Trenta Cinco

Scent

Nakalipas na ang isang linggo. Naging okay naman kame ni Adrian, madali nyang nakuha ang mga dapat matutunan tungkol sa cafe. Mejo naging close na rin kame. Actually, mabaet pala talaga sya, minsan lang supalado lalo na pag sinusubukan nya mag focus sa isang bagay.

Naisip nya rin na imbes recorded na kanta yung pinapatugtog namen dito sa cafe bakit hindi kame magkaroon ng two to three hours na jamming session pag hapon. Bagong marketing strategy para may maiba naman sa cafe.

"Ang galing mo talaga sir" puri ni Bea habang napalakpak.

"Okay last song na po" sabi ni Adrian habang hawak ang microphone.

"Para to sa babaeng nakatayo doon. Bagay sayo ang kulay pink" sabi nya sabay kindat.

Tinuro ko ang sarili ko para sa kompirmasyon. Tingin ko kasi kahit may ibang naka pink dito ay ako lang tinutukoy nya.

Pumikit ito at dinama ang kanyang gitara. Kinalog kalog ako ni Bea na kilig na kilig sa boses ni Adrian.

"I could be the man who grows old with you"

Nakatingin sya saken habang sinasabi ang mga salitang yon. Ang lamig ng  kanyang boses ay bumabagabag saken. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya at alam kong hanggang doon lang iyon.

"Take out yan"

Pamilyar na boses ang kumuha ng atensyon ko. Napalunok ako ng ilang beses habang tinitingnan sya. Ilang linggo na mula ng araw na iyon, at ngayon nakita ko ulit sya.

"V-Vince?" Maliit ang aking boses habang pinag mamasdan sya nakatingin sa counter.

Bakit sya andito. Anong ginagawa nya dito. Dahil ba sa akin?

Lumingo ako sa labas at umuulan na naman. Bumili ba sya rito dahil ito ang pinakamalapit at ayaw nya ng lumayo dahil sa malakas na ulan. Gusto kong isipin na sana ay dahil saken.

Napalundag ako sa aking kinatatayuan ng bigla syang lumingon saken. Nahuli nya ang aking mata. Matagal syang tumitig saken bago nag pakawala ng isang ngiti kahit kaylan hindi ko pa nakikita. Ngiting walang halo ng pang hihinayang.

"Thank you everyone!" Maligayang sabi ni Adrian.

Lumingon si Vince sa kanya at saka bumalik saken ang tingin. Hindi ko na napansin ang presensya ni Adrian na ngayon ay nasa aking harapan.

Nagiwas na ng tingin si Vince at kinuha nya ang kanyang order bago tuluyang umalis. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya at ang kanyang sasakyan. Ni hindi man lang ito lumingon pang muli saken.

"Okay ka lang?" marahan ang boses na gamit ni Adrian.

"O-oo naman" sagot ko.

"Pupunta ba tayo sa party bukas?" Tanong nya saken.

"Oo naman, para kay Nikko at Viena naman ang pag punta naten" sabi ko bago nagiwas ng tingin.

Pumasok at sa office at naramdaman ko ang pag sunod ni Adrian saken. Pumunta ako sa lamesa ko at ganon rin ang kanyang ginawa. Tumingin ako sa kanya saglit bago tuluyang kinuha ang aking mga gamit bago lumabas, ganun rin ang ginawa nya.

"Sabay ka na?" Tanong nya.

"Sige" tipid kong sagot at pinagmasdan lang si Bea na tinatapos na ang kanilang mga ginagawa.

Tumango ako sa kanila bilang pag nagpaalam. Bumaling ako kay Adrian ng binuksan nya ang pinto para makapasok ako. Sasabay ako sa kanya dahil sira na naman ang kotse ko. Palage yung natirik sa tuwing may importante akong lakad.

"Bumili ka na kaya ng bago" bungad saken ni Adrian habang minamaeneobra ang kanyang sasakyan.

"Saka na siguro. Magleleave na din naman ako next month hindi ko na rin magagamit" paliwanag ko.

Talaga naman kasi kung bibili ako ay hindi ko na magagamit pa iyon. Kasi pag tumigil ako sa bahay sigurado naman ako mag papadeliver nalang ako ng mga kaylangan ko at kung lalabas man ako ay bihira nalang.

"Sabagay, if that's the case sumabay ka nalang muna saken" si Adrian.

