Bente Quatro

Decision




      "Oh anong ginagawa mo rito?"

Bumungad sakin ni Juan pag bukas nya ng pintuan. May dala akong unan na yapos yapos ko ngayon.

"Si manang?" Saad ko.

"Nasa kwarto nagpapahinga na. Bakit ba?" Tanong nya ulit.

Isinarado nya ang pinto ay sumunod saken. Kinusot nya ang mata marahil siguro ay antok na.

"Makikitulog ako" sagot ko agad na nagtungo sa kwarto ni manang.

Iimik pa sana pero sinarado ko na ang pinto ng kwarto.

"Lianna halika ka, gusto mo ba tumabi saken"

Matanda na talaga si manang. Maputi na ang kanyang buhok at halos kulot na balat mejo pumayat rin sya pero sabi naman ni Juan ay maayos na ang lagay nya.

"Opo" sagot ko at tumabi na sa kanya "manang kamusta po kayo?" Tanong ko.

"Okay naman ako anak. Magaling si Juan mag alaga isa pa mabisa ang mga gamot at vitamins na  irereseta ng doktor ko"

Umayos na ito sa pag higa. Ngayon ay pareho na kame. Nakatingin kame pareho sa kasime.

"Manang paano nyo po masasabing tama ang isang bagay?"

Mahigpit kong hinawakan ang aking Kumot ganun pa rin kame ni manang nakatingin sa taas.

"Pag maganda ang naging resulta. Pag naging mas mabuti iyo para sa iyo" sagot nya.

"Paano nyo po malaman ang resulta" may pagtataka sa aking boses.

"Lianna hindi mo naman agad malalaman ang resulta. Oras ang makakapagsabi noon. Ang mahalaga ay pipiliin mo palage ang tama at ang dapat mong gawin" nilingon ko sya.

Bigla kong naisip minsan ba sa buhay ni manang ay sinubukan nyang piliin ang mali. Na maging makasarili.

"Kahit po masasaktan kayo? Kahit po maaring ikadurog nyo iyon?" Tanong ko.

"Oo Lianna kahit ikadurog mo iyon. Kung iyon ang tama bakit hindi. Kung iyon ang mas mabuti para sa nakakarami bakit hindi. Ang mahalaga ay nasa tama ka"

Hinila nya ako papalapit sa kanya at ikinulong sa kanyang bisig. Ganun rin ang ginawa ko niyakap ko sya pabalik.

"Kahit po ang kapalit ay sarili mong kaligayan? O ang masaktan mo sya sa magiging desisyon mo?"

"Oo" hinaplos nya ng dahan dahan ang aking buhok "Lianna kung ano man ang gumugulo sayo. Piliin mong gawin ang tama ha. Maghihilom rin ang mga sugat, darating din ang panahon na para sa iyo, ang mahalaga ay ang ngayon at kung paano mo pinili ang tama kaysa magsisi ka habang buhay dahil naging makasarili ka"

Para akong binubuhas ng malameg na tubig dahil sa mga sinasabi ni manang. Tama sya I need to make my decision now. I need to choose even it will break us... or even me.

I can afford to be a burden to everyone. I can't be happy when everybody suffers just because we want to be together.

"I love you manang" at mas hinigpitan  ko pa ang yakap sa kanya.

Hinaplos nya ng marahan ang aking buhok. Tila hinehele ako sa bawat pag bagsak ng kanyang palad sa aking buhok.

Kaya ko ba?

Pinikit ko ang aking mata hinyaan kong kahit ngayon man lang ay makatulog ako ng payapa. Pakiramdam ko ay matagal na uli bago ko iyon magawa.

Tuluyan na kong nawalan ng ulirat at hinila ng antok sa kung saan. Payapa at magandang mundo na tanging sa pananginip ko lang ata malalasap.

Tumama sa balat ko ang sinag ng araw galing sa bintana. Ang kulay puting kisame ang unang nasilayan ng aking mata.

Kinusot ko ang mata ko at inaangat na ang sarili sa kama. Wala na si manang roon. Siguro ay gising na sya.

Humakbang ako palabas ng kwarto tumambad saken ang nagsasayaw na si manang. Ginagaya nya ang step na napapanuod sa TV. Kaya nya pa pala mag zumba. Siguro ay rekomendasyon iyon sa kanya ng doctor.

Nakasuot sya ng neon pink na sando at black na leggings may head band din sya na pink.

"Lianna gising ka na pala. Halika rito at samahan mo ako" maligaya nya bati saken.

Umiling ako habang nakangiti bilang sagot sa kanya.

