Quarente

War

"Oh my Lianna!" Salubong saken ni Jessica.

"Sana lahat ng buntis kasing ganda mo" bati ni Letty saken pag katapos nya akong yakapin.

"Ang payat pa rin" Sabay hawak ni Jessica sa aking byewang.

"Kayong dalawa niloloko nyo ako. Nag gain na nga ako ng about 3kls ata based sa check up namen kahapon" paliwanag ko sa kanila.

"Hindi halata" sabi ni Dean

"Wala ka bang mairereto saking chicks jan?" Pag bibiro ni Ash.

Sa totoo lang namiss ko rin sila kahit saglet ko lang sila nakasama sa isla. Mabait naman kasi sila at madaling pakisamahan.

"Tumigil ka Ash sa kahibangan mo" saway ni Dean sa kanya.

"Alam mo ikaw kaya wala kang girlfriend. Napakaseryoso mo" sabi ni Ash at sinabayan iyon ng pag iling.

"Gago!" Tipid na sagot ni Dean pero halata mo ang inis doon.

"Wala ka pa bang girlfriend Dean?" Tanong ko sa kanya.

"Paano nga magkaka girlfriend? Napaka-"

Sinubuan ni Dean si Ash ng piraso ng bread toast para matigil ito sa pag sasalita.

"Yaan! Napakadaldal mo kaya wala ka ring girlfriend!" Si Dean

Natawa kameng tatlo dahil sa kanilang ginagawa. Ang kulit nila at ang saya pag kasama sila ay iba para saken. Matagal pa kameng nagusap at nag tawanan siguro nakailang set na kame ng order na pagkaen pero wala pa rin kameng kabusugan.

"Ano Adrian nilamon na ng office. Hindi na marunong iwanan ang trabaho" bati ni Dean sa kanya at pinaupo sya sa tabi nya.

Ngayon ay magkaharap kame at nakatingin sya saken.

"Isa pa tong walang girlfriend. Alam mo minsan natatanong ko na rin ang sarili ko. Gwapo naman ang mga kasama ko at talented pero bakit walang magkakamali? Hindi kaya maliit ang a-"

Pinaltok sya ni Ash ng piraso ng tinapay bago ito ng salita.

"Try me Jessica!" Mapanghamon ang boses ni Ash kay Jessica 

Matagal kameng natulala sa kanilang dalawa. Tila hindi namen naintindihan agad ang kanilang tinutukoy. Tumawa ng malakas si Letty na ang pagising sa mga diwa namen.

"Ewan ko sayo Ashton" tanging nasabi ni Jessica habang namumula ang kanyang pisngi.

Muli naman ay natawa kame dahil sa sinabi nya. Hindi nagtagal ang pagkikita namen sempre may mga kaylangan pa silang ayusin bago umalis. Pag balik daw nila ay bibisita ulit sila saken. Kung papayag daw sempre si Vince na sa condo naman.

"Bye ingat kayo ha" sabi ko.

"Ikaw rin wag kang masyadong maistress ha. Maging masaya na kayo ni Vince" paalam saken ni Dean bago tuluyang umalis.

Kumaway naman ako sa kanila ganun rin ang ginawa nila.

"Bye Lianna" sigaw pa ni Jessica.

Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan ang kotse nilang papalayo na.

"Lianna?"

Nagulat naman ako sa biglang pag sasalita ni Adrian sa tabi ko. Kanina pa sya tahimik at hindi umiimik.

"Masaya ka ba?" tanong nya

Kumunot ang noo ko sa kanya habang tinitingnan sya. May kung ano siguro ang bumabagabag sa kanya kaya naman hindi naglaon ay nginitian ko sya.

"Oo naman, bakit mo naman nagtanong?" Masaya kong sinabi

"Kung ganun? Dapat na ba akong sumuko at hayaan ka kay Vince? Isa ba ako sa iniisip mo kaya hindi mo magawang pakasalan sya?" Bakas ang lungkot sa kanyang boses.

Hindi ko maiwasang titigilan sya ng matagal. Hindi ko naiisip na may nasasaktan ako. Si Adrian ay isa rin sa mga taong anjan para saken nung wala si Vince. Kaya hindi ko maiwasang malungkot pag nasasaktan sya.

"Adrian... may mga bagay kasi na kaylangan munang ayusin namen ni Vince. Wag mo na akong isipin. Masaya ako sa kanya. Buo na ang desisyon ko na ako naman ang lalaban, ako naman ang magiging lakas nya. Alam mo kung bakit, si Vince takot sya. Takot na takot sya kaya naman handa akong tanggalin ang takot na iyon. Masaya ako sa kanya. At gusto ko ikaw rin ay maging masaya na huh" sabi ko.

Tinapik ko ang kanyang balikat bago tuluyang bumalik sa loob ng cafe. Mataas pa kasi ang sikat ng araw sa labas kahit malameg na ang simoy ng hangin.

"Mahirap yata ang sinasabi mo Lianna pero susubukan ko. Ang malaman na masaya ka, para saken ay... masaya na rin ako" sabi nya.

