Bente Nueve
Chocolate
"Wag kayong lumikot! Natatakot ako sabi" pagmamaktol ni Jessica.
"Isa Ash! Papatayin kita" sabi naman ni Letty.
At ako heto hindi pa rin tumutuloy sa hangin bridge.
"Scared.... To fall?" Nakatayo si Adrian sa harap ko.
"No I'm not!" Matapang kong sagot.
"Pakshit ka Ashton!" Napalingon kame sa kabilang dulo ng bridge at nakita kong nakarating na si Dean at Ash doon tuwang tuwa sa dalawang babae nasa gitna pa rin ng tulay.
"Then, let's go" alok nya sa kanyang kamay.
"Hindi nga ako sabi na tatakot kaya bakit ako hahawak sayo!" Mejo iritado ako sa kanya.
Nagumpisa akong humakbang habang naririnig ko ang pagtawa nya.
Umirit ako at muntik ng matumba ng biglang ginalaw muli ng kung sino ang tulay.
Nasambot ako ni Adrian, ngayon ay nasa bisig na nya ako. Nakatitigan kame hindi ko alam kung bakit ganun sya saken.
"Ay sorry clumsy ako!!" Sigaw ni Ash mula sa kabilang dulo.
"Hindi na nakalog yung tulay baka gusto nyo ng pumunta rito o iiwanan na namen kayo?" May halong pang aasar sa boses ni Jessica.
Nagtikim baga ako inaayos ang sarili mabilis akong lumakad at lumayo sa kanya. Naiinis ako.
I'm not afraid to fall why whould I?
"Ah shit!" Nabulalaslas ko
"Kala ko ba hindi ka takot" dumaan sa gilid ko at ibinulong saken iyon.
Uniwan nya akong nakatutulala.
Ugh! Buset kala ko mabaet hindi pala!
Nakarating kame sa isang lagoon o lagoon ba ang tawag doon?
Basta pabilog ang itsura nito ay may isang agusan patungo sa kung saan. Ang katamtaman taas fall ay bumungad samen.
Ang lutiang paligid at sikat ng araw sa natumatatagos sa mga siwang ng puno ay tumatama sa aking mata.
Hinila ni Adrian ang kanyang puting tshirt mula sa kanyang likod. Tumambad sa aking prim nya mga muscles at ang matipunong katawan.
Ganun din ang ginawa ng iba pa. Suot ni Letty ang isang kulay black na One piece samantalang naka yellow two piece si Jessica ang katawan nilang dalawa ay talaga ka hanga hanga.
Hindi ko na naman maiwasang ikumpara ang aking dibdib sa kanila. Kinagat ko ang pangiibang labi dahil sa inis. Bakit ba hindi ako biniyayaan.
Tunog ng tubig ang gumising sa aking pagiisip. Nagdive pala si Ash mula sa isang mataas na bato.
"Lianna take it off!"
Ilang araw na ko dito pero hindi ko sigurado kung nakita na ba nila akong naka swim suit.
"Common!" Sabi ni Letty.
Huminga ako ng malalim at saka hinubad ang aking damet. Nakasuot ako ng isang kulay puti na two piece.
"Laro tayo!" Pag nayaya ni Dean.
"Sige sige. Oh ayan Adrian may kakampi ka na" agad hinigit ni Jessica si Dean.
Tapos is Letty ay agad puwesto sa batok ni Ash.
"Ready na kame!" Sigaw ni Letty.
"Teka ano bang laro?" Mejo naguguluhan ako.
"Gayahin nyo lang kame" sagot ni Ash.
"Tapos ang unang matumba sa tubig ay talo at gagawa ng isang dare. Pero halimbawa ay natalo kayo pipili kayo kung sino ang unang gagawa ng dare o ang unang mag truth, gets?" Sabi ni Jessica na pinupwesto ang sarili kay Dean.
"At sempre kung dare ang pinili ay sa partner lang nila iyon pwede gawin" dagdag ni Letty.
Nasa tubig na si Adrian ngayon tilay hinihintay lang na sumakay ako sa kanyang balikat.
"Sige na Lianna. Wag kang Kj!" Sigaw ni Letty.
"Go on!" Utos saken ni Adrian.
Sigurado akong matatalo kame palage.