"Hindi ba hassle sayo yun?" Tanong ko sa kanya.

"Of course not Lianna. Hindi ka magiging hassle saken" sagot nya saken habang nakafocus ang mata sa aming dinadaanan.

"T-thankyou"

Naiisip ko talaga sobrang bait nya saken. Ngayon na aalis na si Bella para tuparin ang pangarap nya. Si Juan naman minsan ay busy na rin, madami din syang ginagawa sa trabaho at inaasikaso nya ang therapy ni manang. Humihina na kasi ito dala na ng katandaan.

"Kung papayagan mo lang ako Lianna, handa kong akuin ang responsibilidad sa baby" si Adrian.

Matagal akong tumitig sa kanya, hinihintay ko na sabihin nya na nagbibiro lamang sya pero hindi na iyon ginawa. Tumahimik lamang sya hanggang sa makarating kame sa parking lot ng building.

"Lianna seryoso ako" sabi nya pag tapos nya ipark ang kotse.

"Adrian kasi" kinagat ko ang pang ibabang labi pinigilan ko ang sarili ko na mag salita ng kung ano.

"It's okay Lianna. Hindi naman kita pipilitin" sabi nya ulit bago ngumiti saken.

Lumabas sya para pag buksan ako. Pero pag labas namen isang lalaki nakatayo sa kanyang kotse, hindi kalayuan mula sa pinag parkingan ni Adrian.

"Ayaw mo na saken dahil sa kanya?" His baritone voice filled the whole parking area.

"Lianna tumaas ka na" utos ni Adrian saken.

"Wow at magkasama na kayo sa condo?! Nasaan na yung hindi pwede dahil ayaw ng daddy mo? It is only applicable to me?! Huh! Lianna! Saken lang ba?!" Namumuo ang galit sa kanyang boses.

Kala ko kanina nung umalis sya ng cafe ay hindi ko na sya makikita pero eto sya ngayon sinisigawan ako. Alam ko kung saan sya nang gagaling. Nasaktan ko sya kaya nya nasasabi ang mga iyon pero ang akala ko ay tumigil na sya.

"Oo magkasama na kame! Ano naman ngayon?!" Agarang sagot ni Adrian.

Namilog ang mata ko dahil sa naging sagot nya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob para sumabat sa kanila.

Isang mabilis na suntok ang iginawad ni Vince kay Adrian. Nakatulala pa rin ako at hindi ko alam kung paano ako magrereact sa kanilang dalawa.

"Tang ina mo! Kung mahal ka hindi ka iiwanan" Si Adrian ang sumigaw noon.

"Gago ka! Anong gusto mong sabihin ikaw ang mahal!" Matawa tawa ang boses ni Vince habang pinupunasan ang labi at muling sinutok si Adrian.

"Oo ako ang m-mahal! Kaya nga na s-saken di ba?! Kasi ako ang m-mahal!" Sagot muli ni Adrian. Habang hindi sya tinitigilan ng suntok ni Vince

Paano nya nakukuhang tumawa habang wala awa syang sinusuntok ni Vince. Ang mala demonyong aura ni Vince, sa ilang beses na pag wasiwas ng kamao ay dugo ang kapalit sa tuwing tatama ito kay Adrian.

"Vince tama na!" Sa wakas ay nag kalakas ako ng loob sumigaw.

Ang mga butil ng luhang umaagos sa aking pisngi ay ebidensya ng halo halong emosyon na nararamdaman ko. Takot, dahil sa nakikita ko si Vince na ganun. Nagagalit, ako dahil sa ginagawa nya at awa para kay Adrian pero hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Hindi sya sasaktan ni Vince kung hindi nya sinasabi ang mga salitang yon.

"Please tama na" maliit na ang boses ko ngayon.

Halos mawalan na ako ng lakas para pigilan sila.

Narinig ko ang malakas na halakhak ni Adrian ng tuluyan na syang bitawan ni Vince. Halos duguan na sya pero nakukuha nya pa ring tumawa.

"Gusto mo na talaga mamata-"

"Vince tama na" pigil ko sa amba nya muling pag suntok.

"Tama na please" dagdag ko pa.

Sinipa nya ang kotse na malapit sa kanya at sinutok iyon. Sumigaw pa sya sa sobrang galit na hindi ko alam kung paano ko pa kokontrolin.

