Onse

Art of seduction




    Panibagong araw naman. Day off ko ngayon. Tuwing martes ay pinipili kong magpahinga. Wala kasing gasinong tao pag gantong araw.

Naligo at magbihis pupunta ako sa mall ngayon para mamili ng mga gamit para sa aking pag pipinta.

Isang crop top shirt at high waisted pants ang suot ko ternohan pa ito ng white na sneakers at isang maliit na sling bag.

Nang makarating ako sa mall ay agad akong nag tungo sa paborito kong shop.

Pumipili ako kung hardwood panels ba o canvas? Since ito ang una kong painting na mabebenta I want to my painting to last at least a decade. I've decide to pick some hardwood panels with different sizes.

Otherwise, hardwoods are less popular painting surface for acrylics but I want to gamble. This time, I will gamble no matter what are consequences.

Bumili rin ako ng bagong supplies ng acrylic paints, paintbrush, artist palette at kung anong tingin ko ay kakaylangan ko.

Mukang napadami ata ang pinamili ko kaya nagpasya akong dahilin muna ito sa kotse bago ako bumalik sa loob para sa ibang gusto kong gawin.

"Ma'am tulungan na ho namin kayo" isang staff ang lumapit saken.

"No thanks kaya ko naman" ayaw kong mang istorbo pa kahit natrabaho pa nila mas madami silang dapat uunahin.

Konti nalang at mararating ko ang kotse ko ng bilang may bumungo saken.

"Oh I'm sorry"

Mabilis kong dinampot ang mga nahulog na brush at kung ano ano pa.

"Mag ingat ka kasi sa susunod" mejo iritado kong sabi sa kanya.

"I'm sorry hindi kita napansin agad"

"Yun na nga e titigin ka sa dinadaanan mo mister okay?"

" I'm really sorry"

Kinuha nya ang ilang paper bag. Sumunod sya saken patungo sa kotse ko.

"Lexus by the way" nakalahad pa ang kamay nya pero hindi ko iyon tinangap.

Busy ako sa pag maayos ng mga pinamili ko sa loob ng kotse.

"Lianna" tamad king sagot kahit hindi nakatingin sa kanya.

"Oh" he chuckled "hobby or passion?"

Hindi ulit ako umimik. Pakialam nya ba? Naihatid nya na ko. Natulungan na nya sempre quits na kame di ba? Ano pang ginagawa nya rito?

"We own a company"

Well, kame rin. I mean si papa pero may business akong akin.

Agad kong sinarado ang pinto ng kotse ko. May mga gusto pa kong bilhin para hindi na ko lalabas maghapon dahil gusto ko mag focus sa pag pipinta.

"I can recommend you to my mom. We'er organizing events like that or we have an own art gallery I can give you a slot"

Pinagtaasan ko lamang sya ng kilay. Mamaya scammer ang isang to.

"Okay, I'll give two slot" nanunuya ang kanyang tingin "what do you think? It's my way of saying sorry"

Naglahad sya ng kamay muli saken.

"Lexus Galvez" mejo nag tagal yun sa ere.

"Fine. Lianna Ordineza" I rolled my eyes.

"Nice name. Can I come you with?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit sya sasama saken? Close ba kame?

"Oh here's my calling card"

Tinangap ko iyon at inilagay sa wallet ko.

Muka naman syang mabaet, hindi lang siguro maganda yung first meeting namen.

Great opportunity nito para ma purse ko yung matagal ko naman na talag gusto.

Nakagaan ko sya ng loob sa ilang oras na pag buntot nya saken.

Chef pala sya at nag babakasyon lang dito. Gusto kasi ng parents nya na itake over na nyang ang company nila. Nag cacater sila ng mga big events meron din sila sa advertising basta all about social gatherings.

Sabi nya pwede daw akong maging endorser sa commercials pag may nag pa advertise daw sa kanila magsabi daw ako kung gusto ko.

"Hindi ako mahilig sa mga ganun Lexus"

"Just give it a try"

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya.

"Independent woman, single, may sariling negosyo at maganda. Madaming articles ang magsulat tungkol sayo"

"Alam mo ikaw, ninenegisyo mo ko. Now I know, kung bakit ka pinipilit ng parents mo na mag handle sa company nyo"

Tuloy lang kame sa pag kaen. Mejo ginutom ako sa pamimili. Dahil sa mga napagusapan namen nagkaroon ako idea tungkol sa gagawin kong painting.

I'll give it a try. Ilalabas ko sa painting na yun ang saya ng isla. Kung paano ko ito gustong balikan.

Nagpaalam na kame sa isat isa. Text ko na lang daw sya kung kaylan ko ipapasa ang gawa ko.

Ilang miss call galing kay daddy ang nakaregister sa cellphone ko pero may isa doon na unknown. It only ranges for three minutes.

I ignored that and dial daddy's number.

"Thank God tumawag ka"

"May problema ba daddy?"

"Wala naman. Andito ako sa cafe akala ko andito ka" narinig ko ang pag buntung hininga nya.

"Daddy it's tuesday"

"Yeah I forgot" I heard him chuckled

"Hmm daddy? I'll give a try. The art gallery thing"

"Really? That's great news Lianna. Should I call people to help you?"

