Quatro
Picture
Sinubukan ko ang ibat ibang bagay na pedeng gawin dito sa villa.
Ako ang nagluto ng tanghalian. Naglinis din ako ng konti. Mga bagay na hindi ko naman nagagawa dahil sanay akong may tumutulong palage.
Gumising nga ako ng maaga kanina dahil gusto ko sanang sumama kay Juan pero hindi ako pinayagan ni manang at ayaw rin ni Juan puro lalaki raw ang kasama nya at baka mabastos lang ako.
Isang pulang bikini ang aking suot ngayon nag pasya ako mag swimming sa hapon na ito.
Hindi na ganong kasaket sa balat ang sikat ni haring araw.
Inilubog ko ang aking katawan at nag umpisa na sa pag langoy.
Nakutawa ako sa nakikita ko sa ilalim ng dagat. Andito pa lamang ako sa mababaw na parte pero napakaganda na nito.
Oh nasa mababaw pa nga ba ako?
Nagpasya akong umahon at napansin Kong mejo malayo na ko sa villa. Hindi naman siguro yun masama.
Nagfloating ako para makita ang malawak na langit. Nakaka kalma ang bawat dampi ng tubig sa aking balat at ang malakaw na himpapawid.
Totoo palang nasa paraiso ako. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaan lang ang ang tubig kung saan ako balak nitong dalhin.
Ilang sandali pa isang tunog galing sa motor ng kung ano mang sasakyan pandagat ang tila papalapit saken.
Hindi ko iyon pinasin masyado akong abala sa sarap na nararamdaman ko sa piling ng tubig dagat.
Tingin ko ay tumigil ito sa hindi kalayuan saken at isang malaking bato ang bumagsak doon.
Iminulat ko ang aking mata. Doon lang ako natauhan na masyado akong nalibang at malayo na ang aking narating.
Ngayon ay tinigil ko na ang pag fofloting ko. Tanging ang aking leeg at ulo nalang nakikita sa dagat.
Isang lalaki ang patungo saken at mabilis na nilalangoy ang kinaroroon na ko.
Umahon ito sa tapat ko para maging magkalevel kame.
Nalilisik ang kanyang mga mata tilay ba galit na galit sa kanyang nakita. Mabilis din ang paghinga nito dahil sa pag baba taas ng kanyang balikat.
"Oh ikaw pala yan. Anong ginagawa mo rito"
"Ano bang pumapasok sa isip mo ha!"
Oh bakit nagagalit ang isang to?
Pinagtaasan ko sya ng kilay.
"Gusto ko mag langgoy. May problema ba doon? Nasa beach tayo. Sayang naman kung hindi ko mararanasan ang luma-"
Hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil agaran nya akong niyakap.
Mahigpit iyon at mukang takot na takot sya sa kung ano mang bagay.
"Vince are you okay?"
"Let's go"
Hindi sya tumingin saken. Hinawakan nalang ang kamay ko at dinala ako sa kanyang jetski.
Mabilis nya itong pinaandar patungo sa pampang.
"Apeng jusko anong nangyare?" Salubong samen ng mejo may katandaan babae.
"Wala po nay. Pakibigyan sya ng tuwalya at mainit na maiinom"
Apeng? Ang baho ng palayaw ha.
"Now, speak." Mataas ang tingin nya saken. Para bang may Mali akong nagawa sa kanya.
Andito na kame sa sun lounger. May maliit na lamesa sa pagitan namen.
"I said speak!" Tumaas na ang boses nito.
"Bakit ba nagagalit ka?"
Hindi ko na talaga alam sa tao to kung ano bang kinagagalit nya.
"Really? Liana? You think suicide is a key?"
Nasapo ko ang aking noo.
Oo marahil ay sobra akong naaliw sa pag fofloting at hindi ko namalayan na malayo na pala ang narating ko.
Pero hindi ako magpapakamatay.
"Naaliw lang ako sa dagat at mejo... napaidlip"
Manipis na ang kanyang labi tila pilit nya pinipigilan ang galit. Isang madilim na aura nag bumalot sa kanya. Tilay ba nauubos ko na ang lahat ng pasensya nya pera sa raw na ito.
"You what?... Napaidlip?!" Sarkastiko nya sabi.
Problema nito?
Last time I check hindi ko naman kame close. Bakit ba ganto sya saken? Hindi ko na lamang sya papansinin. Kaylangan ko nga makaalis dito. Gabi na siguradong hinahanap na ko ni Manang Emelda.
"Anyways, thank you. I'll go ahead"
Lalagpas ko na sana sya ng bigla nya Kong hinila pabalik sa kanya.
"Sorry"
Agad syang tumayo at tinalikuran ako.
Ano Yun? Nagalit tapos nag sorry? At iniwan pa ko rito.
Inilibot ko nalang ang aking mata sa loob ng resort nya.
