waffle" usisa ni Bella saken.
"Kulay orange yun, na bilog nakita ko sa internet kanina may kasamang suka at pipino. I think egg waffle yun kasi di ba yung waffles sa mall ganun din hotdog or cheese lang minsan ang nasa loob pero yun ay egg kaya sigurado akong egg waffle iyon pero gusto ko ay blue. Ang pangit ng orange" sabi ko
"Oh kuya narinig mo?" Habang sapo sapo ang kanyang noo.
Nakita ko namang pinapahidan ni Juan ang kanyang bibig. Naibuga nya ata ang tubig na kanyang ininom.
"Pambira! Kwek kwek lang pala! May egg waffle ka palang nalaman. Sya bibili ako, pero walang blue ganon, bye" at tinapos na nya ang tawag.
"Jusko Lianna aatakin sa puso ang hindi dapat atakihin. Kwek kwek yun hindi egg waffle" natatawa nitong sabi.
Hindi ba iyon egg waffle? Hindi ba ganun rin yung tinda sa malls hotdog lang laman pero waffles ang tawag.
Ngumuso ako dahil sa aking naiisip at sa reaksyon ng mga kasama ko sa bahay.
Sige na nga hindi na egg waffle. Kinamot ko ang aking ulo, tila naiinis din sa sariling pagiisip.
"Egg waffle" maliit ang boses ni Juan habang natawa sa sinabi.
Ang isang tong nakakainis hindi maka move on. Inirapan ko lamang sya. Pag sya na ang naposisyon ko tatawanan ko rin sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top