"No dad, may slot na po ako. Ako na ho ang bahala. I'll update promise"

"Well, If you need anything. Just tell me okay?"

"Yes daddy, I will" and he end the call.

Kahit noon naman ay hindi ako pinakitahan ni daddy ng masama natatakot lamang syang iwan nina tita Adel kaya hindi nya ako masupportahan pero ngayon ramdam ko ang buong supporta nya saken.

I faced my hardwood pannel pinili ko yung may katamtamang laki lang para masukat ko kung alin mas okay gamitin  yung malaki o sa maliit lang.

My hand started to stroke lines out of nowhere.

Lumipas ang mga sandali at unti unti na lumilitaw ang detalye ng paintings ko.

Ito yung green hawksbill turtle na nakita ko sa ilalim ng dagat sa Amanpulo. Para bang ibinabalik ako ng sarili ko sa mga oras na iyon.

Ang kulay torguiose na background ay nag paalala saken ng tubig roon. Sa ibabaw ng tubig dagat ay ang nag aagawang kulay. May parteng malaapoy ang kulay na nag patinggad sa kulay kahel na kalangitan. Ito yung apoy na inaabot ko habang nasa tabi ni Vince.

Ang nakakapasong apoy ngunit hindi ko na kinakatakutan. Hahawakan ko na ito kahit masaktan pa ako.

Ang mga butil ng dagat na umaagos sa kanyang katawan ay ginawang kong desenyo sa dagat na tilay krystal ang tubig dahil sa pagtama ng papalubog na araw.

Tiningnan ko itong mabuti. Sa unang tingin ay parang isang scenery lamang ang aking iginuhit pero kung titigan itong mabuti ay maaakit ka.

Ang unang painting na ilalagay ko sa isang art gallery.

Art of seduction.

At si Vince ang inspiration ko pero sempre wala akong pag sasabihan. Walang ibang makaaalam.

Pinicturan ko ito ay isend kay daddy. Hindi pa ito sobrang detalyado pero gusto kong sya ang unang makakita.

I received a message from him telling me that he is proud of me. Na excited na sya makita nakapaskil at pinagkakaguluhan ang gawa ko.

Unlike sa sinend ko kay papa nilagyan ko ito ng madidilim na ulap na may pero hinaluan ko pa rin ng yellowish na kulay para mag mukang nag aagaw ang dilim at liwanag.

Tinagilid ko ang aking ulo upang mas mapagmasdan ang sariling gawa.

Muli ay tumunog ang aking cellphone. May tumawag pero agad rin itong nawala.

Kinuha ko ang wallet ko upang tingnan kung si Lexus iyon bago ko ulit tawagan kung sya nga pero hindi number iyon ni Lexus. At isa pa kung sya iyon ay tiyak na magtetext iyon para ipaalam saken.

Ngumuso ako at iniisang tabi na lamang iyon. Kung sino man sya ay bahala sya sa buhay nya.

Pinagtunan ko muli ang aking paintings tiningnan ko kung okay na ba ito? May dapat idagdag or uulitin ko ba ulit? parang may off kasi somewhere sa  part ng langit. Mejo okay naman na sya tama lang ang combination ng colors pero alam mo yun may parang may kulang.

My phone beeps. I saw a notification from Sabrina Ordineza. Maybe she post something on her social media, I just ignore it.

Binaling ko muli ang tingin sa aking ginagawa. Pag iisipan ko nalang ulit o baka uulitin ko parang may kulang talaga.

Nagkibit balikat na lamang ako. Pinagmasdan ko ang laylay ng aking damit at ang aking balat. Sobrang dumi ko may mga ibat ibang kulay ng pintura ang saking damet kahit naka apron ako ay may mga nakapuslit pa rin. 

Tuwing mag pipinta ako ganto ang nang yayari kaya may mga stock aking damet na gumagamit ko lang pag magpipinta.

Pag katapos ko iyon gamitin ay pinagdidiskitahan ko naman ang damet para gawan ng desisyon pede kasi iyong gawin pambahay kung sakali.

Naligo at nagbihis ng damit pang tulog. Isang parehas ng pajama at long sleeve ang aking suot tinangal ko ang aking bra. Nakasanayan ko na iyon dahil ang tuto ni mama ay upang makahinga naman iyon kapag matutulog ako at iwas din daw sa breast cancer.

Ginawa ko ang normal skin care routine ng bilang tumunog na naman ang cellphone ko galing sa isang pamilyar na unregistered number.

Nagtaas ako ng kilay dahil mejo napatagal yata ito ngayon. Pero tulad ng mga na una namatay rin iyon.

Na pabugtong hinga ako. Kung sino ma sya? At kung anong kaylangan nya ay hindi ko rin alam.

After a while my phone beeps again.

Unknown Number:

I miss you.

Kumunot ang noo ko sa aking na basa? Muli ay isang mabigat na pag hinga ang aking pinakawalan. Si Brix lang siguro ito at nalasing naman.

Umiling nalang ako, binalot ko ng kumot ang aking katawan. Tanging ilaw nalang ng lampshade ang aking nakikita. Hinayaan ko na lamang lamunin ako ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top