Muli namilog ang mata ko ng inakbayan nya ako sa huli ay natawa nalang kameng parehas.

"Minsan lang, dapat wala si Vince" pabiro nyang sabi

"Gusto mo ulit hindi ka makalabas ng condo mo?" Natatawa kong sabi

Last time kasi bugbog sarado kasi sya at  ngayon ay eto na naman sya tila hindi nadadala. Sana lahat ay kagaya ni Adrian at Mia na pag masaya na ang mga taong mahal nila ay handang magparaya.

Sa ngayon alam ko ay busy na rin si Mia at nasa ibang bansa rin sya. Umattend kasi sya ng despida party ni Bella nung isang araw. Ang balita ko ay magiging magkatrabaho ata sila.

Nagusap kame at humingi sya ng tawad dahil pinalayo nya ako kay Vince. Hindi nya raw inisip na baka totoong mahal ako Vince, dapat daw ay hindi na nya iyon sinabi saken pero sa totoo mas okay na nalaman ko iyon.

"Lianna, hindi ba tayo mag papromo ngayon christmas?" tanong ni Adrian ng makapasok na kame sa loob ng cafe.

Magaling sya sa marketing strategy. Kaya naman mas gumanda ang sales ng cafe simula nung maging manager sya.

"Kung tingin mo ay makakabuti. Subukan naten" sagot ko sa kanya.

"Hmm totoo ba? yung kapatid mo ay nagpakamatay?" tanong nya.

Kumunot ang noo ko dahil sa bigla nyang tanong. Paano nya iyon nalaman? Sabagay sa mundong ito, pag nasa taas lahat ng bagay tungkol sa iyo ay nakikita ng tao.

"Oo" tipid kong sagot.

"Nagwala iyon rito bago lumabas yung balita na nag suicide sya" hawak nya ngayon ang isang papel tinititigan nya iyon habang sinasabi saken ang nangyare.

"Bakit hindi nyo agad sinabi saken?" Sabi ko.

Hindi ko alam kung mahinahon pa rin ba o may inis na ang boses na ginamit ko roon. Basta ang alam ko ay tama ang mga bumabagabag saken nung isang araw pa.

Handa akong lumaban para kay Vince, ang maging lakas nya pero hindi iyong may naapakan kameng tao.

"Because I think it is something that I can handle. Hindi na kita dapat istorbohin pa sa mga ganun bagay kasi akala ko ay isang customer lang na nagwawala dahil sa order nya pero nalaman kong hindi pala kaya sinubukan ko nalang sulusyunan" paliwanag nya.

"Ano namang sulusyon ang sinabi mo?"  Tanong ko.

Huminga ako ng malalim. Ang isipin nag wala rito si ate ay tama talaga ang hinala ko. Hindi nya hinahabol si Vince dahil lang gusto nyang makalamang saken o gusto nya ang bagay na meron ako. Hinahabol nya si Vince dahil mahal na nya ito. Hindi ko maiwasang mag isip ng ganun pero sa mga sinabi ni Adrian tingin ko ay tama talaga ako.

"Tumigil na sya. Pareho lang kame ng sitwasyon na naghahabol sa mga taong mahal namen na hindi kame kayang mahalin pabalik. Kaya tumigil nya sya, hindi ko naman alam na ang pakakaintidi nya sa salitang tumigil ay patigilin ang buhay nya" may halo ng pag sisi sa kanyang boses.

Siguro ay naisip nya na kasalanan na rin iyon. Pero hindi, wala syang kinalaman rito at hindi na iyon dapat nararamdaman pa.

"Adrian wala kang kasalanan okay? Kakausapin ko si ate" sabi ko at agad tumayo.

"Sasamahan na kita" agad nya sabi saken.

"No, this is my war Adrian" sagot ko 

"Pero delikado kung pupunta ka mag isa Lian-"

Hindi ko na sya pinatapos at agad lumabas para humanap ng taxi masasakyan kaylangan ko na makausap si Ate. Hindi pwedeng habang buhay ay dadalhin namen ang galit sa mga puso namen.

"Lianna sasamahan kita please" si Adrian

Hinabol nya pala ako hanggang rito sa labas.

"I said no! Laban ko ito. Kung hindi ko ito tatapusin ngayon kaylan pa" sabi ko sabay para ng isang taxi.

Binuksan ko ang taxi at tumingin ako kay Adrian bago tuluyang umalis. Bakas sa muka nya ang pag aalala pero hindi ko iyon ininda.

"Saan po tayo ma'am" tanong saken ni manong.

"California garden manong" sagot ko.

Hindi na muli pang sumagot si manong saken at ginawa nalang nag normal nyang ginagawa.

Ang nasa isip ko lang ay kaylan ko ng kausapin si ate ngayon para matapos na ito. Naiinis akong isipin na mahal na talaga nya si Vince kaya sya nag kakaganyan.

Ilang minuto rin ang aming nilakbay. Hindi kasi rush hour ngayon kay naman hindi traffic.

"Thank you po" sabi ko.