Pumunta ako ng kusina sigurado akong andoon si Juan. Dinampot ko ang isang mansanas at kinagat ito. Napabaling ako sa kanilang kalendaryo.

September 19 ****

Bukas na pala. Birthday na nya bukas.

"Tuloy pala ang birthday ni Vince bukas?"

Kinuha nya ang atensyon ko sa kanyang biglang tanong.

"Ah oo" sagot ko.

"May isusuot ka na? Hindi ka ba aalis ngayon. Sumama kay Bella" suhesyon nya.

"May gagawin ako Juan" mabilis kong sagot sa kanya.

"Akala ko ay hindi na matutuloy ang party bukas" Saad nya habang inaayos ang pagkaen sa lamesa.

Agad ko naman syang dinaluhan at tinulungan sa pag hahanda.

"Bakit hindi matutuloy?" Kuryoso Kong tanong.

"Hindi nya ba sinasabi sayo?" Halata ang gulat sa kanyang boses "Oh hindi man lang ba nakakarating ang balita sayo?" Dagdag nya pa.

"Hindi" tipid kong sagot kahit na alam ko na ang totoo.

Gusto ko pa rin ng kumpirmasyon mula sa ibang tao. Ayaw kong basta pagkatiwalaan ang mga sinabi ni Mia kahit pa alam kong totoo talaga iyon at maaring hindi sya nagsisinungaling para lang maghiwalay kame ni Vince. Gusto kong isipin mabait talaga sya at concern sya saken.

"Wala sya sa focus. Napapabayaan nya ang trabaho nya Lianna. Nagkakagulo sila ni Victor dahil ayaw nya ayusin ang mga plano nya. Padalos dalos sya, sumusugal sya kahit walang kasiguraduhan" sabi nya.

"Paano walang kasiguraduhan?" Kumuha ako ng kanin at inilagay sa plato na para kay manang.

"Nakita mo na siguro si Viena? Ikakasal yun sa isang malaking supplier ng furniture. Mula sa hirap yung lalaki at yumaman lang dahil sa pagsisikap. Ngayon ay pinagkakaguluhan dahil sa nangunguna sa larangan industriyang ginagalawan. Fixed marriage iyon" pagkekwento nya saken.

"Ano namang kaugnayan yan kay Vince?" Agaran kong tanong.

"Yun na nga. Napilitan yung kapatid nya na magpakasal para sa kompanya nila pero heto si Vince at unti unti hinihila pababa ang negosyo... dahil sayo"

Namilog ang mata ko sa mga sinabi nya. Bakit dahil saken. Anong kinalaman ko roon. Ngayon ay malinaw na saken ang gustong sabi ni Mia. Tama sya, dapat ay iwan ko si Vince. Piliin ko kung ano ang tama.

"Nababaliw sya sayo Lianna na hindi nya makuhang isipin ang sakripisyo ng iba. Wala syang pakialam sa mangyayari sa iba. Ang mahalaga lang sa kanya ay ikaw".

Pinalis ko ang luha kong hindi alam kung kaylan nag umpisang tumulo. Kasalanan ko ba lahat? Pero sabi ni Mia hindi nya ako mahal, dahil si Joanna ang tunay nyang mahal. O baka dahil nasaken ang puso ng babaeng minamahal nya kaya sya ganun.

Naiinis akong isipin na lahat ng sinabi ni Mia saken ay tama.

At tama rin si manang. Piliin ko kung ano ang mas makakabuti para sa nakakarami.

"Oh bakit ka naiyak Lianna. Anong ginawa mo rito Juan?"

Lumapit saken si Manang at inalo ako.

"Wala ho manang. Nagaasar lang ho kame" niyakap ko si manang.

Batid ang pagaalala sa mga titig ni Juan. Marahan syang tumango at bumulong sa hangin na okay lang iyon, anjan sya para saken.

"Manag thankyou po. Aalis na ko ako may pasok pa ho ako" pag sisinungaling ko.

Nagpaalam ako sa kanila. Dumiretso ako sa aking kwarto binalot ng tubig mula sa shower ang aking buong katawan.

Tatapusin ko na ito ngayon araw. Bukas bago sumikat ang araw, pipiliin ko ang tama at makakabuti para sa lahat kahit ang kapalit noon ay ang pagkadurog namen parehas.

Oras lang ang makakasagot at maghihilom rin ang mga sugat. Kung hindi ngayon ay kaylan pa?

Bago pa lumala ay dapat gawan ko ng paraan. Kahit anong gawin ko ay wala akong ibang choice kundi ang iwan sya.

Mahal ko sya pero hindi ko kayang piliin ang mali kaysa tama. Na maging masaya habang nag hirap ang iba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top