High end iyon at tingin ko ay para lamang sa mga elite. Hindi kasi ganong ka crowded ang lugar at para sa gantong magandang hotel at Isla marahil ay Mahal ang bayad at sempre may bilang lang ang Tao na pwede.
May malaking pool din para sa mga ayaw maligo sa beach. Kumpleto rin sila sa pasilidad. May gym at mag boutiques. May spa rin sila.
Big time ang loko!
"Jusko ma'am... nakita ko rin kayo" isang hinihingal na babae ang lumapit saken.
Iniwan nya sa ere ang kanyang palad pahiwatig ito na wag akong aalis. Ng isa naman nyang kamay ay kahawak sa kanyang dibdib.
Isang light brown na polo shirt at chocolate brown na cargo short ang uniform ng mga empleyado rito. May nakalagay rin silang chocolate brown na scarf may light brown linings sa kanilang leeg.
Noreen.
Yun ang pangalang nakalagay sa name plate nya.
Hinahabol nya ang kanyang hininga. Mukang kaninan nya pa akong hinahanap.
"Eto raw ho ang pamalit nyo sabi ni Apeng"
"Apeng?"
Parang narinig ko yun kanina hindi ko lang maalala kung sino at kung saan.
"Si sir Vince ho. Ay ma'am pag kabihis nyo ay dumiretso ho kayo sa resto"
"Okay" inabot nya saken ang paperbag na hawak nya.
"Excuse me" sabi ko para pigilan sya sa pag alis.
"Noreen, right? Where can I change?" Tanong ko sa kanya.
"Yes po ma'am. Room 306 ma'am. Sorry po nakalimutan ko sabihin. Ito para ang room key nyo" Sabay abot naman nya ng card key saken.
"Ay ma'am baka magulat kayo ha. Room po yun ni sir Vince fully booked po kasi kame ngayon at walang bakanteng room para magbihis kayo. Sige po alis na ko"
At mabilis na syang nag laho as paningin ko.
Room daw nino? Ay bahala na nga.
Sumakay ako sa pinakamalapit na elevator. Pati elevator nila ay sadyang napakaganda. Transparent ito dahil para makita mo pa rin ang dagat at ang halos kabuoan ng resort.
"302? 303?"
Binabangit ko ang bawat pintong aking madadaanan. Habang nakarating ako sa dulo.
Agad kong inilapat ang card key sa pinto nito.
Tumambad saken ang magandang tanawin mula sa kabilang dako ng isla.
Salungat sa kabila ay mapuno ito ngunit tanaw pa rin ang kalahati ng dagat. Tanaw rin rito ang villa namen. Hindi pala talaga kalayuan sa resort nila.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang buong kwarto. Maganda ito at sobrang linis.
Napukaw ng isang litrato sa gilid ng kama ang aking mata.
Tinagilid ko ang aking ulo.
Isang babae ang nakayakap sa kanyang byewang at mukang sobrang saya nila rito.
Maputi ang babae. May mga perpektong kurba ng katawan. Matangos ang ilong nito at may magandang mata.
Nasa isang resort din sila pero tingin ko ay hindi iyon dito. Ibang ang lugar at desensyon ng mga structurak sa picture.
"Girlfriend nya siguro ito. Maganda ang taste ng mokong babae"
Ngayon ay pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan. May maganda rin akong kurba ng katawan. Pero hindi kalakihan ang boobs ko. Tingin ko ay wala itong binatbat sa babae sa picture.
Nagpasya na ko maligo muna sempre hindi lang ako basta magpapalit.
Pero okay lang naman siguro gamitin ko ang body wash nya di ba?
Magagalit kaya yung babae sa picture?
Ilang sandali pa ay natapos ako sa paliligo. Pakiramdam ko ngayon ay kaamoy ko na sya.
Ang bango ng body wash nya. At halatang panlalaki. Well, what his expecting me to do? Just change into this clothes? Otherwise, wala na rin naman syang magagawa. Nagamit ko na atska para namang may choice ako.
Naghalikwat ako sa drawer nya kung ano mang pwede kong gamitin like suklay o kung may hair dyrer sya.
Habang sinusuklay ko ang buhok ay may napansin ako sa gilid ng drawer.
Kinuha ko yun at pinagmasdan mabuti. Isa iyong singsing. Engagement ring I guess? So baka yun ang celebration para bukas.
Well, she a lucky girl. Wag lang tingnan yung ugali ng Vince na yun ay talagang masasabi kong swerte nga sya.
Those people who enjoys to meddle with my personal problems, I don't find them interesting. So far, two times na syang nakikialam and I don't like it. I hate it, perhaps!
"Joanna?"
Binasa ko ang pangalan na naka engrave sa singsing. Siguro ang babae sa picture ay si Joanna.
Joanna? Liana? Sounds like. But... still I hate him!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top