Ipinuwesto ko na ang sarili sa kanyang balikat. Ang aking dalawang binti ay hawak na ngayon ni Adrian para hindi ako mahulog ang aking kamay na nakapatong na sa kanyang ulo.
"Kumapit ka wag papatalo" narinig ko sabi nya.
"Gameeee!" Sigaw ni Jessica.
Tulad ng inaasahan kame ang unang natalo.
"Truth or dare?" Tanong ni Ash.
"Wait, sino muna ang una?" Pigil ni Dean
"Ako" sagot ni Adrian.
"Okay, so ikaw tatanungin ko Lianna. Truth or Dare?" Tanong ni Jessica
"Truth" tipid kong sagot.
"Eto ang twist before sagutin ang tanung o gawin ang dare iinom muna ng isang shot" sabi ni Dean kaya inabot nya kay Adrian ang isang shot ng alak.
"Naka move on na?" Tanong ni Jessica
"Oo" tipid nitong sagot.
"Yun! Tropa ko yan. Graduate sa pagiging marupok"
Paulit ulit ang nangyare minsan natalo rin ang iba. Marami akong nalaman sa kanila dahil sa larong iyon, diretso pa rin kame sa paglalaro.
Natalo sina Jessica at pinili ni Dean na ang truth.
"Oh Jessica crush mo pa si Adrian?" Tanong ni Letty.
"Oo! Pero hindi ako desperado. Mas okay pag real pero hindi naghahabol" matapang nyang sagot.
Siguro ay lasing na ang isang to. Ako man ay mejo tipsy na din.
"Oh last na!" Sigaw ni Ash
"Game!" Hindi ko alam kung bakit pati ako ay nakikisigaw na rin.
Siguro yun ang dahilan kung bakit natalo kame. Natawa ako sa sariling pag iisip.
"Truth or Dare?"
"Dare" sabi ni Adrian
"Okay okay" sabi ni Dean sabay abot saken ng isang basong alak.
Iinumin ko na sana iyon ng biglang pinigilan ako ni Jessica.
"Wait lang girl" Saad nya.
Inabot nya saken ang isang maliit na piraso ng chocolate.
"Ano to?" Tanong ko.
"Body shot! Body shot! Body shot!" Sabay sabay nilang sabi.
"Ikaw magdesisyon kung saan mo gustong ilagay. Common, Adrian lapit lapit din!" Pang aasar ni Dean.
Kinuha ni Adrian ang piraso ng chocolate at inilagay iyon sa may leeg nya. Itinagilid nya ang kanyang ulo para hindi iyon malaglag.
"Mygod! Sa leeg shit!" Kinikilig na sabi ni Jessica.
Wala namang sigurong masama dahil katuwaan lang ito, laro lang hindi naman kame ni Vince.
Ininom ko ang isang shot ng alak at tapos ay inilapit na ang mukha ko sa kanyang leeg. Nakita ko ang pagtaas pababa ng kanyang adams apple.
Lumapat ang labi ko sa kanyang leeg upang makuha ko ang piraso ng chocolate.
Malakas na sigawan ang aming narinig. Nag umangat ako ay isang pamilyar na lalaki ang natanaw ko sa hindi kalayuan.
Nakatingin ito samen, pamilyar ang maitim nitong aura. Ang mga mata nitong malalim ay ngayon ay puno na ng dilim. Mabilis itong lumakad palayo.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko rin sya natawag at hindi ko rin alam kung anong gagawin.
"Lianna?" Tanong ni Adrian saken bago tuluyang nilingon kung saan ako nakatingin.
Pero huli na hindi nila nakita kung ano ang nakita ko.
Hindi ako pwede magkamali si Vince iyo.
Anong ginagawa nya rito? Paano nya ako nahanap.
Atsaka paano kung nakita nya iyon? Ano naman kung nakita nya nga? Wala na kame.
Pagkatapos noon na ay nagpasya pa silang tumigil saglet para magpalipas ng hang over. Dilim na ng makauwe kame.
Luminga linga ako para hanapin ang taong dapat ay kanina ko pa hinanap. Ngunit bigo ako wala akong makita Vince o kahit anino nito.
Ugh! Nakakainis na hinahanap ko sya o baka dahil sa kalasingan kaya nakikita ko na sya kung saan saan.
Niyakap ko ang aking sarili, baka nga dahil sa epekto ng alak kaya ko sya nakita. Sana nga iyon ang dahilan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top