Agad akong lumapit kay Adrian para punasan ang mag sugat nya. Marami sya galos at pasa lalo na sa muka nya. Pero nakukuha nya pa ring ngumiti saken.

"L-lianna gusto ko sayo marinig mismo" si Vince.

"Totoo ba ang mga sinabi nya? Mahal mo sya kaya sya ang kasama mo" tanong nya.

Ang kaninang galit nyang boses ay napalitan na ng lungkot ngayon. Hindi ko sya magawang lingunin man lang. Hindi ko kayang makita sya.

"Adrian kaya mo bang tumayo?" tanong ko kay Adrian na ngayon ay inilalagay ko ang kabilang braso sa aking balikat.

"Mabigat ako" yon lamang ang tangi nyang naisagot saken.

"Ang tinatanung ko ay kung kaya mong tumayo" Sabi ko.

Isang halakhak ang aming narinig.

"Ano hindi mo narinig ang tanong ko! Putang ina Lianna! Titigil na ako sagutin mo lang! Sya na ba ang mahal mo? Habol ako ng habol sayo na parang aso, matinong sagot lang hindi mo mabigay!" Si Vince ulit.

Nakatalikod na kame sa kanya ngayon at hawak ko na si Adrian sa kanyang byewang. Dahan dahan kameng humakbang ayaw kong sagutin ang tanong nya kasi hindi ko kaya sabihin na hindi ko sya mahal. Hindi ko kayang pati sarili ko ay lokohin ko na rin.

"Lianna! Hanggang kaylan mo ako gagawin tanga?!" Sigaw nya.

Bigla nya akong hinigit dahilan kung bakit nabitawan ko si Adrian. Isang aray lang narinig ko mula sa kanya. Hindi ko na initindi ang iba nyang sinabi nung kinulong ako ni Vince sa kanyang mga braso.

Umikot ang tyan ko dahil sa kanyang amoy. Pilit kong pinipigilan ang bibig sa pagbuka dahil sa nag babadyang pag suka.

Shit! yung amoy nya. Bakit ngayon pa? Baby please wag naman ngayon. Mamalaman ng papa mo ang tungkol sayo.

"Lianna papakawalan kita please sabihin mo lang saken na sya na ang mahal mo" ang boses nya nagsusumamo ay dumudurog saken.

Pero hindi ko na mapigilan ang nararamdam ko. Agad ko syang itinulak at tumakbo sa isang sulok. Doon ko isunuka lang lahat kinain ko maghapon.

"Shit!" narinig ko ang bulaslas ni Adrian.

Pinunasan ko ang paligid ng labi ko gamit ang likuran ng aking palad. At dahan dahan akong humarap sa kanya. Ang gulat nyang muka nya tumambad saken.

"Gago ka!" muli nyang bulaslas at hinarap si Adrian para suntukin muli.

"Vince tama na kasi!" Pigil ko muli sa kanya.

Taas baba ang kanyang balikat ramdam ko ang galit na namumuo sa kanya.

"Kaya ba hindi ka makabalik balik saken?!" Sigaw nya.

"Buntis ka ba at sya ang ama?!" Dagdag nya.

Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko akalain na kaya nya akong pagbintangan ng ganun. Muli ay nilapitan ko sya at ginawaran ng isang malakas na sampal. Gusto ko ulit sumuka nga maamoy ang pabango nya pero nagibabaw saken ang galit.

"Anong nangyari dito?" Mahinanong bungad ni Juan na kalalabas lang ng kotse.

"Tulungan mo nga ako dito Juan" sabi ko.

Ibinaling ni Juan ang tingin nya saken at hindi na pinasin ang presensya ni Vince. Agad nyang inalalayan ang ngayon ay duguan na na si Adrian.

"Gagamutin ko ang tatay ng anak ko" pinal ko sabi habang nakatingin kay Vince.

Nakita ko ang pamimilog ng mata ni Juan pero hindi na ito umimik bagkos ay dinala nya nya si Adrian patungo sa elevator. Tinalikuran ko na rin si Vince at sumunod sa kanila.

Sino sya para pag bingtangaan ako at isipin na nabuntis ako ng iba. Ganun ba kababa ang tingin nya saken. Pinalis ko ang mga luha nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi na rin umimik pa si Juan at Adrian.

Isipin nya ang gusto nyang isipin. Wala syang karapatan sabihin saken ang mga salitang yon. Hindi nya malalaman na sya ang ama ng batang to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top