Andito na sa labas ng gate ni daddy. Matagal na rin nung huli kong punta rito. Hindi na ako bumalik simula nung umalis ako.

"Ma'am Lianna?" Naaalangan na boses ang narinig ko sa aking likuran.

Lumingon ako para tingnan kung sino iyon.

"Hello ate Lydia andjan ba si ate sa loob?" tanong ko.

"Ay opo. Tara po pasok nasa pool side siguro sya. Ipaghahanda ko ho ba kayo ng meryenda?" Nakangiti nitong tanong saken.

"Hindi na ate Lydia katatapos ko lang po" ngumiti ako sa kanya bago kame tuluyang pumasok.

Nagulat ako kasi iba ang guard na nasa gate buti nalang pala nakita ko si ate Lydia kung hindi mahihirapan siguro akong makapasok o baka hindi na ko makapasok.

Sinabi nya sa bago guard na ako ay amo din nila. Napakadaldal talaga nya lahat nalang ay binubungangaan. Namiss ko rin sa bahay na ito bukod sa malulungkot nakaranas ay masaya rin naman ako rito. Binati nila ako at ganun rin ako sa kanila.

Agad naman akong nagtungo sa pool side at andoon nga si ate Sabby, nakahiga sa sun lounger sa ilalim ng isang malaking payong at may hawak na wine. Agad kong nakuha atensyon nya kaya nawala agad ang ngiti sa labi nya. Tumayo sya para harapin ako.

"Anong kaylangan mo?!" Matapang agad ang naging bungad nya saken.

"Gusto kong matapos na ito ate. Ang pagkuha mo sa mga bagay na gusto ko. Hindi ka ba nagsasawa na nang aagawa ka nalang palage?" Mahinahon pero may diin ang bawat salita ko.

"How dare you! Wala akong inaagaw sayo. In the first place wala namang sayo! Ginagamit mo lang ang bata sa tyan para kaawanan ka!" Si ate Sabrina

Bakas ka muka nya ang galit saken. Pinilit kong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Ate tama na please tama na! Mahal ko si Vince at handa akong lumaban para sa kanya!" Sabi ko.

Pinipigilan ko pa rin ang magtaas ng boses sa kanya dahil ate ko pa rin sya.

"Mahal ko rin sya Lianna! Hindi lang ikaw ang pwedeng magmahal sa kanya. Kaya pwede ba?! Tantanan mo ako sa kaartehan mo" si ate at halata na ang galit sa bawat salitang binibigkas nya.

Nagulat ako ng humakbang sya papalapit saken at hinila ang buhok ko.

"Malandi ka! Iniwan mo sya ng durog na durog para makipaghalikan sa lalaking ngayon ay manager mo na tapos heto ka sasabihin mo saken mahal mo sya! Mahal mo lang sya pag maayos sya pero pag wasak sya madali sayo ang iwanan sya" sinasabi nya ang mag iyon habang walang tigil akong sinasabunutan.

"Tama na ate!" Sigaw ko sabay kalas sa kanya. Ngayon ay magulo na ang aking buhok. Nakita ko ang tumutulong dugo mula sa kanyang braso. Nakalmot ko ata sya para makawala ako.

"Hindi mo alam ang pinagdaan ko at pinang gagalingan ko kung bakit ko iyon na gawa! Wala kang alam Sabrina! Kaya wala kang karapatan nasabihin saken na mahal ko lang sya pag maayos sya! Wala kang alam!" Pasigaw ko na iyong sabi na makakuha ng atensyon ng mga katulong.

Nanunuod lang sila samen at tila ayaw makialam sa kung ano man pinag aawayan namen. Ang iba sa kanila ay mga lumang katulong na kaya sanay sila na inaaway ako ni ate Sabrina.

"Oo aaminin ko. Nung una ay gusto sya dahil sayo. Ayaw kong nakikita kang masaya. Gusto kong palage kang wasak. Ang mga ngiti mo para saken ay bangungot! Pero nung iniwan mo sya, nakita ko kung paano ka nya minahal kung paano sya masira ng dahil sayo tapos malalaman ko na nakipaghalikan ka sa iba! That's bullshit Lianna! Kaya hindi ako papayag na basta basta mo lang sya makuha saken!" Sigaw nya

"Kung ganon, hindi ko na naiisip pa kung anong mangyayari sayo. Magpapakasal ako kay Vince kahit masaktan ka pa! Kung hindi ko rin lang makukuha ang kapayapaan na gusto kong ibigay mo saken. Ay hindi bale nalang" matigas kong sagot sa kanya bago ko sya talikuran 

"Hindi ka magiging masaya Lianna ipinapangako ko iyan" si Sabrina

Tumigil lang ako saglet sa aking paghakbang bago tuluyang umalis. Pinalis ko ang mga luhang nagbabayad saken mata. Hindi ito pwede tumulo. Kinalma ko ang sarili bago naghanap ng masasakyan pauwe kay Vince. Uuwe ako sa kanya ng wala ng iniisip na ibang taong masasaktan.

Magiging masaya ako, maging masaya kame at sinisigurado ko iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top